text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
i
|
C
|
a / H B ' ^ { j ! 1" " " (# # $ % & |& ' ' ' {( ?) ) * * + e+ + , - - O. . 0 0 V1 2 D2 r3 4 5 G6 6 L7 7 8 -9 9 : G; < < :> > _? ? A dB ^C C jD E mE E UF \G G UH HI I I J K L M [N O O UP P Q CR R S T U ]V W ~W ?X Y Z -[ [ `\ B] ] ^ ^ _ o_ V` ` }a a fb b c *d d e f g g Ph h i 6j j k k l m m Dn n o o Pp p fr r >s s >t u v v y y lz ?{ { | } } \~ 7 ` 3 O 8 e C ) a b G 3 # D ( W X } 6 { 4 F 5 c & 8 v O u ) r ] ` G _ J & 6 X B R K t H B A u H g 7 w w 8 8 C C m % f f r r G | J J U U f l l v v " " i i | | $ P 6 f 0 ? ~ , ] K z R K " U s # m
|
8
|
P
|
T b W < ) x L O n q \ 5 X S g g y y 2 2 m m Y " D" " J# # $ % {% % & & o' ' ( ( %) ) ) * * + + + [, )- - - g. . . 00 0 Mayroon ding longganisang walang balat o walang balot ( skinless longganisa ).
|
Ang uri ng maanghang na longganisa na galing sa Bilbao , Espanya ay tinatawag na chorizo de Bilbao ( longganisa ng Bilbao o tsurisong mula sa Bilbao ).
|
Kung minsan , nababaybay din itong langgunisa o longaniza.
|
Tinatawag na batutay ang mga longganisang yari sa laman ng baboy na orihinal na gawang Cabanatuan.
|
Rainier Castillo
|
Si Rainier Castillo ay isang aktor sa Pilipinas.
|
Young Officers Union
|
Ang Young Officers Union ( YOU ) , na may kahulugang " Unyon ng mga Kabataang Opisyal " , ay isang humilay na pangkat o splinter group kung tawagin sa wikang Ingles , na nasa loob ng militar ng Pilipinas.
|
Noong panahon ng pamumuno ni Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas , tinutulan ng YOU ang pananatili ng Military Bases Agreement at ninanais nila na magtapos na ang kasunduang ito sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Pamahalaan ng Estados Unidos.
|
Muhammad Ali
|
Si Muhammad Ali ( ipinanganak bilang Cassius Marcellus Clay , Jr. noong Enero 17 , 1942 ) ay isang Amerikanong boksingero.
|
Naging isa siya sa pinakabantog na mga boksingero sa mundo dahil sa kanyang teknikong " rope - a - dope " ( literal na " itali ang malapot na likido " o " igapos ang narkotiko " ).
|
Kilala rin siya dahil sa kanyang matatalinong mga pagpapantig o rima ng tula.
|
Noong 1999 , pinangalanan siya bilang " Manlalaro ng Daang Taon " o " Sportsman of the Century " ng magasing Sports Illustrated.
|
Napagwagian niya ang kampeonato sa World Heavyweight Boxing ng may tatlong ulit.
|
Nanalo rin siya ng medalyang ginto sa palarong Olimpiko para sa pagboboksing noong Palarong Olimpiko sa Tag - init ng 1960 sa Roma , Italya.
|
Ipinanganak si Ali sa Louisville , Kentucky.
|
Pinangalanan siya mula sa kanyang amang si Cassius Marcellus Clay , Sr. Binago ni Ali ang kanyang pangalan pagkaraan maging isang Muslim noong 1975.
|
Dahil sa kanyang mga paniniwalang Islamiko , ayaw niyang makilahok sa pakikidigma noong Digmaan ng Biyetnam noong subukin ng hukbong katihan na italaga siya bilang isang sundalo.
|
Ipinabilanggo siya dahil dito.
|
Nagretiro siya mula sa larangan ng boksing noong 1981.
|
Noong kaagahan ng dekada ng 1980 , natuklasan na mayroong karamdaman ni Parkinson si Ali.
|
Kasunduang pangkasalan
|
Ang kasunduang pangkasalan ay isang kontratang pinapasukan bago magpakasal.
|
Nasasalamin sa kasal ang pag - iibigan ng magsing - irog.
|
Sa Hudaismo , ang kasunduang pangkasalan ay isang anyo ng sining ; mayroon itong iba 't ibang disenyo at isinasabit nang prominente sa bahay ng mag - asawa.
|
Sa Kristiyanismo , ang kasal ay isang banal na sakramento , kung saan ang pagpapasya ay sigurado.
|
Ayon sa kasabihan : " Hindi ito tulad ng isang pagkain na pag ika 'y napaso madali mong mailuluwa.
|
".
|
Gakuya Horii
|
Si Gakuya Horii ( ipinaganak Hulyo 3 , 1975 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
|
Papa Telesforo
|
Si Papa Telesforo ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 126 o 127 CE hanggang 136 o 138 CE sa panahon ng mga paghahari nina Emperador Hadrian at Antoninus Pius.
