text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Sa pagaasang maliligtas ang unang Kardinal mula sa kamatayan agad - agad sila 'y pumunta sa unang simbahan , na kung saan natagpuan nila unang kardinal , Kardinal Ebner , patay , ang bibig niya 'y puno ng alikabok , at pinagpye - pyestahan ng mga Daga at ang kanyang dibdib ay may nakapakong salita " Alikabok ".
|
Sumunod ay nahanap nila ang lokasyon ng ikalawang altar ang Tuwiran ni San Pedro kung saan na tagpuan nila si Papa Lamasse , ang kanyang mga baga ay butas butas at ang kanyang katawan ay may salita na ipinako " Hangin ".
|
Habang binabasa ni Vetra ang aklat talaarawan ni Silvano ay hinahanap ni Langdon at mga alagad ng Batikano ay hinanap ang ikatlong simbahan kung saan natagpuan ang ikatlong kardinal , Kardinal Guidera , na nasa bingit ng kamatayan.
|
Nagpakita ang Suspek sa pagpatay kay Silvano at ang mga kardinal sa simbahan at pinatay ang mga kasama ni Langdon maliban sa kay Langdon.
|
Nabigong iligtas nila si Kardinal Guidera na namatay sa sunog at ang kanyang katawan ay " Apoy ".
|
Pagkatapos sa pagtakas , kinubinsi ni Langdon ang dalawang alagad na Carabinieri na samahan siya sa ikaapat at ikahuli na altar ang Simbahan ng Tubig , pero ang Suspek ay pinatay lamang ang mga alagad at inihulog niya ang ikaapat na Kardinal , Kardinal Baggia , sa Pauten ng Apat na Ilog.
|
Tagumpay na iniligtas ni Langdon ang kardinal , agad - agad pumunta sa Castel Sant 'Angelo ang Carabinieri , Batikanong Gendarmerie , at ang mga Suwisong Bantay kasama si Langdon at Vetra pagkatapos sinabi ni Kardinal Baggia kung saan sila tinago ng Salarin.
|
Natagpuan nila ang Van na ginamit ng Suspek na kung saan na tagpuan nila ang dalawang alagad ng Carabinieri patay na akala nila 'y dead end.
|
Sila 'y umalis para halughogin ang buong kastilya pero naiwan si Langdon at Vetra na kung saan sila 'y nakahanap ng sikretong daanan papuntang Batikano.
|
Sila 'y nakahanap ng isang brand na may dalawang susi , ang Simbolo ng Santo Papa.
|
Na kung saan nalaman nila na ang brand ay para sa kay Karmelengo McKenna , agad - agad sila tumagad kay McKenna pero 'y nabigo ng nahuli sila ng Suspek at kinonpronta sila na hindi sila papatayin dahil hindi sila armado at hindi siya ibinayaran para patayin sila.
|
Pagkatapos ay inamin niya na mga nag utos sa kanya na patayin ang mga Kardinal ay mga tao galing sa Simbahan Katolika.
|
Siya 'y agad tumakas sa sikretong daanan papuntang Batikano at tinagpuan ang saksakyan na binayaran niya pero 'y napatay dahil may sumabog na bomba nang pinapandar niya ito.
|
Si Langdon at Vetra nadiskobre na ang huling biktima ay si Karmelengo McKenna.
|
Natagpuan nila si Karmelengo McKenna nakapako ang kanyang katawan ng simbolo ng Santo Papa at si Commander Richter malapit sa kanya na may hawak - hawak na baril , para mailigtas ang karmelengo ay ibinaril ng mga bantay si Richter.
|
Habang namamatay na si Richter ay ibinigay niya isang susi para sa kanyang opisina.
|
Pagkatapos ay ang karmelango , Langdon , Vetra at ang mga Suwisong bantay ay nahanap ang nawawalang antimatter vial , nang nahanap na nila ito 'y malapit na maubos ang batterya at minuto nalang ito 'y sasabog.
|
Para iligtas ang Batikano ay inagaw niya ang vial at ginamit ang helikopter para doon ipasabog ang bomba.
