text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Sa halip , ang mga tirang ito ay naging isang manipis na protoplanetang ( mala - planeta ) disk na binubuo ng mga alikabok at gas ang lumilibot sa protostar ang nagsimulang lumapot sa lokal na konsentrasyon ng bigat sa loob ng disk na tinatawag na planetesimal.
|
Ang konsentrasyong ito ay lalong nasisiksik haggang magsalikop ito paloob sa ilalim ng grabedad upang makabuo ng protoplaneta.
|
Matapos lumaki ito nang halos kasinglaki ng buwan natin , nagsimula itong bumuo ng kanyang papawirin.
|
Nagsisilbi ito sa mataas na paghuli nang halos sampung beses sa mga planetesimal.
|
Kapag lumaki na ang isang protostar upang makabuo ng isang naglalablab na bituin , nahihipan ng kanyang solar wind ang halos lahat ng natitirang diskong materyal.
|
Sa kalaunan , maaring marami pang mga protoplaneta ang lumilibot sa bituin o sa isa ' t - isa ngunit sa paglakad ng panahon magbabanggaan sila upang makabuo ng isang planeta o magpalabas ng materyal para sa ibang mas malaking protoplaneta o makalap ng planeta.
|
Ang mga katawang bumigat na ay kakalap sa halos lahat ng materyal sa kanyang paligid na libutan upang maging planeta.
|
Ang mga protoplanetang nakaiwas sa banggaan ay masisilbing likas na buntala ng planeta sa pamamagitan ng proseso ng mala - balaning pangangalap o kaya ' y mananatili sila sa sinturon ng ibang katawan upang maging unanong planeta o maliit na katawan ng kalawakang araw.
|
Ang mga maiigting na salpukan ng mga maliliit na planetisimal ay magpapainit sa lumalaking planeta na magdudulot na kaunting pagkatunaw nito.
|
Ang loob ng isang planeta magsisimulang magkaroon ng angking katangian dahilan ng bigat upang makabuo ng isang siksik na ubod.
|
Dahil sa paglaki nila , ang maliliit na katihing planeta ay mawawalan ng kanilang papawirin ngunit mapapalitan ito ng mga nawalang gas mula sa pasingaw sa mantel nito at sa mga sumunod na pagsalpok ng mga kometa rito.
|
( Tandaan na mawawalan ng natamong papawirin ang mga maliliit na planeta sa pamamagitan ng iba ' t - ibang mekanismo ng pagkawala nito.
|
).
|
Sa pagkakatuklas at pagmamatyag ng mga planeta sa paligid ng mga bituin sa labas ng ating kalawakang araw , posible na ngayong talakayin , baguhin o palitan man ang salaysay na ito.
|
Ang nibel ng metalidad ay pinaniniwalaang nagpapakita kung ang isang bituin ay may mga planeta.
|
Dahil rito , tinatayang ang isang bituing salat sa metal na tinatawag na population II star ay may kaunting sistemang planetaryo kaysa sa bituing mayaman sa metal na tinatawag namang population I star.
|
Papa Clemente VII
|
Si Papa Clemente VII ( 26 Mayo 1478 - 25 Setyembre 1534 ) na ipinanganak na Giulio di Giuliano de ' Medici ang kardinal ng Simbahang Katoliko Romano mula 1513 hanggang 1523 at Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1523 hanggang 1534.
|
Without You
|
Ang Without You ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng ABS - CBN.
|
Kalubkob
|
Ang kalubkob , na nakikilala rin bilang helmet , kupya , o salakot , ay isang uri ng panakip at pananggalang o proteksiyon sa ulo at sa mukha , upang huwag masugatan , mapinsala , o masaktan ang mga bahaging ito ng katawan.
|
Ang mga kalubkob ay maaaring maging matigas o may malambot na saping sumbrero.
|
Maraming mga uri ng kalubkob , na ang ilan ay gawa mula sa metal , habang ang iba ay yari sa plastik.
|
Sa karaniwan , ang mga kalubkob ay mayroong mga malambot na saping yari sa tela o hibla at mga panaling tela o hibla upang mapanatiling nakasuot ang kalubkob sa ulo ng tao.
