text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Gayunpaman , ito ay nakaimpluwensiya sa kanya na ang Zoroastrianimo ang naging hindi inaatas na relihiyon ng kanyang imperyo at ang mga paniniwala ng Zoroastrianismo ay kalunang pumayag kay Cyrus na pabalikin ang mga Hudyo sa Judea nang sakupin nito ang imperyong Babilonian.
|
Si Darius I ay isang deboto ni Ahura Mazda gaya ng pinatutunayan sa mga inskripsiyong Behistun.
|
Gayunpaman , kung siya ay tagasunod ni Zoroaster ay hindi konklusibong napapatunayan dahil ang debosyon kay Ahura Mazda sa panahong ito ay hindi nangangailangang indikasyon ng pagsunod sa mga katuruan ni Zoroaster.
|
Si Darius I at ang mga kalaunang emperador na Achaemenid bagaman mga deboto ni Ahura Mazda ay pumayag na ang mga relihiyon ay kapwa umiral.
|
Sa panahon ng imperyong Achaemenid nang ang Zoroastrianismo ay nagkamit ng momentum.
|
Bago ang paghahari ni Artaxerxes II ( 405 - 04 BCE hanggang 359 - 58 BCE ) , si Ahura Mazda lamang ang sinasamba at tinatawag.
|
Sa paghahari ni Artaxerxes II , si Ahura Mazda ay tinatawag sa isang triad ( trinidad ) kasama nina Mithra at Apam Napat.
|
Ayon sa kasulatang Zoroastriano : " Purihin kay Ahura Mazda , makatatlo sa harap ng ibang mga nilalang ".
|
Ang isang bilang ng mga tekstong Zoroastriano na bahagi ngayon ng mas malaking compendium ng Avesta ay itinuro sa panahong ito.
|
Ang Zoroastrianismo ang isa sa pinakamatandang relihiyong monoteistiko sa kasaysayan.
|
Ang Zoroastrianismo ang itinuturing ng marami na ang pinakamatandang relihiyong monoteistiko.
|
Ang kasalukuyang mga bilang ng mga Zoroastriano ngayon ay tinatayang mula mga 125,000 hanggang sa higit sa 300,000.
|
Ang karamihan ng mga skolar ay naninwala na ang Hudaismo ay malakas na naimpluwensiyahan ng Zoroastriansmo sa maraming mga teolohiya o doktrina nito.
|
Dahil dito , ang Zoroastrianismo ay kalaunan ring nakaimpluwensiya sa mga relihiyong Kristiyanismo at Islam na parehong malakas na naimpluwensiyahan ng Hudaismo.
|
Nang talunin ng imperyong Persian ang Babilonia , ang Israel ay sumailalim sa pamumuno ng imperyong Persian at pinayagan na makabalik ng Persia ang mga Israelita sa Judea.
|
Ang modernong analysis na literaryo ng Tanakh ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang pinagkunan na pambibig at isinulat upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.
|
Iminungkahi na ang striktong monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonia at marahil ay bilang reaksiyon sa dualismo o quasi - monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persian.
|
Ang mga skolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Zoroastrianismo ng Persia sa mga pananaw ng anghel , demonyo , malamang ay sa doktrina ng muling pagkabuhay gayundin sa mga ideyang eskatolohikal at sa ideya ng mesiyas o tagapagligtas ng mesiyanismong Zoroastriano.
|
Inilarawan ni Zarathushtra sa kanyang Gathas ang isang saoshyant ( tagapagligtas ) na benepaktor ng mga tao.
|
Maraming mga pagkakatulad sa pagitan ng Zoroastrianismo at Hudaismo.
|
Si Ahuramazda na supremang Panginoon ng Iran ay isang omnisiyente , omnipresente at walang hanggan na may kapangyarihang paglikha na kanyang sinasanay lalo na sa pamamagitan ng midyum ng kanyang Spenta Mainyu ( " Banal na Espirito " ) at namamahala sa uniberso sa pamamagitan ng instrumentalidad ng mga anghel at arkanghel.
|
Gayunpaman , ang kapangyarihan ni Ahura Mazda napipigilan ng kanyang kaaway na si Ahriman na ang pamumuno gaya ni Satanas sa Bibliya ay wawasakin sa wakas ng daigdig.
|
Ang parehong Zoroastrianismo at Hudaismo ay mga " hinayag na relihiyon ".
