text
stringlengths
0
7.5k
Humantong ito sa pagkakabuo ng tiyak na pang - etniko o multiculturalist na mga anyo ng peminismo.
Ang mga peministang aktibista ay nagkakampanya para sa mga karapatan ng mga kababaihan - tulad ng sa contract law , sa pag - ari , at sa pagboto - habang itinataguyod din ang mga karapatang pang - integridad , pangpagsasarili , at pang - reproductive para sa mga kababaihan.
Nabago ng mga kampanyang peminismo ang mga lipunan , lalo na sa Kanluran , sa pagkakamit ng karapatang bumoto para sa mga kababaihan , pagkakapantay - pantay ng kasarian sa mga tiga - Inglatera , pantay na sahod para sa mga kababaihan , mga karapatang pang - reproductive para sa mga kababaihan ( kasama na ang pagkamit ng mga contraceptive at ng pagpapalaglag ) , at ang karapatang makapagsagawa ng mga kasunduan at makapakaroon ng ari - arian.
Ipinagtanggol ng mga peminista ang mga kababaihan mula sa karahasan sa tahanan , sekswal na panggigipit , at paggagahasa.
Ipinagtaguyod din nila ang karapatan sa pinagtatrabahuhan , kasama na ang maternity leave , at nilabanan ang mga anyo ng diskriminasyon laban sa mga babae.
Ang peminismo ay nakatutok , higit sa lahat , sa mga suliranin ng mga kababaihan , ngunit hamon naman ng manunulat na si bell hooks , dahil layunin ng peminismo ang pagkakapantay - pantay ng kasarian , kinakailangan na dapat din maisama ang pagpapalaya sa mga kalalakihan sapagkat nasasaktan din sila ng sexism at gender roles.
Kaugnay ng mga feminista o makababae ( makapangkababaihan ) , tumutukoy ang feminismo sa simulaing naghahangad ng pantay o parehas na karapatan para sa mga babae.
Ito rin ang pagtangkilik o kilusang tumatangkilik ng mga karapatan ng mga kababaihan.
Hinati ng mga feminista at mga iskolar ang kasaysayan ng kilusan sa tatlo.
Ang una ay tumutukoy sa mga kilusan ng mga kababaihan na bumoto noong ikalabinsiyam at unang bahagi ng ikadalawampung siglo.
Ang ikalawa ay tumutukoy sa mga ideya at aksiyong may kaugnayan sa kilusan ng mga kababaihanng kalayaan simula noon dekada sisenta ( na nagkampanya para sa legal at panlipunang pagkakapantay - pantay para sa mgakababaihan ).
Ang ikatlo ay tumutukoy sa pagpapatuloy at reaksiyon sa malinaw na pagkabigo ng ikalawang kilusan ng peminismo simula sa dekada nobenta.
Pamantasang Makerere
Ang Pamantasang Makerere o Makerere University Kampala ( MUK ) sa Ingles ( / m'kerrI / m - KAIR - uh - ree ) ay ang pinakamalaki at ikatlong pinakamatandang institusyon ng mas mataas na pag - aaral sa Uganda , na unang itinatag bilang isang paaralang teknikal noong 1922. noong 1963 , ito naging University of East Africa , nag - aalok ng mga kurso na humahantong sa pangkalahatang grado mula sa University of London.
Ito ay naging isang malayang pambansang unibersidad noong 1970 nang ang University of East Africa ay hinati sa tatlong mga independiyenteng mga unibersidad : Unibersidad ng Nairobi ( Kenya ) , Unibersidad ng Dar es Salaam ( Tanzania ) , at Pamantasang Makarere.
Ngayon , ang Pamantasang Makerere ay binubuo ng siyam na kolehiyo at isang paaralan na nag - aalok ng mga programa para sa 36,000 undergraduates at 4,000 postgraduates.
Ayon sa U.S.
