text
stringlengths
0
7.5k
Sa nakaraan , ang mga praktikal na aplikasyon nagtulak ng pagkakabuo ng mga matematikal na teoriya na naging paksa ng pag - aaral ng purong matematika kung saan ang matematika ay binubuo para sa sarili nitong kapakanan.
Kaya ang gawain ng nilalapat na matematika ay mahalagang konektado sa pagsasaliksik sa purong matematika.
Ang nilalapat na matematika ay may malaking pagsasanib sa disiplina ng estadistika na ang teoriya ay isinapormula sa matematika lalo sa sa teoriya ng probabilidad.
Ang mga estadistiko ay lumilikha ng mga data ( plural ng datos ) na may kahulugan na may may randomang pagsasampol at isina - randomang mga eskperimento.
Ang pagdidisenyo ng isang sampol o eksperimentong estadistikal ay tumutukoy sa analisis ng data bago ito gamitin.
Kung isasaalang - alang ang mga data mula sa eksperimento at sampol o kung sinisiyasat ang data mula sa mga pag - aaral obserbasyonal , ang mga estadistiko ay umuunawa sa data gamit ang sining ng pagmomodelo at teoriya ng inperensiya na may pagpili ng model at estimasyon ( pagtatantiya ).
Ang mga tinantiyang model at mga kinahinatnang prediksiyon ay dapat subukan sa mga bagong data.
Ang teoriyang estadistikal ay nag - aaral ng mga problema ng desisyon ( pagpapasya ) gaya ng pagpapaliit ng mga panganib ( inaasahang kawalan ) ng isang aksiyong estadistikal gaya ng paggamit ng pamamaraan halimbawa sa estimasyon ng parametro , pagsubok ng hipotesis at pagipili ng pinamahusay.
Sa mga trasiyonal na sakop na ito ng estadistikang matematikal , ang isang estadistikal na pagpapasyang problema ay isinasa - pormula sa pamamagitan ng pagpapaliit ng obhektibong punsiyon gaya ng inaasahang kawalan o gastos sa ilalim ng mga spesipikong pagtatakda ( constraint ).
Halimbawa , ang pagdidisenyo ng survey ay kalimitang sumasangkot sa pagpapaliit ng gastos ng pagtatantiya ng mean ng populasyon sa isang ibinigay ng lebel ng konpidensiya.
Dahil sa paggamit nito ng optimisasyon , ang matematikal na teoriya ng estadistika ay nagsasalo ng pinatutungkulan sa ibang mga agham ng pagpapasya gaya ng pagsasalik ng mga operasyon , teoriyang kontrol at matematikal na ekonomika.
Ang komputasyonal na matematika ay nagmumungkahi at nag - aaral ng mga paraan ng paglutas ng mga matematikal na prolema na karaniwan ay labis na malaki para sa isang kakayahang pagbibilang ng isang tao.
Ang numerikal na analisis ay nag - aaral ng mga paraan para sa mga problem sa analisis gamit ang punsiyonal na analisis at teoriya ng aproksimasyon.
Ang numerikal na analisis ay kinabibilangan ng pag - aaral ng aproksimasyon ( pagtatantiya ) at diskretisasyon na may malawak na espesyal na pagpapatungkol sa pag - iikot ng kamalian.
Ang numerikal na analisis at sa mas malawak , ang siyentipikong pagkukwenta ay nag - aaral rin ng mga hindi - analatikong mga paksa ng matematikal na agham lalo na ang algoritmikong matrix at teoriya ng grapo.
Ang iba pang mga sakop ng komputasyonal na matematika ay kinabibilangan ng alhebrang pang kompyuter at simbolikong komputasyon.
Aritmetika * Alhebra ( elementaryo - linyar - multilinyar - abstrakto ) * Heometriya ( diskreto - alhebraiko - diperensiyal ) * Trigonometriya * Kalkulo * Matematikal na analisis * Teoriya ng hanay * Lohika * Teoriya ng kategorya * Teoriya ng bilang * Kombinatorika * Teoriya ng grapo * Topolohiya * Teoriyang Lie * Ekwasyong diperensiyal * Mga sistemang dinamikal * Matematikal na pisika * Numerikal na analisis * Teoriya ng komputasyon * Teoriya ng impormasyon * Probabilidad * Estadistika * Optimisasyon * Teoriya ng kontrol * Teoriya ng laro.
Purong matematika * Nilalapat na matematika * Diskretong matematika * Komputasyonal na matematika.
Mga barangay ng Obando , Bulacan
Ang mga Barangay ng Obando , Bulacan ay ang labing - isang mga barangay na bumubuo sa Bayan ng Obando sa Lalawigan ng Bulacan.
