text
stringlengths
0
7.5k
Sa buong araw ay ang mga kasambahay ay ginagabay at inuutusan ang mga kasambahay sa iba 't ibang problema at tasks sa boses ng producer sa daan ng boses ni " Big Brother ".
Sa ibang palabas ay pwedeng makipagusap ang kasambahay sa saykayatrista sa telepono , sa Diary Room ( Confession Room ).
Lungsod ng San Luis Potosi
Ang Lungsod ng San Luis Potosi ay isang lungsod sa Estado ng San Luis Potosi , sa bansang Mehiko.
Pagdila sa ari ng babae
Ang pagdila o pagsubo sa ari ng babae ( Ingles : cunnilingus , mula sa bulgar na salitang Latin na cunnus na may kahulugang bulba at salitang Latin lingua o dila ; shrimping o " paghihipon " ) o paghimod sa tinggil ng ari ng babae ay isang uri ng pakikipagtalik kung saan nakikipagtalik ang tao habang ginagamit ang bibig , mga labi , at dila upang pukawin , pasiglahin , o gisingin ang damdaming seksuwal ng katalik na babae.
Tinatawag din itong estimulasyong oral ng klitoris.
Lope K. Santos
Si Lope K. Santos ( 25 Setyembre 1879 - 1 Mayo 1963 ) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan , sa simula ng ika - 1900 dantaon.
Bukod sa pagiging manunulat , isa rin siyang abogado , kritiko , lider obrero , at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.
Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig , Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag - asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco , na kapwa mga katutubo sa Rizal.
Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan , upang asang padasino das ( Kolehiyo Pilipino ) , matapos na makapag - aral sa Escuela Normal Superior de Maestros ( Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro ) at sa Escuela de Derecho ( Paaralan ng Batas ).
Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan , isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan.
Noong 1900 , nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog , katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita.
Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita.
Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon , naging punong - tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.
Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika , Ama ng Balarilang Pilipino , Haligi ng Panitikang Pilipino , subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900 , at nagkaroon sila ng limang anak.
Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay , ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913 , naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920.
Naglingkod din siya bilang senador para sa ika - labindalawang distrito ng bayan.
Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod :.
Kagitingan
Ang kagitingan ay maaaring tumukoy sa :.
Tunel ng Malinta
Ang Tunel ng Malinta o Balisungsungan ng Malinta ay isang may - mga - hugnayan o masalimuot na mga tubong - daanan sa ilalim ng lupa na ginawa ng Hanay ng mga Inhinyero ng Hukbong - Katihan ng Estados Unidos sa pulo ng Corregidor sa Pilipinas.
Una itong ginamit bilang isang di - tinatablan ng bombang imbakan at tulugan ng mga tauhan , ngunit naging may - 1,000 kamang ospital sa kalaunan.
May 831 piyeng haba ang pangunahing lagusan , tumatakbo mula silangan hanggang kanluran ; may 24 piyeng lawak , at 18 piyeng taas.
Nagsasanga mula sa pangunahing daanang ito ang iba pang 13 lateral na mga daanan sa gawing hilaga at 11 pang daanan sa gawing timog.
May karaniwang sukat na 160 piyeng haba ang bawat daanan , at 15 piyeng lawak.
Hinango ang Tunel ng Malinta mula sa Burol ng Malinta , isang nakaangat na anyo ng lupa na may 390 - piyeng taas kung saan binutas ang lagusan.
Isang Pilipinong salita ang malinta na nangangahulugang " maraming linta ".
Tsipre
- at the southwestern tip of mainland Asia ( grey ) , - near Africa ( grey , bottom ) and Europe ( camel & white ) - in the European Union ( camel ).
Taya ng populasyon na gawa ng UN para sa buong pulo kasama ang mga lugar na kontrolado ng mga Turko.
Ang Republika ng Cyprus o Republika ng Tsipre ( Griyego : Kupros , Kypros ; Turko : Kibris ; tingnan din ang Talaan ng mga tradisyunal na mga pangalan ng mga Griyegong lugar ) ay isang pulong bansa sa silangang Dagat Mediterranean , 113 kilometro ( 70 milya ) timog ng Turkey at mga 120 km kanluran ng pampang ng Syria.
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
The 11 : 30 Report
Ang The 11 : 30 Report ay palabas pambalita sa telebisyon ng GMA Network sa Pilipinas.
Ito ang kauna - unahang palabas pambalita ng GMA na ini - ere tuwing huling bahagi ng gabi.
Ito lamang ang palabas na kumuha ng libing ni Senador Ninoy Aquino noong Agosto 21 , 1983.
Burias
Ang Burias ay isang pulo sa Pilipinas.
Matatagpuan ito sa hilagang silangan ng lungsod ng Masbate.
Mayroon itong dalawang munisipyo.
Esparago
Ang esparago o asparagus ( Ingles : asparagus , Kastila : esparrago ) ay isang uri ng gulay.
Santa Lucia ( bansa )
Antigua and Barbuda | Bahamas | Barbados | Cuba | Dominica | Dominican Republic | Grenada | Haiti | Jamaica | Saint Kitts and Nevis | Saint Lucia | San Cristobal at Nieves | San Vicente at ang Kagranadinahan | Trinidad and Tobago.
Mga dumidepende : Anguilla | Aruba | British Virgin Islands | Cayman Islands | Guadeloupe | Martinique | Montserrat | Navassa Island | Netherlands Antilles | Puerto Rico | Turks and Caicos Islands | U.S.
Virgin Islands.
