text
stringlengths
0
7.5k
Pavo cristatus Pavo muticus.
Ang paboreal ( Ingles : peacock , peafowl ) o pabo real ( literal na " totoong pabo " ) ay uri ng malaking ibong may magagandang balahibo at buntot.
Kastor ( paglilinaw )
Ang kastor ( Ingles : castor ) ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod :.
The One That Got Away ( awit ni Katy Perry )
Ang " The One That Got Away " ay kinanta ni Katy Perry sa kanyang album na Teenage Dream.
Mga comune ng Lalawigan ng Torino
Ito ay talaan ng mga comune ( bayan ) ng Lalawigan ng Torino sa Italya.
Pisikang pangkomputasyon
Ang pisikang pangkomputasyon o pisikang komputasyunal ( Ingles : computational physics ) ay ang pag - aaral at implementasyon ng algoritmong numerikal upang lutasin ang mga suliranin sa pisika kung saan ang isang teoriyang kuwantitatibo ay umiiral na.
Kadalasan itong itinuturing bilang isang subdisiplina ng pisikang teoretikal subalit may ilang mga tao na isinasaalang - alang ito bilang isang panggitnang sangay na nasa pagitan ng pisikang teoretikal at pisikang eksperimental.
Sa kadalasan , ang mga pisiko ay mayroong isang napaka tumpak na teoriyang pangmatematika na naglalarawan sa kung paanong mag - aasal ang isang sistema.
Sa kasawiang - palad , kadalasan itong isang pagkakataon na hindi praktikal na lutasin ang mga ekwasyon ng teoriya sa paraang ab initio upang makagawa ng isang magagamit na hula o prediksiyon.
Ito ay natatanging totoo sa mekanika ng kabuoan ( mekanikang kuwantum ) , kung saan sandakot na payak mga modelo ang nagpapapasok ng mga kalutasan o solusyong analitiko na nasa anyong nakasara.
Sa mga kalagayan na ang mga ekwasyon ay maaaring malutas lamang sa pamamagitan ng pagtataya , kadalasang ginagamit ang mga metodong pangkomputasyon.
Edward ang Tagapagpaamin
Si Edward ang Nagpapakumpisal o Edward ang Kumpesor ( Ingles : Edward the Confessor ' ) ' ( Lumang Ingles : Eadweard se Andettere ; Pranses : Edouard le Confesseur ; 1003 - 05 hanggang 4 o 5 Enero 1066 ) , anak na lalaki ni AEthelred na Hindi Handa at Emma ng Normandiya , ay ang isa sa mga panghuling Angglo - Sahon na hari ng Inglatera at karaniwang itinuturing bilang panghuling hari ng Sambahayan ng Wessex , na namuno mula 1042 hanggang 1066.
Shingo Kumabayashi
Si Shingo Kumabayashi ( ipinaganak Hunyo 23 , 1981 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Labia minora
Ang labia minora , na labium minus sa isahang pagbibilang ( literal na " maliit na labi " ) , at nakikilala rin bilang panloob na labia , panloob na mga labi , mas nakapaloob na mga labi , o kaya nymphae sa Ingles ( literal na mga nimpa , nympha kung isahan ) , ay dalawang mga pagaypay ng balat na nasa magkabilang mga gilid ng bukana ng puki ng tao , na nasa pagitan ng labia majora ( panlabas na labia , mas panlabas na mga labi , nakalabas na mga labi , o panlabas na mga labi ).
Ang panloob na mga labi ay may malawakan na iba 't ibang sukat , kulay , at hugis sa bawat babae.
Umaabot ang panloob na mga labi magmula sa tinggil na pabalagbag o nakalihis paibaba , patagilid , at palikod ( papunta sa likuran ) ng magkabilang mga gilid ng bestibulang bulbal , na nagtatapos sa pagitan ng ilalim ng bestibulang bulbal ( bestibula ng bulba ) at ng panlabas na mga labi.
