text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Nakatapos si Revilla ng elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong 1982 sa Fairfax High School , Los Angeles , California , USA .. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla , Sr. ( Jose Acuna Bautista ) at asawa naman niya si Lani Mercado ( Jesusa Victoria H. Bautista ).
|
Mayroon silang mga supling na artista rin : sina Bryan Revilla at Jolo Revilla.
|
Si Bong Revilla ay nadawit sa 2013 pork barrel scam at sinasabing naglipat ng kanyang mga pondong pork barrel sa mga pekeng NGO ng sinasabing utak ng scam na si Janet Lim - Napoles para sa mga hindi umiiral na proyekto kapalit ng pagtanggap ni Bong Revilla ng P 224,512,500 kickback mula kay Napoles.
|
Hilagang Emisperyo
|
Ang Hilagang Emisperyo ( Hilagang Hating - Daigdig ; Ingles : Northern Hemisphere ) ay ang bahagi ng Daigdig ( Mundo ) na nasa hilaga ng ekwador.
|
Ang salitang " emisperyo " ( mula sa Griyegong sphaira + emi ) ay literal na may kahulugang ' kalahati ng bola ' o ' kalahati ng bilog '.
|
Ito rin ang kalahati ng esperong selestiyal na nasa timog ng ekwator na selestiyal.
|
Naririto ang halos 90 bahagdan ng populasyon ng mundo at ang karamihan sa mga lupain ng mundo.
|
Ang kalahatan ng Hilagang Amerika at ng Europa ay nakapaloob sa Hilagang Emisperyo.
|
Nasa Hilagang Emisperyo rin ang karamihan sa mga bahagi ng Asya , dalawang - ikatlo ( 2 / 3 ) ng Aprika at 10 bahagdan ng Timog Amerika.
|
Ang tatlong pinakamalalaking mga bansa ayon sa populasyon ( Tsina , India , at Estados Unidos ay nasa loob ng Hilagang Emisperyo.
|
Tangway ng Arabia
|
Ang Tangway ng Arabia ( Arabe : shbh ljzyr l`rby sibh al - jazira al - `arabiya o jzyr l`rb jazirat al - `arab ) , Arabia , Arabistan , at ang kabahaging kontinento o subkontinenteng Arabo ay isang tangway o peninsula sa Timog - Kanlurang Asya na nasa hugpungan ng Aprika at Asya.
|
Isang mahalagang habagi ng Gitnang Silangan ang pook at may isang importanteng papel na heopolitiko dahil sa kanyang maraming reserba ng petrolyo o langis at likas na gas.
|
Sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya , ayon kay Jose Abriol , may pook na Evila o Havilah ang tawag at pinaniniwalaang tumutukoy sa Arabia.
|
Pilosopiyang Intsik
|
Ang pinakanakikilalang mga Pilosopiyang Intsik o Pilosopiyang Tsino ay ang Confucianismo , Taoismo , at Legalismo.
|
Naitatag ang mga ito noong Dinastiyang Zhou sa pagitan ng 500 BCE hanggang 550 BCE.
|
Bawat isa sa mga ito ay nakadadamay sa takbo ng pamumuhay ng mga Intsik hanggang sa pangkasalukuyang panahon.
|
( Pangunahing artikulo : Confucianismo ).
|
Nagsimula ang Confucianismo sa pagtuturo ni Confucius noong panahon ng paglalaban ng Tsina.
|
Saad dito ang limang bahagi ng pakikitungo sa tao : Pinuno at mga tagasunod ; ama at anak ; matandang kapatid at nakakabatang kapatid ; asawang lalaki at asawang babae ; at kaibigan sa kaibigan.
|
Dito nakikita ang kahalagahan at pagpapahalaga ni Confucius sa pakikitungo sa kapwa upang maging mapayapa ang mga taong Tsino.
|
Isinasabuhay hanggang ngayon ang mga pagtuturong ito.
|
( Pangunahing artikulo : Legalismo ).
|
Lesbiyana
|
Ang isang lesbiana o lesbiyana ( Ingles : lesbian ) ay isang babaeng homoseksuwal.
|
Nangangahulugan ito na ang isang babae ay seksuwal na naaakit sa kakapwa mga babae , at hindi sa kalalakihan.
|
Kung minsan ang isang lesbiana ay tinatawag din bilang tomboy , tibo , babaeng bakla , at binalaki.
|
Maaari ding gamitin ang terminong lesbyana kapag tinutukoy ang sexual na pagkakakilanlan o pagkilos , na walang kinalaman sa oryentasyong pang - sexual.
|
Maaari din itong gamitin bilang pang - uri na mag - uugnay ng mga salita sa homosexualidad sa kababaihan o atraksyon sa pagitan ng magkaparehong kasarian.
|
Upang kilalanin ang pagkakaiba sa mga kababaihang may komon na oryentasyong pang - sexual , ang konsepto ng " lesbyana " ay isang ideyang produkto ng ika - dalawampung siglo.
|
Sa takbo ng kasaysayan , hindi naranasan ng mga kababaihan ang kalayaang magtaguyod ng relasyoing homosexual katulad ng kalalakihan.
