text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang Radio Philippines Network , Inc. o ( RPN ) ay isang estasyon sa Pilipinas at ngayon ay tinatawag na ngayon 9TV kasi hinawakan na ngayon ng Nine Media Corporation.
|
Fernando Gago
|
Si Fernando Ruben Gago ( ipinanganak noong 10 Abril 1986 sa Ciudadela , Buenos Aires ) ay isang putbulerong naglalaro para sa klub na Serie A ng Roma , na hiniram mula sa Real Madrid , at sa pambansang pangkat na pangputbol ng Arhentina.
|
Paul Winfield
|
Si Paul Edward Winfield ( Mayo 22 , 1939 - Marso 7 , 2004 ) isang Amerikanong aktor sa telebisyon at pelikulang tumanggap ng mga nominasyon mula sa mga Karangalang Emmy at Academy.
|
Kilala siya sa kanyang paglalarawan ng isang magsasakang naghihikahos na masuportahan ang kanyang mag - anak noong panahon ng Great Depression ( " Matinding Katumalan " o " Matinding Kapanglawan " ) sa mahalagang pelikulang Sounder , at bilang Dr. Martin Luther King , Sr. sa sunud - sunod na palabas pangtelebisyong King.
|
Hindi nakaharap sa kamera , si Winfield ang tinig na nagsalaysay sa mga serye ng palabas na may temang krimeng City Confidential.
|
Bata , Bata ... Pa 'no Ka Ginawa ?
|
Ang Bata , Bata ... Pa ' no Ka Ginawa ? ay isang nobela na isinulat ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati Bautista.
|
Hinggil ito sa ginaganapang papel ng babae , katulad ng may - akdang si L. Bautista , sa lipunan ng mga Pilipino na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan.
|
Sa mga nakalipas na panahon , sunud - sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang mga kalalakihan.
|
Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay , tagapag - alaga ng mga bata , at tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang mga esposo.
|
Wala silang kinalaman , at hindi nararapat na makialam - ayon sa nakalipas na kaugalian - hinggil sa mga paksa at usaping panghanap - buhay at larangan ng politika.
|
Subalit nagbago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan , sapagkat nagbabago rin ang lipunan.
|
Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa , nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga karapatan , na buhay ang kanilang isipan , na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan.
|
Ito ang paksang tinatalakay at inilalahad sa nobelang ito na may 32 kabanata.
|
Sinasalaysay ng katha ang buhay ni Lea , isang nagtatrabahong ina , may dalawang anak - isang batang babae at isang batang lalaki - kung kaya ' t makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan , pagiging ina , at ang kung paano ganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon.
|
Naging pelikula rin ang mahabang salaysaying ito , na ginanapan ni Vilma Santos , bilang Lea , noong 1998.
|
Pinangasiwaan ng direktor na si Chito S. Rono ang pagsasapelikula ng nobela.
|
Umiinog ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na babaeng si Maya mula sa kindergarten.
|
Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang.
|
Sa simula , maayos ang takbo ng buhay ni Lea - ang buhay niya na may kaugnayan sa kaniyang mga anak , sa mga kaibigan niyang mga lalaki , at sa kaniyang pakikipagtulungan sa isang samahan na pangkarapatang - pantao.
|
Subalit lumalaki na ang mga anak niya - at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito.
|
Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag - uugali ng mga ito : si Maya sa pagiging paslit na may kuryosidad , samantlang si Ojie sa pagtawid nito patungo sa pagiging isang ganap na lalaki.
|
Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni Lea upang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos.
|
Naroon ang takot niyang baka kapwa kuhanin ng kani - kanilang ama ang kanyang dalawang anak.
|
Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
|
Sa bandang huli , nagpasya ang mga anak niyang piliin siya - isang pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito.
|
Isa ring pagtatapos ng mga mag - aaral ang laman ng huling kabanata , kung saan panauhing pandangal si Lea.
|
Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay , at kung paano sadyang kay bilis ng panahon , na kasingbilis ng paglaki , pagbabago , at pagunlad ng mga tao.
|
Nag - iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang mga bagay sa buhay ng isang tao.
|
Ang mga sipi mula sa mga nobelang ito ni Lualhati Bautista ay napabilang sa antolohiyang Tulikarpanen , isang aklat ng mga maiikling kuwento na isinulat ng mga kababaihang Pilipino na inilimbag sa Finland ng The Finnish - Philippine Society ( Ang Samahang Pinlandes - Pilipino , o FPS ) , isang hindi - pampamahalaang organisasyon na itinatag noong 1988.
|
Pinatnugutan at isinalin ni Riitta Vartti , at iba pa , ang Tulikarpanen.
