text
stringlengths
0
7.5k
Dati itong punong lalawigan ng Maynila noong ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas.
Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon , sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila , napapaligaran ang Marikina ng Lungsod Quezon sa kanluran , Lungsod ng Pasig at Cainta , Rizal sa timog , Lungsod ng Antipolo sa silangan , ang kabisera ng lalawigan ng Rizal , at San Mateo sa hilaga na nasa Rizal din.
Tinatayang 21 kilometro ang layo nito mula sa Lungsod ng Maynila.
Ang Lungsod ng Marikina ay isa sa bumubuo sa Kalakhang Maynila , ang Pambansang Punong Rehiyon sa Pilipinas , at nabibilang ito sa Silangang Distrito ng Kalakhang Maynila.
Bahagi rin ito ng Metro Luzon Urban Beltway ( Daanang - sinturon ng Mala - lungsod na Kalakhang Luzon ).
Ang Kalakhang Luzon naman ay binubuo ng Gitnang Luzon , Timog Katagalugan o Calabarzon at ang Kalakhang Maynila.
Ang Kalakhang Luzon ay isa sa apat na Malalaking Rehiyon sa Pilipinas.
Tinanyagan ang Marikina bilang " Shoe Capital of the Philippines " o " Pambasang Kapital ng Sapatos ng Pilipinas " , dahil sa kanyang sikat na industriya ng sapatos.
Ang pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay naitala sa Guinness Book of Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang lungsod.
Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Dumadaloy ang Ilog Marikina , isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng lungsod.
Sa katunayan , sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng Marikina at binabaha minsan kapag may mga bagyo ( tulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy ).
Bahagi ng Lambak ng Marikina ang Lungsod ng Marikina.
May 16 barangay ang Marikina.
May mga kapatid ( o kakambal ) na lungsod at kasunduang pagkakaibigan ang Marikina kasama ang mga banyaga at lokal na lungsod.
Daluyang Dauletabad - Salyp Yar
Ang Daluyang Dauletabad - Salyp Yar ( kilala rin bilang Daluyang Dauletabad - Sarakhs - Khangiran ) ay isang daluyang ng natural na gas mula sa kabukiran ng gas sa Dauletabad sa Turkmenistan patungong Salyp Yar sa Iran , kung saan ito konektado sa sistemang Iran Gas Trunkline.
Malaking tulong ito na magbibigay ng iba 't - ibang ruta ng gas mula sa Turkmenistan , na magdodoble sa pagluluwas ng gas patungong Iran.
Nagsimulang padaluyin ang gas noong 3 Enero 2010 , at pinasinayaan ang daluyan sa isang seremonya sa Turkmenistan noong 6 Enero 2010.
May inisyal o paunang kapasidad ang daluyan ng 6 bilyong kubiko - metro ( bcm ) ng natural na gas kada - taon , na kalauna 'y tataas sa 12 12 bcm.
Kasama ang iba pang maliit na daluyang Turkmenistan - Iran , at Daluyang Korpezhe - Kurt Kui , magkakaroon ng kakayahan ang Turkmenistan na magpadala ng hanggang 20 bcm ng gas.
Ang mga guguling pangkonstruksyon para sa linya ng tubo ay may sumang US $ 180 milyong mga dolyar.
Ang desisyon na gawin ang daluyan ay nabuo noong Hulyo 2009.
Natapos ang daluyan noong Oktubre 2009 , at pinasinayaan noong 6 Enero 2010 nina pangulong Mahmoud Ahmadinejad at Gurbanguly Berdimuhamedow.
Sa pasinaya , sinabi ni Ahmadinejad na , " Ang dalawang ito ay hindi lamang proyektong pang - ekonomiya , subalit pagpapakita rin ng matibay na ugnayan at interes ng dalawang bansa gayundin ang patas na relasyon sa rehiyon ... Magandang pampasigla ang daluyang ito sa ugnayang pang - enerhiya ng Turkmenistan at Iran , kasama rin ang pagdadala ng gas mula sa Turkmenistan patungong Persian Gulf at sa pamilihang pandaigdig.
" The ceremony was also attended by Taner Yildiz , the minister of Energy and Natural Resources of Turkey.
Kalookan
Ang Kalookan ( Ingles : Caloocan ) ( pagbigkas : ka * lo * o * kan ) , o ang Makasaysayang Lungsod ng Caloocan , ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Kanugnog ito ng Maynila sa hilaga.
Ito ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa bansa na may populasyong umaabot sa 1,489,040 , ayon sa senso ng 2010.
Nahahati sa dalawang bahagi ang Caloocan mula nang ilipat mga barrio nito sa noo 'y itinatatag na Lungsod Quezon.
Matatagpuan ang Katimogang Caloocan sa hilaga ng Maynila at napapaligiran ng Lungsod ng Malabon at Lungsod ng Valenzuela sa hilaga , Navotas sa kanluran , at Lungsod Quezon sa silangan.
Pinakahilagang teritoryo ng Kalakhang Maynila ang Hilagang Kalookan na nasa silangan ng Valenzuela , hilaga ng Lungsod Quezon , at timog ng Lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.
