text
stringlengths
0
7.5k
Ang ikalawang lehislatura ay minsang binubuo rin ng kaparehong mga tao na nagsakdal sa pinaratangan , subalit hindi naman kung minsan.
Te Deum
Ang Te Deum ( na nakikilala rin bilang Himnong Ambrosiano o Isang Awitin ng Simbahan ) ay isang himno ng papuri ng sinaunang mga Kristiyano.
Ang pamagat ay kinuha magmula sa pambungad nitong mga salitang Latin na Te Deum laudamus , na may kahulugang " Ikaw , O Diyos , pinupuri namin ".
Ang himno ay nananataling ginagamit nang regular sa Simbahang Katoliko sa loob ng Tanggapan ng mga Pagbasa na matatagpuan sa Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon , at bilang pagpapasalamat sa Diyos dahil sa isang natatanging pagpapala na katulad ng paghalal ng isang papa , ang konsekrasyon ng isang obispo , ang kanonisasyon ng isang santo , isang propesyong relihiyoso , ang paglalathala ng isang tratado ng kapayapaan , isang koronasyong maharlika , atbp.
Inaawit ito tuwing pagkatapos ng Misa o ng Tanggapang Banal o bilang isang nakabukod na seremonyang panrelihiyon.
Ang himno ay nananatali pa ring ginagamit sa Komunyong Anglikano at ilang mga Simbahang Lutherano sa kahalintulad na mga tagpuan.
Sa tradisyunal na Tanggapan ( Opisina ) , ang Te Deum ay inaawit sa hulihan ng Matins sa lahat ng mga araw kapag binabanggit ang Gloria sa Misa ; ang mga araw na ito ay ang lahat ng mga araw ng Linggo na nasa labas ng Adbiyento , Septuagesima , Mahal na Araw , at Passiontide ; sa lahat ng mga kapistahan ( maliban sa Triduum ) at sa lahat ng mga perya tuwing Eastertide.
Bago sumapit ang mga reporma noong 1962 , kapwa hindi sinasambit ang Gloria at ang Te Deum sa pista ng Mga Inosenteng Banal , maliban laban kapag bumagsak ito sa araw ng Linggo , dahil naging martir sila bago ang kamatayan ni Kristo at kung gayon ay hindi kaagad makapagkakamit ng pananaw na beatipiko.
Ang isang indulhensiyang plenaryo ay iginagawad , sa ilalim ng karaniwang mga kalagayan , sa mga bumibigkas nito sa publiko tuwing Bisperas ng Bagong Taon.
Sa Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon ni Papa Pablo VI , ang Te Deum ay inawit sa hulihan ng Tanggapan ng mga Pagbasa sa lahat ng mga Linggo maliban na lamang sa nasa Kuwaresma , sa lahat ng mga seremonya ng kataimtiman , kabilang na ang mga oktabo ng Pasko ng Pagkabuhay at ng Pasko , at sa lahat ng mga kapistahan.
Ginagamit din ito sa piling ng pamantayang mga kantikulo na nasa loob ng Panalangin sa Umaga ayon sa pag - aatas ng Angglikanong Aklat ng Karaniwang Panalangin , sa loob ng Matins para sa mga Lutherano , at pinanatili ng maraming iba pang mga simbahan na nasa tradisyon ng mga Repormado.
Isang bahagi ng pagtatakda ng Te Deum na ginawa ni Marc - Antoine Charpentier ay ang antem o awit ng Eurovision.
Ang preludo o pambungad na instrumental ay pinatugtog sa pagbubukas , mga interbal at pagsasara o pagwawakas ng palabas.
Paghahambing ng mga sistemang pang - ekonomiya
Ang pagpaparis o paghahambing ng mga sistemang pang - ekonomiya ( Ingles : comparative economic systems ) ay ang kabahaging larangan ng ekonomiks na humaharap sa pag - aaral na naghahambing ng iba 't ibang mga sistema ng organisasyon na pang - ekonomiya , katulad ng kapitalismo , sosyalismo , peudalismo at ng ekonomiyang magkahalo.
