text
stringlengths
0
7.5k
Kosmogoniya
Ang kosmogoniya , kosmohoniya , o kosmoheniya ( mula sa Ingles na cosmogeny at cosmogony ) ay ang anumang panukala o teorya hinggil sa pagkakaroon o pinagmulan ng sanlibutan , o tungkol sa kung paano nagsimula ang realidad.
Ito ang pag - aaral at pananaliksik hinggil sa pinagmulan at ebolusyon ng sansinukob ; ang teorya o modelo ng ebolusyon ng sansinukob.
Nagmula ang salita sa Griyegong kosmogonia ( o kosmogenia ) , na nagbuhat naman sa kosmos : " kosmos ( cosmos ) , ang mundo " , at ang pinag - ugatan ng gi ( g ) nomai / gegona " pagsilang , pagkakalikha ".
Sa natatanging konteksto o kahulugan sa agham ng kalawakan at astronomiya , tumutukoy ang kosmogoniya sa mga panukala ng paglalang at pag - aaral ng sistema ng araw.
BB Gandanghari
Si BB ( BeBe ) Gandanghari ( minsa 'y Bebe Gandanghari / Bb.
Gandanghari , Gandanghari na pinagdikit na gandang hari ( beautiful king ) ) ( ipinanganak na Rustom Carino - Padilla noong 4 Setyembre 1967 ) ay isang transekswal na Pilipinang aktres , modelo at nakatatandang kapatid nina Rommel at Robin Padilla at nakababatang kapatid ni Royette Padilla.
Si Gandanghari , bilang Padilla , ay mas matatandaan bilang dating aktor ng mga maaksiyong pelikula at isang matinee idol.
Di nagtagal matapos niyang ibunyag na siya ay isang transekswal ( lalaki - > babae ) at matapos bumalik mula sa Estados Unidos , pinalitan ni Padilla ang kanyang pangalan ng BeBe / Bb.
Gandanghari , na pinaikling " Binibining Gandanghari " ( lit.
Miss Beautifulking ) , gayundin ang kanyang pisikal na kaanyuan at lahat nang magpapaalala kay Rustom Padilla , alinsunod na rin sa kanyang bagong pagkakakilanlan.
Ang pangalang BeBe ay nagmula sa kanyang kasabihang , " Be all that you can be ".
Nagsimula si BB Gandanghari , sa showbis bilang isang matinee idol at di naglao 'y bilang isang action star katulad ng kanyang mga kapatid.
Dati siyang nakasal sa aktres na si Carmina Villaroel at nanguna sa palabas na may prangkisa na Wheel of Fortune sa ABC 5.
Matapos ang kanyang pagiging punong - abala , umalis si Rustom ng Pilipinas at nag - aral ng paggawa ng pelikula sa US.
Isa siya sa labing - apat na mga kasambahay sa Pinoy Big Brother : Celebrity Edition.
Noong 2 Marso 2006 nagladlad siya sa palabas sa pag - amin sa kasambahay na si Keanna Reeves na siya ay isang bakla Sa ika - 45 na araw ng kompetisyon , nagpasya si Rustom na boluntaryong lumabas ng bahay.
Enero 2009 , ibinunyag ni Padilla na siya ay isang transsekswal at kasalukuyang sumasailalim sa pagiging babae.
Matapos lumabas na bakla , lumabas si Padilla sa pelikula na bersiyon ng komiks na Zsazsa Zaturnnah bilang isang bading na may - ari ng isang sa salon na si Ada ( Adrian ) , ang alter eho ni Zsazsa Zaturnnah , sa serye sa TV na La Vendetta ng GMA 7 at pelikulang Happy Hearts bilang bading na ama ni Rayver Cruz.
Kasama rin siya sa mga nagsiganap sa Eva Fonda ng ABS - CBN.
Taong 2009 , pinagunahan ni Gandanghari ang National Kidlat Awards sa Boracay , Pilipinas.
Lumabas ulit siya sa SRO Cinema Serye : Rowena Joy na sumasahimpapawid sa GMA Network.
Comunidad Valenciana
Ang Comunidad Valenciana ( Balensyano : Comunitat Valenciana ; kilala rin sa makasaysayang pangalang Pais Valencia ) ay isang awtonomong pamayanan sa baybaying Mediterraneo ng Espanya.
Valencia ang kabisera nito.
Binubuo ito ng mga lalawigan ng Alacant , Castello , at Valencia.
Satiyan
Ang satiyan o paniyan ay ang istrap o gurnasyong inilalagay ng nakapaikot sa tiyan ng isang hayop.
Ito ang nagpapanatili sa siya o sadel sa kabayo.
Sri Lanka
Ang Sri Lanka ( Sinhala : sh rii lNkaav , sri lamkava , Tamil : ilng kai , ilankai ) , opisyal na Demokratikong Republikang Sosyalista ng Sri Lanka ( Ingles : Democratic Socialist Republic of Sri Lanka , Sinhala : sh rii lNkaa p rjaataan t rik smaajvaadii jnrjy , Tamil : ilng kai jnnnnaayk cooclick kuttiyrcu ) ) na dating Ceylon bago ang 1972 , ay isang tropikal na pulong bansa sa may timog - silangang baybayin ng subkontinenteng Indiano.