|
Sa Firefly : Writings by Various Authors ( Alitaptap : Mga Sulatin ng Iba 't Ibang May - akda ) , ang bersiyong Ingles ng kalipunang Pinlandes , ang sipi mula sa Bata , Bata , Pa 'no Ka Ginawa ? ay pinamagatang Children 's Party ( Handaang Pambata ).
|
Konseho ng Herusalem
|
Ang Konseho ng Herusalem o Apostolikong Pagpupulong ang pangalang nilapat ng mga historyan at teologo sa konseho ng mga sinaunang Kristiyano na idinaos sa Herusalem at pinetsahan noong mga 50 CE.
|
Ito ay itinuturing sa Simbahang Katoliko at Silangang Orotodokso na isang prototipo at pauna ng mga kalaunang Unang Pitong Konsehong Ekumenikal at isang bahagi ng etikang Kristiyano.
|
Ang konsehong ito ay nagpasya ng hatol na tinatawag ng mga skolar na Kautusang Apostoliko na ang lahat ng mga akay na hentil sa Kristiyano ay hindi obligado na magpatuli ngunit pinanatili ng konseho ang ilang mga kautusan ni Moises gaya ng pagbabawal sa pagkain ng dugo , karneng may dugo , mga binigting hayop at sa pornikasyon at idolatriya.
|
Ang deskripsiyon ng konsehong ito ay matatagpuan sa Mga Gawa 15 at posibleng sa Galacia 2 : 1 - 10.
|
Ayon sa skolar na si Raymond E. Brown , ang parehong Mga Gawa 15 at Galacia 2 ay tungkol sa parehong pangyayari ngunit mula sa ibang pananaw na may sarili nitong mga pagkiling.
|
Maraming mga skolar ay naniniwalang ang Konsehong Apostoliko sa Mga Gawa 15 ay parehong pangyayari ngunit sumasalungat sa Galacia 2 Ang historisidad ng Mga Gawa ng mga Apostol ay pinagdudahan rin ng maraming mga skolar at kumpletong itinakwil na maraming mga skolar.
|
Ayon kay Haenchen , ang Apostolikong Konseho sa Mga Gawa 15 ay isang " imahinaryong konstruksiyon na hindi tumutugon sa historikal na realidad.
|
Mula kay Ferdinand Christian Baur , ang mga skolar ay nakatagpo ng ebidensiya ng alitan sa pagitan ng mga pinuno ng Sinaunang Kristiyanismo.
|
Halimbawa , ayon kay James D.G.
|
Dunn , si Pedro ang tulay sa pagitan ng magkatunggaling mga pananaw ni Santiago ang Makatarungan at Apostol Pablo.
|
Ayon sa Konseho ng Herusalem , si Santiago ang Makatarungan na ang hatol o pasya ay tinanggap sa Kautusang Apostoliko ng Mga Gawa 15 : 13 - 21 , c.
|
50 CE ay nagsaad na : " ... Dahil dito , ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos.
|
Sa halip , sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos - diyosan , sa kasalanang sekswal , sa mga binigti at sa dugo.
|
Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon , sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises.
|
Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat .... " Ang layunin ng pagpupulong ayon sa Mga Gawa ay lutasin ang isang alitan sa Antioch na may malawak na mga implikasyon kesa sa pagtutuli lamang dahil ang pagtutuli ay isang walang hanggang tanda ng tipang Abrahamiko ( Genesis 17 : 9 - 14 ).
|
Ang ilang mga fariseo na naging mananampalatayang Kristiyano ay nagpilit na " kinakailangan na sila ( hentil ) ay tuliin at utusan silang sundin ang batas ni Moises " ( Mga Gawa 15 : 5 ).
|
Ang pangunahing isyu na tinugunan ay nauugnay sa pangangailangan ng pagtutuli ngunit ang ibang mga bagay ay lumitaw rin.
|
Ang alitan ay sa pagitan ng mga " haligi ng Simbahan " ( Galacia 2 : 9 ) na pinamunuan ni Santiago na naniniwalang ang simbahan ay dapat sumunod sa Torah o sumunod sa mga patakaran ng tradisyonal na Hudaismo at ni Pablo na naniniwalang walang gayong pangangailangan.
|
Gayunpaman , ayon sa Mga Gawa 16 : 4,.
|
Ayon sa Galacia 2 : 11 - 13 , si Pedro ay naglakbay tungo sa Antioch at nagkaroon ng alitan sa pagitan niya at ni Apostol Pablo.
|
Hindi eksaktong sinabi ng Galacia kung ito ay nangyari pagkatapos ng Konseho ng Herusalem o bago nito ngunit ang insidenteng ito ay binanggit sa Galacia bilang sumunod na paksa pagkatapos ng isang pagpupulong sa Herusalem na itinuturing ng mga skolar na ang konseho ng Herusalem.