|
Inandar niya pagkatapos ang autopilot at tumakas sa tulong ng parachute.
|
Pagkatapos ng ilan na sekundo ay sumabog na ang bomba at lumapag ang karmelengo at ngayon ay tinuturing na isang bayani at inikomerenda ng Kolehiyo ng mga Kardinal na siya ay pinaka - magandang kandidato para sa pagiging Santo Papa.
|
Habang naman si Vetra at Langdon ay ginamit ang susi para panoorin ang sekurity bidyo na pinapakita na ang salarin sa pagpatay sa Santo Papa at ang pagnanakaw ng Antimatter at pagpatay ng prefiriti ay ang karmelengo hindi ang Illuminati.
|
Sa bidyo ay tinangka arrestuhin ni Richter si McKenna , ang Pari ay pinako sa sarili ang isang simbolo na katulad sa pabaligtad na krusipiks ni San Pedro at inakusa na si Richter ay bahagi ng Illuminati.
|
Pagkatapos ay pinakita ni Langdon ang bidyo sa mga kardinal.
|
Pagkatapos nalaman ng karmelengo na nalaman ang kanyang masamang balak , sinunog niya ang kanyang sarili sa langis sa isa sa mga 99 banal na mga lampara sa loob ng Basiliska ni San Pedro.
|
Inahayag ng Batikano na namatay ang karmelengo dahil sa mga sugat na natamo niya sa pagbasak habang ang publiko ay nagdedemanda na siya 'y kanonisahin.
|
Si Kardinal Baggia ay ang bagong Santo Papa ( na pinili pangalan niya maging Luke ) at si Kardinal Strauss bilang ang bagong karmelengo.
|
Sa pagsasalamat ng bagong Santo Papa at ang bagong karmelengo kay Langdon ay ipinahiram sa kanya ang " Diagramma Veritas " ni Galileo para sa kanyang sanggunian at nagpapakiusap na sa huling habilin ni Langdon ay ibabalik niya ito sa Batikano pagkatapos ng kanyang kamatayan.
|
Tumapos ang pelikula ng Lumalabas sa balkonahe ang bagong Santo Papa habang nagsisiyahan ang mga tao sa Tuwirin ni San Pedro.
|
Comoros
|
Ang Unyon ng mga Comoros ( internasyunal : Union of the Comoros sa Ingles ; Kastila : Union de las Comoras ; bago sumapit ang 2002 , kilala bilang Islamikong Pederal na Republika ng Comoros o Islamic Federal Republic of the Comoros sa Ingles ) ay isang bansang nasa Karagatang Indiyan , matatagpuan sa hilagang dulo ng Kanal Mozambique sa pagitan ng hilagang Madagaskar and hilagang Mozambique.
|
Binubuo ang bansa ng mga tatlong pangunahing bulkang pulo : Grande Comore , Moheli at Anjouan , samantalang inaangkin ang kalapit na pulo ng Mayotte ngunit tinanggihan ang pagiging malaya mula sa Pransiya.
|
Binubuo din ng mga maliliit na pulo ang teritoryo ng bansa.
|
Hinango ang pangalan ng bansa mula sa salitang Arabeng al - Khamar , nangangahulugang ' pulo ng maliit na buwan , ' katulad ng nakalagay sa watawat nito.
|
Mga soberanong bansa Algeria * Angola * Benin * Botswana * Burkina Faso * Burundi * Cameroon * Cape Verde * Central African Republic * Chad * Demokratikong Republika ng Congo * Congo * Comoros * Cote d ' Ivoire * Djibouti * Ehipto1 * Equatorial Guinea * Eritrea * Ethiopia * Gabon * Gambia * Ghana * Guinea - Bissau * Guinea * Kenya * Lesotho * Liberia * Libya * Madagascar * Malawi * Mali * Mauritania * Mauritius * Morocco * Mozambique * Namibia * Niger * Nigeria * Rwanda * Senegal * Seychelles * Sierra Leone * Somalia * Sudan * Swaziland * Sao Tome at Principe * Tanzania * Timog Africa * Timog Sudan * Togo * Tunisia * Uganda * Zambia * Zimbabwe.
