text
stringlengths
0
7.5k
Sa mga karamihan ng mga lugar na sinasagawa ang parusang kamatayan ngayon , nakalaan ang parusa sa mga ilang pagpatay , paniniktik , o pagtataksil o bahagi ng katarungang militar.
Sa ilang mayoryang - Muslim na bansa , pinarurusahan ng kamatayan ang ilang mga krimeng sekswal , kabilang ang pakiki - apid at sodomya.
Sa maraming bansa , isang opensang kapital ang pangangalakal ng bawal na gamot.
Sa Tsina , pinaparusahan din ng kamatayan ang seryosong mga kaso ng korupsiyon at ang pangangalakal ng tao.
Sa mga militar sa buong mundo , pinaparusahan din ng kamatayan ng mga korte militar ang kaduwagan , pagpapabaya , insubordinasyon , at pag - aalsa.
May isa pang uri ng pagganap ng pagbitay na tinatawag na lynch ( pangngalan ) o lynching ( ang gawain ) sa wikang Ingles.
Tinatawag natin itong linsamiyento o lintsamiento ( batay sa lichamiento ng Kastila ) , o kaya Batas Lynch.
Isa itong pagpatay na kara - karaka ( o kaagad ) ng maraming mga tao sa isang nagkasala o pinararatangang kriminal , na walang paglilitis ayon sa batas.
Sinasabing nagmula ang salitang ito mula sa pangalan ni Charles Lynch ( 1736 - 1796 ) ng Virginia , Estados Unidos , isang lalaking nanggulo o nangmolestiya sa mga Loyalista noong kapanahunan ng Rebolusyong Amerikano.
Ngunit sa larangan ng kasaysayan , karaniwang tumutukoy ang lynching sa pagbibitin , mula sa leeg man o patiwarik , ng mga nagngingitngit na mamamayan sa isang pinagbibintangan tao.
Sa kasaysayan ng Estados Unidos , dating isinasagawa ito - dahil sa diskriminasyon - sa mga taong may maitim na balat at alipin.
Takikawa , Hokkaido
Ang Takikawa ay isang lungsod sa Hokkaido Prefecture , bansang Hapon.
Alkampor
Ang alkampor ay maliliit na mga bola ng kimikal na panlaban sa salot o peste at pabango o deodorante.
Ginagamit ito kapag itinatabi at hindi ginagamit ang mga damit at iba pang mga bagay na maaaring masira dahil sa mga amag o mga larba ng mga gamu - gamo , partikular na ang mga Tineidae katulad ng Tineola bisselliella.
Reno Lim
Si Reno Lim ay isang politiko sa Pilipinas.
Guwatemala
Guatemala , o ang Republika ng Guwatemala ( Wikang Ingles : Republic of Guatemala ; Wikang Kastila : Republica de Guatemala ) ay isang bansa sa Gitnang Amerika , sa timog ng kontinente ng Hilagang Amerika , nasa hangganan ng parehong Karagatang Pasipiko at Dagat Caribbean.
Napapaligiran ito ng Mehiko sa hilaga , Belize sa hilagang - silangan , at Honduras at El Salvador sa timog - silangan.
Wikipediang Azerbaijani
Ang Wikipediang Aserbaydyano ( Azerbaijani : Azrbaycanca Vikipediya ) ay isang edisyon ng Wikipedia sa wikang Azerbaijani o wikang Aserbaydyano , at ito ay binuksan noong Enero 2002.
Ngayong Abril 26 , 2019 , ang Wikipediang Thai ay may 114,000 mga artikulo at may 125,000 mga rehistradong tagagamit , at may 13 mga tagagamit na tagapangasiwa.
Noong 2010 , ang mga libro na Wikipediang Aserbaydyano ay nilathala ni Rasim Aliguliyev at ang senyor na scientist na si Irada Alakbarova.
The book edited by Alovsat Aliyev.
