text
stringlengths
0
7.5k
Sa pagharap sa suliraning paggamit ng bawal na gamot ng anak , o pag - alam kung gumagamit nga ba ito o hindi , kabilang sa tungkulin at dapat gawin ng magulang ang pagsasagawa ng tamang gawi sa pakikipag - usap sa anak.
Pangunahing kabilang din dito ang pagbibigay ng kunsiderasyon sa kaligtasan ng anak at ng ibang tao , kabilang ang mga sarili.
Iminumungkahi ng mga dalubhasa ang maingat na pakikipag - ugnayan sa anak dahil sa kaselanan ng paksa , na may kasamang pag - alis ng takot , pagpapakita ng malasakit , at pagpapadama ng pagmamahal sa anak , at walang pagdedebate.
Dapat maipahatid sa kinakausap na anak na dahil sa kanilang pagmamahal kaya ayaw nilang mabulid sa paggamit ng masasamang gamot ang kanilang anak.
Kung gumagamit na nga anak ng bawal na gamot , imumungkahi ng mga dalubhasa ang pagtanggap ng mga magulang sa suliraning kinakaharap.
Kabilang sa kalutasan ng pagpapagaling sa anak ang tulong at suportang nagmumula sa mga magulang.
Hindi dapat ikatakot o ikahiya ang paghingi ng propesyunal na tulong , partikular na ang mula sa larangan ng panggagamot.
Hindi dapat sisihin ng mga magulang ang kanilang sarili sapagkat hindi kabiguan ang suliraning kinakaharap.
Isa sa mga dahilan ay ang pagiging likas na bahagi ng buhay ng mga kabataan ang sumubok o mag - eksperimento , kabilang ang pag - inom ng alak at pagsisigarilyo , bukod sa paggamit ng bawal na gamot.
May mga kabataan din na nadadala lamang ng kagipitan sa buhay kaya ' t gumagamit ng bawal na gamot.
Pagkaraan ng kanilang mga suliranin , may posibilidad na tumigil na sila sa paggamit ng masamang gamot.
Mayroong mga kaparaanang maisasagawa upang maiwasan ang pagkalulong sa mga bawal na gamot.
Pinakamahalaga at nangununa sa mga ito ay ang mismong pag - iwas na makasanayan ng isang tao o pasyente ang pagkakaroon ng pagkahumaling sa mga ito.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga bagay na maisasagawa ng mga magulang upang maiwasan o mabawasan ang pagkakaroon ng posibilidad na gumamit ang anak ng bawal na gamot : ang pagiging mabuting huwaran ( hindi paninigarilyo , hindi pag - inom ng alak , at hindi paggamit ng bawal na gamot ) , ang pagiging maalam sa mga paksang may kaugnayan sa bawal na gamot upang magkaroon ng kakayahang makapagpaliwanag sa anak ukol sa masasamang mga maidudulot nito , ang pagiging bukas at pagkakaroon ng katapatan hinggil sa paksa , at ang hindi pagtatangkang takutin lamang ang anak hinggil sa bagay na ito.
Mahalaga rin ang tamang pakikipag - usap at pakikinig sa anak , na kinasasangkutan ng pagdinig at pag - unawa sa kanilang mga problema at mga alalahanin , ang hindi pagkakaroon ng labis na reaksiyon , ang hindi pagbabalewala sa mga sinasabi ng anak.
Sa pakikipag - usap , kinakailangan ang pagpapalitan ng mga opinyon at pananaw.
Hindi lamang ukol sa bawal na gamot ang huwarang tinatalakay ng mga magulang at anak , kasama dito ang mga pang - araw - araw na mga paksang katulad ng kaugnay ng pangyayari sa paaralan , musika , at palakasan.
Sa pagiging bukas sa ganitong mga paksa , mas magaang mapag - usapan ang hinggil sa bawal na gamot.
Kabilang pa rin sa katungkulan ng magulang upang maiwasan ng anak ang paggamit ng bawal na gamot ang paggawa ng mga patakaran at pagpaplano.
Iminumungkahi ng mga dalubhasa ang pagturo sa anak hingil sa katanggap - tanggap na gawi sa pamumuhay , at pagpapangaral kung paano lulutasin ang mga pagsusulangatan o hindi pagkakaintindihan.
Naaangkop din kilalanin ng mga magulang kung sino ang mga nagiging kaibigan ng kanilang anak , pati na ang mga magulang ng mga kabarkadang ito.