News & World Report , ang Makerere ay ang ikawalong pinakamahusay na unibersidad sa Afrika at ika - 569 pinakamahusay na unibersidad sa buong mundo.
Para naman sa Times Higher Education World University Rankings , para sa 2016 pagraranggo nito , ang unibersidad ay ang ika - apat sa Afrika.
Ilang taon matapos ang kasarinlan ng Uganda , ang Makerere ay naging isang sentro para sa mga aktibidad pampanitikan na malaki ang ambag sa kulturang makabayan ng rehiyon.
Maraming mga kilalang mga manunulat , kabilang sina Nuruddin Farah , Ali Mazrui , David Rubadiri , Okello Oculi , Ngugi wa Thiong 'o , John Ruganda , Paul Theroux , V. S. Naipaul at Peter Nazareth , ay nasa Makerere sa isang punto ng kanilang karera sa pagsusulat at akademiya.
Melanogrammus aeglefinus
Ang Melanogrammus aeglefinus ( Ingles : haddock ; Espanyol : eglefino , anon ) ay isang uri ng isdang namumuhay sa hilagang Karagatang Atlantiko.
Sa dagat lamang ito nabubuhay.
Mahalagang isda ang eglepino para sa industriya ng pangingisda.
Madaling makilala ang isda dahil sa itim nitong guhit sa puting gilid nito ; at mayroon ding maitim at bilog na batik sa likod ng hasang.
Tumitimbang na may 1 hanggang 4 na mga libra ang mga nahuhuling eglepino.
Katulad ng mga kamag - anakan nitong bakalaw o kalaryas , mayroong tatlong panlikod na mga palikpik ang eglepino , at kumakain ng mga moluska , mga krustasyano , at mga bulati.
Kaiba ang eglepino mula sa Pollachius na may kabaligtad na kulay : puting guhit sa ibabaw ng itim na panlikod na kulay.
Kompuwesto
Ang kompuwestong kimikal o chemical compound ay isang kemikal na sustansiya na binuo mula sa dalawa o higit pang elementong kimikal , na may tiyak na proporsyon na nagtatakda sa kayarian nito at pinagsasama sa isang inilarawang kaayusang pang - espasyo ng mga kawing kimikal.
Halimbawa , ang tubig ( H2O ) ay isang kompuwesto na binubuo ng dalawang atomo ng idroheno sa bawat isang atomo ng oksiheno.
Sa pangkahalatan , ang tiyak na rasyon ( ratio ) na ito ay dapat na manatiling matatag dahil sa katangiang pisikal at hindi dahil sa arbitraryong pag - aayos ng tao.
Ito ang dahilan kung bakit ang ang mga materyal na gaya ng tanso , ang superkonduktor na YBCO , ang semikonduktor na aluminum galium arsenide o tsokolate ay itinuturing na mga mixture o alloy at hindi kompuwesto.
Ang katangitanging likas ng isang kompuwesto ay ang pagkakaroon nito ng pormulang kimikal.
Inilalarawan ng pormula ang ratio ng mga atomo sa isang sustansiya , at ng bilang ng mga atomo sa isang molekula ng sustansiya ( kaya ang pormula ng ethene ay C2H4 hindi CH2 ).
Hindi ipinapakita ng pormula kung ang isang kompuwesto ay binubuo ng mga molekula ; halimbawa , ang sodium chloride ( karaniwang asin , NaCl ) ay isang kompuwesto ioniko.
Ang mga kompuwesto ay maaring magkaroon ng maraming yugto.
Maraming mga kompuwesto ay solido.
Ang mga kompuwestong molekula ay maari ring maging likido o gas.
Ang lahat ng kompuwesto ay masisira upang maging mas maliit na kompuwesto o indibidwal na atomo kung papainitan sa isang tiyak na temperatura na tinatawag na temperatura ng dekomposisyon.
Ang bawat kompuwesto ay binibigyan sa lathala ng isang natatanging bilang , ang kanyang bilang ng CAS.