|
Sa Zoroastrianismo ay inihayag ni Ahura Mazda kay Zarathrusta ang kanyang mga utos sa " Ang Bundok ng Dalawang mga Nagkokomunyon ".
|
Sa Hudaismo , inihayag ni Yahweh kay Moises ang kanyang mga utos sa Bundok Sinai.
|
Ang mga batas mago ng puripikasyon na nag - aalis ng polusyon na nakuha sa patay o maduming bagay ay matatagpuan sa Aklat ng Levitico.
|
Ang anim na araw ng paglikha ayon sa Genesis ay tumutugma sa anim na mga panahon ng paglikha sa mga kasulatang Zoroastriano.
|
Ang kasulatan ng Zoroastrianismo ay nagsasaad na ang sangkatauhan ay nagmula sa isang pares ng tao na sina Mashya at Mashyana samantalang sa Bibliya ay sina Adan at Eba.
|
Sa Bibliya , winasak ng isang malaking baha ang lahat ng tao maliban sa isang matuwid na tao at kanyang pamilya.
|
Sa Zoroastrianismo , ang isang taglamig ( winter ) ay nagubos ng populasyon ng daigdig maliban sa Vara ( nakasarang lalagyan ) ng mapalad na taong si Yima.
|
Ang tatlong mga anak ng kahalili ni Yima na sina Erij ( Avesta , " Airya " ) , Selm ( Avesta , " Sairima " ) , at Tur ( Avesta , " Tura " ) ang mga tagapagmana ng daigdig.
|
Sa Bibliya ay matatagpuan ang tatlong anak ni Noe na sina Shem , Ham at Japheth.
|
Friuli - Venezia Giulia
|
Ang Friuli - Venezia Giulia ( ; Unggaryo : Furlania - Juliai Velence , Aleman : Friaul - Julisch Venetien ) ay isa sa mga 20 rehiyon ng Italya , at isa sa limang rehiyong autonomo na may natatanging batas.
|
Ang kapital ay Trieste.
|
Kinabukasan
|
Ang kinabukasan o ang hinaharap ay , sa madaling sabi , ang mga pangyayaring magaganap pa lamang o hindi pa nangyayari.
|
Ito ay sumasalungat sa nakaraan , at ito ay ang oras pagkatapos ng kasalukuyan.
|
Noon pa lamang ay sinusubukan nang hulaan o tukuyin ang mga mangyayari sa hinaharap sa pamamagitan ng pag - obserba sa mga bagay na matatagpuan sa langit.
|
Sa Pisika , ito ay kinokonsidera bilang ang pang - apat na dimensiyon.
|
Ito Jakuchu
|
Si Ito Jakuchu ( Yi Teng Ruo Chong , 1716 - 1800 ) ay isang pintor na Hapones na namuhay noong kalagitnaan ng panahon ng Edo nang isara ng bansang Hapon ang mga pintuan nito sa panlabas na mundo.
|
Marami sa kaniyang mga larawang ipininta ang sumasaalang - alang sa paksang tradisyunal na Hapones , partikular na ang mga manok at iba pang mga ibon.
|
Marami sa kaniyang ibang mga akdang makatradisyon ay nagpapakita ng isang malaking antas ng eksperimentasyon hinggil sa perspektibo , at ng iba pang napaka modernong mga elementong pang - estilo.
|
Kapag inihambing kay Soga Shohaku at iba pang mga halimbawa ng mga pintor na eksentriko noong kalagitnaan ng panahon ng Edo , si Jakuchu ay sinasabing napaka mahinahon , mapagpigil , at prupesyunal.
|
Mayroon siyang mahigpit na kaugnayan sa mga ideyal ng Budismong Zen , at itinuturing bilang isang koji o " karaniwang tao na kapatid sa pananampalataya " ; subalit matalas din ang kaniyang kamalayan hinggil sa kaniyang gampanin sa loob ng isang lipunan ng Kyoto na noon ay unti - unting tumataas ang antas ng pagiging makakalakal.
|
Kabihasnan sa Bibliya
|
Ang mga kabihasnan sa Bibliya ay ang mga kabihasnan o sibilisasyon ng mga pangkat ng mga mamamayang nabanggit sa Bibliya mula Lumang Tipan hanggang Bagong Tipan.
|
Naging tagpuan ang kanilang mga lungsod at iba pang mga pook ng mga pangyayaring nasasaad sa Bibliya.