Magagamit ding pang - iwas sa masasamang mga gamot ang paghimok at pagtuturo sa anak ng mga mas makalusugang paraan ng pagrerelaks o pamamahinga at mga mabubuting kaparaanan sa pangangasiwa ng mga suliranin sa buhay.
Kalimitang inilalaan lamang sa mga kamay ng mga kuwalipikadong mga manggagamot , dentista , at siruhanong mga beterinaryo ang paggamit at pagtatago ng mga gamot na bawal ngunit ginagamit sa larangan ng medisina.
Ibinibigay lamang nila ang mga ito sa pasyente sa pamamagitan ng pagrereseta.
Sa kaso ng mga pasyenteng may paulit - ulit o kronikong mga karamdaman , pinapalitan ng mga manggagamot , hangga 't maaari , ang nakakaadik na mga gamot ng hindi nakakalulong na mga uri.
Pagkaraang maresetahan ang pasyente , ang botikaryo o drugista ( ang tagahanda o tagatimpla ng gamot ) ang nagbibigay o nag - aabot sa tao ng niresetang gamot.
Itinatabi ng parmasyotiko ang reseta upang hindi na muling makakuha ng gamot ang pasyente ng higit pa sa sinasaad ng manggagamot na nagreseta.
Sa gayon , kinakailangan makipagkitang muli ang pasyente sa duktor upang kumonsulta.
May mga lehislayong inihanda at ipinatupad ang mga bansa upang mabigyan ng regulasyon at matabanan ang pamumudmod o pamimigay ng mga bawal na gamot sa madla.
Isang halimbawa ng batas laban sa mga ipinagbabawal na gamot ang Komprehensibong Batas sa Mapanganib na Gamot ng 2002 ( Batas Republika 9165 ) ng Pilipinas.
Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot , nireseta man o hindi , isa sa mga pinakamainam na pagbibigay - lunas ang paglalagay ng pasyente sa isang institusyon para sa mga adikto o drogadiko.
Partikular na ang sa loob ng isang pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente.
Pinananatili ang pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon sa loob ng sapat na panahon , upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot.
Ginagawa ito upang magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa sarili , at maging respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang adiksiyon.
Kapag umalis ang pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo , isa itong tanda na hindi ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng panggagamot.
Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na alkoholismo o pagkaadik sa iba pang mga gamot.
Tangway ng Iberia
Ang Tangway ng Iberia ( Ingles : Iberian Peninsula ) ay matatagpuan sa pinakatimog - kanlurang dako ng Europa at kinalalagyan ng mga bansang Portugal , Espanya , Andorra , Teritoryong Britaniko ng Gibraltar at ng isang maliit na kapiraso ng Pransiya.
Ang timog nito ay halos kadikit ng hilagang baybay ng kontinente ng Aprika , pinaghihiwalay lamang ng Kipot ng Gibraltar.
Ang katagang Iberia ay mula sa itinawag ng mga sinaunang Griyego sa tangway na ito ( Iberia ).
Lungsod ng Assisi
Ang Assisi ( bigkas ) ay isang lungsod ng 26,196 tao sa lalawigan ng Perugia.
Kilala ito bilang pook ng kapanganakan at kamatayan nina San Francisco at Santa Clara.
Katedral ng Maynila
Ang Katedral - Basilika ng Maynila ( opisyal na pangalan : Metropolitanong Katedral ng Maynila - Basilika ng Kalinis - linisang Paglilihi ; o Katedral ng Maynila ) , ay ang tanyag na Simbahang Katolika na matatagpuan sa Maynila , Pilipinas , bilang pagpaparangal sa Pinagpalang Birhen Maria bilang Kalinis - linisang Paglilihi , ang punong pintakasi ng Republika ng Pilipinas.
Itinatag noong 1578 , sa kautusan ni Papa Gregorio VIII , na matatagpuan sa Kalye Andres Soriano , Jr.
( dating Kalye Aduana ) , Intramuros , Maynila.
Ang Katedral ay mismong parehong naghatid bilang Punong Basilika ng Pilipinas at ang pinakamataas na luklukan ng arsobispo sa bansa.
Ang Katedral ay ilang beses na napinsala at nawasak dahil ang orihinal na katedral ay itinayo sa 1581.
Ang ikawalo at kasalukuyang pagkakatawang - tao ng katedral ay nakumpleto noong 1958.