Kilala ang pulo noong lumang panahon bilang Sinhale , Lanka , Lankadeepa ( Sanskrit para sa " kumikinang na lupain " ) , Simoundou , Taprobane ( mula sa Sanskrit Tamaraparni ) , Serendib ( mula sa Sanskrit Sinhala - dweepa ) , at Selan.
Sa panahon ng kolonisasyon , nakilala ang pulo bilang Ceylon ( mula sa Selon sa salitang Portuges na Ceilao ) , isang pangalan na malimit na gamitin.
Ang hugis at kalapitan nito sa Indiya ang nagdulot sa pagtukoy ng iba sa pulo bilang Luha ng India.
Pribado ( paglilinaw )
Ang pribado ay maaaring tumukoy sa :.
Republikang Tseko
- sa lupalop ng Europa ( maputing kahel & puti ) - sa Unyong Europeo ( maputing kahel ) - -.
Ang Republikang Tseko ( Ingles : Czech Republic ; wikang Tseko : Ceska republika , pinakamalapit na bigkas ) ay isang bansa sa gitnang Europa.
Ang Republikang Tseko ay isa sa mga miyembro na Unyong Europeo ( EU ).
Napapaligiran ito ng mga bansang Polonya sa hilaga , Eslobakya sa silangan , Austria sa timog at Alemanya sa hilagang - kanluran.
Ang teritoryo ng Republikang Tseko ay sumasaklaw sa 78 866 kilometro kuwadradong lupain na may pabagu - bagong klima.
Ang bansa ay mayroong higit 10 milyong mamamayan.
Sumali ang Tsekya sa NATO noong 12 Marso 1999 at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004.
Ang pinuno ng estado ng Republikang Tseko ay ang pangulo.
Karamihan sa kapangyarihang tagapagpaganap ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan , ang punong ministro , na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo.
Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.
Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang bicameral na Parlament Ceske republiky ( Parlyamento ng Republikang Tseko ) , na may 281 kinatawan.
Ang pinakamataas na tagapaghukom ay ang Ustavni soud ( Hukumang konstitusyonal ) , na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal.
Tatlo na estado ( historical lands ) ang bumubuo sa Tsekya at ang kani - kaniyang kabisera :.
Sa dibisyong administratibo , nahahati ang Republikang Tseko sa 14 kraj ( rehiyon ) , ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod :.
Alemanya * Austria * Belhika * Bulgarya * Croatia * Dinamarka * Eslobakya * Eslobenya * Espanya * Estonya * Gresya * Irlanda * Italya * Latbiya * Litwaniya * Luxembourg * Malta * Nagkakaisang Kaharian * Olanda * Pinlandiya * Polonya * Portugal * Pransiya * Rumanya * Suwesya * Tsekya * Tsipre * Unggarya.
Mga bansang kandidato na nasa usapan sa paglawak : Iceland * Montenegro * Serbiya * Turkiya.
Mga bansang kandidato : Republika ng Masedonya ( kilala ng UE bilang " Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya " ).
Mga bansang maaring maging bansang kandidato : Albanya * Bosnia at Herzegovina * Kosovo.
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
Histerya
Ang histerya ay isang uri ng neurosis o pagkabaliw na may labis o sobra at hindi mapigilang pagkatakot o pagkasindak.
Mailalarawan din ito bilang isang kaguluhan sa sistemang nerbyos na may tanda ng labis na kasiyahan , kasiglahan , kasabikan , kalikot ng galaw o kilos , kaantigan , kapukawan , o pangingilig ; mayroon itong biyolenteng bugso ng damdamin.
Tinatawag na histeriks o histeriko ang pagkakaroon ng sumpong o dalaw ng histerya.
Libbie Schrader
Si Elizabeth Brooke Schrader , na mas kilala bilang Libbie Schrader , ay isang Amerikanang nagantimpalang mang - aawit at manunulat ng awitin na nakabase sa Los Angeles , California , California Kahawig ang kanyang tugtugin bilang pinagsamang musika ng U2 at Dido.
Unang nakilala si Schrader at ang kanyang dating kinaaanibang bandang Think of England nang manalo sila sa paligsahang Pantene Pro - Voice " New Voice of 2001 " sa Central Park ( Gitnang Liwasan ) ng Lungsod ng Bagong York.
Noong tag - init ng 2002 , nakilahok din ang kanyang banda sa programang " Soul City Cafe " ni Jewel para sa mga artistang nagsasarili.
Dahil dito nagbukas din si Schrader ng tatlong paglabas sa paglalakbay pangmusika ni Jewel.
Sa paglaon ng taon din ng 2002 , nagwagi rin ang banda ni Schrader sa Volkswagen / Clear Channel Battle of the Bands.
Sa kasalukuyan , isa nang artistang nagsosolo si Schrader na may estilong alternatibong pop.
Pulisya
Ang pulisya o kapulisan ay isang pangkat ng mga taong may hanapbuhay o trabahong nangangalaga ng katahimikan at kaayusan , pagpapatupad ng batas , mag - imbistiga ng mga krimen , at pagbibigay ng proteksiyon sa publiko o madla.
