text
stringlengths
0
7.5k
Ang suporta kay Arius mula sa mga makapangyarihang obispo gaya nina Eusebius ng Caesarea at Eusebius ng Nicomedia , ay karagdagang nagpapakita kung paanong ang Kristolohiyang pagpapailalim ni Arius ay pinagsasaluhan din ng ibang mga Kristiyano sa Imperyo Romano.
Si Arius at ang kanyang mga tagasunod ay gumamit ng mga talata upang suportahan ang kanilang paniniwala gaya ng Juan 14 : 28 " Ang ama ay mas dakila sa akin " at Kawikaan 8 : 22 " Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa ".
Ang Ama ay nakikita ng mga ito na " ang tanging tunay na Diyos " gaya ng nasa 1 Corinto 8 : 5 - 6 " ngunit para sa atin ay may isang Diyos , ang Ama na mula sa kanya ang lahat ng mga bagay ... " Salungat dito ang Juan 10 : 30 " Ako at ang Ama ay iisa " ay naghahatid ng doktrinang Homoousian.
Si Arius ay kalaunang itinawalag ni Alexander.
Si Arius ay nagsimulang humimok ng suporta ng maraming mga obispo na umaayon sa kanyang posisyon.Sa panahon na itinawalag ni Alexander si Arius , ang doktrina ni Arius ay kumalat na ng lagpas sa diocese ng Alexandria , Ehipto.
Ito ay naging paksa ng talakayan at kaguluhan sa buong Simbahan.
Ang simbahan sa panahong ito ay isa ng makapangyarihang pwersa sa daigdig Romano na ginawang legal ng emperador Constantine I noong 313.
Ang emperador ay nagkaroon ng sariling interest sa ilang mga isyung ekumenikal kabilang ang kontrobersiyang Donatismo noong 316 CE.
Kanyang ninais na wakasan ang alitang Arianismo.
Maaring sinamahan ni Athanasius si Alexander sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 na lumikha ng Kredong Niseno at nag - anatema kay Arius at kanyang mga tagasunod.
Ang konsehong ito ay pinatawag at pinangasiwaan ng mismong emperador Constantine I na lumahok at nanguna sa ilang mga talakayan.
Sa Konsehong ito , ang mga 22 obispo na pinamunuan Eusebius ng Nicomedia ay dumating bilang mga tagasuporta ni Arius.
Nang basahin ng malakas ang ilan sa mga kasulatan ni Arius , ang mga ito ay kinondena ng karamihan ng mga kalahok bilang mapamusong.
Ang mga naniniwala na ang Kristo ay kapwa - walang hanggan at konsubstansiyal sa Ama ay pinamunuan ni Athanasius.
Ang mga naniwala na ang Anak ay dumating pagktapos ng Ama sa panahon at substansiya ay pinamunuan ni Arius.
Sa loob ng 2 buwan , ang dalawang mga panig ay nangatwiran at nagdebate na ang bawat isa ay umapela sa Kasulatan upang pangatwiranan ang kanilang mga respektibong posisyon.
Si Arius ay umapela sa Kasulatan na sumipi mula sa Juan 14 : 28 : Ang Ama ay mas dakila sa Akin ".
Gayundin , ang Colosas 1 : 15 : " Ang panganay ng lahat ng nilikha ".
Kaya iginiit ni Arius na ang pagkadiyos ng Ama ay mas dakila sa Anak at ang Anak ay nasa ilalim ng Ama at hindi katumbas o kapwa - walang hanggan sa Ama.
Sa ilalim ng impluwensiya ni Constantine , ang karamihan ng mga obispo ay huling umayon sa isang kredo na kalaunang tinawag na Kredong Niseno.
Ito ay kinabibilangan ng salitang homoousios na nangangahulugang " konsubstansiyal " o " isa sa kalikasan " na hindi umaayon sa mga pananaw ni Arius.
Noong Hunyo 19 , 325 , ang konseho at ang emperador ay nag - isyu ng isang sirkular sa at sa palibot ng Alexandria.
Si Arius at ang kanyang dalawang mga partisan ay ipinatapon sa Illyricum samantalang ang tatlo niyang iba pang mga tagasuporta ay lumagda bilang pagpapailalim sa emperador.
Gayunpaman , agad na nalaman ni Constantine ang dahilan upang pagsuspetsahan ang sinseridad ng tatlong ito.
Kalaunan ay isinama niya ito sa sentensiyang inihayag kay Arius.
Ang orihinal na Kredong Niseno ay unang tinanggap sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE.
Sa panahong ito , ang teksto ay nagwakas pagkatapos ng mga salitang " Kami ay naniniwala sa Banal na Espirito ' na pagkatapos ay ang anatema ay idinagdag.
