text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Mga lalawigan ng Pilipinas
|
Pilipinas.
|
Ang lalawigan ( Filipino : probinsiya ) ay ang pangunahing yunit ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas.
|
Sa kasalukuyan , may walumpu 't - isa ( 81 ) na lalawigan ang Pilipinas na hinahati sa mga lungsod at mga bayan.
|
Ang Pambansang Punong Rehiyon , pati ang mga malayang nakapaloob na lungsod , ay may kalayaan mula sa pamahalaang panlalawigan.
|
Ang bawat lalawigan ay pinamamahalaan ng halal na mambabatas na tinatawag na Sangguniang Panlalawigan at ng isang halal na gobernador.
|
Ang mga lalawigan ng Pilipinas ay napapangkat sa mga rehiyon ayon sa katangiang pang heograpiya , kultura , at etnolohiya.
|
May nakatakdang bilang ang bawat isa sa labing - apat na rehiyon ng bansa kung saan nauugnay ang kanilang kinalalagyan mula hilaga pababa sa katimugan.
|
Walang itinakdang bilang ang Kalakhang Maynila o Pambansang Punong Rehiyon , ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera ( CAR ) at ang Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao ( ARMM ).
|
Pinamumunuan ng isang gobernador ang pamahalaan ng bawat lalawigan sa Pilipinas.
|
Ang mga lungsod sa isang lalawigan ay hindi nasasakop sa kapangyarihan ng gobernador.
|
Sa hangad ng lehislatura , bawat isa sa mga ito ay binubuo ng mga distrito.
|
Mayroong mga halal na kinatawan o kongresista ang bawat distrito sa Kongreso o Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas.
|
Ang mga distrito ay nagtataglay din ng isang lupon ng mga kagawad ( board members ) sa Sangguniang Panlalawigan ( tingnan ang sumusunod na seksiyon tugkol sa pamahalaang lalawigan ).
|
Noong 30 Oktubre 2006 , inaprubahan ng mga mamayan ng unang distrito ng Maguindanao ang pagkakabuo ng isang bagong lalawigan , ang Shariff Kabunsuan , sa isang plebesito na pinamunuan ng Komisyon ng Halalan.
|
Inaprubahan din noong 2 Disyembre 2006 , nabuo din ang bagong lalawigan ng Dinagat Islands sa Surigao del Norte mula sa naganap na plebesito.
|
Itinatag ng Kongreso ng Pilipinas ang mga batas na ukol sa mga ito.
|
Tulad ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas , mayroon ding kagawaran ng tagapagpaganap at tagapagbatas ang pamahalaang panlalawigan.
|
Nasa pamamahala ng Kataas - taasang Hukuman ng Pilipinas ang panghukuman na kapangyarihan ng lalawigan.
|
Malaya ang pamahalaang panlalawigan.
|
Binigyan ito ng tuwirang kapangyarihan upang magpalakad ng mga gawain sa mga naturang lalawigan ngunit tuluyan pa ring nakikipag - ugnayan ang pangulo sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
|
Ang gobernador nakatalagang tagapagpaganap sa bawat lalawigan.
|
Siya ang may hawak sa iba 't ibang mga kagawaran ng lalawigan katulad ng Pangasiwaan , Tanggapang Legal , Tanggapan ng Impormasyon , Tanggapang Inhinyeriya , at Tanggapan ng Ingat - Yaman.
|
Hinahalal ang isang gobernador na binibigyan ng tatlong taon sa isang termino at maaaring gumanap muli sa loob ng tatlong termino kung muling siyang ihahalal.
|
Hinihirang ng isang gobernador ang mga pinuno ng mga kagawaran sa kanyang lalawigan.
|
Pinamumunuan ang lehislatura ng bise - gobernador na nasasakop sa Sangguniang Panlalawigan ng lupon ng mga kagawad ( Filipino : bokal , Ingles : board members ) mula sa bawat distrito.
