text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Si Santiago ang Nakatatanda o Santiago na Matanda ( Ingles : James the Elder , James the Greater , James , son of Zebedee ) ay isang santo ng Romano Katoliko na naging isa sa mga unang labindalawang mga alagad ni Hesus.
|
Kilala rin siya bilang Santiago ang Mas Dakila at Santiago , anak ni Zebedeo.
|
Siya ang unang namatay bilang martir noong nasa Jerusalem.
|
Siya ay tinatawag na Santiago ang Mas Dakila upang itangi siya mula kay Santiago na anak ni Alfeo na kilala rin bilang si Santiago ang Kaunti.
|
Si Santiago ay inilalarawan bilang ang una sa mga alagad na sumama kay Hesus.
|
Ayon sa mga ebanghelyo sinoptiko ( Mateo 4 : 21 - 22 , Marcos 1 : 19 - 20 } } ay nagsaad na sina Santiago at Juan ay kasama ng kanilang ama sa baybay ng dagat nang tawagin sila ni Hesus upang sumunod sa kanya.
|
Si Santiago ang isa sa tatlo lamang mga apostol na pinili upang makasaki ng transpigurasyon ni Hesus ( Mateo 17 : 1 - 9 , Marcos 9 : 2 - 8 , Lucas 9 : 28 - 36 ).
|
Ninais ni Santiao at kanyang kapatid na lalake na paulanan ng apoy ang isang bayan ng Samaritano ngunit sinaway sila ni Hesus ( Lucas 9 : 51 - 56 ).
|
Ang Mga Gawa ng mga Apostol 12 : 2 ay nagsaad na pinapatay si Santiago ni Herodes sa pamamagitan ng espada si Santiago.
|
Kaya ayon sa tradisyon ng simbahan ay pinaniniwalaan siyang ang una sa mga 12 apostol na minartir para sa kanilang pananampalataya.
|
Imungkahi ni Nixon na ang pagpatay kay Santiago ay sanhi ng maapoy na pagkamagagalitin ni Santiago na nagbigay sa kanya at kanyang kapatid na lalake ng palayaw na Boarneges o " Mga Anak na Lalake ng Kulog " ( Marcos 3 : 17 ).
|
Ayon sa sinaunang tradisyong lokal , noong Enero 2 , 40 CE , ang Birheng Maria ay nagpakita kay Santiago sa bangko ng Ilog Ebro sa Caesaraugusta habang nangangaral sa Iberia.
|
Siya ay lumitaw sa isang haligii Nuestra Senora del Pilar.
|
Ang haliging ito ay iningatan at pinapipitaganan sa loob ng kasalukuyang Basilika ng Ating Babae ng Haligi sa Zaragosa , Espanya.
|
Kasunod ng pagpapakitang ito , si Santiago ay bumalik sa Hudea kung saan ay pinugutan siya ni Herodes.
|
Ang ika - 12 siglong Historia Compostellana na kinomisyon ng obispong Diego Gelmirez ay nagbibigay ng isang buod ng alamat ni San Santiago.
|
Una si Santiago ay nangaral sa Iberia gayundin sa Banal na Lupain.
|
Ikalawa , pagkatapos ng kanyang pagkapatay , dinala ng kanyang mga alagad ang kanyang katawan sa dat sa Iberia kung saan sila lumapag sa Padron sa baybayin ng Galicia at dinala ito sa loob na lupain para ilibing sa Santiago de Compostela.
|
Ang isa pang mas kalaunang alamat ay nagsasaad na milagroso siyang lumitaw upang lumaban para sa hukbong Kristiyano sa Labanan ng Clavijo at mula noon ay tinawag na Matamoros ( tagapaslang ng Moro ).
|
Ang Santiago y cierra Espana ay naging tradisyonal na sigaw ng labanan para sa mga hukbong Espanyol.
|
Ang tradisyong ay itinatakwil ng maraming mga skolar.
|
Gayunpaman , ito ay ipinagtanggol ng mga Bollandista ( kanilang Acta Sanctorum , July , VI and VII ).
|
Ang mungkahi ay sinimulang gawin mula ika - 9 siglo gayundin ang kanyang pangangaral sa Iberia.
|
Walang mas maagang tradisyon ang naglalagay ng paglilibing kay Santiago sa Hispania.
|
Ang isang katunggaling tradisyon ay naglalagay ng mga reliko ni Santiago sa simbahan ng St. Saturnin sa Toulouse.
|
Ang autentisidad ng mga relika sa Santiago de Compostela ay pinagtibay sa bula ng papa ni Papa Leo XIII na Omnipotens Deus noong 1 Nobyembre 1884.
|
Ayon sa Ensiklopedyang Katoliko noong 1908,.
|
Montenero Val Cocchiara
|
Ang Montenero Val Cocchiara ay isang comune sa lalawigan ng Isernia sa bansang Italya.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
[ [ en : Montenero Val Cocchiara.
|
Rolyon
|
Si Hrolf Ganger , o mas kilala bilang Rolyon ( c.
