text
stringlengths
0
7.5k
Sina Kaundinya at ibang apat na mga kasama ay lumisan dahil sa paniniwalang inabandona na niya ang kanyang paghahanap at naging hindi disiplinado.
Sa pagninilay - nilay ni Siddharta sa ilalim ng punong Bodhi , tinukso siya ng demonyong si Mara ng mga magagandang anak na babae nito ngunit si Siddharta ay nanatili sa pagninilay - nilay.
Pagkatapos ay nagpadala si Mara ng mga malalaking hukbo ng mga halimaw upang takutin si Buddha ngunit si Siddharta ay nakaupong hindi natitinag.
Inangkin ni Mara na ang upuan ng kaliwanagan ay nararapat sa kanya at hindi kay Siddharta at nagsasabing ang kanyang mga nagawang espiritwal ay mas dakila kay Siddharta.
Ang mga halimaw ni Mara ay tumangis ng sabay sabay na " Ako ang kanyang saksi ! ".
Hinamon ni Mara si Siddharta na " sino ang magsasalita para sa iyo ? ".
Hinipo ni Siddharta ang lupa ng kanyang kanang kamay at ang mundo ay umugong na " Ako ay nagpapatotoo sa iyo ! " at pagkatapos ay naglaho si Mara.
Sa ilang salaysay , ang inang mundo ay umahon mula sa lupa at nagpadala ng isang malaking baha na tumangay kay Mara at kanyang mga hukbo.
Pagkatapos ng 49 araw ng pagninilay - nilay sa edad na 35 , sinasabing nakamit ni Siddharta ang Kaliwanagan.
Ayon sa ilang mga tradisyon , ito ay nangyari sa tinatayang ikalimang buwang pangbuwan o sa ilan ay sa ikalabindalawang buwan.
Mula noon , si Gautama ay nakilala ng kanyang mga alagad na ang Buddha o " Ang Isang Namulat o Nagising ".
Ang " Buddha " ay minsang isinasaling " Ang Isang Naliwanagan ".
Ayon sa Budismo , sa panahon ng kanyang pagkamulat , kanyang natanto ang kumpletong kabatiran tungo sa sanhi ng pagdurusa at sa mga hakbang na kailangan upang matanggal ito.
Ang mga pagkakatuklas na ito ay tinatawag na " Ang mga Apat na Maharlikang Katotohanan " na nasa puso ng katuruang Budista.
Sa pamamagitan ng pagsasanay ng katotohanang ito , ang isang katayuan ng supremang kalayaan ay pinaniniwalaang posible para sa sinumang nilalang.
Ang Buddha ay naglarawan sa Nirvana bilang ang sakdal na kapayapaan ng isipan na malaya mula sa kamangmangan , kasakiman , poot at ibang mga nagpapahirap na kalagayan o mga karumihan ( kilesas ).
Ang Nirvana ay itinuturing ring ang " wakas ng daigdig " sa kadahilanang walang pansariling pagkakakilanlan o mga hangganan ng isipan ang nananatili.
Sa gayong isang estado , ang isang nilalang ay sinasabing nag - aangkin ng Mga Sampung Katangian na kabilang sa Buddha.
Ayon sa isang kuwento ng Ayacana Sutta ( Samyutta Nikaya VI.1 ) - - na isang kasulatang matatagpuan sa Pali at iba pang mga kanon ng Budismo - sa sandaling pagkatapos ng kanyang pagkamulat , dinebate ni Buddha kung o kung hindi niya dapat ituro ang Dharma sa iba.
Siya ay nabahala na ang mga tao ay labis na napanaigan ng kamangmangan , kasakiman at poot na hindi nila kailanman makikilala ang landas na malalim at mahirap maunawaan.
Ayon sa kuwento , hinikayat siya ni Brahma Sahampati na nangangatwirang kahit papaano ang ilan ay makakaunawa nito.
Ang Buddha ay lumubag at umayon na magturo nito.
Pagkatapos ng kanyang pagkamulat , kanyang nakilala ang dalawang mga mangangalakal na nagngangalang Tapussa at Bhallika na naging kanyang mga unang disipilong lay.
Sila ay maliwanag na binigyan ng mga buhok mula sa kanyang ulo na ngayong inaangking nakalagay sa dambana bilang mga reliko sa Templong Shwe Dagon sa Rangoon , Burma.
Nilayon ni Buddha na dalawin si Asita at ang kanyang mga dating guro na sina Alara Kalama at Udaka Ramaputta upang ipaliwanag ang kanyang mga natuklasan ngunit namatay na sila.
