text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang mga sistemang motor ang mga area sa utak na direkta o hindi direktang nasasangkot sa paglikha ng mga paggalawa ng katawan o sa pagpapagana ng mga masel.
|
Maliban sa mga masel na kumokontrol sa mata na pinapatakbo ng nuclei sa gitnangutak , ang lahat ng mga boluntaryong masel sa katawan ay direktang pinupukaw ( innervated ) ng mga motor na neuron sa kordong espinal at likurangutak.
|
Ang mga espinal na motor na neuron ay kinokontrol ng parehong mga sirkitong neural na bahagi ng kordong espinal at ng mga input na umaahon mula sa utak.
|
Ang intrinsikong sirkitong espinal ay nagpapatupad ng maraming mga tugong reflex at naglalaman ng mga henerador ng paterno para sa ritmikong paggalaw gaya ng paglalakad at paglangoy.
|
Ang nagmumulang mga koneksiyon sa utak ay pumapayag ng mas sopistikadong mga kontrol.
|
Ang utak ay naglalaman ng ilang mga area na motor na umuungos na direkta sa kordong espinal.
|
Sa pinakamababang lebel , ang mga motor na area sa medulla at pons na kumukontrol sa mga stereotipadong mga paggalawa gaya ng paglalakad , paghinga at paglunok.
|
Sa mas mataas na lebal ang mga area sa gitnangutak gaya ng pulang nucleus na responsable sa pagkokoordina ng mga paggalaw ng mga braso at hita.
|
Sa lalong mas mataas pang lebel ang pangunahing motor na cortex na isang piraso ng tisyung matatagpuan sa posterior ( likurang ) gilid ng harapang lobo ( frontal lobe ).
|
Ang pangunahing motor na cortex ay nagpapadala ng mga proheksiyon sa mga subcortical na motor na area ngunit ito ay nagpapadala rin ng malaking proheksiyon na direkta sa kordong espinal sa pamamagitan ng traktong piramidal.
|
Ang direktang corticospinal na proheksiyong ito ay pumapayag para sa isang tiyak na boluntaryong kontrol ng mga pinong detalye ng paggalaw.
|
Ang ibang mga kaugnay na motor na area ng utak ay nagsasagawa ng ikalawang mga epekto sa pamamagitan ng pagpoprohekto sa mga pangunahing motor na area.
|
Kabilang sa pinakamahalagang pangalawang mga area ang premotor cortex , basal ganglia , at cerebellum.
|
Sa karagdagan sa lahat ng nasa itaas , ang utak at kordong espinal ay naglalaman ng ekstensibong mga sirkitriya upang kontrolin ang autonomikong sistemang nerbiyos na umaasal sa pamamagitan ng paglalabas ng mga hormone at pagmo - modula ng mga makinis na masel ng gut.
|
Ang autonomikong sistemang nerbiyos ay umaapekto sa rate ng pagtibok ng puso , dihestiyon , rate ng respiration , paglalaway , perspirasyon ( pagpapawis ) , urinasyon ( pag - ihi ) , pananabik sekswal , at iba pang mga proseso.
|
Ang karamihan sa mga tungkulin nito ay hindi nasa ilalim ng direktang boluntaryong kontrol.
|
Marahil ang pinakahalatang aspeto ng pag - aasal ng anumang hayop ang pang - araw araw na siklo sa pagitan ng pagtulog at paggising.
|
Ang pananabik ( arousal ) at pagiging alerto ay inaangkop ( modulate ) sa mas pinong skala ng panahon bagaman ng isang ekstensibong networko ng mga area ng utak.
|
Ang isang mahalagang bahagi ng sistemang pananabik ang suprachiasmatic nucleus ( SCN ) na isang munting bahagi ng hypothalamus na matatagpuang direkta sa itaas ng punto kung saan ang mga nerbong optiko mula sa dalawang mata ay nagtatagpo.
|
Ang SCN ay naglalaman ng sentral na biolohikal na orasan ng katawan ng organismo.
|
Ang mga neuron ay nagpapakita ng lebel ng gawain na tumataas at bumabagsak sa yugtong mga 24 oras na mga ritmong circadian.
|
Ang mga pagbabago bago ng mga gawaing ito ay pinapatakbo ng mga pagbabagong ritmiko sa ekspresyon ng ng hanay ng mga " clock genes " ( orasang mga gene ).
|
Ang SCN ay patuloy na nagpapanatili ng oras kahit pa ito ay putulin mula sa utak at ilagay sa isang plato ng mainit na solusyong nutriento ngunit ito ay ordinaryong tumatanggap ng input mula sa mga nerbong optiko sa pamamagitan ng traktong retinohypothalamic ( RHT ) na pumapayag sa pang - araw araw na liwanag - dilim na mga siklo upang magsagawa ng kalibrasyon ng orasan.
