text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag - iisa.
|
Halimbawa :.
|
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag - iisa at isa o dalawang sugnay na di - makapag - iisa.
|
Halimbawa :.
|
Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag - iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di - makapag - iisa.
|
Halimbawa :.
|
Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o paturol , patanong , pautos , at padamdam :.
|
Pransiya
|
- sa kontinente ng Europa ( maputlang berde & maitim na kulay - abo ) - sa Unyong Europeo ( maputlang berde ).
|
Mga kinasasakupan ng Republikang Pranses sa daigdig.
|
Ang Republikang Pranses o Pransiya , ay isang bansa sa Europa na bahagi ng Unyong Europeo ( UE ).
|
Isa ito sa mga pinakamalaking bansa sa Europa.
|
Ang kabisera nito ay Paris.
|
Ito ay pinaliligiran sa timog ng Espanya , Andorra , Monaco at Dagat Mediterraneo , sa hilaga at kanluran ng Karagatang Atlantiko , at sa silangan ng Belhika , Luxembourg , Alemanya , Suwisa , at Italya.
|
Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia , na ang ibig sabihin ay " Lupain ng mga Prangko ".
|
Maraming mga teorya ang nagsasabi ng pinagmulan ng pangalan ng mga Prangko.
|
Ang Republikang Pranses ay isang unitaryong semi - pampanguluhan na republika na may matibay na tradisyong demokratiko.
|
Ang konstitusyon ng Ikalimang Republka ay inaprubahan ng isang reperendum noong 28 Setyembre 1958.
|
Ito ang lalong nagpatibay sa autoridad ng tagapagpaganap sa relasyon nito sa tagapagbatas.
|
Ang sangay tagapagpaganap ay may dalawang pinuno : ang Pangulo ng Republika , na Pinuno ng Estado at direktang inihahalal ng mga mamamayan para sa limang - taong panunungkulan ( dating pitong taon ) , at ang Pinuno ng Pamahalaan , na pinamumunuan ng itinalagang Punong Ministro.
|
Ang Pransiya ay nahahati sa 27 rehiyong pampangasiwaan , 22 ay nasa metropolitanong Pransiya ( 21 ay nasa kontinental na bahagi ng metropolitanong Pransiya ) ; ang isa ay ang teritoryong kolektibo ng Corsica , at ang lima ay mga dayuhang rehiyon.
|
Ang mga rehiyon ay nahahati sa 101 mga departamento na may bilang ( pangunahing naka - alpabeto ).
|
Ang mga bilang ay gamit sa mga kodigong postal at mga bilang ng mga plaka ng sasakyan.
|
Alemanya * Austria * Belhika * Bulgarya * Croatia * Dinamarka * Eslobakya * Eslobenya * Espanya * Estonya * Gresya * Irlanda * Italya * Latbiya * Litwaniya * Luxembourg * Malta * Nagkakaisang Kaharian * Olanda * Pinlandiya * Polonya * Portugal * Pransiya * Rumanya * Suwesya * Tsekya * Tsipre * Unggarya.
|
Mga bansang kandidato na nasa usapan sa paglawak : Iceland * Montenegro * Serbiya * Turkiya.
|
Mga bansang kandidato : Republika ng Masedonya ( kilala ng UE bilang " Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya " ).
|
Mga bansang maaring maging bansang kandidato : Albanya * Bosnia at Herzegovina * Kosovo.
|
Alemanya * Canada * Estados Unidos * Hapon * Italya * Pransiya * Rusya * United Kingdom Karagdagang kinatawan : Unyong Europeo.
|
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
|
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
|
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
|
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
|
Palingkurang pampagkain
|
Ang palingkurang pampagkain o industriya ng pagtutustos ng pagkain ( Ingles : foodservice sa Ingles ng Estados Unidos ; catering industry ) ay nagbibigay ng kahulugan sa mga negosyo , mga institusyon , at mga kompanyang nangangasiwa ng anumang pagkain na inihahanda at inihahain na nasa labas ng tahanan.
|
Ang industriyang ito ay kinabibilangan ng mga restawran , mga kapiterya ng mga paaralan at mga ospital , mga operasyon ng pagkekeyter o pagtutustos ng pagkain , at marami pang ibang anyo.