Bilang si Maria ang Punong Pintakasi ng Pilipinas , ang Katedral ng Maynila ang siyang sentro ng pananampalatayang katoliko , ito ay sa pamamagitan ng pagdedeklara ni Papa Juan Pablo II mula sa kanyang Papal Bull na Quod Ipsum , sa katedral bilang opisyal na Basilika Menor o tinatawag na Basilika Menor ng Kalinis - linisang Paglilihi , sa pamamagitan ng kanyang sariling Motu Proprio noong 27 Abril 1981 , na ipinagdiriwang ang araw ng kapistahan tuwing Disyembre 8.
Ang kasalukuyang - halal para sa Nuncio Apostoliko ng Pilipinas ay si Arsobispo Giuseppe Pinto.
Ang katedral ay naghahatid bilang pinakamataas na luklukan ng Simbahang Katolika ng Pilipinas , habang ang kasalukuyang ' archpriest ' ng katedral - basilika na si Arsobispo Luis Antonio Kardinal Tagle , ang de facto na Primadong Obispo ng Pilipinas.
Ang katedral ay ang orihinal na " simbahan ng Maynila " na ganap na itinatag noong 1571 ng isang paring sekular , si Padre Juan de Vivero , na siyang dumaong sa Look ng Maynila noong 1566.
Si De Vivero , na siyang kapelyan ng galyon na San Geronimo , ay pinadala ng Arsobispo ng Mehiko na si Alonso de Montufar upang magtatag ng Kristyanismo bilang espiritwal at pangrelihiyong administrasyon sa bagong kolonyang Pilipinas.
Noong lumaon ay naging bikar - heneral si De Vivero at naging unang hukom eklesyastiko ng lungsod ng Maynila.
Pinili ng Kastilang konkistador na si Miguel Lopez de Legaspi ang lokasyon ng simbahan at inialay ito kay Santa Potenciana.
ANg unang kura paroko ng simbahan ay si Padre Juan de Villanueva.
Itinaas ang simbahan sa pagiging katedral noong 1579 , at isang bagong gusali na yari sa nipa , kahoy at kawayan ang itinayo noong 1581 ni Obispo Domingo de Salazar , ang unang obispo ng Maynila.
Binasbasan ang bagong gusali noong 21 Disyembre , 1581 at naging ganap na itong katedral.
Nawasak ang istrakturang ito sa isang malaking sunog noong 1583 , na nagsimula sa misang paglilibing para kay Gobernador - Heneral Gonzalo Ronquillo de Penalosa sa Simbahan ng San Agustin at siyang tumupok din sa malaking bahagi ng lungsod.
Itinayo ang pangalawang katedral na yari sa bato noong 1592.
Nawasak ito sa isang lindol noong 1600.
Itinayo ang pangatlong katedral noong 1614 at binasbasan ito sa taon ding iyon.
Ngunit maging ito ay nawasak ng isa pang lindol na yumanig sa Maynila nong 1645.
Ipinatayo ang ikaapat na katedral mula 1654 hanggang 1671.
Noong 1750 , isang simboryong media naranja ang idinagdag sa gitna ng prayleng Florentinong si Juan de Uguccioni.
Nagtamo ng malaking pinsala ang katedral noong 1863 dahil sa isang napakalakas na lindol na siya ding nagpinsala sa Palasyo ng Gobernador - Heneral ng Pilipinas.
Noong 1880 , pinabagsak ng isa pang lindol ang kampanaryo.
Simula noon hanggang 1958 , nanatiling walang kampanaryo ang katedral.
Ang pang - pitong katedral ay itinayo noong 1870 hanggang 1879 , at binasbasan noong Disyembre 1879.
Ang krus sa tuktok ng simboryo ang nagsisilbing puntong sanggunian sa astronomikal na longgitud ng kapuluan.
Noong 1937 , ang Pandaigdigang Kongresong Eukaristiya ay ginanap sa Pilipinas kung saan gumanap ng malaking papel ang katedral sa pagpapalaganap ng paniniwala ng simbahan.
Ang selyo at medalya ng katedral ay ginawa upang gunitain ang nasabing kaganapan at ito 'y ginawa ng opisyal na tagagawa ng medalya ng Kongreso ng Pilipinas sa mga panahong iyon , ang eskultor na si Crispulo Zamora.
Dumating ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong nakarating ang mga Amerikano upang palayain ang Maynila sa kamay ng mga Hapon noong 1945 , nagkaroon ng matinding labanan.
