text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ito ang sentro ng politika , ekonomiya , kultura , transportasyon , at ng edukasyon para sa mga taga - Timog Korea.
|
Ito rin ang pinakamatandang lungsod sa bansa , at ang kanyang kasaysayan ay nagsimula pa noong 18 BC. ang Dinastiyang Goryeo ay nagtayo ng palasyo sa Seoul , na tinatawag noong " Kabisera ng Katimugan ".
|
Hindi lumaon , ginawa rin ng Dinastiyang Joseon ang Seoul bilang kanilang kabisera.
|
Ito pa rin ang naging kabisera kahit noong panahon ng panahong sinakop ng mga Hapon ang Korea noong 1910 hanggang 1945.
|
Ngayon , tinatagurian ang Seoul bing isa sa mga nangungunang pandaigdigang lungsod , na nagbunga mula sa mabilisang paglago ng ekonomiya nito na tinatawag na Himala sa Ilog Han kung saan mula sa guho ng Digmaang Koreano ito ay naging ikaapat sa pinakamalaking ekonomiyang panglungsod na may GDP na US $ 774 bilyon.
|
Dito din matatagpuan ang isa sa mga nangungunang sentro ng teknolohiya sa distrito ng Gangnam at Digital Media City , at dito din matatagpuan ang mga nangungunang mga kumpaniya sa larangan ng teknolohiya tulad ng Samsung at LG , at ang kumpaniya ng sasakyan na Hyundai - Kia.
|
Ang Seoul din ang kinikilala bilang lungsod na may pinakamaraming nakakonekta sa Internet at isa sa mga nangunguna sa kahandaan sa teknolohiya sa ulat na Cities of Opportunity ng PWC.
|
Binansagan din ang lungsod na ito bilang isa sa mga may pinakamainam na imprastraktura ng transportasyon sa buong Hilagang Hating - globo , kung saan kasama dito ang Seoul Subway na pinakamalaking sistema ng subway sa mundo , na binansagan ding pinakamainam na subway sa mundo ng Jalopnik.
|
Sa Seoul din ginanap ang Palarong Asyano ng 1986 , Olimpiko sa Tag - inig 1988 , Fifa World Cup 2002 at ang G - 20 Seoul summit ng 2010.
|
Kilala ang lungsod na ito sa nakaraan sa mga pangan na Wirye - seong ( wi rye seong / Wei Li Cheng , noong panahong Baekje ) , Hanju ( han ju / Han Zhou , noong panahong Silla ) , Namgyeong ( nam gyeong / Nan Jing , noong panahong Goryeo ) , Hanseong ( han seong / Han Cheng , noong panahon ng Baekje at Joseon ) , Hanyang ( han yang / Han Yang , noong panahng Joseon ) , Gyeongseong ( gyeong seong / Jing Cheng , noong panahon ng kolonyalismo ).
|
Ang kasalukuyang pangalan nito ay hango sa salitang Koreano na nangangahulugang " Kabiserang Lungsod " na pinaniniwalaang nagmula sa salitang Seorabeol ( seo ra beol / Xu Luo Fa ) , na orihinal na tumutukoy sa Gyeongju , kabisera ng Silla.
|
Hindi tulad ng ibang mga lungsod sa Korea , walang katumbas na Hanja ( sulat Intsik na ginagamit sa wikang Koreano ).
|
Noong 18 Enero , 2005 , napagpasyahan ng pamahalaang Seoul na palitan ang opisyal na pangalang Intsik nito sa Shou 'er ( payak na Intsik : Shou Er ; tradisyunal na Intsik : Shou Er ; pinyin : shou 'er ) mula sa makasaysayang Hancheng ( simplified Chinese : Yi Cheng ; traditional Chinese : Han Cheng ; pinyin : hancheng ).
|
Noong 4000 BC dumating ang mga unang tao na nanirahan sa gilid ng Ilog Han.
|
Unang naitala ang Seoul bilang Wiryeseong , kabisera ng Baekje sa hilagang - silangang Seoul.
