text
stringlengths
0
7.5k
Naganap ang Po - on Isang Nobela noong kapanahunan ng mga dekada ng 1880 hanggang 1889 , kung saan lumisan ang isang pamilyang Ilokano mula sa kanilang tahanang - baryo para makipagsapalaran sa silangang Pangasinan , at upang tumakas mula sa nahagip na mga kalupitan ng mga Kastila.
Isa sa mga pangunahing tauhan si Istak , isang Pilipinong Ilokano na bihasa sa pagsasalita ng Kastila at Latin , isang kakayahan na namana niya mula sa pagtuturo ng isang matandang kura paroko ng Cabugao.
Maalam din siya sa sining ng panggamot.
Tanging balakid lamang sa kaniyang pagiging pari ang kaniyang pagiging Indio.
Namuhay siya sa isang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas kung kailan maaaring sumiklab ang isang pag - aalsa laban sa pamahalaang Kastila , isang panahon matapos ang pagkakapatay ng tatlong paring mestiso sa Bagumbayan.
Nagbabadya ang pitak ng pagkakaroon ng rebolusyon , bagaman naroroon ang kawalan pa ng pagkakaisa ng kapuluan at ng mga mamamayan noong mga panahong iyon.
Nalalapit na rin ang panahon ng pagtulong ng mga Amerikano laban sa pagpapaalis ng mga namamahalang Kastila mula sa kapuluan pagkatapos ng tatlong dantaon.
Itinuring ito ng manunuring pamapanitikan na si Ricaredo Demetillo bilang isa sa mga unang mahahalagang nobelang Pilipino na nasusulat sa Ingles.
Isinasalaysay nito ang mga suliraning panlipunan ng kapanahunan ginagalawan ng mga tauhan ng nobelang Po - on , kaakibat ng paghahanap ni Istak , ang bida sa nobela , sa kahulugan ng buhay at sa kung ang anyo ng tunay niyang pananaw at paniniwala.
Katulong niya ang kaniyang paninindigan sa paglalakbay na ito.
Carlo Lacana
Si Carlo Lacana ay isang artista sa Pilipinas.
SM City Trece Martires
Ang SM City Trece Martires ay isang shopping mall na pagmamayari ng SM Prime Holdings.
Ito ay ikalimang SM Supermall sa Cavite.
Paulinia
Ang Lungsod ng Paulinia ay isang lungsod sa estado ng Sao Paulo ng Brasil.
Hipolita
Sa mitolohiyang Griyego , si Hipolita , Hippolyta , Hippoliyte , o Hippolyte ( Ippolute ) ay ang Amazonang reyna na may - ari ng isang mahiwagang bigkis ( girdle ) o sinturon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang amang si Ares , ang diyos ng digmaan.
Ang bigkis ay isang uri ng sinturon na inilalagay sa baywang na sumasagisag sa kaniyang katungkulan bilang reyna ng mga Amasona ( reyna ng Amasonya ).
Isa siyang tanyag na tauhan sa mga mito hinggil kina Herakles at Theseus.
Sciara ( Sicily )
Ang Sciara ( Sicily ) ay isang comune sa lalawigan ng Palermo sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Araw ng mga Nagkakaisang Bansa
Ang United Nations Day o Araw ng mga Bansang Nagkakaisa ay pandaigdigang ipinagdiriwang tuwing Oktubre 24 na may hangaring ipabatid sa mga tao sa buong mundo ang mga layunin , hangarin , at tagumpay ng UN.
Ginugunita nito ang pagkabuo ng United Nations Origanization sa araw na iyon noong 1945 nang pinagtibay ng lahat ng permanenteng kasapi ng konseho ng seguridad at higit sa kalahati ng mga signatory ang UN Charter.
Bahagi ng United Nations Week , Oktubre 20 - 26 , ang araw na nito.
Ipinahayag ito sa U.N.
Resolution 168 ( II ) , noong Oktubre 31 , 1947.
Noong Oktubre 6 , 1971 , itinagubilin ng U.N.
Resolution 2782 ( XXVI ) na gawing national holiday ang United Nations Day sa lahat ng kasaping bansa.
Wikang Kpwe
Ang Kpwe ay isang wikang sinasalita sa Cameroon.
Alberto ng Sahoniya , Coburgo , at Gotha
Si Prinsipe Alberto ng Sahoniya - Coburgo - Gotha o Prinsipe Albert ng Saxe - Coburg at Gotha , na ang buong pangalan ay Franz Karl August Albert Manuel von Sachsen - Coburg und Gotha sa bersiyong Ingles , na katumbas ng Francis Albert Augustus Charles Emmanuel ( ng Sahoniya - Coburgo - Gotha ) sa bersiyong Ingles ; na sa paglaon ay naging Prinsipeng Abay ; 26 Agosto 1819 - 14 Disyembre 1861 ) ay ang asawa ni Reyna Victoria ng Nagkakaisang Kaharian ng Dakilang Britanya at Irlanda.
