text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Tinanong uli niya ang binatilyo kung saan ang bahay ng nagkakatay ng baboy , tinawanan lamang siya nito , animo 'y baliw na nagpagulong gulong sa damuhan , pagkaraan ay biglang nawala ang binatilyo , may naligaw na tumatalbog na bola na hinabol ng tatlong binata , tinanong niya ang mga ito kung saan makikita ang nagkakatay ng baboy , ngunit nilayuan lamang siya ng mga ito , sa huli habang naglalakad siya nakasalubong niya ang isang matandang lalaki at tinanung niya , sinagot siya nito na may malapit na namang palengke dito , at sinabing doon na lamang ito bumili ng kailangan niya.
|
Nang makarating siya sa palengke wala naman siyang mabiling dugo , tuyot na tuyot ang mga ito dahil na rin sa pinapatiktik daw ng mga nagtitinda ang dugo ng mga kinatay na baboy , ngunit wala naman siyang makitang dugo sa semento , nang bibili na siya at kinapa ang kaniyang bulsa , nagulat siya dahil ang nakapa niya ay ang kanyang hita , wala pala siyang suot na palda at panloob , hiyang - hiya siya dali - dali siyang lumabas ng palengke , ng makalabas ay may nag - abot ng palda at dali - dali niya itong isinuot.
|
Mangiyak - ngiyak siya at nagsisikip ang dibdib dahil sa hinanakit na walang nagsabi sa kaniya ng kanyang itsura.
|
Ang menopause bilang isang yugto ng buhay ng isang babae at ang pagkalimot bilang sintomas nito ang paksa ng kuwentong ito.
|
Inilalarawan din dito ang pagtingin ng lipunan ( lalo na ang kalalakihan ) sa kababaihang nakararanas nito bilang kahiyahiyang yugto ng buhay na pinagtatawanan dahil sa kaakibat nitong epekto sa mga babae.
|
Si Dolpina ay anak ng katulong nabuntis ng kanyang amo , bagamat ito ang kanyang estado sa buhay , hindi naman siya pinabayaan ng kanyang ama , binibilhan siya nito ng damit , laruan at sustento nang lumaki na siya , bukod dito ipinagamit din sa kanya ang apelyido nito.
|
Iminungkahi ng kanyang ama na manilbihan ang kanyang ina sa kapatid na si Tita Fely.
|
Si Tita Fely ay may anak na babae na nagngangalang Juliet , ito ang naging kasama - sama ni Dolpina mula pagkabata hanggang sa paglaki.
|
Hindi na nakapagkolehiyo si Dolpina dahil sa pagkamatay ng kanyang ama , nang mag - aral si Juliet sa UP Los Banos , isinama siya nito bilang kasama.
|
Naging aktibista si Juliet at nagloo ' y iniwan niya Dolpina sa pangangala ni Ate Pacita , kapatid ng kaibigan ni Juliet na nagngangalang Pura , doon naging katulong siya ngunit walang suweldo.
|
Ipinasok ni Ate Pacita si Dolpina bilang konduktora ng kanyang pinsang si Gaston.
|
Nagkaroon ng di iaasahang relasyon siya kay Gaston at sa huli ay nabuntis siya , dahil ayaw na siyang pansinin ni Gaston.
|
Pinuntahan niya ang asawa nito at ipinagtapat ang mga nangyari , nagsumbatan lamang sila , sa huli umuwi na lamang si Dolpina sa probinsiya , sa kanyang ina.
|
Ang isang babae bilang kabit ang siyang paksa ng kuwentong ito.
|
Inilalarawan dito ang estado ng mga babae sa lipunan at sa loob ng pamilyang kanyang pinanghimasukan.
|
Dumating si Jimmy sa bahay ng asawang si Susan ng maagang maaga , walang pag - uusap na naganap , matagal na silang hiwalay.
|
May isang taong na silang ganito magmula ng madiskubre ni Susan na may babae ang kanyang asawa , kinamumuhian ni Susan ang kanyang asawa.
|
Nahihirapan si Susan sa mga gastusin dahil sa paghihiwalay nila , wala siyang trabaho simula ng magiging mag - asawa sila , kung kailan magkakwarenta na ito at mahirap ng maghanap ng trabaho ay tsaka pa nagloko ang asawa.
