text
stringlengths
0
7.5k
Ito ay kinabibilangan ng inplasyon na lumilitaw bilang real na kabuuang produktong domestiko at at ang kawalang trabaho ay bumabagsak habang ang ekonomiya ay gumagalaw sa kahabaan ng kurbang Phillips.
Ang inplasyong pagtulak ng gastos ay isang uri ng inplasyon na sanhi ng malaking pagtaas sa halaga ng mga mahalagang kalakal o serbisyo kung saan walang angkop na alternatibo ay makukuha.
Ang isang sitwasyong kadalasang binabanggit nito ang krisis ng langis noong 1973 na nakikita ng ilang mga ekonomista na isang pangunahing sanhi ng inplasyong naranasan sa mga bansang Kanluranin sa dekadang iyon.
Ikinatwirang ang inplasyong ito ay nagresulta mula sa pagtataas ng halaga ng langis ( petroleum ) na itinakda ng OPEC.
Dahil ang langis ay labis na mahalaga sa mga industriyalisadong ekonomiya , ang isang malaking pagtaas sa mga presyo nito ay maaaring magpataas ng presyo ng karamihan ng mga produkto na nagpapataas ng rate ng inplasyon.
Ito ay maaaring magpataas ng normal o likas na rate ng inplasyon na rumiriplekta sa mga pag - aangkop na ekspektasyon at ang pag - ikid ng presyo / sahod upang ang pagkabigla ng suplay ay may patuloy na mga epekto.
Ang mga pangunahing reporma at resolba ay inilalapat sa patakarang pang - salapi ( monetary ) at patakarang piskal ng isang bansa.
Ang mga patakarang pang - salapi ( monetary ) ay karaniwang nilalapat ng mga bangko sentral samantalang ang mga patakarang piskal ay ginagamit at pinapatupad ng katawang pampamahalaan sa pakikipagtulangan ng Bangkong Apex.
Ang salapi ang paraan ng huling pagbabayad ng mga kalakaal sa karamihan ng mga ekonomiyang sistema ng presyo at ang unit ng akawnt kung saan ang mga presyo ay karaniwang isinasaad.
Ang isang labis na angkop na pangungusap ni Propesor Walker na isang kilalang ekonomista ay : " Ang pera ay kung ano ang ginagawa ng pera ... ".
Ang pera ay may pangkalahatang pagtanggap , isang relatibong konsistensiya sa halaga , dibisibilidad , pagiging matibay , portabilidad ( pagiging madadala ) , ellastiko sa suplay at nakaliligtas sa konpidensiya ng publikong masa.
Ito ay kinabibilangan ng kurensiyang hinahawakan ng mga publikong hindi bangko at mga matsetsekeng mga deposito.
Ito ay inilarawan bilang isang panlipunang konbensiyon , tulad ng wika na magagamit para sa isa na sa malaking dahilan ay dahil sa ito ay magagamit para sa iba.
Bilang midyum ng pagpapalitan , ang salapi ay nagpapadali ng kalakalan.
Ito ay pangunahing isang sukat ng halaga at sa mas mahalagang paglalarawan ay imbak ( store ) ng halaga na basehan ng paglikha ng kredito.
Ang ekonomikong tungkulin nito ay maaring isalungat sa barter ( hindi pamperang pagpapalitan ).
Dahil sa malawak na uri ng mga nililikhang kalakal at mga espesyalisadong mga prodyuser , ang barter ay maaaring magtakakda ng mahirap na mahanap na dobleng koinsidensiya ng mga kagustuhan sa kung ano ang ipinapalit , halimbawa sa mga mansanas at isang aklat.
Ang pera ay maaaring magbawas ng gastos ng pagpapalitan ng transaksiyon dahil sa handa nitong pagiging matatanggap.
Sa gayon , hindi magastos para sa tagatinda na tumanggap ng pera bilang kapalit kesa sa kung ano nililikha ng tagabili.
Sa lebel ng ekonomiya , ang teoriya at ebidensiya ay konsistente sa positibong ugnayang tumatakbo mula sa kabuuang suplay ng salapi tungkol sa nominal na halaga ng kabuuang output tungo sa pangkalahatang lebel ng presyo.