|
Ngunit hindi rin natanggap ng mga kababaihan ang kasing - rahas na kaparusahan na natanggap ng mga homosexual na lalaki sa ilang mga lipunan.
|
Sa halip , ang mga lesbyanang relasyon ay madalas na naituturing na hindi nakapipinsala , at hindi maikukumpara sa mga heterosexual na relasyon , maliban na lamang kung ang mga nasa relasyon ay nagtangkang kamtin ang mga pribelehiyong kadalasan ay tinatamasa ng mga kalalakihan.
|
Dahil dito , kaunting bahagi lamang ng kasaysayan ang naitala upang makapagbigay ng wastong paglalarawan ng pagpapahayag ng homosexualidad sa mga kababaihan.
|
Ipinahihiwatig ng paglalarawan ng mga lesbyana sa midya na ang lipunan ay sabay na naiintriga at nababahala sa mga kababaihang hinahamon ang pangbabaeng mga tungkulin , at namamangha at namumuhi sa mga babaeng may romantikong relasyon sa iba pang mga babae.
|
Salin mula sa Lesbian.
|
Nagmula ang salitang " lesbiana " mula sa Lesbos ( Lesbos ) , isang pulo sa Gresya.
|
Isang sinaunang makata na may pangalang Sappho ang namuhay sa Lesbos.
|
Nagsulat si Sappho ng mga tula na ang karamihan ay hinggil sa pag - ibig.
|
Marami sa kanyang mga tula ng pag - ibig ang isinulat para sa mga babae.
|
Kung kaya 't ang kaniyang pangalan at ang pulong kinatitirahan niya ay nakapagpaisip sa mga tao ng mga babaeng nagmamahal ng kakapwa mga babae.
|
Sa kung minsan ang mga lesbiana ay tinatawag din bilang mga " Sapphista " mula sa pangalang Sappho.
|
Lumahok ang mga lesbiana sa sinaunang mga kilusang peminista ( isang kilusan ng kababaihan na nais na ituring bilang kapantay ng kalalakihan ).
|
Ang peminismo ay ang mga kilusang pampolitika at panlipunan na nagtataguyod ng pagiging kapatas o kaparis ng mga babae sa mga lalaki , at ng kanilang mga karapatan.
|
Subalit , mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga lesbiana at ng mga babaeng " tuwid " o heteroseksuwal sa loob ng kilusang peminista.
|
Noong mga dekada ng 1960 at ng 1970 , mayroon ilang mga babaeng hindi homoseksuwal ( mga babaeng nagkakagusto sa mga lalaki ) na nagnaisa na itiwalag ang mga lesbiana magmula sa kilusang pangkarapatan ng kababaihan.
|
Nais nilang tanggapin ng lipunan ang peminismo.
|
Naniwala sila na ang mga lesbiana ay hindi gaanong katanggap - tanggap sa lipunan at maaaring makapagpasama sa kilusang peminista.
|
Sa paglaon , tinanggap ng kilusan na pangkarapatan ng mga babae ang mga kasapi nitong lesbiana.
|
Sa ngayon , marami nang mahahalagang mga pinunong peminista ang nagpahayag na sila ay mga lesbiana.
|
Maraming mga magkakaparehang lesbiana ang may nais na magkaroon ng mga anak.
|
Upang magkaroon ng mga anak , umaampon sila kung minsan.
|
Subalit , mayroong ilang mga pook na hindi nagpapahintulot na makapag - ampon ng mga bata ang mga magkakaparehang homoseksuwal.
|
Kung kaya 't marami sa kanila ang may gustong maging nakapag - aampon ng mga bata.
|
Ilan sa mga magkakaparehang mga lesbiana ang mayroong mga anak na biyolohikal ( tunay na mga anak ).
|
Upang maisagawa ito , sumasailalim sila sa proseso ng inseminasyong artipisyal.
|
Ito ay ang paglalagay ng esperma mula sa isang lalaking tagapag - ambag sa loob ng isang babae upang makapagdalawangtao ang nasabing babae.
|
Ilan sa mga babaeng lesbiana ang gumagawa nito sa tahanan sa piling ng isang kaibigan na nais nilang maging tagapag - ambag.
|
Subalit , marami ang maaaring gumamit ng mga " bangko ng esperma ".
|
Ang mga ito ay mga negosyong pangmedisina na nagtutugma ng mga magkakapareha na nangangailangan ng ambag na esperma mula sa mga lalaking mag - aambag.
|
Kung minsan , ito ay ginagawa na hindi nagpapakilala ang nag - ambag.
|
Kung minsan naman , ginagawa ito na nakikilala ang tagapag - ambag at maaaring pinipili rin ng magkapareha.
|
Hindi katulad ng pagtatalik na homoseksuwal na nagaganap sa pagitan ng mga lalaki , ang pagtatalik na lesbiana ay hindi labag sa batas sa maraming mga pook.
