text
stringlengths
0
7.5k
Nanatili siyang matapat sa batas ng Diyos kahit na naging laganap ang kasamaan sa kaniyang bayan.
Dati siyang nadalang bihag sa Ninive ng Asiria.
Bilang pagsubok ng Diyos sa kaniya , nabulag siya dahil sa dumi ng isang ibon.
Dahil sa pagsubok na ito , inatasan niya ang kaniyang anak na Tobias / Tobit din ang pangalan , para maningil ng utang sa kanila ni Gabael ( o Gabelo ).
Tinulungan sila ng anghel na si Rafael sa tungkuling ito.
Nagpakita sa magkapangalang mag - ama ang anghel na si Rafael sa kaanyuan ni Azaria.
Makaraang magtagumpay sa paniningil , nanumbalik ang pananaw ng matandang Tobias ; samantalang nakakuha naman ng mabait na asawa ang anak niyang si Tobias.
Puno rin ng mga mabubuting aral para sa mag - anak ang librong ito ni Tobias.
Hindi matiyak kung ano ang orihinal na wikang ginamit sa pagsulat ng Aklat ni Tobias.
Maaaring Ebreo o Arameo.
Pinakamatatandang kopya nito ang tinatawag na Codex Sinaiticus , Codex Vaticanus , at Vulgata.
Nagkakaisa sa nilalaman ang tatlo subalit mayroong mga hindi pagkakahawig.
Maiksi lamang ang paglalahad sa Vulgata , samantalang mahahaba ang mula sa Codex Sinaiticus at Codex Vaticanus.
Ginawa ni San Jeronimo ang pagsasalin buhat sa wikang Arameo , at sinasabing isang araw lamang niyang ginawa.
Aime Bonpland
si Aime Jacques Alexandre Bonpland ( 29 Agosto 1773 - 4 Mayo 1858 ) ay isang Pranses na eksplorador at botaniko.
Musashi
Ang Musashi ay isang palabas sa telebisyon sa bansang Hapon.
Atanasio
Si Atanasio ng Alexandria o Athanasius ng Alexandria ( Griyego : Athanasios Alexandreias , Athanasios Alexandrias ) ( b.
ca.
296 - 298 CE - d.
2 Mayo 373 CE ) , at tinutukoy rin bilang San Atanasio ang Dakila , San Atanasio I ng Alexandria , San Atanasio ang Kumpesor at pangunahin sa Simbahang Koptikong Ortodokso bilang San Atanasio ang Apostoliko , ang ika - 20 obispo ng Alexandria.
Ang kanyang episkopata ay tumagal ng 45 taon.
( c.
8 Hunyo 328 - 2 Mayo 373 ) na ang higit sa 17 taon ay ginugol sa limang mga pagkakatapon na inutos ng apat na magkakaibang emperador Romano.
Siya ay itinuturing na kilalang teologong Kristiyano at pangunahing tagapagtanggol ng Trinitarianismo laban sa Arianismo at isang kilalang pinunong Ehipsiyo noong ika - 4 na siglo.
Siya ay kilala sa kanyang papael sa alitan kay Arius at Arianismo.
Noong 325 sa edad na 27 , siya ay nagkaroon ng isang nangungunang papel laban sa mga Arian sa Unang Konsehong Nicaea.
Sa panahong ito , siya ay isang deakono at personal na sekretarya ng ika - 19 obispo ng Alexandriang si Alexander.
Ang Nicaea ay tinipon ni emperador Constantine I noong Mayo - Agosto 325 CE upang tugunan ang posisyon Arian na si Hesus ay ng isang natatanging substansiya mula sa Ama.
Noong Hunyo 328 CE sa edad na 30 at tatlong taon pagkatapos ng Nicaea at sa pamamahinga ni Alexander , siya ay naging arsobispo ng Alexandria.
Kanyang ipinagpatuloy ang pakikipagalitan sa mga Arian sa natitira ng kanyang buhay at lumahok sa mga pakikibakang teolohikal at pampolitika laban sa mga emperador Dakilang Constantine at Constantius II at mga makapangyarihang at maimpluwensiyal na mga mangangaral na Arian na pinamunuan ni Eusebius ng Nicomedia at iba pa.
Siya ay kilala bilang " Athanasius Contra Mundum ".
Sa loob ng ilang mga taon ng kanyang paglisan , tinawag siya ni Gregoryo ng Nazianzus na Haligi ng Simbahan.
Ang kanyang mga kasulatan ay mahusay na isinasaalang alang ng mga ama ng simbahan na sumunod sa kanya sa parehong Kanluran at Silangan.