|
Bagaman ang pangunahing layunin ng pagsusuot ng kalubkob ay ang prutektahan ang ulo at mukha , mayroong mga helmet na pangseremonya o simboliko na walang mga tungkuling pangsangga.
|
Ang pinaka matandang paggamit ng mga kalubkob ay ang paggamit ng mga kawal na Asiryo noong 900 BK , na nagsipagsuot ng mga helmet na yari sa makapal na katad o kaya ay gawa sa matigas na tansong pula upang mapruteksiyunan ang ulo mula sa mga mapupurol na mga bagay o mga pagtama ng mga espada at mga pagtama ng mga palaso habang nakikipaglaban.
|
Nagsusuot pa rin sa kasalukuyan ang mga sundalo , na sa ngayon ay kadalasang yari sa Kevlar , mga materyal na magaan at gawa sa plastik.
|
Sa buhay na sibilyano , ang mga helmet ay ginagamit para sa mga gawaing pangrekreasyon at pampalakasan o pang - isports ; pati na sa mga gawaing panghanapbuhay na mapanganib ; at sa transportasyon.
|
Magmula noong dekada ng 1990 , ang karamihan sa mga kalubkob ay gawa mula sa mga resina o mga plastik , na maaaring patibayin ng mga hiblang katulad ng mga aramid.
|
Ang salitang helmet ay isang diminutibo o paghango sa salitang helm sa Ingles , isang salitang midyebal ( mula sa Gitnang Kapanahunan ) na may kahulugang " kasuotang pang - ulo na pananggalang kapag nakikipaglaban ".
|
Sa orihinal , ang isang helmet ay isang helm na bahagi lamang na tumatakip sa ulo.
|
Nokia N70
|
Ang Nokia N70 ay isang modelo ng cellphone ng Nokia.
|
Wahab Akbar
|
Si Wahab Akbar ( Abril 16 , 1960 - Nobyembre 13 , 2007 ) ay isang politikong Pilipino na nagsilibi ng tatlong termino bilang punong - panlalawigan ng Basilan.
|
Nang lumaon nahalal siya bilang kinatawan ng nag - iisang distrito ng Basilan sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas.
|
Isa si Akbar sa mga namatay sa pagbomba sa Batasang Pambansa noong Nobyembre 2007 na sang - ayon sa mga kapulisan ng Pilipinas na siya ang punterya.
|
Allen , Hilagang Samar
|
Ang Bayan ng Allen ay isang ika - 5 klaseng bayan sa lalawigan ng Hilagang Samar , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2007 , ito ay may populasyon na 22,334.
|
Ang orihinal na pangalan ng bayan ay Manipa - a.
|
Noong panahon ng mga Kastila , ang pangalan ng bayan ay pinalitan ng La Granja.
|
Ang pangalang Allen ay ibinigay ng mga Amerikano bilang pag - alaala kay Heneral Robert Allen , ang gubernador militar ng Kabisayaan pagkatapos ng Digmaang Kastila - Amerikano.Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ma - asenso ang lugar na ito dahil na rin sa vote buying na harap - harapan sa publico pinapakita , ayaw man ng tao na tanggapin ito wala din sila magagawa dahil sa kahirapan ng buhay at base sa mga nakalap na datus 4 o 5 na bagyo ang dumadalaw sa northern samar kada taon ..
|
Ang bayan ng Allen ay nahahati sa 20 mga barangay.
|
Coordinates : 12 deg 30 ' N 124 deg 17 ' E / 12.500 deg N 124.283 deg E / 12.500 ; 124.283.
|
Ilog Des Moines
|
Ang Ilog Des Moines ay isang tributaryong ilog ng Ilog Mississippi , na tinatayang may 525 milya ( 845 km ) ang haba hanggang sa pinakamalayong abot ng hangganan ng kaniyang sariling katubigan , sa mataas na bahagi ng Gitnang - Kanluran ng Estados Unidos.
|
Bilang pinakamalaking ilog na dumadaloy sa kalawakan ng estado ng Iowa , tumataas ito sa katimugang Minnesota , at dumadaloy sa kalawakan ng estado ng Iowa mula hilagang - kanluran patungong timog - silangan , daraan mula sa mga may mga glasyeradong kapatagan hanggang sa mga walang - yelong maliliit na bulubundukin ng lungsod ng Des Moines , isang pook na hango ang pangalan sa kailugang ito.
