text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Cosmo Warrior Zero
|
Ang Cosmo Warrior Zero ( kosumouoria Ling , Kosumo Woria Zero ) ay isang seryeng anime.
|
Sining pandigma
|
Ang sining pandigma ay inayos na sistema at tradisyon ng labanang pagsasanay , na kung saan ay ineensayo dahil sa iba 't ibang uri ng rason : pagtatanggol sa sarili , paligsahan , pisikal na kalusugan , angkop na pangangatawan , libangan , ganun din ang pangkaisipang pisikal , at pangispiritwal na pagpapaunlad.
|
Bagaman ang terminong sining panlaban ay naging kasama sa labanang sining ng Silangang Asya , ito ay orihinal na tumutukoy sa panlabang sistema ng Europa noong unng bahagi ng 1550s.
|
Ang terminong ito ay nanggalig sa Latin , at ang kahulugan ay " Sining ng Mars " o ang romanong diyos ng digmaan.
|
Ilang may akda ang nagtalo na ang katawagang labanang sining o panlabang sistema ay mas maging angkop sa batayan na maraming sining na marsyal ay hindi kailanman naging " marsyal " dahil hindi naman ito ginagamit o nilikha ng propesyonal na mandirigma.
|
Ang mga sining pandigma ( Ingles : martial art , martial arts ) ay ang anumang uri o anyo ng pakikipaglabang may pangkat ng mga paraan ng pagsasagawa.
|
Maraming uri ng mga sining marsiyal na nagmumula sa partikular na mga bansa.
|
Isinasagawa ang mga ito ayon sa maraming mga kadahilanan : pakikipagtunggali , pagtatanggol ng sarili , palakasan o palaro , meditasyon , pagpapahinahon ng sarili , at pagpapanatili ng kalusugan.
|
Sa pangkaraniwang paggamit ng pariralang ito , sakop nito ang mga sistema ng pakikipaglabang pinaunlad sa buong mundo.
|
Tinatawag na artistang marsiyal o alagad ng sining panlaban ang isang taong nagsasagawa ng sining panglaban.
|
Slovakia
|
- sa sa kontinente ng Europa ( kamelyo & puti ) - sa Unyong Europeo ( kamelyo ) - -.
|
Ang Eslobakya ( Eslobako : Slovensko ) ay isang republika sa gitnang Europa.
|
Hinahanggan ito ng Tsekya sa hilagang - kanluran , Polonya sa hilaga , Ukranya sa silangan , Unggarya sa timog , at Austria sa timog - kanluran.
|
Namalagi at nanahanan ang mga unang mamamayan sa teritoryo ng Eslobakya mga isangdaang taon na ang nakalilipas , noong mga Kapanahunang Paleolitiko.
|
Isang katibayan nito ang natagpuang hubog ng ulo ng isang Taong Neanderthal sa Ganovce malapit sa Poprad.
|
Natagpuan sa Eslobakya ang pinakamatandang laruang - kariton ng isang bata.
|
Nagmula ang laruang ginawa noong Panahon ng Tanso at nahukay mula sa isang libingan sa Nizna Mysla malapit sa Kosice.
|
Marami pang ibang mga bagay na may kaugnayan sa arkeolohiyang nahukay sa Eslobakya na maiuugnay sa kalinangan ng mga mamamayang Otomano , noong mga 1,600 BC.
|
Sa ngayon , mayroong populasyong 5,379 , 455 katao ang Eslobakya na binubuo ng mga Eslobako ( 85.6 % ) , Unggaro ( 10.8 % ) , Romani ( 1.5 % ) , Ukranyano ( 0.3 % ) , Rutenyano ( 0.3 % ) , at mga Aleman at Polako.
|
Sumali ang Eslobakya sa NATO noong 29 Marso 2004 , at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004.
|
Nagkaroon ng mga eleksiyon sa pagkapangulo noong 3 Abril 2004 at 17 Abril 2004.
|
Ang pinuno ng estado ng Eslobakya ay ang pangulo , na hinahalal sa pamamagitan ng direktong botong popular para sa isang mandato ng 5 taon.