Sa dahilang ito , ang pangangasiwa ng suplay ng salapi ay isang mahalagang aspeto ng patakarang pang - salapi ( monetary ).
Ang pambansang akawnting ay isang paraan sa pagbubuuod ng agregatong gawaing ekonomiko ng isang bansa.
Ang mga pambansang akawnt ay isang mga sistemang dobleng entradang akawnting na nagbibigay ng detalyadeng pinagsasaligang mga sukat ng gayong impormasyon.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng Mga akawnt ng pambansang sahod at produkto ( national income and product accounts o NIPA ) ay nagbibigay ng mga pagtatantiya para sa halaga ng salapi ng output at sahod kada taon o kwarter.
Ang NIPA ay pumapayag sa pagsubaybay ng pagganap ng ekonomiya at mga bahagi nito sa pamamagitan ng siklo ng negosyo o sa loob ng mas mahabang mga panahon.
Ang datos ng presyo ay maaaring pumayag sa pagtatangi ng nominal mula sa mga real na halaga na pagtutuwid ng mga kabuuang salapi para sa mga pagbabago ng presyo sa loob ng panahon.
Ang mga pambansang akawnt ay kinabibilangan rin ng sukat ng kapital na stock , kayamanan ng isang bansa at internasyonal na mga daloy kapital.
Ang kalakalang internasyonal ay nag - aaral ng mga tagatukoy ng mga daloy ng kalakal - at - serbisyo sa buong mga hangganang internasyona.
Ito ay nauukol rin sa sukat at distribusyon ng pakinabang mula sa kalakalan.
Ang mga aplikasyon g patakaran ay kinabibilangan ng pagtatantiya ng mga epekto ng pagbabago ng mga rate ng taripa at quota ng kalakalan.
Ang pinansiyang internasyonal ay isang larangang makroekonomiko na sumusuri sa daloy ng kapital sa buong mga hangganang internasyonal at sa mga epekto ng galaw na ito sa mga rate ng palitan.
Ang tumaaas na kalakalan sa mga kalakal , serbisyon at kapital sa pagitan ng mga bansa ay isang pangunahing epekto ng kontemporaryong globalisasyon.
Ang natatanging larangan ng ekonomikang pag - unlad ay sumusuri sa mga aspetong ekonomiko ng proseso ng pag - unlad sa relatibong mababang sahod na mga bansa na pumopokus sa pagbabagong istraktural , kahirapan , at paglagong ekonomiko.
Ang mga pakikitungo sa ekonomikang pag - unlad ay kadalasang nagsasama ng mga paktor na panlipunan at pampolitika.
Ang mga sistemang ekonomiko ang sangay ng ekonomika na nag - aaral ng mga paraan at institusyon kung saan ang mga lipunan ay tumutukoy sa pag - aari , direksiyon at paglalaan ng mga mapagkukunang ekonomiko.
Ang isang sistemang ekonomiko ng isang lipunan ang unit ng analisis.
Sa mga sistemang kontemporaryo sa iba 't iabng mga dulo ng spektrum na organisasyonal ang mga sistemang sosyalista at sistemang kapitalista na ang karamihan ng produksiyon ay nangyayari sa respektibong negosyong pinapatakbo ng estado at mga pribado.
Sa pagita nito ang mga magkahalong ekonomiya.
Ang isang karaniwang elemento ang interaksiyon ng mga impluwensiyang ekonomiko at pampolitika na malawak na inilalarawan bilang ekonomiyang pampolitika.
Ang mga sistemang komparatibong ekonomiko ay nag - aaral ng relatibong pagganap at pag - aasal ng iba 't ibang mga sistema o ekonomiya.
Ang kontemporaryong ekonomika ay gumagamit ng matematika.
Ang mga ekonomista ay humahango sa mga kasangkapan ng kalkulo , alhebrang linyar , estadistika , teoriya ng laro at agham pang - kompyuter.
Ang mga ekonomistang propesyonal ay inaasahang maging pamilyar sa mga kasangkapang ito samantalang ang kaunti ay naeespesyalisa sa ekonometrika at mga pamamaraang matematikal.
Ang nananaig na teoriyang ekonomiko ay umaasa sa a priori na kwantitatibong mga modelong ekonomiko na gumagamit ng iba 't ibang mga konsepto.