Kung gayon , ang ekonomiks na komparatibo ay pangunahing binubuo ng pagsusuri ng paghahambing - hambing ng mga sistemang pang - ekonomiya bago ang taon ng 1989 subalit lumipat nang malakihan ang pagpupunyagi nito sa paghahambing ng mga epektong pang - ekonomiya ng karanasan ng paglilipat magmula sa sosyalismo hanggang kapitalismo.
Ang pag - aaral na pampaghahambing ng mga sistema ng ekonomiks ay may kahalagahang praktikal at pampolitika noong panahon ng Digmaang Malamig , kapag ang kaukulang kagalingan o kabutihan ng mga sistemang kapitalista at komunista ng organisasyon o pagsasaayos na pang - ekonomiya at pampolitika ay isang pangunahing paksa na pampagsasaalang - alang na pampolitika.
Isa sa pinaka importanteng maagang mga kontribusyon ay ang debate ng pagkakalkula hinggil sa pagbibigay ng diin o asersiyon ni Ludwig von Mises na ang isang sistema ng pangunahing pagpaplano ay hindi magaganap dahil sa ang impormasyong nalilikha ng isang sistema ng presyo ay hindi kailanman makukuha ng mga nagpaplano.
Ang isang tugon ay ang pagtangkilik at bahagiang pagpapatupad ng mga sistema ng sosyalismong pampamilihan ( sosyalismong pangmerkado ).
Dahil sa pagbagsak ng Komunismo , ang pagtutuon ng pansin ay lumipat sa mga suliranin ng mga ekonomiya ng transisyon.
Sa piling ng sandakot na mga hindi pagsasali , ang lahat ng pangkasalukuyang mga sistemang umiiral ay mayroong oryentasyon o diwa ng kapitalismo , bagaman ang karamihan ng gampaning pang - ekonomiya ng estado ay sumusuporta sa panghaliling pananaw na ang ekonomiyang magkahalo ay lumitaw bilang nangingibabaw na anyo ng mga kaayusan o organisasyong pang - ekonomiya.
Kahit na sa loob ng kawalan ng maraming mga pagkakaiba sa pagitan ng mga bansa , ang mapaghambing na pag - aaral ng mga sistemang pang - ekonomiya ng mga paglalagak o paglalagay ng nakukuhang mga bagay ay talagang mahalaga sa paglalarawan ng mga kahihinatnan ng pamalit na mga metodo ng alokasyon ng rekurso , kasama na ang mga pamilihan , mga kabahayan , sentralisadong alokasyon at kostumbre.
Wikipedia : Kasalukuyang pangyayari / 2014 Hulyo 13
Ang Shim Jung
Ang Ang Shim Jung ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.
Salansanan ng tubong pangsubok
Ang salansanan ng tubong pangsubok o salalayan ng pangsubok na tubo ay ang estante , paminggalan , banggera ( katulad ng pamingganan o labangan ) na nagsisilbing patungan ng ginagamit o tauban ng hindi pa ginagamit na mga tubong pangsubok.
Maaaring yari ito sa kahoy o metal na nababalutan ng matigas na plastiko.
Calabarzon
Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawigan : Cavite , Laguna , Batangas , Rizal at Quezon.
Ang mga lalawigan na ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV - A na nasa pangunahing isla ng Luzon.
Ito ang acronym ng mga nabanggit na mga lalawigan.
Ang rehiyon na ito ay nasa Timog - kanlurang Luzon , timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila , at pumapangalawa sa pinaka - mataong rehiyon.
Ang CALABARZON at MIMAROPA kasama ang lalawigan na Aurora ay dating magkasama bilang Timog Katagalugan hanggang ito ay paghiwalayin sa bisa ng Executive Order No.103 , noong ika - 17 ng Mayo 2002.
Sa bisa ng Executive Order No. 246 , na nilagdaan noong ika - 28 ng Oktubre 2003 , ang Lungsod ng Calamba ay itinalagang sentrong pang - rehiyon ng CALABARZON.
1 Ang Lungsod ng Lucena ay isang mataas na urbanisadong lungsod ; ang mga numero ay nakahiwalay sa Lalawigan ng Quezon.
Rugrats
Ang Rugrats ay isang pambatang animadong serye sa telebisyon na ipinalabas sa Nickelodeon bilang Nicktoons nagsimula noong 1991.