|
Hubileo
|
Ang hubileo o hubelyo ay isang malaking pagdiriwang , pagsasaya , pagbubunyi , o anibersaryo katulad ng ginagamitan ng mga katagang ika - 25 anibersaryo , o ika - 50 , ika - 75 , at iba pa.
|
Maaari rin itong tumukoy sa isang buong taon ng pamamahinga ng mga Israelita , na batay sa Aklat ng Lumang Tipan ng Bibliya.
|
Sa Katolisismo , ito ang indulhensiya sa pamamagitan ng mga debosyon.
|
Ayon kay Jose Abriol , nagmula ang salitang ito sa yobel o ang katawagang Hebreo para sa sungay ng isang lalaking tupa , na hinihipan bilang instrumentong gumagawa ng tunog kapag may pagdiriwang o kapag isinasagawa ang isang " hubileo ".
|
Sono Otoko , Fuku - Shocho
|
Ang Sono Otoko , Fuku - Shocho ay isang palabas sa telebisyon sa bansang Hapon.
|
Joseph Proust
|
Si Joseph Louis Proust ( Setyembre 26 , 1754 - Huly 5 , 1826 ) ay isang kimikong Pranses.
|
Telemachus
|
Si Telemachus ( / t'lemks / t - LEM - - ks ; Griyego : Telemakhos , Telemakhos , literally " far - fighter " ) , ay isang tauhan sa Mitolohiyang Griyego , ang anak nina Odysseus at Penelope , at isang pangunahing tauhan sa Odyssey ni Homer.
|
Ang mga unang apat na aklat ng Odyssey ay nakatuon sa mga paglalakbay ni Telemachus sa paghahanap ng mga balita tungkol sa kanyang ama na hindi pa umuuwi mula sa Digmaang Troya , at sa kinaugalian ay binigyan ng titulong ang Telemachy.
|
Kuko
|
Sa anatomiya , ang isang kuko ay isang malasungay na kayarian sa dulo ng mga daliring pangkamay at pampaa ng tao o ng hayop.
|
Sa larangan ng anatomiya , ang mga kukong pangdaliri ng kamay at paa , na yari sa mga matitigas ng protinang tinatawag na kartilahiyo at nalilikha mula sa mga buhay na selulang pambalat sa mga daliring pangkamay at pampaa , ay binubuo ng maraming mga bahagi :.
|
Ang malayang sukdulan ay parteng kuko na umaabot lampas sa daliri , lagpas pa sa pinakapinggan ng mga kuko.
|
Walang mga pandulong ugat - pandama sa loob ng kuko.
|
Ito ang humahabang parte ng kuko na nakapailalim pa rin sa balat , sa may malapit na ( proksimal na ) dulo.
|
Sa pangkaraniwang paggamit , ang salitang kuko ay nakagawiang tumutukoy lamang sa pinakapinggan ng kuko.
|
Poreber
|
Ang Poreber ( binibigkas na , / po * re * ber / ) ay isang nakakalat na kapookan ( settlement ) sa Munisipalidad ng Kamnik sa rehiyon ng Upper Caniola sa Slovenia.
|
Histerya
|
Ang histerya ay isang uri ng neurosis o pagkabaliw na may labis o sobra at hindi mapigilang pagkatakot o pagkasindak.
|
Mailalarawan din ito bilang isang kaguluhan sa sistemang nerbyos na may tanda ng labis na kasiyahan , kasiglahan , kasabikan , kalikot ng galaw o kilos , kaantigan , kapukawan , o pangingilig ; mayroon itong biyolenteng bugso ng damdamin.
|
Tinatawag na histeriks o histeriko ang pagkakaroon ng sumpong o dalaw ng histerya.
|
Travagliato
|
Ang Travagliato ay isang comune sa lalawigan ng Brescia sa bansang Italya.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
Wikang Kuna
|
Ang Kuna ay isang wikang sinasalita sa Panama.
