text
stringlengths
0
7.5k
Apog
Ang apog o kabuyaw ( Ingles : lime o agricultural lime ) ay isang mineral na gamit sa paglilinang ng sakahang lupa .. Bago maging panghalo sa lupa , nagmumula ito sa pinulbos na mga batong - apog o kaya mula sa tisa.
Tinatawag din itong pirali at kalbida.
Apugan ang tawag sa pabrika o pagawaan ng mga apog.
Nangangahulugan din ang apugan ng kilos o galaw na paglalagay ng apog , na katumbas ng mag - apog.
Apugin naman ang ginagamit na salita para sa " paggawa ng apog " o " gawing apog ".
Mesiyas
Ang mesiyas ( Ebreo : mSHyKH , mashiah ; Kastila : mesias ) ay isang salitang Hebreo na may literal na ibig sabihing " ang pinagpahiran " ( ng langis ) o ang " isang napili ".
Sa teolohiya ng Hudaismo , ang mashiah o mesiyas ay tumutukoy sa isang hari ng Israel mula sa angkan ni David , na mamamahala sa mga pinagkaisang tribu ng Israel , at maglulunsad ng Panahong Mesiyaniko ng pandaigdigang kapayapaan.
Kabilang sa mga pangyayaring magaganap sa pagdating ng Hudyong mesiyas ayon sa mga skolar ng Hudaismo ang muling pagkakabuo ng sanhedrin at muling pagkakatipon ng mga Hudyo sa Israel na nagkalat sa buong mundo.
Ang mga natipon ay muling magbabalik sa pagsunod sa Torah at kautusan ni Moises.
Ayon din sa Hudaismo , ang mesiyas na Hudyo rin ang tanging binibigyan ng kapangyarihan na magtayong muli ng isang " pisikal " ( literal ) na Templo sa Herusalem na tinatawag na Ikatlong Templo.
Sa muling pagtatayong ito ng Templo sa Israel , ang mga paghahandog ng mga hayop ng Hudyo kay Yahweh ay muling mapapanumbalik.
Sa Hudaismo , ang mesiyas ay isa lamang ordinaryong tao na sumusunod sa Torah at hindi isang Diyos o isang Diyos na Anak ng Diyos.
Sa Kristyanismo , si Hesus ay itinuturing na mesiyas ( pinahiran o anointed ) ng Hudaismo na ipinadala ng Diyos upang iligtas ang kanyang mga disipulo sa malapit na paghuhukom na magaganap noong unang siglo CE .. Ang salitang hebreong mesiyas ay isinalin sa Griyegong " kristo " kaya karaniwang tinatawag si Hesus na " Hesu - Kristo " ( Jesus Christ ) dahil sa paniniwalang si Hesus ang mesiyas o kristo.
Upang patunayan ang pag - aangking ito ng pagiging mesiyas o kristo ni Hesus , ang mga manunulat ng Bagong Tipan ( Mateo , Marcos , Lucas , Juan ) ay humanap ng mga " hula " sa Tanakh ( Lumang Tipan ) at inihayag na ito ay katuparan ni Hesus.
Ang salin ng Tanakh na pinagsanggunian ( kinopya ) ng mga manunulat ng Bagong Tipan ang Grieygong Salin ng Tanakh na Septuagint.
Ayon din sa mga skolar , ang Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa wikang Griyego.
Ang mga Hudyo hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi tinatanggap ang Septuagint dahil sa korupsiyon nito.
Ayon sa apat na kanonikal na ebanghelyo ( Mateo , Marcos , Lucas , Juan ) , dahil sa pagtuturo ni Hesus ng mga utos na iba sa utos ni Moises na pinaniwalaang sugo ng mga Hudyo , si Hesus ay itinakwil ng mga Hudyo.
Bukod dito , ayon din sa Bagong Tipan , si Hesus ay nag - angking diyos ( Juan 10 : 33 ) na itinuturing ng mga Hudyo na isang malaking kapusungan dahil sa kanilang paniniwala lamang sa isang diyos na si Yahweh.
Ayon sa mga skolar ng Hudaismo , ang mga sinasabing hula na katuparan ni Hesus sa Bagong Tipan ay base sa maling salin na Septuagint ng Bibliya at misinterpretasyon ng mga talata sa Tanakh.
Ang opisyal na Bibliyang ginagamit ng mga Hudyo ay ang Hebreong Masoretiko at hindi ang Griyegong Septuagint.
Ang isa sa maraming halimbawa ng mga pinaniniwalaang korupsiyon sa Septuagint ang Isaias 7 : 14 na pinagkopyan ng manunulat ng Ebanghelyo ni Mateo ( Mateo 1 : 23 ).