|
Nakakuha si Susan ng trabaho ngunit hindi ito sapat sa pagbuhay ng kanyang mga anak.
|
Inihatid ng ama ang mga anak sa eskwelahan , inalok siya na ihatid sa trabaho ngunit nagmatigas siya at nagtiis sa pagsakay sa bus.
|
Pagbalik niya naroon pa din ang kanyang asawa na pawang gustong doon magpalipas ng gabi.
|
Namumuhi siya ngunit wala siyang magawa upang paalisin ang kanyang asawa sapagkat nagkakasiyahan ang kanyang mga anak kasama ito , ang alam ng mga anak ay naghiwalay sila bilang magkaibigan.
|
Hindi niya alam kung saan matutulog sa gabing iyon , ayaw niyang makahalata ang kanyang mga anak sa tunay niyang damdamin , napilitan siyang manatili sa kwarto nilang mag - asawa , naligo siya , nagpahid ng cream at naglagay ng rollers sa buhok , ang mga ito ay ayaw ni Jimmy , sa huli kinandado niya ang kwarto.
|
Ang pakikisama ng isang babaeng nasaktan sa nangalunyang asawa ang paksa ng kuwentong ito.
|
Bukod dito makikita rin ang pagbabago ng babae sa pagiging maybahay lamang tungo sa pagkakaroon ng trabaho sa panahong hindi na akma ang edad sa papasukan pati na rin ang mga kaakibat na suliranin nito.
|
Sicat , Ellen ( 2003 ).
|
Alimuom : kalipunan ng mga kuwento.
|
Quezon City : Ateneo de Manila University Press.
|
_ _ _ _ ( 2011 ).
|
Ellen L. Sicat.
|
Retrieved 30 Abril 2011 from Panitikan.com.ph / authors / s / elsicat.htm.
|
Pitong mga kasalanang nakamamatay
|
Ang Pitong mga Kasalanang Nakamamatay na kilala rin bilang ang mga Panong mga Bisyo o Pangunahing mga Kasalanan ay ang ng mga bisyong hindi kanais - nais na ginagamit sa simula pa ng mga unang panahon ng Kristiyanismo upang maturo at mapagbigay - alam sa mga tagasunod ang mga bagay na dapat intindihin ( imoral ) ukol sa kaugalian ng pagkatao sa mga kasalanan.
|
Ang huling bersyon ay naglalaman ng mga kasalanan ng :.
|
Ang modernong konsepto ng pitong mga kasalanang nakamamatay ay nauugnay sa mga akda ng ika - 4 na siglong mongheng si Evagrius Ponticus na nagtala ng walong mga " mga masasamang kaisipan " sa Griyego bilang ang sumusunod :.
|
Ang mga " masamang pag - iisip " na ito ay mauuri sa tatlong mga uri :.
|
Noong 590 CE , na kaunting higit sa dalawang mga siglo pagkatapos itala ni Evagrius ang kanyang mga kasalanan , binago ni Papa Gregorio I ang kanyang talaan upang bumuo ng mas karaniwang mga pitong kasalanang nakamamatay sa pamamagitan ng paghahalo ng kalungkutan , kadesperaduhan at despondensiya sa acedia , kahambugan sa kapalaluan at pagdaragdag ng inggit.
|
Ang modernong Katekismo ng Simbahang Katoliko Romano ay nagtatala ng mga kasalanan sa Latin bilang " superbia , avaritia , invidia , ira , luxuria , gula , pigritia seu acedia " na isinalin bilang " kapalaluan , kaganidan , inggit , poot , kahalayan , katakawan at katamaran / acedia ".
|
Ang bawat isa mga pitong kasalanang nakamamatay ay may kabaligtarang mga pitong birtud na kapakumbabaan , kawang gawa , kabutihan , pagtitiis , kadalisayan , pagtitimpli , katiyagaan.
|
Philippines Scariest Challenge
|
Ang Philippines Scariest Challenge ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng TV - 5 / Associated Broadcasting Company.