|
Pagsusuring pangtungkulin
|
Ang pagsusuring pangtungkulin , pagsusuring gumagana o pagsusuring nagagamit na nakikilala sa Ingles bilang functional analysis , ay ang pamamaraan ng pagtasa o pagtaya sa asal na lumalayon na alamin ang tiyak na mga bagay o pangyayaring umiiral dati at mga kinahinatnan ng isang partikular na ugali.
|
Sa sikolohiyang pang - asal , ito ang paglalapat ng mga batas ng pagkukondisyong operante upang mapatunayan ang ugnayan sa pagitan ng mga estimulo at mga tugon.
|
Upang mapagtibay ang tungkulin ng isang ugali , karaniwang sinusuri ang " four - term contingency " ( anumang maaaring mangyari na mayroong apat na mga termino ) : una sa pamamagitan ng mga operasyong naggaganyak o nagbibigay ng motibo ( Motivating Operations , EO o AO ) , na pagkatapos ay kikilalanin ang naunang pangyayari o sanhi ng mismong ugali kung paano ito gumana , at aalamin ang kinahinatnan ng asal na nagpapatuloy na panatilihin ito.
|
Sa analisis o pagsusuri ng ugali ( behavior analysis ) , ang analisis na gumagana ay gumagamit ng mga prinsipyong hinango mula sa likas na agham ng pagsusuri ng asal upang mapag - alaman ang " dahilan " , layunin o motibasyon para sa isang ugali.
|
Ang pagsusuring pangtungkulin ng ugali ay nangangailangan na lipunin ang mga dato hinggil sa mga pagbabago sa isang nagsasariling baryable ( ugali ) na naganap bilang resulta ng tuwirang manipulasyon ng mga baryableng malalaya ( mga antesedente at mga konsekuwensiya ) ; kung gayon , ang analysis na punksiyonal ng ugali ay hindi dapat ikalito sa mga pamamaraan ng pagtatayang pangtungkulin na katulad ng mga pagtatayang ABC dahil hindi kinasasangkutan ang mga ito ng tuwirang pagmamanipula ng nagsasariling mga baryable ( mga nagbabago ) at ng paggamit ng mga disenyong ekserimental o sinusubukan pa lamang.
|
Tsismis
|
Ang tsismis ( Ingles : gossip , rumor ; Kastila : chismes ) ay isang bagay , karaniwang mga pangungusap o kuwento na may kaugnay sa o tungkol sa buhay ng may - buhay , na negatibo ( isang negatibidad ) , pasalungat , pakontra , o kabaligtaran , na itinuon sa isang tao o pangkat ng mga tao.
|
Ginagawa at ginagamit ito ng mga tsismoso ( lalaki ) at tsismosa ( babae ) - kilala rin bilang mga madaldal , matabil , masatsat , daldalero ( lalaki ) , daldalera ( babae ) , satsatero ( lalaki ) , at satsatera ( babae ) - dahil sa udyok ng kanilang sariling inseguridad o " kabuwayahan " , upang ibaba o ilugmok ang ibang tao , samantalang iniaangat naman ng mga nagkakalat ng mga tsismis ang kanilang sarili at para makaramdam ng iniisip o hinahangad na " kabutihan " o pagiging mabuti sa mata ng iba na paukol sa sarili.
|
Ang tsismis ay kasingkahulugan ng mga sumusunod : satsat , sitsit , yapyap , dada , ngakngak , kiyaw - kiyaw , ngawngaw , taritan , tari - tari , kalantari , dalahira , rumor , sagap , sabi - sabi , bali - balita , balitang kutsero , balitang barbero , bulung - bulungan ( binabaybay ding bulungbulungan ) , parali , alingasngas , tibadbad , higing , balitang kanto , balitang naulinigan , at daldal.
|
Ayon kay Tenzin Gyatso , ang ikalabing - apat na Dalai Lama , nakapagpapaikli ng isang araw na tila napakahaba o napakatagal lumipas ang tsismisan subalit ito ang isa sa pinakamasamang pagsasayang ng oras o panahon.
|
Binigay niyang halimbawa ang hinggil sa isang lalaking mananahi na humahawak lamang sa isang karayom habang patuloy sa pagsasalita sa harap ng isang kliyente ; dahil sa kanyang gawaing ito hindi natatapos ang kanyang pananahi ; at maaari pang matusok pa niya ng karayom ang sariling daliri dahil sa pagkalibang sa pagdaldal.