Tom Grace ( nobelista )
Si Tom Grace ay isang mabentang may - akda ng mga nobelang kinabibidahan ng tauhang si Nolan Kilkenny , isang dating SEAL ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos.
Bukod sa pagiging manunulat ng nobela , isa ring arkitekto si Grace na nagtutuon ng pansin sa agham at teknolohiya.
Nagtapos si Grace sa Pamantasan ng Michigan.
Mahilig siya sa pagsisid na de - eskuba , sa sining ng pakikipaglaban , sa pagmamaraton , at pagbasa ng mga aklat.
Naninirahan siya sa Michigan , kasama ang kanyang asawa at limang mga anak.
Kabilang sa mga inakdaang nobela ni Grace ang mga sumusunod :.
Milong lunti
Ang milong lunti ( Ingles : Honeydew , winter melon , Persian melon , casaba melon , crenshaw melon ; Kastila : melon verde , casaba , Melon Tuna ) ay isang pangkat ng kultibar ng mga milong musko o Cucumis melo sa pangkat na Inodorus , na kinabibilangan ng milong crenshaw , milong kasaba , milong Persa , milon ng taglamig o milon ng tagniyebe , at iba pang magkakahalu - halong mga lipi o lahi ng mga milon.
Comoros
Ang Unyon ng mga Comoros ( internasyunal : Union of the Comoros sa Ingles ; Kastila : Union de las Comoras ; bago sumapit ang 2002 , kilala bilang Islamikong Pederal na Republika ng Comoros o Islamic Federal Republic of the Comoros sa Ingles ) ay isang bansang nasa Karagatang Indiyan , matatagpuan sa hilagang dulo ng Kanal Mozambique sa pagitan ng hilagang Madagaskar and hilagang Mozambique.
Binubuo ang bansa ng mga tatlong pangunahing bulkang pulo : Grande Comore , Moheli at Anjouan , samantalang inaangkin ang kalapit na pulo ng Mayotte ngunit tinanggihan ang pagiging malaya mula sa Pransiya.
Binubuo din ng mga maliliit na pulo ang teritoryo ng bansa.
Hinango ang pangalan ng bansa mula sa salitang Arabeng al - Khamar , nangangahulugang ' pulo ng maliit na buwan , ' katulad ng nakalagay sa watawat nito.
Mga soberanong bansa Algeria * Angola * Benin * Botswana * Burkina Faso * Burundi * Cameroon * Cape Verde * Central African Republic * Chad * Demokratikong Republika ng Congo * Congo * Comoros * Cote d ' Ivoire * Djibouti * Ehipto1 * Equatorial Guinea * Eritrea * Ethiopia * Gabon * Gambia * Ghana * Guinea - Bissau * Guinea * Kenya * Lesotho * Liberia * Libya * Madagascar * Malawi * Mali * Mauritania * Mauritius * Morocco * Mozambique * Namibia * Niger * Nigeria * Rwanda * Senegal * Seychelles * Sierra Leone * Somalia * Sudan * Swaziland * Sao Tome at Principe * Tanzania * Timog Africa * Timog Sudan * Togo * Tunisia * Uganda * Zambia * Zimbabwe.
Dependensiyas | ' Di - kinikilala British Indian Ocean Territory ( Reino Unido ) * Demokratikong Republikang Arabo ng mga Sahrawi * Mayotte ( Pransiya ) * Puntlandiya * Reunion ( Pransiya ) * Sta.
Elena2 ( Reino Unido ) * Somalilandiya.
1 May bahagi sa Asya.
2 Kasapi ang mga dependensiya ng Pulo ng Asensiyon at Tristan da Cunha.
The Great Father
Ang The Great Father ay isang pelikulang Malayalam sa direksyon ni Haneef Adeni at sa produksyon nina Prithviraj Sukumaran , Arya , Santhosh Sivan , at Shaji Nadesan sa ilalim ng kompanyang August Cinema.