Ang Simbahang Koptiko ay may tradisyon na ang orihinal na kredo ay isinulat ni Athanasius I ng Alexandria , Ehipto.
Ikinatwiran nina F. J. A. Hort at Adolf Harnack na ang kredong Niseno ang lokal na kredo ng Caesarea ( na mahalagang sentro ng maagang Kristiyanismo ) at dinala sa konseho ni Eusebius ni Caesarea.
Nakita ni J.N.D.
Kelly bilang basehan nito ang isang kredong pang - bautismo ng pamilyang Syro - Phoenician na nauugnay ngunit hindi nakasalalay sa kredong binanggit ni Cyril ng Herusalem at sa kredo ni Eusebius.
Sa sandaling pagkatapos ng Konseho ng Nicaea , ang bagong mga pormula ng pananampalataya ay nilikha na ang karamihan ay mga bersiyon ng simbolong Niseno upang salungatin ang mga bagong yugto ng Arianismo.
Tradisyonal na pinaniniwalaang ang Unang Konseho ng Constantinople noong 381 CE ay nagdagdag ng seksiyon na sumusunod sa mga salitang " Kami ay naniniwala sa Banal na Espirito " ( nang walang mga salita na " at ang Anak " relatibo sa pagmumula ng Banal na Espirito na naging isang punto ng alitan sa Dakilang Schismo ng Ortodoksiya mula sa Katolisismo ) at kaya ang pangalang " Kredong Niceno - Constantinopolitan " na tumutukoy sa Kredo na binago sa Unang Konseho ng Constantinople.
Ito ang tinatanggap na teksto sa Simbahang Silangang Ortodokso maliban na sa liturhiya nito , binabago ang mga pandiwa mula sa plural na sama samang inihayagng mga ama sa Konseho tungo sa singular ng indibidwal na paghahayag ng pananampalatayang Kristiyano.
Itinuturo ng Simbahang Katoliko na maling idagdag ang " at ang Anak " sa pandiwang Griyegong " ekporeuomenon " , ngunit tamang idagdag ito sa Latin na " qui procedit " na walang eksaktong parehong kahulugan.
May pagdududa sa paliwanag ng pinagmulan ng pamilyar na Kredong Niseno - Constantinopolitano na karaniwang tinatawag na Kredong Niseno.
Sa basehan ng parehong mga ebidensiyang panloob at panlabas ng teksto , ikinatwiran na ang kredong ito ay nagmula hindi bilang pagbabago ng Unang Konseho ng Constantinople ng orihinal na Kredong Niseno kundi bilang independiyenteng Kredo ( na malamang ay mas matandang kredong pang - bautismo ) na binago upang gawin itong katulad ng Kredong Niseno noong 325 at kalaunang lamang itinuro sa Konseho ng 381 CE.
Muling pinagtibay ng Konsehong Efeso noong 431 CE ang orihinal na bersiyon noong 325 at idineklarang " hindi nararapat para sa sinumang tao na magsulong o sumulat o lumikha ng isang ibang ( eteran - mas tumpak na isinaling gaya ng ginamit ng Konseho upang pakahulugang " iba " , " sumasalungat " at hindi " iba pa " ) Pananampalataya na katunggali sa itinatag ng mga banal na ama na tinipon ng Banal na Espirito sa Nicaea " ( i.e. kredong 325 ).
Ang kredong ito ay pinakahulugan bilang pagbabawal laban sa pagbabago ng kredo o paglikha ng iba pa ngunit ang interpretasyong ito ay hindi tinatanggap ng lahat.
Ang tanong na ito ay nauugnay sa kontrobersiya kung ang isang kredong ipinahayag ng isang konsehong ekumenikal ay depinitibo o ang mga dagdag ay maaaring gawin dito.
staurothenta te uper emon epi Pontiou Pilatou , kai pathonta kai taphenta , kai anastanta te trite emera kata tas graphas , kai anelthonta eis tous ouranous , kai kathezomenon ek dexion tou Patros ,.
Ang talaan sa ibaba ay nagpapakita sa ng mga bahagi ng kredong 325 CE na tinanggal o inilipat sa kredong 381 CE.
Ang mga italiko ay nagpapakita kung anong mga parirala ang hindi umiiral sa kredong 325 CE na idinagdag sa kredong 381 CE.
Amang Makapangyarihan sa lahat , na may gawa ng langit at lupa at ng lahat na nakikita at hindi nakikita.
Bugtong na Anak ng Diyos , sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon.