Tinatawag namang pulis ang isang taong nagtatrabaho para sa kagawaran o departamento ng kapulisan.
Tinatawag ang kanilang tanggapan o himpilan bilang estasyon ng pulis o himpilan ng pulis.
May mga pook na tumatawag o naglalarawan sa tanggapan at serbisyo ng pulisya o pagpupulis bilang mga kabatas , na mga organisasyong nagpapatupad o tagapagpatupad ng batas , ahensiyang tagapagpairal ng batas , tagapagbigay - diin ng batas , o tagapagpasunod sa batas.
Sa Ingles , kaugnay ito o katumbas ng mga pariralang law enforcer at law enforcement.
U Can Dance
Ang U Can Dance ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng ABS - CBN.
Sukot
Ang Sukot , Sucot o Succoth , kilala rin bilang Pista ng mga Tabernakulo ( Ingles : Sukkot , Sukkoth , Feast of Tabernacles , Festival of Shelters , o Feast of Booths ) , ay isang kapistahang Hudyo.
Sa kaganapang ito , ipinagdiriwang ng mga tao ang pagtitipon ng mga ani.
Inaalala rin nila ang panahon sa nakalipas kung kailan gumawa ang mga Hudyo ng maliliit na mga silungan noong habang nasa ilang pa sila at walang mga tahanan.
Ayon kay Jose Abriol , nangangahulugan ang salitang Sucot bilang " mga kanlungan ".
Kilala rin ito bilang Pista ng mga Kanlungan o Kapistahan ng mga Kanlungan.
Bilang isang pestibal , isa itong masayang pagdiriwang na isinasagawa ng mga Israelita tuwing taglagas , pagkaraang makumpleto ang pag - aani.
Upang maalala ang mga taon ng paglalakbay at pagpapagala - gala sa ilang ng mga ninuno nila , nagtayo ang mga Israelita ng magagaspang na mga kanlungan o silungang matitirahan sa panahon ng pistang ito.
Lumilitaw rin ang Sucot bilang ilang mga pook at pangkat ng mga tao sa Bibliyang Hebreo o Lumang Tipan ng Bibliyang Kristiyano :.
Agham na panghayop
Ang agham na panghayop ( Ingles : animal science ) ay ang pag - aaral ng biyolohiya ng mga hayop na nasa ilalim ng pagtaban ng mga tao.
Batay sa kasaysayan , ang mga hayop na pinag - aralan ay mga hayop na pambukid , kabilang na ang buhay na mga hayop na gagamiting pagkain at mga kabayo , subalit ang mga kurso makukuha sa mga paaralan sa kasalukuyan ay tumitingin sa isang mas malawak na kasaklawan upang maisama ang mga hayop na kinakapiling o pinangangalagaan , halimbawa na ang mga aso , mga pusa at mga espesyeng eksotiko.
Ang mga degri sa agham na panghayop ay inaalok sa isang bilang ng mga dalubhasaan at mga pamantasan katulad ng Pamantasan ng Cornell , UC Davis at ang Pamantasan ng Minnesota sa Estados Unidos.
Sa UC Davis , ang kurikulum ng agham na panghayop ay hindi lamang nagbibigay ng isang malakas na panglikurang kaalaman na pang - agham , ngunit pati na karanasang tuwiran na nakakasalamuha ang mga hayop.
Ang edukasyong propesyunal sa agham na panghayop ay naghahanda ng mga estudyante para sa mga pagkakataon na pangkarera sa mga larangan na katulad ng pag - aanak , produksiyon , nutrisyon , agrinegosyong panghayop , ugali at kapakanan , at biyoteknolohiya.
Ang mga kurso sa programang ito ay maaaring magsama ng henetika , mikrobiyolohiya , ugali ng hayop at pamamahala , nutrisyon , pisyolohiya at reproduksiyon.
Inaalok din ang mga kurso sa mga larangang pangsuporta na katulad ng henetika , mga lupa , ekonomiks at pagmemerkadong pang - agrikultura , mga aspetong pambatas at ang kapaligiran.
Ang lahat ng mga kursong ito ay mahahalaga sa pagpasok sa isang opisyo ng agham na panghayop.
Sa maraming mga unibersidad , isang degri ng Batsilyer ng Agham ( Bachelor of Science o BS degree sa Animal Science ) ang nagsasangkot ng isang opsiyon na pagbibigay ng diin sa Medisinang Prebeterinaryo.
Sa Pamantasan ng Minnesota , ang kariinan sa prebeterinaryo ( bago ang pagiging beterinaryo ) ay nagbibigay ng isang malalim na batayang kaalaman ng mga agham na pambiyolohiya at pisikal na kasama ang nutrisyon , reproduksiyon , pisyolohiya at henetika.
Ang mapipiling ito ay naghahanda ng mga estudyante para sa mga pag - aaral pagkaraang magtapos sa pag - aaral ( graduate studies ) sa agham na panghayop , paaralang pambeterinaryo , at mga industriyang parmasyutikal o agham na panghayop.