Nutrisyon
Ang nutrisyon ay tumutukoy sa proseso ng asimilisasyon o pagsipsip ng sustansiya o pagkain ng katawan ng isang organismo na nagdurulot ng paglaki at pananatiling buhay ( pangsuporta ng buhay ) nito , na may kaayusan , pagsulong , at malusog.
Tinatawag na mga alimento ang mga bagay o pagkaing nagbibigay ng sustansiya sa katawan.
Pakikipagtalik sa pamamagitan ng bibig
Ang pakikipagtalik gamit ang bibig ay maaaring tumukoy sa :.
Valkyrie
Ang Balkir , na nagiging Balkiriya o Kabalkiran kapag pangkatan ( Ingles : Valkyr , Valkyrie kapag isahan , na nagiging Valkyrs , Valkyries kung maramihan ; Kastila : Valquiria ; mula sa Matandang Nordiko : Valkyrja , " Mga Tagapili ng mga Napatay " ; Aleman : Walkure kapag isa lang , na nagiging Walkuren kung marami ) ay ang mga diyosang nasa mabababang antas sa mitolohiyang Nordiko.
Pinaglilingkuran nila ang punong diyos na si Odin.
Ang kanilang takdang gawain ay ang pumili ng kung sino ang mga namatay sa pinaka makabayaning pamamaraan mula sa labanan.
Pagkaraan ng pagpili ay dinadala ng Balkiriya ang napili papunta sa Valhalla.
Ang napiling ito ay tatawagin na bilang mga einherjar.
At isasali sila kay Odin o kaya ay kay Freyja.
Makikipaglaban sila sa piling ni Odin sa Ragnarok , ang labanan na nasa dulo ng mundo.
Sa Valhalla , ang mga Balkiriya ay maghahain din at mangangalaga ng kapakanan ng nagpipistang mga mandirigma.
Pinaniniwalaan ng sinaunang mga taong Nordiko na ang mga Valkyr o ang Valkyrie ay sumasakay sa mga dambuhalang mga lobo , at na ang mga ito ay mayroong maiitim na mga pakpak na katumbas ng mga pakpak ng mga uwak ; ang dalawang mga hayop na ito ay kapwa naghahakot mula sa mga bangkay na nasa pook ng labanan , na sumasagisag sa kamatayan at pagkawasak.
Dahil sa paglaganap ng Kristiyanismo , ang ideya ng isang Balkiri ay nabago nang nabago upang maging isang paglalarawang Romantiko ng isang magandang babae.
Pagsisiwalat
Ang pagsisiwalat , nagmula sa salitang siwalat , o rebelasyon ay ang pagpapakita ng katotohanan , katulad ng mga itinatadhana ng Diyos.
Isa rin itong pagpapakita o pagsasabi sa isang tao ng isang bagay na hindi dating nalalaman ng pinagpakitaan o pinagsabihan.
Kaugnay din ito ng pagpapahayag ng mga hula o ang tinatawag na apokalipsis katulad ng nasa Bagong Tipan ng Bibliya.
Kakabit pa rin ng Bibliya , ipinahayag ng Diyos ang katotohanan hinggil sa tao at kanilang daigdig sa pamamagitan ng mga sinasaad sa Bibliya , kaugnay ng pagpapakita ng Diyos ng kanyang kapangyarihan at pagmamahal sa tao , na isinagawa niya sa pamamagitan ng kanyang mga " dakilang gawain ng pagliligtas " sa mga ito.
Kung minsan , isinisiwalat ng Diyos ang mga bagay - bagay sa pamamagitan ng partikular na mga tao , katulad ng mga propeta at mga alagad o apostol niya.
Isang halimbawa ng propeta ng Diyos ang anak niyang si Hesus na nagsiwalat ng kung sino ang Diyos at kung gaano kamahal ng Diyos ang tao.
Maliit at malaking titik
Sa ortograpiya at tipograpiya , ang maliit at malaking titik ay pagkakaiba ng titik ayon laki ( o kapital ) o liit nito sa ilang mga wika.
Sa iskrip na Latin , ang mga malalaking titik ay ang A , B , C , atbp.
, habang ang mga maliliit na titik ay ang a , b , c , atbp.
Ito ang paghahambing ng mga bersiyon ng maliliit at malalaking titik sa alpabetong Filipino ( maiiba ang tumpak na representasiyon sang - ayon sa font na ginamit ) :.
Ginagamit ang malaking titik sa unang letra ng pangungusap upang :.
Maraming dahilan ang pagkakaroon ng malaking titik sa unahan ng pangungusap , o sa gitna ; huli.
Maaaring ito 'y naipasa na sa literatura o nakasanayan lamang.
Metropolitan Hospital College of Nursing
Ang Metropolitan Hospital College of Nursing ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Santa Cruz , Lungsod ng Maynila , Kalakhang Maynila , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1976 at kasalukuyang pinamumunuan ni Joel T. Go.
Ang mga kursong inaalok nito ay : Bachelor of Science in Nursing.
Pangungusap
Sa linggwistika , ang pangungusap ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa.
Binubuo ito ng panlahat na sangkap , ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
May dalawang ayos ang pangungusap , ang karaniwan at di - karaniwan.
Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno , ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos ; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri , ang pangungusap ay nasa di - karaniwang ayos.
Ang panandang " ay " ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
Ang pangungusap ay may apat na kayarian : payak , tambalan , hugnayan at langkapan.
Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan.
Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri.
Mayroon itong apat na kayarian :.
Halimbawa :.