|
Binubuo nito ang maliit na bahagi ng hangganan ng Iowa kasunod ng Missouri sa Lee County.
|
Dumaraan sa seksiyong ito ang Abenida ng mga Santo.
|
Frederick Schnell
|
Si Frederick Schnell ay isang artista sa Pilipinas.
|
Ortodoksiyang Oriental
|
Kasaysayan ng Silangang Ortodokso Imperyong Bisantino Konsehong Ekumenikal Kristiyanisasyon ng Bulgaria Kristiyanisasyon ng Kievan Rus ' Paghahati ng Silangan - Kanluran.
|
Ang Ortodoksiyang Oriental ang pananampalataya ng mga Simbahang Silangang Kristiyanismo na kumikilala lamang sa tatlong mga konsehong ekumenikal : ang Unang Konseho ng Nicaea , ang Unang Konseho ng Constantinople , at ang Unang Konseho ng Efeso.
|
Kanilang itinakwil ang mga depinisyong dogmatiko ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE.
|
Kaya ang mga Simbahang Ortodoksong Oriental ay tinatawag na Mga Simbahang Lumang Oriental o mga Simbahang Hindi - Chalcedonian na kilala sa Kanlurang Kristiyanismo at karamihan ng Silangang Ortodoksiya bilang mga Simbahang Monopisito bagaman ang mga mismong Oriental Ortodokso ay tumatakwil sa deskripsiyong ito bilang hindi tumpak na nagtatakwil ng mga katuruan ng parehong sina Nestorio at Eutyches.
|
Ang mga simbahang ito ay may buong komunyon sa bawat isa ngunit hindi sa mga Simbahang Silangang Ortodokso.
|
Ang pakikipaghiwalay ng Ortodoksiyang Oriental sa iba pang mga Kristiyano ay nangyari noong ika - 5 siglo CE.
|
Ito ay nagresulta sa pagtanggi ni Papa Dioscoro na Patriarka ng Alehandriya at iba pang 13 obispong Ehipsiyo na tanggapin ang mga dogmang Kristolohikal na pinagtibay ng Konseho ng Chalcedon na si Hesus ay may dalawang kalikasan : isang Diyos at isang Tao.
|
Kanila lamang tatanggapin ang " ng o mula sa dalawang kalikasan " ngunit hindi ang " nasa dalawang kalikasan ".
|
Ang Komunyong Oriental na Ortodokso ay isang pangkat ng mga simbahan sa loob ng Ortodoksiyang Oriental na may buong komunyon sa bawat isa.
|
Ang komunyong ito ay binubuo ng sumusunod :.
|
Ang Ortodoksiyang Oriental ang nananaig na relihiyon sa Armenia ( 94 % ) , sa etnikong Armenian na Nagorno - Karabakh Republic ( 95 % ) , at sa Ethiopia ( 43 % , na ang kabuuang populasyon nito ay 62 % ) , lalo na sa dalawang rehiyon ng Ethiopia : Amhara ( 82 % ) at Tigray ( 96 % ) gayundin din sa mga chartered city ngAddis Ababa ( 75 % ).
|
Ito rin ang isa sa dalawang nananaig na relihiyon sa Eritrea ( 50 % ).
|
Ito ay isang relihiyong minoridad sa Ehipto ( 9 % ) , Sudan ( 3 - 5 % ng 15 % ng kabuuang populasyong Kristiyano ) , Syria ( 2 - 3 % sa 10 % ng kabuuang populasyong Kristiyano ) , Lebanon ( 10 % sa 40 % ng kabuuang Kristiyano sa Lebanon ) at Kerala , India ( 7 % sa 20 % ng buong populasyong Kristiyano sa Kerala ).
|
Danao
|
Ang Lungsod ng Danao ay isang lungsod sa lalawigan ng Cebu , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2007 , ito ay may populasyon na 109,534 katao sa kabahayan.
|
Ang Lungsod ng Danao ay nahahati sa 42 mga barangay.
