text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Maliban sa Paragonimus westermani , karamihan sa mga parasitiko ay hindi nakakaapekto bilang partikular sa mga baga nguni ' t nadadamay ang mga baga bilang pangalawa sa ibang mga lugar.
|
Ang ibang mga parasitiko , lalo na ang mga kabilang sa Ascaris at Strongyloides na grupo , ay humihikayat ng eosinophilic na reaksiyon , na maaaring magresulta sa eosinophilic na pulmonya.
|
Sa ibang mga impeksiyon , tulad ng malarya , ang pagkakasangkot ng baga ay pangunahing dahil sa cytokine - induced systemic inflammation ( pamamaga sanhi ng cytokine ).
|
Sa maunlad na bansa ang mga impeksiyon na ito ay pinaka - karaniwan sa mga taong bumabalik mula sa paglalakbay o sa mga imigrante.
|
Sa buong mundo ang mga impeksiyon na ito ay pinaka - karaniwan sa mga may mahinang sistema ng resistensiya.
|
Ang pulmonya sa puwang sa mga tisiyu na hindi alam ang sanhi o ang hindi nakakahawang pulmonya ay isang klase ng mga diffuse lung disease ( sakit sa baga ).
|
Ang mga ito ay kinabibilangan ng : diffuse alveolar damage , organizing na pulmonya , hindi tiyak na interstitial na pulmonya , lymphocytic interstitial na pulmonya , desquamative interstitial na pulmonya , respiratory bronchiolitis interstitial na sakit sa baga , at karaniwang interstitial na pulmonya.
|
Ang pulmonya ay kadalasang nagsisimula bilang isang impeksiyon sa itaas na bahagi ng daanan ng hangin para sa paghinga na pumupunta sa ibabang bahagi ng daanan ng hangin.
|
Maaaring makarating sa baga ang mga birus sa pamamagitan ng maraming iba ' t - ibang daan.
|
Ang respiratory syncytial virus ( birus na nagdudulot ng impeksiyon sa paghinga ) ay karaniwang nakukuha kapag hinahawakan ng mga tao ang mga kontaminadong bagay at pagkatapos hinahawakan nila ang kanilang mga mata o ilong.
|
Ang ibang mga impeksiyon ng birus ay nangyayari kapag ang mga kontaminadong maliit na patak na dala ng hangin ay nalanghap sa pamamagitan ng bibig o ilong.
|
Kapag nasa itaas na bahagi ng daanan ng hangin maaaring pumunta ang birus sa baga , kung saan nila inaatake ang gilid ng mga selula sa mga daanan ng hangin , alveoli , o lung parenchyma ( mga gumaganang bahagi ng baga ).
|
Ang ilan sa mga birus tulad ng tigdas at herpes simplex ay maaaring makarating sa baga sa pamamagitan ng dugo.
|
Ang pagsalakay sa baga ay maaaring humantong sa iba - ibang mga antas ng pagkamatay ng selula.
|
Kapag tumugon ang sistema ng resistensiya sa impeksiyon , maaaring magkaroon ng higit pang pinsala sa baga.
|
Ang mga puting selula ng dugo , higit sa lahat ang mga selulang may iisang nuklear , ay pangunahing lumilikha ng pamamaga.
|
Gayundin ang pagpinsala sa baga , maraming mga birus ang sabay - sabay na nakakaapekto sa ibang mga bahagi ng katawan at kaya , sinisira ang ibang mga paggana ng katawan.
|
Ang mga birus ay ginagawa ring mas madaling kapitan ng mga impeksiyong sanhi ng bakterya ang katawan ; sa ganitong paraan ang pulmonyang sanhi ng bakterya ay maaaring lumitaw bilang isang kasabay na umiiral na kondisyon.
|
Karamihan sa mga bakterya ay pumapasok sa baga sa pamamagitan ng maliit na mga paglanghap ng mga organismo na namamalagi sa lalamunan o ilong.
