text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang proporsiyon ng populasyon sa umuunlad na mga bansa na namumuhay sa kasukdulang kahirapang pang ekonomiko ay bumagsak mula 28 porsiyento noong 1990 hanggang 21 porsiyento noong 2001.
|
Ang karamihan ng mga pagbuting ito ay nangyari sa Silangang Asya at Timog Asya.
|
Sa Silangang Asya , iniulat ng World Bank na ang " rate ng kahirapan sa lebel na $ 2 kada araw ay tinayang bumagsak sa mga 27 porsiyento noong 2007 at bumagsak mula 29.5 noong 2006 at 69 porsiyento noong 1990.
|
Sa Aprikanong Sub - Saharano , ang kasukdulang kahirapan ay tumaas mula 41 porsiyento noong 1981 hanggang 46 porsiyento noong 2001 na nagsasama ng lumalagong populasyon na pinadami ng bilang ng mga tao na nabubuhay sa sukdulang kahirapan mula 231 milyon hanggang 318 milyon.
|
Sa mga simulang 1990 , ang ilang mga transisyong ekonomiya ng Sentral at Silangang Europa at Sentral Asya ay nakaranas ng isang malalang pagbagsak sa sahod.
|
Ang pagguho ng Unyong Sobyet ay humantong sa malalaking pagbagsak ng GDP kada capita o mga 30 hanggang 35 porsiyento sa pagitan ng 199 at hanggang sa 1998.
|
Dahil dito , ang mga rate ng kahirapan ay tumaas rin bagaman sa mga kalaunang taon , dahil ang mga sahod kada capita ay nakarekover , ang rate ng kahirapan ay bumagsak rin mula 31.4 % ng populasyon hanggang 19.6 %.
|
Ayon kina Chen at Ravallion ang mga 1.76 bilyong tao sa umuunlad na mga bansa ay nabubuhay ng higit sa $ 1.25 kada araw at ang 1.9 bilyong mga tao ay nabubuhay ng mababa sa $ 1.25 noong 1981.
|
Ang populasyon ng mundo ay tumaas sa loob ng 25 taon.
|
Noong 2005 , ang mga 4.09 bilyong tao sa mga umuunlad na bansa ay nabubuhay ng higit sa $ 1.25 kada araw at ang 1.4 bilyong tao ay nabubuhay ng kaunti sa $ 1.25 kada araw.
|
Ang parehong datos noong 1981 at 2005 ay nasa basehang isinaayon na implasyon.
|
Ayon sa ilang mga skolar , ang pagbabawas ng kahirapan ay hindi pantay sa buong mundo.
|
Ang mga bansang sumasagana sa ekonomiya gaya ng Tsina , India at Brazil ay nagkagawa ng higit sa pagsulong sa pagbabawas ng absolutong kahirapan kesa sa mga bansa sa ibang mga rehiyon ng mundo.
|
Ang proporsiyon ng populasyon ng mundo na nabubuhay sa gma bansa kung saan ang kada capita na suplay ng mga pagkain ay kaunti 2,200 kaloriya ( 9,200 kilojoules ) kada araw ay nabawasan mula 56 % noong mga gitnang 1960s tungo sa kaunti sa 10 % noong mga 1990.
|
Ang mga katulad na pagtungo ng pagbabawas ay napagmasdan rin sa literasiya , pagkakaroon ng malinis na tubig at elektrisidad at mga basikong pangkonsumong bagay.
|
S.
|
Sa Estados Unidos , ang dalawang magkatunggaling mga paliwanag ng sanhi ng kahirapan ang mga paliwanag na indibdwalistiko at istruktural.
|
Ayon sa paliwanag na indibidwalistiko ( pagsisi sa biktima ) sa loob ng Estados Unidos , ang isang tao ay mahirap dahil sa mga personal nitong katangian na kinabibilangan ng katamaran , kawalang motibasyon , mga lebel ng edukasyon at iba pa.
|
Ang isang bersiyon ng paliwanag na ito ang kultura ng kahirapan na nagsasaad na ang mga taong mahirap ay may isang ibang hanay ng mga pagpapahalagang kultural na nagsasanhi sa kanilang maging mahirap.
|
Ang mga taong nasa mahirap na pamilya ay inilalarawan ng ilan na nagpapakita ng mga saloobin ng pagsuko at pagsasatadhana sa kapalaran.