|
Ang SCN ay umuungos sa isang hanay ng mga area sa hypothalamus , sangangutak ( brainstem ) at gitnangutak na sumasangkot sa pagpapatupad ng mga siklong pagtulog - paggising.
|
Ang isang mahalagang bahagi ng sistemang ito ang pormasyong retikular na isang pangkat ng mga kumpol na neuron na nakakalat sa pinakagitna ng mababang utak.
|
Ang mga retikula na neuron ay nagpapadala ng mga signal sa thalamus na ang mga ito ay nagpapadala naman ng aktibidad - lebel - na kumokontrol na mga signal sa bawat bahagi ng cortex.
|
Ang pinsala sa pormasyong retikular ay maaaring lumikha ng permanenteng estado ng coma ( walang kamalayan ).
|
Ang pagtulog ay sumasangkot sa malaking mga pagbabago sa gawain ng utak.
|
Hanggang 1950 , pangkalatang pinapaniwalaan na ang utak ay esensiyal na nagsasara sa pagtulog ngunit ito ay nalamang hindi too.
|
Ang pagtulog na REM ( na may panaginip ) at NREM ( hindi REM na walang panaginip ) ay umuulit sa kaunting paiba ibang mga paterno sa buong episodyo ng pagtulog.
|
Ang tatlong malawak na mga uri ng walang katulad na mga perno ng gawain ng utak ang maaaring sukatin : REM , mababaw na NREM at malalim na NREM.
|
Sa pagtulog na malalim na NREM na tinatawag ring pagtulog na mabagal na alon , ang aktibidad sa cortex ay kumukuha ng anyo ng malaking sinkronisadong ( sabay sabay ) na mga alon samantalang sa estadong paggising , ito ay maingay hindi sabay sabay.
|
Ang mga lebel ng mga neurotransmitter na norepinephrine at serotonin ay bumabagsak habang nangyayari ang mabagal na along pagtulog at bumabagsak sa halos sero sa pagtulog na REM.
|
Ang mga lebel ng acetylcholine ay nagpapakita ng kabaligtarang paterno.
|
Para sa anumang hayop , ang pagpapatuloy ( survival ) ay nangangailangan ng pagpapanatili ng iba 't ibang uri ng mga parametro ng estadong pangkatawan sa loob ng isang limitadong saklaw ng bariasyon ( pagkakaiba ).
|
Ito ay kinabibilangan ng temperatura , nilalamang tubi , konsenstrasyon ng asin sa daluyangdugo , lebel ng glukosa sa dugo , lebel ng oksiheno sa dugo at iba pa.
|
Ang kakayahan ng isang hayop na pangasiwaan ang panloob na kapaligiran ng katawan nito o ang tinatawag na milieu interieur ng pangunahing pisiolohistang si Claude Bernard ay kilala bilang homoestasis.
|
Ang pagpapanatili ng homeostatsis ay isang mahalagang tungkulin ng utak.
|
Ang basikong prinsipyo na sumasalig sa homoestasis ang negatibong feedback na sa anumang panahong ang paremetro ay lumihis sa tinakdang punto nito , ang mga sensor ay lumilikha ng maling signal ( error signal ) na pumupukaw ng tugon na nagsasanhi sa paremetro na umurong pabalik sa halagang optimum nito.
|
Ang prinsipyong ito ay malawak na ginagamit sa inhinyerya halimbawa sa pagkontrol ng temperatura gamit ang thermostat.
|
Sa mga bertebrado , ang bahagi ng utak na gumagampan ng pinakamalaking papel ang hypothalamus na isang maliit na rehiyon sa ilalim ng harapangutak na ang sukat ay hindi rumireplekta sa kompleksidad ng kahalagahan ng tungkulin nito.
|
Ang hypothalamus ang koleksiyon ng maliliit na nuclei na ang karamihan ay sumasangkot sa mga basikong biolohikal na tungkulin.
|
Ang ilan sa mga tungkuling ito ay umuugnay sa pananabik ( arousal ) o sa mga ugnayang pakikisalamuha gaya ng sekswalidad , agresyon o mga pag - aasal na maternal ( pang - ina ) ngunit ang karamihan sa mga ito ay umuugnay sa homeostasis.
|
Ang mga hipotalamikong nuclei ay tumatanggap ng input mula sa mga sensor na matatagpuan sa linya ng besel ng dugo at naghahatid ng impormasyon tungkol sa temperatura , lebel ng sodium , lebel ng glukosa , lebel ng oksiheno sa dugo at iba pang mga parametro.