|
Mayroong ilang mga relihiyong nagbibigay ng kaparusahan sa homoseksuwal na pagtatalik na pangkapwa mga lalaki ang hindi nagsasalita ng anuman hinggil sa pagtatalik ng mga lesbiana.
|
Subalit , inilarawan ni San Pablo sa Sulat sa mga taga - Roma 1 : 26 ang lesbianismo bilang hindi ' likas ' at ' kahiya - hiya '.
|
Maraming mga denominasyonng Kristiyano , katulad ng Katolisismo at Kumbensiyon ng Bautistang Pangkatimugan , ang tumatanaw sa lesbianismo bilang imoral subalit mayroong minorya na tumatanaw sa Kristiyanismo at lesbianismo bilang " hiyang " ( magkabagay ) sa isa 't isa ( tingnan halimbawa mula rito ).
|
Sa karamihan ng mga bahagi ng mundo , ang mga lesbiana ay hindi maaaring magpakasal.
|
Nangangahulugan ito na wala silang mga benepisyong legal at proteksiyon ng kasal.
|
Ito ay maaring makapagdulot ng maraming mga suliranin sa mga lesbiana at mga lalaking homoseksuwal.
|
F !
|
Ang F ! ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng ABS - CBN.
|
Tona , Santander
|
Ang Tona ay isang munisipalidad sa Departamento ng Santander , Kolombiya.
|
Mataas na paaralan
|
Ang mataas na paaralan , paaralang sekundarya o hayskul ( Ingles : secondary school ) ay ang huling yugto ng obligadong edukasyon sa Australia , Brazil , Canada , Hong Kong , Ireland , Hapon , Malaysia , Mauritius , New Zealand , Pilipinas , Timog Aprika , Timog Korea , Singapore , Taiwan ( senior high school lamang ) , ang Nagkakaisang Kaharian at ang Estados Unidos.
|
Nagbibigay ng sekundaryang edukasyon para mga kabataan.
|
Unang natatag ang ideya ni Napoleon ng Pransiya bilang isang paraan upang turuan ang mga magiging opisyal ng kanyang militar.
|
Bago sinakop ang Pilipinas , ang mga bata ay binigyan ng bokasyonal na pagsasanay , pero wala pang schooling noon.
|
Ang mga pagtuturo , kwento , kanta , tula , at sayaw ay ipinasa - pasa gamit ang oral na tradisyon.
|
Nagkaroon rin ng sistemang pagsusulat na tinawag ay Baybayin at malawak at iba - iba ang gamit dito.
|
Papa Agapito II
|
Si Papa Agapito II ay nagsilbing Papa at taganamamahala ng Simbahang Katoliko.
|
Wikang Ukranyo
|
Romania Slovakia Poland.
|
Ang wikang Ukranyo ay ang wikang sinasalita ng mga tao sa bansang Ukranya na nanggaling sa wika ng Silangang Islabikong subgrupo o kabahaging pangkat ng lengguwaheng Islabiko.
|
Big Brother ( serye sa telebisyon )
|
Ang Big Brother ay isang pangrealidad na mga seryeng pantelebisyon kung saan isang grupo ng iba 't ibang katao ay titira sama - sama sa iisang bahay sa loob ng 100 na araw at hindi bababa sa 15 na mga kalahok.
|
Ang idea nito ay nagsimula sa John De Mol Produkties ( isang independente na parte ng Endemol ) noong 4 Setyembre 1997 at pinalabas sa huli noong 1999 sa Nederlands sa Veronica TV Channel.
|
Ang Big Brother ay naging sikat sa mahigit na 70 na mga bansa.
|
Kahit iba - iba ang for format ng Big Brother sa iba 't ibang bansa , pareho pa rin ang general na konsepto : " Mga Kasambahay " ay nakatira sa iisang bahay na may mga kamera at microphone at bawal sila makipag - transaksiyon sa labas ng bahay.
|
Sa bawat linggo ang mga kasambahay ay inimbita ( sa UK version minsan bawat dalawang linggo ) ay nagbobotohan sila para pumili sila ng nominado na ipapalabas sa bahay.
|
Minsan dalawang kasambahay ay pinapalabas o kaya minsan walang kasambahay ang pinapalabas para sa linggong i - yun.
|
Sa huli , ang huling mga kasambahay ay binoboto ng publiko kung sino manalo , ang kasambahay na nakuha ng maraming boto ay idedeklara bilang panalo.
|
Ang mga kasambahay ay bawal gumamit ng telebisyon , radyo , internet , telepono o kahit anong bagay na kung saan sila 'y makipag - interact sa labas ng bahay.
|
Sa ibang palabas ay pinagbabawal ang pag - gamit o magdala ng materyal pangsulat o libro , eksepsiyon ang Bibliya , Torah o Koran o kahit na anong pang rehiliyong libro.
|
May mga okasyon kung saan may mga kasambahay ay pwedeng lumabas ng madalian na emerhensiya o kaya tasks.
|
May pagkakataon may mga bisitang kasambahay na pwedeng lumabas dahil sa tasks o aktibidad.
|
Sila 'y merong regular na kommunikasyon sa host ( halos lahat ay gabi ng eviction ).
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.