Dating mga nayon ang tawag sa mga ito bago pa naging mga barangay.
Pinamumunuan ang bawat barangay ng isang kapitan ng barangay ( tinatawag ding punong barangay , kapitan ng baryo , o kapitan del baryo ) , ng pitong kagawad , at isang tserman o tagapangasiwa ( tagapamahala ng lupon ) ng Sangguniang Kabataan.
Kabilang sa mga barangay ng Obando ang Panghulo , Catanghalan ( o Katangalan ) , Pag - asa , Paliwas , San Pascual ( o Quibadia ) , Hulo , Lawa , Paco , Tawiran , Binuangan , at Salambao.
May sari - sariling pinagmulan ang bawat pangalan ng mga barangay ng Obando.
Mayroon din silang kani - kaniyang mga kapilya ( naging ganap na katayuang simbahan o parokya na ang sa ilang ibang barangay ).
Noong unang panahon , dating isang napakililim at may mga matataas na mga puno ng kawayan ang Panghulo , ngunit naging malinis na pook sa pagsapit ng mga taong nagmula sa baybayin ng mga dagat , mga mamamayang naakit dahil sa pagiging malamig , malilim , at tahimik ng lugar.
Kung magmumula sa Hilaga , ito ang pinakahuling barangay , subalit kung magbubuhat sa Timog ito ang siyang pinakaunang nayon.
Sa huling paliwanag , nagmula rito ang pangalan ng barangay , na unang matutunghayang barangay kung manggagaling sa Katimugan o magmula sa Monumento , Caloocan ng Kalakhang Maynila.
Ito ang pang - ulo o pang - hulong nayon ng Bayan ng Obando.
Sa kasalukuyan , tinatagurian din itong Baryo Flamengco , batay sa isang bayani nito noong kapanahunan ng mga Kastila na si Braulio Flamengco.
Itinayo ang kapilya ng Barangay Panghulo noong 1876 sa ibaba ng isang loteng abuloy ng mag - asawang Faustino Bautista at Felipa Jacinto.
Muling inayos ito noong 1945 pagkaraang magambala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Dating walang regular na misang nagaganap dito , maliban na lamang tuwing panahon ng tinatawag na Santa Misyon sa buwan ng Oktubre ; subalit nakaugalian nang magdaos sa kasalukuyan ng Banal na Misa tuwing Miyerkules at Sabado.
Dahil sa suliranin ng pagbaha , giniba ang dating kapilyang yari sa adobe at yero , at napalitan ng isang mas mataas na bisitang mayroong mesanin o enresuwelo , na nagsilbing palapag na pinamamalagian ng mga umaawit na kasapi ng koro.
Nakumpleto ang bagong kapilya noong 30 Disyembre 2001.
Ang Catanghalan ang pinakamatandang barangay sa Obando , Bulacan.
Naging lundayan o sentro ito ng politika at pananampalataya noong kapanahunan ng mga Kastila.
Unang nakilala ang barangay na ito bilang Katangalan , isang salitang buhat sa puno ng Tangal na dumarami at yumayabong sa latian , na napagkukunan din ng katas na nagsisilbing dampol para mga lambat at salawal na kutod ng mangingisda.
Nagmula naman ang pangkasalukuyang pangalang Catanghalan ( o Katanghalan ) mula sa salitang Tanghalan.
Nagkaroon ng isang tanghalan sa gitna ng barangay na nagsilbing entablado para sa pagpapalabas ng mga Moro - Moro at Senakulo noong kapanahunan pa ng mga Kastila.
Ang kapilya ng Barangay Catanghalan ang pinakamakasaysayan sa pinagsasambahang mga gusali sa Obando , Bulacan , sapagkat ito ang nagsilbing pansamantalang simbahan nang itatag ang Parokya ng Obando noong 29 Abril 1754.
Sa kapilyang ito , na alay kay Santa Clara , ginanap ang unang Santa Misa sa bayang Obando noong 31 Mayo 1754.
Itinayo ito sa isang lupang ari ni Don Simeon Claridades.
Batay sa kasaysayan , naging taguan din ito ng mga mamamayan mula sa mga kawal na Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig , partikular na ang sa may likuran ng Krus ni Hesus.
Bilang isang lundayan ng pananampalataya , politika , edukasyon , at kalakalan , nasa Barangay Pag - asa ang pangkasalukuyang Simbahan ng Obando , at ang munisipyo.
Nasa kabayanan ito ng Obando , Bulacan.