Diyos buhat sa Diyos , liwanag buhat sa liwanag , Diyos na tunay buhat sa Diyos na tunay , Sumilang at hindi ginawa , Magkasing - sangkap ng Ama : ;.
Nanaog Siya mula sa kalangitan.
At naging laman sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng Birheng Maria at naging tao.
at nagdusa at inilibing At muli Siyang nabuhay sa ikatlong araw nang naaayon sa mga Banal na Kasulatan , At umakyat Siya sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Ama.
upang hukuman ang mga nangabubuhay at mga nangamatay ,.
Na nanggagaling sa Ama Na kasama ng Ama at ng Anak ay sinasamba 't pinararangalan.
Na nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta.
kinikilala namin ang iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay namin ang muling pagkabuhay ng mga nangamatay , at ang buhay ng sanlibutang darating.
Amen.
Sumasampalataya ako sa isang Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat , na may gawa ng langit at lupa , ng lahat na nakikita at hindi nakikita.
Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo , bugtong na Anak ng Diyos , sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon.
Diyos buhat sa Diyos , liwanag buhat sa liwanag , Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo , sumilang at hindi ginawa , kaisa ng Ama sa pagka - Diyos , at sa pamamagitan niya ay ginawa ang lahat.
Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan , siya ay nanaog mula sa kalangitan.
Nagkatawang - tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at naging tao.
Ipinako sa krus dahil sa atin.
Nagpakasakit sa hatol ni Poncio Pilato , namatay at inilibing.
Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Banal na Kasulatan , umakyat siya sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal.
Paririto siyang muli na may dakilang kapangyarihan , upang hukuman ang mga buhay at mga patay.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo , Panginoon at nagbibigay - buhay na nanggagaling sa Ama at sa Anak.
Sinasamba siya at pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak.
Nagsalita siya sa pamamagitan ng mga propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang katolika at apostolika.
Gayundin sa isang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na walang hanggan.
Amen.
Ang Filioque ( Latin para sa " at sa Anak " ) ay idinagdag sa Ikatlong Konseho ng Toledo noong 589 CE ( " Credo in Spiritum Sanctum qui ex patre filioque procedit / Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo , Panginoon at nagbibigay - buhay , na nanggagaling sa Ama at sa Anak " ) na tinanggap na paniniwala sa Simbahang Kanluranin ( ngayo 'y Simbahang Katoliko Romano ) noong ikatlong siglo CE.
Ito ay ginamit para sa mga kontekstong liturhikal ng Simbahang Katoliko Romano noong ika - 11 siglo CE.
Hindi tinanggap ang susog na ito ng Simbahang Silanganin sa mga kadahilanang ang pagdaragdag ay mag - isang ginawa Simbahang Kanluranin , at siyang nagbabago sa kredong inaprobahan ng mga naunang konsehong ekumenikal , at ang pormula ay sumasalamin sa isang partikular na pananaw ng Santatlo ng Kanluraning Simbahan na tinutulan ng mga teologo ng Simbahang Silangang Ortodokso.
Ito ang isa sa mga pangunahing paktor na humantong sa Dakilang Paghahati sa pagitan ng mga Simbahang Silanganin at Kanluranin.
Ang pagdaragdag ng Filioque sa Kredong Niceno - Constantinopolitano ay kindonena bilang eretikal ng maraming mga ama at santo ng Simbahang Silangang Ortodokso kabilang sina Focio I ng Konstantinopla , Gregorio Palamas at Marcos ng Efeso na minsang tinutukoy bilang " Tatlong Haligi " ng Ortodoksiya.
Ang mga bumatikos sa Kredong Niseno ang sumusunod :.
Tsismis
Ang tsismis ( Ingles : gossip , rumor ; Kastila : chismes ) ay isang bagay , karaniwang mga pangungusap o kuwento na may kaugnay sa o tungkol sa buhay ng may - buhay , na negatibo ( isang negatibidad ) , pasalungat , pakontra , o kabaligtaran , na itinuon sa isang tao o pangkat ng mga tao.
Ginagawa at ginagamit ito ng mga tsismoso ( lalaki ) at tsismosa ( babae ) - kilala rin bilang mga madaldal , matabil , masatsat , daldalero ( lalaki ) , daldalera ( babae ) , satsatero ( lalaki ) , at satsatera ( babae ) - dahil sa udyok ng kanilang sariling inseguridad o " kabuwayahan " , upang ibaba o ilugmok ang ibang tao , samantalang iniaangat naman ng mga nagkakalat ng mga tsismis ang kanilang sarili at para makaramdam ng iniisip o hinahangad na " kabutihan " o pagiging mabuti sa mata ng iba na paukol sa sarili.
