text
stringlengths
0
7.5k
Isa sa mga pinakamahahalagang mga bahagi ng mga pagtuturo ni Jeremias ang isang pangakong nagsasabing gagawa ang Diyos ng isang bagong tipan para sa kaniyang mga mamamayan at isusulat sa mga puso nito ang batas ng Diyos.
Nagbigay din siya ng isang hulang nagsasaad na sasapit ang isang araw kung saan maghahari ang papailalim ang mga hentil at mga Hudyo sa ilalim ng isang haring manunubos.
Pinasulat ni Jeremias kay Baruc ang kaniyang mga hula.
Magkaiba ang haba at pagkaka - ayos ng nasa Hebreo at ng nasa Griyego.
May pagkakaiba sapagkat nakabatay sa unang tekstong Hebreong maikli ang Griyegong teksto , hindi mula sa nasa Hebreong may mga karagdagan pa ni Jeremias.
Binubuo ang Aklat ni Jeremias ng mga sumusunod na bahagi :.
Ayon sa Jeremias 34 : 4 - 5 , " Gayon ma 'y iyong pakinggan ang salita ng Panginoon , Oh Zedekias na hari sa Judah : ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa iyo , Ikaw ay hindi mamamatay sa pamamagitan ng tabak ; Ikaw ay mamamatay sa kapayapaan ; at ayon sa pagsusunog ng kamangyan ng iyong mga magulang na mga unang hari na una sa iyo , gayon sila magsusunog para sa iyo ; at kanilang tataghuyan ka , na magsasabi , Ah Panginoon ! sapagka 't aking sinalita ang salita , sabi ng Panginoon.
" Ito ay hindi natupad dahil ayon sa Jeremias 39 : 7 - 8 , binulag ang mga mata ni Zedekias at inilagay siya sa pangawan , upang dalhin siya sa Babilonia.
At sinunog ng mga Caldeo ng apoy ang bahay ng hari , at ang mga bahay ng mga tao , at ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem.
Ayon sa Jeremias 52 : 8 - 11 , " At pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa harap ng kaniyang mga mata : kaniyang pinatay rin ang lahat na prinsipe ng Juda sa Ribla.
At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias ; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia , at dinala siya sa Babilonia , at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay.
Ayon sa 2 Hari 25 : 5 - 7 , Nguni 't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari , at inabutan nila siya sa mga kapatagan ng Jerico : at ang buo niyang hukbo ay nangalat sa kaniya.
Nang magkagayo 'y kinuha nila ang hari at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla ; at sila 'y nangagbigay ng kahatulan sa kaniya.
At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias , sa harap ng kaniyang mga mata , at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya 'y nilagyan ng damal , at dinala siya sa Babilonia.
Ayon sa Jewish Study Bible , ito ay malamang na hindi natupad na hula ni Jeremias.
Kahanga hanga na ang gayong mga hula ay naingatan.
Ayon sa Jeremias 43 : 8 - 13 , " Nang magkagayo 'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias sa Taphnes , na nagsasabi , Magtangan ka ng mga malaking bato sa iyong kamay , at iyong kublihan ng argamasa sa nalaladrillohan , na nasa pasukan ng bahay ni Faraon , sa Taphnes sa paningin ng mga tao sa Juda ; At iyong sabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , ako 'y magsusugo at kukunin ko si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na aking lingkod , at aking ilalagay ang kaniyang luklukan sa mga batong ito na aking ikinubli ; at kaniyang ilaladlad ang kaniyang pabillong hari sa mga yaon.
At siya 'y paririto , at kaniyang sasaktan ang lupain ng Egipto ; na yaong sa pagkamatay ay mabibigay sa kamatayan , at yaong sa pagkabihag ay sa pagkabihag , at yaong sa tabak ay sa tabak.
At ako 'y magsisilab ng apoy sa mga bahay ng mga dios ng Egipto ; at kaniyang mga susunugin , at sila 'y dadalhing bihag : at kaniyang aariin ang lupain ng Egipto na parang pastor na nagaari ng kaniyang kasuutan ; at siya 'y lalabas na payapa mula riyan.
Kaniya ring babaliin ang mga haligi ng Beth - semes na nasa lupain ng Egipto ; at ang mga bahay ng mga dios ng Egipto ay susunugin ng apoy.
" Tinangkang sakupin ni Nabucodonosor II ang Ehipto noong 568 BCE ngunit nabigong sakupin ito.
Ayon sa Jewish Study Bible , ito ay isa pang kaso ng hulang naingatan bagaman hindi natupad.