Ang Caloocan ay nahahati sa 188 mga barangay :.
Bantayog ni Bonifacio.
Templo ng Taoismo malapit sa Estasyong 5th Avenue ng LRT.
Katedral ni San Roque , Diyosesis ng Kalookan.
Taiki Tamukai
Si Taiki Tamukai ( ipinaganak Marso 24 , 1992 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Hana no Asuka - gumi !
Ang Hana no Asuka - gumi ! ( Hua noasuka Zu ! ) ay isang seryeng manga na ginawa ni Satosumi Takaguchi na seryalisado sa Monthly Asuka.
Tapay
Ang tapay ( Ingles : dough ) o masa , na maaaring isadiwa bilang uri ng " bunton " , " salansan " , o " tumpok " , ay isang makapal at malambot na kumpol na parang pandikit na yari mula sa anumang mga sereal ( mga butil ) o mga pananim na lehuminoso ( gulay na buto ) sa pamamagitan ng paghahalo ng harina sa maliit na dami ng tubig at / o ibang likido.
Ang prosesong ito ay ang pauna sa paggawa ng isang malawak na samu 't saring mga pagkain , partikular na ng mga tinapay at mga bagay na makatinapay ( katulad ng mga pastelerya , mga bola - bola , mga tinapay na sapad , mga luglog , mga balat ng tinapay , mga pizza , mga binalumbong tinapay , mga biskuwit , mga otap ( mga cookie ) , at kahalintulad na mga bagay.
Kabilang sa mga ito ang lahat ng uri o kahalintulad na mga resipi na gawa magmula sa mais , bigas , sorgo ( batad ) , trigo , at iba pang mga angkak o kaugnay na mga pananim na ginagamit sa buong mundo.
Sa maraming mga bahagi ng gitnang India , ginagamit ng mga tao ang mabilis na paraan ng paggawa ng kaagad na naaasadong bola ng tapay o baati.
Sa mga bansang nasa rehiyon ng Sahel ng Aprika , ang giniling at pinakuluang mga bola ng tapay ( gawa mula sa sorgum o dawa ) ay tinatawag na aiysh o biya , subalit hindi hinuhurno.
Ang mga tinapay na sapad na katulad ng pita , lafa , lavash , matzah o matzo , naan , roti , sangak , tortilla , o yufka ay gawa mula sa tapay at kinakain sa maraming mga bahagi ng mundo.
Ang ilang mga tinapay na sapad , katulad ng naan at roti , ay gumagamit ng mga lebadura ; ang iba naman na katulad ng matzo ay walang pampaalsa.
Ang tapay na nilebadurahan o sumailalim sa permentasyon , na yari mula sa tuyong ginilining na mga angkak o mga uri ng munggo na hinaluan ng tubig at pampaalsa ng magtatapay , ay ginagamit sa buong mundo.
Ang asin , mga mantika o mga taba , mga asukal o pulut - pukyutan at kung minsan mga gatas o mga itlog ay mga karaniwang sangkap din sa tapay.
Ang piniritong mga pagkaing may tapay ay karaniwan din sa maraming mga kultura.
Abenida Roosevelt
Mga daanan sa PilipinasMga lansangan | Mga mabilisang daanan ( talaan ).
Ang Abenida Roosevelt ( Ingles : Roosevelt Avenue ) ay isang pangunahing lansangan sa distrito ng San Francisco del Monte ( na tinatawag ring Frisco ) sa Lungsod Quezon , Kalakhang Maynila , Pilipinas.
Dumadaan ito mula EDSA sa hilagang dulo nito hanggang Abenida Quezon sa katimugang dulo nito.
Pagdaan , babagtasin nito ang Kalye M.H. del Pilar , Kalye Pitimini , at Abenida Del Monte.
Ang kabuuang haba nito ay 2.9 kilometro ( 1.8 milya ).
Paglampas ng EDSA , tutuloy ito bilang Abenida Kongresyonal.
Isa itong bahagi ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas bilang isang pambansang daang tersiyaryo.
Ang mga lansangan sa ganitong uri ay hindi nakanumero.
Ipinangalan ang abenida mula kay Franklin Delano Roosevelt , dating pangulo ng Estados Unidos.
Noong 2010 , may isang panukalang batas na iniakda ni Vicente Crisologo , Kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod Quezon , sa Kongreso.
Ang panukalang batas ay mabibigay ng bagong pangalan sa Abenida Roosevelt na mula kay Reynaldo Calalay , dating kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod Quezon.
Ang nabanggit na panukalang batas ay kasalukuyang nakabinbin sa Komite ng Pagawaing Bayan at Lansangan ng Senado.
Coordinates : 14 deg 38 ' 42 ' ' N 121 deg 1 ' 1 ' ' E / 14.64500 deg N 121.01694 deg E / 14.64500 ; 121.01694.
