text
stringlengths
0
7.5k
May lawak ito na mahigit - kumulang 3.5 milyong kilometrong kuwadrado ( 1.35 milyong milyang kuwadrado ) , na umaabot mula sa mga kipot ng Malaka at Singgapur sa timog hanggang sa Kipot ng Taiwan sa hilaga.
Pinaniniwalang maraming langis , ang Dagat Timog Tsina ay may lawak na 3,500,000 kilometro quwadrado ( 1,400,000 metro quwadrado ).
Ang Dagat Timog Tsina ay nasa kanluran ng Pilipinas , silangan ng Vietnam at Malaysia , timog ng Tsina , at hilaga ng Indonesia at Malaysia.
Ang bahagi ng dagat na sakop ng inaangking Exclusive economic zone ( EEZ ) ng Pilipinas ay opisyal na tinatawag na West Philippine Sea ( lit.
Dagat Kanlurang Pilipinas ) ng pamahalaan nito.
Sa panahon ng Dinastiyang Zhou , ang pangalan na naibigay ay ' ' Nanfang Hai ' '.
Noong 1600 , nilakbayan ito ng mga Portuges at tinawag itong ' ' Mar da China ' '.
Nang makontrol ng Japan ang timog - silangang Asya noong 1941 habang nangyari ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig , ang tinawag nila dito ay ' ' Minami Shina Kai ' '.
Sa Vietnam , ' ' Bien Dong ' ' ang tinawag nila sa dagat.
Sa Malaysia , ang tawag nila dito ay ' ' Laut Cina Selatan ' '.
Noong 10 Hunyo 2011 , ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas na ipinangalan ang Dagat Luzon bilang " West Philippine Sea " ( Ingles para sa " Dagat Kanlurang Pilipinas " ) upang maipalakas ang pag - angkin nito sa Kapuluan ng Kalayaan.
Umaayon daw ito ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ayon sa estimasyon , kayang mareserbahan ng Dagat Timog Tsina ng higit na 7,700,000,000 barel ng langis at 266 cu.
ft. ng natural gas.
Takuya Kida
Si Takuya Kida ( ipinaganak Hulyo 23 , 1994 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Ana Martin
Hector Rubio
Oktubre 5
Ang Oktubre 5 ay ang ika - 278 na araw sa Kalendaryong Gregorian ( ika - 279 kung leap year ) na may natitira pang 87 na araw.
Richard Hughes
Si Richard Hughes ay isang Irish flat Jockey na pinaka karaniwang rides sa Gran Britaniya.
Ipinanganak Sa Dublin , siya ay anak ng matagumpay na pambansang mamaril trainer , Dessie Hughes.
Si Hughes ay Isa siya saBritish flat racing Champion Jockey noong 2012 at mananatili pamagat na sa 2013 kapag siya ay sumakay ng higit sa 200 mga nanalo sa season.
Bagyong Ondoy
Nabuo ang Bagyong Ketsana ( Pagtatalagang pandaigdig : 0926 , pagtatalaga ng JTWC : 17W , panglan ng PAGASA : Ondoy , Kauriang pangalang : Panglalaki ) , noong 23 Setyembre 2009 , mga 860 km ( 535 mi ) sa hilagang - kanluran ng Palau.
Noong 26 Setyembre 2009 , ang bagyong si Ondoy ay nagdulot ng malakas na pagbuhos ng ulan sa kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan.
Sa loob ng siyam oras , nagbaha sa iba 't ibang lugar at nagbunga ito ng pagkasawi ng 288 katao at pagkawala ng tahanan ng maraming Pilipino.
Pagkatapos manalasa sa Pilipinas , dumaan ito sa Biyetnam , Cambodia at Laos at nagdala ito ng malaking pinsala sa mga bansang yaon.
Turismong pangkalinangan
Ang turismong pangkalinangan ay turismong nakatuon sa pagdanas ng nakasanayang pamumuhay sa lugar , konsepto ng espasyo , oras , layo , pagkain , at lahat ng bagay na bibigay pakaiba sa napiling lugar.
Matatawag na turismo ang isang paglalakbay kung ito ay hihigit sa 24 oras at ginagawa sa lugar na malayo sa nakasanayang pamumuhay.
Matatawag na kultura o kalinangan ang kabihasnan at paglilinang.
Walang kulturang maituturing na mas mababa dahil nagbabago ang kultura depende sa pangangailangan ng mga taong bayan.
Nabubuo ang kultura base sa pagsasama sama at pakikisama.
Base sa modelong Iceberg , ang kultura ay binubuo ng dalawang parte : nakikita at hindi nakikita.