|
Dependensiyas | ' Di - kinikilala British Indian Ocean Territory ( Reino Unido ) * Demokratikong Republikang Arabo ng mga Sahrawi * Mayotte ( Pransiya ) * Puntlandiya * Reunion ( Pransiya ) * Sta.
|
Elena2 ( Reino Unido ) * Somalilandiya.
|
1 May bahagi sa Asya.
|
2 Kasapi ang mga dependensiya ng Pulo ng Asensiyon at Tristan da Cunha.
|
Kawalan ng ginagawa
|
Sa panlahatang diwa , ang kawalan ng gawain o hindi paggawa ay isang katayuan na may kaugnayan sa hindi pagkakaroon ng galaw , lakas , o enerhiya ng isang tao , nilalang , o iba pang bagay.
|
Isang halimbawa nito ang pagpapalipas ng oras o panahon ng isang taong walang nagagawang mainam o kapakipakinabang para sa sarili at para sa ibang tao sa buong maghapon at sa araw - araw.
|
Bagaman kaugnay ito ng katamaran , mas mailalarawan ang ganitong kalagayan sa pagiging hindi ginagamit , pagiging walang silbi , o pagtunganga.
|
Maaaring sinasadya ito ng isang taong batugan o tamad , subalit maaari rin naman itong maging dulot ng pagkawala ng hanapbuhay o trabaho ng isang taong likas namang masipag , kaya ' t hindi matatawag ang taong iyon bilang pabaya , tanga , tamad , o pagayon - gayon lamang sa bawat araw.
|
Sa Bagong Tipan ng Bibliya ( 2 Tesalonika 3 : 6 ) , nagbigay ng babala sa San Pablo hinggil sa mga taong gumagamit ng paksang ukol sa dagliang pagbabalik ni Hesukristo bilang isang dahilan sa pagkakaroon ng katamaran.
|
May isang pangkat ng mga taga - Tesalonikang hindi na nakilahok pa sa pang - araw - araw na pamumuhay , na nagturo at nanghikayat sa iba pang mga tao na iwanan na ang kanilang mga tungkulin o gampanin sa buhay , lisanin ang kanilang mga trabaho , at huwag nang magplano pa para sa hinaharap.
|
Ayon sa 500 Questions from the Bible o " Limangdaang mga Katanungan mula sa Bibliya " , ang ganitong ideya ay isang mapanirang panlilinlang , sapagkat hindi inutos ni Hesukristong huminto ang mga nanalig sa kanya at maghintay na lamang sa kanyang muling pagbabalik.
|
Bagkus , ang makilahok sa buhay habang naghihintay at umaasa ang ipinangaral ni Hesukristo.
|
Isang kabiguan sa pagtugon sa mga pangako ng Diyos na may katuwaan ang pagtunganga , at nakapipigil din sa paggawa ng tao ng " gawain ng Diyos " at pagluwalhati sa kanya.
|
Poe no Ichizoku
|
Ang Poe no Ichizoku ( Hapones : pono Yi Zu , Hepburn : Po no Ichizoku , lit.
|
" The Poe Family " ) ay isang seryeng manga.
|
Merneferre Ay
|
Si Merneferre Ay ( at binabaybay ring Aya o Eje ) ang paraon ng Ikalabingtatlong Dinastiya ng Ehipto.
|
Siya ay umupo sa trono noong mga 1700 BCE.
|
Siya ay naghari ng 23 taon , 8 buwan at 18 araw.
|
Ito ay gumagawa sa kanya na pinakamatagal na nagharing paraon ng ika - 13 dinastiya.
|
Si Merneferre Ay ay pangunahing alam mula sa maraming mga selyong scarab.
|
Gayunpaman , ang pyramidion ng kanyang libingan ay natuklasan sa Averis na nagmumungkahing ang mga haring Hyksos ay nagnakaw ng mga kayamanan ng kanyang libingan.