|
Depende sa uri ng kita ng lalawigan , maaari itong bumuo ng lupon ng mga kagawad na ginaganapan ng walo hanggang sampung miyembro.
|
Binibigayn ng sampung mga kagawad ang una at ikalawang uri ng lalawigan samantalang walo naman ang sa ikatlo at ika - apat na uri ng lalawigan.
|
Natatangi ang Negros Occidental at Cebu dahil ang kanilang mga lupon ay binubuo ng labindalawang kagawad.
|
Sa Lupon ng mga Lalawigan , binubuo ito ng mga kasaping ex - officio tulad ng pangulo ng Liga ng mga Kapitan o Association of Barangay Captains , Liga ng mga Konsehal sa Pilipinas o Philippine Councilors League ( PCL ) , at ang Pederasyon ng mga Pangulo ng Sangguniang Kabataan.
|
Ang gobernador at mga kagawad ay hinahalal ng mga mamamayan sa lalawigan.
|
Hinahalal naman ang mga kasaping ex - officio sa loob ng kanilang organisasyon.
|
Talababa :.
|
Pambansang utang
|
Ang pambansang utang , na tinatawag ding utang ng pamahalaan , utang ng madla , o utang ng publiko ( Ingles : government debt , public debt , o national debt ) ay ang utang , pagkakautang , o kautangan ( huwag ikalito sa pautang ) ng pangunahing pamahalaan , na kadalasang umiiral o nagaganap kapag umuutang o humihiram ng salapi o pera ang pamahalaang ito.
|
Karaniwang itong naisasagawa sa pamamagitan ng mga bono ng gobyerno.
|
Kabilang sa mga layunin ng pag - utang ng pamahalaan ang matustusan ang mga pagawaing - bayan o pagawaing pambansa , at upang maabot ang mga emerhensiyang tulad ng panahon ng digmaan.
|
Tinatawag na pangmadlang utang o utang na pampubliko ang pinagsamang pambansang kautangan at ang mga pagkakautang ng mga lokal na pamahalaan.
|
Charles Glover Barkla
|
Si Charles Glover Barkla , FRS ( 7 Hunyo 1877 - 23 Oktubre 1944 ) ay isang pisikong Britaniko na nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1917 para sa kanyang gawain sa ispektroskopiya ng x - ray at mga nauugnay sa sakop ng pag - aaral ng x - ray.
|
Pulong - balitaan
|
Ang isang pulong - balitaan o press conference sa Ingles , ay isang kaganapang linalahukan ng midya kung saan inaanyayahan ng mga taong ibinabalita ang mga peryodista o mamamahayag upang ang mga ibinabalita ay magsalita o makapagbigay ng pahayag at , higit sa karaniwan , upang sila 'y matanong ng mga peryodista.
|
Ang isang magkasamang pulong balitaan o joint press conference ay isinasagawa ng dalawa o higit pang nagtatalastasang panig.
|
Carl Friedrich Gauss
|
Si Johann Carl Friedrich Gauss ( bigkas : / 'gaUs / ; Aleman : Gauss listen ( tulong * impormasyon ) , Latin : Carolus Fridericus Gauss ) ( 30 Abril 1777 - 23 Pebrero 1855 ) ay isang Alemang matematiko at siyentipikong nagmula sa Gottingen , Alemanya.
|
Nakapag - ambag siya ng malaki sa maraming mga larangan ng pag - aaral , katulad ng teoriya ng bilang , estadistika , matematikal na analisis , heometriya at topolohiyang dipirensiyal , heodesiya , elektrostatiks , astronomiya , at optiks.
|
Karamihan sa kanyang mga gawa ang tungkol sa teoriya ng bilang at astronomiya.