Ang mga nakikita ay yung mga madali mong mapapansin.
Tulad , halimbawa , nang pagpapakita ng yaman , kung mula sa pintuan ay naka lagay na lahat ng simbolo ng kanilang ari - arian masasabi mong ganoon ang kanilang pagpapahalaga sa yaman , samantalang ang iba naman ay tagong tago at kinikimkim ang karangyaan.
Sa dalawang ito 'y walang tama o mali , nagpapakita lang ito ng pagpapahalagang meron ang kanilang kinalakhang kultura.
Isa pang halimbawa ay ang paggamit ng pera.
May mga pamilyang ang konsepto sa pera ay bagay na ginagastos , pinagtrabahuhan para gamitin , samantalang ang iba nama 'y ang konsepto dito ay itinatabi , at ang pagbili ng higit sa dapat ay matatawag na na pagwawaldas.
Tulad nang naunang halimbawa , walang tama o maling konsepto dito , ang pagpapahalaga ng pamilya ay natututunan at hinuhubog ng panahon , maaaring natutunan pa ito mula sa naunang salin - lahi o nakuha dahil sa kasalukuyang katayuan sa buhay.
Ang mga hindi nakikitang parte naman ng kultura ay yung mga bagay na tinatawag na " alam mo na " , mga bagay na hindi na kailangang sabihin pero batid ng bawat isa kung ano ang ibig sabihin.
Halimbawa , pagdating ng araw ng sweldo ng tatay mo ay ininitrega niya ito sa iyong nanay.
Kasi , hindi na kailangang sabihin , pero alam nang buong bahay na ang iyong nanay ang nag - aasikaso ng pagbabadyet ng inyong buwanang pera.
Hindi sinasabi pero " alam mo na ".
Askal
Ang askal o asong kalye o asong gala ( Ingles : stray dog ) o di kaya 'y aspin ( asong pinoy ) ay isang kataga sa aso na kadalasang makikitang lalaboy laboy sa mga kalsada , o di - kaya isang aso na walang permanenteng tinutuluyan at malayang nakakaalpas sa lansangan upang maghanap ng makakain at matutulugan.
Ang askal ay maari ring tumukoy sa asong katutubo sa Pilipinas.
Love Pistols
Ang Love Pistols ay isang seryeng manga at anime.
Aspalto
Ang aspalto , aspalton , o alkitran ( Ingles : asphalt para sa aspalto , tar at pitch para sa alkitran ) ay malagkit , itim , at malapot na likido o medyo - solido na mayroon ang karamihang mga petrolyo at ilang mga likas na deposito.
Karaniwang ginagamit ito na panambak sa kalsada.
Ngunit maaaring partikular na tumukoy din ang alkitran sa maitim , malapot at madikit na sustansiyang nagmumula sa mga uling at kahoy.
Halimbawang gamit ng alkitran ang pagpapahid nito sa ilalim ng mga kotse at pagpipinta sa kahoy.
Lupa ( klasikong elemento )
Ang Lupa ay isa sa apat na klasikong elemento noong lumang pilosopiyang Griyego at agham.
Karaniwang kinakabit ito sa mga katangian ng pagiging praktikal , kahinahunan at materyalismo.
Kinakabit ito sa pisikal at senswal na aspeto ng buhay.
Bistro
Ang bistro ay isang uri ng maliit na restaurante , bar , o klub ( klab ) na panggabi ( naytklab ).
Sa orihinal na Parisyanong kahulugan nito , isa itong maliit na kainang naghahain ng hindi kamahalan ang halagang mga payak na pagkain habang nasa loob ng hindi maluhong tagpuan.
Pangkaraniwan ang mga pagkaing niluto ng mabagal lamang katulad ng mga iginigisa , ipiniprito , o inilalagang may takip.
Paroksismo
Ang paroksismo ( mula sa Ingles na paroxysm ) ay ang sintomas na may katangiang klamante ( apurado , malakas , o pilit ) na biglaan ang paglitaw o isang sumpong.
Tinatawag din itong ihit , sasal , bidbid , silakbot , sikla , at paglala ng sakit.
Kabilang sa mga sintomas na nagiging paroksismal o umiihit ang hapdi , ubo , at kombulsyon ( natatawag ding paroksismo ang kombulsyon ).
Ginagamit din ang salita para sa madalas na pagtindi o pagsidhi ( intesipikasyon ) ng isang sintomas.
Gayundin , ginagamit din ang salita para sa mga panahon o peryodo ng pagkakaroon ng lagnat sa malarya at iba pang panakanaka ( paudlut - udlot o paulit - ulit ) o intermitenteng mga lagnat.