Ipinanganak siya sa kadukehang Sahon ng Saxe - Coburg - Saalfeld sa isang mag - anak na mayroong kaugnayan sa maraming mga namumunong monarka ng Europa.
Sa maagang edad na 20 , pinakasalan niya ang kaniyang pinsang buo na si Reyna Victoria , kung kaninong siya ay nagkaroon ng siyam na mga anak.
Noong una , tila napipilitan lamang si Alberto na gampanan ang kaniyang posisyon bilang konsorte o abay , na hindi nagkakaloob ng anumang kapangyarihan o mga tungkulin sa kaniya.
Sa paglipas ng mga panahon , umako siya ng maraming mga layuning makamadla , katulad ng mga repormang pang - edukasyon at ng pandaigdigang pagpawi sa pang - aalipin , at gumanap sa mga pananagutan ng pagpapatakbo sa sambahayan , mga estado at tanggapan ng Reyna.
Lubos ang kaniyang naging pagsangkot sa samahan ng Dakilang Eksibisyon noong 1851.
Tumulong si Alberto sa pagpapaunlad ng monarkiyang konstitusyonal ng Britanya sa pamamagitan ng paghimok sa kaniyang asawa na magpakita ng binawasang antas ng pagkapartisano na may kaugnayan sa pakikitungo sa Parlamento - bagaman masigla niyang tinutulan ang patakaran na pang - ugnayang panlabas na interbensiyonista ( may pakikialam o may pamamagitan ) na itinataguyod noong panahon ng panunungkulan ni Panginoon Palmerston bilang Sekretaryo ng Ugnayang - Panlabas.
Namatay si Prinsipe Alberto sa maagang gulang na 42 , na nakapagsanhi sa Reyna na magluksa nang labis at nagtagal sa loob ng panahon ng natitira pang bahagi ng kaniyang buhay.
Sa pagkamatay ni Reyna Victoria noong 1901 , ang kaniyang panganay na anak na lalaking si Edward VII ang humalili bilang unang monarkiyang Britaniko ng Sambahayan ng Saxe - Coburg at Gotha , na pinangalanan mula sa kabahayang dukal ( pangkadukehan ) na kinasasalihan ni Prinsipe Alberto.
Benoni
Ang Benoni ay maaaring tumukoy sa :.
Ramon Durano VI
Si Ramon Durano VI ay isang politiko sa Pilipinas.
Tats Faustino
Si Tats Faustino ay isang kompositor , taga - areglo , prodyuser , direktor pang - musika , manunulat ng mga awitin , mang - aawit , maramihang tagatugtog ng instrumento , perkusisyonista , at tambulero na mula sa Pilipinas.
Nilikha niya ang mga awiting " Hang On " para kay Gary Valenciano , " Hindi Magbabago " para kay Randy Santiago , " Dadalhin " para kay Regine Velasquez at " Nakaraang Pasko " para Kuh Ledesma.
Sa kalunan , gumawa rin siya ng mga awitin para kina Carol Banawa , Christian Bautista , Martin Nievera at iba pang Pilipinong mang - aawit.
Atanasio
Si Atanasio ng Alexandria o Athanasius ng Alexandria ( Griyego : Athanasios Alexandreias , Athanasios Alexandrias ) ( b.
ca.
296 - 298 CE - d.
2 Mayo 373 CE ) , at tinutukoy rin bilang San Atanasio ang Dakila , San Atanasio I ng Alexandria , San Atanasio ang Kumpesor at pangunahin sa Simbahang Koptikong Ortodokso bilang San Atanasio ang Apostoliko , ang ika - 20 obispo ng Alexandria.
Ang kanyang episkopata ay tumagal ng 45 taon.
( c.
8 Hunyo 328 - 2 Mayo 373 ) na ang higit sa 17 taon ay ginugol sa limang mga pagkakatapon na inutos ng apat na magkakaibang emperador Romano.
Siya ay itinuturing na kilalang teologong Kristiyano at pangunahing tagapagtanggol ng Trinitarianismo laban sa Arianismo at isang kilalang pinunong Ehipsiyo noong ika - 4 na siglo.
Siya ay kilala sa kanyang papael sa alitan kay Arius at Arianismo.
Noong 325 sa edad na 27 , siya ay nagkaroon ng isang nangungunang papel laban sa mga Arian sa Unang Konsehong Nicaea.
Sa panahong ito , siya ay isang deakono at personal na sekretarya ng ika - 19 obispo ng Alexandriang si Alexander.
Ang Nicaea ay tinipon ni emperador Constantine I noong Mayo - Agosto 325 CE upang tugunan ang posisyon Arian na si Hesus ay ng isang natatanging substansiya mula sa Ama.
Noong Hunyo 328 CE sa edad na 30 at tatlong taon pagkatapos ng Nicaea at sa pamamahinga ni Alexander , siya ay naging arsobispo ng Alexandria.
Kanyang ipinagpatuloy ang pakikipagalitan sa mga Arian sa natitira ng kanyang buhay at lumahok sa mga pakikibakang teolohikal at pampolitika laban sa mga emperador Dakilang Constantine at Constantius II at mga makapangyarihang at maimpluwensiyal na mga mangangaral na Arian na pinamunuan ni Eusebius ng Nicomedia at iba pa.