|
Ang mga hipotalamikong mga nuclei na ito ay nagpapadala ng mga signal na output sa mga motor na area na maaaring lumikha ng mga aksiyon upang itama ang mga kakulangan ( deficiencies ).
|
Ang ilan sa mga output ay tumutungo rin sa glandong pituitaryo na isang munting glandong nakakabit ng direkta sa ilalim ng hypothalamus.
|
Ang glandong pituitaryo ay naglalabas ng mga hormone sa daluyangdugo kung saan ang mga ito ay umiikot sa buong katawan at pumupukaw ng mga pagbabago sa gawain ng selula.
|
Kimitsu , Chiba
|
Ang Kimitsu ay isang lungsod sa Prepektura ng Chiba , bansang Hapon.
|
Abril 26
|
Ang Abril 26 ay ang ika - 116 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregoryano ( ika - 117 kung taong bisyesto ) , at mayroon pang 252 na araw ang natitira.
|
Mga comune ng Ain
|
Narito ang isang talaan ng mga 419 comune ng Ain , France.
|
Adis Abeba
|
Ang Addis Ababa ( 'adise 'ababaa ) ay ang kabisera ng bansang Etiyopiya.
|
Kartang pambati
|
Ang kartang pambati o tarhetang pambati ay isang nakatiklop na kard , tarheta , o kartang may ginuhit na mga larawan na naglalaman ng mga pabatid na nagpapadama ng pagkakaibigan o iba pang damdamin.
|
Maaaring seryoso o nakakatawa ang mga mensaheng pangkaibigigan , pangpag - ibig , kabutihang kalooban , pagtanaw ng utang na loob , pasasalamat , pakikiramay , at iba pang mga uri ng sentimyento.
|
Kalimitan ipinadadala ang mga kartang pambati patungo sa pinaglalaanan sa pamamagitan ng koreo para gunitain ang isang natatanging okasyon o mahalagang kaganapan , katulad ng Pasko , Araw ng mga Puso , at kaarawan ng isang tao.
|
Karaniwang itong nakalakip sa isang sobre at nilalathala sa sari - saring mga moda.
|
Mayroong mga gawa ng mga kompanyang palimbagan at maramihan kung ilathala , samantalang mayroon din namang mga gawang - kamay.
|
Kabilang sa mga halimbawa ng mga pangunahing tatak na taga - imprenta at tagapagbenta ng mga pangkalakalang mga kartang pambati ang Hallmark Cards at American Greetings.
|
Karamihan sa mga kartang pambati ang gawa sa mga materyales na papel o kartolina.
|
Meron namang ibang yari sa mga tela , katad , selyuloyd , at tapon.
|
Karaniwang kasinlaki lamang ito ng isang hindi kalakihang papel na pang - liham na naipapaloob sa isang sobre.
|
May dalawang pangunahing uri ng mga kartang pambati : ang panahunan at ang pang - araw - araw.
|
Ipinadadala ang mga panahunang kartang pambati tuwing Kapaskuhan , Bagong Taon , Araw ng mga Puso , Linggo ng Pagkabuhay , Araw ng mga Ina , Araw ng mga Ama , Todos los Santos , Araw ng Pasasalamat , araw ng mga santo , at mga banal na araw sa maraming mga anyo ng paniniwala at pananampalataya.
|
Samantalang ginagamit naman ang mga pang - araw - araw na mga tarhetang pambati sa mga pag - alala sa mga kaarawan ng isang tao , sa mga mensahe ng paggaling o pagbuti ng kalusugan at kalooban , mga anibersaryo , araw ng pagtatapos sa paaralan , kasal , pagbati o pagpapatalastas dahil sa pagsilang ng bagong sanggol , pagpapasalamat , pakikiramay , at pagbati para sa mabuting paglalakbay.
|
Matatalunton ang kaugalian ng pagpapadala ng mga kartang pambati mga 4,000 taon na ang nakalilipas.
|
Sa Ehipto , ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga masagisag na mga handog na pampabuti ng kapalaran katulad ng mga mamamahaling hiyas na kahugis ng mga kulisap na kahawig ng mga salaginto at salagubang.
|
Ilan sa mga ito ang nalililukan ng mga salitang oudja ib k na nangangahulugang " lahat ng mabuting kapalaran.
|
" Nagbabatian din ang mga sinaunang Ehipsiyo sa pamamagitan ng mga nakabalumbong papyrus.
|
Gayundin , nagpapalitan din ng mga pagbati ang mga sinaunang mga Insik tuwing kapanahunan ng Bagong Taon.
