text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Nagkukumpul - kumpol ang mga Pikachu sa mga lugar na maraming mga bagyong may kidlat ( thunderstorms ).
|
Kapag nasa panganib , maaaring maglabas ng napakalakas na elektrisidad ang isang grupo ng Pikachu na maaaring magresulta sa maiikling mga thunderstorms.
|
Gumagamit din sila ng kuryente upang mapalakas muli ang isang nanghihinang Pikachu.
|
Ang Pikachu ay nag - eevolve upang maging Raichu sa pamamagitan ng isang ThunderStone.
|
Sa larong Pokemon Yellow , pag ginamitan ng ThunderStone si Pikachu ay iiyak ito at tatangging mag - evolve.
|
Simula sa ikalawang henerasyon ng Pokemon , nagkaroon ng " anak " si Pikachu na si Pichu , na mag - eevolve sa Pikachu kapag naging masaya ito sa kanyang trainer.
|
Sa mga video games , mababa ang level ng mga nakikitang Pikachu , at nakikita ito nang natural sa lahat ng mga laro nang hindi nakikipag - trade.
|
Sa Pokemon Yellow ay si Pikachu lamang ang maaaring panimulang Pokemon.
|
Base sa Pikachu ng Pokemon anime , tumatanggi itong manatili sa kanyang Poke Ball at sinusundan ang karakter ng manlalaro sa screen ng laro.
|
Maaaring kausapin ng trainer si Pikachu at iba - iba ang nagiging reaksiyon nito depende sa sitwasyon.
|
Isang pangyayari ( event ) para sa mga larong Pokemon HeartGold at Pokemon SoulSilver noong Abril 1 hanggang 5 Mayo 2010 ay ang pagkakaroon ng isang route sa Pokewalker kung saan Pikachu lamang ang makikita at alam nito ang dalawang atakeng hindi matutunan ng isang normal na Pikachu : ang Surf at ang Fly.
|
Magagamit ang dalawang atakeng ito sa labas ng laban habang naglalakbay.
|
Maliban sa main series ng Pokemon , si Pikachu ay ang bida sa larong Hey You , Pikachu ! para sa Nintendo 64.
|
Nakikipag - usap ang manlalaro kay Pikachu sa pamamagitan ng mikropono upang utusan ito na maglaro ng mga mini - games at umarte ng mga sitwasyon.
|
Kahalintulad din nito ang larong Pokemon Channel sa pakikipag - usap kay Pikachu ngunit wala ang mikropono.
|
Makikita rin si Pikachu sa halos lahat ng lebel ng Pokemon Snap kung saan kumukuha ng litrato ang manlalaro para sa puntos.
|
Isa si Pikachu sa 16 na panimulang Pokemon at sampung kasama sa serye ng Pokemon Mystery Dungeon.
|
Bida rin si Pikachy sa PokePark Wii : Pikachu ' s Adventure.
|
Nakikita rin si Pikachu bilang isang karakter sa Super Smash Bros. , Super Smash Bros. Melee , at Super Smash Bros. Brawl.
|
Ang serye ng Pokemon anime ay nagtatampok sa mga paglalakbay ni Ash Ketchum at ang kanyang Pikachu tungo sa iba - ibang mga rehiyon ng mundo ng Pokemon.
|
Sinasamahan sila ng mga kaibigan tulad nina Misty , Brock , May , Max , Tracey , at Dawn.
|
Sa unang episode ng Pokemon , nakuha ni Ash Ketchum si Pikachu mula kay Professor Oak bilang panimulang Pokemon.
|
Bawat bagong trainer ay binibigyan ng panimulang Pokemon ; sa rehiyon ni Ash na Kanto kadalasan ito ay si Charmander , Squirtle o Bulbasaur ngunit dahil nakatulog si Ash si Pikachu ang nakuha niya.
|
Noong una ay hindi sumusunod si Pikachu sa mga utos ni Ash ; kinukuryente nito si Ash at ayaw nitong pumasok sa kanyang Poke Ball.
|
Ngunit inilagay ni Ash sa panganib ang kanyang sarili upang maipagtanggol si Pikachu sa isang grupo ng mga ligaw na Spearow , at saka niya dinala ito sa isang Pokemon Center.