Ang kanyang mga kasulatan ay nagpapakita ng mayamang debosyon sa Salitang - naging - tao , dakilang pagkabahalang pastoral at malalim na interes sa monastisismo.
Kosmetiko
Ang kosmetiko , kosmetik , o kulorete ay mga kagamitang pampaganda , pampabango , o kaya nakapagpapabago ng hitsura ng katawan.
Karaniwang ginagamit ang mga kosmetiko upang gawing mas kahali - halina ang isang tao para sa ibang tao , o sa isang kultura o kabahaging kultura.
Kabilang sa mga nakapagpapaganda o nakapagpapabango ang mga pamahid , mga pulbos , at mga pabango.
Lahat ng ginagamit at ginagawa ng tao upang mapainam ang wangis ng kanyang katawan ay maituturing na kalinangang pangkagandahan , kultura ng kagandahan , o kultura ng pagpapaganda.
Noong unang panahon , pangunahing layunin ng kultura ng pagpapaganda ang pagpapaganda lamang ng mukha at buhok ng mga kababaihan.
Kaya 't hindi bago ang diwa at kasiyahan sa paggamit ng mga kosmetiko at pagsubok sa iba 't ibang mga estilo ng buhok , bagaman maaaring nagsimula ang pagmemeyk - ap dahil sa mga kadahilanang pangpananampalataya upang mabigyan ng kasiyahan ang mga diyus - diyusan.
Sa paglaon naging para sa pagpapaganda na ng katawan ang paggamit ng mga meyk - ap.
Pagkaraan ng Gitnang mga Panahon ( Middle Ages ) , naging mahalaga ito noong ika - 16 daang taon magpahanggang ika - 17 daang taon.
Pinipinturahan na ni Reyna Jezebel ang kanyang mata at nagdidikurasyon na rin siya ng kanyang buhok noon pa mang ika - 19 daang taon BK.
Noong may 2,000 mga taon na ang nakalilipas , nagkaroon na ng dalubhasang mga barbero sa Sinaunang Roma.
Pero hindi nasarili ng mga kababaihan ang kasiyahan at kasiglahan sa pagpapaganda dahil naging gawain na rin ito ng sinaunang mga kalalakihan , katulad ng sinaunang mga lalaking Romano , Galen , at mga ginoo noong kapanahunang Elisabetano at noong ika - 16 daang taon.
Naiulat ni Pliny na Matanda ang pag - aangkat ng sinaunang mga Romanong lalaki ng mga likidong mga sabon mula sa Gaul na ginagamit na pampapula ng mga buhok.
Inimbento naman at ginamit din ng Griyegong manggagamot na si Galen ang malamig na krema.
Noong panahong Elisabetano , kinukulot ng mga lalaki ang kanilang buhok at balbas sa pamamagitan ng pagpaplantsa.
Noong ika - 16 daang taon sa Inglatera at Pransiya , ang mga ginoo ng korte ay gumagamit na ng mga pulbos at mga pinturang pangmukha.
Kasama sa mga pantulong sa pagpapaganda ang mga sumusunod :.
Homer ( paglilinaw )
Ang Homer ay maaaring tumukoy nang alinman sa mga sumusunod :.
Mitolohiyang Ehipsiyo
Kabilang ang mitolohiyang Ehipsiyo sa pananampalataya ng Sinaunang Ehipto.
Maraming naging mga tagasunod ang lumang mga diyos at diyosa ng Sinaunang Ehipto sa loob ng 3,000 mga tao , hanggang sa bumaling ang mga mamamayang Ehipsiyo sa Simbahang Ortodoksiyang Koptiko ng Alejandria at Islam.
Kaiba ang mga pananaw sa daigdig ng Sinaunang mga Ehipsiyo kung ihahambing mula sa kanilang mga kanugnog bayan sa sinaunang Mediteraneo at Malalapit sa Silangang bahagi ng mundo.
Naniniwala ang mga Ehipsiyo at mga Ehipsiya na , bago magsimula ang panahon , nag - iisang umiiral ang Nun , ang pinakaunang katawan ng mga katubigan.
Sa mismong oras ng paglikha , lumitaw mula sa Nun ang isang bunton ng lupa o putik , ang ben - ben.
Sa ibabaw ng bunton , lumitaw naman si Amen , ang diyos na manlilikha at supremo o pangunahing diyos , upang magdala ng liwanag sa daigdig , at para likhain din ang iba pang mga diyos at diyosa ng Sinaunang Ehipsiyo.
Si Amen din ang diyos ng araw o Re.
Batay sa isang bersyon ng pagsasalaysay ng mito ng paglikha , nagpalabas ng semilya si Amen sa pamamagitan ng masturbasyon upang likhain sina Tubushki at Tefnut , ang pangunahing mga puwersang lalaki at babae ng sanlibutan.
