text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Para sa konsumer , ang puntong ito ay dumarating kapag ang marhinal na utilidad ng isang kalakal , net ng presyo , ay umaabot sa sero na hindi nag - iiwan ng net na pakinabang mula sa karagdagang pagtaas ng konsumpsiyon.
|
Sa parehong paraan , ang prodyuser ay nagkukumpara ng marhinal na kita ( tulad ng presyo sa isang perpektong kompetitor ) laban sa marhinal na gastos ng isang kalakal kasama ng marhinal na tubo na diperensiya.
|
Sa punto kung saan ang marhinal na tubo ay umaabot sa sero , ang karagdagang mga pagtaas sa produksiyon ng isang kalakal ay humihinto.
|
Para sa pagkilos sa ekwilibrium ng pamilihan at para sa mga pagbabago sa ekwilibrium , ang presyo at kantitad ay nagbabago rin sa marhin : higit o kaunti ng isang bagay kesa sa kinakailangang lahat o wala.
|
Ang ibang mga aplikasyon ng suplay at pangangailangan ay kinabibilangan ng distribusyon ng sahod sa mga paktor ng produksiyon kabilang ang trabaho at kapita sa pamamagitan ng mga pamilihang paktor.
|
Sa isang kompetetibong pamilihan ng trabaho halimbawa , ang kantitad ng trabaho at ang presyo ng trabho ( rate ng sahod ) ay nakasalalay sa pangangailangan para sa trabaho ( mula sa mga amo para sa produksiyon ) at suplay ng trabaho ( mula sa mga potensiyal na trabahador ).
|
Ang ekonomika ng trabaho ay sumusuri sa interaksiyon ng mga trabahador at amo sa pamamagitan ng mga gayong pamilihan upang ipaliwanag ang mga paterno at pagbabago sa mga sahod at iba pang sahod ng trabaho , mobilidad ng trabaho at pagkakaroon o kawalan ng trabaho , produktibidad sa pamamagitan ng kapital na tao , at mga kaugnay na isyung patakarang pampubliko.
|
Ang analisis ng suplay at pangangailangan ay ginagamit upang ipaliwanag ang pag - aasal ng isang perpektong kompetetibong mga pamilihan ngunit bilang isang pamantayan ng paghahambing , ito ay maaaring palawigin sa anumang uri ng pamilihan.
|
Ito ay maaari ring lahatin upang ipaliwanag ang mga bariabulo sa buong ekonomiya halimbawa , ang kabuuang ouput ( tinantiya bilang real na GDP ) at ang pangkalahatang lebel ng presyo gaya ng pinag - aaralan sa makroekonomika.
|
Ang pagbabakas ng mga kwalitatibo at kwantitatibong mga epekto ng mga bariabulong nagbabago ng suplay at pangangailangan kahit pa sa pagtakbong maikli o mahaba ay isang pamantayang pagsasanay sa nilalapat na ekonomika.
|
Ang teoriyang ekonomika ay maaaring ring tumukoy upang ang mga kondisyon gaya ng suplay at pangangailangan sa pamamagitan ng pamilihan ay isang maiging mekanismo sa paglalaan ng mga mapagkukunan.
|
Ang mga tao ay kalimitang hindi nakikipagkalakalan ng direkta sa mga pamilihan.
|
Bagkus , sa panig ng suplay , maaaring ang mga ito ay magtrabaho at magprodyus sa pamamagitan ng mga negosyo.
|
Ang pinakahalatang mga uri ng mga negosyo ang mga korporasyon , sosyohan , at mga tiwala ( trusts ).
|
Ayon kay Ronald Coase , ang tao ay nagsisimulang mag - organisa ng kanilang produksiyon sa mga negosyo kapag ang halaga ng pagnenegosyo ay naging mas mababa kesa sa paggawa nito sa pamilihan.
|
Ang mga negosyoay nagsasama ng trabaho ( labor ) at kapital at maaaring magtamo ng mas malaking mga ekonomiya ng iskala ( kapag ang aberaheng presyo kada unit ay bumababa habang maraming mga unit ay pinoprodyus ) kesa sa indibidwal na pamilihang pangangalakal.
