text
stringlengths
0
7.5k
Isa lamang si Harold sa dalawang mga Hari ng Inglaterang namatay habang nakikipaglaban ( si Richard III ang isa pa ).
Wikang Inuvialuktun
Ang Inuinnaqtun ay isang wikang sinasalita sa Canada.
Central Japan Railway Company
Service areaShinkansen station layoutsTOICA Service Area ( Hapones ).
Ang Central Japan Railway Company ( Dong Hai Lu Ke Tie Dao Zhu Shi Hui She , Tokai Ryokaku Tetsudo Kabushiki - gaisha ) ( TYO : 9022 ) ay ang pangunahing kompanyang daangbakal na nagpapatakbo sa rehiyong Chubu ( Nagoya ) ng gitnang Hapon.
Kadalasang pinapaikli ang opisyal na pangalan sa Ingles na JR Central at sa Hapones na JR Tokai ( JR Dong Hai ).
Makikita ang pinakapunong gusali nito sa JR Central Towers sa Nakamura - ku , Nagoya , Prepektura ng Aichi.
Makikita sa Estasyon ng Nagoya ang kanilang pinakapunong estasyon.
Sa Pangunahing Linya ng Tokaido na sa pagitan ng Estasyon ng Atami at Estasyon ng Maibara ang pinakaabalang estasyon na kanilang pinapatakbo.
Pinapatakbo rin ng JR Central ang Tokaido Shinkansen sa pagitan ng Estasyon ng Tokyo at Estasyon ng Shin - Osaka.
Karagdagan , responsable rin ito sa Chuo Shinkansen - - isang mungkahing serbisyong Maglev sa pagitan ng Estasyon ng Tokyo ( o Estasyon ng Shinagawa ) at Estasyon ng Osaka ( o Estasyon ng Shin - Osaka ) , na kung saan mayroon nang maliit na linya ang naitayo na.
Sa kasalukuyan , nagpapatupad ng ilang paunang gawain ang kompanya sa kanilang mga shinkansen sa mga opisyales ng daangbakal mula sa iba 't - ibang bansa upang maipalaganap ang teknolohiyang tulad nito sa ibang bansa.
Kilala ang JR Central bilang pinakamalaking kumikitang kompanya at may pinakamaraming pasahero sa mga mabilis na tren na umaabot sa 138 milyon na pasahero noong 2009 , na kinokonsedera na mas malaki pa sa mga sumasakay ng eroplano sa taong ito.
Nakapagtala ang Hapon ng kabuuang 289 milyong pasahero mula sa mabilis na tren noong 2009.
Kasama rin sa Pangkat ng JR Central ang JR Central at ang mga sumusunod na karagdagan :.
John Bardeen
Si John Bardeen ( Mayo 23 , 1908 - Enero 30 , 1991 ) ay isang Amerikanong pisiko at inhinyerong elektrikal , na naging nag - iisang tao na nakapagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika nang dalawang ulit : una noong 1956 na kasama sina William Shockley at Walter Brattain para sa pagkakaimbento ng transistor ; at muli noong 1972 na kapiling sina Leon N. Cooper at John Robert Schrieffer para sa saligan o pundamental na teoriya ng kumbensiyunal na superkonduktibidad na nakikilala bilang teoriyang BCS.
Napagbago nang lubusan at ganap ng transistor ang industriya ng elektroniks , na nagpahintulot upang mangyari ang Panahon ng Impormasyon ( Kapanahunan ng Kabatiran ) , at nagawa nitong maging posible ang pagpapaunlad ng halos bawat isang modernong aparatong elektroniko , mula sa mga telepono hanggang sa mga kompyuter , hanggang sa mga misil.
Ang mga pagpapaunlad ni Bardeen sa superkonduktibidad , na nakapagpanalo sa kaniya ng kaniyang pangalawang premyong Nobel , ay ginamit sa magnetic resonance imaging ( MRI ).
Si Bardeen ay naging isang Propesor ng Inhinyeriyang Elektrikal at Pisika sa Pamantasan ng Illinois sa Urbana - Champaign mula 1951 hanggang 1991.
Noong 1990 , lumitaw si Bardeen sa tala ng " 100 Most Influential Americans of the Century " ( 100 Pinaka Maimpluwensiyang mga Amerikano ng Daantaon ) ng LIFE Magazine.
Kagandahan
Ang ganda o kagandahan ( Ingles : beauty , charm ) ay isang katangian ng isang tao , hayop , lokasyon o pook , bagay , o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng kaligayahan , kahulugan , o pagkapuno ( satispaksiyon ).