|
Kilala kung minsan bilang Princeps mathematicorum ( Latin , " ang Prinsipe ng mga Matematiko " o " ang nangunguna sa mga matematiko " ) at " pinakadakilang matematiko magmula sa sinaunang panahon " , nagkaroon siya ng natatanging impluho sa maraming mga larangan ng matematika at agham , at nakahanay bilang isa sa pinakamaimpluwensiyang mga matematiko sa kasaysayan.
|
Tinawag niya ang matematika bilang " ang reyna ng mga agham.
|
" ".
|
Isang batang matalino si Gauss.
|
Maraming mga anekdotang patungkol sa kanyang katangian bilang isang bata , at nagawa niya ang kanyang unang mga pagkakatuklas na pangmatematika habang nasa kabataan pa lamang.
|
Nabuo niya ang Disquisitiones Arithmeticae , ang kanyang magnum opus , noong 1798 sa edad na 21 , bagaman nalathala lamang ito noong pagsapit ng 1801.
|
Naging pundamental o mahalaga ang akdang ito sa pagsasama - sama ng teoriya ng bilang upang maging isang disiplina at nakahubog sa larangan magpahanggang sa kasalukuyang panahon.
|
Tagapagmana ( taong tumatanggap )
|
Ang tagapagmana o eredero ( eredera kung babae ) ay isang taong tumatanggap o nagmamana ng mga bagay na dating pag - aari ng isang kamag - anak.
|
Karaniwang namamana ng tagapagmana ang mga bagay na ito kapag namatay na ang kamag - anakan.
|
Tinatawag na kalansak ang isang ampon na tagapagmana.
|
Sa Lumang Tipan ng Bibliya , tinawag ang Israel bilang " tagapagmana ng Diyos " ; ang Israel ang tumanggap ng Lupang Ipinangako bilang isang mana mula sa Diyos.
|
Sa Bagong Tipan naman ng Bibliya , tinawag diong mga " tagapagmana ng Diyos " ang mga tao ng Diyos ; tinanggap ng mga taong ito ang tatlong handog ng Diyos : ( a ) ang pagiging matuwid , ( b ) buhay na walang - hanggan , at ( c ) ang kaharian ng Diyos.
|
Tinatawag din itong benepisyaryo ( kung lalaki ) o benepisyarya ( kapag babae ).
|
Paul Robeson
|
Si Paul LeRoy Bustill Robeson ( 9 Abril 1898 - 23 Enero 1976 ) ay isang maalam sa maraming mga wikang Aprikanong Amerikanong aktor , atleta , mangangantang Basso cantante ( base singer sa Ingles o mang - aawit na may mababang tono ng tinig ) sa konsiyerto , manunulat , aktibista para sa mga karapatang sibil , kasamang manlalakbay , nagwagi ng Medalyang Spingarn , at nakatanggap ng Gantimpalang Pangkapayapaan ni Lenin.
|
Analogy
|
Ang analogy ( bigkas / a * na * lo * dyi / , tinatawag din sa Lingguwistika at Pantikan na pagwawangis ) ay ang pagsusuri at paghahambing ng dalawang bagay na magkaugnay , magkapareho , magkatumbas , o may katangiang maaaring pagtularin.
|
Tinatawag din itong korespondensya.
|
Korona ( putong )
|
Ang korona ay isang uri ng putong sa ulo na isinusuot ng hari , reyna , o ng isang maharlika o monarka.
|
Kalimitan silang isinusuot kapag kinokoronahan sila sa araw ng kanilang koronasyon , at sa mga mahahalagang mga okasyon.
|
Isa itong sagisag ng monarkiya.
|
Halimbawa ng korona ang tiara.
|
Ang mga Putong ay karanwang isinusuot ng mga Kababaihan at Kalalakihang mula sa uri ng Maginoo at Maharlika madalas ito ay gawa sa ginto na makikita bilang palamuti sa ulo ng mga Rajah , Datu at Lakan maging ng kanilang mga asawa at anak na mga Hara , Dayang at Binibini.