|
Ang paliwanag na istruktural ( pagsisi sa sistema ) na sumusunod sa teoriya ng alitan ay nagsasaad na ang kahirapan sa Estados Unidos ay nagmumula mula sa kawalan ng pantay na ekwalidad at kawalan ng mga trabaho.
|
Kabilang sa mga problemang ito ang diskriminasyon sa lahi , etnisidad , edad at iba pa.
|
Ayon sa sosyologong si Fred Block at iba , " ang karamihan sa ating mga patakaran ay hindi tamang nagpapalagay na maiiwasan ng mga tao o malalabanan ang kahirapan sa pamamagitan lamang ng pagsusumikap.
|
Ngunit ang pagpapalagay na ito ay hindi pumapansin sa mga realidad ng ating nabibigong mga paaralang urbano , pagtaas ng mga kawalang kaseguraduhan sa pagtatrabaho , at kawalan ng makakayang pabahay , pangangalagang pangkulusugan at pangangalagang pambata.
|
Hindi nito pinapansin ang katotohanan na ang Pangarap na Amerikano ay mabilis na nagiging hindi matatamo para sa papalaking bilang mga Amerikano kahit pa may trabaho o wala ".
|
Sa mga mahihirap o umuunlad na bansa , ang ilang mga teoriya ng sanhi ng kahirapan ay nakatuon sa mga katangiang pangkultura ng isang bansa bilang isang hadlang sa karagdagang pag - unlad.
|
Ayon sa ilang mga mananaliksik , ang pambansang mentalidad ay mismong gumagampan ng papel sa kakayahan ng bansa na umunlad at kaya ay mabawasan ang kahirapan nito.
|
Ayon kina Grondona , Harrison at Lindsay , kung walang mga pagpapahalaga at mentalidad na nakatuon sa pag - unlad , matatagpuan ng mga bansa na mahirap kundi imposibleng umunlad nang maigi at ang isang uri ng pagbabagong kultural ay kailangan sa mga bansang ito upang mabawasan ang kahirapan ng mga ito.
|
Si Grondona ay nagtanghal ng dalawang mga kanais nais na sistemang pagpapahala o mga modelong pang kaisipan na ang isa ay may mga pagpapahalaga na pumapabor sa pag - unlad at ang isa ay may pagpapahalaga na sumasalungat sa pag - unlad.
|
Ang tunay na sistemang pagpapahalaga ay ay nagbabago at bumabagsak sa isang lugar sa pagitan ng dalawang mga polo ngunit ang mga maunlad na bansa ay nahihilig na kumumpol malapit sa dulo samantalang ang mga hindi maunlad na bansa ay kumukumpol malapit sa kabilang dulo.
|
Tinukoy ni Grondona ang dalawampung mga paktor na pangkultura kung saan ang dalawang mga sistemang pagpapahalaga ay magkasalungat.
|
Ang mga paktor na ito ay kinabibilangan ng mga bagay gaya ng nananaig na relihiyon , ang papel ng indibidwal sa lipounan , ang pagpapahalagang inilalagay sa paggawa , mga konsepto ng kayamanan , kompetisyon at panahon , at papel ng edukasyon.
|
Ang mga katangian ng mga sistemang pagpapahalaga ng hindi pag - unlad ang : pagsupil ng indibidwal sa pamamagitan ng pagkontrol ng impormasyon at censorship , kasalukuyan / nakaraang panahong orientasyon na may pagbibigay diin sa kadakilaan na kadalasang hindi makakamit na mga layunin , paglapit ng mga pinuno na pumapayag sa mga ito ng mas madali at mas malaking korupsiyon , hindi pantay na pamamahagi ng batas at hustisya ( ang pamilya at mga koneksiyon ang pinakamahalaga ) at isang nagpapailalim na mentalidad sa loob ng mas malaking mundo.
|
Ang mga epekto ng kahirapan ay maaari ring mga sanhi at kaya ay lumilikha ng isang " siklo ng kahirapan " na gumagana sa buong mga maraming antas , na pang - indbibidwal , pang - lokal at pang - pambansa at pang - pandaigdig.
|
Ang isang - katlo ng mga kamatayan ng ilang mga 18 milyong taon kada taon o 50,000 kada araw ay sanhi ng mga kadahilanang nauugnay sa kahirapan.
|
Sa kabuuan , ang 270 milyong mga tao na karamihan ay mga babae at mga bata ay namatay bilang resulta ng kahirapan mula 1990.
|
Ang mga nabubuhay sa kahirapan ay nagdurusa ng hindi pantay mula sa kagutuman o kahit sa sukdulang kagutuman at mga karamdaman.