|
May mga pader na itinayo upang paligiran ang mga lungsod , at ilan sa mga ito ay nananatili p rin sa kasalukuyan.
|
Ang isa sa mga ito , ang Pungnaptoseong , na yari sa lupa at matatagpuan sa labas lamang ng Seoul , ay sinasabing nasa lugar mismo ng Wiryeseong.
|
Noong ika - 11 siglo , ang Goryeo , na humalili sa napagkaisang Silla , ay nagpatayo ng palasyong pang - tag - init sa Seoul , na siyang binansagan bilang " Kabisera sa Katimugan ".
|
Nito lamang sa mga panahong ito na lumaki ang Seoul.
|
Noong humalili naman ang Joseon , ang kabisera ay nilipat sa Seoul , kung saan ito ay nanatili hanggang sa pagbagsak ng dinastiya.
|
Ang Palasyo ng Gyeongbok na itinayo noong ika - 14 siglo ay nanatiling tirahan ng hari hanggang 1592.
|
Ang isa pang malaking palasyo , ang Changdeokgung , ay itinayo noong 1405 at nagsilbing pangunahing tirahanng hari mula 1611 hanggang 1872.
|
Napapalibutan ang lungsod ng napakalaking pader para protektahan ang mga nakatira rito mula sa mga mababangis na hayop , mga masasamang loob at mga pag - atake.
|
Ngunit ang paglago ng lungsod ay lumagpas sa mga pader at bagaman hindi na nakatayo ang malaking bahagi nito , nananatili pa rin ang ilang mga pintuang - bayan sa sentrong Seoul , kabilang na dito ang Sugneymun ( o Namdaemun ) at Honginjimun ( o Dongdaemun ).
|
Noong panahon ng dinastiyang Joseon , ang mga pintuang - bayang ito ay binubukas at sinasara bawat araw , na sinasamahan ng pagtunog ng malalaking kampana sa Kampanaryong Bodingak.
|
Noong mga huling bahagi ng ika - 19 siglo , matapos ang ilang daang taong pagsasara , muling binukas ng Seoul ang mga pintuang - bayan nito upang muling makipag - ugnay sa labas at dito nagsimula ang kaniyang modernisasyon.
|
Ang Seoul ang kauna - unahang lungsod sa Silangang Asya na nagkaroon ng elektrisidad sa mga palasyo nito na kinabit ng Edison Illuminating COmpany , at makalipas ang ilang dekada kinabitan ang mga daanan nito ng mga posteng ilaw na de - kuryente.
|
Tripleng Diyos
|
Ang isang tripleng diyos ( minsang tinutukoy na makatatlo , triniple , tinatlo , pinagtatlo , triplikado , tripartido , triune , triadiko o bilang trinidad ) ay isang diyos na nauugnay sa bilang na tatlo.
|
Ang gayong mga diyos ay karaniwan sa buong daigdig ng mitolohiya.
|
Itinuring ni Carl Jung ang pagkakaayos ng mga diyos sa triplet bilang arketipo sa kasaysayan ng relihiyon.
|
Kalinangang tanyag
|
Ang kalinangang tanyag ( Ingles : popular culture , pop culture ) , na tinatawag ding kalinangang bantog , kulturang popular , kulturang tanyag , kulturang bantog , kalinangang kinakatigan , o kulturang kilala , ay ang kabuuan ng mga ideya , mga pananaw , mga saloobin , mga meme , mga imahe , at iba pang mga penomeno na winawaring pinipili at tinatangkilik ayon sa isang impormal na konsensus sa loob ng pangunahing agos ng isang ibinigay na kalinangan , natatangi na ang sa kalinangang Kanluranin ng maaga hanggang kalagitnaan ng ika - 20 daanton at ng lumilitaw at bumabangong pangunahing global na pangunahing daloy ng kultura noong hulihan ng ika - 20 daantaon at kaagahan ng ika - 21 daantaon.
