text
stringlengths
0
7.5k
Ang mga iba 't ibang sekta ay may iba 't ibang pananaw tungkol sa homoseksuwalidad at iba 't ibang interpretasyon sa mga talatang sinasabing nagbabawal sa homoseksuwalidad sa Bibliya o Quran at iba pang aklat.
Ayon sa iskolar na si Daniel A. Helminiak , ang Bibliya ay maaaring ipakahulugan ( interpreted ) na literal o sa pamamagitan ng isang tamang kontekstong historikal - kultural nito.
Sa ilalim ng isang literal na pagbasa nito , ang Bibliya ay pinapakahulugan ng mga konserbatibo na kumokondena sa homoseksuwalidad at mga homoseksuwal.
Sa ilalim naman ng kontekstong historikal - kultural nito , ang Bibliya " ay hindi sumasagot sa mga kasalukuyang tanong tungkol sa etikang seksuwal at hindi kumokondena sa pakikipagtalik sa parehong kasarian o orientasyong homoseksuwal gaya ng siyentipikong pagkakaunawa sa konseptong ito sa kasalukuyang makabagong panahon.
" Ayon kay Helminiak , walang sinabi si Hesus tungkol sa homoseksuwalidad.
Para sa mga liberal , ang kontekstong kultural ng mga talatang ito ay tumutukoy sa pakikipagtalik na sangkot ang prostitusyon sa mga paganong templo ng ibang kultura.
Ayon naman sa mga sekularista , ang Bibliya ay hindi na makabuluhan sa modernong panahon ngayon dahil ito ay hindi aklat ng agham at gayundin ay sinasalungat ng agham , kosmolohiya , arkeolohiya , biolohiya ( ebolusyon ) , heolohiya at iba pang sangay ng agham.
Bukod dito , ang Bibliya ay sinasabi ring naglalaman ng mga kaduda dudang moralidad gaya ng pag - uutos ng pang - aalipin sa Bibliya , henosidyo at hindi tamang pagtrato sa mga kababaihan.
Ayon sa mga konserbatibong relihiyon , ang homosekwalidad ay isang kasalanan at isang " piniling " ( choice ) pag - aasal kaya dapat itakwil.
Ang paniniwalang ito ay matatagpuan sa konserbatibong relihiyon ng Islam , Hudaismo at mga ilang sekta ng Kristiyano.
Ang parusa sa mga homoseksuwal sa mga bansang Islamiko gaya ng Iran , UAE at Saudi Arabia ay pagkakakulong at sa ibang instansiya ay parusang kamatayan.
Ang opisyal na doktrina ng Romano katoliko ay naglalarawan ng homosekswalidad bilang " objectively disordered " ngunit ayon sa katekismo ng Katoliko , ang " mga homosekswal ay dapat na tanggapin na may paggalang , habag , at pagiging sensitibo.
Ayon din sa katekismo , ang mga homoseksuwal ay tinatawag na maging selibato ( celibate ).
Ang ilang mga liberal na relihiyon ay hindi tumuturing sa isang relasyong homosekswal na isang kasalanan o imoral.
Para sa mga liberal , ang homoseksuwal na orientasyon ay hindi piniling pag - aasal at hindi mababago ayon sa pananaw ng mga siyentipiko.
Tinatanggap rin ng mga liberal ang mga homoseksuwal dahil sila ay naniniwalang itinaguyod ni Hesus ang panlipunang hustisya ( social justice ) at pagtataguyod sa mga naaapi at itinakwil ng lipunan.
Kabilang dito ang United Church of Canada , Unitarian Universalist Association , Canadian Unitarian Council , Episcopal Church ( United States ) , United Church of Christ , Metropolitan Community Church , mga ilang protestante , mga liberal na sekta ng Hudaismo ( Reform Judaism in North , Reconstructionist Judaism etc.
) , Kristyanismo at Islam ( Al - Fatiha Foundation ) , Wicca at iba pa.