|
Ipinakakahulugan ng Dalai Lama na nakapipigil ang walang kabuluhang pakikipagtsismisan sa paggawa ng alin mang uri ng gawain.
|
Batay naman sa Three Minutes a Day ( Tatlong Minuto Isang Araw ) , tomo bilang 35 , ng The Christophers , nakapipinsala sa iba at sa sarili ng tsismoso o tsismosa ang pagtsitsismis. dahil , Aklat ng mga Kawikaan ng Bibliya , naglalantad ng mga lihim ang tsismis ( Mga Kawikaan 20 : 19 ).
|
Kabilang sa mga paraan upang mapangasiwaan ang mga tsismoso at mga tsismosa , o masugpo ang tsimis , ay ang tuwirang pagtatanong sa mga nagbabalita ng tsismis ng ganito : na kung bakit kailangang malaman pa ng ibang mga tao ang mga bagay - bagay o paksang isinasalo o ibinubunyag nila.
|
O kaya , ang pagtatanong kung paano matutulungan ang taong itsini - tsimis sapagkat ang reputasyon nito ang siyang nakataya.
|
Kaakit - akit naman sa isang hindi tsismoso o tsismosa ang pagkakaroon ng reputasyong may kakayahang mapanatiling sarado ang bibig o hindi magdaldal ng bagay - bagay na pribado , at pagkakaroon ng paghabas , pagtitimpi , pag - iingat , o magpasyang may diskresyon , sapagkat hindi kahali - halina ang gawaing kabaligtaran nito.
|
Bilang dagdag , kahit na sa loob ng pinakamatalik na pakikipag - ugnayan , pakikipagkapwa - tao , o relasyong may pagkakagaanan ng mga kalooban , palaging may pangangailangan ng pagsasaisip ng mga sasabihin , kung paano ito magiging maganda o mainam sa pandinig , o kung paano ito makakaapekto sa makikinig o tagapakinig.
|
Kung minsan , ang bugso , udyok , o " tulak " ng kagustuhan maglantad o magsiwalat ng bagay - bagay o paksa ay isang kagustuhan ng paglalabas ng nakakubling pagnanais na makasakit sa kapwa.
|
Hindi isang kamalian ang pag - isipan muna bago ito gawin , kahit na hinggil ang paksa sa sariling buhay o kaya ng kapwa tao.
|
Pulmonya
|
Ang pulmonya ay isang pamamaga na kondisyon ng baga - - na pangunahing nakakaapekto sa mga mikroskopikong air sac na kilala bilang alveoli.
|
Ito ay karaniwang sanhi ng impeksiyon sa mga birus o bakterya at sa hindi masyadong karaniwang mga mikroorganismo , ilang mga gamot at ibang mga kondisyon tulad ng mga sakit na sanhi ng pag - atake ng sistema ng resistensiya sa katawan.
|
Kasama sa mga karaniwang sintomas ang ubo , pananakit ng dibdib , lagnat , at kapos na paghinga.
|
Ang mga kagamitan para sa pagkilala ng sakit ay kinabibilangan ng mga x - ray at pag - culture sa laway.
|
Mayroong mga bakuna para iwasan ang ilang mga uri ng pulmonya.
|
Ang paggamot ay depende sa nasa ilalim na sanhi.
|
Ang itinuturing na pulmonyang sanhi ng bakterya ay ginagamot ng mga antibyotiko.
|
Kung malala ang pulmonya , ang apektadong tao ay karaniwang ipinapasok sa ospital.
|
Taun - taon , ang pulmonya ay nakakaapekto sa humigit - kumulang 450 milyong katao , pitong porsiyento ng kabuuan ng mundo , at nagreresulta ng halos 4 na milyong mga kamatayan.
|
Bagaman ang pulmonya ay itinuring ni William Osler sa ika - 19 na siglo bilang " ang kapitan ng kamatayan ng tao " , ang pagdating ng paggamot ng antibyotiko at mga bakuna sa ika - 20 siglo ay nakakita ng mga pagbuti sa kaligtasan ng buhay.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.