|
Ang kalipunang ito ng mga ideya , na mabigat na naimpluwensiyahan ng masa ng midya , ay tumatagos at lumalagpas sa pang - araw - araw na buhay ng lipunan.
|
Ang kalinangang tanyag ay kadalasang tinatanaw bilang pangkaraniwan at may kababaan ng antas ( sa diwang " bakya " o hindi mataas ang uri ) upang makahanap ng konsensuwal na pagtanggap sa kahabaan ng pangunahing daloy ng isang kultura.
|
Bilang kinalabasan , sumailalim ito sa mabigat na kritisismo o pagbatikos ng sari - saring mga napakukunang wala sa pangunahing daloy ng kultura ( higit na ang mga pangkat na panrelihiyon at mga pangkat na kontra - kultura ) na humahatol dito bilang superpisyal , konsumerista , sensasyonalista , at may katangian ng korupsiyon o kabulukan.
|
Ang katagang " kulturang popular " ay unang naimbento noong ika - 19 daantaon o mas maaga pa upang tumukoy sa edukasyon at pangkalahatang " kakalinangan " o " kakulturahan " ng mga taong nasa mas mababang antas ng lipunan.
|
Lumitaw rin ito isang talumpating ipinahayag sa Bulwagang Pambayan ng Birmingham sa Inglatera.
|
Ang kataga ay nagsimulang kuhanin at ariin ang kahulugan na bilang isang kalinangan ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan na nakahiwalay mula sa ( at paminsan - minsang laban sa ) tinataguriang " tunay na edukasyon " hanggang sa pagsapit ng hulihan ng daantaong iyon , isang paggamit na naging naitatag ng kapanahunang nasa pagitan ng mga digmaan.
|
Ang pangkasalukuyang kahulugan ng kataga , isang kulturang para sa pagkonsumo ng masa o madla , iyong natatanging nagsimula sa Estados Unidos , ay nailunsad at tumatag sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
|
Sa gawi sa wikang Ingles , ang popular culture ay pinaiiksi bilang pop culture o " kulturang pop " at " kalinangang pop " , at ang naunang paggamit ay maipepetsang nasa dekada 1960.
|
Bansang komunista
|
Ang isang komunistang bansa ay isang bansang malaya na may pamahalaan na kinakikitaan ng nag - iisang partido o may nangingibabaw na partido ng isang partidong komunista at kakikitaan din ng pagsunod sa mga ideolohiya at alituntunin ng mga kaisipang pang - komunista bilang isang kaisipang gumagabay sa bansa.
|
Kyrgyzstan
|
Ang Kyrgyzstan ( bigkas : / kur * gi * stan / ) ay isang bansa sa Gitnang Asya.
|
Nahahati ang Kirgistan sa pitong mga lalawigan ( sing. oblast ( oblast' ) , pl. oblasttar ( oblasttar ) ) na pinamumunuan ng mga tinalagang mga gubernador.
|
Ang kabiserang lungsod , Bishkek , at ang ikalawang pinakamalaking lungsod na Osh ay mga lungsod na may kapantay na estado gaya ng mga lalawigan.
|
Ang mga lalawigan , at mga independenteng lungsod ay ang sumusunod :.
|
Binubuo ang mga lalawigan ng mga distrito ( mga raion ) , na pinamamahalaan ng mga tinalagang mga opisyal ( akim ).
|
Ang mga pamayanang rural o mga nayon ( ayil okmotu ) , ay binubuo ng 20 maliliit na settlements , at mayroon silang mga halal na alkalde at mga konsehal.
|
Tinatayang nasa 5.2 milyon ang populasyon ng noong 2007.
|
34.4 % ng mga iyon ay nasa gulang na 15 at 6.2 % naman ay nasa mahigit 65 na taong gulang.
|
Isang bansang rural ang Kirgistan : Isang katlo ng populasyon lamang ang nakatira sa mga pook urban.
|
Karaniwang 25 katao ang densidad ng bansa bawat km2.