Pinag - aaralan ang kagandahan bilang bahagi ng estetika , sosyolohiya , sikolohiyang panlipunan , at kalinangan.
Bilang isang nilikhang pangkultura , labis na naging komersyalisado ang kagandahan.
Isang katauhan o katawan ang " huwarang kagandahan " o " kagandahang ideyal " na hinahangaan , o nag - aangkin ng mga katangiang malawakan ibinubunton sa diwa ng kagandahan sa isang partikular na kultura , para sa perpeksiyon.
Kalimitang kinasasangkutan ang pagkaranas ng " kagandahan " ng pagkakaunawa ng ilang mga entidad bilang nasa loob ng balanse at harmoniya ng kalikasan , na maaaring humantong sa mga damdamin ng pagkaakit at mabuting kapakanang pangdamdamin.
Dahil sa isa itong karanasang nasa isip , personal , o pangsarili , malimit na sinsabing " ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin.
" Sa diwa nitong pinakamarubdob , maaaring magbunga ang kagandahan ng isang kapuna - punang karanasan ng positibong maingat na paglilimi hinggil sa kahulugan ng pansariling pag - iral.
Ang paksa ng kagandahan ay anumang bagay na nag - aalingawngaw ng kahulugang pansarili.
Kasingkahulugan ang salitang kagandahan ng maganda , kariktan , dilag , karilagan , bighani , alindog ; maaari ring katumbas ng inam , igi , kaigihan , bentahe , kalamangan , at aya.
Partikular na nangangahulugan ang alindog ng matinding kagandahan o napakaganda , na katumbas din ng mga salitang dikit at dingal.
Katumbas ng maalindog ang pagiging kaakit - akit.
Bukod sa kagandahan , maaari ring tumukoy ang alindog sa karinyo , lambing , kalinga , bait , o kaya sa papuring paimbabaw o tuya.
Benilde Romancon
Si San Benildo Romancon o Benildus Romancon ( Hunyo 13 , 1805 - Agosto 13 , 1862 ) , kilala rin bilang Benilde Romancon , ay isang Kristiyanong Kapatid na Lalaki na ipinanganak bilang Pedro Romancon , na Peter Romancon ( sa Ingles ) o Pierre Romancon ( sa Pranses ).
Ipinanganak siya sa Thuret , Pransiya.
Noong isa pa lamang siyang batang lalaking may labingtatlong gulang , nagpunta siyang kasama ang kanyang ama sa Clermont , kung saan napansin niya ang isang lalaking kapatid sa pananampalataya na nakasuot ng itim na abito at pantabing sa ulo , at kasapi sa Mga Kapatid na Lalaki ng mga Kristiyanong Paaralan.
Nakintal ang pangyayaring ito sa bata pang si Benildus , kaya 't lumaon siyang pumasok sa kongregasyong ito ng mga tagapagturo.
Sa pagkakataong ito niya ginamit ang pangalang Benildus.
Pagkaraang makapagturo ng relihiyon sa ilang mga paaralan , naitalaga siya bilang superyor o pinuno ng pamayanan ng mga relihiyosong kapatid na lalaki sa Saugues.
Sa Saugues siya nananatili sa loob ng panahon ng kanyang nalalabing buhay sa mundo.
Sa pagdating ng gulang na nasa bandang 50 , nagkaroon si Romancon ng sakit na rayuma.
Namatay siya noong 1862.
Ipinagdiriwang ang kanyang araw tuwing Agosto 13.
Volyum
Ang volyum ( Ingles : volume ) ang kantidad ng isang tatlong dimensiyonal na espasyo na sinasarhan ng isang saradong hangganan , halimbawa ang espasyo ng isang sabstans ( gaya ng solido , likido , gaas , plasma ) o ang hugis na sinasakop nito o nilalaman.
Ang volyum ay kadalasang kinakwantipika nang panumero gamit ang pinagmulang SI yunit , ang metro kubiko.
Ang volyum ng isang lalagyan ay pangkalahatang tinuturing bilang kapasidad ng isang lalagyan , i.e. dami ng pluwido ( gaas o likido ) na kakayanin ng lalagyan , sa halip na ang dami ng espasyo na dinedispleys ng lalagyan mismo.
Ang mga tatlong dimensiyonal na hugis matematikal ay mayroon ding mga asaynd volyum.
Ang mga volyum ng mga payak na hugis , tulad ng mga regular , deretsong - dulo , at pabilog na mga hugis , ay madaling kalkulahin gamit ang mga pormulang aritmetik.
Ang mga volyum ng mga komplikadong hugis ay maaaring makalkula gamit ang integral kalkyulus kung ang mayroong pormula para sa bawnderi ng hugis.