Pagkatapos ay naglakbay siya sa Deer Park malapit sa Varanasi ( Benares ) sa hilagaang India kung saan niya sinimulan ang Gulong ng Dharma sa pamamagitan ng paghahatid ng kanyang unang sermon sa kanyang mga limang kasama.
Ang limang ito ay naging mga arahant at sa loob ng unang dalawang buwan sa pagkaakay ni Yasa ang limampung apat sa kanyang mga kaibigan , ang bilang ng mga gayong arahant ay sinasabing lumago sa 60.
Ang pagkaakay ng tatlong mga magkakapatid na lalakeng nagngangalang Kassapa ay sumunod kasama ng kanilang mga respektibong alagad na 200,300 at 500.
Ito ay nagpalago sa sangha sa higit sa 1,000.
Sa natitirang 45 taon ng kanyang buhay , si Buddha ay sinasabing naglakbay sa Kapatagang Gangetiko sa ngayong Uttar Pradesh , Bihar at katimugang Nepal na nagtuturo sa iba 't ibang mga tao mula sa mga maharlika sa mga hindi kabilang sa kasteng mga tagawalis ng mga lansangan , mga mamamatay tao gaya nina Angulimala at mga kanibal gaya ni Alavaka.
Sa simula , ang Budismo ay katumbas na bukas sa lahat ng mga lahi at mga klase at walang istruktura ng kaste na patakaran para sa mga Hindu sa panahong ito.
Ang Sangha ay naglakbay sa subkontintente na nagpapaliwanag ng dharma.
Ito ay nagpatuloy sa buong taon maliban sa mga apat na buwan ng panahong maulang vassana nang ang mga asetiko ng lahat ng mga relihiyon ay bihirang naglalakbay.
Sa panahong ito ng tao , ang sangha ay pupunta sa mga monasteryo , mga parkeng pampubliko o mga kagubatan kung saan pumupunta ang mga tao sa kanila.
Ang unang vassana ay ginugol sa Varanasi kung saan nabuo ang sangha.
Pagkatapos nito , si Buddha ay tumupad ng pangako na maglakbay sa Rajagha na kabisera ng Magadha upang dalawin si Haring Bimbisara.
Sa pagdalaw na ito , sina Sariputta at Maudgalyayana ay naakay ni Assaji na isa sa mga unang alagad ni Buddha.
Ang mga ito ay naging nangungunang mga alagad ni Buddha.
Ginugol ni Buddha ang kanyang sumunod na tatlong mga panahon sa monasteryong Veluvana Bamboo Grove sa Rajagaha.
Sa pagkakarinig ng pagkamulat ng kanyang anak na lalake , si Suddhodana ay nagpadala sa isang panahon ng mga sampung delegasyon upang hilingin na bumalik sa Kapilavastu.
Sa unang mga siyam na okasyon , nabigo ang mga delagado na ihatid ang mensahe at sa halip ay sumali sa sangha upang maging mga arahant.
Gayunpaman , ang ikasampung delegasyon na pinangunahan ni Kaludayi na kaibigan sa kabataan ni Gautama naging isa ring arahant ay nabigong ihatid ang mensahe.
Pagkatapos ng dalawang taon sa kanyang pagkamulat , si Buddha ay umayong bumalik at gumawa ng isang dalawang buwang paglalakbay sa pamamagitan ng paa sa apilavastu na nagtuturo ng dharma.
Ang mga tekstong Budista ay nagsasalaysay na inanyayahan ni Suddhoana ang sangha sa palasyo para kumain na sinundan ng isang pagsasalita ng dharma.
Pagkatapos nito , siya ay sinasabing naging isang sotapanna.
Sa kanyang pagdalawa , maraming mga kasapi ng pamilyang maharlika ay sumali sa sangha.
Ang mga pinsan ni Buddha na sina Ananda at Anuruddha ay naging dalawa sa kanyang mga limang pangunahing alagad.
Sa edad na pito , ang kanyang anak na lalakeng si Rahula ay sumali rin naging isa sa kanyang mga sampung pangunahing alagad.
Ang kanyang kalahating kapatid na si Nanda ay sumali rin at naging isang arahant.
Sa mga alagad ni Buddha , sina Sariputta , Maudgalyayana , Mahakasyapa , Ananda at Anuruddha ang pinaniniwalaang ang limang mga malalapit sa kanya.
Ang kanyang mga nangungunang alagad ay binuo nina Upali , Subhoti , Rahula , Mahakaccana at Punna.