Enrique Gil
Si Enrique Mari Gil na mas kilala bilang Enrique Gil ( ipinanganak noong 30 Marso 1992 ) ay isang Pilipinong aktor.
Isa rin siyang mananayaw at nakilala sa kakaibang pagsayaw niya ng awiting " Teach Me How to Dougie ".
Naging sikat siya sa pagganap bilang Tenten / Simon sa teleseryeng Dolce Amore at bilang Prince Jao / Dasho Jao sa teleseryeng Princess and I. Sakalukoyan bilang gumaganap sa Pelikulang Dolce Amore mas lalo pang nadedibelop ang kanyang kakayahan sa pag - arte.
Christina Matias
Si Christina Matias ay isang kilalang nanalo sa isang patimpalak bilang Reyna ng Kagandahan sa Pilipinas.
Viggo Mortensen
Si Viggo Mortensen ay isang kilalang artista sa sining ng Pelikula at Telebisyon.
Santa Maria , Laguna
Ang Bayan ng Santa Maria ay isang Ika - apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , may kabuuang populasyon ang bayan na 24,574.
Naghahanggan ang bayan ng Santa Maria sa lalawigan ng Rizal at Quezon mula sa kanlurang bahagi patungong hilaga at dulong hilagang silangang , at binubuo ng mga mabubundok na lupain.
Dahil sa Sub - Regional Plan ng MARILAQUE ( Manila - Rizal - Laguna - Quezon ) , nagsisilbi ang bayan bilang pang - ugnay sa industriyalisadong kabisera at ng mayamang buhay karagatan ng lalawigan ng Quezon.
Ang bayan ng Santa Maria ay nahahati sa 25 barangay.
Pierre Gassendi
Si Pierre Gassendi ( nakikilala rin bilang Pierre Gassend , Petrus Gassendi ; 22 Enero 1592 - 24 Oktubre 1655 ) ay isang Pranses na pilosopo , pari ng Simbahang Katoliko , siyentipiko , astronomo , at matematiko.
Bagaman may katungkulan sa simbahan sa timog - silangang Pransiya , naglaan din siya ng panahon sa Paris , kung saan ay dating isang pinuno ng isang pangkat ng mga intelektuwal na malaya kung mag - isip.
Naging isa rin siyang masiglang siyentipikong mapagmatyag , na naglathala ng unang dato hingging sa transito ng Merkuryo noong 1631.
Ang crater o hukay na lunar ( nasa ibabaw ng buwan ) ay ipinangalan para sa kaniya.
Nagsulat siya ng maraming mga akdang pampilosopiya , at ang ilang sa mga posisyong inakdaan niya ay itinuring na mahalaga , na nakatuklas ng daan sa pagitan ng iskeptisismo at dogmatismo.
Ayon kay Richard Popkin , si Gassendi ay isa sa unang mga mapag - isip na tao na lumikha sa modernong " pananaw na makaagham " , ng iskeptisismo at empirisismong may moderasyon ( hindi labis ).
Nakipagtalo siya sa kaniyang kasabayan sa panahon na si Descartes hinggil sa pagiging maaari ng ilang mga kaalaman.
Ang higit na nakikilang proyekto niyang pangkarunungan ay nagtangkang itugma o ikabit ang atomismong Epikuryano sa Kristiyanismo.
Sineserye Presents : Maligno
Ang Sineserye Presents : Maligno ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng ABS - CBN.
Halalang lokal sa Maynila , 2010
Alfredo Lim PMP.
Alfredo Lim Liberal.
Ang Lokal na halalan ay gaganapin sa Lungsod ng Maynila sa Mayo 10 , 2010 sa loob ng Pangkalahatang halalan sa Pilipinas.
Ihahalal ng mga botante ang mga lokal na tagapagpaganap na opisyal sa lungsod : ang punong - lungsod , pangalawang punong - lungsod , anim na kinatawan , at mga konsehal , anim sa bawat isa sa anim na lehislatibong distrito ng Maynila.
