text
stringlengths
0
7.5k
Ang bayan ng Alicia ay nahahati sa 26 na mga barangay.
Coordinates : 16 deg 40 ' N 121 deg 27 ' E / 16.667 deg N 121.450 deg E / 16.667 ; 121.450.
Kasangkapang pangtugtog
Ang mga instrumentong pangmusika , instrumentong musikal , kagamitang pangtugtog , o kasangkapang panugtog ay mga kagamitan o kasangkapang ginagamit o tinugtog upang makalikha ng musika o tugtugin.
Maaaring ituring bilang kagamitang pangtugtugin o kasangkapang pangtugtugin ang alinmang bagay na nakagagawa ng tunog , subalit pangkalahatang nangangahulugan ang parirala na mga bagay na espesipiko , partikular , o tiyakang gumagawa ng musika.
Maipepetsa ang kasaysayan ng mga pangmusikang instrumento mula sa mga simulain ng kalinangan ng tao.
Tinatawag na organolohiya ang akademikong pag - aaral ng mga instrumentong musikal.
Maaaring hatiin ang mga instrumentong musikal sa mga uring :.
Ang orkestra ay may mga instrumentong nagmula sa apat na mga mag - anak :.
Iba pang halimbawa ng mga kasangkapang pangtugtog :.
Paano
Maaaring tumukoy ang paano sa :.
Ukiah , California
Ang Ukiah ay isang lungsod sa California , Estados Unidos.
Pilosopiya ng agham
Ang pilosopiya ng agham ay ang bahagi ng pilosopiya na nagsasagawa ng mga pag - aaral hinggil sa mga agham.
Ang mga pilosopo na nakatuon sa agham ay nag - aaral ng kung paanong ang kaalaman ay nabubuo ng mga siyentipiko , at kung ano ang pagkakaiba ng agham mula sa iba pang mga gawain.
Walang duda , ang makabagong agham ay mayroong masulong na kaalaman sa malawak na kasaklawan ng mga larangan.
Upang maharap ang paksang ito , marami pang ibang mga paksang dapat ding harapin.
Noong maaagang mga kapanahunan , may mga tao na nag - isip , katulad ni Thomas Henry Huxley , na ang agham ay isa lamang iniayos na sentido komun o common sense ( karaniwang pagdama o karaniwang pag - iisip ).
Subalit habang nagpatuloy ang ika - 20 daantaon , ang agham ay nakagawa ng maraming mga ideya na hindi naman katulad ng sentido komun.
Naging malinaw na ang agham ay talaga palang isang bagay na naiiba mula sa kaalaman na pangsentido komun.
Dahil sa hindi matukoy kung paano mapaghihiwalay ang agham at ang sentido komun , nagkaroon ng tinawag na suliranin ng demarkasyon o problema ng paghihiwalay sa dalawang ito.
Simbahan
Ang simbahan ay ang katawagan sa lahat ng mga tagasunod ni Hesus.
Tinawag ni Hesus ang kaniyang simbahan bilang kaniyang katawan.
Tumutukoy rin ang simbahan sa mga mamamayang mananampalataya na nagtitipun - tipon sa isang pook na tinatawag ring gusali o sambahan.
Karamihan sa mga aklat na nasa Lumang Tipan ng Bibliya ay mga sulat para sa mga Simbahan o pangkat ng mga mamamayan.
Pagkabingi
Ang pagkabingi o kahinaan sa pagdinig ( Ingles : deafness , hearing impairment ) ay ang kalagayan ng isang taong hindi makarinig o hindi mainam ang pandinig.
Isa itong katayuan ng pagkakaroon ng tao ng buo o bahagi lamang na bawas sa kakayahang makapansin o makadetekta at makauna ng mga tunog.
Sanhi ito ng malawak na saklaw ng mga biyolohikal at pampaligid na mga bagay.
Maaaring mangyari ang kawalan ng pandinig sa anumang organismong nakakasagap ng tunog.
Mas kalimitang ginagamit ang panghihina ng pandinig o kahinaan sa pandinig sa mga taong hindi nakakarinig , bagaman tinataw ang katagang ito bilang isang negatibong katawagan , partikular na ng mga kasapi ng kulturang bingi o kalinangang hindi makarinig , na mas iniibig o ninanais ang salitang bingi o nahihirapan sa pagdinig.
Maraming mga taong bingi , katulad nina Ludwig van Beethoven , Helen Keller , at Marlee Matlin.
Marami sa mga taong bingi ang natututo ng wikang pasenyas upang magawa nilang makipagtalastasan at makipag - ugnayan sa ibang mga tao.
Sa ibang pakahulugan , maaaring tumukoy ang pagkabingi sa taong ayaw makinig o ayaw sumunod sa pinag - uutos o payo ng kapwa tao.