Maraming mga gusali sa Maynila lalu na sa loob ng Intramuros ang nawasak sa mga matinding pagbobomba , kabilang dito ang Katedral ng Maynila.
Muling itinayo ang Katedral mula 1954 hanggang 1958 sa ilalim ni Kardinal Rufino Jiao Santos at sa pangangasiwa ng isang arkitektong Pilipinong si Fernando H. Ocampo.
Dumalaw si Papa Pablo VI sa katedral at nagdaos ng misa noong 1970.
Naglabas ng papal bull si Papa Juan Pablo II na pinamagatang Quo Ipsum noong 27 Abril , 1981 , na siyang nagtataas sa dambana sa pagiging minor basilica sa ilalim ng kaniyang sariling Motu Propio Sa ilalim din ng parehong papal bull , giniit niya na ang kautusan ni Papa Pablo VI noong 6 Hunyo , 1968 ay habambuhay na panatilihin at ipatupad sa merito at titulo ng katedral bilang sariling basilika nito.
Idinaos noong 2008 ang ika - 50 anibersaryo ng pagpapatayong - muli ng katedral , kung saan itinampok dito ang pangalawang Pipe Organ Festival ( Pista ng Organong Tubo ) na pinangasiwaan ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas.
Noong Pebrero 2011 , inilipat ng Arkdiyoses ng Maynila sa unang palapag ang mga kampana ng katedral upang makaiwas sa posibleng pagbagsak ng kampanaryo tulad ng nangyari sa mga nakaraang lindol.
Noong Enero 2012 , pinalitan ng katedral ang mga kampana na personal na minolde ng panday na si Friedrich Wilhelm Schilling ng Heidelberg , Alemanya noong 1958.
Ayon sa nakaukit sa tanda na inilagay ni Kardinal Gaudencio Rosales , ang mga bagong - kabit na mga kampana ang pinakamalaking kampanang kasalukuyang ginagamit sa Pilipinas.
Sa kabuuan , pitong kampanang Carillon ang permanenteng nakakabit sa unang palapag ng kampanaryo na nagtitimbang ng 17 metrikong tonelada.
Isinara sa publiko ang katedral upang kumpunihin at patatagin ang nasabing gusali noong 2012 upang maprotektahan ito laban sa lindol at posibleng paglubog sa lupa.
Sa mga panahong ito , ang Simbahan ng San Fernando de Dilao ang itinalagang pansamantalang opisyal na simbahan ( Pro - Cathedral ) ng Arkdiyosesis ng Maynila.
Sa pagkukumpuni ng katedral , maraming mga kagamitan ang dinagdag , tulad ng mga CCTV camera , malaking flat screen television screen ( tulad sa Simbahan ng Baclaran ) , pinagandang sistemang audio - video at pinahusay na mga pailaw.
Matapos ang dalawang taon ay muling binuksan sa publiko ang katedral noong 9 Abril , 2014.
Ang Arsobispo ng Maynila na si Luis Antonio Tagle ang namahala sa misang ginanap sa muling pagbubukas ng katedral , na dinaluhan ng Pangulong Benigno Aquino III.
Noong 16 Enero 2015 , pinamahalaan ni Papa Francisco ang kaniyang unang Papal na Misa sa Katedral bilang bahagi ng kaniyang pagbisita sa Pilipinas.
Ang misang ito ay eksklusibo sa mga obispo , mga pari at mga klero.
Noong 1581 , naglabas si Papa Gregorio XIII ng Papal Bull na nagbebendisyon sa katedral kay La Purisima Imaculada Concepcion de Maria , habang binendisyunan ni Miguel Lopez de Legaspi ang buong lungsod ng Maynila kay Santa Potenciana.
Noong 12 Setyembre 1942 , binasbasan Papa Pio XIII ang sambayanang Pilipino kay Immaculada Concepcion sa pamamagitan ng Papal Bull na pinamagatang Impositi Nobis , habang nananatiling pangalawang mga patron ng mga Pilipino si Santa Rosa ng Lima at Santa Potenciana.
Encantadia
Ang Encantadia ay isang pantasyang teleserye ( telefantasya ) na palabas ng GMA Network.
Trilohiya ang seryeng ito at sinundan ng Etheria at Encantadia : Pag - ibig Hanggang Wakas.
Noong 2016 , ang Encantadia ay muling ginawa bilang bagong kuwento at ipinalabas muli sa GMA Network.
Ang Kaharian ng Encantadia ay nahahati sa apat na kaharian :.
Ang mga taga - Lireo ay tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.