Inihayag ng kasalukuyang punong - lungsod , Alfredo Lim , at pangalawang punong - lungsod Isko Moreno ang kanilang kandidatura sa pagka - punong lungsod noong kaarawan ni Moreno sa Rizal Memorial Coliseum noong Oktubre 25 , na pinangunahan ni German Moreno ( walang relasyon kay Isko ) , kilalang kaalyado ni Lim at tagatangkilik ni Isko.
Sa kabila ng pagiging suportado ng Asenso Manileno party , magiging kasama ni Lim si Moreno.
Inaasahang tatakbo ang dating punong - lungsod na may nagtapos ng tatlong termino at ang kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman Lito Atienza para muling makaupo sa pwesto.
Si Atienza , na napapabalitang makikipag - alyansa kay Kongresman Amado Bagatsing bilang kanyang pangalawang punong lungsod , ay nagsilbi bilang punong - lungsod nmula 1998 hanggang 2007.
Nagsilbing kasama si Atienza ni Lim nang nagsilbi si Lim bilang punong - lungsod mula 1992 hanggang 1998.
Kumalas si Bagatsing ng partidong Asenso Manileno at sumali sa hanay ni Atienza.
Samantala , susuportahan ni Lim ang pambansang kandidato ng Partido Liberal nina Benigno Aquino III at Mar Roxas , habang hawak pa rin niya ang kanyang Kapayapaan , Kaunlaran at Katarungan na pamantayan ; susuportahan naman ni Moreno ang hanay Nacionalista Party na pinangungunahan ni Manuel Villar.
Matapos ang pahayag ng tambalang Lim - Moreno , inihayag ang dating hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas Avelino Razon na napili niya si Moreno bilang katambal.
Nauna nang inihayag ni Razon ang kanyang kandidatura noong Agosto 9 sa Ninoy Aquino Stadium sa ilalim ng We Are the Reason Movement.
Matapos ang pahayag ni Moreno na tatakbo siya sa ilalim ni Lim , hindi bababa sa anim na konsehal ang tumiwalag sa Asenso Manileno at sumapi sa panig ni Razon.
Sa kalauna 'y naging bisitang kandidato si Moreno sa hanay ni Razon , bilang pangalawang punong - lungsod nito.
Ang pangunahing usapin sa darating na kampanya ay ang pananatili ng imbakan ng langis sa Pandacan.
Suportado nina Lim at Moreno ang pananatili nito samantalang suportado nina Atienza at Bagatsing ang pag - alis ng mga ito.
Ang makakakuha ng pinakamaraming boto para sa punong - lungsod at pangalawang punong - lungsod ang mananalo ; Ibinoboto sila ng hiwalay kaya maaaring galing sila sa magkaibang partido.
Maghahalal ang bawat isa sa anim na Distritong Pambatas ng Lungsod ng Maynila ng isang kinatawan sa Kapulungan ng mga Kinatawan.
Ang kandidatong makakakuha ng pinakamaraming boto ang siyang mananalo.
Bawat isa sa anim na distrito ng Maynila ay maghahalal ng anim na konsehal sa Sangguniang Lungsod.
Ang anim na may pinakamataas na bilang ng boto sa bawat distrito ang magsisilbi bilang konsehal ng kani - kanilang mga distrito.
Yugoslavia
Ang Yugoslavia ( Ingles : Yugoslavia ; Serbyano , Kroasyano , Bosniyano , Slobenyano : Jugoslavija ; Serbyano , Masedonyano : Jugoslavija ) ay isang dating bansa sa Timog - Silangang Europa.
Ito ay nilikha noong 1918 pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ng pangalang Kaharian ng mga Serbiyo , Kroato at Slobenyano.
Kinilala ang Yugoslavia bilang bansa noong 13 Hulyo 1922.
Noong 3 Oktubre 1929 , binago ang pangalan ng bansa at naging Kaharian ng Yugoslavia.