Sa ikalimang vassana , si Buddha ay nananatili sa Mahavana malapit sa Vasali nang kanyang marinig ang balita ng papalapit na kamatayan ng kanyang ama.
Siya ay tumungo sa kanyang amang si Suddhodana at nagturo ng dharma na pagkatapos ay naging isang arahant ang kanyang ama.
Ang kamatayan at kremasyon ng kanyang amang hari ay nagbigay inspirasyon sa orden ng mga madre.
Ang mga tekstong Budista ay nag - uulat na nag - aatubili si Buddha na ordinahan ang mga babae.
Ang kanyang umampong inang si Maha Pajapati ay lumapit sa kanya na humihiling na sumali sa sangha ngunit siya ay tumanggi.
Gayunpaman , si Maha Pajapati ay masikap sa landas ng pagkamulat na kanyang pinangunahan ang isang pangkat ng mga maharlikang babaeng Sakyan at Koliyan na sumunod sa sangha sa isang mahabang paglalakbay sa Rajagaha.
Kalaunan , pagkatapos na itaguyod ni Ananda ang kanilang layunin , sinasabing muling nagsaalang alang si Buddha at pagkatapos ng limang taon ng pagkakabuo ng sangha ay umayon na ordinahan ang mga babae bilang mga madre.
Kanyang ikinatwirang ang mga lalake at babae ay may magkatumbas na kakayahan para sa pagkamulat.
Gayunpaman , siya ay nagbigay sa mga babae ng mga karagdagang patakarang ( Vinaya ) susundin.
Ayon sa mga alamat , kahit sa buhay ni Buddha , ang sangha ay hindi malaya sa alitan at sigalutan.
Halimbawa , si Devadatta na isang pinsan ni Buddha na naging monghe ngunit hindi isang arahant ay nagtangkang pumatay sa kanya ng higit sa isang beses.
Sa isang instansiya , hiniling ni Devaddata na tumabi si Buddha at hayaan siyang mamuno sa sangha.
Nang ito ay mabigo , siya ay inakusahang tatlong beses na nagtangkang pumatay sa kanyang guro.
Ang unang pagtatangka ay sinasabing kinasasangkutan ng pag - upa ng isang pangkat ng mga arkero na panain ang isang namulat.
Ngunit sa pakikipagkita kay Buddha , kanilang isinuko ang kanilang mga pana at sa halip ay naging mga alagad ni Buddha.
Ang ikalawang pagtatangka sa buhay ni Buddha ay kinasasangkutan ng pagpapagulong ng isang malaking bato pababa sa bundok ngunit ito ay tumama sa isa pang bato at nagkahati hati na dumaplis lang sa paa ni Buddha.
Sa ikatlong pagtatangka ni Devadata sa buhay ni Buddha , kanyang pinalasing ang isang elepante at pinalaya ngunit ito ay nabigo rin.
Pagkatapos mabigo ni Devaddata sa pagpatay kay Buddha , siya ay natangkang lumikha ng pagkakabaha - bahagi sa sangha sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng karagdagang restriksiyon sa vinaya.
Nang manaig muli si Buddha , si Devadatta ay nagpasimula ng isang humiwalay na orden.
Sa simula , kanyang nagawang akayin ang ilan sa mga bhikku ngunit sinasabing epektibong naipaliwanag nina Sariputta at Maudgalyayana ang dharma sa kanila na sila ay nanumbalik.
Si Buddha ay sinasabing nagsagawa ng mga 3,500 milagro.
Ang Mahajima Nikaya ay nagsasaad na si Buddha ay nag - angkin ng mas maraming mga labis na kapangyarihan kabilang ang kakayahan na lumakad sa tubig na karagdagang pinatunayan sa Angutara Nikaya.
Si Buddha ay may kakayahang dumami sa milyon at pagkatapos ay bumalik.
Siya ay may kakayahan na maglakbay sa espasyo , gawin ang kanyang sarili na kasing laki ng higante at kasing liit ng langgam , lumakad sa mga kabundukan , maglakbay sa kahanga hangang bilis , sumisid papasok at palabas sa daigdig , maglakbay sa mga langit upang aralan ang mga diyos at bumalik sa daigdig , gawing hindi nakikita ang isang tao.
Si Buddha ay sinasabi ring nag - aangkin at nagsanay ng Iddhi , Telepatiya , labis na pagdinig , pagtingin at pagtingin sa mga nakaraang buhay.
Ayon sa isang salaysay : " na bumisita kay Buddha sa isang gabi ... ay natagpuan ang bangka na nawawala mula sa gilid ng ilog Acirvati.