Ang teoriya ay karaniwang tumutuloy sa asumpsiyon ng ceteris paribus na nangangahulugang humahawak ng mga nagpapaliwanag na bariabulo kesa sa isa na nasa ilalim ng pagsasaalang alang.
Kapag lumiliha ng mga teoriya , ang layunin ay humanap ng mga kahit papaano ay simple sa mga pangangailangang impormasyon , mas tiyak sa mga prediksiyon at mas mabunga sa paglikha ng karagdagang pagsasaliksik kesa sa mga naunang teoriya.
Sa mikroekonomika , ang prinsipal na mga konsepto ay kinabibilangan ng suplay at pangangailangan , marhinalismo , teoriyang makatwirang pagpili , gastos ng oportunidad , mga limitasyon ng badyet , utilidad , at ang teoriya ng negosyo.
Ang mga sinaunang modelong makroekonomiko ay pumokus sa mga relasyon sa pagitan ng mga agregatong bariabulo ngunit habang ang mga relasyon ay lumilitaw na nagbabago sa loob ng panahon , ang mga makroekonomista ay napilitang bumatay ng kanilang mga modelo sa mga mikropundasyon.
Ang mga nabanggit na konspetong mikroekonomiko ay gumagampan ng isang malaking papel sa mga modelong makroekonomiko , halimbawa sa teoriyang pang - salapi , ang teoriyang kantidad ng salapi ay humuhula na ang pagtaas sa suplay ng salapi ay nagpapataas ng inplasyon at ang inplasyon ay pinagpapalagay na naiimpluwensiyahan ng mga ekspektasyong makatwiran.
Sa ekonomikang pag - unlad , ang mas mabagal na paglago sa mga maunlad na bansa ay minsang hinuhulaan dahil sa pagbagsak ng mga pagbabalik na marhinal ng pamumuhunan at kapital at ito ay napagmasdan sa Mga apat na tigreng Asyano.
Minsan , ang hipotesis na ekonomiko ay tanging kwalitatibo at hindi kwantitatibo.
Ang mga pagpapaliwanag ng mga pangangatwirang ekonomiko ay kadalasang gumagamit ng dalawang dimensiyonal na mga grapo upang ipakita ang mga relasyong teoretikal.
Sa mas mataas na lebel ng paglalahat , ang treatise ni Paul Samuelson na Foundations of Economic Analysis ( 1947 ) ay gumamit ng mga pamamaraang matematikal upang ikatawan ang teoriya partikular na ang pagmamaksima ng mga relasyong pag - aasal ng mga ahente na umaabot sa ekwilibrium.
Ang aklat ay nakapokus sa pagsusuri ng klase ng mga pahayag na tinatawag na mga teoremang operasyonal na makahulugan sa ekonomika na mga teorema na maiisip na mapapamalian ng empirikal na datos.
Ang mga teoriyang ekonomiko ay kadalasang sinusubukan ( tested ) ng empirikal ng malaki sa pamamagitan ng paggamit ng ekonometrika gamit ang datos na ekonomika.
Ang mga kontroladong eksperimentong karaniwang sa agham pisika ay mahirap at hindi karaniwang sa ekonomika at bagkus ay ang malawak na datos ay obserbasyonal na pinag - aaralan.
Ang uring ito ng pagsusubok ay karaniwang itinuturing na hindi mas mahigpit kesa sa kontroladong eksperimentasyon at ang mga konklusyon ay karaniwang mas tentatibo.
Gayunpaman , ang larangan ng ekonomikang eksperimental ay lumalago at ang tumataas na pggamit ay ginagawa sa mga natural na eksperimento.
Ang mga pamamaraang estadistika gaya ng regresyong analisis ay karaniwan.
Ang tagasanay nito ay gumagamit ng mga gayong paraan upang tantiyahin ang sukat , kahalagahang ekonomiko at kahalagang estadistikal ( lakas ng hudyat ) ng mga hinipotesis na relasyon at upang isaayos para sa ingay mula sa ibang mga bariabulo.
Sa pamamagitan ng gayong mga paraan , ang isang hipotesis ay maaaring magkamit ng pagtanggap bagaman sa isang probabilistiko kesa sa tiyak na kahulugan.
Ang pagtanggap ay nakasalalay sa hipotesis na nagpapatuloy na mga pasubok na pagiging mapapamali.