Ang karapatang pantao ng mga homosekswal ay magkakaiba sa iba 't ibang bansa sa mundo.
Kabilang sa karapatang pantao na pinaglalaban ng mga homoseksuwal ang karapatang ihayag ng malaya ang kanilang kalooban ( freedom of expression ) , karapatang sibil na maikasal at makamit ang mga benepisyo na ibinibigay ng estado sa mga kasal na heteroseksuwal at mga anak nito , karapatang mabuhay ng malaya at walang diskiminasyon.
Sa Estados Unidos , ang simula ng " Gay rights movement " ay naganap noong kaguluhan sa Stonewall noong Hunyo 1969 , kung saan ang mga grupo ng mga homosekswal ay nagprotesta pagkatapos salakayin ng mga pulis sa New York ang isang " gay bar " na Stonewalll Inn.
Ang ilang halimbawa ng mga diskriminasyon na nararanasan ng mga bakla ay ang hindi pagtanggap sa trabaho dahil sa kanilang seksuwalidad , mga pang iinsulto at pagkutya , pagpapaalis sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o kilos gaya ng nangyari kay Inday Garutay at BB Gandanghari sa Aruba bar , mga karahasan at minsan ay pagpatay , bullying ng mga homosekswal na estudyante , at iba pa.
Ang mga epekto ng diskriminasyong ito sa isang homosekswal ay kinabibilangan ng depresyon , paglayo sa mga tao ( social withdrawal ) , hindi pagpasok sa eskwela , pagpapatiwakal at iba pa.
Ang bansang may pantay na pagtrato sa mga mamamayan nitong homoseksuwal ay kinabibilangan ng mga bansa sa Europa ( Netherlands , Sweden , Denmark at iba pa ) at Amerika ( kabilang na ang Canada , Estados Unidos , at Arhentina ).
Ang mga bansang ito ay may batas na pumapayag sa mga homosekswal na magpakasal at mamuhay ng malaya sa diskriminasyon.
Ang ilan sa mga bansang ito ay tumatanggap din sa mga " gay refugee " ( tumakas na bakla ) na lumikas sa kanilang mga bansa dahil sa paguusig sa kanilang homosekuwalidad.
Ang homopobia ay tumutukoy sa mga negatibong saloobin sa homoseksuwalidad , mga indibidwal na homoseksuwal o mga pinaniniwalaang homoseksuwal.
Ang mga saloobing ito ay kinabibilangan ng kawalang simpatiya , pangungutya , prejudice , poot , paglayo at hindi makatwirang takot.
Ang homopobia ay makikita sa diskriminasyon at karahasan batay sa nakikitang hindi heteroseksuwal na orientasyon.
Ayon sa pinuno ng karapatang sibil na si Coretta Scott King , ang " homopobia ay tulad ng rasismo at antisemitismo at iba pang mga anyo ng bigotriya sa dahilang ito ay naghahangad na ibaba ang isang malaking pangkat ng mga tao , itanggi ang kanilang humanidad , dignidad at pagiging tao ".
Kabilang sa pinagmumulan ng homopobia ang musika at mga music video , mga simbahan / relihiyon ( churches ) , mga pelikula o palabas na nagpapakita ng negatibong stereotype ng mga homoseksuwal , mga sikat na personalidad na naghahayag ng kanilang homopobia at iba pa.
Ang panloob na homopobia ( internalized homophobia o egodystonic homophobia ) ay negatibong saloobin sa sarili dahil sa sariling homoseksuwalidad.
Ang gayong sitwasyon ay maaaring magsanhi ng labis na pagsupil ng mga pagnanasang homoseksuwal.
Ito ay kinabibilangan rin ng panlabas na pagpapakita ng pag - aasal na heteronormatibo ( gaya ng pilit na pagpapakasal sa mga babae at pagkakaroon ng anak ) para sa lumabas na normal o matatanggap ng iba.