Sa isang pananampalatayang pagtitiwala kay Buddha , siya ay humakbang sa tubig at lumakad na tila sa tuyong lupain hanggang sa gitna ng daloy.
At pagkatapos ay lumabas siya sa kanyang nakuntentong pagninilay nilay kay Buddha na kanyang nawala ang kanyang sarili at nakita ang mga ilog at natakot at ang kanyang mga paa ay nagsimulang lumubog.
Ngunit kanyang pinilit ang kanyang sarili na mabalot muli sa kanyang pagninilay nila at sa pamamagitan ng kapangyarihan nito ay umabot sa malayong gilid ng ilog ng ligtas at naabot ang kanyang Panginoon ".
Si Buddha ay iniulat na nagpakain ng 500 mga monghe Budista ng isang keyk na inilagay sa isang mangkok na panglimos at ito ay higit na sumobra na ang natira nito ay itinapon.
Sa Mahavagga 20 : 16 , nagkaroon ng malakas na pag - ulan at pagbaha na ang tirahan ni Buddha ay lumubog sa baha.
Gayunpaman , si Buddha ay nagkonseptualisa at sinanhi na ang tubig ay umurong upang makapaglakad siya sa gitna ng tubig sa tuyong lupain.
Si Uruvela ay natakot na si Buddha ay tinangay ng baha at kaya ay naglayag sa baha upang tumungo sa tirahan ni Buddha at nakita ang paglutang ni Buddha sa hangin at pagbaba ni Buddha ng kanyang sarili sa bangka.
Sinanhi rin ni Buddha na ang panggatong na kahoy ay mahati sa 400 piraso.
Si Buddha ay isinaad na dalawang beses na sumailalim sa transpigurasyon sa sandali ng kanyang kaliwanagan at sa sandali ng kanyang kamatayan.
Ayon sa Mahaparinibbana Sutta ng kanon na Pali , sa edad na 80 , inanunsiyo ni Buddha na sandaling maaabot na niya ang Parinirvana na huling katayuang walang kamatayan at kanyang lilisanin ang kanyang katawang panglupa.
Pagkatapos nito , kinain ni Buddha ang kanyang huling pagkain na kanyang natanggap bilang handog mula sa panday na si Cunda.
Si Buddha ay nagkasakit at inutos ni Buddha sa kanyang lingkod na si Ananda na hikayatin si Cunda na ang pagkaing kanyang kinain ay walang kinalaman sa kanyang pagpanaw at ang pagkaing ito ang pagmumulan ng pinakadakilang merito dahil ito ay nagbigay ng huling pagkain para sa isang Buddha.
Ayon kina Mettanando at von Hinuber , si Buddha ay namatay sa mesenterikong inparksiyon na isang sintomas ng matandang edad sa halip na pagkalason sa pagkain.
Ang mga tiyak na nilalaman ng huling pagkain ni Buddha ay hindi maliwanag sanhi ng pagkakaiba sa mga tradisyong skriptural at hindi kalinawan sa salin ng ilang mga mahahalagang termino.
Ang tradisyong Theravada ay naniniwalang si Buddha ay inalukan ng isang uri ng karne ng baboy samantalang ang tradisyong Mahayana ay naniniwalang si Buddha ay kumain ng isang kabuti na maaaring nakakalason.
Si Ananda ay nagprotesta sa desisyon ni Buddha na pumasok sa Parinirvana sa inabandonang mga kagubatan ng Kusinara ( kasalukuyang Kushinagar , India ) ng kahariang Malla.
Gayunpaman , sinasabing pinaalalahanan ni Buddha si Ananda kung paanong ang Kushinara ay isang lupaing minsang pinamunuan ng isang matuwid na nagpapaikot ng gulong na hari na umaalingawngaw sa kagalakan.
Pagkatapos ay hiniling ni Buddha ang lahat ng mga lingkod na Bikkhu na liwanagin ang anumang mga pagdududa at pagtatanong na meron sila.
Sila ay wala.
Ayon sa mga kasulatang Budista , si Buddha ay pumasok sa Parinirvana.
Ang mga huling salita ni Buddha ay iniulat na : " Ang lahat ng mga kompositong bagay ( Sankhara ) ay mabubulok.
Sikapin ang inyong kalayaan nang may kasigasigan " ( Pali : ' vayadhamma sankhara appamadena sampadetha ' ).
Ang katawang panglupa ni Buddha ay sinunog at ang kanyang mga reliko ay inilagay sa mga monumento o stupa.