Ang panlikuran o posteryor na mga dulo ( mga ilalim ) ng panloob na mga labi ay pangkaraniwang magkadugtong sa kahabaan ng gitnang guhit sa pamamagitan ng isang lupi o tupi ng balat , na pinangalanang frenulum labiorum pudendi o " fourchette ".
Sa harapan , ang bawat isang labi ay nahahati sa dalawang mga porsyon o bahagi.
Ang pang - itaas na bahagi nga bawat labi ay dumaraan sa ibabaw ng tinggil upang makatagpo ang pang - itaas na bahagi ng isa pang labi & nbpsp ; na maaaring maging mas malaki o mas maliit na magbubuo ng isang tupi o lupi na nakausli o nakaungos sa ulo ng tinggil o glans clitoridis ; ang luping ito ay pinangalanang prepusyo ng tinggil o preputium clitoridis.
Ang pang - ibabang bahagi ay dumaraan sa ilalim ng glans clitoridis at umuugnay o dumurugtong sa pang - ilalim na kalatagan nito , na nagbubuo , kasama ang panloob na labi na nasa kabilang gilid , sa frenulum clitoridis.
Sa magkabilang mga kalatagan o kapatagan ng labia minora ay mayroong maraming mga glandulang sebasyo ( glandulang mataba , glandulang may taba ) na walang kaugnayan sa mga polikula ng buhok.
Noong o bandang 2004 , ang mga mananaliksik mula sa Kagawaran ng Hinekolohiya ng Ospital na Elizabeth Garret Anderson Hospital sa London , ang nagsukat ng labia at iba pang kayariang henital ng 50 mga babae magmula sa gulang na 18 hanggang 50 , na may katamtaman ng mga edad ( mean age sa Ingles ) na 35.6.
Ang mga resulta ay ang mga sumusunod :.
na inihambing sa nakapaligid na balat ( n ).
na inihambing sa nakapaligid na balat ( n ).
Mga organo ng sistemang reproduktibong pambabae.
Panlabas ng anatomiya ng tinggil.
Malaking labia minora.
Ang artikulong ito ay orihinal na nakabatay sa isang pagpapasok mula sa isang edisyong nasa dominyong publiko ng Gray 's Anatomy ( Anatomiya ayon kay Gray ).
Bilang ganyan , ilan sa mga kabatirang nilalaman ay maaaring wala na sa panahon.
M : FRS.
anat / phys / devp.
noco / cong / npls , sysi / epon.
proc / asst , drug ( G1 / G2B / G3CD ).
Puntod
Ang puntod o nitso ay isang libingan ng patay.
Sa Bibliya ( matatagpuan sa Juan 20 at Mga Gawa 2 : 29 ) , karaniwang ginagamit bilang puntod ang isang yungib na may isang malaking batong gumaganap bilang nabubuksan at naisasarang pinto.
Tumutukoy din ito sa isang bantayog o monumentong pang - alaala sa mga yumao na.
Aklat ni Ageo
Ang Aklat ni Ageo , Aklat ni Hageo , o Aklat ni Haggai ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya.
Tungkol ito sa mga pangangaral ni Propeta Ageo , isang kaalinsabay ni Zacarias.
Bagaman nakapangalan kay Ageo ang aklat na ito , pinaniniwalaan na maaaring ibang kamay ang bumuo dito.
Pinagsamasama ang mga pagtuturo ni Ageo hanggang sa maging isa itong buod.
Nilayon ng Aklat ni Ageo ang gisingin ang kasiglahan ng mga mamamayan para sa pagtatatag ng isang panibago at pangalawang templo.
Nasira ang unang templo mga 70 taon bago manlusob si Nabucodonosor.
Mula sa panahong ng pagkakabalik ng mga Hudyo sa Jerusalem , mula sa kanilang pagkakabihag sa Babilonia ( mga 538 BK , mga dalawang dekada na ang nakalipas ) , tanging mga balangkas pa lamang ng bagong templo ang nailalagay.
Dahil sa kautusan ni Haring Ciro noong mga 538 BK , nakabalik ang mga naging bihag na mga Hudyo ng mga Babilonio sa Jerusalem.
