text
stringlengths
0
7.5k
Malimit na damit pambabae lamang ang tinatahi ng mga modista , katulad ng mga damit na pang - kasal.
Samantala , sastre naman ang tawag sa lalaking mananahi na kalimitang gumagawa ng mga damit na panlalaki tulad ng polo , salawal , Barong Tagalog , at pantalon.
Marunong ding magsulsi ang mga mananahi.
Patahian ang tawag sa gawaang pag - aari o pinapasukan ng mga mananahi.
Surah Quraysh
Ang Surat Quraysh ( Arabiko : swr qrysh ) ( angkan ng Quraysh ) ang ika - 106 kabanata ng Koran na may 4 na ayat.
Sa Ngalan ng Allah , ang Pinakamahabagin , ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.
1.
Bilang dakilang kagandahang - loob mula sa Allah , hinangaan ang pagkakaisa ng mga Quraysh.
2.
At ang kanilang banayad at patuloy na masaganang pamumuhay , at ang kanilang kaparaanan na paglalakbay sa taglamig patungong timog - Yemen , at sa tag - init pahilaga - Sham , nang walang anumang pinangangambahan , at sa pamamagitan nito ay naging madali para sa kanila ang pagkamit ng anumang kanilang pangangailangan.
3.
Na kung kaya , nararapat sa kanila na tumanaw ng utang na loob , at sambahin ang ' Rabb ' na Tagapaglikha na Nagmamay - ari ng Tahanang ito - ang Ka`bah sa Makkah.
Na ito ay bilang parangal para sa kanila , upang sambahin nila nang taimtim ang Allah na Bukod - Tangi.
4.
Na Siya ang nagpakain sa kanila upang hindi sila mangagutom at ginawa silang ligtas mula sa pagkatakot at mga panganib.
Kartograpiya
Ang kartograpiya ( mula sa Griyego na chartis mapa at graphein pagsusulat ) ay isang pag - aaral at kasanayan ng paggawa ng mga mapang pang - heograpiya.
Pinagsasama ang agham , estetika , at kaparaanan , binubuo ng kartograpiya ang isang pangunahing batayan na maaaring imodelo ang katotohanan sa mga paraan na epektibong nakikipagtalastasan sa malapad na impormasyon.
Rizal , Palawan
Ang Bayan ng Rizal ay isang ika - 2 klaseng bayan sa lalawigan ng Palawan , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 31,745 katao sa 6,916 na kabahayan.
Ang bayan ng Rizal ay nahahati sa 11 mga barangay.
Masatoshi Kushibiki
Si Masatoshi Kushibiki ( ipinaganak Enero 29 , 1993 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Sulat ni Pablo
Ang mga sulat ni Pablo ay mga liham na inakdaan ni San Pablo ng Tarso , isa sa mga naging unang apostol ng Kristiyanismo.
Tinatawag din itong mga Paulinong Sulat ( mula sa Ingles na Pauline Letters o Pauline Epistles ) o mga Epistolaryong Paulino.
Unang naisulat ang mga liham ni Pablo bago pa man maisatitik ang mga Ebanghelyo nina San Mateo , San Marcos , San Lucas , at San Juan.
Naglalaman ang mga liham na ito ng mga kapansin - pansin at naging bantog na mga pangungusap sa panitikan ng daigdig.
Nakaaakit ng pansin ang mga sulat na ito sapagkat - katulad ng ibang mga tunay na sulat sa araw - araw na pamumuhay ng tao , at maging ng iba ring mga sulat sa Bagong Tipan ng Bibliya - naglalaman ang mga ito ng pagtalakay sa mga pangaraw - araw na mga suliraning lumilitaw na lamang basta.
Isa pang katangian nito ang pagiging mga liham na hindi nasusulat bilang mga pormal na mga sanaysay.
Karamihan sa mga sulat na ito ang hinggil sa mga tiyak na suliraning inibig talakayin ni Pablo habang nakikipagugnayan sa partikular na mga parokya o pangkat ng mga tao.