|
Ang mga nabubuhay sa kahirapan ay dumaranas ng mababang pagtagal ng buhay.
|
Ayon sa World Health Organization , ang kagutuman at malnutrisyon ang pinakamalalang mga banta sa kalusugang panlipunan ng daigdig at ang malnutrisyon ang pinakamalaking taga - ambag ng kamatayan ng bata na makikita sa kalahati ng lahat ng mga kaso.
|
Ang halos mga 90 % ng kamatayang pang - ina sa panganganak ay nangyayari sa Asya at Aprikang sub - Saharano kumapara sa kaunti sa 1 % sa mga mauunlad na bansa.
|
Ang mga nabubuhay sa kahirapan ay naipakitang may may higit na kalamangan ng pagkakaroon ng kapansanan sa kanilang buhay.
|
Ang mga nakakahawang sakit gaya ng malaria at tuberkulosis ay maaaring magpatagal ng kahirapan sa pamamagitan ng paglilihis ng mga mapagkukunang pangkalusugan at pang - ekonomiya mula sa pamumuhunan at pagiging produktibo.
|
Ang malaria ay nagbabawas ng paglago ng GDP ng hanggang 1.3 % sa ilang mga umuunlad na bansa at ang AIDS ay nagbabawas ng paglago ng Aprika ng mga 0.3 - 1.5 % kada taon.
|
Ang pagtaas ng mga gastos ng pamumuhay ay gumagawa sa mga mahihirap na mas walang kakayahang makabili ng mga bagay.
|
Ang mga mahihirap ay gumagastos ng malaking bahagi ng kanilang mga budget sa pagkain kesa sa mga mayayaman.
|
Dahil dito , ang mga mahihirap na sambahayan at ang mga nasa malapit sa threshold ng kahirapan ay maaaring partikular na marupok sa mga pagtaas ng mga presyo ng pagkain.
|
Halimbawa , sa huling 2006 , ang pagtaas ng presyo ng mga butil ay humantong sa krisis ng presyo ng pagkain noong 2007 - 2008 na humantong sa mga riot sa ilang mga bansa.
|
Ang World Bank ay nagbabala na ang 100 milyong mga tao ay nanganganib na lumubog ng mas malalim sa kahirapan.
|
Ang mga banta sa suplay ng pagkain ay maaari ring sanhi ng tagtuyod at krisis sa tubig.
|
Ang masidhing pagsasaka ay kadalasang humahantong sa isang malalang siklo ng pagkabuos ng pertilidad ng lupa at pagbagsak ng mga pag - aaning agrikultural.
|
Ang tinatayang 40 % ng lupaing pang - agrikultura ay malalang bumababa sa kalidad.
|
Sa Aprika , ang kasalukuyang mga trend ng pagkasira ng kalidad ng lupa ay nagpapatuloy.
|
Ang kontinentengt Aprika ay maaaring makapagpakain lamang ng 25 % ng populasyon nito sa 2025 ayon sa nakabase sa Ghana na Institute for Natural Resources in Africa ng United Nations University.
|
Bawat taon , ang halos 11 milyong mga bata na nabubuhay sa kahirapan ay namatay bago ang kanilang ikalimang kaarawan.
|
Ang mga 1.02 bilyong tao ay natutulog ng gutom kada gabi.
|
Ayon sa Global Hunger Index , ang Sub - Saharanong Aprika ang may pinakamataas na malnutrisyon ng bata sa mga rehiyon ng daigdig sa panahong2001 - 2006.
|
Natuklasan ng pagsasaliksik na may mataas na panganib ng mababang pagkakamit ng edukasyon para sa mga bata mula sa mga nasa sirkunstansiya ng pabahay ng mga mababang sahod.
|
Ito ay kadalasang isang proseso na nagsisimula sa pangunahing paaralan para sa ilang mga kapus palad na bata.
|
Ang pagtuturo sa sistemang pang - edukasyon ng Estados Unidos gayundin sa karamihan ng mga iba pang bansa ay umaangkop sa mga estudyanted mula sa mas may kalamangan sa kalagayan ng mga mahihirap.
|
Dahil dito , ang mga batang nasa kahirapan ay nasa mas mataas na panganibn kesa sa mga may kalamangang estudayente sa pagpapanitili ng kanilang mga grado at kahit sa hindi pagkukumpleto ng kanilang edukasyong pang highschool.
|
Maraming mga paliwanag kung bakit ang mga estudyante ay humihinto sa pag - aaral.