|
Sa pamamagitan ng mga ito na nagpapakita ng respeto at pagiging tapat niya sa Pokemon , naging magkaibigan sina Ash at Pikachu ( subalit ayaw pa rin nitong pumasok sa kanyang Poke Ball ).
|
Ipinakita rin ni Pikachu ang pagiging napakalakas nito na kakaiba sa ibang Pokemon ( kasama na ang ibang Pikachu ).
|
Ito ang dahilan kung bakit hinahabol ito ng Team Rocket upang paboran ng kanilang nakatataas na si Giovanni.
|
Nakita rin ang ibang Pikachu sa serye ng anime na kadalasa ' y nakikihalubilo kay Ash at ang kanyang Pikachu.
|
Ang pinakakilala ay ang Pikachu ni Ritchie na nagngangalang Sparky.
|
Tulad ng ibang Pokemon , nakikipag - usap lamang si Pikachu gamit ang mga pantig ng kanyang pangalan.
|
Sa lahat ng bersiyon ng anime , ang nagboboses sa kanya ay si Ikue Otani.
|
Sa Pokemon Live ! , isang musical na base sa anime , ang nagboboses kay Pikachu ay si Jennifer Risser.
|
Isa sa mga tampok na Pokemon ng serye ng manga si Pikachu.
|
Sa Pokemon Adventures , ang mga bidang karakter na sina Red at Yellow ay parehong may Pikachu , na nakagawa ng itlog na ang lumabas ay Pichu nang si Gold ang may hawak.
|
Ang mga ilang serye ng manga , tulad ng Magical Pokemon Journey at Getto Da Ze , ay itinatampok si Pikachu samantalang ang iba tulad ng Electric Tale of Pikachu at Ash & Pikachu ay nagtatampok ng pinakakilalang Pikachu ni Ash Ketchum sa serye ng anime.
|
Lumabas na rin ang mga card na kinokolekta simula nang ilabas ang Pokemon Trading Card Game noong Oktubre 1996 , kasama na ang mga limited edition na card.
|
Ginamit na rin ito sa promosyon ng mga fast - food chain tulad ng McDonald ' s , Wendy ' s , at Burger King.
|
Dahil si Pikachu ang " mukha " ng prangkisa ng Pokemon , marami na siyang paglabas sa kulturang popular.
|
Noong 1998 , pinangalanan ng alkalde ng Topeka , Kansas na si Joan Wagnon ang bayan bilang " Topikachu " sa isang araw bilang promosyon sa prangkisa.
|
Isang patalastas na " got milk ? " ay itinampok si Pikachu noong 25 Abril 2000.
|
May lobong hugis - Pikachu na isinasama sa Macy ' s Thanksgiving Day Parade simula noong 2001.
|
Ang paglabas nito noong 22 Mayo 2006 sa " morning rush hour " ay parte ng pagsubok ng tamang paghawak ng lobo sa parada.
|
Ang orihinal na lobo ay ipinalipad sa publiko sa huling pagkakataon noong 8 Agosto 2006 sa Pokemon Tenth Anniversary " Party of the Year " sa Bryant Park sa New York City , at lumabas din dito ang isang bagong lobo ng Pikachu na humahabol sa isang Poke Ball at may umiilaw na mga pisngi.
|
Napili ang lobong ito bilang pangalawang pinakamagandang lobo ng parada ng 2007 sa isang online survey ng iVillage.
|
Si Pikachu ang inilista ng Nintendo Power na ika - 9 na paboritong bida dahil kahit ito ang isa sa mga unang Pokemon , popular pa rin ito hanggang ngayon.
|
Sa unang episode ng ika - 11 serye ng Top Gear , ikinumpara ng presentor na si Richard Hammond ang imahe ni Tata Nano sa imahe ni Pikachu na nagsabing " they 've saved money on the styling ' cause they 've just based it on this.
|
" Sa ikatlong bahagi ng Heroes , si Hiro Nakamura ay pinalayawan ng " Pikachu " ni Daphne Millbrook na ikinagalit nito.
|
Tinawag siya muli ng pangalang ito ni Tracy Strauss na humingi ng tawad bago siya suntukin sa mukha.