Wikang Italyano
Ang wikang Italyano ay kabilang sa malaking pamilya ng mga wikang kilala sa tawag na Indo - Europeo.
Ito ay nabibilang sa sangay ng mga wikang Romanse , na nagmula sa Latin , na kinabibilangan ng Espanyol , Pranses , Portuges , Romanian , Galyego at Katalan.
Ginagamit ang wikang ito sa Italya , San Marino , ilang bahagi ng Swisa , at mga dating kolonya ng Italya sa Aprika.
Ang Italiano ay may mga diyalektong tinatawag na Neo - Romanse , na matatagpuan sa ibat - ibang bahagi ng Italya.
Ang modernong Italiano ang opisyal na wika , at base sa diyalektong Florentino o Toscano , mga wika na ginamit ng mga manunulat na sina Dante Alighieri , Francesco Petrarca , at Boccaccio , mga itinuturing na pambatong manunulat na Italiano.
Noong Gitnang Panahon , ang Latin , ang wika ng mga Romano , ang malaganap na ginagamit sa Europa dahil sa sakop ng mga ito ang malaking bahagi ng Europa , kasama na ang ngayon ay Espanya , Pransiya , Portugal , Romanya , England , Alemanya , at marami pang iba.
Masasabi na maraming pagkakatulad ang kasaysayan ng wikang Italyano at ng kasalukuyang pinagdadaanang proseso ng pagsasapantay o standardization ng wikang Filipino.
Batayan ng parehong pambansang wika ang dyalektong / wikang may pinakamatatag na written literary tradition ( Toskano sa Italyano , at Tagalog naman sa Pilipino ) at parehong napakabagal ang pagsulong ng pagsasapantay.
Halos tumagal ng daan - daang taon ang proseso ng pagsasapantay ng Italyano.
Noong dating panahon , bago ang Imperyong Romano , ang wikang Etrusco ang kalat sa lugar na ngayon 'y Italya.
Ito 'y sinasalita sa Toscana at Lazio.
Subalit , sa paglawig ng Imperio , ito ay napalitan ng Latin , na siyang naging pangkalahatang wika ( lingua franca ) ng mga tao roon.
Pagkatapos mawala at bumagsak ang Imperio Romano ( 476 ) , dumating ang mga Ostrogoto at Longobardi , mga tribung Aleman ( ika - 5 at 6 daantaon ).
Ang kanila lamang naging implwensiya sa wikang lokal ay sa paraan ng pagsulat.
Sa ngayon , maraming mga dialektong Italo - Romanse.
Ang mga ito 'y ang sumusunod na klasipikasyon : Dalawang malaking grupo , ang Romanse Occidental at Romanse Oriental.
Sa ilalim ng Occidental o settentrional :.
Sa ilalim ng Oriental o meridional :.
Pansinin : Ang Pantesco , wikang siciliano na ginagamit sa Pantelleria , ay may malakas na impluwensiya at halong wikang Arabe.
Ang wikang Italyano ay may halos sakdal na pagkakatugma ng bawat titik at ang pagbigkas ng mga ito.
Sa wikang ito , hindi likas na ginagamit ang mga titik Jj , Kk , Ww , Xx at Yy bukod sa mga hiram o dayuhang salita ; ang mga ito ay may kapantay na tunog sa katutubong alpabeto : ge / gi , ca / co / cu / che / chi , o / u , e / i , atpb.
Ang Italiano ay opisyal na wika sa Italia , San Marino , at Vaticano ; sa Kroasia ( parteng Istria ) , at sa Swisa ( Kanton ng Titsino at Grigiani ).
Ito 'y kalat sa Malta - kung saan ito 'y sinasalita o nauunawaan ng marami - at sa Kroasia at Albania.
Sa Eritrea , Etiopia , Somalia , at Libya - mga dating koloniya ng Italya - ito ay opisyal na wika mula noong 1963.