Ayon sa Jeremias 50 : 1 - 3,14 - 15 " Ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Babilonia , tungkol sa lupain ng mga Caldeo , sa pamamagitan ni Jeremias na propeta.
Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa , at inyong itanyag , at mangagtaas kayo ng watawat ; inyong itanyag , at huwag ninyong ikubli : inyong sabihin , Ang Babilonia ay nasakop , si Bel ay nalagay sa kahihiyan , si Marduk ay nanglulupaypay ; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan , ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay.
Sapagka 't mula sa hilagaan ay sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya , na wawasak ng kaniyang lupain , at walang tatahan doon : sila 'y nagsitakas , sila 'y nagsiyaon , ang tao at gayon din ang hayop ... Magsihanay kayo laban sa Babilonia sa palibot , kayong lahat na nagsisiakma ng busog ; hilagpusan ninyo siya , huwag kayong manganghinayang ng mga pana : sapagka 't siya 'y nagkasala laban sa Panginoon.
Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot : siya 'y sumuko sa kaniyang sarili ; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal , ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak : sapagka 't siyang kagantihan ng Panginoon : manghiganti kayo sa kaniya ; kung ano ang kaniyang ginawa , gawin ninyo sa kaniya.
" Ayon sa Jewish Study Bible , ang karamihan ng mga kapitulo ay nagbibigay diin na ang Babilonya ay wawasakin sa pamamagitan ng karahasan.
Gayunpaman , sa katotohanan , kinuha ni Dakilang Ciro na hari ng Persia ang Babilonya nang walang dumanak na dugo noong 539 BCE nang ang mga makangyarihang saserdote ni Marduk ay pinili siya kesa sa naghaharing hari ng Babilonyang si Nabonidus na nagpabaya kay Marduk.
Sinaad ng Jewish Study Bible tungkol sa Jer.
50 : 3 , " Ang bansa sa hilaga ay isang karaniwang motif sa mga orakulo ni Jeremias ... Nakikita ito ng marami bilang reperensiya sa Persia na sumakop sa Babilonya noong 539 BCE.
Ang Persia ay aktuwal na nasa silangan ng Babilonya.
" Hindi rin totoong nanlupaypay ang Diyos ng Babilonya na si Marduk o ang kanyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan.
Ayon sa Silindro ni Ciro , " Nang ako ( Dakilang Ciro ) ay pumasok sa Babilonya bilang isang kaibigan at aking itinatag ang upuan ang pamahalaan sa palasyo ng pinuno na nagdiriwang , si Marduk na Dakilang Panginoon ay sa magnanimosong mga mamamayan ng Babylon at araw araw kong sinisikap na sambahin siya ( Marduk ).
Ang aking maraming mga hukbo ay nagpagala - gala sa Babilonya ng mapayapa at hindi ko pinayagan ang sinuman na sindakin ( ang anumang lugar ) ng at Akkad.
Aking sinikap ang kapayapaan para sa Babilonya ( Ka.dingir.ra ) at sa lahat ng kanyang ( Marduk ) ( ibang ) mga sagradong siyudad ... Si Marduk na Dakilang Panginoon ay mahusay na nalugod sa aking mga ginawa at nagpadala ng mga mapalakaibigang mga pagpapala sa aking sarili , si Ciro na haring sumasamba sa kanya , kay Cambyses na aking anak , ang supling ng mga leon gayundin sa lahat ng aking mga hukbo at aming lahat ng kanyang dakilang ng maligaya , na nakatayo sa harap niya sa kapayapaan.
" Sa halip na wasakin ni Ciro ang mga diyos - diyosan nito ay kanyang ibinalik ang mga templo at mga santuwaryo ng kulto sa Mesopotamia at saanman sa rehiyong nasakop niya.
".
Ayon din sa Jeremias 51 : 11 , " Inyong patalasin ang mga pana , inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag ; pinukaw ng Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga Medo ; sapagka 't ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia , upang wasakin : sapagka 't siyang panghihiganti ng Panginoon , panghihiganti ng kaniyang templo.
" Ito ay hindi natupad dahil ang Babilonya ay hindi sinakop ng Medo kundi ng Persia.
Ito ay sinakop ng Persia ngunit hindi winasak.
Ayon sa Jeremias 36 : 30 , " Kaya 't ganito ang sabi ng Panginoon , tungkol kay Jehoiakim na hari sa Judah , Siya 'y mawawalan ng uupo sa luklukan ni David ; at ang kaniyang bangkay sa araw ay mahahagis sa init , at sa gabi ay sa hamog.
