text
stringlengths
0
7.5k
Ang mga pangkat na ito ay kilala bilang taxa.
Nagmula ang makabagong pag - uuring biyolihikal mula sa mga gawa ni Carolus Linnaeus , na nagrupo sa mga uri ayon sa kanilang mga magkatulad na pisikal na karakterismo.
Ang mga pag - uuring ito ay binago upang umayon sa prinsipyong karaniwang pinagmulan ng ebolusyon ni Charles Darwin.
Ang sistematikong molekular , na gumagamit ng mga sekwensiya ng DNA bilang data , ay naggawa ng maraming pagbabago sa pag - uuring ito.
Ang pag - uuring biyolohikal ay kasama sa agham ng sistematikong pambiyolohiya.
Ang pag - uuring biyolohikal ng mga organismo ay batay sa kanilang pinagsasaluhang pinagmulan mula sa kanilang pinakamalapit na karaniwang ninuno.
Ang mga mahahalagang katangian para sa pag - uuring biyolohikal ay homolohoso o namana mula sa karaniwang ninuno.
Ito ay dapat ihiwalay mula sa mga katangian na analohoso.
Halimbawa , ang mga ibon at paniki ay parehong nag - aangkin ng katangiang paglipad ngunit ang pagkakatulad na ito ay hindi ginagamit upang uriin sila sa isang taxon dahil hindi ito namana sa isang karaniwang ninuno.
Ang mga paniki at balyena ay maraming pagkakaiba ngunit parehong inuuring mamalya dahil sa kanilang katangian ng pagpapasuso sa kanilang mga supling na namana nila mula sa isang karaniwang ninuno.
Ang pagtukoy kung ang mga pagkakatulad ng dalawang organismo ay homolohoso o analohoso ay maaaring mahirap at kaya kamakailan lamang , ang mga golden mole na matatagpuan sa Timog Aprika ay inilarawan sa parehong taxon ( insektibora ) gaya ng mga mole ng Hilagaang Hemispero sa batayan ng kanilang mga pagkakatulad na morpolohikal at pang - pag - aasal.
Gayunpaman , sila ay naipakita ng pagsisiyasat molekular na hindi malapit na magkaugnay kaya ang kanilang pagkakatulad ay sanhi ng convergent evolution at hindi pinagsasaluhang karaniwang ninuno at kaya ay hindi dapat ilagay sa parehong taxon.
Ang isang sentral na konsepto sa biyolohiya ay ang buhay ay nagbabago at umuunlad sa pamamagitan ng ebolusyon at ang lahat ng mga anyo ng buhay ay may isang karaniwang pinagmulan.
Itinuturing ng mga biologo ang pagiging pangkalahatan at pag - iral saanman ng kodigong henetiko bilang depinitibong ebidensiya na pumapabor sa teoriya ng pangkalahatang karaniwang pinagmulan ng ebolusyon para sa lahat ng mga bakterya , archaea at mga eukaryoteAng ebolusyon na sinusuportahan ng malaking ebidensiya ang paliwanag na tinatanggap sa agham sa malaking mga pagkakaiba ng mga anyo ng buhay sa mundo.
Ang mga species at mga breed ay umuunlad sa pamamagitan ng mga proseso ng natural na seleksiyon at artipisyal na seleksiyon o selektibong pagpaparami ng organismo.
Bukod dito , ang Genetic drift ay isa pang karagdagang mekanismo sa pag - unlad na ebolusyonaryo sa modernong sintesis ng ebolusyon.
Ang kasaysayang ebolusyonaryo ng species na naglalarawan ng mga katangian ng mga iba 't ibang species na pinagmulan nito kasama ng mga relasyong henealohikal nito sa bawat ibang mga species ay kilala bilang piloheniya.
Ang mga iba 't ibang pamamaraan sa biyolohiya ay lumilikha ng impormasyon tungkol sa piloheniya.
Kabilang dito ang paghahambing ng mga sekwensiya ng DNA na isinasagawa sa loob ng biyolohiyang molekular o henomika at paghahambing ng mga fossil o iba pang mga rekord ng mga sinaunang organismo sa paleontolohiya.
Isinasaayos at sinisiyasat ng mga biologo ang mga relasyong ebolusyonaryo ng mga species sa pamamagitan ng mga pamamaraang kinabibilangan ng phylogenetics , phenetics , at cladistics.
Ang maraming mga pangyayaring speciation ay lumilikha ng isang puno may istrukturang sistema ng mga relasyon sa pagitan ng mga species.