|
Katimugang Dalubhasaang Bautista
|
Ang Southern Baptist College o " Katimugang Dalubhasaang Bautista " ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa M 'lang , Cotabato , Pilipinas.
|
Itinatag ito noong 1952 at kasalukuyang pinamumunuan ni Prof. Alvin Lynn P. Bergante.
|
Amulung , Cagayan
|
Ang Bayan ng Amulung ay isang ika - 4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Cagayan , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 42,754 katao sa 7,874 na kabahayan.
|
Ang bayan ng Amulung ay nahahati sa 47 mga barangay.
|
Coordinates : 17 deg 50 ' N 121 deg 44 ' E / 17.833 deg N 121.733 deg E / 17.833 ; 121.733.
|
Ashita no Nadja
|
Ang Ashita no Nadja ( Ming Ri nonaziya , Ashita no Naja , lit.
|
" Tomorrow 's Nadja " ) ay isang seryeng anime.
|
Banyo
|
Ang banyo ay bahagi ng isang bahay o gusali.
|
Maaaring mayroon itong paliguan lamang , banyera lamang o pareho ; at kadalasang parehong pinagsasama ang kasangkapang pagtutubero sa banyera.
|
Maaari din na may lababo o hugasan ito o kaya 'y isang palikuran.
|
Betania
|
Ang Betania ay maaaring tumukoy sa :.
|
Katsuya Jounouchi
|
Si Katsuya Jonouchi ( Cheng Zhi Nei Ke Ye Jonouchi Katsuya ) ay isang kathang - isip na karakter sa seryeng manga at anime ng Yu - Gi - Oh ! na mas kilala bilang Joseph " Joey " Wheeler.
|
Isa si Katsuya Jounouchi sa mga kaibigan ni Yuugi Mutou at kasama niya sa Duel Monsters Games at isa sa mga karibal ni Seto Kaiba.
|
Bunga ( puno )
|
Ang bunga ay isang uri ng palmang areka ( Ingles : betel - nut palm , Areca palm , Areca nut palm , o betel palm ).
|
Bagaman nakagawiang tawagin bilang palma ng betel , mayroon itong kamalian sapagkat hindi ito ang puno ng betel.
|
Malimit lamang na maging kasamang sangkap dahon ng betel ang mga mani ng luyos - kilala rin bilang mani ng areka - kapag inihahanda bilang nganga.
|
Kilala rin ito bilang Areca catechu.
|
Masahiro Ohashi
|
Si Masahiro Ohashi ( ipinaganak Hunyo 23 , 1981 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
|
Barena
|
Ang barena o balibol ( Ingles : drill ; mula sa Olandes na drillen ; brace , brace and bit , auger , gimlet ] ) ay isang uri ng kagamitang pambutas ng mga materyales , at nilalagyan o kinakabitan ng talim ng barena ( tinatawag ding balibol ; bit o drill bit sa Ingles ).
|
Karaniwang ginagamit ang kasangkapang ito sa mga gawaing pangkahoy , pangbakal , sa konstruksiyon o pagtatayo ng mga gusali , sa medisina , at iba pa.
|
Mayroon mga barenang kinakamay ( hand drill ) at may barenang may motor ngunit hinahawakan o sinusuportahan pa rin ng kamay.
|
Bev Ejercito
|
Si Bev Ejercito ay isang artista sa Pilipinas.
|
Rakka Ryusui
|
Ang Rakka Ryusui ( Luo Hua Liu Shui ) ay isang seryeng yonkoma na manga.
|
Nizza Monferrato
|
Ang Nizza Monferrato ay isang comune sa lalawigan ng Asti sa bansang Italya.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
Pamutat
|
Ang pamutat o pagkaing palamuti ( Ingles : side dish , literal na " pagkaing panggilid " , side order , side item , o side lamang , na kung minsan ay natatawag din bilang hors d 'oeuvres ) ay isang uri ng pagkain na kapiling ng entree o pangunahing putahe ng isang magkakasunod na hain ng mga pagkain.
|
Ang mga pamutat na katulad ng mga ensalada , mga patatas , at mga tinapay ay karaniwang ginagamit sa piling ng mga pangunahign kurso ng pagkain sa maraming mga bansa na nasa mundong kanluranin.