" Ito ay hindi natupad dahil ayon sa 2 Hari 24 : 6 , " Sa gayo 'y natulog si Jehoiakim na kasama ng kaniyang mga magulang : at si Jehoiachin na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Pamantasang Normal ng Pilipinas
Ang Pamantasang Normal ng Pilipinas ( Ingles : Philippine Normal University ) ay isang pamantasan sa Maynila , Pilipinas.
Ang pamantasan ay itinatag ng mga Amerikano noong ika - isa ng Setyembre taong 1901 bilang institusyon sa pagsanay ng mga guro , at nananatiling sentro ng sanayang pangguro sa bansa.
Ang pangunahing kampus ng Pamantasang Normal ng Pilipinas ay nasa distrito ng Ermita at ay malapit sa gusaling panlungsod ng Maynila.
May apat pang kampus and pamantasan : sa Lungsod ng Cadiz , Negros Occidental , sa Agusan del Sur , sa Quezon at sa Isabela.
Jijel
Ang Jijel ( Arabe : jyjl , dating kilala bilang Ighil Gili o Djidjelli ) ay kabisera ng Lalawigan ng Jijel sa hilaga - silangang Algeria.
Hinahangganan ito ng Dagat Mediteraneo sa rehiyon ng Corniche Jijelienne , at may populasyon ito na 131,513 sang - ayon sa senso noong 2008.
Ang Jijel ay sentro ng administratibo at pangangalakal para sa rehiyong bihasa sa pagpo - proseso ng tapon ( cork ) , pagta - tan ng katad , at paggawa ng asero.
Kabilang sa mga lokal na pananim ay citrus at angkak.
Mahalaga rin ang pangingisda.
Naaakit ang mga turista ( karamiha 'y mga Algerian ) sa Jijel dahil sa tanawin at mga pinong buhangin na beach nito.
Bilang isang bayang liwaliwan ( resort town ) , may mga otel at restoran ang Jijel.
Sa di - kalayuan matatagpuan ang mga puntod ng mga Phoenician.
Unang tinirhan ang Jijel ( Igilgili ) , ng mga tribong Berber.
Isang trading post ng Phoenicia sa una , sunud - sunod ipinasa kalaunan ang lungsod sa loob ng limang dantaon sa mga Romano ( na may pangalang Igilgili ) , tapos ay sa mga Vandal , Bisantino , Arabo , sa Henobes at , sa ika - 16 dantaon , kay Otomanong Almirante Hayreddin Barbarossa.
Noong Hulyo 1664 , kinuha ng mga Pranses ang lungsod.
Nabuo ang pagtutol sa ilalim ng direksyon ni Shaban Aga , at napalayas ang mga Pranses noong Oktubre ng taong iyon.
Nanatiling kuta ng mga corsair ang Jijel hanggang sa bihagin ito ng mga Pranses noong 1839.
Ang malakas na pambayang paglaban , na nilupig sa huli noong 1851 , ay nagbunga sa pagtatayo ng tatlong kuta sa kahabaan ng katimugang hangganan nito gayundin kakaunting kolonisasyon.
Winasak ito ng isang lindol noong 1856.
Coordinates : 36 deg 49 ' N 05 deg 45 ' E / 36.817 deg N 5.750 deg E / 36.817 ; 5.750.
What 's Up Doods ?
Ang What 's Up Doods ? ay isang talk show sa gabi na pinapalabas sa TV5 tuwing ika - 9 na gabi na kasama si Edu Manzano.
Fumiyuki Kanda
Si Fumiyuki Kanda ( ipinaganak Setyembre 28 , 1977 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Inhinyerong pantiyak ng kalidad
Ang inhinyerong pantiyak ng kalidad , inhinyerong pangseguro ng kataasan ng uri o inhinyerong pangkalidad ( Ingles : quality engineering , quality assurance engineering ) ng produkto ay ang mga inhinyerong nananagot sa pagtitiyak na ang sari - saring mga produktong inilalabas mula sa isang ahensiya , organisasyon , o kompanyang nagmamanupaktura o nagpapaunlad ay epektibo at walang mga depekto o mga suliranin o kamaliang sa pag - andar.
Pangunahing trabaho ng mga inhinyero ng kalidad ang pagsisiyasat hinggil sa katumpakan o pagganap ng isang produkto.
Kasama rito ang pagtunton ng ugat ng problema at pagtatama ng suliraning ito.
Sinusubok nila ang produkto sa pamamagitan ng pagsasailalim nito sa sari - saring mga kalagayang pangtrabaho o panggawain , ayon sa imungkahing paraan ng paggamit o hindi inaasahang paraan ng paggamit ng produkto.