|
Kalahati ng normal na mga tao ang mayroong mga maliliit na paglanghap na ito habang natutulog.
|
Habang ang lalamunan ay palaging mayroong bakterya , ang mga maaaring makahawa ay namamalagi lamang doon ng ilang panahon at sa ilalim ng ilang mga kondisyon.
|
Ang kaunti sa mga uri ng bakterya tulad ng Mycobacterium tuberculosis at Legionella pneumophila ay nakakarating sa baga sa pamamagitan ng kontaminadong maliliit na patak na dala ng hangin.
|
Ang mga bakterya ay maaari ring kumalaw sa pamamagitan ng dugo.
|
Kapag nasa baga na , maaaring salakayin ng bakterya ang mga puwang sa pagitan ng mga selula at alveoli , kung saan ang mga macrophage at mga neutrophil ( mga depensibong puting selula ) ay sinusubukang gawing inaktibo ang bakterya.
|
Ang mga neutrophil ay naglalabas rin ng mga cytokine , na nagdudulot ng isang pangkalahatang pag - aktiba sa sistema ng resistensiya.
|
Ito ay humahantong sa lagnat , panginginig , at pagkapagod na karaniwan sa pulmonyang sanhi ng bakterya.
|
Ang mga neutrophil , bakterya , at likidong mula sa nakapaligid na daluyan ng dugo ay pinupuno ang alveoli na nagreresulta sa pagiging matigas na nakikita sa X - ray sa dibdib.
|
Ang pulmonya ay karaniwang nalalaman batay sa kombinasyon ng mga pisikal na palatandaan at isang X - ray sa dibdib.
|
Gayunpaman , ang nasa ilalim na sanhi ay maaaring mahirap makumpirma , dahil walang tiyak na pagsusuri na maaaring makilala ang kaibahan ng pinagmulan na sanhi o hindi sanhi ng bakterya.
|
Tinukoy ng The World Health Organization ang pulmonya sa mga bata ayon sa obserbasyon sa klinika batay sa alinman sa isang ubo o kahirapan sa huminga at isang mabilis na paghinga , nakapasok na hitsura ng dibdib , o bumabang antas ng kamalayan.
|
Ang mabilis na paghinga ay tinutukoy bilang mas mataas sa 60 paghinga kada minuto sa mga batang wala pang 2 buwang gulang , 50 paghinga kada minuto sa mga batang 2 buwan hanggang 1 taong gulang , o mahigit sa 40 paghinga kada minuto sa mga batang 1 hanggang 5 taong gulang.
|
Sa mga bata , ang tumaas na bilis ng paghinga at nakapasok na hitsura ng dibdib ay mas sensitibo kaysa marinig ang mga langutngot ng dibdib gamit ang isang stethoscope.
|
Sa mga nasa hustong gulang , ang mga imbestigasyon sa pangkalahatan ay hindi kinakailangan sa mga katamtamang kaso : mayroong napakababang panganib ng pulmonya kung ang lahat ng vital sign ( mga palatandaan na buhay ang isang tao ) at pakikinig sa tunog ng dibdib gamit ang stethoscope ay normal.
|
Sa mga taong nangangailangang maospital , ang pulse oximetry ( sumusubaybay sa antas ng oxygen sa dugo ) , radiography ng dibdib at mga pagsusuri sa dugo - - kabilang ang isang kumpletong blood count , mga serum elektrolyte , lebel ng C - reactive na protina at malamang na mga pagsusuri sa paggana ng atay - - ay inirerekomenda.
|
Ang pagkilala sa karamdamang katulad ng trangkaso ay maaaring gawin batay sa mga palatandaan at sintomas ; gayunpaman , ang pagpapatunay ng pagkakaroon ng trangkaso ay nangangailangan ng pagsusuri.
|
Kaya , ang paggamot ay kadalasang batay sa pagkakaroon ng trangkaso sa komunidad o isang mabilis na pagsusuri ng trangkaso.