Ang paggamit ng karaniwang tinatanggap na mga pamamaraan ay hindi kinakailangang lumikha ng isang huling konklusyon o kahit isang kasunduan sa isang partikular na tanong sa ibinigay na iba 't ibang mga pagsubok , hanay ng datos at mga naunang paniniwala.
Ang mga batikos batay sa mga pamantayang propesyonal at hindi replikabilidad ( pagiging mauulit ) ng mga resulta ay nagsisilbi bilang karagdagang pagtingin sa mga pagkiling ( bias ) , mga kamalian at labis na paglalahat , , bagaman ang labis na pagsasaliksik na ekonomiko ay inakusahan ng pagiging hindi replikable ( mauulit ) at ang mga prestihiyosong hornal ay naakusahan ng hindi pagpapadali ng replikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kodigo at datos.
Tulad ng mga teoriya , ang mga paggamit ng mga pagsubok estadistika ay sa sarili nito bukas sa kritikal na analisis , bagaman ang mga komentaryong kritikal sa mga papel sa ekonomika sa mga prestihiyosong hornal gaya ng American Economic Review ay bumagsak ng matirik sa nakaraang 40 taon.
Ito ay itinutro sa mga pabuya ng hornal na imaksima ang mga banggit upang rumanggo ng mas mataas sa Social Science Citation Index ( SSCI ).
Sa nilalapat na ekonomika , ang mga modelong input - output na gumagamit ng mga pamamaraang pagpoprogramang linyar ay medyo karaniwan.
Ang malaking mga halaga ng datos ay pinapatakbo sa pamamagitan ng mga programa ng komputer upang siyasatin ang epekto sa ilang mga patakaran.
Ang IMPLAN ay isang mahusay na kilalang halimbawa.
Ang ekonomikang eksperimental ay nagtaguyod ng paggamit ng kinontrol na siyentipikong mga eksperimento.
Ito ay nagpaliit ng matagal nang napapansing distinksiyon sa ekonomika mula sa mga pinayagan ng natural na agham na mga pagsubok ng nakaraang kinukuhang mga aksiyoma.
Sa ilang mga kaso , natagpuan ng mga ito na ang mga aksiyoma ay hindi buong tama.
Halimbawa , ang larong ultimatum ay naghayag na ang mga tao ay tumatakwil na hindi magkatumbas na mga alok.
Sa ekonomikang pag - aasal , sikolohistang si Daniel Kahneman ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa ekonomika noong 2002 para sa empirikal na pagkakatuklas niya at ni Amos Tversky ' ng ilang mga pangkiling na kognitibo ( cognitve biases ) at mga heuristika.
Ang parehong pagsubok empirikal ay nangyayari sa neuroekonomika.
Ang isa pang halimbawa ang asumpsiyon ng masikip na madamot na mga preperensiya laban sa isang mdoel na sumusubok para sa madamot , altruistiko at matulunging mga preperensiya.
These techniques have led some to argue that economics is a " genuine science.
".
Ang mga kasulatang ekonomiko ay may petsang nagmula sa sinaunang kabihasnang Mesopotamiang , Gresya , Roma , India , Tsina , Persia , at Arabo.
Ang mga kilalang mga manunulat mula sa sinaunang panahon hanggang sa ika - 14 siglo ay kinabibilangan nina Aristotle , Xenophon , Chanakya ( na kilala rin bilang Kautilya ) , Qin Shi Huang , Thomas Aquinas , at Ibn Khaldun.
Ang mga akda ni Aristotle ay may malalim na impluwensiya kay Aquina na nakaimpluwensiya naman sa mga huling skolastika ng ika - 14 hanggang ika - 17 siglo.
Joseph Schumpeter described the latter as " coming nearer than any other group to being the ' founders ' of scientific economics " as to monetary , interest , and value theory within a natural - law perspective.
Ang dalawang mga pangkat na kalaunang tinawag na mga ' merkantilista ' at ' pisiokrata ' ay mas direktang nakaimpluwensiya sa kalaunang pag - unlad ng paksang ito.
Ang parehong mga pangkat na ito ay nauugnay sa pagtaas na nasyonalismong ekonomiko at modernong kapitalismo sa Europa.