|
Ang bagong mga pagkaing palamuti na ipinakilala sa loob ng nakalipas na dekada , katulad ng kanin at couscous ay naging napakatanyag sa buong Europa , natatangi na sa mga okasyong pormal ( na ang couscous ay mas karaniwang lumilitaw sa mga handaang panghapunan na ipinakilala ng maraming mga pinanggalingang pang - Gitnang Silangan.
|
Kapag ginamit bilang isang pang - uri , ang mga salitang " pamutat " o " palamuti " ay madalas na tumutukoy sa isang mas maliit na dami na inihain bilang pagkaing " panggilid " , sa halip na isang malaking hain na katulad ng sa pangunahign pagkain inihahain.
|
Halimbawa , ang isang " palamuting ensalada " na isinilbing nakalagay sa isang maliit na mangkok o plato ay palamuti o pandagdag lamang kung ihahambing sa isang ensalada inihaing nakalagay sa isang malaking platong panghapunan.
|
Ang isang karaniwang paghahain ng pagkain sa Estados Unidos na mayroong pangunahing pagkain na mayroong karne ay maaaring magbilang ng isang pamutat na gulay , na kung minsan ay nasa anyo ng isang ensalada , at ng isang pamutat na gawa mula sa o mayroong gawgaw , katulad ng tinapay , mga patatas , kanin , o pasta.
|
Mayroong ilang mga kainan na nag - aalok ng may limitasyong mapagpipilian ng mga pamutat na kabilang sa presyo ng entree bilang isang kumbinasyon ng mga pagkain.
|
Bilang paghahambing , kung minsan ang mga pamutat ay nakahiwalay na inihahain magmula sa menung a la carte.
|
Ang kataga ay maaari o hindi maaaring magpahiwatig na ang pagkain ay maaari lamang orderin na kapiling ang iba pang pagkain.
|
Ang French fries ay ang pinaka pangkaraniwang pamutat na isinisilbi sa mga kainang fast - food at iba pang mga lutuin sa Estados Unidos.
|
Bilang pagtugon sa pagpuna hinggil sa nilalaman ng French fries na maraming taba at kaloriya , mayroong ilang mga kainang pam - fast food na kamakailang nagsimulang mag - alok ng iba pang mga pamutat , katulad ng mga ensalada , bilang panghalili para sa pamantayang French fries sa kanilang mga pagkaing tambalan.
|
Banal na kapalaran
|
Ang mga banal na kapalaran ( Ingles : mga beatitude , mula sa Lating beatus , may ibig sabihing " pinagpala " o " maligaya " ) , tinatawag rin bilang mga kaginghawahan at mga luwalhati o mga kaluwalhatian , ay tumutukoy sa mga kataas - taasan at kabanal - banalang mga tuwa o kaligayahan ipinahayag at ipinangaral ni Hesukristo ukol sa kung sino ang mga taong matatawag na mapapalad at mga pinagpala.
|
Matatagpuan ang mga taludtod na nagbubunyag ng mga kaginghawahang ito sa Bagong Tipan ng Bibliya , sa Pangaral ni Hesus sa Bundok , Ang Pangangaral sa Bundok , o Ang Sermon sa Bundok ng Ebanghelyo ni Mateo ( Mateo 5 : 3 - 12 , isang bahaging pinamagatang " Mga Mapapalad " ) at sa Ebanghelyo ni Lukas ( Lukas 6 : 20 - 26 , isang bahaging pinamagatang " Ang Mapalad at ang Kahabag - habag " ).
|
Ayon kay Paring Jose C. Abriol , isang tagapagsalin ng Bibliyang Tagalog , walo ang mga banal na kapalaran na binanggit ni San Mateo sa kanyang ebanghelyo , bagaman para kay San Lukas mayroon apat na banal na mga kapalaran at mayroon din namang apat na mga sawingkapalaran.
|
Ayon sa gawi ng pagsulat , nasusulat ang simuno ng pangungusap sa kay San Mateo sa pangatlong panauhan , habang nakasulat naman sa pangalawang panauhan ang kay San Lukas.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.