Sa ibang mga kaso , ang isang may kamalayang panloob na pakikibaka ay nangyayari sa isang panahon na kalimitan ay nagtutunggali ng malalim na paniniwalaang relihiyoso o panlipunan laban sa malakas na seksuwal at emosyonal na pagnanasa.
Ang kaguluhang ito ay kalimitang nagsasanhi ng klinikal na depresyon at ang hindi karaniwang mataas na bilang ng pagpapatiwakal ng mga kabataang homoseksuwal ay itinuturong dahilan ng phenomenon na ito.
Ang psychotherapy at pakikilahok sa isang nagpapatibay na pangkat ay maaaring makatulong upang malutas ang panloob na alitang ito sa pagitan ng sariling relihiyoso at seksuwal na identidad.
Sa isang kontroladong pag - aaral ng 64 na mga lalakeng heteroseksuwal ( na ang kalahati ay nagsaad na sila ay homopobiko na may sariling iniulat na orientasyon ) sa University of Georgia , natagpuan na ang mga lalake na homopobiko ( gaya ng pagkakasukat ng index of homophobia ) ay itinuturing na labis na mas malamang na makaranas ng mas maraming tugon ng ereksiyon kapag inilantad sa mga larawang homoerotiko kesa sa mga hindi homopobikong lalake.
Mga Palarong Nemeo
Ang mga Palarong Nemeo ( Ingles : Nemean Games ) ay isang sinaunang pambansang pagdiriwang ng mga Griyego isinasagawa ng mga Nemeo sa Lungsod ng Nemea sa Gresya.
Ginaganap ito tuwing ikalawa at ikaapat na mga taon ng bawat Olimpiyadang Griyego , sa loob ng kapanahunan ng apat na mga taon.
Nagsimula ito bilang isang memoryal o pag - alalang alay para sa isang kabataang bayani ng digmaan , at lumaong pinagdiriwang upang parangalan ang diyos na si Zeus.
Ginagantimpalaan ng mga pumpon o kwintas , o kaya korona o palawit ng mga perehil ( kilala rin bilang petroselino ) o apyo ang mga nagwawagi sa mga patimpalak na pang - atleta at pangmusika.
Ginatlaang binumbong
Ang gatla - gatlang binumbong , ginatlaang binumbong , silindrong panukat , panukat na bariles , o graduwadong silinder ay isang uri ng babasaging tubong yari sa salamin na ginatlaan ng mga sukat o markang panukat.
Isa itong kagamitang pangkimika o kasangkapang panglaboratoryo.
Ginagamit itong panukat ng bolyum ng mga likido katulad ng tubig at mga solusyon ng pluwido.
Organo ( anatomiya )
Sa biyolohiya , ang organo o laman - loob ( Ingles : organ ; Latin : organum , " kasangkapan , instrumento " ) ay isang grupo ng mga tisyu na nagsasagawa ng isang tiyak na tungkulin o grupo ng mga tungkulin.
Pangkaraniwan na may pangunahing tisyu ( Ingles : main ) at mga nakakalat ( Ingles : sporadic ) na mga tisyu.
Ang pangunahing tisyu ay natatangi lamang para sa isang organo.
Halimbawa , ang pangunahing tisyu sa puso ay ang myocardium , habang ang mga nakakalat na mga tisyu ng puso ay ang mga tisyung nerbyos , dugo , panikit na tisyu , at iba pa.
Tinatawag ding menudo o minudo ang mga organo o laman - loob ng mga hayop.
Ang mga pangkaraniwang organo sa mga hayop ( kabilang ang mga tao ay ang : puso , mga baga , utak , mga mata , sikmura , pali , mga buto , lapay , mga bato , atay , mga bituka , balat ( ang pinakamalaking organong pantao ) , bahay - bata , at pantog.