Nagsikap silang muling buhayin ang kanilang nagaping bayan , kabilang ang pagtatatag ng isang bagong dalanginan.
Noong panahon ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario I ( mga 520 BK , umabot ang paghahari niya hanggang 485 BK ) , nanawagan si Ageo sa mga pinuno ng pamayanan ng mga Hudyo , sa paring si Josue ( o Joshua ) , sa gobernador na si Zorobabel ( o Zerubbabel , isang inanak mula sa maharlikang lahi ni David ) , upang personal na mangasiwa ang mga ito sa pagpapabilis ng pagtatayo ng pangalawang templo.
Hinikayat rin niya ang mga pari para linisin ang mga pagsamba makakulto.
Ginawan ni Ageo ng pag - uugnay ang mga naunang kaugalian ng mga Israelita sa isang pangako ukol sa pagdating ng panahon maka - Mesias.
Binubuo ng apat na bahagi ang Aklat ni Ageo.
Tungkol ang unang bahagi sa panawagan ng mga propeta upang maitayo ang isang templo.
Hinggil naman sa karangalan ng bagong templong makikita ng Mesias ang pangalawang bahagi.
Tinatalakay sa pangatlong bahagi ang mga pagpapalang matatamo ng magsasagawa ng mga karangalang pangpanibagong templo.
At bilang huli , nauukol kay Zorobabel na larawan ng Mesias at lingkod na hirang ng Diyos , ang pang - apat.
Sodya , Okayama
Ang Soja ay isang lungsod sa Okayama Prefecture , bansang Hapon.
Isleton , California
Ang Isleton ay isang lungsod sa California , Estados Unidos.
Realmonte
Ang Realmonte ay isang comune sa lalawigan ng Agrigento sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Port Moresby
Ang Port Moresby ay ang kabisera ng bansang Papua New Guinea.
Ruian
Ang Lungsod ng Ruian ay isang lungsod sa probinsiya ng Zhejiang sa bansang Tsina.
Paliligo
Ang Paliligo ay isang gawain ng paglilinis ng katawan na kinasasangkutan ng pagbubuhos ng tubig o kaya paglulublob sa pluwido , kadalasang sa tubig , o kaya sa isang solusyong may tubig.
Bukod sa layuning pangkalinisan , ito ay para rin sa palalusugan o para sa mga adhikaing panrelihiyon , o pangkasiyahan tulad ng paglalaro sa tubig o ng tubig , kahit na sa ulan.
Kung minsan , ang pagligo ay ginagawa bilang isang uri ng terapiya.
Kapag nag - uusap ang mga tao hinggil sa paliligo , kadalasang itong nangangahulugan ng pagtubog o pagbabad sa tubig , subalit ang mga tao ay " naliligo " o nagbababad din sa ibang mga uri ng likido , katulad ng paggamit ni Cleopatra ng gatas upang bumuti ang kanyang kutis.
Sa pangterapiya , isang bagay na ginagamit sa " paliligo " ay ang putik.
Charles - Victor Langlois
Si Charles - Victor Langlois ( May 26 , 1863 , sa Rouen - June 25 , 1929 , sa Paris ) ay isang Pranses na historyador at paleograpo , na ispesyalista sa pag - aaral ng Edad Medya at nagturo sa Sorbonne.
Nag - aral si Langlois sa Ecole Nationale des Chartes at ginawaran ng pagkadoktor sa kasaysayan noong 1887.
Nagturo siya sa Unibersidad ng Douai bago siya lumipat sa Sorbonne.
Nagi siyang direktor ng Pambansang Arkibo ng Pransiya mula 1913 hanggang 1929.
Ang aklat niyang noong 1897 na Introduction aux etudes historiques , na isinulat niya kasama si Charles Seignobos , ay kinikilala bilang isa sa mga unang komprehensibong manwal na tumatalakay sa paggamit ng pamamaraang siyentipiko sa pananaliksik ng kasaysayan.
( " Seeing history " ) Ito ay isinalin ni G.G.
Berry sa Ingles noong 1909 at pinamagatang Introduction to the Study of History.