Ginamit din ni Pablo ang mga sulat na ito para sagutin ang mga katanungan ng mga mamamayang ito.
Nakatakda ang mga Sulat na Paulino para sa bawat isang parokya o simbahan ng mga sinaunang Kristiyano.
Kabilang sa mga liham na ito ang para sa mga Kristiyanong Romano , Corintio , Galata , Efesio , Filipense , Colosense , at Tesalonicense.
Kasama rin sa pangkat na ito ang mga sulat para sa mga pastor o pinuno ng parokyang sina Timoteo at Tito ang Alagad ( o Titus ang Alagad ).
Ang mga sumusunod ang mga sulat na tradisyonal na pinaniniwalaang isinulat ng Apostol Pablo.
Ang mga sumusunod ay ayon sa pagkakahanay ng mga ito sa Bagong Tipan ng Bibliya :.
Ang ilan sa mga liham na ito ay pinaniniwalaan ng karamihan ng mga iskolar ng Bibliya na pseudepigrapikal ( may pekeng pangalan ) o pandaraya na ang layunin ay upang pangatwiranan ang ilang mga kalaunang paniniwala.
Ang mga 7 liham na itinuturing na tunay ng karamihan sa mga iskolar ng Bibliya ang sumusunod at mga petsa ng pagkakasulat nito ayon sa mga iskolar ng Bibliya : :.
Ang mga sumusunod ang mga sulat na pinaniniwalaan ng karamihan sa mga iskolar ng Bibliya na pseudepigrapikal ( peke ) :.
Ang mga sumusunod ang mga sulat na hati ang mga iskolar ng Bibliya sa pagiging tunay :.
Ang isang walang pangalan na sulat na tradisyonal na itinuturo kay Pablo ngunit ang lahat ng iskolar ng Bibliya ay naniniwalang hindi isinulat ni Pablo ang :.
Ang mga sumusunod ang mga hindi kanonikal na sulat na inangkin na isinulat ni Pablo :.
May mga teksto ring umiiral na bagaman hindi striktong mga liham ay gayunpman nag - aangkin na isinulat ni o tungkol kay Pablo :.
Ang ilan ay nagmungkahi rin ng pag - iral ng ikatlong sulat sa mga taga - Tesalonica na isinulat o pineke sa pangalan ni Pablo na posibleng tinutukoy sa 2 Th 2 : 1 - 2 , 3 : 17e.
Edwin Hubble
Si Edwin Powell Hubble ( Nobyembre 20 , 1889 - Setyembre 28 , 1953 ) ay isang Amerikanong astronomo.
Ang mga natuklasan ni Hubble ay nakapagpabago sa pananaw na pang - agham ukol sa sansinukob.
Noong 1925 , ipinakita niya na mayroong mga galaksiyang lampas sa ating sariling galaksiyang Daang Magatas.
Gayon din , nagpaunlad siya ng isang paraan ng pag - uuri - uri ng mga galaksiya.
Pagkaraan ay pinatunayan niya na ang mga galaksiya ay lumalayo magmula sa isa 't isa.
Natuklasan ni Hubble na ang antas ng epektong Doppler ( ang redshift o " pulang paglipat " ) magmula sa isang galaksiya ay nadaragdagan na katumbas ng proporsiyon nito sa layo nito mula sa Daigdig.
Ang epektong Doppler ay ang pagbabago sa tirik o kulay kapag ang isang bagay o tunog ay pumapasok ( mas mataas na tirik , mas maliwanag na kulay ) o lumalayo ( mas mababang tarik at mas madilim ).
Ang pulang paglipat o redshift ay napagmamasdan sa ispektrum ng liwanag.
Noong 1929 , isinapormula ni Hubble ang Batas sa Layo ng Pulang Paglipat ( Redshift Distance Law ) ng mga galaksiya , na sa pangkasalukuyan ay payak na tinatawag bilang Batas ni Hubble.