Nagmula ang pangalan nito sa isang nakatatawang pagbanggit sa katawagan ng isang prayleng si Reb.
Pr.
Padre de Olivencia na hindi masyadong marunong managalog.
Naparating sa mga pinag - uukulang mga mamamayan ang pabatid niyang balita na magkakaroon ng maagang misa para basbasan ang bagong tayong simbahan noong kanyang kapanahunan , ngunit ginaya ng tagapagbalita ang mismo ring pagaril niyang pagsasabi ng maaga , na naging pag - aga hanggang sa maging Pagaga , ang naging unang pangalan ng barangay.
Ginawang Pag - asa ng isang samahang kilala bilang Plaridel ang pangalan ng barangay sa kalaunan.
Matatagpuan sa barangay na ito ang bakas ng mga bahay ng mga Kastilang yari sa batong may asotea at beranda.
Sa kasalukuyan , dalawa ang mga kapilya ng Barangay Pag - asa , isang nasa lupa at isang nasa ilog.
Dating yari sa kawayan at yero ang unang kapilya na unang itinayo sa likuran ng Liwasan ng Bayan ng Obando.
Inilipat ang kapilya , at naging yari na sa bato at yero , sa isang lote na ipinagkaloob ng isang Obandenyong nagngangalang Tandang Sepa.
Isinaayos muli ang kapilyang ito noong 1996 sa tulong ng pangkasalukuyang alkaldeng si Orencio Gabriel.
Ang alkalde ring ito ang nagpatayo noong Pebrero 1999 ng isa pa at pangalawang kapilya ng barangay na nasa ilog.
Kanugnog ng kabayanan ang Barangay Paliwas , na sumasakop sa pook na kilala bilang bantay bituin , isang lugar na dating walang nais manirahan dahil sa kasabihang wala raw kahit na isa man lamang na tagapagbantay ng bituin.
May mga natatakot sa kasabihang ito kaya 't umiiwas sa pagtira sa pook na ito.
Dito nanggaling ang pangalang Paliwas ng barangay , mula sa mga pala - iwas na mga mamamayan noong unang kapanahunan.
Dating isang kubo lamang ang nagsisilbing kapilya ng Barangay Paliwas , isang tuklong na dati ring umpukan o tipunan ng mga mamamayan.
Pagkaraang masunog ang nasabing kubo , isang pangyayaring hindi ikinatupok ng isang imahen ng Mahal na Birheng dating maitim , napulot , at nilinis ng isang Obandenyong nagngangalang Matandang Duwe , sinimulan ng mga mamamayan at mga nanunungkulan na ipaayos at patatagin ang kayarian ng kapilya.
Nadagdagan ang mga imaheng nakalagak sa loob nito , na kinabibilangan ngayon ng Krus ni Hesus , ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo , at ng Birheng Milagrosa.
Bago naging San Pascual ang pangalan ng barangay na ito , una muna itong tinawag na Quibadia , na hinango sa naninirahan ditong tagapagbalita o tagabadya ( na nangangahulugang town crier sa Ingles ) na sugo ng Kapitan.
Mas tiyakang nagmula ang pangalan ng barangay sa pariralang kay tagabadya o ang pook na pinaninirahan ng tagapagbadya , na naging pinaiksi pang kaybadya at naging mala - Kastilang pagbabaybay na Quibadia.
Naging San Pascual ang tawag dito sa kasalukuyan dahil sa isang pagtatakda o resolusyong ginawa noong 22 Abril 1962 na nagpaparangal sa isang patron ng Obandong si San Pascual Baylon.
May isang kapilya ang Barangay San Pascual na unang itinayo sa ibabaw ng isang inabuloy na lupa na may sukat na 310 metro kuwadrado.
Pinapanatili ang kaayusan nito at ang pagdaraos ng mga kapistahan ng Santa Cruz sa pampang at Mahimalang Krus sa kailugan sa ilalim ng pangangasiwa ng grupong tinatawag na Sub - Parish Pastoral Council.
Dating kabahagi lamang ng Barangay ng San Pascual ( dating nayon ng Quibadia ) ang Barangay ng Hulo.
Noong una isa rin lamang itong sityo sumusukat ng may 200 mga metro , liblib , sukol , at walang lagusang palabas na pook , na may kadikit na ilog at duluhan ng palaisdaan.
Sa lumaon , tinawag itong Hulong Quibadia , na tuluyang naging Barangay Hulo nang tuluyang maging isang ganap na barangay.
Dalawa ang mga kapilya ng Barangay Hulo , isang nasa pampang at isa pang nasa kailugan.