( Langlois at Seignobos 1909 ).
Telegrapiya
Ang telegrapiya ay ang komunikasyon o pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng pahatirang kawad , telegrapo , o telegrama.
Ito rin ang karunungan tungkol sa telegrama.
Villalvernia
Ang Villalvernia ay isang comune sa lalawigan ng Alessandria sa bansang Italya.
Acqui Terme * Albera Ligure * Alessandria * Alfiano Natta * Alice Bel Colle * Alluvioni Cambio * Altavilla Monferrato * Alzano Scrivia * Arquata Scrivia * Avolasca * Balzola * Basaluzzo * Bassignana * Belforte Monferrato * Bergamasco * Berzano di Tortona * Bistagno * Borghetto di Borbera * Borgo San Martino * Borgoratto Alessandrino * Bosco Marengo * Bosio * Bozzole * Brignano - Frascata * Cabella Ligure * Camagna Monferrato * Camino * Cantalupo Ligure * Capriata d 'Orba * Carbonara Scrivia * Carentino * Carezzano * Carpeneto * Carrega Ligure * Carrosio * Cartosio * Casal Cermelli * Casale Monferrato * Casaleggio Boiro * Casalnoceto * Casasco * Cassano Spinola * Cassine * Cassinelle * Castellania * Castellar Guidobono * Castellazzo Bormida * Castelletto Merli * Castelletto Monferrato * Castelletto d 'Erro * Castelletto d 'Orba * Castelnuovo Bormida * Castelnuovo Scrivia * Castelspina * Cavatore * Cella Monte * Cereseto * Cerreto Grue * Cerrina Monferrato * Coniolo * Conzano * Costa Vescovato * Cremolino * Cuccaro Monferrato * Denice * Dernice * Fabbrica Curone * Felizzano * Fraconalto * Francavilla Bisio * Frascaro * Frassinello Monferrato * Frassineto Po * Fresonara * Frugarolo * Fubine * Gabiano * Gamalero * Garbagna * Gavazzana * Gavi * Giarole * Gremiasco * Grognardo * Grondona * Guazzora * Isola Sant 'Antonio * Lerma * Lu * Malvicino * Masio * Melazzo * Merana * Mirabello Monferrato * Molare * Molino dei Torti * Mombello Monferrato * Momperone * Moncestino * Mongiardino Ligure * Monleale * Montacuto * Montaldeo * Montaldo Bormida * Montecastello * Montechiaro d 'Acqui * Montegioco * Montemarzino * Morano sul Po * Morbello * Mornese * Morsasco * Murisengo * Novi Ligure * Occimiano * Odalengo Grande * Odalengo Piccolo * Olivola * Orsara Bormida * Ottiglio * Ovada * Oviglio * Ozzano Monferrato * Paderna * Pareto * Parodi Ligure * Pasturana * Pecetto di Valenza * Pietra Marazzi * Piovera * Pomaro Monferrato * Pontecurone * Pontestura * Ponti * Ponzano Monferrato * Ponzone * Pozzol Groppo * Pozzolo Formigaro * Prasco * Predosa * Quargnento * Quattordio * Ricaldone * Rivalta Bormida * Rivarone * Rocca Grimalda * Roccaforte Ligure * Rocchetta Ligure * Rosignano Monferrato * Sala Monferrato * Sale * San Cristoforo * San Giorgio Monferrato * San Salvatore Monferrato * San Sebastiano Curone * Sant 'Agata Fossili * Sardigliano * Sarezzano * Serralunga di Crea * Serravalle Scrivia * Sezzadio * Silvano d 'Orba * Solero * Solonghello * Spigno Monferrato * Spineto Scrivia * Stazzano * Strevi * Tagliolo Monferrato * Tassarolo * Terruggia * Terzo * Ticineto * Tortona * Treville * Trisobbio * Valenza * Valmacca * Vignale Monferrato * Vignole Borbera * Viguzzolo * Villadeati * Villalvernia * Villamiroglio * Villanova Monferrato * Villaromagnano * Visone * Volpedo * Volpeglino * Voltaggio.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.