Alessandra De Rossi
Si Alessandra Schiavone De Rossi , Alessandra Tiotangco Schiavone o mas kilala bilang Alessandra De Rossi ay isang artistang Pilipino na unang nakilala sa pelikulang Hubog.
Ang kanyang ina ay isang Pilipina habang ang kanyang ama ay isang Italyano.
Siya ay ang nakababatang kapatid na babae ni Assunta de Rossi na isa ring artista.
Kasunduang panlahat
Ang kasunduang panlahat o kasunduang panlahat na may unawaan ( o tawaran ) ay isang kasunduan sa pagitan ng mga tagapagpatrabaho at ng mga empleyado na nangangalaga at nangangasiwa sa mga hinihingi sa ayon sa napagkasunduan sa kanilang lugar ng trabaho , kabilang ang mga tungkulin ng mga empleyado at ang mga tungkulin ng mga nagpapahanapbuhay.
Karaniwang ito ay resulta ng isang proseso ng tawarang panlahat sa pagita ng isa o pangkat ng mga tagapagpahanapbuhay at ng isang unyong pangkalakalan na kumakatawan sa mga manggagawa.
Piramide ng Ehipto
Ang mga piramide ng Ehipto ay sinaunang mga hugis - piramideng mga kayariang gawa sa bato na nasa Ehipto.
Mayroong 138 mga piramideng natagpuan sa Ehipto mula noong 2008.
Karamihan sa mga ito ang ginawa bilang mga libingan ng mga Paraon ng bansa at ng kanilang mga konsorte noong mga panahon ng Luma at Gitnang Kaharian ng Ehipto.
Ang pinakamaagang nakikilalang piramideng Ehipsiyo ay ang Piramide ni Djoser ( itinayo noong 2630 BKE - 2611 BKE ) na itinayo noong Pangatlong dinastiya ng Ehipto.
Ang piramideng ito at ang nakapaligid nitong kompleks ay dinisenyo ng arkitektong si Imhotep , at pangkalahatang itinuturing bilang mga pinakamatatandang mga kayariang pambantayog ng mundo na binuo sa pamamagitan ng dinamitang masonriya o mga bato.
Pinakakilala sa mga Piramide ng Ehipto ang mga natagpuan sa Gisa , na nasa paligid - ligid ng Cairo , Ehipto.
Ilan sa mga piramide ng Gisa ang ibinibilang sa pinakamalalaking mga istrukturang naitayo.
Ang Piramide ni Khufu sa Gisa ang pinakamalaking piramideng Ehipsiyo.
Ito lamang ang isa sa Pitong mga Hiwaga ng Sinaunang Mundo na umiiral pa.
Kalinangang Nok
Ang kalinangang Nok ay isang maagang Panahong Bakal na populasyon na ang mga materyal na labi ay pinangalanan matapos sa Jaba na nayon ng Nok sa Nigeria , Aprika , kung saan ang kanilang bantog na terakotang mga iskulura ay unang natuklasan noong 1928.
Ang kalinangang Nok ay lumitaw sa hilagaing Nigeria sa paligid ng 1000 BK at naglaho sa ilalim ng hindi alam na mga pangyayari sa paligid ng 500 AD , sa gayon tumagal ng humigit - kumulang 1,500 taon.
Tinawag na mga Nok ang mga taong ito ayon sa maliit na nayon ng Nok na matatagpuan sa timog - silangang bahagi ng bayan ng Kano.
Tinaguriang kalinangang Nok ang sining at gawi sa pamumuhay ng hindi nakikilalang mga taong ito.
Natagpuan ang mga labi o bakas ng kanilang sining at gawi sa maraming mga sityong nasa pook na nasa hilaga ng dugtungan ng mga kailugan ng Niger at Benue.
Unang natagpuan ng mga arkeologo ang mga istatwang gawa ng mga Nok noong 1931.
Yari ang mga ito sa mga kasangkapang gawa sa putik o seramika.
Ilan sa mga ito ang kasinglaki ng tunay na ulo ng tao.
May iba namang maliit na huwaran ng mga hayop at mga tao.
May mga butas sa mga tainga ang lahat ng mga istatwang ulo ng tao , kaya 't pinaniniwalaang nagsuot ng mga alahas ang mga taong Nok.
Batay sa mga istatwang natagpuan , pinaniniwalaan rin na mga magsasaka ang mga taong ito.
Nagbubo o nagtunaw rin ang mga Nok ng mga bakal.