|
Isang spoof ni Pikachu na tinatawag na Ling - Ling ay isang pangunahing tauhan sa palabas ng Comedy Central na " Drawn Together ".
|
Isang litrato ni Pikachu ang itinampok sa eroplanong ANA Boeing 747 - 400.
|
Ilang beses na ring lumabas si Pikachu sa The Simpsons.
|
Sa episode na " Bart vs. Lisa vs. the Third Grade " noong 2002 , si Bart Simpson ay may guniguni habang kumukuha ng pagsusulit at nakikita ang kanyang mga kaklase bilang iba - ibang mga karakter , at isa rito si Pikachu.
|
Lumabas bilang isang Pikachu si Maggie Simpson sa umpisa ng episode na " ' Tis the Fifth Season " ( 2003 ) na inulit sa episode na " Fraudcast News " ( 2004 ).
|
Sa episode na " Postcards from the Wedge " ( 2010 ) , naistorbo si Bart sa paggawa ng takdang - aralin dahil sa panonood ng isang episode ng Pokemon.
|
Matapos makitang nakikipag - usap si Ash Ketchum sa kanyang Pikachu , natuwa siya nang sabihing nananatiling sariwa pa rin ang palabas sa paglipas ng panahon.
|
Si Pikachu ay ang ikalawang pinakamagandang tao ng taon ( second best person of the year ) ng Time noong 1999 , na tinawag itong " the most beloved animated character since Hello Kitty ".
|
Ayon sa magasin , si Pikachu ay ang " public face of a phenomenon that has spread from Nintendo 's fastest selling video game to a trading - card empire " , dahil na rin sa malaking kita ng prangkisa ng Pokemon noong taong iyon ; talo lamang ni Ricky Martin ngunit nadaig pa si J. K. Rowling.
|
Ika - 8 si Pikachu sa isang sarbey ng Animax noong 2000 ng mga paboritong karakter ng anime.
|
Noong 2002 , ika - 15 ang Pikachu ni Ash sa 50 pinakakahanga - hangang karakter ng anime ng TV Guide.
|
Itinampok ito ng GameSpot sa artikulo nitong " All Time Greatest Game Hero ".
|
Noong 2003 inilista ng Forbes si Pikachu bilang ika - 8 piksiyonal na karakter na kumita nang pinakamalaki na may kitang $ 825 milyon.
|
Nang sumunod na taon ay naging ika - 10 na lamang siya na kumita muli ng $ 825 milyon.
|
Sa isang sarbey ng Oricon noong 2008 ay ika - 4 na pinakapopular na karakter ng video game sa Japan si Pikachu ( katapat ni Solid Snake ).
|
Ikinunsidera si Pikachu na pantapat ng mga Hapones kay Mickey Mouse at bahagi ng kilusang " cute capitalism ".
|
Ika - 8 si Pikachu sa " Top 25 Anime Characters of All Time " ng IGN.
|
Ayon sa mga manunulat na sina Tracey West at Katherine Noll , si Pikachu ang pinakamahusay na " Electric - type " na Pokemon at pinakamahusay na Pokemon sa pangkalahatan.
|
Idinagdag pa nila na pag nagtanung - tanong ang isang tao ng mga manlalaro ng Pokemon kung sino ang paborito nilang Pokemon , kadalasan ang pipiliin nila ay si Pikachu.
|
Tinawag din nila si Pikachu na " brave and loyal ".
|
Isang bagong tuklas na protina ( na natuklasan ng Osaka Bioscience Institute Foundation ) na pinaniniwalaang nagbibigay ng malinaw na paningin ay pinangalanang " pikachurin " dahil sa bilis ni Pikachu.
|
Ayon sa kanila , ito ay dahil sa " lightning - fast moves and shocking electric effects " ni Pikachu.
|
Aspalto
|
Ang aspalto , aspalton , o alkitran ( Ingles : asphalt para sa aspalto , tar at pitch para sa alkitran ) ay malagkit , itim , at malapot na likido o medyo - solido na mayroon ang karamihang mga petrolyo at ilang mga likas na deposito.
|
Karaniwang ginagamit ito na panambak sa kalsada.
|
Ngunit maaaring partikular na tumukoy din ang alkitran sa maitim , malapot at madikit na sustansiyang nagmumula sa mga uling at kahoy.