Itinayo ang nasa lupa noong mga 1950 sa ibabaw ng isang abuloy na lote ng lupa ng isang Obandenyong kilala bilang Matandang Flora.
Noong mga 1980 , nadugtungan pa ang lupang kinapapatungan nito dahil sa dating monsenyor ng Obando , Bulacan na si Rome Fernandez.
Ang naidugtong na lupa ang siya ngayong kinatatayuan ng dambana o altar ng bisita.
Samantala , itinayo naman ang bisitang nasa ilog noong 1965 at nakilala bilang Kapilya ng Krus sa Ilog.
Naitayo ito sa isang parte ng palaisdaang tinaguriang " Mahal na Birhen " at pag - aari ng isang konsehal at kanyang asawa , na sina Jose at Iluminada Roxas.
Naisagawa ito sa pangunguna ng isang Obandenyong manananggol na si Moises S. Roxas.
Nagbuhat ang pangalan ng Barangay Lawa sa dating anyo ng pook na ito.
Dati itong magkakakawing na mga malalaki at mapuputik na mga lubak , at mga mahahaba at matutubig na mga lawa.
Isa lamang pinaikling katawagan ang Barangay Lawa para sa mahaba nitong pangalang Barangay ng Mahabang Lawa.
Naitayo ang kapilya ng Barangay Lawa noong unang linggo ng Hunyo 1931.
Nagbuhat ang pangalan ng Barangay Paco mula sa isang halamang tinatawag na paco ( kilala rin bilang helechos na nasa saring Polypodium , klaseng Felicineae , ordeng Pteropsida , at laping Tracheophyta ).
Maraming ganitong mga halaman sa pook na ito noong kapanahunan ng mga Kastila at ginagawang mga ensalada.
Sa pagtatanong ng mga Kastila na gamit ang kanilang wika , sinagot sila ng mga nangunguha ng halaman sa pamamagitan ng katagang Paco ... Paco ito ? , na ang talagang tinutukoy ay ang halaman sa halip na ang pook.
Ito ang ikinalat ng mga Kastila sa kanilang mga kasamahan na pangalan ng dating nayon.
Tinawag na Barangay Tawiran ang pook dahil sa nagsilbi itong " tawiran " ng mga mamamayan noong panahon ng mga Kastila habang nakasakay sa mga bangkang minamaneho ng bangkerong binabayaran upang marating ang isang karatig na bayan.
Ito ang pinakadulo ng Bayan ng Obando sa hilaga na umaabot sa isang kailugan.
Nakapalibot sa barangay na ito ang Barangay Paco sa katimugan , ang Ilog Tamungo sa kanluran , ang Ilog Lungos sa silangan , at ang isang ilog na hindi pa napapangalanan sa hilaga.
May umiiral nang isang maliit na kapilya sa Barangay Tawiran noong mga 1966 ngunit binuwag ito noong Hunyo 1975 dahil nasasakop ang isang bahagi nito ng isang tulay ng nayon.
Napalitan ito ng isang bagong kapilya.
Nagmula ang pangalan ng Barangay Binuangan mula sa isang katagang sinambit ng isang taga - Aklang mandaragat na nanirahan sa pook na ito bilang isang hermitanyo.
Noong ika - 16 daantaon , alinsunod sa kautusan ng hari ng Espanya , kinailangang pangalanan ang lahat ng mga pulo sa Pilipinas.
Ang hermitanyong galing sa Aklan ang napagtanungan ng isang matandang lalaking naatasang kumuha ng pagbabatayang pangalan para sa pook.
" Binu - angan - Binu - angan " ang naging tugon ng hermitanyo na ginagamit ang kanyang katutubong wika , na nangangahulugang " Buwang ako - Buwang ako " o " Baliw ako - Baliw ako ".
Kaugnay ng kasaysayan ng Bayan ng Obando , dito sa mga hangganan ng mga ilog ng Binuangan at ng Malabon nakuha ang wangis ng Ating Ina ng Salambaw ( ang Nuestra Senora de Salambao ) noong ika 19 ng Hunyo 1763.
Dating nasasakop ng Parokya ng San Pascual Baylon ng Bayan ng Obando ang kapilya ng Binuangan na pinangangalagaan ng mag - asawang Mateo at Maria Valeriano.
Naging parokya ito noong 1979 sa pamamagitan ng mga paring sina Reb.
Padre Salvador Viola , Jr. at Monsenyor Rome Fernandez ( kura paroko ng parokya ng San Pascual Baylon ).
Nakilala ang parokya bilang Parokya ng Nuestra Senora de Salambao ( o Parokya ng Ating Ina ng Salambaw ).