|
Ang pisikal na eksaminasyon ay maaaring magpakita kung minsan ng mababang presyon ng dugo , mabilis na pagtibok ng puso o mababang oxygen saturation ( dami ng oxygen ).
|
Ang bilis ng paghinga ay maaaring mas mabilis kaysa sa normal at ito ay maaaring mangyari ng isa o dalawang araw bago ang ibang mga palatandaan.
|
Ang eksaminasyon ng dibdib ay maaaring normal , nguni ' t maaaring magpakita ng bumabang pag - alsa ng dibdib sa apektadong bahagi.
|
Ang maaligasgas na mga tunog mula mas malaking mga daanan ng hangin na dinadala sa pamamagitan ng namamagang baga ay tinatawag na paghinga sabronchi , at naririnig sa pakikinig ng tunog sa loob ng baga gamit ang isang stethoscope.
|
Ang mga langutngot ( mga pagkalantog ) ay maaaring marinig sa apektadong lugar sa panahon ng paghinga ng malalim.
|
Ang Pagtapik ay maaaring gawin sa apektadong baga , at pataasin , kaysa bawasan , kinikilala ng alingawngaw ng boses ang pulmonya mula sa pleural effusion ( labis na likido sa pleura sa baga ).
|
Ang isang radiograph ng dibdib ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng sakit.
|
Sa mga taong may katamtamang sakit , kailangan lamang ang imaging sa mga mayroong posibilidad ng komplikasyon , ang mga hindi gumaling sa paggamot , o kung saan ang sanhi ay hindi tiyak.
|
Kung ang isang tao ay sapat na may sakit para mangailangan ng pagkakaospital , inirerekomenda ang isang radiograph ng dibdib.
|
Ang mga natuklasan ay hindi palaging kaugnay sa kalubhaan ng sakit at hindi umaasa sa pagkakaiba sa pagitan ng impeksiyon na sanhi ng bakterya at ang impeksiyong sanhi ng birus.
|
Ang mga presentasyon ng X - ray ng pulmonya ay maaaring uriin bilang lobar pneumonia ( pulmonyang naapektuhan ang isa o higit pang mga lobe ng baga ) , bronchopneumonia ( pamamaga ng baga ) ( kilala rin bilang lobular pneumonia ) , at interstitial na pulmonya.
|
Ang pulmonyang sanhi ng bakterya , na nakuha sa komunidad , ay karaniwang nagpapakita ng pamamaga o paninigas ng isang lobe ng baga na binubuo ng bahagi na kilala bilang lobar pneumonia ( pulmonyang naapektuhan ang isa o higit pang mga lobe ng baga ).
|
Gayunpaman , maaaring mag - iba ang mga matutuklasan , at ang ibang mga pattern ay karaniwan sa ibang mga uri ng pulmonya.
|
Ang pulmonyang sanhi ng nalanghap na bagay papunta sa baga ( aspiration pneumonia ) ay maaaring magpakita ng pangunahing mga bilateral opacities ( diperensiya ) sa ibabang bahagi ng mga baga at sa kanang bahagi.
|
Ang mga radiograph ng pulmonyang sanhi ng birus ay maaaring lumabas na normal , labis na malaki ang baga , mayroong mga bahagi ng baga na may patse - patse , o na naroon katulad ng pulmonyang sanhi ng bakterya na mayroong pamamaga o paninigas ng lobe ng baga.
|
Ang mga natuklasan ayon sa radiology ay maaaring wala sa mga maagang yugto ng sakit , lalo na sa pagkakaroon ng pagkaubos ng tubig sa katawan ; o maaaring mahirap bigyang - kahulugan sa mga napakataba o mayroong kasaysayan ng sakit sa baga.
|
Ang isang CT scan ay maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon sa hindi tiyak na mga kaso.
|
Sa mga pasyenteng pinamamahalaan sa komunidad , ang pagtukoy sa nagdudulot na bagay ay hindi mabisa at sa karaniwan hindi nababago ang pamamahala.