Ayon sa Isaias 7 : 14 ng Septuagint , " ang partenos ( birhen ) ay mangangak ... ".
Ayon sa Masoretiko , ang Isaias 7 : 14 ay " ang almah ( babae ) ay buntis at malapit ng manganak ... ".
Makito Yoshida
Si Makito Yoshida ( ipinaganak Oktubre 20 , 1992 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Shimoneta
Ang Shimoseka ( Xia seka ) ay isang seryeng magaan na nobela.
Nakatalang kasaysayan
Ang nakatalang kasaysayan o naisulat na kasaysayan ay ang panahon sa kasaysayan ng mundo pagkaraan ng panahon bago ang kasaysayan o prehistorya.
Naisulat ito sa pamamagitan ng paggamit ng wika , o naitalang ginagamit ang iba pang mga pamamaraan ng komunikasyon.
Nagsimula ito noong bandang ika - 4 na milenyo BK , dahil sa pagkaimbento ng pagsusulat.
Propesyon
Ang propesyon ay isang bokasyon na naitatag sa isang espesyalisadong pagsasanay na pang - edukasyon , na ang layunin ay ang makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa ibang mga tao , para sa isang tuwiran at tiyak na kabayaran , na nakahiwalay nang buo magmula sa inaasahan ng ibang pagkakamit na pangnegosyo.
Samantla , ang isang propesyunal ay ang tao na binabayaran upang magsagawa ng isang espesyalisadong pangkat ng mga gawain at upang makumpleto ang mga ito para sa isang kabayaran.
Ang tradisyunal na mga prupesyon ay kinabibilangan ng mga manggagamot , mga inhinyero , mga manananggol , mga arkitekto , at mga kumisyonadong opisyal ng militar.
Sa kasalukuyan , ang kataga ay nilalapat din para sa mga nars , mga akawntant , mga edukador , mga siyentipiko , mga eksperto sa teknolohiya , mga manggagawang panlipunan , mga artista ng sining , mga katiwala ng aklatan o biblyotekaryo ( mga propesyunal sa impormasyon ) at marami pang iba.
Ginagamit din ito sa larangan ng palakasan upang ipagkaiba ang mga manlalarong baguhan mula sa mga binabayaran , kaya 't may tinatawag na putbolerong propesyunal at golper na propesyunal.
Maraming mga kompanya ang isinasama ang salitang propesyunal sa kanilang pangalan ng tindahan upang ipahiwatig ang kalidad ng kanilang serbisyo at kahusayan sa pagtatrabaho o gawain.
Sa ilang mga kultura , ang katagang " propesyunal " ay ginagamit bilang isang parirala upang ilarawan ang isang partikular na sapin na panlipunan ng mga manggagawang edukado at may suweldo na nasisiyahan sa malawak na awtonomiyang pangtrabaho at karaniwang nakikilahok sa malikhain at mapangpag - isip na gawaing mapanghamon.
Dahil sa likas na personal at kompidensiyal ( lihim ) ang maraming mga paglilingkod na pamprupesyon , na nangangailangan ng isang malaking bahagdan ng pagtitiwala sa mga ito , karamihan sa mga propesyunal ang nasasailalim ng mahigpit na mga kodigo ng kaasalan na naglalapat ng mabalasik na obligasyong moral at etika.
Santa Fe
Si Santa Fe ay isang santo ng Romano Katoliko.
J.C. de Vera
Si J.C. de Vera ay isang artista sa Pilipinas.
Cagayan ( lalawigan )
Ang Cagayan ay isang lalawigan ng Pilipinas na matagpuan sa Lambak ng Cagayan sa hilagang silangang Luzon.
Ang kabisera nito ay Lungsod ng Tuguegarao.
Kanugnog nito ang mga lalawigan ng Ilocos Norte at Apayao sa kanluran , at ang Kalinga at Isabela sa timog.
Palos ( seryeng pantelebisyon )
Ang Palos ay isang palabas pangtelebisyon na ng ABS - CBN sa Pilipinas.
Batay ang serye na ito nobela ng komiks nina Virgilio Redondo at Nestor Redondo at naging serye ng pelikula noong dekada 1960 na pinagbidahan ni Bernard Bonnin.
Portero ng klab
Ang portero ng klab o bawnser ( mula sa Ingles na bouncer , literal na " tagatalbog " , " panalbog " , o " mananalbog " ; tinatawag ding doorman o security guard ) ay isang taong bantay sa pinto o bantay pampintuan at isang inpormal na tawag para sa guwardiyang pangseguridad na nagpapalabas o nagtataboy ng magugulo o nanggugulong mga tao mula sa loob ng isang panggabing klab o ng isang konsiyerto.