Kaya 't may kaugnayan ang salita sa mga sumunod pang mga salita : engot , balingot , paking , bingengot , bingaw , tulingag , tulig , nagtatayngang - lipya , nagtatayngang - kawali , at nambabale - wala sa naririnig.
Nayuha Toyoda
Si Nayuha Toyoda ( ipinanganak Setyembre 15 , 1986 ) ay isang Hapones na manlalaro na futbol na naglalaro para sa Pambansang koponan ng kababaihang futbol ng Hapon.
Interseksiyon ( teoriya ng hanay )
Ang interseksiyon ( intersection ) ng mga hanay na A at B na tinutukoy ng A [?] B ang hanay ng lahat ng mga obhekto na kasapi ng parehong A at B. Ang interseksiyon ng { 1 , 2 , 3 } at { 2 , 3 , 4 } ang hanay na { 2 , 3 }.
Pagdadalantao
Ang pagdadalangtao o pagbubuntis ( Ingles : pregnancy ; Latin : graviditas ) ay ang pagdadala ng isa o higit pang mga supling , na tinatawag na fetus o embryo , sa loob ng bahay - bata ( utero ) ng isang taong babae.
Sa isang pagbubuntis , maaaring magkaroon ng maramihang pagkabuntis ( gestation ) , katulad sa kaso ng mga kambal o tatluhan.
Ang pagdadalangtao - ang pagbubuntis ng tao - ang may pinakamaraming pag - aaral na isinagawa sa lahat ng mga pagbubuntis ng mga mamalya.
Obstetriks ( obstetrics ) ang tawag sa larangan ng panggagamot na nag - aaral at nangangalaga sa mga pasyenteng buntis ; at obstetrisyan ( obstetrician ) ang taguri sa mga manggagamot na dalubhasa sa pagpapaanak ng babaeng tao.
Sa medisina , tinatawag na primipara ang isang babaeng nagdadalangtao sa unang pagkakataon.
Nagaganap ang panganganak ( childbirth ) mga 38 linggo matapos pertilisahan ng tamod ng lalaki ang itlog ng babae - isang prosesong tinatawag na pagpupunlay o pertilisisasyon ( mula sa Ingles na fertilization at Kastilang fertilizacion ) - na humigit - kumulang sa 40 linggo mula sa simula ng huling sapanahon ( o regla ).
Samakatuwid , tumatagal ang pagdadalangtao ng mga siyam na buwan.
Tinatawag na tagumanak , kagampan , o kaanakan ang huling yugto ng pagbubuntis , ang panahon bago manganak ang isang buntis na babae.
Nasa kalagitnaan ng " buwanang bisita " o siklong menstruwal ang panahon kung kailan maaaring magbuntis ang isang babaeng tao.
Ito ang dalawang linggo bago maganap ang aktuwal na pagtatalik.
Isa sa kadalasang unang mga tanda o mga senyal na maaaring buntis na ang isang babae ang pagkawal ng kanyang buwanang menstruwasyon.
Kabilang din dito ang pagsusuka at pagkakaroon ng masamang pakiramdam sa pangangatawan , partikular na sa loob ng unang tatlong buwan ng pagdadalangtao.
Nagkakaroon din ng panghihina o kawalan ng lakas.
Kasama pa sa mga tanda ang pananakit ng mga suso at pagdilim ng kulay ng mga utong ng mga suso.
Para sa karamihan ng mga babaeng nagdadalangtao , nakakaramdam sila ng kapunuan ng sigla sa panahon ng ika - 4 hanggang sa ika - 7 buwan ng pagdadalang - tao.
Ito ang itinuturing na pinakamagandang panahon sa pagbubuntis ng babaeng tao.
Isa sa mga paraan ng pag - alam kung buntis ang isang babaeng tao ang paggamit ng pantahanang pangsuri ng pagdadalangtao o home pregnancy test sa Ingles.
Isa itong payak na pangsuri sa pagkabuntis.
Maaaring mabili ito mula sa isang botika.
Ang pagdadala ng halimbawa o sampol ng ihi sa duktor ( upang masuri ng manggagamot ang ihi ) ang isa pang paraan ng pagtiyak kung nagdadalangtao nga ang isang babae.
Binibilang ang tagal o haba ng panahon ng pagdadalangtao batay sa dami ng linggo.
Mula ito sa panahon ng magsimulang lumaki ang napunlaan o napertilasahang itlog sa sinapupunan ng babae magpahanggang sa oras na isilang o ipanganak ang batang sanggol.
Tumatagal ang pagdadalangtao ng siyam na buwan , na katumbas ng 40 mga linggo.
Binibilang din ang pagdadalangtao.
Sa pagdating ng ika - 7 buwan ng pagbubuntis ng babaeng tao , nagiging ganap na ang pagkabuo ng namumuong sanggol , na may timbang na nasa 1 kilogramo at may habang 35 mga sentimetro.