|
Pinakamalaking pangkat etniko ang mga Kirgis , isang pangkat ng mga Turko , na bumubuo sa 69 % ng tinatayang populasyon noong 2007.
|
Ang iba pang pagkat etniko ay ang mga Ruso ( 9.0 % ) na nakatipon sa hilaga at ang mga Uzbek ( 14.5 % ) na nakatira naman sa timog.
|
Bini
|
Ang bini , hinhin , yumi , mababang - loob , pakumbaba , hiya , o kimi ( Ingles : modesty ) ay pamantayang kasama sa mga aspeto ng kultura ng isang bansa o mga tao , na nasa isang ibinigay na kapanahunan , at isang sukatan ng paghahatol o paghuhusga sa isang indibiduwal ng isang lipunan.
|
Maaaring maipadama ang pagkamahinhin , kahinhinan , pagiging mahinhin , kabinian , kabinihan , pagiging mabini , kayumian , pagiging mayumi , pagkamababang - loob , kababaang - loob , pagkamapagpakumbaba , kapakumbabaan , pagiging mapagkumbaba , pagkamahiyain , pagiging mahiyain , pagkakimi , pangingimi , kakimian , kaigihan , kainaman , katamtaman , katatagan , pagiging disente , kadisentehan , o pagiging hindi palalo sa interaksiyong panlipunan sa pamamagitan ng komunikasyon na may paraang nagpapamalas ng kaamuan ( kababaan ng loob ) , kaumiran ( pagkamahiyain ) , o pagkapayak ( simple , kasimplehan ).
|
Kabilang sa pangkalahatang mga elemento ng kabinian ang mga sumusunod :.
|
Ang pangalawang pagpapahayag ng kabinian , na nakahiwalay mula sa komunikasyon at pakikiharap na pantao , ay mas nakatuon sa pang - unawang panloob ng kahigitan o kalamangan at maaaring ipadama sa sumusunod na mga kaparaanan :.
|
Nangingibabaw sa plataporma ng lipunan ang kabinihang pangkatawan o pisikal.
|
Kung minsan , sinusubukan ng mga moda at pansamantalang mga uso ang limitasyon o hangganan ng mga pamantayan ng kabinihan ng pamayanan.
|
Ang mga tao ay maaaring malantad sa pamumuwersa ng mga kasamahang kauri , upang makibagay sa mga pamantayang pampamayanan o paghamak sa mga pamantayang ito.
|
Ang mga pamantayang pampamayanan ng kabinihan ay maaaring hatid ng isang pakiramdam ng pangingibabaw , na kaiba sa ilang mga kahulugan ng kabinihan.
|
Kabaligtaran ng kabinihan ang pagkamasagwa , kasagwaan , kagaslawan , pagkamahalay , kahalayan , kabastusan , malaswa , mahalay , bastos , kalanyaan , o hindi mahinhin.
|
Busca
|
Ang Busca ay isang comune sa lalawigan ng Cuneo sa bansang Italya.