Ang bida dito ay limang mga sanggol at isang bata , Tommy Pickles , Chuckie Finster , Angelica Pickles and the twins Phillip ( Phil ) and Lillian ( Lil ) Deville , at ang kanilang misadventures at imahinasyon na nagaganap habang infancy ay ipinakita ng palabas.
Noong ikalawang season , pinakilala na si Susie Carmichael ang batang kaibigan nila.
Pinakita rin ang mga magulang ni Tommy na ang tatay niya ay imbentor at ang tito niya ang tatay ni Angelica.
Katipunan ng mga Karapatan
Ang Katipunan ng mga Karapatan ( Ingles : Bill of Rights ) ay ang kalipunan , talaan , o buod ng mga karapatang naaayon sa batas.
Maaari itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao.
Isang halimbawa nito ay ang unang sampung susog ( pagbabago ) sa Konstitusyon ng Estados Unidos , na ipinagtibay noong 1791 at naggagarantiya ( sumasagot o nangangako ) ng ganyang mga karapatan katulad ng mga kalayaan sa pagsasalita , pagpupulong , at pagsamba.
Isa pang halimbawa ay ang kasunduang pangkonstitusyon ng Inglatera noong 1689 , na kumumpirma o tumiyak sa deposisyon ( pagkatanggal sa tungkulin ) ni Haring James II ng Inglatera at ang aksesyon ( pagtatalaga sa tungkulin o trono ) nina William at Mary ng Inglatera , na gumarantiya sa paghahalilihang Protestante , at ang paglalatag o pagtatalaga ng mga prinsipyo ng supremasya o pangingibabaw na parlamentaryo.
Lalawigan ng Oriente , Cundinamarca
Ang Oriente ay isa sa mga 15 lalawigan ng Departamento ng Cundinamarca , Colombia.
Puerto Rivas Ibaba
Ang Puerto Rivas Ibaba ay isang ikalawang distritong barangay sa lungsod ng Balanga , Bataan sa Pilipinas.
Wikang Enu
Ang wikang Enu ay isang wikang sinsalita sa Tsina.
Pisyolohiya
Ang pisyolohiya ( Ingles : physiology ) ay ang pag - aaral ng galaw at tungkulin ng bawat bahagi ng pangangatawan.
Ito ay sangay ng biyolohiya ( biology ).
Kadalasan itong pinag - aaralan kasabay ng anatomiya na siya namang pag - aaral hinggil sa bahagi ng pangangatawan.
Christopher Mordetzky
Si Christopher Mordetzky ( ipinanganak 8 Enero 1983 sa Sta.
Monica , California ) , mas kilala sa kaniyang pangalang pangmanananghal na Chris Masters , ay isang mambubunong propesyunal na nanananghal para sa tatak RAW ng World Wrestling Entertainment.
Siya ay isa sa mga mambubuno na pumunta dito sa Pilipinas noong 24 Pebrero 2006 at 25 Pebrero 2006 para sa WWE RAW Live Tour in Manila.
Homoseksuwalidad
Ang homoseksuwalidad o homosekswalidad ay romantikong atraksiyon , atraksiyong seksuwal o gawaing seksuwal sa mga kasapi ng magkatulad na kasarian.
Ito ay bahagi ng katangian o katauhan ng isang tao.
Bilang isang seksuwal na orientasyon , tumutukoy ang homoseksuwalidad sa " permanenteng pagnanais na makaranas ng seksuwal , magiliw , o romantikong atraksiyon " pangunahin o natatangi sa mga taong katulad na kasarian.
" Tumutukoy din ito sa pagkakakilanlang pampersonal o panlipunan batay sa mga nabanggit na atraksiyon , mga kilos na ipinapakita nila , at sa pagsanib sa komunidad kung saan sila kabahagi.
".
Isa ang homoseksuwalidad sa tatlong pangunahing kaurian ng oryentasyong seksuwal , kasama nang biseksuwalidad at heteroseksuwalidad.