|
At ang mga mandirigma na ma nag pakita ng kahusayan sa pakikidigma ay nag susuoot ng pulang dayadema sa ulo bilang tanda ng kanilang katapanagn.
|
Ang putong ni Emperador Komei ng Bansang Hapon.
|
Korona o putong para ng Emperador ng Dinastiyang Nguyen sa Vietnam.
|
Korona mula sa dinastiyang Sila mula sa sinaunang panahon ng bansang Korea.
|
Ang banal na putong ng bansang Ungarya.
|
Ang korona ng Emperador ng Banal na Imperyong Romano.
|
Ang sinaunang putong mula sa Bulgarya.
|
Korona ng Imperyong Britanya.
|
Pamplona
|
Ang Irunea ( Kastila : Pamplona ) ay ang kabisera ng awtonomong pamayanang Kastila ng Nafarroa.
|
May populasyon ito ng 193 328 habitantes ( 2005 ).
|
Ito rin ang sentrong pangpinansiya at pangnegosyo ng Nafarroa , bukod sa pagiging sentrong pampangasiwaan nito.
|
Ang Irunea ay isang mahalagang sentro ng industriya , partikular na sa pagyari ng mga kotse , lakas hangin , kagamitang pangkonstruksyon , metalurhiya , papel at mga sining grapiko , at pinrosesong karne.
|
Tuytoy
|
Ang tuytoy o praskito ( Ingles : flask ; Kastila : frasco ) ay isang maliit na bote o botelya na pinaglalagyan ng mga alak o likor , katulad ng whiskey.
|
Kredong Niceno
|
Ang Kredong Niceno o Kredong Niseno ( Latin : Symbolum Nicaenum ) ang kredong ekumenikal na Kristiyanong na tinatanggap ng Simbahang Silangang Ortodokso , Asiryanong Simbahan ng Silangan , Simbahang Oriental Ortodokso , Simbahang Katoliko Romano , at halos lahat ng mga pangkat ng Protestanismo , kabilang na ang Luteranismo , Komunyong Anglikano , mga Simbahang Reformado , ang Simbahang Presbiteryano , at ang Metodismo.
|
Noong mga 319 CE , nang si Athanasius ay isang deakono ng Alexandria , Ehipto , ang presbiterong si Arius ay nakipag - alitan kay Alexander ng Alexandria na nagbigay ng isang sermon tungkol sa pagkakapareho ng Anak sa Ama.
|
Binatikos ni Arius si Alexander sa kanyang paniniwalang mali at heretikal na tinuturo nito.
|
Pinakahulugan ni Arius ang sermon ni Alexander bilang muling pagbuhay ng Sabellianismo.
|
Kanya itong kinondena at nangatawirang " kung ipinanganak ng Ama ang Anak , siya na ipinanganak ay may isang pagsisimula ng pag - iral ; at mula dito ay ebidente na may isang panahon nang ang Anak ay hindi.
|
Kaya kinakailangang sumunod na ang anak ay may substansiya mula sa wala ".
|
Ang mga pananaw teolohikal ni Arius ay pinaniniwalaang nag - ugat sa Kristiyanismong Alexandrian.
|
Si Socrates ng Constantinople ay naniwalang si Arius ay naimpluwensiyahan ng mga katuruan ni Lucian ng Antioch.
|
Si Arius ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga Alexandrianong gaya nina Origen na isang karaniwang pananaw Kristolohikal sa simbahan ng Alexandria sa panahong ito.
|
Gayunpaman , bagaman humango siya mula sa mga teoriya ni Origen tungkol sa Logos , ang parehong ito ay hindi magkaayon sa lahat ng bagay.
|
Ikinatwiran ni Arius na ang Logos ay may pagsimula at kaya ang Anak ay hindi walang hanggan.
|
Salungat dito , itinuro ni Origen na ang relasyon ng Anak sa Ama ay walang pasimula at ang Anak ay " walang hanggang nalikha ".
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.