|
Acceglio * Aisone * Alba * Albaretto della Torre * Alto * Argentera * Arguello * Bagnasco * Bagnolo Piemonte * Baldissero d 'Alba * Barbaresco * Barge * Barolo * Bastia Mondovi * Battifollo * Beinette * Bellino * Belvedere Langhe * Bene Vagienna * Benevello * Bergolo * Bernezzo * Bonvicino * Borgo San Dalmazzo * Borgomale * Bosia * Bossolasco * Boves * Bra * Briaglia * Briga Alta * Brondello * Brossasco * Busca * Camerana * Camo * Canale * Canosio * Caprauna * Caraglio * Caramagna Piemonte * Carde * Carru * Cartignano * Casalgrasso * Castagnito * Casteldelfino * Castellar * Castelletto Stura * Castelletto Uzzone * Castellinaldo * Castellino Tanaro * Castelmagno * Castelnuovo di Ceva * Castiglione Falletto * Castiglione Tinella * Castino * Cavallerleone * Cavallermaggiore * Celle di Macra * Centallo * Ceresole Alba * Cerretto Langhe * Cervasca * Cervere * Ceva * Cherasco * Chiusa di Pesio * Ciglie * Cissone * Clavesana * Corneliano d 'Alba * Cortemilia * Cossano Belbo * Costigliole Saluzzo * Cravanzana * Crissolo * Cuneo * Demonte * Diano d 'Alba * Dogliani * Dronero * Elva * Entracque * Envie * Farigliano * Faule * Feisoglio * Fossano * Frabosa Soprana * Frabosa Sottana * Frassino * Gaiola * Gambasca * Garessio * Genola * Gorzegno * Gottasecca * Govone * Grinzane Cavour * Guarene * Igliano * Isasca * La Morra * Lagnasco * Lequio Berria * Lequio Tanaro * Lesegno * Levice * Limone Piemonte * Lisio * Macra * Magliano Alfieri * Magliano Alpi * Mango * Manta * Marene * Margarita * Marmora * Marsaglia * Martiniana Po * Melle * Moiola * Mombarcaro * Mombasiglio * Monastero di Vasco * Monasterolo Casotto * Monasterolo di Savigliano * Monchiero * Mondovi * Monesiglio * Monforte d 'Alba * Montaldo Roero * Montaldo di Mondovi * Montanera * Montelupo Albese * Montemale di Cuneo * Monterosso Grana * Monteu Roero * Montezemolo * Monticello d 'Alba * Monta * Moretta * Morozzo * Murazzano * Murello * Narzole * Neive * Neviglie * Niella Belbo * Niella Tanaro * Novello * Nucetto * Oncino * Ormea * Ostana * Paesana * Pagno * Pamparato * Paroldo * Perletto * Perlo * Peveragno * Pezzolo Valle Uzzone * Pianfei * Piasco * Pietraporzio * Piobesi d 'Alba * Piozzo * Pocapaglia * Polonghera * Pontechianale * Pradleves * Prazzo * Priero * Priocca * Priola * Prunetto * Racconigi * Revello * Rifreddo * Rittana * Roaschia * Roascio * Robilante * Roburent * Rocca Ciglie * Rocca de ' Baldi * Roccabruna * Roccaforte Mondovi * Roccasparvera * Roccavione * Rocchetta Belbo * Roddi * Roddino * Rodello * Rossana * Ruffia * Sale San Giovanni * Sale delle Langhe * Saliceto * Salmour * Saluzzo * Sambuco * Sampeyre * San Benedetto Belbo * San Damiano Macra * San Michele Mondovi * Sanfront * Sanfre * Sant 'Albano Stura * Santa Vittoria d 'Alba * Santo Stefano Belbo * Santo Stefano Roero * Savigliano * Scagnello * Scarnafigi * Serralunga d 'Alba * Serravalle Langhe * Sinio * Somano * Sommariva Perno * Sommariva del Bosco * Stroppo * Tarantasca * Torre Bormida * Torre Mondovi * Torre San Giorgio * Torresina * Treiso * Trezzo Tinella * Trinita * Valdieri * Valgrana * Valloriate * Valmala * Venasca * Verduno * Vernante * Verzuolo * Vezza d 'Alba * Vicoforte * Vignolo * Villafalletto * Villanova Mondovi * Villanova Solaro * Villar San Costanzo * Vinadio * Viola * Vottignasco.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
Mao Zedong
|
Si Mao Zedong ( o Mao Tse - tung ) ( 26 Disyembre 1893 - 9 Setyembre 1976 ) , ay isang rebolusyonaryo at komunistang pinuno ng Tsina.
|
Siya ang pinuno ng Republikang Popular ng Tsina magmula nang itatag ito noong 1949 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1976.
|
Nagapi ni Mao , na isang Intsik na Han , ang isang hukbong makabansa para sa pagkontrol ng Tsina.