Siya ay kilala bilang " Athanasius Contra Mundum ".
Sa loob ng ilang mga taon ng kanyang paglisan , tinawag siya ni Gregoryo ng Nazianzus na Haligi ng Simbahan.
Ang kanyang mga kasulatan ay mahusay na isinasaalang alang ng mga ama ng simbahan na sumunod sa kanya sa parehong Kanluran at Silangan.
Ang kanyang mga kasulatan ay nagpapakita ng mayamang debosyon sa Salitang - naging - tao , dakilang pagkabahalang pastoral at malalim na interes sa monastisismo.
Wikang Awakatek
Ang Aguacateco ay isang wikang sinasalita sa Guatemala.
Pikachu
Si Pikachu ay isa sa mga piksiyonal na nilalang ng Pokemon mula sa prangkisa ng Pokemon - - isang koleksiyon ng mga video games , anime , manga , aklat , trading cards at iba pa na ginawa ni Satoshi Tajiri.
Tulad ng lahat ng mga Pokemon , si Pikachu ay nakikipaglaban sa ibang mga Pokemon sa mga laban na sentral na tema ng mga anime , manga at video games ng Pokemon.
Si Pikachu ang pinakakilalang Pokemon marahil dahil sa pagiging bida nito sa anime ng Pokemon.
Si Pikachu ang pinakapopular na Pokemon , ang opisyal na mascot ng prangkisa ng Pokemon , at ang naging simbulo ng kulturang Hapon sa mga nakalipas na taon.
Sa piksiyonal na mundo ng Pokemon , madalas makita si Pikachu sa mga bahay , gubat , kapatagan , at kung minsan ay sa mga bundok , isla , at mga pinagmumulan ng kuryente ( tulad ng mga power plant ).
Bilang isang " Electric - type " na Pokemon , nakapag - iimbak ito ng kuryente sa kanyang mga pisngi at inilalabas ito sa mga atakeng base sa kidlat.
Unang lumabas si Pikachu noong 1996 ; kasama ito sa 151 na unang mga Pokemon noong inilabas ng Game Freak ang pinaka - unang laro ng Pokemon para sa Japanese Game Boy.
Ang nagdisenyo at nagguhit kay Pikachu ay si Ken Sugimori , kaibigan ng lumikha sa Pokemon na si Satoshi Tajiri.
Hindi man ito ang unang nilikhang Pokemon , ito naman ang unang " Electric - type " na Pokemon na nilikha , na dinisenyo nila mula sa konsepto ng kuryente at kidlat.
Ang pangalan nito ay portmanteau ng mga salitang Hapon na pikapika ( elektrikal na pagputok ) at chu ( tunog ng daga ).
Ayon kay Junichi Masuda , direktor ng Pokemon Diamond at Pokemon Pearl , isa sa pinakamahirap na gawan ng pangalan si Pikachu , dahil nais nilang maging kaaya - aya ito sa mga Hapones at mga Amerikano.
Noong una si Pikachu at ang Pokemon na si Clefairy ang mga napiling mascot ng prangkisa ng Pokemon ; si Clefairy ang " primary mascot " upang maging mas kaaya - aya ang mga unang serye ng komiks.
Ngunit nang lumaon ay naging si Pikachu na lamang ang kaisa - isang mascot ng Pokemon upang maenganyo ang mga babae , at dahil na rin sa paniniwalang si Pikachu ay nagpapakita ng imahe ng isang alagang hayop para sa mga bata.
Isa rin ang kanyang kulay sa mga dahilan ng pagiging mascot nito , dahil isang " primary color " ang dilaw at madaling makita sa kalayuan , at dahil na rin ang tanging kakompetensiya nitong mascot na kulay dilaw ( noong panahong iyon ) ay si Winnie - the - Pooh.
Ang Pikachu ay isang maliit na Pokemon na parang daga na may maliliit at dilaw na mga balahibo at mga kulay tsokolateng marka sa kanyang likod at bahagi ng kanyang buntot.
May mga patusok itong tainga na itim sa dulo at dalawang pulang bilog sa mga pisngi nito na naglalaman ng mga " electrical sacs ".
Parang kidlat ang hugis ng kanyang buntot.
Simula sa Pokemon Diamond at Pokemon Pearl , ang mga babaeng Pikachu ay hugis - puso ang dulo ng kanilang mga buntot.
Mahilig ang mga Pikachu sa mga berries na iniihaw nila gamit ang kuryente bago kainin.
Ginagamit din nila ang kuryente upang palambutin ang mga nahulog na mga berries at mansanas.
Sinasabing nag - iimbak ang Pikachu ng kuryente sa kanyang mga pisngi , at nakakapaglalabas ( discharge ) ito ng iba - ibang uri ng kuryente.
Nagkakaroon ito ng sakit na parang trangkaso kapag hindi ito makapaglabas ng kuryente ( halimbawa ay kung may malakas na magnetic field ).