Ipinapahayag ng batas na kapag mas malaki ang layo sa pagitan ng anumang dalawang mga galaksiya , mas malaki ang kanilang kaukol na tulin ng paghihiwalay.
Sa ngayon , ' madaling mapansin na mga belosidad ' ( madaling mapansing tulin ) ng mga galaksiya ay nauunawaan bilang isang pagtaas sa naaangkop na distansiya na nagaganap dahil sa paglawak ng kalawakan.
Ang liwanag na naglalakbay sa lumalawak o " nababanat " na kalawakan ay nakakaranas ng isang " paglipat na pula " na nasa kauriang Hubble.
Ang akdang ito ay nakatulong sa paglulunsad na ang kalawakan ay kumakalat o " nadurugtungan ".
Mayroong ilan na may pagkakamaling nagsabi na si Hubble ang nakatuklas ng paglipat o pagpapalit na Doppler sa ispektra ng mga galaksiya , subalit ito ay nauna nang natuklasan ni Vesto Slipher , at ginamit lamang ni Hubble ang dato mula sa pagkakatuklas na ito.
Ayon kay Sandage , nakagawa si Hubble ng apat na pangunahing mga bagay :.
Oyabe , Toyama
Ang Oyabe ay isang lungsod sa Toyama Prefecture , bansang Hapon.
Nokia
Ang Nokia Corporation ay isang Finnish na korporasyong multinasyonal na gumagawa ng mga produktong telekomunikasyong wireless.
Ang Nokia ay ang kasalukuyang nangungunang pagapanggawa ng mga cellphone sa buong mundo na may 39 % bahaging kalakal.
Moalboal
Ang Bayan ng Moalboal ay isang ika - 4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Cebu , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2007 , ito ay may populasyon na 27,398 katao sa 4,790 na kabahayan.
Ang bayan ng Moalboal ay nahahati sa 15 mga barangay.
The livelihood of Brgy.
Saavedra depends on agriculture ( in muontain area ) and fishing ( near the shore line ) .Population ( as of Aug 1 , 2007 ) 2481.
Coordinates : 9 deg 57 ' N 123 deg 24 ' E / 9.950 deg N 123.400 deg E / 9.950 ; 123.400.
Nanganganib na mga uri
Ang nanganganib na mga uri ( Ingles : endangered species ) ay isang pangkat o populasyon ng mga halaman , mga hayop , o iba pang mga organismong nasa panganib na mawala o hindi na umiral.
Maaari itong maganap dahil sa may mangilan - ngilang na lamang ng natitirang bilang ng hayop na ito , dumami ang bilang ng mga hayop na kumakain ng hayop na ito , o kaya dahil sa pagbabago ng klima sa pook na tinitirhan nito , o nawasak na ang mga lugar na tinatahanan ng hayop.
Kabilang sa ilang mga hayop na nakatala bilang nanganganib na mga uri ang :.
Venegono Inferiore
Ang Venegono Inferiore ay isang comune sa lalawigan ng Varese sa bansang Italya.