May mga komunidad Italyana rin sa Estados Unidos , Latino - Amerika , Australia , Canada , Pransiya , Alemanya , at Belhika na binubuo ng mga lahing Italiano.
Ito 'y itinuturo at ginagamit ng kanilang mga anak , kaanak at mga sunod na saling - lahi.
Ang Italiano ay gamit ng may 70 milyong tao , at siyang ika - 3 sa pinakamaraming mag - aaral sa mundo.
Kung isasama ang mga gumagamit nito bilang pang - 2 wika sa iba pang lugar sa mundo , ang bilang ng gumagamit ay may 120 milyon.
Ayon sa pag - aaral ng Kaisahang Europeo ( EU ) , ang Italiano ay pangalawa sa pinakamalawak na wikang ginagamit sa loob ng kontinenteng Europa.
Isa itong talaan ng mga pagbating Italyano.
Benvenuti ( maramihan , panlalaki ).
Benvenuta ( isahan , pambabae ).
Benvenute ( maramihan , pambabae ).
Salve.
Come stai ? ( ' di - pormal ).
Come sta ? ( pormal ).
Come si chiama ? ( pormal ).
Sono di ...
Omniglot : Useful Italian PhrasesTalaan 16 Free Online Italian Language LessonsTalaan ng mga Araling Italyano na Walang Bayad.
Learn Italian With Free Online Lessons Bahagi ng Proyektong Pangwika ng BBC Learn Italian Online Free.
Learn Italian Online.
Samahang Dante Alighieri.
Uni - Italia Website sa wikang Italyano.
Gabay panlakbay sa Italian mula sa Wikivoyage.
Ang mga Talatang Makasatanas
Ang Ang mga Talatang Makasatanas , na The Satanic Verses sa orihinal pamagat sa Ingles , ay isang nobela ni Salman Rushdie.
Isang bahagi nito ay nabigyang inspirasyon ng buhay ni Muhammad.
Ang pamagat ay tumutukoy sa mga talatang makasatanas ( Satanic verses ).
Isa ito sa mga interpretasyon ng Koran.
Ang interpretasyon ay kung ano ang ginawa ni Ibn Ishaq pinakamatandang nalalabi at nailigtas na teksto ng akda.
Ilang mga manunulat ng kasaysayan ng Islam at karamihan sa mga historyador na hindi Muslim sa Kanluraning Mundo , at mga tagapagbigay ng mga kuru - kuro ( mga komentador ) sa Koran ang tumanggap sa kuwentong ito hinggil sa panandaliang pagtanggap ng mga talata ni Muhammad.
Ang isang pangkaraniwang pananaw na pangmuslim ay isang pabrikasyon ang pagkakaroon ng mga talata o berso , at ginawa ito ng mga hindi Muslim.
Ang kathambuhay na ito ay nagdulot ng kontrobersiya nang malathala.
Maraming mga Muslim ang nakadama na naglalaman ang nobela ng mga pagtukoy na may blaspemiya , o paglapastangan , kawalan ng pakundangan at paggalang sa paniniwala ng mga Muslim.
Nagpalabas si Ayatollah Ruhollah Khomeini , ang Kataas - taasang Pinuno ng Iran , isang dalubhasang Muslim na Shi 'a , ng isang fatwa na tumawag sa kamatayan ni Rushdie at nagpahayag na obligasyon ng bawat isang Muslim na sumunod sa kaatasang ito.
Bilang resulta , si Hitoshi Igarashi , ang tagapagsalinwika papuntang Hapones ng aklat ay sinaksak hanggang sa mamatay noong Hulyo 11 , 1991 ; si Ettore Capriolo , ang tagapagsalinwika papuntang Italyano ng aklat , ay malubhang nasugatan nang masaksak noong buwan ding iyon.
Si William Nygaard , ang tapaglathala sa Norway , ay nakaligtas mula sa isang tinangkang asasinasyon sa Oslo noong Oktubre ng 1993.