|
Para sa mga taong hindi tumutugon sa paggamot , dapat isaalang - alang ang pag - culture sa laway , at ang pag - culture para sa Mycobacterium tuberculosis ay dapat isagawa sa mga taong mayroong hindi gumagaling na ubong may plema.
|
Ang pagsusuri para sa ibang partikular na mga organismo ay maaaring irekomenda sa panahon ng paglaganap ng sakit , para sa mga kadahilanan ng kalusugan ng publiko.
|
Sa mga naospital para sa malubhang sakit , ang kapwa laway at mga pag - culture sa dugo ay inirerekomenda , gayundin ang pagsusuri sa ihi para sa mga antigen ( substansiyang lumilikha ng pangontra sa sakit ) para sa Legionella at Streptococcus.
|
Ang mga impeksiyong sanhi ng birus ay maaaring kumpirmahin sa pamamagitan ng pagtuklas ng alinman sa birus o mga antigen ( substansiyang lumilikha ng pangontra sa sakit ) gamit ang pag - culture o polymerase chain reaction ( PCR ) , higit sa ibang mga pamamaraan.
|
Ang nagdudulot na bagay ay natutukoy lamang sa 15 % ng mga kasong may karaniwang mga mikrobyolohikal na pagsusuri.
|
Ang pneumonitis ay tumutukoy sa pamamaga ; ang pulmonya ay tumutukoy sa pneumonitis , karaniwan dahil sa impeksiyon ngunit minsan hindi nakakahawa , na mayroong karagdagang tampok na pulmonary consolidation ( pamamaga o paninigas ng malambot na tisiyu sa baga ).
|
Ang pulmonya ay pinaka - karaniwang inuuri sa pamamagitan ng kung saan o kung paano ito nakuha : nakuha sa komunidad , pulmonyang sanhi ng nalanghap na bagay papunta sa baga ( aspiration pneumonia ) , may kaugnayan sa pangangalagang pangkalusugan , nakuha sa ospital , at pulmonyang may kaugnayan sa ventilator.
|
Maaari rin itong uriin sa pamamagitan ng apektadong bahagi ng baga : lobar pneumonia ( pulmonya sa lobe ng baga ) , bronchial pneumonia ( pamamaga ng mga bronchiole sa baga ) at acute interstitial pneumonia ( malubhang pulmonya sa tisiyu sa pagitan ng selula ) ; o sa pamamagitan ng organismong nagdudulot ng sakit.
|
Ang pulmonya sa mga bata bilang karagdagan ay maaaring uriin batay sa mga palatandaan at sintomas bilang hindi malubha , malubha , o napakalubha.
|
Maraming mga sakit ang maaaring magpakita ng mga parehong palatandaan at sintomas sa pulmonya , tulad ng : chronic obstructive pulmonary disease ( COPD ) , hika , pulmonary edema ( pagkakaroon ng tubig sa baga ) , bronchiectasis ( paglapad ng mga bronchi ) , kanser sa baga , at pulmonary emboli ( pagbara sa pangunahing arterya ng baga ).
|
Hindi katulad ng pulmonya , ang hika at COPD ay karaniwang lumilitaw ng may sumisipol na paghinga , ang pulmonary edema ( pagkakaroon ng tubig sa baga ) ay lumilitaw ng may isang hindi normal na elektrokardyogram , ang kanser at bronchiectasis ( paglapad ng mga bronchi ) ay lumilitaw ng may matagal na ubo , at ang pulmonary emboli ( pagbara sa pangunahing arterya ng baga ) ay lumilitaw ng may malubhang pagsisimula ng masakit na pananakit sa dibdib at kapos na paghinga.
|
Ang pag - iwas ay kinabibilangan ng pagbabakuna , mga maka - kalikasang pamamaraan at naaangkop na paggamot ng ibang mga problemang pangkalusugan.