|
Pangunahin sa mga sinaunang kabihasnang ito ang sa mga Sumerio , Ehipsiyo , Hebreo , Asirio , Babilonio , Persa , Griyego , at mga Romano.
|
Noong ikatlong milenyo bago dumating si Kristo , nagsimula sa katimugang Mesopotamya ang Sumeria , ang isa pinakamaagang urbanong mga kabihasnan sa mundo.
|
Bilang mga malikhaing mamamayan , napaunlad ng mga Sumerio ang arko , ang gulong , ang isang masalimuot na gawi sa pagsusulat na ginagamitan ng mga panitik na may mga titik na hugis patulis ang dulo at cuneiform sa Ingles kung tawagin.
|
Ginamit din nila ang likas na yaman ng kanilang mga lupain , katulad ng mga putik at tambo , upang makagawa ng mga bangka , at makapagtayo ng mga tirahan , mga palasyo , at mga templong may mga hakbangang templong kilala bilang mga sigurat.
|
Noong unang hati ng ikalawang milenyo bago sumapit si Hesukristo - ang tinatawag na " panahon ng mga patriarka ( mga ama ) sa Bibliya , " pinangingibabawan ng mga sinaunang Ehipsiyo ang Halos Silangan ( Malapit sa Silangan ).
|
Walang nakalampas sa kanilang kasanayan sa pagdadala at paglililok ng mga batong ginamit sa pagtatayo ng mga malalaking gusaling katulad ng mga tagil o piramide.
|
Sila rin ang lumikha ng unang kalendaryong solar ( batay sa galaw ng araw ) , ang nagpaunlad ng mga may ginuhit na mga larawang paraan ng pagsulat o mga hiroglipiko , at ang nakagawa ng maraming mga sulatin hinggil sa anatomiya ng tao , panggagamot , at pananampalataya.
|
Patungo sa wakas ng ikalawang milenyo bago dumating si Kristo , nagsimulang manirahan sa Canaan ang mga Hebreo , ang ninuno ng mga Hudyo.
|
Mabilisan silang umunlad mula sa pagiging walang - pamalagiang tirahang mga mamamayang nananahan lamang sa mga kubol ( mga nomadiko ).
|
Nagumpisa silang maglunsad ng mga pamayanang nagsasaka.
|
Para malabanan ang paulit - ulit na mga paglusob ng mga makapangyarihang mga kanugnog na mga pangkat ng mga tao , katulad ng mga Pilistino , nagkaisa ang mga Hebreo sa pamamagitan ng pagpapailalim sa isang monarkiya.
|
Noong mga kapanahunan ng mga haring sina David at Salomon , pinalawak nila ang kanilang nasasakupan at lakas mula sa Ilog Eufrates magpahanggang hangganan ng sinaunang Ehipto.
|
Sa ilalim ng paghahari ni Salomon , nagtamasa ng panahon ng kapayapaan at kasaganaan ang mga Hebreo.
|
Nakipagkalakalan sila sa iba 't ibang mga bansa at nagangkat ng mga bagay - bagay kahit mula sa malalayong mga lugar.
|
Ginamit nila ang kanilang yaman upang itaguyod ang isang malaking hukbo at isang maambisyosong programa ng pagpapatayo ng mga gusali.
|
Nahati ng kanilang kaharian sa dalawa : ang Israel sa hilaga at ang Juda sa timog.
|
Matapos ang paghahating ito , tinangka ng mga pinuno ng mga pinuno ng Israel at ng Juda ang paglaban sa paglusob ng sinaunang mga Ehipsiyo at , sa lumaon , ng Asiria.
|
Subalit , noong 722 BK , nagapi ni Shalmaneser V ang kaharian ng Israel , kung kailan nagupo ang Samaria , ang pangunahing lungsod nito.
|
Umabot sa sukdulan ang kapangyarihan ng mga Asirio noong mga 633 BK dahil sa pagkakasakop nila ng Thebes , isang lungsod ng sinaunang Ehipto.
|
Kilala ang mga Asirio dahil sa kanilang malaki at sanay na mga hukbong pandigma , sa karahasan ng kanilang mga kawal , at sa kanilang karunungan at kaalaman sa pamamaraan ng paglusob.
|
Katibayan ng kanilang katangiang ito ang pagkakaroon ng maraming mga detalyadong inukit sa batong mga larawan sa kanilang mga palasyo , na nagpapakita ng kanilang kampanyang pangmilitar.