|
870 - c.
|
972 ) ( Pranses at Kastila : Rollon ; Ingles : Rollo ) , bininyagang Roberto at kaya minsan ay kinikilala bilang Roberto I upang maiba sa kanyang mga supling , ay isang maharlikang Danes o di kaya 'y Norwego at ang tagapagtatag at pinuno ng Bikinggong bayan na siyang naging Normandia.
|
Ang kanyang mga supling ay naging mga duke ng Normandia.
|
Ang pangalang " Rolyon / Rollon / Rollo " ay ang isina - Latin na pangalang Iskandinabong Rolf , o Hrolfr sa Lumang Norwego.
|
Pinakasalan niya si Poppa.
|
Ang nalalaman lang tungkol kay Poppa ay siya 'y isang Kristyana , at anak na babae ni Berengar ng Rennes , ang naunang pinuno ng Brittania Nova na siyang naging kanlurang Normandia.
|
Roberta Flack
|
Si Roberta Flack ay isang kilalang artista sa sining ng Pelikula at Telebisyon.
|
Bulaklak
|
Ang bulaklak ( Ingles : flower o blossom ) ay anumang bunga ng halaman na may talulot ( mga halamang namumulaklak ) , katulad ng gumamela , sampagita , sampaga , rosas , at magnolya.
|
Ang bulaklak ay ginagamit rin ng halaman para magparami.
|
Setyembre 5
|
Ang Setyembre 5 ay ang ika - 248 na araw sa Kalendaryong Gregorian ( ika - 249 kung leap year ) na may natitira pang 117 na araw.
|
Les Miserables
|
Ang Les Miserables ( 1862 ) ( bigkas : o ley mi - ze - RAB ) , isinasalin mula sa hjklhjklses bilang " Ang mga Kahabaghabag " ay isang kathambuhay ng Pranses na manunulat na si Victor Hugo at malawakang itinuturing na isa sa pinakadakilang mga nobela ng ika - 19 daang taon.
|
Sinusundan nito ang mga buhay at mga pakikisalamuha ng ilang mga tauhan Pranses sa loob ng panahon ng dalawampung mga taon noong ika - 19 daang taon , magmula 1815 , ang taon ng huling pagkagapi ni Napoleon sa Waterloo.
|
Nakatuon ang nobela sa mga pakikibaka ng dating bilanggong si Jean Valjean at ng kanyang karanasan ng katubusan.
|
Sinusuri nito ang kalikasan ng batas at ng awa , at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng Pransiya , arkitektura ng Paris , politika , pilosopiyang moral , antimonarkismo , katarungan , relihiyon , at mga uri at kalikasan ng pag - ibig na romantiko at pangmag - anak.
|
Isang kathang - isip na pangkasaysayan ang kuwento sapagkat naglalaman ito ng totoo at makasaysayang mga kaganapan , kabilang ang Pag - aalsa sa Paris noong 1832 ( na karaniwang ipinagkakamali sa mas maagang Rebolusyong Pranses ).
|
Nakikilala ng marami ang Les Miserables sa pamamagitan ng marami nitong anyo ng pagtatanghal sa mga teatro at mga pelikula , katulad ng pagtatanghal na may tugtugin na may kaparehong pamagat , na paminsan - pinsang dinadaglat bilang " Les Mis " ( bigkas : / ley / - / miz / ).
|
Teorya ng estadistika
|
Kinabibilangan sa teoriya ng estadistika ang ilang mga paksa :.
|
Ang mga pinagkukunan ng mga datos ng pang - estadistikang modelo at tipikal na pagbuo ng suliranin :.
|
Pagpaplano ng estadistikal na pananaliksik upang sukatin at kontrolin ang namamasid na pagkakamali :.
|
Pagbubuod ng datos pang - estadistika sa anyong tinatanggap na pamantayan ( kilala din bilang naglalarawang estadistika ).
|
Pagpapaliwanag ng datos pang - estadistika ang huling layunin ng lahat ng pananaliksik :.
|
Wu Yan Xuan
|
Talaan ng mga artistang Pilipino
|
Tamparan
|
Ang Bayan ng Tamparan ay isang ika - 5 klaseng bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 19,975 katao sa may 2,879 na kabahayan.
|
Ang bayan ng Tamparan ay nahahati sa 44 na mga barangay.
|
Sarit Dhanarajata
|
Si Sarit Dhanarajata ay naglingkod bilang punong ministro ng Thailand.
|
Nititada * Phahonyothin * Pibulsonggram * Abhaiwongse * Boonyaket * S. Pramoj * Abhaiwongse * Banomyong * Navaswadhi * Abhaiwongse * Pibulsonggram * Sarasin * Kittikachorn * Thanarat * Kittikachorn * Dharmasakti * S. Pramoj * K. Pramoj * S. Pramoj * Kraivixen * Chomanan * Tinsulanonda * Choonhavan * Panyarachun * Kraprayoon * Ruchuphan + * Panyarachun * Leekpai * Silpa - Archa * Yongchaiyudh * Leekpai * Shinawatra * Wannasathit + * Shinawatra * Chulanont * Sundaravej * Wongsawat * Chanweerakul + * Vejjajiva.