|
Ayon sa Galacia 2 : 11 - 16 :.
|
Ayon sa NIV ng Galatians 2 : 14,.
|
Ang manunulat ng Mga Gawa ay nagsalaysay ng isang muling paghahayag ni Santiago at mga nakakatanda ng Herusalem ng nilalaman ng liham mula sa Konseho ng Herusalem sa okasyon ng huling pagdalaw ni Pablo sa Herusalem na sandaling pagkatapos bago ang pagdakip kay Pablo sa templo.
|
Ayon sa Mga Gawa 21 : 17 - 25,.
|
Ayon sa ilang mga skolar , ang paalala ni Santiago at mga nakatatanda ay isang ekspresyon ng pagkabahala na hindi buong itinuturo ni Pablo ang desisyon ng Konseho ng Herusalem sa mga hentil partikular na ang tungkol sa hindi - binigting karneng kashrut na sumasalungat sa payo ni Pablo sa mga hentil sa 1 Corinto 10 : 25 na " Anumang ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo ".
|
Ayon sa 1 Corinto 8 : 4 - 8,.
|
Ayon sa mga skolar , ang mga orihinal na kasapi ng isang kilusang repormang Hudyo na kalaunang naging Kristiyanismo ay mga Hudyong Kristiyano na matapat na mga relihiyosong Hudyo.
|
Ayon kay Eusebio ng Caesarea sa kanyang Kasaysayan ng Simbahan 4.5.3 - 4 : ang unang 15 mga mga obispo ng Herusalem ay " ng pagtutuli ".
|
Ang mga ito ay pinaniniwalaang nagmamasid ng pagtutuli at kaya ay malamang ng iba pang bahagi ng Torah.
|
Nakita ng ilang mga sinaunang Kristiyano gaya ni Agustin ng Hipona ang isang kaugnayan ng Kautusang Apostoliko sa Batas Noahidyo ngunit ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng mga modernong skolar.
|
Ayon sa mga skolar , ang basehan ng Kautusang Apostoliko ay Aklat ng Levitico kapitulo 17 at 18.
|
Ayon sa Ensiklopedyang Katoliko tungkol sa mga Hudaisero : " Sa kabilang dako , si Pablo ay hindi lamang hindi tumutol sa pagmamasid ng kautusan na Mosaiko basta ito ay hindi nanghihimasok sa kalayaan ng mga hentil ngunit siya ay umaayon sa mga preskripsiyon kapag kinakailangan ng okasyon ( 1 Corinto 9 : 20 ).
|
Kaya siya ay sa sandaling pagkatapos ay tumuli kay Timoteo ( Mga Gawa 16 : 1 - 3 ) at siya ay nasa labis na akto ng pagmamasid ng ritwal na Mosaiko nang siya ay dadakipin sa Herusalem ( Mga Gawa 21 : 26 ).
|
Maraming beses na binanggit na pinagtibay at sinunod ni Apostol Pablo ang " kautusan " ni Moises gaya ng Roma 2 : 12 - 16 , Roma 3 : 31 , Roma 7 : 12 , Roma 8 : 7 - 8 , Galacia 5 : 3 , Mga Gawa 24 : 14 , Mga Gawa 25 : 8.
|
Gayunpaman , ilang beses ring binanggit sa mga sulat ni Pablo ang kanyang pagpapawalang bisa sa kautusan ni Moises ( Roma 10 : 4 , Roma 6 : 14,7 : 1 - 7 , Galacia 3 : 1 - 5,23 - 25,4 : 21 - 25 , 2 Corinto 3 : 6 - 17 at iba pa ) at pagkokondena sa mga nagmamasid at nagtuturo ng pagmamasid ng kautusan ni Moises ( hal.
|
Galacia 2 : 1 - 4,11 - 14 ).
|
Ang isyu ng pagsunod sa " kautusan " ni Moises ay nagpatuloy hanggang sa mga kalaunang siglo ng sinaunang Kristiyanismo.
|
Ang mga sinaunang Hudyong Kristiyano gaya ng mga Ebionita ay nagpatuloy sa pagsunod sa mga kautusan ni Moises at may malaking paggalang kay Santiago ang Makatarungan.
|
Kanilang itinakwil si Apostol Pablo bilang tumalikod at impostor na apostol.
|
Kanilang sinalungat ang kanyang impluwensiya sa simbahan.
|
Ang mga Hudyong - Kristiyano ay kinabibilangan ng mga nagtuturo na ang mga hentil ay dapat sumunod sa mga kautusan at kustombre ng Hudyo.