|
Siya ay mula sa lahing Griyego at ipinanganak sa Terranova da Sibari , Calabria , Italya.
|
Ayon sa Liber Pontificalis , siya ay naging isang ankorita o hermitanyong monghe bago ang pagluklok sa opisina ng Obispo ng Roma.
|
Ayon kay Irenaeus , siya ay dumanas ng isang maluwalhating pagkamartir.
|
Inilagay ni Eusebio ang kanyang pagka - obispo sa ika - 12 taon ni Emperador Hadrian at ibinigay ang kanyang kamatayan sa unang taon ng paghahari ni Emperador Antoninus Pius ( 138 - 139 ).
|
Ang isang pragmento ng liham mula kay Irenaeus kay Papa Victor I noong kontrobersiyang paskuwa sa huling ika - 2 siglo CE na iningatan rin ni Eusebio ay nagpapatunay na si Telesfor ang una sa mga obispong Romanon na palaging nagdiriwang ng paskuwa ng mga Hudyo.
|
Gayunpaman , hindi tulad ni Victor , si Telesforo ay nanatili sa pakikipag - komunyon sa mga pamayanan na hindi sumusunod sa kustombreng ito.
|
Shogun
|
Sa kapanahunan ng piyudalismo sa Hapon , ang sugun o shogun ang namumuno sa bansa , ngunit walang kapangyarihan sa ibabaw ng emperador.
|
Ang emperador ang pumipili ng sugun.
|
Isa itong ranggo na hindi katumbas ng hari o ng emperador.
|
Ibinibigay ang ranggong ito ng Tenno , ang emperador ng Hapon.
|
Nangangahulugang heneral ang salitang sugun sa wikang Hapones , na may opisyal o buong kapangalanang Seii Taishogun o " dakilang heneral na lumalaban sa silanganing mga barbaro at magwawagi ".
|
Noong sinaunang panahon sa Hapon , nagsilbing mga heneral ng mga emperador ang mga shogun.
|
Hindi sila naghahari.
|
Subalit noong 1192 , may isang samurai at pinunong militar na nagngangalang Minamoto no Yoritomo na pinagkalooban ng pamagat na sugun ng dating emperador Go - Shirakawa.
|
Mula noon , ang sugun ang naging pinakapinuno ng lahat ng mga samurai sa buong Hapon.
|
Nang sumapit ang kalagitnaan ng ika - 16 dantaon , ang sugun ang namuno sa kabuuan ng bansang Hapon.
|
Tinatawag na kasugunan o shogunate ang tanggapan ng sugun.
|
Sa Hapon , tinatawag itong bakufu o " tanggapang nasa loob ng kubol " sapagkat dating pinunong panghukbo ang sugun na nasa loob ng isang kubol ( tolda o dampa ) ang tanggapan habang nasa pook ng labanan o digmaan.
|
Nagkaroon ng tatlong kasugunan sa Hapon :.
|
Noong 1868 , nagbitiw sa tungkulin ang pan - labinlimang sugun ng Kasugunang Tokugawa na si Tokugawa Yoshinobu.
|
Dito nagsimula ang pagtatapos ng pamumuno sa Hapon ng sugun , at ito na rin ang wakas ng panahong piyudal o " pag - aawayan " ( labanang pandigmaan ) sa bansang Hapon.
|
Bukod sa pagiging ranggong pang - militar ng salitang sugun ( Shogun ( Jiang Jun , shogun ) pakinggan ( tulong * impormasyon ) ) , isa rin itong makasaysayang pamagat o titulong pantao sa Hapon.
|
Bilang salitang Hapon na katumbas ng " heneral " , binubuo ito ng dalawang salitang kanji : ang sho na nangangahulugang " komandante " , " heneral " , o " almirante " , at ng gun na " mga mandirigma " o " mga tropa ng sundalo " ang ibig sabihin.
|
Samakatuwid , nangangahulugang " isang heneral ng mga hanay ng mandirigma " ang shogun.
|
Sa makabagong pangangahulugan , katumbas ng hanay na ito ang isang generalissimo.
|
Bilang isang titulo , ito ang pinaikling anyo ng Seii Taishogun ( Zheng Yi Da Jiang Jun ? ) , ang namamahalang indibidwal sa iba 't ibang panahon sa kasaysayan ng Hapon , na nagtapos nang magbitiw sa luklukan ng tungkulin si Tokugawa Yoshinobu at ibinigay niya ito kay Emperador Meiji noong 1867.
|
Kilala ang administrasyon o tanggapan ng shogun bilang kasugunan na ' bakufu ' ( Mu Fu ? ) sa Hapones.
|
Sa literal na pakahulugan ito ang " isang opisina sa loob ng kubol " na " bahay ng isang heneral " sa orihinal nitong kahulugan , pagpapabatid na isa itong " pribadong pamahalaan.