|
Mordechai Vanunu
|
Ang Israeling si Mordechai Vanunu ( Ebreo : mrdky vAnvnv ) ( ipinanganak 13 Oktubre 1954 ) , kilala din sa kaniyang pangalang bawtismal na John Crossman at sa mga katunggali bilang Mragel ha 'Atom ( Ebreo : mrgl hAtvm , " Ispiyang Atomiko " ) , ay isang dating teknikong nuklear ( nuclear technician ) na nagbunyag ng mga detalye ng programang pansandatang nuklear ng Israel sa prensang British noong 1986.
|
Napapunta siya sa Roma ng isang ahenteng Amerikano ng Mossad at nadukot at ipinadala nang patago sa Israel kung saan nilitis siya nang patago at hinatulan ng pagtataksil.
|
Pagkatapos ng 18 taon sa bilangguan , higit 11 na isinilbi niya sa solitary confinement , ipinalaya si Vanunu noong 2004 , sa ilalim ng isang komprensibong sakop ng mga restriksiyon sa kaniyang pananalita at paggalaw.
|
Simula noon ay madalas siyang naaaresto nang sandali dulot ng kaniyang mga paulit - ulit na paglabag sa mga restriksiyong yon , tulad ng pagbigay ng iba ' t ibang panayam sa mga dayuhang mamamahayag at ng pagtangkang lumisan ng Israel.
|
Noong Marso 2005 sinampahan siya ng 21 kargo ng " contravening a lawful direction , " na nagdadala ng maksimum ng dalawang taon bawat kargo , at ipinalaya upang maghintay ng paglilitis , bagaman nananatili siya sa ilalim ng parehong mga restriksiyon tulad ng dati.
|
Itinuturing ng mga pangkat pangkarapatang pantao si Vanunu bilang bilanggo ng kaniyang konsiyensiya.
|
Traydor naman ang pagturing sa kaniya ng pamahalaang Israeli , at patuloy ang lubos na pamimintas ni Vanunu sa mga galaw ng Israel , mismong itinatanggi kahit ang pangangailangan ng isang istado para sa mga Hudyo , sinasabing , " We don 't need a Jewish state.
|
There needs to be a Palestinian state.
|
Jews can , and have lived anywhere , so a Jewish State is not necessary.
|
".
|
Syria
|
Ang Sirya , Siria ( Ingles : Syria ) o Republikang Arabong Siryo ( Arabo : ljmhwryW l`rbyW lsWwryW , al - Dschumhuriyya al - 'Arabiyya as - Suriyya ; internasyonal : Syrian Arab Republic ) ay isang bansa sa timog - kanlurang Asya , hinahanggan ng Lebanon , Israel , Hordan , Irak , at Turkiya.
|
Al - Khutt
|
Ang Al - Khutt ay isang lungsod sa Saudi Arabia.
|
Enigma
|
Ang enigma ay maaaring tumukoy sa :.
|
Pagkalulong sa bawal na gamot
|
Ang pagkakulong sa bawal na gamot ' o druglord ay ang pagkakaroon ng pagkahumaling , pagkaadik , o adiksiyon ng isang tao sa mga pinagbabawal na gamot.
|
Isa itong uri ng katayuan o karamdaman na mahirap tanggalin at iwasan ng isang taong nasa ganito nang kalagayan , o ng taong nagumon na sa pagkasanay sa paggamit ng ganitong mga uri ng gamot ; sapagkat matindi na ang kanyang pagkasugapa o pagkahaling sa masasamang mga gamot o bisyo.
|
Maaaring isang biktima ang taong adik o adikto ng pangangalakal ng mga ito , o dahil na rin sa kanyang sariling pagpapasyang dala ng hindi makayanang mga suliranin o katayuan sa buhay.
|
Nakapagdudulot ang bawal na gamot ng pansamantalang ginhawa at pag - inam ng pakiramdam sa tao dahil sa epekto ng gamot na ito sa panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan.