|
At
|
Ang at - pinapaikling ' t kapag kasunod ng isang patinig , karaniwang a , tulad ng sa iba 't - ibang - ay isang bahagi ng pananalita na nagsasama , naglalakip , nagpipisan o pang - ugnay ng mga salita , mga parirala , at mga buong pangungusap na may magkaparehong palaugnayan.
|
Kaugnay ito o katumbas din ng mga salitang saka at pati.
|
Sa Ingles , katumbas ito ng salitang and ( bigkas : / end / ).
|
Sa Kastila , katumbas ito ng paggamit ng y bilang pang - ugnay , na hiniram at ginagamit lamang sa wikang Tagalog para sa oras ( halimbawa : sa pariralang " ala - siyete y medya " o ikapito at talumpung minuto ) at bilang isang pang - ugnay ng mga panggitnang pangalan ng mga tao ( halimbawa : Jose Rizal y Mercado ).
|
Sa ganitong mga paggamit , binibigkas na / i / ang y , katulad ng sa salitang ilapit.
|
Hinggil sa kaugnayan sa saka at pati , isang halimbawang paggamit ang pagsasama ng at at saka na nagiging at saka na nangangahulugang " bilang dagdag sa " , " bilang karagdagan " , o " gayon din ang ".
|
Bagaman maaari rin namang mangahulugang dagdag o bilang dagdag ang salitang saka kaya 't nagagamit ding pamalit sa salitang at.
|
Katumbas ang saka ng Ingles na also.
|
Sa pangkatagalugang gamit , nagiging ' t ang at kapag pinaiikli.
|
Ginagamit din ito sa pariralang at iba pa na nangangahulugang " at ang mga natitira pa " , " at marami pang ibang katulad " o " at marami pang ibang mga halimbawa ".
|
Bilang daglat , isinusulat itong atbp , atbp.
|
, atb , atb.
|
, at sa hindi kadalasang ibp o ibp.
|
( para sa pakahulugang " ib ( a ) p ( a ) ".
|
Sa Ingles , katumbas ang at iba pa ng etcetera ( dinadaglat bilang etc. o etc na nagmula sa wikang Pranses na et cetera.
|
Ikinakabit din ito sa mga salitang baka ( nangangahulugang " maaari " ) , nang , at baga.
|
Katumbas sa Ingles ang at baka ng lest katulad ng paggamit sa mga halimbawang pariralang " at baka sakaling " ; ang at nang na katumbas ng so that sa Ingles , tulad ng sa pariralang " at nang sa gayon " ; at ang at baga naman ( o at bagaman ) na katumbas ng although sa Ingles.
|
Mga paggamit sa balarila at pangungusap na pang - Tagalog ang mga unang nabanggit , subalit mayroon talagang salitang at din sa wikang Ingles , at may pagkakaiba ito sa gawi at panuntunang paggamit.
|
Bilang salitang Ingles o sa mga pangungusap na nasa Ingles , nagpapahiwatig o nagtuturo ng lokasyon o pook na kinaroroonan ng isang bagay o tao ang salitang banyagang at.
|
Katumbas ng salitang nasa ang Ingles na at na katumbas din o kaugnay ng mga salitang Ingles na is there ( naroon sa ) at on ( ibabaw o sa ibabaw ).
|
Katulad din ito ng salitang sa ng Tagalog na tumutukoy din sa kinaroroonan , kinalalagyan , pinaglalagakan ng mga bagay.
|
Sa Ingles , katumbas ang Tagalog na sa ang Ingles na at , in , on , into , at through.
|
Katumbas ding Ingles na at ang kay ng wikang Tagalog.
|
Sa Tagalog , ipinapalit naman ang salitang kay para sa salitang sa kung pangalan ng tao ang tinutukoy na kinaroroonan ng bagay.
|
Sa madaling sabi , kapag ginagamit ang pangalan ng taong kinaroroonan ng bagay.
|
Katumbas ang kay , na tumutukoy sa lokasyon , ng mga salitang to , with , at , at for ng Ingles.
|
Sa Ingles , sumasagisag ang simbolong ( tinatawag na at sign sa Ingles ; isang sagisag o panitik na katumbas ng sa sa Tagalog ) para sa Ingles na at.
|
Katumbas ng katagang at sign ng Ingles ang pariralang " sagisag ng sa " ng Tagalog.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.