Ayon sa mga siyentipiko at sa pagkakaunawang medikal , ang oryentasyong seksuwal ay hindi pinipili , bagkus ay isang komplikadong pagsasama ng mga dahilang biolohikal at pangkapaligiran.
Bagamat mayroon pa rin naniniwala na ang mga gawaing homoseksuwal ay " hindi natural " o " dispunksiyunal " , ipinapakita ng mga pagsasaliksik na ang homoseksuwalidad ay isang halimbawa ng normal at natural na kaurian ng seksuwalidad ng tao at hindi ng isang epekto ng negatibong pag - iisip.
Ang panghuhusga at diskriminasyon laban sa mga taong homoseksuwal at biseksuwal ( homophobia ) gayunman ay nagpapakita ng isang malaking epekto pang - silohikal , at mas lalong nakasisira sa mga batang homoseksuwal at biseksuwal.
Pinakatalamak na salitang ginagamit sa mga taong homoseksuwal ang lesbyan o tomboy para sa mga babae at bakla o beki para sa mga lalaki.
Ang bilang ng tao na nagsasabi na sila ay bakla o lesbyan at ang bilang ng taong may karanasang seksuwal sa katulad na kasarian ay mahirap sukatin para sa mga mananaliksik dahil sa iba 't ibang mga kadahilanan , kabilang na ang maraming mga bakla ang hindi bukas sa paglaladlad dahil sa resulta ng homophobia at diskriminasyong heteroseksismo.
Ang mga kilos homoseksuwal ay naidokumento at naitala rin sa maraming espesye ng hayop.
Maraming mga bakla at lesbiyana ang tapat sa mga ugnayan ng magkatulad na kasarian , subalit kamakailan lamang nagkaroon ng mga uri ng senso at kaisipang pampolitika na magsasagawa upang ipakita ang kanilang hanay.
Nagmula ang salitang homoseksuwal sa pinagsamang salitang Griyego at Latino , na ang unang bahagi ay hango sa Griyegong salita na omos homos , ' katulad ' ( hindi kaugnay ng homo sa Latino , na nangangahulugang ' tao ' , gaya ng sa Homo sapiens ) , kaya nangangahulugang mga kilos seksuwal at pag - ibig sa pagitan ng dalawang kasapi ng magkatulad na kasarian , kasama na ang lesbyanismo.
Natagpuan ang pinakaunang alam na nailimbag na homoseksuwal sa isang polyetong Aleman noong 1869 ng isang Austriyanong nobelista na si Karl - Maria Kertbeny , at hindi alam kung sino ang naglimbag , na naglalaman ng pagkukundena laban sa batas kontra sodomya ng Prusya.
Noong 1879 , ginamit ni Gustav Jager ang katawagan ni Kertbeny sa kanyang aklat na Discovery of the Soul ( 1880 ).
Noong 1886 , ginamit ni Richard von Krafft - Ebing ang katawagang homoseksuwal at heteroseksuwal sa kanyang aklat na Psychopathia Sexualis , na maaaring hiniram niya kay Jager.
Naging tanyag ang aklat ni Kraff - Ebing sa mga karaniwang tao at mga manggagamot ( doktor ) at ang mga terminong " heteroseksuwal " at " homoseksuwal " ay ang pinakalaganap na ginagamit na termino para sa oryentasyong seksuwal.
Sa mga bansang gumagamit ng Ingles , karaniwan at katanggap - tanggap ang salitang " gay " upang tukuyin ang isang homoseksuwal.
Sa Pilipinas , " bakla " ' ang karaniwang katumbas ng homoseksuwal , ngunit sumasakop din ang salitang ito sa ibang oryentasyon seksuwal na sa istriktong kahulugan ng salitang homoseksuwal ( na eksklusibong atraksiyon sa katulad na kasarian ) ay hindi kabilang dito.
Kabilang sa tinatawag na bakla ang mga biseksuwal ( silahis ) , transeksuwal , mga kilos babae , at minsan ay ang mga malamya kumilos.
Tumutukoy sa taong may magkatulad na atraksiyon sa parehong babae at lalaki ang biseksuwal.