|
Ngunit nasusundan ang kaginhawahang ito o pakiramdaman ng ganting - kilos o tugon o reaksiyon mula sa sistema ng nerbiyos , na kinabibilangan ng pagkalungkot o depresyon , o kawalan ng kaginhawahan at hindi mapakali.
|
Dahil sa reaksiyong ito , nabubuo o nahuhubog ang patuloy na paggamit ng bawal na gamot na nagiging isa nang siklo o pag - uulit at panay na paggamit.
|
Sa kalaunan , naaapektuhan ang sistemang panunaw ng tao , ang kaniyang pagtulog , nagkakaroon ng pagka - iritable ng sistemang nerbiyos o pagkabugnutin.
|
Humahantong rin sa pagkabaliw o pagkasira ng isipan at utak ang adiksiyon sa gamot.
|
Namamatay rin ang tao dahil sa pagkalason sa gamot , o dahil sa pagkitil niya ng sariling buhay.
|
Magkakaiba ang mga epekto ng pinagbabawal na gamot sa iba ' t ibang mga tao.
|
Kabilang sa mga batayan ng antas ng pagkakaapekto sa katawan at isipan ng tao ang kundisyon ng kanyang katawan , kasama na ang laki , timbang , kalusugan , katauhan , huling oras o panahon ng pagkain , mga inaasahan niya sa gamot na ininom , pati na ang dating karanasan sa paggamit ng masamang gamot.
|
Kasama pa ring batayan ng epekto sa tao ang mismong mga katangian ng ininom o ginamit na gamot.
|
Kabilang dito ang dami ng gamot , ang katapangan ng timpla ng gamot , ang paraan ng paggamit - maaaring hinithit , ininom , o kaya inindyiksyon o itinurok sa balat - , at pati ang pagsasabayan o pagtatambalan ng mga ginamit na bawal na gamot.
|
Nakakaapekto rin sa tao ang sarili niyang kapaligiran.
|
Kabilang dito ang pagiging nag - iisa ng tao , ang pagkakaroon niya ng mga kaibigan kasama at mapagkakatiwalaan , at kalagayan niya sa kaniyang lipunan at tahanan.
|
Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa pagkakaroon ng problema sa katawan , sa kalusugan , sa mga relasyon sa kaibigan , mag - anak , at maging sa pamayanan.
|
Maidaragdag din dito ang pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot , pati na ang sa hanap - buhay , pag - aaral , at akomodasyon.
|
Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at lipunan.
|
Dahil sa paggamit ng masasamang gamot , naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao , at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.
|
Kaugnay pa rin ng kanilang pagkaadik , humahantong sila sa pagsisinungaling at pagnanakaw mula sa kapwa o kamag - anak upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
|
Mahirap malaman kung gumagamit ng bawal na gamot ang isang tao dahil sa pagkakaiba - iba ng epekto nito sa isang indibiduwal.
|
Bagaman walang mga pagbabagong pangdamdamin o pangkatawan , maaaring mapuna ang hindi pagiging karaniwang kilos ng isang tao sa loob ng mahabang panahon.
|
Ngunit dapat na tandaan na maaaring bahagi lamang ng buhay at paglaki ng isang tao , partikular ng kabataan o mga nagbibinata ' t nagdadalagang tao , ang mga pagbabagong ito.
|
Naririto ang ilan sa mga babalang palatandaan o sintomas ng paggamit ng isang tao ng bawal na gamot : pagkakaroon ng panghihina , mapapansing pagbabago sa gawi sa pagkain , labis na pagkasumpungin , may silakbo o bugsong damdamin at pagkagalit , paglabas ng bahay sa kabuoan ng magdamag , madalas at biglaang pagpapalit ng mga kaibigan o kabarkada , kataka - takang pagkakaroon ng pangangailangan ng salapi , pagkakaroon ng labis na bilang ng pera , pagkawala ng mga mahahalaga at mamahaling mga kagamitan , at pagkakaroon ng suliraning may kaugnayan sa pulisya.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.