Kristallnacht
Ang Kristallnacht ( Aleman ; tinatawag ding Reichskristallnacht , Reichspogromnacht ; Tagalog : Gabi ng Salaming Basag ) ay may halos dalawang araw na pogrom ( serye ng mga atake laban sa mga Hudyo ) sa Alemanyang Nazi at iilang mga bahagi ng Austria noong Nobyembre 9 at Nobyembre 10 , 1938.
Tinatayang 30,000 mga Hudyo ang inilipat papuntang mga kampo ng konsentrasyon , at mahigit sa 1,500 mga sinagoga ang dinambong at bahagyang nawasak.
Gayundin , halos lahat ng mga sementeryong panghudyo sa Alemanya at Austria ang nasira.
Ito ang palatandaan ng pagbabago magmula sa diskriminasyon laban sa mga Hudyo na naging pag - uusig at deportasyon ng mga ito.
Napag - alaman ni Herschel Grynszpan ( ibang babaybay : Grunspan ) , isang Hudyong may 17 taong gulang na naninirahan sa Paris , Pransiya , na ang buo niyang pamilya ay pinabalik sa Zsbaszyn , Polonya , bagaman ang mas nakababatang mga bata ay ipinanganak sa Alemanya.
Kumuha siya ng isang baril , at pinaputukan niya si Ernst Eduard vom Rath , na kalihim ng embahada ng Alemanya sa Paris , noong Nobyembre 7.
Namatay si vom Rath dahil sa natamo niyang mga sugat noong Nobyembre 9.
Hindi malinaw ang motibo ni Grynszpan.
Sa isang paglilitis na panghukuman noong 1942 , sinabi niyang ito ay buhat ng paghihiganti , at ninais niya sanang barilin ang embahador , ngunit sa halip ay natamaan ang kalihim.
Ginamit ito ng NSDAP ang pangyayaring ito bilang isang dahilan upang samsamin ang mga ari - arian ng mga Hudyo.
Nagkaroon ng isang kahalintulad na kaganapan noong Pebrero 1936 subalit halos walang kinahinatnan.
Pagkaraan , nagpaputok ng baril si David Frankfurter , isang estudyanteng Hudyo , sa kalihim ng NSDAP na si Wilhelm Gustloff.
Noong panahong iyon , hindi nakakilos ang NSDAP dahil sa Olimpikong Pang Tag - init sa Berlin noong 1936.
Pisikang pangmolekula
Ang pisikang molekular ( Ingles : molecular physics ) ay ang pag - aaral ng mga pisikal na katangian ng mga molekula , mga bigkis kemikal sa pagitan ng mga atomo gayundin ang molekular na dinamika.
Ang pinakamahalagang mga eksperimental na teknika nito ang mga iba 't ibang uri ng ispektroskopiya.
Ang larangang ito ay malapit na kaugay ng atomikang pisika at malaking sumasanib sa teoretikal na kemika , pisikal na kemika at kemikal na pisika.
Floppy disk
Ang floppy disk ay isang midyum na pang - imbak ng datos na binubuo ng disk na manipis , nababaluktot ( floppy ) na magnetikong imbakan sa isang parisukat o parihabang plastik na pabalat.
Ang A : ay isang terminong pang - agham pang - kompyuter na nangangahulugang A drive , ang floppy disk drive sa isang komputadora.
Kadalasang ginagamit ang terminong ito sa mga operating system na DOS at Windows.
Maaari din namang nakatakda bilang Drive B : o anumang titik ang isang floppy disk drive.
Buhong
Ang buhong o bandido ( Ingles : outlaw , bandit , fugitive , runaway ) ay isang tao na " nasa labas ng batas " na sa pangkaraniwan ay dahil sa siya ay nakagawa ng seryosong mga krimen.
Ang buhong ay maaaring maging katumbas ng mga salitang tulisan , manliligalig , kriminal , manlalabag ng batas , o manghaharang.
Ang isang matagal nang kriminal ay maaaring ipahayag na isang buhong , na ang ibig sabihin ay ang taong lumabag ng batas ay hindi makakagamit ng sistemang legal o sistema ng batas upang pruteksiyunan ang kaniyang sarili kapag kailangan.
Conrad Nantwin
Si San Conrad Nantwin ( namatay noong 1286 ) ay isang santong Aleman at martir.
Pumunta siya sa Roma , bilang pagtugon sa kanyang pangako at panata ng pagpipilgrimahe doon , pagkaraang maparatangan siya ng isang hindi totoong bintang na may kaugnayan sa isang malubhang krimen.
Sa Wolfrathshausen , malapit sa Munich , Alemanya , sinunog siya sa isang alitubtub o parilyang ihawan.
Bagaman walang tala ng mga motibo ng mga nagparatang sa kanya , itinuturing ang kanyang pagkamartir bilang resulta ng " pagkamuhi sa pananampalataya ".
Pagkalipas ng 12 taon pagkaraan ng kanyang kamatayan , pinahintulutan ni Papa Bonifacio VIII ( 1294 - 1303 ) ang pagpipitagan o paggalang ( benerasyon ) kay San Conrad Nantwin.
Kabilang sa mga himalang pinamagitanan ni San Conrad Nantwin ang pagpapanumbalik ng pananaw sa isang mag - asawang bulag.