Karaniwang tinatawag na mga laman - loob ang mga organong nasa loob ng katawan ng mga hayop.
Bilang isang kaluponan , ang mga laman - loob ay tinaguriang viscera ( kung maramihan ) o viscus ( kung nag - iisa ) sa wikang Ingles.
Maaaring paghati - hatiin ang mga organong panghalaman sa behetatibo at reproduktibo.
Ang mga organong behetatibo ay ugat , tangkay at dahon ; habang mga reproduktibo ay ang bulaklak , buto at bunga.
Mahalaga ang mga organong behetatibo sa pagpapanatili ng buhay ng isang halaman ( ginagawa nila ang mga mahahalagang tungkuling behetatibo , katulad ng potosintesis ) , habang mahalaga naman ang mga organong reproduktibo sa pagpaparaming panghalaman ng espesye.
Subalit kung mayroon reproduksiyong behetatibo o reproduksiyong asekswal , ang mga organong behetatibo ang siyang lumilikha ng bagong henerasyon ng mga halaman ; samakatuwid , karaniwang lumilikha ang mga ito ng kolonyang kopya.
Karaniwang ginagawa ng may - isang selulang organismo ang reproduksiyong asekswal ( hindi nangangailangan ng proseso ng pagtatalik ).
Ang isang grupo ng mga magkaka - ugnay na mga organo ay tinatawag na sistema ng organo.
Maaaring magkakaugnay ang mga organo sa loob ng isang sistema sa anumang pamamaraan , subalit ang mga kaugnayan sa mga tungkulin ang mga karaniwang ginagamit.
Halimbawa , binubuo ang sistemang yurinaryo ng mga organong nagtutulungan sa paglikha , pag - imbak , at pagdadala ng ihi.
Ang mga tungkulin ng mga sistema ng organ ay karaniwang may magkakabahagi at mahalagang pagkakapatung - patong.
Halimbawa , ang mga sistemang nerbyos at endokrin ay kapwa nanunungkulan sa pamamagitan ng iisang organo : ang hipotalamus.
Sa kadahilanang ito , pinagsanib ang dalawang sistema at pinag - aralan bilang sistemang neuroendokrin.
Ito man ay totoo rin sa sistemang muskuloiskeletal , na kinasasangkutan ng mga kaugnayan sa pagitan ng sistemang muskular , ng pangsangkabutuhan at ng dihestibo.
Antipapa Inocencio III
Si Inocencio III ( Lanzo ng Sezza ) ang antipapa mula 29 Setyembre 1179 hanggang Enero 1180.
Skopje
Ang Skopje ( Masedonyo : Skopje ; Albanes : Shkupi ; Serbiyo : Skoplje , Skoplje ) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Hilagang Masedonya , kung saan isa sa bawat tatlong Masedonyo ang naninirahan sa teritoryo nito.
Ito rin ang sentrong pampolitika , pang - ekonomiya , pangkultura at akademiko ng bansa.
Sa panahon ng Imperyong Romano , kilala ang Skopje bilang Scupi.
Nasa bahaging itaas ng Ilog Vardar ang Skopje , na nasa isang pangunahing rutang hilaga patimog sa pagitan ng Belgrade at Atenas.
Ayon sa huling opisyal na pagbilang noong 2002 , may populasyon na 506,926 katao ang Skopje ; gayunpaman , ayon sa dalawang ' di - opisyal na tantiya para sa mas kasalukuyang panahon , may populasyon ang lungsod na 668,518 o 491,000 katao.
Isang dibisyong pampangasiwaan mismo ang Skopje , na nakahati sa sampung bayan na bahaging bumubuo sa rehiyong pang - estadistika ng Skopje.
Ang Batas Skopje ang namamahala sa organisasyong pampangasiwaan ng Skopje bilang isang dibisyong pampangasiwaan sa Masedonya.