|
Karaniwan siyang tinutukoy bilang Chairman Mao ( " Tagapangulong Mao " ) sapagkat pinamunuan niya ang Republikang Popular ng Tsina bilang tagapangulo o chairman ng Partidong Komunista ng Tsina.
|
Ang kaniyang mga teoriyang Marxista - Leninista , mga estratehiyang militar at mga patakarang pampulitika ay magkakasamang nakikilala bilang Marxismo - Leninismo - Maoismo ( na madalas pinaiikli bilang Maoismo ) o Kaisipang Mao Zedong ( Kaisipang Mao Tse - tung ).
|
Mabukol na karamdaman ng bato
|
Ang polisistikong karamdaman ng bato , bukul - bukol na sakit ng bato , o mabukol na karamdaman ng bato ( PKD o PCKD sa pagdadaglat sa Ingles ng polycystic kidney disease ).
|
Kilala rin ito bilang polisistikong sindroma ng bato ( mula sa polycystic kidney syndrome ) ay isang henetikong sakit o kapansanang sistiko o mabukol ng mga bato.
|
Nagaganap ito sa mga tao at iba pang mga hayop.
|
Katangian ng sakit na ito ang pagkakaroon ng maraming mga bukol sa magkabilang mga bato , kaya 't tinatawag na " polycystic " o polisistiko ( " maraming bukol " ).
|
Napakarami ng mga bukol at naglalaman ng pluwidong sanhi ng malakihang pamamaga ng mga bato.
|
Lumilikha ang karamdamang ito ng buwig o kumpol ng mahahapding mga bukol sa bato.
|
Pagkaraan lumalaki o namamaga ang mga bato na kasinlaki ng bolang pangputbol , na hahantong paglaon sa hindi na paggana ng mga bato.
|
Nakapipinsala rin ang karamdamang ito sa atay , pankreas , at - bagaman bihira - maging sa puso at utak.
|
Napagkakaiba ang dalawang pangunahing anyo o uri ng polisistikong karamdaman sa bato sa pamamagitan ng kanilang mga padron o gawi sa pagkakamana.
|
Pagkakapon
|
Ang pagkakapon o kastrasyon ( Ingles : castration , gelding , spaying , neutering , fixing , orchiectomy , orchidectomy o oophorectomy ) ay anumang gawain na siruhikal o kemikal kung saan ang isang lalake ay nawawalan ng mga tungkulin ng testikulo o reseptor ng androheno.
|
Bagaman , ito ay karaniwan sa mga lalake , ito ay maaari ring tumukoy sa mga gawaing nag - aalis ng tungkulin ng obaryo sa babae.
|
Ang kastrasyon sa mga lalake ay maaaring isagawa sa dalawang paraan : ang surhikal na pag - aalis ng testikulo o pag - inom ng kemikal na antiandrogen na nagpipigil sa paggana ng mga reseptor ng androheno ( androgen receptor ) sa katawan ng isang lalaki.
|
Ang pagkakapon ay iba sa basektomiya.
|
Ang mga lalaking kinapon noong sinaunang panahon ay tinatawag na mga eunuko , o bating ( Ingles : castrated , eunuch , bigkas : / yu - nok / ; Kastila : eunuco ) Ito ay mga lalaking pisikal na inalisan ng testikulo ng bayag.
|
Sa sinaunang panahon , ang mga eunukio ay naging mahahalagang mga opisyal sa mga korte ng sinaunang mga hari.
|
Harold Godwinson
|
Si Harold Godwinson o Harold II ( Lumang Ingles : Harold Godwines sunu ; sirka 1022 - 14 Oktubre 1066 ) ay ang huling Anglo - Saksonong hari ng Inglatera bago ang Normanong Pananakop.
|
Naghari si Harold mula 5 Enero 1066 , hanggang sa kanyang pagkamatay sa Labanan ng Hastings noong 14 Oktubre ng taon ding iyon , habang nakikipaglaban sa mga manlulusob na Normano , na pinamumunuan ni William ang Mananakop.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.