|
Ang isa ang mga kondisyon nang kanilang pinapasukang paaralan.
|
Ang mga paaralan sa mga naghihirap na lugar ay may mga kondisyong humahadlang sa mga bata na matuto sa isang ligtas na kapaligiran.
|
Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang pangalan para sa mga lugar na tulad nito : ang urbanong sona ng digmaan ay isang mahirap na napupuno ng krimeng distrito kung saan ang mga bayolente at mababang uri at kahit tulad ng nasa digmaang mga kondisyon at hindi napopondohan na malaking mga hindi epektibong paaralan ay nagtataguyod ng mababang uring pagganap sa klase kabilang ang hindi palagiang pagpasok at magulo o hindi sumusunod na pag - aasal sa klase.
|
Para sa mga batang may mababang mapagkukunang materyal , ang mga paktor na panganib ay katulad sa iba gaya ng mga rate ng delinkwensiya ng mga kabataan , mas mataas na pagbubuntis ng mga tinedyer at pagsalalay na ekonomiko sa kanilang magulang o mga magulan na may mababang sahod.
|
Ang kahirapan ay kadalasang umaapekto sa tagumpay ng mga bata sa paaralan.
|
Ang mga gawain , preperensiya at manerismo ng isang bata ay dapat umayon sa mundo at sa mga kaso na sila ay hindi umaayon , ang mga estudyanteng ito ay walang kalamangan sa eskwela at lalo na sa silid aralan.
|
Kaya , ligtas na isiaad na ang mga bata na nasa o mababa sa lebel ng kahirapan ay may higit na kaunting tagumpay sa kanilang edukasyon kesa sa mga batang nabubuhay ng higit sa linya ng kahirapan.
|
Ang mga mahihirap na bata ay may higit na kaunting pangangalaga sa kanilang kalusugan at kaya ay humahantong sa maraming mga hindi pagpasok sa klase sa taong akademiko.
|
Sa karagdagan , ang mga mahihirap na bata ay mas malamang na dumanas ng kagutuman , kapaguran , pagiging mainisin , mga sakit sa ulo , mga impeksiyon sa tenga , trangkaso at mga sipon.
|
Ang mga sakit ay maaaring makalimita sa pagtutuon ng isang bata o estudyante at konsentrasyon.
|
Ang kahirapan ay nagpapataas ng panganib ng kawalang matitirhan.
|
Ang mga nakatira sa iskuwater na bumubuo ng isang - katlo ng populasyong urbano ay nabubuhay sa kahirapan nang hindi mas mabuti kundi mas masahol sa mga tao sa mga malalayong lugar na tradisyonal na pinagtutuunan ng kahirapan sa mga umuunlad na bansa ayon sa isang ulat ng United Nations.
|
May higit sa 100 milyong mga batang kalye sa buong mundo.
|
Ang karamihan ng mga batang nabubuhay sa mga institusyon sa buong ay may isang nabubuhay na magulang o malapit na kamag - anak at ang mga ito ay karaniwang pumapasok sa mga ampunan dahil sa kahirapan.
|
Dahil sa mababang uri ng pagpupuntirya sa utilidad na mga subsidiya ng tubig , ang tanging 30 % , sa aberahe ng mga nagsusuplay na gastos sa mga umuunlad na bansa ang nasasaklawan.
|
Ang kawalan ng pabuya na panatilihin ang mga sistemang paghahatid ay humahantong sa pagkaubos mula sa mga tulo ng tubig kada taon na sapat para sa 200 milyong tao.
|
Ang kawalang ng pabuya na palawigin ang mga paghahati ay nangangahulugang ang mga mahihirap ay dapat magbayad ng mga lima hanggang labing anim na beses ng nakametrong presyo.
|
Ang pinakamahirap na ikalima ay tumatanggap ng 0.1 % ng kuryente ng mundo ngunit nagbabayad ng ikalim ng kanilang kabuuang paggasta sa ilaw na bumubuo ng 25 hanggang 30 porsiyento ng kanilang sahod.
|
Ayon sa mga eksperto , maraming mga babae ang nagiging biktima ng trafficking na ang pinaka - karaniwang anyo ay ang prostitusyon bilang paraan na mabuhay at kadesperaduhan na pang - ekonomika.
|
Ang pagbagsak ng mga kondsiyon ng pamumuhay ay kadalasang pumipilit sa mga bata na iwanan ang pag - aaral upang mag - ambag sa sahod ng pamilya na naglalagay sa kanila sa panganib ng pananamantala ayon sa ECPAT International na isang NGO nilikha upang wakasan ang pananamantalang seksuwal ng mga bata.