Mula 1976 hanggang 1996 , inorganisa ang Skopje bilang isang hiwalay na pamayanang sosyo - pampolitika na binubuo lamang ng limang bayan : ang Gazi Baba , Karpos , Kisela Voda , Centar and Cair.
Noong 1996 , inilikha ang dalawa pang bayan : ang Suto Orizari and Gjorce Petrov , sa ilalim ng isang Skopje na binigyan ng katuturan bilang isang hiwalay na yunit ng sariling pamahalaan.
Itinalaga noong 2004 ang kasalukuyang anyo ng Skopje , na may 10 bayang bumubuo dito.
Direktang ihinahalal ang alkalde ng Skopje.
Kasalukuyang nanunungkulan si Koce Trajanovski bilang alkalde , na inihalal noong Abril 2009.
Matematika
Ang matematika o sipnayan ( Aleman : Mathematik , Pranses : mathematiques , Ingles : mathematics , Kastila , Portuges : matematica ) ang pag - aaral ng kantidad , espasyo , estraktura at pagbabago.
Ang mga matematiko na nag - aaral ng matematika ay naghahanap ng mga paterno ( patterns ) at isinasa - pormula ang mga bagong konhektura.
Ang mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga matematiko sa balidad nito.
Ang pagsasaliksik na kinakailangan upang lumutas ng mga problemang matematikal ay maaaring tumagal ng mga taon o kahit mga siglo ng patuloy na pagsisiyasat.
Gayunpaman , ang mga matematikal na pagpapatunay ay mas hindi pormal at nakakapagod kesa sa mga patunay sa matematikal na lohika.
Simula ng pasimulang akda ni Guiseppe Peano , David Hilbert at iba pa sa mga aksiomatikong mga sistema sa huli ng ika - 19 na siglo , naging kaugalian na tingnan ang pagsasaliksik matematikal na nagtatatag ng katotohanan sa pamamagitan ng mahigpit na deduksiyon mula sa angkop na napiling mga aksioma at depinisyon.
Kapag ang mga matematikal na istrakturang ito ay mabuting mga modelo ng tunay na penomena , kung gayon ang pangangatwirang matematikal ay kalimitang makapagbibigay ng kabatiran o mga prediksiyon.
Sa pamamagitan ng paggamit ng abstraksiyon at lohikal na pangangatwiran , ang matematika ay nabuo mula sa pagbibilang , pagkukwenta , pagsukat at sa sistematikong pag - aaral ng mga hugis at mosyon ng mga pisikal na obhekto.
Ang praktikal na matematika ay naging gawain ng tao mula pa sa pag - iral ng isinusulat na rekord.
Ang mga mahigpit na argumento ay unang lumitaw sa Griyegong matematika na ang pinakilala dito ang Mga Elemento ni Euclid.
Ang matematika ay nabuo sa relatibong mabagal na hakbang hanggang sa Renaissance nang ang mga matematikal na inobasyon na nakikipag - ugnayan sa mga bagong siyentipikong pagkakatuklas ay nagdulot ng mabilis na pagtaas sa bilis ng mga pagkakatuklas matematikal na nagpapatuloy sa kasalukuyang panahon.
Sinabi ni Galileo Galilei na " ang uniberso ay hindi mababasa hanggang sa matutunan natin ang wika at maging pamilyar sa mga karakter na isinulat dito.
Ito ay isinulat sa wikang matematikal at ang mga letra ang tatsulok , bilog at iba pang mga heometrikal na pigura na kung wala ang mga ito ay hindi posible sa tao na maunawaan ang isang salita.
Kung wala ng mga ito , ang isa ay pagala - gala sa isang madilim na labirinto ".
Tinawag ng matematikong si Benjamin Peirce ang matematika na " agham na humuhugot ng mga kinakailangang konklusyon ".
Sinaad naman ni David Hilbert tungkol sa matematika na " Hindi tayo nagsasalita rito ng pagiging arbitraryo sa anumang kahulugan.