Ang tsismis ay kasingkahulugan ng mga sumusunod : satsat , sitsit , yapyap , dada , ngakngak , kiyaw - kiyaw , ngawngaw , taritan , tari - tari , kalantari , dalahira , rumor , sagap , sabi - sabi , bali - balita , balitang kutsero , balitang barbero , bulung - bulungan ( binabaybay ding bulungbulungan ) , parali , alingasngas , tibadbad , higing , balitang kanto , balitang naulinigan , at daldal.
Ayon kay Tenzin Gyatso , ang ikalabing - apat na Dalai Lama , nakapagpapaikli ng isang araw na tila napakahaba o napakatagal lumipas ang tsismisan subalit ito ang isa sa pinakamasamang pagsasayang ng oras o panahon.
Binigay niyang halimbawa ang hinggil sa isang lalaking mananahi na humahawak lamang sa isang karayom habang patuloy sa pagsasalita sa harap ng isang kliyente ; dahil sa kanyang gawaing ito hindi natatapos ang kanyang pananahi ; at maaari pang matusok pa niya ng karayom ang sariling daliri dahil sa pagkalibang sa pagdaldal.
Ipinakakahulugan ng Dalai Lama na nakapipigil ang walang kabuluhang pakikipagtsismisan sa paggawa ng alin mang uri ng gawain.
Batay naman sa Three Minutes a Day ( Tatlong Minuto Isang Araw ) , tomo bilang 35 , ng The Christophers , nakapipinsala sa iba at sa sarili ng tsismoso o tsismosa ang pagtsitsismis. dahil , Aklat ng mga Kawikaan ng Bibliya , naglalantad ng mga lihim ang tsismis ( Mga Kawikaan 20 : 19 ).
Kabilang sa mga paraan upang mapangasiwaan ang mga tsismoso at mga tsismosa , o masugpo ang tsimis , ay ang tuwirang pagtatanong sa mga nagbabalita ng tsismis ng ganito : na kung bakit kailangang malaman pa ng ibang mga tao ang mga bagay - bagay o paksang isinasalo o ibinubunyag nila.
O kaya , ang pagtatanong kung paano matutulungan ang taong itsini - tsimis sapagkat ang reputasyon nito ang siyang nakataya.
Kaakit - akit naman sa isang hindi tsismoso o tsismosa ang pagkakaroon ng reputasyong may kakayahang mapanatiling sarado ang bibig o hindi magdaldal ng bagay - bagay na pribado , at pagkakaroon ng paghabas , pagtitimpi , pag - iingat , o magpasyang may diskresyon , sapagkat hindi kahali - halina ang gawaing kabaligtaran nito.
Bilang dagdag , kahit na sa loob ng pinakamatalik na pakikipag - ugnayan , pakikipagkapwa - tao , o relasyong may pagkakagaanan ng mga kalooban , palaging may pangangailangan ng pagsasaisip ng mga sasabihin , kung paano ito magiging maganda o mainam sa pandinig , o kung paano ito makakaapekto sa makikinig o tagapakinig.
Kung minsan , ang bugso , udyok , o " tulak " ng kagustuhan maglantad o magsiwalat ng bagay - bagay o paksa ay isang kagustuhan ng paglalabas ng nakakubling pagnanais na makasakit sa kapwa.
Hindi isang kamalian ang pag - isipan muna bago ito gawin , kahit na hinggil ang paksa sa sariling buhay o kaya ng kapwa tao.
Dagat Bohol
Ang Dagat Bohol , na kilala rin bilang Dagat Mindanao , ay matatagpuan sa pagitan ng Bisayas at ng Mindanao sa Pilipinas.
Nasa timog ito ng Bohol at Leyte at hilaga ng Mindanao.
Dalawa sa mga pangunahing pulong matatagpuan dito ay ang Siquijor at Camiguin.
Ilan sa mga pangunahing lungsod na matatagpuan sa baybayin ng dagat ay ang Cagayan de Oro , Iligan , Butuan , Dumaguete , Ozamis , at Tagbilaran.
Dumudugtong ang Dagat Bohol sa Dagat Pilipinas sa Kipot ng Surigao at sa Dagat Sulu sa kipot sa pagitan ng Negros at ng Tangway ng Zamboanga.
Coordinates : 9 deg 10 ' N 124 deg 20 ' E / 9.167 deg N 124.333 deg E / 9.167 ; 124.333.
Zoroastrianismo
Ang Zoroastrianismo ( English : Zoroastrianism ) na tinatawag ring Mazdaismo at Magianismo ay isang relihiyong batay sa mga katuruan ng propetang si Zoroaster na kilala rin bilang Zarathustra sa Avestan.