Samantala , transeksuwal ang tawag sa mga taong tinuturing ang kanilang sarili na kabaligtad ng kanilang kasarian.
Ang oryentasyong seksuwal ay nararamdamang atraksiyong sekswal samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian ay paghahayag ng nararamdamang kasarian na kinabibilangan.
Bukod sa salitang bakla , ang mga binabae ( babaeng kumilos ) na kinabibilangan ng mga transeksuwal at nagdadamit babae ( crossdresser ) ay tinatawag ding " binabae " , " bading " , " siyoke " , " sirena " , " beki " at iba pa.
Ang mga bakla naman na kumikilos lalake ay tinatawag na " paminta " mula sa pa - men o pa - min na nangangahulugang " nagpapakalalake ".
Ang tomboy na iba ang kahulugan sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos ay ginagamit sa Pilipinas para sa mga lesbiyana o mga babaeng may atraksiyon sa kapwa babae at sa mga lalaking transkekswal ( ipinanganak na babae ).
Ang pagtingin ng lipunan tungo sa kaugnayan ng magkatulad na kasarian ay iba - iba ayon sa panahon at lugar , mula sa ang lahat ay inaasahang magkaroon ng kaugnayan sa katulad na kasarian , sa kaswal na pakikisama , sa pagtanggap ng lipunan , hanggang sa pagtingin dito bilang isang maliit na kasalanan , at pagtuligsa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga batas at mga mekanismong panghusga , at paglalagay nito sa parusang kamatayan.
Bagaman madalas na hindi pinapansin o sinusugpo ng mga mangagalugad na mga Europeo at mga kolonyalista , ang mga pagpapahiwatig homoseksuwal sa mga katutubong Aprika ay buhay at mayroong iba 't ibang uri.
Inulat ng mga Antropologong sina Stephen Murray and Will Roscoe ang mga babae sa Lesotho ay pumapasok sa tanggap ng pamayanang " relasyong erotiko " , na tinatawag na motsoalle.
Naitala din ni E. E. Evans - Pritchard na ang mga lalaking mandirigma na Azande sa hilagang Congo ay palaging kumukuha ng mga batang lalaking mangingibig na may gulang na labindalawa at dalawampu.
Ang kaugaliang ito ay nawala noong unang bahagi ng ika - 20 dantaon pagkatapos mapasailalim ng mga Europeo ang mga bansa sa Aprika.
Sa mga katutubong tao sa kontinente ng Amerika bago pa ang pagdating ng mga Europeo , ang isang uri ng seksuwalidad ay nasa katauhan ng isang taong tinatawag na Dalawang Kaluluwang Tao.
Kadalasan ang mga taong ito ay inaalam na sa pagkabata pa lamang , at binibigyan sila ng kanilang mga magulang na pumili na sundin ang daang kanilang tatahakin at , kung tanggapin ng bata ang papel ng isang Dalawang Kaluluwang tao , siya ay papalakihin sa tamang pamamaraan , at tuturuan ng mga kaugalian ng napili niyang kasarian.
Kadalasang mga pantas ( shaman ) ang mga taong may dalawang kaluluwa at ginagalang sapagkat sila ay nagtataglay ng higit na kapangyarihan kaysa sa mga pangkaraniwang mga pantas.
Ang mga karaniwang kasapi ng pangkat nila na may katulad na kasarian ang kasama nila sa buhay seksuwal.
Karaniwan din ang mga homoseksuwal at transgender na tao sa mga kabihasnan sa Amerikang Latino bago pa sila nasakop ng mga Kastila , gaya ng mga Aztec , Kabihasnang Maya , Quechuas , Moches , Zapotec , at ang mga Tupinamba ng Brasil.
Nagulantang ang mga mananakop na Kastila sa kanilang natuklasang sodomya na harapang ginagawa ng mga katutubong mamamayan , at sinubukang puksain ang mga berdache ( ang tawag ng mga Kastila sa mga taong dalawang kaluluwa ) sa pamamagitan ng pagmumulta , eksekyusyon sa harap ng publiko , pagsunog at pagpapakagat sa mga aso.