|
Halimbawa , sa Zimbabwe ang isang bilang ng mga batang babae ay bumabaling sa prostitusyon para sa pagkain para mabuhay dahil sa papataas na kahirapan.
|
Sa isang survey , ang 67 % ng mga batang walang kalamangan sa mga panloob na siyudad ay nagsaad na kanilang nasaksihan ang isang malalang assault at ang 33 % ay nagulat na nakasaksi ng isang homisidyo.
|
Ang 51 % ng mga nasa ikalimang baitang mula sa New Orleans ( median na sahod para sa isang sambahayan : $ 27,133 ) ay natagpuang mga biktima ng karahasan kumpara sa 32 % in Washington , DC ( mean na income para sa isang sambahayan : $ 40,127 ).
|
Sa kasalukuyan , ang pag - unlad ekonomika ay napipigilan ng kawalan ng mga kalayaang ekonomiko.
|
Ang liberalisasyon na ekonomiko ay nangangailangan ng pagpapalawig ng mga karapatan ng pag - aari sa mga mahihirap lalo na sa mga karapatang panlupain.
|
Financial services , notably savings , can be made accessible to the poor through technology , such as mobile banking.
|
Ang mga hindi epektibong institusyon , korupsiyon at kawalang katatagan sa politika ay nagpipigil rin sa pamumuhunan sa isang bansa.
|
Ang tulong at suporta ng pamahalaan sa kalusugan , edukasyon at imprastruktura ay nakakatulong sa paglago sa pamamagitan ng pagpapataas ng kapital na pantao at pisikal.
|
Ang pagpapaginahawa ng kahirapan ay kinasasangkutan rin ng pagpapabuti ng mga kondisyon sa pamumuhay ng mga tao na mahirap na.
|
Ang pagpapalawig ng mga proteksiyon ng mga karapatan sa pag - aari ng mga mahihirap ang isa sa pinakamahalagang mga stratehiya ng pagbabawas ng kahirapan na maipapatupad ng isang bansa.
|
Ang pagkakamit ng mga karapatan ng pag - aari sa lupain na ang pinakamalaking pag - aari para sa karamihan ng mga lipunan ay mahalaga sa kanilang kalayaang ekonomiko.
|
Ang World Bank ay nagbigay konklusyon na ang pagpapalaki ng mga karapatan sa lupain ' ang susi sa pagbabawas ng kahirapan ' na nagsasaad na ang mga karapatan sa lupain ay nagpapalaki ng kayamanan ng mga mahihirap at sa ilang mga kaso ay nagdodoble nito.
|
Tinatayang ang pagkilala ng estado ng pag - aari ng mahihirap ay magbibigay sa kanila ng mga ari - arian na 40 beses ng lahat ng mga tulong pandayuhan simula 1945.
|
Bagaman ang mga pakikitungo ay iba iba , ang World Bank ay nagsaad na ang mga mahahalagang isyu ay ang seguridad ng pag - aangkin at ang pagsisiguro na ang mga transaksiyon sa lupain ay mababang gastos.
|
Sa Tsina at India , ang mga napansing pagbawas ng kahirapan sa mga kamakailang dekada ay nangyari ng halos bilang resulta ng pag - aabandona sa kolektibong pagsasaka at pagputol ng red tape sa India.
|
Ang mga bagong negosyo at pamumuhunang pandayuhan sa isang bansa ay maitataboy ng mga resulta ng hindi epektibong mga institusyon , korupsiyon ng mga namumunong politiko at ng mga manggagawa ng pamahalaan , mahinang paghahari ng batas at malabis na mga pabigat na burokrasya.
|
Sa Canada , tumatagal ng 2 araw , dalawang pamamaraang burokratiko at $ 280 upang magbukas ng isang negosyo samantalang ang isang negosyante sa Bolivia ay dapat magbayad ng $ 2,696 , maghintay ng 82 araw at dumaan sa mga 20 pamamaraang burokratiko upang isagawa ito.
|
Ang gayong mga magastos na balakid ay pumapabor sa mga malalaking negosyo sa kapinsalaan ng mga maliit na negosyo kung saan ang karamihan ng mga trabaho ay nalilikha.
|
Ang liberalisasyon ng kalakal ay nagpapataas ng kabuuang surplus ng mga nakikipagkalakalang mga bansa.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.