|
Isang halimbawa ng mga ukit na ito ang matatagpuan sa Nineveh , isang pagalala ng mga Asirio sa mga tagumpay ni Sennacherib.
|
Noong 612 BK , bumagsak ang Nineveh at naging sanhi ng madaling pagkawala ng pangingibabaw ng kabihasnang Asirio.
|
Napalitan sila ng mga Babilonio.
|
Noong 605 bago dumating si Kristo , sa pamumuno ni Nebuchadnezzar II , nagapi ng mga Babilonio ang mga kakamping Ehipto ng mga Asirio sa isang labanan naganap sa Carchemish.
|
Mula noon naging ganap ang pangingibaw ng kapangyarihan mga Babilonio sa mga lupaing nabanggit sa Bibliya.
|
Isa sa mga luwalhati at tagumpay ng Imperyong Babilonio ang pagkakatatag ng Lungsod ng Babilonia.
|
Si Nebuchadnezzar II mismo ang nagplano ng kayarian ng lungsod.
|
Bantog ito sa pagkakaroon ng mga nakabiting mga halamanan , at dahil sa kaniyang Tarangkahang Ishtar na napapalamutian ng bughaw at makintab na mga blokeng bato.
|
Nakatayo ang tarangkahang ito sa hilagang pasukan ng lungsod ng Babilonia.
|
Nang masakop ng Persang si Ciro ang Lungsod ng Babilonia noong 539 BK , ang mga Persa ang naging pangunahing kapangyarihan sa mga lupaing nabanggit sa Bibliya.
|
Nagpatuloy ang pangingibabaw ng mga Persa ng may dalawandaang taon.
|
Lumagap ang kanilang imperyo mula sa India hanggang sa Aegeano , maging mula sa Bulubunduking Caucaso hanggang Etiyopiya.
|
Si Ciro ang nagtatag ng liberal na katangian ng pamumunong Persa.
|
Isang katibayan nito ang pagpapahintulot ni Ciro sa mga dinalang - bihag na mga Hudyo ( Mga Hebreo ) na makabalik sa Jerusalem.
|
Sa halos lahat ng kahabaan ng kapanahunan ng mga naging hari imperyong Persa , naging kabisera ng Persa ang Persepolis.
|
Isa sa kanilang naging tagumpay sa larangan ng arkitektura sa Gitnang Silangan ang pagkakatayo ng isang maringal o maharlikang palasyo.
|
Sumilang ang kalinangan at pilosopiyang Griyego mula sa Atenas.
|
Dahil sa mga pagtatagumpay ni Alejandrong Dakila laban kay Dario III , lumaganap ang impluhong pangkultura at pampolitika ng Gresya patungong silangangan hanggang sa mga hangganan ng India.
|
Napasailalim ang Banal na Lupain sa panginibabaw at kapangyarihan ng dalawang Helenistikong dinastiya : una , sa ilalim ng mga Tolomeo at , pangalawa , sa ilalim ng mga Seleucid.
|
Sa panahon ng dinastiyang Ptolemy , naging isang kabisera ang Alexandria , isang pook sa Ehipto.
|
Namuno naman mula sa Antioqia ang dinastiyang Seleucid.
|
Bagaman nakapaghimagsik ang mga Hudyo - sa pangunguna ng mga Macabeo - laban sa mga Seleucid , maikli lamang ang itinigal ng kanilang tagumpay at kasarinlan , sapagkat makalipas ang kulang - kulang na isang daantaon nilusob naman ang bansang Hudyo ng mga sinaunang Romano ( ng Republikang Romano ) paglaon.
|
Noong kapanahunan ni Hesus , pinagpilitan ng Imperyong Romano ang sarili nilang pamamaraan ng batas at kaayusan sa kahabaang mula Britanya hanggang Pulang Dagat.
|
Sa pagkakalikha nila ng mga daan at sa pagkakatanggal ng mga mandarambong mula sa mga karagatan , yumabong ang kalakalan.
|
Sa Palestina , itinalaga ng mga Romano si Haring Herodes ang Dakila bilang isa sa kanilang sunud - sunurang mga pinuno.
|
Sa panahon ni Herodes ang Dakila , hinikayat ng mga Romano ang malawakang mga pagawaing panggusali.
|
Isa sa mga nakamit ni Dakilang Herodes ang muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem.
|
Cordon , Isabela
|
Ang Bayan ng Cordon ay isang ika - 4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Isabela , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 35,519 katao sa 7,367 na kabahayan.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.