|
Karamihan sa kapangyarihang ehekutibo ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan , ang punong ministro , na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo.
|
Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.
|
Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang unikameral na Sangguniang Pambansa ng Republikang Eslobako ( Narodna rada Slovenskej republiky ) , na may 150 kinatawan.
|
Hinahalal ang mga delegado sa mandato ng 4 taon base sa representasyong proporsyonal.
|
Ang pinakamataas na katawang hudisyal ay ang Hukumang Konstitusyonal ( Ustavny sud ) , na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal.
|
Ang 13 na kasapi ng hukumang ito ay itinatakda ng pangulo mula sa isang tala ng mga kandidatong hinihirang ng parlamento.
|
Pangunahing artikulo : Mga kondado ng Eslobakya.
|
Sa dibisyong administratibo , nahahati ang Eslobakya sa 8 kraj ( kondado ) , ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod.
|
Sa dibisyong panterritoryo naman at sa definisyon ng nagsasariling entities , mula 2002 , nahahati ang Eslobakya sa 8 vyssi uzemny celok o VUC na tinatawag na samospravny kraj ( rehyong awtonomo ) :.
|
( Maaari ding palitan ang salitang kraj ng samospravny kraj sa bawat kaso.
|
).
|
Nahahati rin ang kraje sa maraming okres ( distrito ).
|
Kasalukuyang may 79 okres ang Eslobakya.
|
Alemanya * Austria * Belhika * Bulgarya * Croatia * Dinamarka * Eslobakya * Eslobenya * Espanya * Estonya * Gresya * Irlanda * Italya * Latbiya * Litwaniya * Luxembourg * Malta * Nagkakaisang Kaharian * Olanda * Pinlandiya * Polonya * Portugal * Pransiya * Rumanya * Suwesya * Tsekya * Tsipre * Unggarya.
|
Mga bansang kandidato na nasa usapan sa paglawak : Iceland * Montenegro * Serbiya * Turkiya.
|
Mga bansang kandidato : Republika ng Masedonya ( kilala ng UE bilang " Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya " ).
|
Mga bansang maaring maging bansang kandidato : Albanya * Bosnia at Herzegovina * Kosovo.
|
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
|
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
|
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
|
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
|
Ararat ( Bibliya )
|
Ang Ararat ay isang pook na binanggit sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya.
|
Ayon kay Jose Abriol , ito ang Armenya ( o Armenia ).
|
Dating kilala rin bilang Urartu , nasa hilagang Asirya.
|
Mersal ( pelikula )
|
Ang Mersal ( Ingles : Zapped ) ay isang pelikulang Indiyano na Tamil noong 2017 na dinirekta ni Atlee at tagapalsulat na sina Atlee , K. V. Vijayendra Prasad at S. Ramana Girivasan ( dialogues ).
|
Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan ni Vijay na kasama sa pagganap na sina Nithya Menen , Samantha Akkineni at Kajal Aggarwal.
|
Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
|
Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay iprinoklama noong Hunyo 12 , 1898 , sa Cavite II el Viejo ( ang kasalakuyang Kawit , Cavite ) , Pilipinas.
|
Binasa sa publiko ang ( Kastila : Acta de la proclamacion de independencia del pueblo Filipino ) na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista.
|
Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya.
|
Nagsimula ang Rebolusyong Pilipino noong 1896.
|
Noong Disyembre 1897 , nilagdaan ng pamahalaang Espanya at mga rebolusyonaryo ang isang kasunduan , ang Kasunduan sa Biak - na - Bato , na siyang nangangailangan sa Espanya na magbayad ng 800,000 piso sa mga rebolusyonaryo at maipatapon si Aguinaldo at iba pang mga lider sa Hong Kong.
|
Noong Abril 1898 , noong pumutok ang Digmaang Espanyol - Amerikano , naglayag si Komodoro George Dewey lulan ng U.S.S.
|
Olympia mula Hong Kong patungong Look ng Maynila at pinamunuan ang pagdating ng Asiatic Squadron ng Hukbong Dagat ng Amerika.
|
Noong 1 Mayo , 1898 , ginapi ng Estados Unidos ang Espanya sa Labanan sa Look ng Maynila.