|
Sa perpektong kompetetibong mga pamilihan na pinag - aralan sa teoriya ng suplay at pangangailangan , mayroong maraming mga prodyuser na wala sa mga ito ang malaking nakakaimpluwensiya sa presyo.
|
Ang industriyal na organisasyon ay lumalahat mula sa espesyal na kaso upang pag - aral ang stratehikong pag - aasal ng mga firm na mayroon malaking kontrol sa presyo.
|
Ito ay nagsaalang - alang ng istraktura ng gayong mga pamilihan at ang mga interaksiyon nito.
|
Ang karaniwang mga istraktura ng pamilihang pinag - aralan bukod sa perpektong kompetisyon ay kinabibilangan ng monopolistikong kompetisyon , mga iba 't ibang anyo ng oligopolyo at monopolyo.
|
Ang manedyerial na ekonomika ay naglalapat ng mikroekonomikong analisis sa spesipikong mga pagpapasya sa mga negosyo o ibang mga pinangangasiwaang unit.
|
Ito ay mabigat na humahango mula sa kwantitatibong mga paraan gaya ng pagsasalik ng mga operasyon at pagpoprograma at mga paraang estadistikal gaya ng regresyong analisis sa kawalan ng katiyakan at perpektong kaalaman.
|
Ang nagpapaisang tema ang pagtatangka upang i - optimisa ang mga pagpapasyang negosyo , kabilang ang minimisasyon ng unit - gastos at maksimisasyon ng tubo sa ibinigay na mga layunin ng negosyo at mga pagtatakda ( constrainsts ) na itinakda ng teknolohiya at mga kondisyon ng pamilihan.
|
Ang kawalang katiyakan sa ekonomika ang hindi alam na pagkakataon ng pakinabang o pagkalugi kahit pa ito ay mabibilang na panganib o hindi.
|
Kung wala nito , ang pag - aasal ng sambahayan ay hindi maaapektuhan ng kawalang katiyakan sa pagkakaroon ng trabaho at mga pagkakataon ng kita , pananalapi at mga kapital na pamilihan ay liliit sa pagpapalit ng isang instrumento sa bawat yugto ng pamilihan at walang magiging industriyang pangkomunikasyon.
|
Sa ibinigay na iba 't ibang mga anyo nito , may iba 't ibang mga paraan upang ikatawan ang kawalang katiyakan at imodelo ang mga tugon ng mga ahenteng ekonomiko dito.
|
Sa ibinigay na mga iba 't ibang anyo nito , mayroon iba 't ibang mga paraan ng pagkakatawan ng kawalang katiyakan at pagmomodelo ng mga tugon dito ng mga ahenteng ekonomiko.
|
Ang teoriya ng laro ang sangay ng nilalapat na matematika na nagsasaalang - alang ng mga stratehikong interaksiyon sa pagitan ng mga ahente na isang uri ng kawalang katiyakan.
|
Ito ay nagbibigay ng pundasyong matematikal ng industriyal na organisasyon upang imodelo ang iba 't ibang uri ng pag - aasal ng mga kompnaya , halimbawa sa isang oligopolistikong industriya ( mga ilang tagatinda ) ngunit pantay ring mailalapat sa negosiasyon ng sahod , baratilyo , disenyo ng kontrata , at anumang sitwasyon kung saan ang mga indibidwal na ahente ay sapat na kaunti upang magkaroon ng madadamang mga epekto sa bawat isa.
|
Bilang paraan na mabigat na gumagamit ng ekonomikang pag - aasal , ito ay nagpo - postula na ang mga ahente ay pumipili ng mga stratehiya upang palakihin ang kanilang kabayaran ( pay - offs ) kung ibinigay ang mga stratehiya ng ibang mga ahente na kahit papaano ay sa isang bahagi mayroon magkakatunggaling mga interes.
|
Dito , ito ay naglalahat ng mga pakikitungong maksimisasyon na binubuo upang siyasatin ang mga aktor ng pamilihan gaya ng modelong suplay at pangangailangang at pumapayag sa hindi kompletong impormasyon ng mga aktor.