|
Pinaniniwalaan na kung ang naaangkop na mga pamamaraang pang - iwas ay itinatag sa buong mundo , ang pagkamatay sa mga bata ay mababawasan ng 400,000 at kung nagkaroon ng wastong paggamot sa buong daigdig , ang mga pagkamatay sa pagkabata ay mababawasan ng isa pang 600,000.
|
Iniiwasan ng pagbabakuna ang ilang mga pulmonyang sanhi ng bakterya at birus sa parehong mga bata at nasa hustong gulang.
|
Ang mga bakuna para sa trangkaso ay katamtamang mabisa laban sa trangkaso A at B. Ang Sentro para sa Pagkontrol ng Sakit at Pag - iwas ( Center for Disease Control and Prevention ) ( CDC ) ay inirerekomenda ang taunang pagbabakuna para sa bawa ' t tao na 6 na buwan at mas matanda pa.
|
Ang pagbabakuna sa mga manggagawa para sa pangangalagang pangkalusugan ay binabawasan ang panganib ng pulmonyang sanhi ng birus sa kanilang mga pasyente.
|
Kapag nangyayari ang paglaganap ng trangkaso , ang mga gamot na tulad ng amantadine o rimantadine ay maaaring pigilan ang kondisyon.
|
Hindi alam kung ang zanamivir o oseltamivir ay mabisa dahil sa katunayan na ang kompanyang gumagawa ng oseltamivir ay tumangging ilabas ang datos ng pagsubok para sa malayang pagsusuri.
|
Ang mga pagbabakuna laban sa Haemophilus influenzae at Streptococcus pneumoniae ay mayroong magandang ebidensiya para suportahan ang kanilang gamit.
|
Ang pagbabakuna sa mga bata laban sa Streptococcus pneumoniae ay humantong sa nabawasang pangyayari ng mga impeksiyon na ito sa mga nasa hustong gulang , dahil marami sa mga nasa hustong gulang ay nakakuha ng mga impeksiyon mula sa mga bata.
|
Mayroong bakuna sa Streptococcus pneumoniae para sa mga nasa hustong gulang , at napag - alaman na binabawasan ang panganib ng invasive pneumococcal disease ( impeksiyong sanhi ng bakteryang pneumococcus ).
|
Ang ibang pang mga bakuna na nariyan para suportahan ang nagpoprotektang epekto laban sa pulmonya ay kinabibilangan ng : pertussis ( tuluy - tuloy na pag - ubo ) , varicella , at tigdas.
|
Ang pagtigil sa paninigarilyo at pagbawas sa polusyon sa hangin sa loob ng bahay , tulad ng mula sa pagluluto sa loob ng bahay gamit ang kahoy o dumi ng hayop , ay parehong inirerekomenda.
|
Ang paninigarilyo ay tila ang iisang pinakamalaking salik ng panganib para sa pulmonyang sanhi ng pneumococcus sa ibang paraan sa mga nasa hustong gulang.
|
Ang kalinisan sa kamay at pag - ubo sa sariling manggas ay maaari ring mabisang pamamaraan ng pag - iwas.
|
Ang pagsusuot ng mga surgical mask ng mga may sakit ay maaari ring iwasan ang karamdaman.
|
Ang wastong paggamot ng nasa ilalim na mga karamdaman ( tulad ng HIV / AIDS , diabetes mellitus , at malnutrisyon ) ay maaaring bawasan ang panganib ng pulmonya.
|
Sa mga batang mas bata sa 6 na buwang gulang hindi kasama ang pagpapasuso ay binabawasan ang parehong panganib at kalubhaan ng sakit.
|
Sa mga mayroong HIV / AIDS at bilang ng CD4 na mas mababa sa 200 selula kada mikro - litro ang antibiyotiko na trimethoprim / sulfamethoxazole ay binabawasan ang panganib ng Pneumocystis pneumonia at maaari ring maging kapaki - pakinabang para sa pag - iwas sa mga humina ang sistema ng resistensiya nguni ' t walang HIV.