|
Nagpasiya si Emilio Aguinaldo na bumalik ng Pilipinas para tulungan ang hukbong Amerikano na labanin ang Espanya.
|
Pumayag ang Hukbong Dagat ng ng Amerika na dalhin siya pabalik lulan ng USS McCulloch , at noong 19 Mayo , nakarating siya ng Cavite.
|
Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo , 1898 , sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo , 30 kilometro timog ng Maynila.
|
Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas , na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo , Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza , at ang pagpapatugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit , na kilalala ngayon bilang Lupang Hinirang , na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon.
|
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda , sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila.
|
Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao , kabilang na dito ay isang opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon.
|
Ipinahayag ng huling talata na mayroong isang " estranghero " ( extrangero sa wikang Kastila , na nangangahulugang dayuhan ) na dumalo sa katitikan , si G. L. M. Johnson , na siyang inilarawan bilang " mamamayan ng U.S.A , isang Koronel ng Artilerya ".
|
Ngunit ang pahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay ipinatupad lamang noong 1 Agosto , kung kailan marami nang mga bayan ang binuo sa ilalim ng mga pamuntunang inilatag ng Pamahalaang Diktaturya ni Heneral Aguinaldo.
|
Kinalaunan , sa Malolos , Bulacan , binago ng Kongreso ng Malolos ang kapahayagan sa dahil sa paggigiit ni Apolinario Mabini na siyang tumutol sa orihinal na proklamasyon na nagpapahayag na ang Pilipinas ay inilalagay sa ilalim ng proteksiyon ng Estados Unidos.
|
Hindi kinalala ng Estados Unidos o ng Espanya man ang kapahayagan.
|
Kinalaunan , noong 1898 , ibinigay ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris ng 1898 na siyang nagtapos sa Digmaang Espanyol - Amerikano.
|
Hindi kinalala ng Pamahalaang Rebolusyonaryong Pilipino ang kasunduan o ang soberanya ng Amerika , at nakipaglaban sa Estados Unidos ngunit sila ay nagapi.
|
Sila ay unang kinilala ng mga puwersang Amerikano bilang , minsa 'y opisyal , na " Insureksiyong Pilipino " ( Philippine Insurrection ) ngunit kinalaunan tinawag ding itong Digmaang Pilipino - Amerikano , na siyang nagwakas noong madakip si Emilio Aguinaldo ng mga hukbong Amerikano , at nagpahayag ng kaniyang pagkilala at pagtanggap sa soberanya ng Estados Unidos sa Pilipinas.
|
Sinundan ito noong 2 Hulyo 1902 , noong nagpadala ng telegrapo ang Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos na si Elihu Root , na nagtapos na ang insureksiyon laban sa Amerika at naitatag ang mga pamprobinsiyang pamahalaang sibil sa halos lahat ng mga lugar liban sa mga lugar na tinitirhan ng mga tribong Moro.
|
Gayunpaman , may mga maliliit na rebelyon ding naganap sa mga sumunod na taon.
|
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig , ipinagkaloob din ng Estados Unidos ang Kasarinlan ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946 sa pamamagitan ng Kasunduan sa Maynila.
|
Sa Pilipinas , ang Araw ng Kalayaan ay ginugunita tuwing Hunyo 4 hanggang 4 Agosto 1964 , sa pamamagitan ng mga mungkahi ng mga historyador at mga nasyonalista , nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Batas Republika Blg.
|
4166 na siyang nagtatakda sa Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng bansa.
|
Nauna nang ginugunita tuwing Hunyo 12 ang Araw ng Watawat at maraming mga gusali ng pamahalaan ang hinihikayat na ibandera ang Watawat ng Pilipinas sa kanilang mga tanggapan.
|
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang Pagpapahayag.
|
Hindi siya ipinapakita sa publiko , ngunit maaari itong matignan ng may pahintulot , tulad ng ibang mga dokumento na nasa pangangalaga ng Pambansang Aklatan.
|
Noong kasagsagan ng Digmaang Pilipino - Amerikano , nakuha ng pamahalaang Amerikano ang mga 400,000 makasaysayang dokumento at ipinadala ang mga ito sa Estados Unidos.