|
Ang larangang ito ay nagmumula sa 1944 na Klasikong Teoriya ng mga laro ni John von Neumann at Oskar Morgenstern.
|
Ito ay may malaking mga aplikasyon na tila sa labas ng ekonomika sa mga iba 't ibang paksa gaya ng pormulasyon ng mga stratehiyang nukleyar , etika , agham politika at ebolusyonaryong biolohiya.
|
Ang pag - ayaw sa panganib ( risk aversion ) ay maaaring pumukaw ng gawain na sa maiging gumaganang mga pamilihan ay nagpapakinis ng panganib at nagbabatid ng impormasyon tungkol sa panganib gaya ng mga pamilihan para sa kasiguruhan , mga kontrata ng hinaharap ng komoditad , at mga instrumentong pananalapi.
|
Ito ay nagsisiyasat rin ng pagpepresyo ng mga instrumentong pananalapi , mga pinansiyal na istraktura ng mga kompanya , kaigihan at karupukan ng mga pamilihang pananalapi , mga krisis pinansiya at kaugnay na patakaran ng pamahalaan o regulasyon.
|
Ang ilang mga organisasyong pamilihan ay maaaring magsanhi ng kawalang kaigihan na kaugnay ng kawalang katiyakan.
|
Batay sa artikulong " Market for Lemons " ni George Akerlof , ang paradaym na halimbawa ang isang hindi maaasahang pamilihan ng mga ginamit na kotse.
|
Ang mga kustomer na walang kaalaman kung ang isang kotse ay isang " lemon " ay nagpapababa ng presyo nito ng mababa sa kung anong ang may kalidad na ginamit na kotse ay magiging.
|
Ang asymetria ng impormasyon ay lumilitaw dito kung ang tagatinda ay nag - aangkin ng mas mahalagang impormasyon kesa sa namimilia ngunit walang pabuya sa paglalantad nito.
|
Ang mga kaugnay na problema sa kaseguruhan ang adbersong seleksiyon gaya ng sa pinaka - nanganganib ay pinakamalamang na magpaseguro ( insure ) gaya ng mga walang habas na motorista at ang moral na panganib gaya ng mga resulta ng kaseguruhan sa mas mapanganib na pag - aasal gaya ng walang habas na pagmamaneho ng sasakya.
|
Ang parehong mga problema ay maaaring magtaas ng presyo ng kaseguruhan ( insurance ) at magbawas ng kaigihan sa pagtataboy sa mga kundi ay nagnanais na mga transaktor mula sa pamilihan ( hindi kompletong pamilihan ).
|
Sa karagdagan , ang pagtatangka na bawasan ang isang problema na sabihing adbersong pagpili sa pamamagitan ng pagmamandato ng kaseguruhan ( insurance ) ay maaaring magdagdag ng isang pa na sabihing moral na panganib.
|
Ang impormasyong ekonomika na nag - aaral ng mga gayong problema ay may kaugnayan sa mga paksang gaya ng kaseruhan , batas ng kontrata , disenyo ng mekanisko , pamperang ekonomika at pangangalaga ng kalusugan.
|
Ang mga nilalapat na paksa ay kinabibilangan ng pamilihan at mga legal na remedyo gaya ng mga garantiya ( warranties ) , minandato ng pamahalaang parsiyal na kaseguruhan , muling pag - iistraktura o batas ng bangkarota , inspeksiyon at regulasyon para sa kalidad at paghahayag ng impormasyon.
|
Ang terminong " pagkabigo ng pamilihan " ay sumasakop sa ilang mga problema na nagpapahina ng pamantayang mga pagpapalagay ekonomiko.
|
Bagaman inuuri ng mga ekonomista ang mga pagkabigo ng pamilihan ng magkakaiba , ang mga sumusunod na mga kategorya ay lumilitaw sa mga pangunahing aklat.
|
Ang mga asimetria ng impormasyon at mga pamilihang hindi kompleto ay maaaring magresulta sa ekonomikang kawalang kaigihan ngunit isa ring posibilidad ng pagpapabuti ng kaigihan sa pamamagitan ng pamilihan , legal at mga regulatoryong remedya.