Ginagawa rin nila ang pagtitiyak na ang impormasyong ibinibigay hinggil sa produkto , partikular na ang nauukol sa mga programang pangsopwer ng kompyuter.
Mahalaga ang trabaho ng inhinyerong pantiyak ng kataasan ng uri ng isang produkto sa mga pananagutan at iba pang paksang pambatas na may kaugnayan sa kompanyang gumagawa ng produkto.
Ayon sa mga pagsubok na kanilang ginagawa , nagbibigay ng feedback o tugon ang inhinyerong pantiyak ng kalidad hinggil sa mga aspeto ng pagkamaginhawang gamitin o hindi ng produkto , at nakapagbibigay sila ng mga ideya sa mga dapat na ilapat na mga pagbabago at pagpapainam ng produkto.
Ang inhinyerong pantiyak ng kalidad ay maaaring kabahagi ng isang kagawaran ng pagtiyak sa kalidad ng produkto sa loob ng isang kompanya , partikular na sa kompanyang gumagawa ng mga sopwer na pangkompyuter at pagpapaunlad ng World Wide Web.
Kung kaya 't ang ganitong mga inhinyerong pantiyak ng kalidad ay nagsisilbing " tulay " sa pagitan ng panghuling tagagamit o ang tagakonsumo ng produkto at ng mga tagapagprograma ng kompyuter.
Psilotopsida
Ang Psilotopsida ay isang klase ng subdibisyong Pako sa kahariang Protista.
Mindanao
Ang Mindanao o Kamindanawan , ( Ingles : Southern Pilipinas o Tagalog : Timog Pilipinas ) ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
Ito rin ang tawag sa isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas ( ang dalawa ay ang Luzon at ang Kabisayaan ) , na binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo.
Pinakamalaking lungsod sa Mindanao ang Lungsod ng Davao.
Sa 21,968,174 populasyon ng Mindanao , ( ayon sa senso noong 2010 ) 10 bahagdan ay mga Moro o Muslim.
Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng mga Muslim.
Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao , partikular ang lalawigan ng Maguindanao Lanao del Sur , Sulu , at Tawi - tawi ( na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng Bangsamoro sa Muslim na Mindanao ( BARMM ) , ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim.
Dahil sa malawakang kahirapan , pagkakaiba - iba ng relihiyon , ang pulo ay kinakitaan ng paghihimagsik ng mga komunista , pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.
Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan , at makikita sa mga mapa na ginawa noong ika - 17 at ika - 18 dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay ginamit upang tukuyin ang pulo ng mga makapangyarihang katutubo ng panahong iyon.
Unang lumaganap ang Islam sa rehiyon noong ika - 13 dantaon sa pamamagitan ng mga mangangalakal na Arabe mula sa kasalukuyang Malaysia at Indonesia.
Bago pa man maganap ito , ang mga katutubo ay pangunahing mga animista na naninirahan sa mga maliliit na pamayanan.
Karamihan sa mga taal na populasyon ng mga Tausug , Maranao at Maguindanaon ay agad na lumipat sa pananampalatayang Islam maliban sa mga mailap na Subanon , Talaandig , Higaonon at ilang maliliit na mga tribo na tumangging makipag - ugnayan sa mga Arabeng misyonero ng Islam.
Itinayo ang pinakaunang moske sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika - 14 na dantaon sa bayan ng Simunul.
Sumunod ang mga kasultanan ng Sulu at Maguindanao noong ika - 15 at ika - 16 na dantaon.
Noong huling bahagi ng ika - 16 na dantaon hanggang unang bahagi ng ika - 17 dantaon , naganap ang unang pagtatagpo sa mga Kastila.
Sa panahong ito , maayos nang nakatatag ang Islam sa Mindanao at nagsisimula nang manghikayat sa mga pangkat sa malalaking kapuluan ng Kabisayaan tulad ng Cebu at Bohol , gayundin sa dulong hilagang bahagi , tulad ng Maynila sa Kalusunan.
Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas , labis silang nabagabag nang matagpuan nilang matibay ang katayuan ng Islam sa pulo ng Mindanao , bilang katatapos lang mapaalis ang mga Moors mula sa Espanya pagkatapos nang dantaong labanan sa ilalim ng Reconquista.
Sa katunayan , ang pangalang Moro ay wikang Kastila para sa " Moors " , na ibinigay sa mga Muslim na naninirahan sa Mindanao.
Pinangalanan ni Villalobos na Caesarea Caroli ang pulo ng Mindanao nang maabot niya ang dalampasigan nito.
Isinunod ito kay Carlos V ng Banal na Emperyong Romano ( at I ng Espanya ).