|
Isa rin sa mga ninuno ng mga kartang pambati ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
|
Nagpapalitan na ang mga sinaunang mga Romano ng mga simbolo ng kabutihang kalooban , pakikisama , at pangmainam na kalusugan , na kinabibilangan ng mga pinatuyong mga prutas , pulot - pukyutan , at mga istatuwang yari sa mga putik na naglalahad ng mga mensaheng nasa Latin : Anno novo faustum felix tibi sit , na " Nawang maging maligaya at masuwerte ang Bagong Taon mo " ang ibig sabihin.
|
Kumalat sa Europa ang ganitong mga pagbating at pabatid na pang - Bagong Taon noong mga unang kapanahunan ng Kristiyanismo.
|
Sa pagsapit ng maagang mga 1400 , nagkaroon na ng pagpapalitan ng mga likhang - kamay at gawa sa papel na mga tarhetang pambati sa Europa.
|
Nalalaman na naglilimbag ang mga Aleman ng mga pambating pam - Bagong Taon sa pamamagitan ng mga inukitang kahoy noon pa mang mga maagang kapanahunan ng 1400.
|
May isang isang inukit na kahoy na ginamit sa paglilimbag na naglalaman at naglalarawan ng hugis ng Batang Kristong may hawak na isang papel na nagsasabing " Isang mabuti at maligayang Bagong Taon " sa wikang Aleman.
|
Nagkaroon din ng pagpapalitan ng mga gawang - kamay at yari sa papel na mga kartang pang - Araw ng mga Puso sa iba 't ibang mga bahagi ng Europa noon pang mga maaga hanggang mga kalagitnaan ng mga 1400.
|
Sa pagsapit ng mga 1850 , nagbago ang anyo ng mga kartang pambati mula sa mamahaling uri , gawang kamay , at dinadala o inaabot ng personal sa pagbibigyan patungo sa isang tanyag at mabibili sa abot - kayang halagang moda ng pakikipag - ugnayan.
|
Sanhi ng pagbabagong ito ang pagkakaroon ng pag - unlad sa mga pamamaraan ng paglilimbag at paggamit ng mga makinarya.
|
Nasundan ito ng mga kartang pamasko.
|
Lumitaw ang unang nakalimbag na tarhetang pamasko sa London noong 1843 nang upahan ni Ginoong Henry Cole ang mangguguhit na si John Calcott Horsley ng London para gumawa ng disenyo ng isang kard na pang - okasyon na maaaring ipadala ni Cole sa kaniyang mga kaibigan at mga kapalagayan ng loob.
|
Si John Horsley ang itinuturing na gumawa ng pinakaunang kartang pamasko.
|
Noong mga 1860 , nagsimulang maglimbag ng maramihang mga kartang pambati ang mga kompanyang katulad ng Marcus Ward & Co.
|
, Goodall at Charles Bennett , na kumasundo ng mga tanyag na artista ng sining tulad nina Kate Greenaway at Walter Crane bilang mga tagaguhit at tagapag - disenyo ng mga kartang pambati.
|
Sa Estados Unidos , si Louis Prang ng Boston , isang imigrante mula sa Alemanya ang tinuturing na " ama ng Amerikanong kartang pambati " sapagkat siya ang unang nagbukas ng isang tindahan at palimbagan ng mga tarhetang pampatalastas at pagpapahayag.
|
Una niyang dinisenyo at naibenta ang kaniyang unang kartang pamasko noong 1874.
|
Naging tanyag ang kaniyang mga kartang pambati sa Estados Unidos at Inglatera.
|
Naging impluwensiya rin sa paggamit ng mga kartang pambati ang pagkakaroon ng pangangailangan sa mga mas personal na anyo ng pagbati ang pagsapit ng kapanahunan ng Unang Digmaang Pandaigdig.
|
Noong 1930 , ang mga kaunlarang teknikal katulad ng litograpiya ang naglunsad sa industriya ng maramihang paggawa ng mga kartang pambati.
|
Naging popular ang mga kartang pambating nakakatawa - ang mga tinatawag na " kartang estudyo " noong mga huling panahon ng mga 1940 at 1950.
|
Maiikli lamang ang mga pabatid na nakatitik sa mga nakakatawang mga kartang pambating ito na may mga guhit - larawan ng mga nakatatawang itsura ng mga tao.
|
Naging tanyag ang mga ito sa mga malalaking lungsod at sa mga kabayanang may mga kolehiyo.
|
Marso 8
|
Ang Marso 8 ay ang ika - 67 na araw sa Kalendaryong Gregorian ( ika - 68 kung leap year ) na may natitira pang 298 na araw.
|
Mamalohiya
|
Sa soolohiya , ang mamalohiya ay ang pag - aaral sa mga mamalya.
|
Santiago , anak ni Zebedeo
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.