|
Ang natural na monopolyo o ang pagsasanib ng mga konsepto ng praktikal at teknikal na monopolyo ay isang sukdulang kaso ng pagkabigo ng kompetisyon bilang isang pagpipigil sa mga prodyuser.
|
Ang problema ay inilalarawan bilang isa kung saan na ang marami ng isang produkto ay ginawa , mas mababa ang unit na gastos.
|
Ang ibig sabihin nito ay may ekonomikong saysay lamang na magkaroon ng isang prodyuser.
|
Ang mga publikong kalakalal ang kalakal na kulang sa suplay sa isang tipikal na pamilihan.
|
Ang mga naglalarawang katangian ay ang mga tao ay maaaring kumonsumo ng mga publikong kalakal na hindi nagbabayad para sa mga ito at ang mas higit sa isang tao ay maaaring kumonsumo ng kalakal sa parehong panahon.
|
Ang mga eksternalidad ay nangyayari kung saan mayroon malaking panlipunang gastos o pakinabang mula sa produksiyon o konsumpsiyon na hindi nakikita sa mga presyo ng pamilihan.
|
Halimbawa , ang polusyon ng hangin ay maaaring lumikha ng negatibong eksternalidad at ang edukasyon ay maaaring lumikha ng positibong eksternalidad ( kaunting krimen etc ).
|
Ang mga pamahalaan ay kadalasan nagtatakda ng buwis at kundi ay naghihigpit ng pagtitinda ng mga kalakal na may mga negatibong eksternalidad sa pagsisikap na itama ang mga pagbaluktot ng presyo na sanhi ng mga eksternalidad na ito.
|
Ang elementaryong teoriya ng pangangailangan - at - suplay ay humuhula ng ekwilibrium ngunit hindi ang bilis ng pagsasayos para sa mga pagbabago ng ekwilibrium sabhi ng paglipat sa pangangailangan o suplay.
|
Sa maraming mga area , ang ilang anyo ng pagiging madikit ng presyo ay pinostula upang isaalang alang ang mga kantidad kesa sa mga presyo na umayos sa maikling panahon sa mga pagbabago sa panig ng pangangailangan o sa panig ng suplay.
|
Ito ay kinabibilangan ng pamantayang analisis ng siklo ng negosyo sa makroekonomika.
|
Ang analisis ay kadalasang umiikot sa mga dahilan ng gayong pagdikit ng presyo at ang mga implikasyon nito sa pag - aabot ng ini - hipotesis na pangmatagalang takbong ekwilibrium.
|
Ang mga halimbawa ng gayong pagiging madikit ng mga presyo sa mga partikular na pamilihan ay kinabibilangan ng rate ng sahod sa mga pamilihan ng trabaho at ipinaskil na mga presyo sa mga pamilihang lumihis sa perpektong kompetisyon.
|
Ang makronekonomikang instabilidad ( hindi matatag ) ay isang pangunahing pinagmumulan ng kabiguan ng pamilihan na ang pangkalahatang kawalan ng konpidensiya sa negosyo o panlabas na sindak ( shock ) ay maaaring magpahinto ng produksiyon at distribusyon na nagpapahina ng mga ordinaryong pamilihan na kundi nito ay ligtas.
|
Ang mga ilang espesyalisadong larangan ng ekonomika ay umuukol sa kabiguan ng pamilihan ng higit sa iba.
|
Ang ekonomika ng publikong sektor ay isang halimbawa dahil kapag ang mga pamilihan ay nabigo , ang ilang uri ng mga regulatoryo o programa ng pamahalaan ang lunas.
|
Ang karamihan sa pangkapaligirang ekonomika ay umuukol sa mga eksternalidad o " mga masama sa publiko ".
|
Ang mga opsiyong patakaran ay kinabibilangan ng mga regulasyon na nagpapakita ng analisis na gastos - benepsiyo o mga solusyon ng pamilihan na nagbabago ng mga pabuya gaya ng mga kabayaran ng emisyon o muling paglalarawan ng mga karapatan ng pag - aari.