|
Ang mga ito ay tinawag na Hudaisero mula sa Judaise na terminong ginamit sa Griyego ng Galacia 2 : 14 nang kondenahin ni Pablo ang mga ito.
|
Sa kabilang dako , ang mga tagapagtaguyod ng anyong Paulino ng Kristiyanismo ay kinabibilangan ni Marcion ng Sinope na tumakwil sa 12 mga apostol ni Hesus at naniwalang si Apostol Pablo ang tanging apostol na tamang nakaunawa ng mensahe ng kaligtasan ni Hesus.
|
Ayon sa ika - 19 siglong Obispong Romano Katolikong si Karl Josef von Hefele , ang Kautusang Apostoliko ng Konseho ng Herusalem " ay matagal nang naluma sa Kanluran " bagaman ito ay kinikilala at sinasanay pa rin hanggang ngayon sa Simbahang Griyegong Ortodokso.
|
Ang ilang mga sekta ay naniniwala na ang Kautusang Apostoliko ay lumalapat pa rin hanggang ngayon gaya ng Jehovah 's Witnesses at iba pa.
|
Florida
|
Ang Florida ( bigkas : / flo * ri * da / ; Espanyol para sa " lupain ng mga bulaklak " ) ay isang estado na matatagpuan sa timog - silangang rehiyon ng Estados Unidos.
|
Ang estado ay pinapaikutan ng Golpo of Mexico sa kanluran , Alabama at Georgia sa hilaga , Karagatang Atlantic sa silangan , at ng Straits of Florida at Cuba sa timog.
|
Ang Florida ay ang ika - 22 pinakamalawak , ang ika - 3 pinakamatao , at ang ika - 8 pinakamakapal ang populasyon na estado sa Estados Unidos.
|
Ang Jacksonville ay ang pinakamataong lungsod sa Florida , at ang pinakamalaking lungsod ayon sa sukat sa mainland ng Estados Unidos.
|
Ang Miami metropolitan area ay ang ikawalong pinakamalaking metropolitan area sa Estados Unidos.
|
Ang Tallahassee ay ang kabisera ng estado.
|
Isang tangway ( peninsula ) sa pagitan ng Golpo ng Mexico , ng Karagatang Atlantic , at ng Straits of Florida , ito ay ang may pinakamahabang baybayin sa mainland ng Estados Unidos , humigit - kumulang 1,350 mile ( 2,170 km ) , at ito ay ang tanging estado na kapuwa hinangganan ng Golpo ng Mexico at ng Karagatang Atlantic.
|
Malaking bahagi ng estado ay nasa o malapit sa pantay - dagat ( sea level ) at may latak ( sedimentary ) na lupa.
|
Ang klima ay nag - iiba mula sa subtropikal sa hilaga hanggang tropikal sa timog.
|
Ang American alligator , American crocodile , Florida panther , at manatee ay matatagpuan sa Everglades National Park.
|
Mula nang unang madayo ng mga Europeo ang pook noong 1513 sa katauhan ni Kastilang eksplorador Juan Ponce de Leon - na pinangalanan ang pook na La Florida ( " lupain ng mga bulaklak " ) sa landing doon sa panahon ng pasko ng Pagkabuhay , Pascua Florida - ang Florida ay isang hamon para sa Europeong mananakop bago makuha nito ang pagiging estado ng Estados Unidos noong 1845.
|
Ito ay isang pangunahing lokasyon ng Digmaang Seminole laban sa mga Katutubong Amerikano , at racial segregation pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos.
|
Ngayon , ang Florida ay katangi - tangi para sa malaking pamayanan ng expatriate mula Cuba at mataas na paglago ng populasyon , pati na rin ng pagtaas ng mga isyu sa kapaligiran.
|
Ang ekonomiya ng estado ay nakasalalay higit sa lahat sa turismo , agrikultura , at transportasyon , na umunlad sa huling bahagi ng ika - 19 siglo.
|
Ang Florida ay kilala rin sa amusement parks , pananim na dalandan , ang Kennedy Space Center , at isang popular na destinasyon para sa mga magreretiro.
|
Ang kultura ng Florida ay salamin ng mga impluwensya at maraming pamana ; mga pamanang Katutubong Amerikano , Europeo - Amerikano , Hispanico , at Africano - Amerikano ay matatagpuan sa arkitektura at lutuin.
|
Ang Florida ay nakaakit ng maraming manunulat tulad nina Marjorie Kinnan Rawlings , Ernest Hemingway at Tennessee Williams , at ay patuloy na nag - aakit ng mga sikat na artista at atleta.
|
Ito ay kilala sa daigdig para sa golf , tennis , auto racing at water sports.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.