Ang papel ng systematics ay pag - aralan ang mga ugnayang ito at mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga species at mga pangkat ng species.
Ang klasipikasyon na taksonomiya at nomenklatura ng mga organismo ay pinanganagsiwaan ng Pandaigdigang Kodigo ng Pagpapangalang Zoolohikal , Pandaigdigang Kodigo ng Pagpapangalang Botanikal , at Pandaigdigang Kodigo ng Pagpapangalan sa mga Bakterya para sa mga respektibong mga hayop , mga halaman at bakterya.
Ang klasipikasyon ng mga virus , mga viroid , mga prion at lahat ng iba pang mga sub - viral na ahente na nagpapakita ng mga katangiang biolohikal ay isinasagawa ng Pandaigdigang Kodigo ng Klasipikasyon at Pagpapangalan sa mga Virus.
Gayunpaman , ang ilang mga sistema ng klasipikasyon ng virus ay umiiral din.
Tradisyonal na ang mga nabubuhay na organismo ay hinahati sa limang mga kaharian : ang mga Monera ; Protista ; Fungi ; Plantae ; at Animalia.
Gayunpaman , ang klasipikasyong ito ng limang kaharian ay wala na sa panahon.
Ang modernong alternatibong mga sistema ng klasipikasyon ay nagsisimula sa sistemang tatlong dominyo : ang Archaea ( orihinal Archaebacteria ) ; Bacteria ( orihinal na Eubacteria ) ; Eukaryota ( kabilang ang mga protist , fungi , halaman , at mga hayop ) Ang mga sakop na ito ay sumasalamin kung ang mga selula ay may nukleyo o wala gayundin sa mga pagkakaiba sa komposisyong kimikal ng mga panlabas ng selula.
Sa karagdagan , ang bawat kaharian ay nahahati pang paulit ulit hanggang ang bawat species ay hiwalay na nauuri.
Ang pagkakasunod ay : dominyo ( domain ) , kaharian ( kingdom ) , kalapian ( phylum ) , klase , orden ( order ) , pamilya ( family ) , sari ( genus ) at uri ( species ).
Ang pangalang siyentipiko ng isang organismo ay nalilikha mula sa sari at uri nito.
Halimbawa , ang mga tao ay itinatala bilang mga Homo sapiens.
Ang Homo ang sari at ang sapiens ang uri.
Ang nananaig na sistema ng klasipikasyon ay tinatawag na Linnaean taxonomy.
Ito ay kinabibilangan ng mga ranggo at nomenklaturang binomial.
Kung paanong pinapangalanan ang mga organismo ay pinangangasiwaan ng mga kasunduang pandaigdigan gaya ng International Code of Botanical Nomenclature ( ICBN ) , International Code of Zoological Nomenclature ( ICZN ) , at International Code of Nomenclature of Bacteria ( ICNB ).
Ang isang nagsasanib na drapktong BioCode ay inilimbag noong 1997 bilang pagtatangka na gawing pamantayan ang nomenklatura sa mga tatlong saklaw na ito ngunit hindi pa pormal na kinukuha.
Ang draptong BioCode ay nakatanggap ng kaunting pansin simula 1997.
Ang orihinal na pinlanong pagpapatupad nito noong Enero 1,2000 ay lumipas ng hindi napansin.
Ang isang binagong BioCode na iminungkahi noong 2011 na sa halip ay magpapalit ng mga umiiral na kodigo ay magbibigay ng isang nagkakaisang konteksto para dito.
Tinanggihang isaalang - alang ng International Botanical Congress ang mungkahing BioCode noong 2011.
Ang International Code of Virus Classification and Nomenclature ( ICVCN ) ay nananatiling nasa labas ng BioCode.
Pagkapukaw na seksuwal
Ang pagkapukaw na seksuwal o pagkaantig na seksuwal ay ang " pagkagising " ng damdaming seksuwal o pagkautog.
Ito ang " pagkabuhay " o pagkanaudyok , pagkanabuyo , o pagkanasulsulan na humahantong sa pagkakaroon ng pagnanasang seksuwal , habang nagaganap o habang inaasahan ang gawaing seksuwal.
Tinatawag na estimulong erotiko ang mga bagay na nakabubuo , nakabubuyo , o nakapagsusulsol ng seksuwal na pagkapukaw o seksuwal na pagkaantig.
Kolokyal itong tinatawag na mga pampagana o pampaandar ( ng kalibugan ) , katumbas ng turn - on sa Ingles.
Maraming mga maaaring maging estimulo , kapwa pisikal o mental , na nakapagsasanhi sa isang tao upang malibugan.