Sa pagtatalik ng dalawang nilalang na mga ito , naipanganak sina Geb ( o " Lupa " ) at Nut ( " Langit " ).
Isinilang naman mula kina Geb at Nut sina Osiris , Seth , Isis , at Nephthys.
Kabilang sa iba pang mga diyos ng Sinaunang Ehipto sina Horus , Mut , Khonsu , Thoth , at Hathor.
Shinhwa
Pangalang KoreanoHangul sin hwa Hanja Shen Hua Binagong RomanisasyonSinhwa McCune - ReischauerSinhwa.
Ang Shinhwa ( Hangul : sin hwa ; Hanja : Shen Hua ) ay isang banda sa Timog Korea na nagsimula sa industriya noong ika - 24 ng Marso 1998.
Ito ang pinaka - nagtagal na bandang pang - kalalalakihan sa kasaysayan ng K - pop at nakamtan ang tagumpay kasabay Sechs Skies , g.o.d , Fly to the Sky , Turbo , Baby V.O.X , Fin.
K.L.
, H.O.T. at S.E.S .. " Alamat " ang ibig sabihin ng Shinhwa sa wikang Koreano.
Wikang pamprograma
Ang wikang pamprograma ( Ingles : programming language ) o wikang pamprograma ay isang artipisyal na wika na ginagamit pagpoprograma ng kompyuter at upang kontrolin ang kaugalian ng isang makina , lalo na ang isang kompyuter.
Ito ay maihahalintulad sa wika na ginagamit ng tao na ginagamit upang makipag - usap sa kanyang kapwa tao.
Gaya ng wika ng isang tao , ang wikang pamprograma ay gumagamit ng tuntuning semantika at sintaks upang matiyak ang istruktura at kahulugan nito.
Ang mga wikang kinompayl ( compiled ) ay isinasalin ng kompayler sa isang kodigo ng makina ( machine code ) at direktang isinasagawa ng CPU.
Ito ay salungat sa mga pinapakahulugang mga wika ( interpreted ) na hindi direktang isinasagawa ng mga interpreter.
Maraming mga wikang pamprogram ay inimplementa gamit ang parehong mga kompayler at interpreter kabilang ang BASIC , C , Lisp , Pascal , at Python.
Bagaman ang Java ay isinasalin sa isang anyo na nilalayong mapakahulugan , ang kompilasyong just - in - time ay kadalasang ginagamit upang lumikha ng kodigo ng makina.
Ang mga wika ng Microsoft .NET Framework languages ay palaging nagkokompayl sa isang Common Intermediate Language ( CIL ) na kinokompayl naman na just - in - time sa isang katutubong kodigo ng makina.
Ang mga implementasyong ito ay gumagamit rin ng kompayler na arbitraryong makapagsasalin ng kodigong pinagmulan ( source code ) ng runtime sa kodigo ng makina.
Mayroong mga itinatawag na biswal na wikang pamprograma na gumagamit ng mga ladrilyos na drag and drop upang gumawa ng skripto.
Ang mga biswal na wikang pamprograma na ito , tulad ng Scratch at Catrobat , ay kadalasang nakatutok sa mga nakababatang manggagamit o sa mga nagsisimula pa lamang matuto kung paano magprograma.
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga wikang pamprograma ay ang mga sumusunod :.
Takanori Hatano
Si Takanori Hatano ( ipinaganak Setyembre 6 , 1994 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
DZCE - TV
Ang DZCE - TV , kanal 49 , ay ang pangunahing himpilang pantelebisyon ng Iglesia Ni Cristo Television ( INC TV ) sa Pilipinas , Ito ay kasalukuyang UHF television station ng Christian Era Broadcasting Service International na kabahagi ng ministro ng brodkasting ng Iglesia ni Cristo.
Ang aming kanilang istudyo , transmitter at broadcast facility ay matagpuan sa Redeemer St. , Milton Hills Subdivision , Brgy.
New Era Lungsod Quezon.
Noong Oktubre 9 , 2012 , GEM TV Channel 49 sa Free TV ay sumasahimpapawid sa Test Broadcast at ngayo 'y pinalitan ay INC TV noong Oktubre 31 , 2012.
Ang palabas ng INC TV 49 ay relihiyong programa ng Iglesia Ni Cristo.
Several of these programs are also broadcast nationally through Net 25 in the Philippines and also abroad.
( * ) also aired on Net 25 ( * * ) also aired on INC Radio DZEM 954.
1with INC TV.
Pinuno ng barangay
Ang pinuno ng barangay o pinuno ng baryo ay maaaring tumukoy sa :.