Kabilang sa mga gawain ng ganitong portero ang magbigay ng seguridad , tiyakin ang legal na edad , at tanggihan ang pagpapasok sa establisamyento ng isang tao batay sa pamantayan ng pagkalasing o intoksikasyon , agresibong kaasalan , o iba pang mga pamantayan.
Kadalasang kailanganan ang mga mananalbog kung saan malaki ang bilang ng mga tao o kung saan maaaring magdulot ng away o sagutan ang pag - inom ng mga inuming nakalalasing.
Jesli Lapus Jr .
Si Jesli Lapus Jr. ay isang politiko sa Pilipinas.
Hammon
Ang Hammon ay maaaring tumukoy sa :.
Maulang gubat
Ang maulang gubat ( rainforest sa Ingles ) ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag - ulan.
Ang pinakamababang taas ng pag - ulan kada taon ay tinataya sa 1750 - 2000 mm ( 68 - 78 pulgada ).
Ang monsoon trough , mas kilala bilang intertropical convergence zone , ay may malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ng Mundo.
Mula 40 hanggang 75 % ng lahat ng uri sa Mundo ay katutubo sa mga maulang gubat.
Tinatayang milyon - milyong mga uri ng halaman , kulisap at mikroorganismo ang hindi pa natutuklasan.
Ang mga tropikal na maulang gubat at tinatawag na " Hiyas ng Mundo " at " ang pinakamalaking parmasya " , dahil sa dami ng mga likas na gamot na natuklasan dito.
Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28 % ng lahat ng oksiheno ng mundo , sa pamamamagitan ng potosintesis mula sa karbong dioksido.
Ang halamang tumutubo sa silong ng kagubatan sa mga maulang gubat ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng araw sa antas ng lupa.
Dahil dito ay posibleng maglakad sa loob ng kagubatan.
Kung ang tabing ng mga dahon ay nasira o nabawasan , ang lupa ay kaagad tinutubuan ng mga makapal na mga baging , palumpong , at maliliit na mga punong matatawag bilang isang kasukalan sa Ingles.
May dalawang uri ng maulang gubat , ang tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.
Genco Gulan
Si Genco Gulan ( 13 Enero 1969 ) ay isa sa mga pinakamahusay sa mga kilalang pintor , pelikula ng ika - 21 siglo.
Siya ay isang mamamayan ng bansang Turkey at isang iskultor , pintor at manunulat.
Siya ay isinilang sa Istanbul at nanirahan sa Frankfurt at New York.
Si Gulan ay interesado sa pagsasamasama ng mga bagong teknolohiya , klasikal na may kontemporaryong kultura.
Ang kanyang sining ay matatawag nating " conceptual pop media ".
Suson nya ang simbolismo at sa pamamagitan ng mga kulay natatawag nya ang ating mga pansin.
Siya 'y nagtuturo sa Mimar Sinan Academy at Bogazici University.
Bibliyograpiya.
Sergio Henrique Saboia Bernardes
Si Sergio Henrique Saboia Bernardes ( ipinaganak Mayo 18 , 1973 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
Karanasan
Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain.
Isa itong pag - aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa , galaw , o kilos.
Ilang mga pangkat na panrelihiyon at mga paraan ng pagtuturo ang nagpapahalaga sa pagkatuto sa pamamagitan ng karanasan.
Halimbawa , kapag may isang taong nais matuto hinggil sa larong ahedres , ang nag - aaral at ang nagtuturo ay maglalaro ng ilang mga laro ng ahedres.
Sa pamamagitan ng pagkaranas ng mga kamalian at pagkatuto mula sa mga mali , mas natututo sila sa halip na magbasa lamang tungkol sa paglalaro ng ahedres.
Karaniwang hinahati ang karanasan sa apat na mga uri :.
Tom Jones
Si Sir Thomas Jones Woodward , OBE ( ipinanganak noong 7 Hunyo 1940 ) , mas kilala sa kanyang pangalang pangtanghalan na Tom Jones , ay isang mang - aawit na Welsh.
Magmula pa noong 1965 , nakapagbenta na si Jones na mahigit sa 100 milyong mga rekord na pangmusika.
Wikipedia : Kasalukuyang pangyayari / 2008 Disyembre 18
Seoul
Ang Seoul o Seyol ( Koreano : seo ul ) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Timog Korea.
Ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Timog Korea , at nahahati rin ng Ilog Han.
Ito ang pinakahilagang bahagi ng Timog Korea.