Ang merkantilismo ay isang doktrinang ekonomiko na yumabong mula ika - 16 hanggang ika - 18 siglo sa isang mabungang pampletong panitikan kahit ng mga mangangalakal o tauhan ng estado.
Ito ay nagsasaad na ang kayamanan ng isang bansa ay nakasalalay sa pagtitipon nito ng ginto at pilak.
Ang mga bansang walang pagkuha sa mga mina ay maaari lamang magkamit ng ginto at pilak mula sa pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kalakal sa ibang bansa at paglilimita ng mga inaangkat kesa sa ginto at pilak.
Ang doktrinang ito ay tumatawag sa pag - aangkat ng murang mga hilaw na materyal upang gamitin sa pamamanupaktura ng mga kalakal na maaaring iluwas at para sa regulasyon ng estado na magtakda ng mga protektibong taripa sa mga nilikhang kalakal na dayuhan at pagbabawal ng pagmamanupaktura sa mga kolonya.
Ang mga pisiokrata na isang pangkat ng ika - 18 siglong mga palaisip at manunulat na Pranses ay nagpaunlad ng ideya ng ekonomiya bilang isang sirkular na daloy ng sahod at output.
Ang mga pisiokrata ay naniniwalang ang tanging produksiyong agrikultural ang lumikha ng isang maliwanag na surplus sa gastos kaya ang agrikulta ang batayan ng lahat ng kayamanan.
Kaya , kanilang tinutulan ang mga patakarang merkantilista ng pagtataguyod ng pagmamanupaktura at pangangalakal sa kapinsalaan ng agrikultura kabilang ang mga taripa ng pag - aangkat.
Ang mga pisiokrata ay nagtaguyod ng pagpapalit na administratibo ng magastos na koleksiyon ng buwis ng isang buwis sa sahod ng mga may ari ng lupa.
Bilang reaksiyon laban sa saganang regulasyong pangkalakal na merkantilista , ang mga pisiokrata ay nagtaguyod ng isang patakaran ng laissez - faire na tumatawag sa isang maliit na panghihimasok ng pamahalaan sa ekonomiya.
Ang modernong analisis na ekonomiko ay sinasabing nagmula kay Adam Smith ( 1723 - 1790 ).
Si Smith ay kritikal sa mga merkantilista ngunit inilarawan ang sistemang pisiokratiko " sa lahat ng mga imperpeksiyon nito " bilang " marahil ang pinaka dalisay na aproksimasyon ng katotohanan na hindi pa naililimbag " sa paksa.
Ang paglilimbag ng The Wealth of Nations ( Ang Kayamanan ng mga Bansa ) ni Adam Smith noong 1776 ay inilarawan bilang " ang epektibong kapanganakan ng ekonomika bilang isang hiwalay na disiplina.
" Tinukoy ng aklat na ito ang lupain , trabaho , at kapital bilang tatlong mga paktor ng produksiyon at ang pangunahing mga taga - ambag sa kayamanan ng isang bansa bilang natatangi mula sa ideyang pisiokratiko na ang tanging agrikultura ang produktibo.
Tinalakay ni Smith ang potensiyal na mga benepisyo ng espesyalisasyo ng dibisyon ng trabaho kabilang ang tumaas na produktibidad ng trabaho at tubo mula sa kalakalan kahit pa sa pagitan ng bayan at bansa o sa buong mga bansa.
Ang kanyang teorema na ang dibisyon ng trabaho ay limitado ng sakop ng pamilihan ay inilirawan bilang kaibuturan ng teoriya ng negosyo at industriya at isang " pundamental na prinsipyo ng ekonomikong organisasyon ".
Ito ay iniliarawan rin bilang " ang pinakamahalagang substantibong proposisyon ng lahat ng mga ekonomika " at pundasyon ng teoriya ng alokasyon ng mga mapagkukunan na sa ilalim ng kompetisyon , ang mga may ari ng mapagkukunan ( ng trabaho , lupain at kapital ) ay naghahangad sa kanilang pinaka matubong paggamit na nagreresulta sa pantay na rate ng balik para sa lahat ng paggamit sa ekwilibrium ( na isinayos para sa maliwanag na mga pagkakaibang lumilitaw mula sa mga gayong paktor gaya ng pagsasanay at kawalang trabaho ).