Karaniwang humahantong ang seksuwal na pagkaantig sa mga pagbabagong pisyolohikal sa naantig na tao , na ang ilan sa mga ito ay malinaw , hayagan , at malinaw ; habang ang iba ay mas banayad o hindi gaanong halata.
Maaaring hindi humantong ang kaantigang seksuwal sa isang tiyak na gawaing seksuwal , na lampas sa kaantigang pang - isipan at sa mga pagbabagong pangpisyolohiyang kasabay o kasama nito.
Kapag nabigay ng sapat na estimulasyong pangseks , ang pagkapukaw na seksuwal ay tipikal na magtatapos sa orgasmo ; subalit ang kasabikang seksuwal o seksuwal na pananabik ay maaaring pasigasigin para sa sarili nitong kapakanan , kahit na walang orgasmo.
Ayon sa The Free Dictionary ng Farlex , ang mga damdaming seksuwal ( sexual feelings ) ay isang konstelasyon ng mga sentimyentong sikolohikal na binubuo ng hangarin o lunggati na seksuwal na masiyahan ( katulad ng masiyahan sa pakikipagtalik ) o pagpapakawala ng tensiyon o kaigtingan seksuwal.
Dongguan
Ang Lungsod ng Dongguan ay isang lungsod sa probinsiya ng Guangdong sa bansang Tsina.
Cimone
Ang Cimone ay isang communi sa lalawigan ng Trento sa rehiyong Trentino - Alto Adige / Sudtirol sa bansang Italya.
Bronislava Nijinska
Si Bronislava Nijinska ( Polish : Bronislawa Nizynska ; Ruso : Bronislava Fominichna Nizhinskaia , Bronislava Fominichna Nizhinskaya ; 8 Enero 1891 ( sa lumang estilo : 27 Disyembre 1890 ) - 22 Pebrero 1972 ) ay isang Rusang mananayaw ng ballet , koreograpo , at gurong may ninunong Polako.
Natatangi siya dahil sa pagpapakilala ng bagong mga kaparaanan o tekniko sa klasikong ballet.
Kapatid niyang lalaki si Vaslav Nijinsky , na isa ring mananayaw at koreograpo.
Ipinanganak si Nijinska sa Warsaw , Polonya.
Nakapag - aral siya ng ballet sa Paaralang Imperyal ng San Petersburgo.
Sumapi siya sa Ballet Russe ni Diaghilev ng Paris , Pransiya mula 1910 hanggang 1914.
Nagsimula siya ng isang paaralan ng sayaw sa Kiev , Rusya noong bandang 1915.
Noong 1921 , nagbalik sa kompanyang Diaghilev bilang isang mananayaw at isang koreograpo , at nakagawa ng walong mga ballet.
Kabilang sa mga ito ang Les Noces , Les Biches , at ang pagpapababalik ng Sleeping Beauty ( " Natutulog na Kagandahan " ).
Noong 1937 , naging direktora siya ng Polakong Balettt.
San Ricardo , Katimugang Leyte
Ang Bayan ng San Ricardo ay isang ika - 5 klaseng bayan sa lalawigan ng Katimugang Leyte , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 8,964 katao sa 1,676 na kabahayan.
Ang bayan ng San Ricardo ay nahahati sa 15 mga barangay.
Coordinates : 9 deg 54 ' 47 ' ' N 125 deg 17 ' 13 ' ' E / 9.913 deg N 125.287 deg E / 9.913 ; 125.287.
Sobyet na Sosyalistang Republika ng Kasakistan
Ang Kazakh na Sobyet na Sosyalistang Republika o Sobyet na Sosyalistang Republika ng Kazakhstan ( Ingles : Kazakh Soviet Socialist Republic ) ay isang republika sa Unyong Sobyet.
Nuku`alofa
Ang Nuku`alofa ay ang kabisera ng bansang Tonga.
Venezuela
Ang Venezuela / ve * nes * we * la / , na opisyal na tinutukoy bilang Bolivarianong Republika ng Venezuela ay ang pinakahilagang bansa sa Timog Amerika.
Sinasakop ng teritoryo ng Venezuela ang lawak na 916,445 km2 ( 353,841 mi kuw ) na may tinatayang populasyon na 29,100,000.
Itinuturing ang Venezuela na estado na may napakataas na biodiversity , na may mga naninirahang hayop at halaman mula sa mga kabundukan ng Andes sa kanluran hanggang sa mga kagubatan ng batis ng Amazon sa timog , na dumadaan sa malawak na mga kapatagan ng llanos at baybayaing Karibe sa gitna at sa Orinoco Delta sa silangan.