|
Ang publikong pananalapi ang larangan ng ekonomika na umuukol sa pagbabadyet ng mga kita ( revenues ) at gastos ng entidad na publikong sektor na karaniwan ay pamahalaan.
|
Ang paksang ito ay tumutugon sa mga bagay gaya ng insidensiya ng buwis ( sino talaga ang nagbabayad ng partikular na buwis ) , analisis na gastos - benepisyo ng mga programa ng pamahalaan , mga epekto sa ekonomikong kaigihan at pamamahagi ng sahod ng iba 't ibang mga paggasta at buwis at mga politikang piskal.
|
Ang huli na aspeto ng teoriya ng publikong pagpili ay nagmomodelo ng publikoong sektor na pag - aasal na analogoso sa mikroekonomika na sumasangkot sa mga interaksiyon ng may sariling interes na mga botante , mga politiko at mga burokrata.
|
Ang karamihan sa ekonomika ay positibo na naghahangad na maglarawan at humula ng ekonomikong penomena.
|
Ang normatibong ekonomika ay naghahangad na tumukoy kung anong ang mga ekonomiya ay dapat maging tulad.
|
Ang ekonomikang kapakanan ( welfare economics ) ang normatibong sangay ng ekonomika na gumagamit ng mga pamamaraang mikroekonomika upang sabay na matukoy ang kaigihang paglalaan sa loob ng ekonomiya at pamamahagi ng sahod na kaugnay nito.
|
Ito ay nagtatangkang sumukat ng panlipunang kapakanan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga ekonomikong gawain ng mga indibidwal na bumubuo sa lipunan.
|
Ang makroekonomika ay sumusuri ng ekonomiya sa kabuuan upang ipaliwanag ang malawak na mga agregato at mga interaksiyon gamit ang isang pinasimpleng anyo ng teoriya ng pangkalahatang ekwilibrium.
|
Ang gayong mga agregato ay kinabibilangan ng pambansang kita at ouput , bilang ng kawalang trabaho , inplasyon ng presyo at mga subagregato gaya ng kabuuang pagkonsumo at paggasta ng pamumuhunan at mga bahagi nito.
|
Ito ay nag - aaral rin ng mga epekto ng patakarang pang - salapi at patakarang piskal.
|
Simula mga 1960 , ang makroekonomika ay inilarawan ng karagdagang integrasyon sa batay - sa - mikrong mga pagmomodelo ng mga sektor kabilang ang pagiging makatwiran ng mga manlalaro , maiging paggamit ng impormasyon ng pamiliha at hindi perpektong kompetisyon.
|
Ito ay sumagot sa isang matagal na pagkabahala sa hindi konsistenteng mga pag - unlad sa parehong paksa.
|
Ang analisis na makroekonomiko ay tumuturing rin sa mga paktor na umaapekto sa pangmatagalang lebel at paglago ng pambansang sahod.
|
Ang gayong mga paktor ay kinabibilangan ng akumulasyon ng kapital , pagbabagong teknolohikal at paglago ng pwersang trabaho.
|
Ang ekonomika ng paglago ay nag - aaral ng mga paktor na nagpapaliwanag ng paglagong ekonomiko na pagtaas ng output kada capita sa loob ng mahabang yugto ng panahon.
|
Ang parehong mga paktor ay ginagamit upang ipaliwanag ang pagkakaiba sa lebel ng output kada capita sa pagitan ng mga bansa , sa partikular ay kung bakit ang ilang mga bansa ay lumalago ng mas mabilis kesa sa iba at kung ang mga bansa ay nagtatagpo sa parehong mga rate ng pagbabago.
|
Ang pinaka pinag - aaralang mga paktor ay kinabibilangan ng rate ng pamumuhunan , paglago ng populasyon at pagbabagong teknolohikal.
|
Ang mga ito ay kinatawan sa mga anyong teoretikal at empirikal gaya ng sa neoklasiko at endohenyosong mga modelo ng paglago at sa pagkukwenta ng paglago.
|
Ang ekonomika ng dakilang depresyon ang nag udyok sa pagkakalikha ng makroekonomika bilang hiwalay na disiplana ng larangan ng pag - aaral.