|
Konstable
|
Ang konstable , bigkas : / kons - ta - ble / ( Ingles : constable , binibigkas na / kons - ta - bol / , Kastila : condestable , bigkas : / kon - des - ta - ble / ) , ay isang katawagan para sa isang kawal na dating konstabularyong pulis ( isang ranggong kapantay ng isang pribadong sundalo sa hukbong katihan ).
|
Maaari rin itong tumukoy sa isa isang gobernador o tagapangasiwa ng kastilyo ng isang hari , o kaya pantawag sa isang pulis sa Britanya.
|
Kaugnay ito ng salitang kakonstablehan at konstabularyo o konstabularya.
|
Agham pampolitika
|
Ang agham pampolitika o dalubbanwahan ay isang disiplina ng agham panlipunan tungkol sa pag - aaral sa politika , madalas sa pag - aaral ng estado , nasyon , pamahalaan , politika at patakaran ng pamahalaan.
|
Binigyan ito ng kahulugan ng Aristoteles bilang ang pag - aaral ng estado.
|
Kasangkot nito ang pag - aaral sa kayarian at proseso sa pamahalaan - o anumang kaparehong sistema na sinusubukang tiyakin ang katiwasayan , di pagkiling , at ang pagsasara sa kabila ng isang malawak na sakop ng mga panganib at pagpasok sa isang malawak na sakop ng mga karaniwan para sa kanilang mga nasasakupan.
|
Bilang isang resulta , maaaring pag - aralan ng mga siyentipikong pampolitika ang institusyong lipunan katulad ng korporasyon , unyon , simbahan , o ibang mga organisasyon na malapit sa kayarian at proseso ng pamahalaan sa pagkasalimuot at interkoneksiyon.
|
Unang binansagan ni Herbert Baxter Adams , isang propesor sa kasaysayan sa Pamantasan ng John Hopkins , noong 1880 ang salitang " agham pampolitika ".
|
Ang agham pampolitika ay madalas hinahati - hati sa mga natatanging sub - disiplina na ang lahat ng mga ito ay bumubuo ng disiplina :.
|
Ang teoriyang pampolitika ay lalong nangangasiw sa mga klasikong palaisip gaya nina Aristoteles , Niccolo Machiavelli , Cicero , Platon , at iba pa.
|
Ang politikang paghahambing ay ang agham ng paghahambing at pagtuturo ng iba - ibang uri ng mga saligang batas , kalahok sa politika , lehislatibo at mga katuwang na disiplina , lahat sila mula sa pananaw sa loob ng estado.
|
Isa sa mga pinakapopular na pagaaral ng Agham Pampolitka ay ang Araling Pangmundo.
|
Ito din ay puedeng tawagin na Relasyon Pang - Internasyonal o Pampolitikang Pangmundo.
|
Ito ang pakikipagtalastasan sa mga ugnayan sa pagitan ng mga nasyon - estado pati na rin ang mga samahang intergovernmental at transnasyonal.
|
Talaan ng mga pahayagan sa Pilipinas
|
Ito ay isang talaan ng mga pahayagan na kasalukuyang inilalathala sa Pilipinas.
|
Ang listahang ito ay may kasamang mga broadsheet at mga tabloid na inilalathala araw - araw at ipinamamahagi sa buong bansa.
|
Ang pangrehiyong pahayagan o ang mga inilalathala lamang sa mga rehiyon ay kasama rin.
|
Lahat ng mga broadsheet na inilathala at ipinamamahagi sa buong bansa ay nasa Ingles.
|
Karamihan ng mga tabloid ay inilalathala sa Tagalog.
|
Peminismo
|
Ang peminismo ay pagtitipon ng mga kilusan at mga kaisipan na layunin ang magtakda , magtatag , at maipagtanggol ang pantay na pampulitika , pangkabuhayan , pangkultural , at panlipunang mga karapatan para sa mga kababaihan.
|
Nabibilang dito ang pagtatatag ng pantay na mga pagkakataon para sa mga kababaihan sa edukasyon at sa paghahanap - buhay.
|
Ang isang peminista ay tumataguyod o sumusuporta sa mga karapatan at sa pagkakapantay - pantay ng mga kababaihan.
|
Ang peministang teorya , na lumitaw mula sa mga peministang kilusan , ay lumalayong maunawaan ang pinagmulan ng hindi pagkakapantay - pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagsuri sa mga panlipunang tungkulin at natamong karanasan ng isang babae ; ito ay mga teorya sa samu ' t saring mga sangay upang matugunan ang mga suliranin tulad ng panlipunang konstruksiyon ng kasarian.
|
Ilan sa mga naunang anyo ng peminismo ay pinuna dahil sa pagsasaalang - alang lamang sa mga puti , nakaririwasa , at nakapag - aaral.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.