|
Ang pagsusuri sa mga kababaihan para sa Group B Streptococcus at Chlamydia trachomatis , at pagbibigay ng paggamot gamit ang antibiyotiko , kung kinakailangan , ay binabawasan ang mga bilang ng pulmonya sa mga sanggol ; ang mga pang - iwas na pamamaraan para sa pagsasalin ng HIV mula sa ina papunta sa anak ay maaaring mabisa rin.
|
Ang paghigop sa bibig at lalamunan ng mga sanggol ng may bahid ng meconium na amniotic fluid ay natuklasang hindi mababawasan ang bilang ng pulmonyang sanhi ng nalanghap na bagay papunta sa baga ( aspiration pneumonia ) at maaaring magdulot ng malamang na pinsala , kaya ang kasanayan na ito ay hindi inirerekomenda sa karamihan ng mga sitwasyon.
|
Sa mahinang matatanda ang mabuting pangangalaga sa bibig ay maaaring pababain ang pulmonyang sanhi ng nalanghap na bagay papunta sa baga ( aspiration pneumonia ).
|
Sa karaniwan , ang mga iniinom na antibiyotiko , simpleng analgesic , at likido ay sapat para sa kumpletong paglutas.
|
Gayunpaman , ang mga mayroong medikal na kondisyon , ang matatanda , o ang gma mayroong malaking kahirapan sa paghinga ay maaaring mangailangan ng mas makabagong pangangalaga.
|
Kung magiging malala ang mga sintomas , ang pulmonya ay hindi bubuti sa paggamot sa tahanan , o magkakaroon ng mga komplikasyon , maaaring kailanganin ang pagkakaospital.
|
Sa buong mundo , halos 7 - 13 % ng mga kaso sa mga bata ang nagreresulta sa pagkakaospital habang sa maunlad na bansa , sa pagitan ng 22 at 42 % ng mga nasa hustong gulang na mayroong pulmonyang nakuha sa komunidad ang ipinapasok sa ospital.
|
Ang CURB - 65 score ay kapaki - pakinabang para sa pagtukoy ng pangangailangan para sa pagpasok ng mga nasa hustong gulang sa ospital.
|
Kung ang puntos ay 0 o 1 , ang mga tao ay karaniwang maaaring pamahalaan sa tahanan , kung ito ay 2 , ang isang maikling pamamalagi sa ospital o malapit na follow - up ay kinakailangan , kung ito ay 3 - 5 inirerekomenda ang pagpapaospital.
|
Sa mga bata , ang mga mayroong ang baga ay hindi makakuha ng sapat na oxygen o ang dami ng oxygen ay mas mababa sa 90 % ay dapat masopital.
|
Ang paggamit ng chest physiotherapy sa pulmonya ay hindi pa natukoy.
|
Ang Non - invasive ventilation ( mekanikal na bentilasyon gamit ang mask sa mukha ) ay maaaring kapaki - pakinabang sa mga ipinasok sa intensive care unit.
|
Ang gamot sa ubo na maaaring bilhin ng walang reseta ay hindi pa napatunayang mabisa pati na rin ang paggamit ng zinc sa mga bata.
|
Walang sapat na ebidensiya para sa mucolytics ( mga panunaw sa plema ).
|
Pinapabuti ng mga antibiyotiko ang mga kinahinatnan ng mga pulmonyang sanhi ng bakterya.
|
Ang pagpili sa antibiyotiko ay depende sa simula sa mga katangian ng taong naapektuhan , tulad ng edad , nasa ilalim na kalusugan , at ang lokasyon kung saan nakuha ang impeksiyon.
|
Sa UK , ang empiric treatment ( paggamot batay sa obserbasyon ) ng may amoxicillin ay inirerekomenda bilang unang pipiliin para sa pulmonyang nakuha sa komunidad , at ang doxycycline o clarithromycin bilang mga alternatibo.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.