|
Sa panahon ng dakilang depresyon sa Estados Unidos noong mga 1930 , si John Maynard Keynes ay sumulat ng aklat na pinamagatang " Pangkalahatang Teoriya ng Trabaho , Interes at Salapi " na bumabalangkas sa mga mahalagang teoriya ng ekonomikang Keynesian.
|
Ikinatwiran ni Keynes na ang agregatong pangangailangan para sa mga kalakal ay maaaring maging hindi sapat habang nangayari ang mga pagbagsak ng ekonomiya na tumutungo sa hindi kinakailangang mataas na kawalang trabaho at kawalan ng mga potensiyal na output.
|
Dahil dito , kanyang itinaguyod ang isang aktibong mga tugong patakaran ng publikong sektor ( pamahalaan ) kabilang ang mga aksiyon ng patakarang pang - salapi ng bangko sentral at mga aksiyon ng patakarang piskal ng pamahalaan upang patatagin ang output sa siklo ng negosyo.
|
Kaya ang isang sentral na konklusyon ng ekonomikong Keynesian ay sa ilang mga sitwasyon , walang malakas na automatikong mekanismo na nagpapagalaw ng ouput at pagkakaroon ng trabaho patungo sa buong lebel ng pagkakaroon ng trabaho.
|
Ang modelong IS / LM ni John Hicks ang naging pinakaimpluwensiyang interpretasyon ng Pangkalatahang Teoriya.
|
Sa loob ng mga taon , ang pagkaunawa ng siklo ng negosyo ay sumangay sa iba 't ibang mga eskwela na kaugnay o sumasalungat sa Keynasianismo.
|
Ang sintesis na neoklasiko ay tumutukoy sa rekonsiliasyon ng ekonomikang Keynesian sa ekonomikang neoklasiko na nagsasaad na ang Keynesianismo ay tama sa maikling pagtakbo at ang ekonomiya ay sumusunod sa teoriyang neoklasiko sa mahabang pagktakbo.
|
Ang eskwelang bagong klasiko ay bumabatikos sa sa pananaw na Keynesian ng siklo ng negosyo.
|
Ito ay kinabibilangan ng permanenteng sahod na pananaw ni Milton Friedman sa konsumpsiyon , ang himagsikang makatwirang mga ekspektasyon na pinangunahan ni Robert Lucas at ang teoriyang tunay na siklo ng negosyo.
|
Salungat dito , ang eskwelang bagong Keynesian ay nagpapanatili ng asumpsiyong makatwirang mga ekspektasyon.
|
Gayunpaman ito ay nagpapalagay ng isang pagkakaiba ng mga kabiguan ng pamilihan.
|
Sa partikular , ang Bagong mga Keynesian ay nagpapalagay na ang mga presyo at sahod ay " madikit " na nangangahulugan ang mga ito ay hindi nagsasaayos nang mabilis sa mga pagbabago sa kondisyong ekonomiko.
|
Kaya ang mga bagong klasiko ay nagpapalagay na ang mga presyo at sahod ay automatikong nagsasaayos upang makamit ang buong pagkakaroon ng trabaho samantalang nakikita ng mga bagong Keynesian ang buong pagkakaroon ng trabaho bilang automatikong nakakamit lamang sa mahabang pagtakbo at kaya ang mga patakarang ng bangko sentral at pamahalaan ay kinakailangan dahil ang " mahabang pagtakbo " ay maaaring labis na mahaba.
|
Ang inplasyon ang sitwasyong ekonomiko na nararanasang kapag ang suplay ng salapi tungo sa ekonomiya ay tumataas at kalaunan ay nagreresulta sa pagtaas ng mga presyo ng mga mahalaga at mga kinokonsumong kalakal at mga serbisyo.
|
Ang inplasyon ay pangkalahatang nangyayari sa ilalim ng dalawang mga sirkunstansiya - paghila ng pangangailangan ( demand pull ) at pagtulak ng gastos ( cost push ).
|
Ang inplasyong paghila ng pangangailangan ay sinasabing lumilitaw kapag ang agregatong pangangailangan sa isang ekonomiya ay humihigit sa agregatong suplay.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.