|
Halimbawang gamit ng alkitran ang pagpapahid nito sa ilalim ng mga kotse at pagpipinta sa kahoy.
|
Panitikang panularan
|
Ang panitikang panularan , panitikang pahambing , panitikang hinahambing , panitikang pinaghahambing , panitikang patulad , panitikang hambingan , o panitikang komparatibo ay isang larangang akademiko na nakatuon sa panitikan ng isa iba 't ibang lingguwistikal , kultural , at nasyunal na mga pangkat.
|
Habang ang karamihan ay isinasagawa sa mga akda ng iba 't ibang mga wika , maaari ring isagawa ang panitikang panularan sa mga akda ng katulad na wika kung ang akda ay nagmula sa iba 't ibang mga bansa o mga kultura kung saan sinasalita o isinusulat ang wika.
|
Kabilang din sa sakop ng mga pagtatanong ang paghahambing ng iba 't ibang mga uri ng sining ; halimbawa na ang kaugnayan ng pelikula sa panitikan.
|
Manok - gubat
|
Bonasa Centrocercus Dendragapus Lagopus Tetrao Tympanuchus silipin ang teksto.
|
Tetraonidae Vigors , 1825.
|
Ang manok - gubat ( Ingles : grouse ) ay ang alin man sa ilang mga ibong kahawig ng mga manok na may malaki at hindi kalakihang sukat.
|
Sila ay nabibilang sa orden ng Galliformes.
|
Bagaman kamukha ng mga manok , ang mga manok - gubat ay may mga binting napapalibutan ng mga balahibo.
|
Ang kanilang mga balahibo ay kulay mapanglaw na kayumanggi , pula , o kaya abo.
|
Sa lupa namumuhay ang mga manok - gubat , at sa lupa rin sila gumagawa ng mga pugad.
|
Humuhugong ng malakas ang kanilang maluluwang ngunit maiiksing mga pakpak kapag tumatayo.
|
Kapag nanliligaw ng mga inahing manok - gubat ang mga tandang o lalaking manok - gubat , nagsasayaw ang mga ito na pumapasag ang mga balahibo at pumuputak.
|
May ilang mga tandang na nakalilikha ng tunog na pumuputok sa pamamagitan ng mga pakpak o ng kanilang sako ng hangin ( supot ng hangin sa loob ng kanilang katawan ).
|
Ayon sa mga siyentipiko , kasama sa pangkat na ito ang mga manok ng parang ( kilala sa Ingles bilang mga prairie chicken ).
|
Konstruksiyon
|
Sa mga larangan ng arkitektura at inhinyeriyang sibil , ang konstruksiyon o paggawa ng gusali ay isang prosesong binubuo ng paggawa , pagtatayo , o pagbubuo ng imprastruktura.
|
Malayo sa pagiging iisang gawain , ang isang gawaing panggusali na malakihan ang sukat ay isang gawain ng paggawa ng maraming mga tungkulin at gawain na pantao.
|
Sa pangkaraniwan , ang trabahong ito ay pinamamahalaan ng isang tagapamahala ng proyekto , at pinangangasiwaan ng isang tagapangasiwa ng konstruksiyon , inhinyero ng disenyo , inhinyero ng konstruksiyon o arkitekto ng proyekto.
|
Para sa matagumpay na pagsasakatuparan at katalaban ng isang proyekto , mahalaga ang mabisang pagpaplano.
|
Ang pagiging kasangkot sa disenyo at pagsasakatuparan ng isang imprastruktura ay dapat na magsang - alang - alang ng epekto sa kapaligiran ng nasabing trabaho o gawain , mapagkukunan at makukuhang mga materyales na pangtayo , lohistika , kawalan ng kaginhawahan ng publiko na sanhi ng pagkaantala ng konstruksiyon at turingan at alukan ng halaga na pangkonstruksiyon , at marami pang iba.
|
Sa pangkalahatan , mayroong tatlong mga uri ng konstruksiyon :.
|
Ang bawat isang tipo ng proyekto ng konstruksiyon ay nangangailangan ng isang namumukod - tanging pangkat na magpaplano , magdidisenyo , magbubuo at magpapanatili ng proyekto.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.