|
Noong 1958 , ipinagkaloob sa pamahalaang Pilipino ang mga dokumentong ito , kabilang na ang dalawang set ng microfilm ng buong koleksiyon , kung saan nasa pangangalaga ng Pamahalaang Pederal ng Estados Unidos ang isang set.
|
Noong mga bandang dekada ' 80 o ' 90 , ninakaw ang Pagpapahayag mula sa Pambansang Aklatan.
|
Dahilan sa pagkakaroon ng malawakang imbestigasyon ukol sa malawakang pagnanakaw ng mga makasaysayang dokumento at sa sinundang pampublikong apela para maibalik ang mga ito , ang Deklarasyon ay naisauli sa Pambansang Aklatan noong 1994 ni Milagros Guerrero , isang propesor ng Pamantasan ng Pilipinas.
|
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Mamamayang Pilipino ( Kastila : Acta de la proclamacion de independencia del pueblo Filipino ) ay isang bahagi ng mahabang serye ng mga pagpapahayag ng kasarinlan , kabilang dito ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Estados Unidos.
|
Kabilang dito ang listahan ng mga hinaing laban sa pamahlaang Kastila na siyang umaabot pa hanggang sa pagdating ni Fernando Magallanes noong 1521 , at " ipinagkakaloob sa aming tanyag na Diktador Don Emilio Aguinaldo ang lahat ng kinakailangang kapangyarihan upang magawa niyang gampanan ang tungkulin ng Pamahalaan , kabilang na ang kaukulang karapatan ng pagbibigay tawad at amnestiya.
|
".
|
Gapong
|
Ang paggapong ( mula sa salitang ugat na gapong ) o amputasyon ay ang paghihiwalay ng anumang bahagi o sangkap ng katawan mula sa katawan.
|
Sa mas tiyak na kahulugan , ito ay ang pagtatanggal ng isang sanga ng katawan ( katulad ng kamay , paa , binti , hita , o bisig ) mula sa katawan sa pamamagitan ng traumang pangkatawan , pinatagal na pag - ipit ( konstriksiyon ) , o pagtitistis ( siruhiya ).
|
Bilang isang lunas na pangpagtitistis , ginagamit ito upang kontrolin ang hapdi o isang proseso ng karamdaman na nasa apektadong sanga , katulad ng kanser ( malignansiya ) o kanggrena.
|
Sa ilang mga pagkakataon , isinasagawa ito sa mga indibidwal bilang isang siruhiyang pang - iwas ( prebentatibo ) para sa ganitong mga suliranin.
|
Ang isang natatanging kaso ay ang amputasyong konhenital , isang diperensiyang konhenital , kung saan ng mga sanga ng namumuong sanggol ay ginugupit sa pamamagitan ng mga pang - ipit.
|
Sa ilang mga bansa , ang pagputol ng mga kamay , mga paa , o iba pang mga bahagi ng katawan ay ginagamit o dating ginagamit bilang isang uri ng parusa para sa mga taong nakagawa ng krimen.
|
Ang pagtitistis ay ginagamit din bilang isang taktika ng digmaan at mga gawain ng terorismo ; maaari rin itong mangyari bilang isang pinsalang dulot ng digmaan.
|
Sa ilang mga kalinangan at mga relihiyon , ang mga paggapong na hindi malakihan o mga mutilasyon ay itinuturing bilang isang pagkakamit na pangritwal.
|
Hindi katulad ng ilang mga hayop na hindi mamalya ( katulad ng mga butiki na naghuhulas ng kanilang mga buntot , ang mga salamandro ay muling nakapagpapatubo ng maraming nawawalang mga bahagi ng katawan ; pati na mga hydra , mga bulating sapad ( flatworm ) , at mga isdambituin na muling nakapagpapatubo ng buong katawan magmula sa maliliit na mga pragmento o mga piraso ) , ang mga sanga ng katawan ng tao , kapag natanggal na , ay hindi na muling tumutubo , hindi katulad ng ilang porsiyon o bahagi ng piraso ng ilang mga organo , katulad ng atay.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.