Agra * Albizzate * Angera * Arcisate * Arsago Seprio * Azzate * Azzio * Barasso * Bardello * Bedero Valcuvia * Besano * Besnate * Besozzo * Biandronno * Bisuschio * Bodio Lomnago * Brebbia * Bregano * Brenta * Brezzo di Bedero * Brinzio * Brissago - Valtravaglia * Brunello * Brusimpiano * Buguggiate * Busto Arsizio * Cadegliano - Viconago * Cadrezzate * Cairate * Cantello * Caravate * Cardano al Campo * Carnago * Caronno Pertusella * Caronno Varesino * Casale Litta * Casalzuigno * Casciago * Casorate Sempione * Cassano Magnago * Cassano Valcuvia * Castellanza * Castello Cabiaglio * Castelseprio * Castelveccana * Castiglione Olona * Castronno * Cavaria con Premezzo * Cazzago Brabbia * Cislago * Cittiglio * Clivio * Cocquio - Trevisago * Comabbio * Comerio * Cremenaga * Crosio della Valle * Cuasso al Monte * Cugliate - Fabiasco * Cunardo * Curiglia con Monteviasco * Cuveglio * Cuvio * Daverio * Dumenza * Duno * Fagnano Olona * Ferno * Ferrera di Varese * Gallarate * Galliate Lombardo * Gavirate * Gazzada Schianno * Gemonio * Gerenzano * Germignaga * Golasecca * Gorla Maggiore * Gorla Minore * Gornate - Olona * Grantola * Inarzo * Induno Olona * Ispra * Jerago con Orago * Lavena Ponte Tresa * Laveno - Mombello * Leggiuno * Lonate Ceppino * Lonate Pozzolo * Lozza * Luino * Luvinate * Maccagno * Malgesso * Malnate * Marchirolo * Marnate * Marzio * Masciago Primo * Mercallo * Mesenzana * Montegrino Valtravaglia * Monvalle * Morazzone * Mornago * Oggiona con Santo Stefano * Olgiate Olona * Origgio * Orino * Osmate * Pino sulla Sponda del Lago Maggiore * Porto Ceresio * Porto Valtravaglia * Rancio Valcuvia * Ranco * Saltrio * Samarate * Sangiano * Saronno * Sesto Calende * Solbiate Arno * Solbiate Olona * Somma Lombardo * Sumirago * Taino * Ternate * Tradate * Travedona - Monate * Tronzano Lago Maggiore * Uboldo * Valganna * Varano Borghi * Varese * Vedano Olona * Veddasca * Venegono Inferiore * Venegono Superiore * Vergiate * Viggiu * Vizzola Ticino.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Lu Yen - hsun
Si Lu Yen - hsun ay isang Taiwanese propesyonal na tennis player.
Kapusukan
Marami sa kabataan ngayon na mayroong mapupusok na damdamin.
Dahil dito ay nakagagawa sila ng mga hindi magagandang pangyayari unang - una na rito ay ang pagkakaroon ng maagang anak.
Dahil sa pagtanda kabataan , nagiging malawak ang kanilang kaisipan at sumusubok ng mga bagay kagaya ng pakikipag - talik sa murang edad na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng anak.
Ang kapusukan ( mula sa salitang - ugat na pusok ) , na tinatawag ding pasyon ( damdamin ) , bugso ng damdamin , ningas ng kalooban , kapangahasan , init ng damdamin , o kabiglaanan ng damdamin ( Ingles : ardency , ardor , fervor , temerity , fieriness , hotness , violence , impetuosity , vehemence , impulsiveness , incontinence , o rashness ) ay isang katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka malubha o masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay.
Ang pasyon , na nagmula sa Sinaunang wikang Griyegong pandiwa na paskho ( paskho ) na may ibig sabihing " maghirap " , ay isa ring marubdob na damdamin , o makabagbag - damdaming saloobin ( kaloobang pangdamdamin ) , kasigasigan ( entusiyasmo ) , o pithaya ( hangarin , lunggati , pita , o pagnanais ng damdamin ) para sa isang bagay.
Ang kataga ay madalas ding ginagamit para sa paglalarawan ng isang masigla o masigasig na pagkagusto o pagkawili sa o paghanga ( admirasyon ) para sa isang alok o mungkahi , layunin , o gawain , o pag - ibig , hanggang sa pagkadama ng hindi pangkaraniwang kasiglahan o katuwaan , masigasig o makabagbag - damdaming kalooban , na isang positibong ugnayan o pagmamahalan , na inilalaan para sa isang paksa , ideya , tao o persona , o bagay.
Partikular itong ginagamit sa diwa ng romansa o seksuwal na pagnanais , bagaman pangkalahatan itong nagpapahiwatig ng isang mas malalim o mas malawak at mas masaklaw na uri ng emosyon kaysa sa ipinahihiwatig ng katagang kalibugan.
Mapiripan
Ang Mapiripan ay isang munisipalidad sa Departamento ng Meta , Kolombiya.
Radio Philippines Network