Kapag ipapanganak ang nabubuong sanggol na ito sa panahong ito , karaniwan ang mabuhay ito sa labas ng sinapupunan , subalit napakaaga pa para ipanganak ito kaya 't kailangang pangalagaan ng nagdadalangtaong babae ang sarili niya.
Kabilang sa mga pag - iingat na magagawa ng babaeng buntis ang pag - iingat sa pagbubuhat o pagbibitbit ng mga mga bagay na mabibigat at pag - iwas sa labis na pagpapagod.
Patuloy na lumalaki ang tiyan ng babaeng nagdadalangtao hanggang sa maabot ang pagtatapos ng pagbubuntis.
Kabilang sa mapapansin sa babaeng buntis sa ganitong panahon ang patuloy na pagbigat ng kanyang timbang.
Nagkakaroon din ng kakapusan sa paghinga dahil sa pagtulak ng namumuong sanggol sa dayapram ng buntis na babae.
Nangyayari ang panganganak sa panahon ng 40 mga linggo matapos ang huling menstruwasyon ng babae.
Yosyikawa , Saitama
Ang Yoshikawa ay isang lungsod sa Saitama Prefecture , bansang Hapon.
Shinichi Tanioka
Si Shinichi Tanioka ( Gu Gang Shen Yi , Tanioka Shin 'ichi , born 16 Pebrero 1987 ) ay isang tagapagbalita mula sa Hapon.
Nagbabalita siya para sa Fuji Television.
Sanggunian
Ang sanggunian ay isang ugnayan sa pagitan ng mga bagay kung saan ang isang bagay ay nagtatakda , o gumaganap bilang isang paraan upang umugnay o kumawing sa isa pang bagay.
Ang unang bagay sa ugnayang ito ay sinasabing tumutukoy sa pangalawang bagay.
Ang ikalawang bagay na ito - ang bagay na tinutukoy ng unang bagay.
Ang katagang sanggunian ay ginagamit sa maraming mga kalipunan , sakop , o saklaw ng kaalaman ng tao , na umaako ng mga antas ng kahulugan na partikular sa mga diwa o mga konteksto na pinaggagamitan nito.
Ang mga sanggunian ay maaaring magkaroon ng maraming mga hubog , kabilang na ang isang kaisipan , isang pagkaunawa ng pandama katulad ng narinig ( onomatopoeia ) , natanaw ( teksto ) , naamoy , o nahipo , katayuan ng damdamin ( emosyon ) , kaugnayan sa sa iba pa , koordinado ng puwang at panahon , simboliko , isang bagay na pisikal o isang pagtudla ng enerhiya ; subalit , umiiral ang iba pang konkreto at abstraktong mga konteksto bilang mga paraan ng paglalarawan o pagbibigay ng kahulugan na nasa loob ng sakop ng sari - saring mga larangan na nangangailangan ng isang pinagmulan , tuldok ng paglisan , isang pormang orihinal.
Kabilang dito ang mga metodo na sadyang nagkukubli ng sanggunian o pagtukoy mula sa ilang mga tagapagmasid , katulad ng sa kriptograpiya.
Ang isang talaan ng mga sanggunian ay tinatawag na talasanggunian.
Kabilang sa mga uri ng sanggunian ang primaryang sanggunian at ang sekundaryang sanggunian.
Ang primaryang sanggunian ay ang impormasyong galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari.
Halimbawa na si Chavit Singson na saksi sa labanang Pacquiao vs. Bradley.
Ang sekundaryang sanggunian ay ang tawag sa impormasyong galing sa iba , na nalaman lang natin dahil sa taong nakasaksi sa pangyayari.
Halimbawa na ang mula sa aklat o diyaryo.
Fiji
Ang Fiji / fi * ji / , opisyal na tinutukoy bilang Republika ng Fiji , ( internasyunal : Republic of Fiji ) ay isang pulong bansa sa Timog Karagatang Pasipiko , silangan ng Vanuatu , kanluran ng Tonga at timog ng Tuvalu.
Sinasakop ng isang kapuluan na may dalawang kalakihang pulo , Viti Levu at Vanua Levu , kung saan nakatira ang karamihan sa mga mamamayan , at kasama ang higit sa walong daang mga pulo na may isang daang regular na mga mamamayan.
Mga comune ng Ain
Narito ang isang talaan ng mga 419 comune ng Ain , France.
Pananahi
Ang pananahi ay isang gawain o hanap - buhay kung saan pinagdurugtong ng isang dalubhasang mananahi ang mga tela o katad upang makabuo ng isang damit , sapatos , o anumang bagay na maisusuot o may iba pang paggagamitan.
Tinatawag na modista ang babaeng mananahi na karaniwang sumusunod sa modang pangkasuotan ng panahon.