|
" Maaaring mangahulugan ang bakufu ng " pamahalaang kubol " , isang gobyernong pinatatakbo sa ilalim ng sugun.
|
Ang kubol o tolda ang sumasagisag sa komandanteng nasa pook ng digmaan subalit isang tanggapang panandalian lamang.
|
Sa kabuuan , tumutukoy ang bakufu sa mga opisyal ng shogun ; at ipinatutupad ng mga opisyal na ito ang mga katungkulan ng administrayon habang may nabibilang na kapangyarihan lamang ang korteng imperyal.
|
Maaaring ihalintulad ang kahulugang " isang opisina sa loob ng kubol " ng bakufu sa pariralang " tolda ng kampanya " sapagkat kinakampanya nito ang mga hangaring pandigma ng sugun.
|
Nangangahulugan ang terminong sei - i - tai - shogun ng " magiting na heneral na gumapi sa mga barbarong mula sa silangan.
|
" Isa sa mga sinaunang mga katawagan ang " silanganing barbaro " para sa iba 't ibang mga grupo na namuhay sa silanganing lugar sa Hapon at hindi pa naging mga tagasunod ng pamahalaang sentral.
|
Kabilang dito ang mga aborihinal o katutubong mamamayanang Ainu na dating naninirahan sa Honshu at sa Hokkaido.
|
Nagkamit ng sapat na kapangyarihan mula sa kamaharlikaan ng Kyoto si Minamoto no Yoritomo , ang unang sugun ng Kasugunang Kamakura.
|
Sa madaling sabi , siya ang naging pinuno at tagapamalakad ng Hapon , at tumanggap ng titulong sei - i taishogun.
|
Mula noon , tumanggap rin ng ganitong pamagat o titulo ang mga pinuno ng tatlong magkakasunod na kasugunan.
|
Makalipas ang pagbagsak ng Kasugunang Kamakura , mayroon mga kondisyong dapat maabot para magkamit ng titulong sugun ang isang Panginoong - Pandigma o warlord.
|
Isa sa mga ito , at ang pinakamahalaga , dapat na nagmula sa angkang Minamoto ang Panginoong - Pandigma.
|
Pangalawa , nararapat na napailalim at nagkakaisa sa ilalim ng nag - iisang daimyo ang buong Hapon.
|
Kapag nagawang mapag - isa ng isang Panginoong - Pandigma ang Hapon , ngunit hindi wala siyang ninuno mula sa angkang Minamoto , bibigyan lamang siya ng titulong Rehiyente.
|
( 203.84.183.130 04 : 20 , 21 Disyembre 2008 ( UTC ) ).
|
Gulugod
|
Sa anatomiya ng tao , ang gulugod o butong panlikod o kolumnang pangbertebrado ay isang kolumna na binubuo ng 24 na mga nag - aartikulang mga bertebra at 9 na magkakadugtong na bertebra sa sakrum at kosiks ( coccyx ).
|
Ito ay matatagpuan sa likurang ( dorsal ) bahagi ng torso ( punong - katawan ) na inihihiwalay ng mga diskong inbertebral.
|
Ibinabahay nito ang kordong espinal sa kanal na espinal nito.
|
Kilala rin ang gulugod bilang balugbog , o tayudtod ( huwag ikalito sa taludtod ).
|
Tinatawag na kuyukot ang dulo ng bertebrang nasa may puwitan.
|
StarStruck
|
StarStruck ay isang telebisyon sa Pilipinas reality talent competition nagpapakita ng broadcast sa pamamagitan ng GMA Network.
|
Ito ang unang inilunsad noong Oktubre 27 , 2003 at naipasa sa loob ng anim na panahon.
|
Ang ikapitong season ay naka - air sa 2019.
|
Ang palabas ay naglalayong tumuklas ng mga bagong multimedia na bituin ( pelikula , telebisyon , musika at digital na media ) sa bansa sa pamamagitan ng isang serye ng mga nationwide auditions.
|
Sa buong Pilipinas , ang mga tour ng paghahagis ay ginaganap sa iba 't ibang rehiyon , kung saan ang mga umaasa sa mga kalahok ay nasisiyahan ng mga panimulang panel na pipiliin para sa kalidad ng bituin , kumikilos na talento , o nakakatawa na potensyal at interes ng tao.
|
Ang proseso ng pag - audition ay matagal na , simula sa libu - libong hopefuls na nagpapakita ng kanilang mga talento at kapanayamin ng mga panelista.
|
Ang kumpetisyon ay kumakain kapag ang mga umaasa ay pinutol sa labing - apat at ang mga kalahok para sa kani - kanilang Season.
|
Sa panahon ng finals , ang mga finalist ay inalis nang isa - isa hanggang tatlo ang tatlo.
|
Pagkatapos ng dalawang linggo , isang pares ang matanggal.
|
Ang natitirang apat ay advanced sa Final Judgment kung saan ang mga nanalo ay ipinahayag.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.