Napapaligiran ang bansa ng Dagat Karibe at Karagatang Atlantiko sa hilaga , Guyana sa silangan , Brazil sa timog , at Colombia sa kanluran.
Sa labas ng pampang nito , matatagpuan ang mga estadong Karibe ng Aruba , ang Netherlands Antilles at Trinidad at Tobago.
Venezolano / Venezolana ( Ingles : Venezuelan ) ang tawag sa mamamayan.
Ang teritoryong kilala ngayon bilang Venezuela ay sinakop ng Espanya noong 1522 sa gitna ng paglaban ng mga katutubo sa Venezuela.
Noong 1811 , isa ang bansa sa unang mga kolonya ng Espanya sa Amerika na nagpahayag ng kasarinlan , na hindi naging tuluyang matatag hanggang 1821 , nang ang Venezuela ay isang kagawaran pa ng republikang pederal ng Gran Colombia.
Tuluyan nitong nakamit ang kasarinlan bilang isang hiwalay na bansa noong 1830.
Noong ika - 19 na dantaon , nakaranas ang Venezuela ng kaguluhang pampulitika at autokrasya , nanatiling pinangunahan ng rehiyunal na mga caudillo ( mga malalakas na tao sa militar ) hanggang noong kalagitnaan ng ika - 20 dantaon.
Mula noong 1958 , naranasan ng bansa ang serye ng mga pamahalaang demokratiko.
Ang pagkagimbal sa ekonomiya noong mga dekada ng 1980 at 1990 ay nagdulot ng ilang mga krisis pampulitika , kasama ang mga nakamamatay na gulo ( riot ) ng Caracazo noong 1989 , ang dalawang tangkang kudeta noong 1992 , at ang pagtataluwalag ( impeachment ) ni Pangulong Carlos Andres Perez dahil sa katiwalian sa kaban ng bayan noong 1993.
Ang pagbagsak ng tiwala sa mga umiiral na partido ang naghudyat sa pagkakaluklok noong halalan ng 1998 ng opisyal na dating kasama sa kudeta na si Hugo Chavez at ang paglulunsad ng Himagsikang Bolivariano , na sinimulan sa Asamblea sa Konstitusyon ng 1999 upang magsulat ng bagong Saligang - Batas ng Venezuela.
Ang Venezuela ay isang pederal na republikang pampanguluhan na binubuo ng 23 estado , ang Distritong Kabisera ng Venezuela ( Venezuelan Capital District ) kung saan kabilang dito ang Caracas , at ang mga federal dependencies ng Venezuela kung saan kabilang ang mga pulong nakahiwalay sa Venezuela.
Inaangkin din ng Venezuela ang lahat ng mga teritoryo ng Guyana sa kanluran ng Ilog Essequibo , isang malawak na sukat ( tract ) na tinaguriang Guayana Esequiba o ang Zona en Reclamacion ( ang sonang inaangkin ).
Ctenolepisma lineata
Ang Ctenolepisma lineata ( Ingles : Four - lined Silverfish ) ay isang primitibong kulisap na nasa ordeng Thysanura.
Pangkalahatang kahawig ito ng malapit na kaugnay na isdang pilak ngunit maaaring mapagkaiba dahil sa pagiging mas matataba at hindi gaanong makintab ng Ctenolepisma lineata , at sa pagkakaroon nito ng kapansin - pansing mas mahahabang mga sanga ( mga antena at 3 mga " buntot " ).
Karaniwang may markang mga guhit na madirilim na mga linya ang tiyan , kaya 't paminsan - minsang tinatawag ang uri bilang isdang pilak na may apat na mga guhit.
Katutubo ang mga uring ito sa katimugang Europa ngunit kasalukuyang matatagpuan sa halos kabuoan ng mundo dahil sa hindi sinasadyang pagdadala bagaman hindi ito umiiral sa mga rehiyong may klimang polar at may mas maginaw na mga rehiyong hindi may banayad na kalamigan at kainitan , katulad ng Mga Maliliit na Pulong Britaniko ).
Natatagpuan ito sa loob at labas ng mga gusali o bahay at maaaring maging mga salot na hayop.
May kamakailang mga pag - aaral hinggil sa mga uri sa Europa na may sapat nang kasamu 't - sariang heograpiko upang mabigyang katuwiran ang paghahati nito sa ilang mga uri.
May isang uring nagbigyan na ng tiyak na kalagayan , ito ang Ctenolepisma almeriensis ng timog - silangang Espanya.