Kung may varyans sa hugis at volyum , tulad ng mga mayroon sa pagitan ng iba 't ibang mga tao , maaari itong makalkula gamit ang mga tatlong dimensiyonal na teknik tulad ng Body Volume Index.
Ang mga isang dimensiyonal na pigura ( tulad ng mga linya ) at dalwang dimensiyonal na hugis ( tulad ng mga parisukat ) ay may sero na volyum sa tatlong dimensiyonal na espasyo.
Ang volyum ng isang solido ( maging regular man o iregular ang hugis ) ay maaaring madetermina gamit ang displeysment ng pluido.
Ang displeysment ng isang likido ay maaari ding magamit upang madetermina ang volyum ng isang gaas.
Ang pinagsamang volyum ng dalawang sabstans ay kadalasang mas mataas kaysa sa volyum ng isa sa mga sabstans na iyon.
Gayumpaman , minsan ang isang sabstans ay nagdidisolv doon sa isa at ang pinagsamang volyum ay hindi aditiv.
Sa heometriyang diperensiyal , ang volyum ay ineekspres sa pagmamagitan ng pormang volyum ( volume form ) , at isang mahalagang pandaigdigang Riemannian invaryant.
Sa termodinamika , ang volyum ay isang parametrong pundamental , at isang konjugeyt varyabol ng presyur.
Samahang hindi pangkalakalan
A samahang hindi pangkalakalan o organisasyong hindi kumikinabang ( Ingles : nonprofit organization sa Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian , o not - for - profit organization sa Nagkakaisang Kaharian at iba pa , na kadalasang dinadaglat bilang NPO o payak na bilang nonprofit , o non - commercial organization sa Rusya at CIS , kadalasang dinadaglat bilang NCO ) , ay isang samahan o organisasyon na gumagamit ng mga sobrang kita upang makamit ang mga layunin nito sa halip na ipamahagi ang mga ito bilang tubo o dibidendo.
Ang mga Estado sa Estados Unidos ay umaalinsunod sa designasyon o pagtatalaga ng IRS na iginawad sa ilalim ng Seksiyong 501 ( c ) United States Internal Revenue Code kapag napag - alaman ng IRS na maaaring hirangin ang isang organisasyon.
Habang ang isang samahang hindi pangkalakalan ay pinapayagang lumikha ng sobrang kita , dapat na panatilihin ang mga ito ng organisasyon para sa pagpapanatili ng sarili nito , pagpapalawig , o pagpaplano.
Ang mga organisasyong hindi pangkalakalan ay mayroong mga kasaping tumataban o mga lupon.
Ang marami ay mayroong binabayarang mga tauhan kabilang na ang mga namamahala , habang ang iba ay humihirang ng hindi inuupahang mga boluntaryo at pati na mga ehekutibo o mga tagapagpatupad na nagtatrabaho na mayroon o walang kabayaran ( paminsan - minsang kakaunting bayad lamang ).
Kapag mayroong kahalip na pambayad , sa pangkalahatan , ginagamit ito upang maabot ang mga pangangailangang pambatas para sa paglulunsad ng isang kontrata sa pagitan ng tagapagpatupad at ng samahan.
Ang pagtatalaga bilang isang samahang hindi kumikinabang at ang paglalayon na makagawa ng pera ay hindi magkaugnayan sa Estados Unidos.
Nangangahulugan ito na walang maipapaalinsunod ng pahayag.
Hindi malinaw kung pinanghahawakan ito o hindi sa labas ng Estados Unidos.
Sa Estados Unidos , ang ganiyang hinuha ay layunin ng Seksiyong 501 ( c ) Internal Revenue Code.
Ang saklaw upang makalikha ang NPO ng sobrang kita ay maaaring pilit o maaaring may hangganan ang paggamit ng sobrang kita.
Bundok Iriga
Ang Bundok Iriga , nakikilala rin bilang Bundok Asog , ay isa sa mga bulkang aktibo sa Pilipinas , na nasa lalawigan ng Camarines Sur , sa Pilipinas.
Ang Bundok Iriga ay isang istratobulkan na humigit - kumulang isang kilometro mula sa Lawang Buhi.
Nakaangat ito nang 1,196 m ( 3,924 ft ) na mayroong diyametrong paanan na 10 mga kilometro.
Pumutok ang Bundok Iriga noong 1628 at noong 1642.
Pangkalahatang nakikilala ang Bundok Iriga dahil sa mga pagsabog nitong preatiko.
Makinang panahi
Ang makinang panahi o aparatong pantahi ay isang aparatong pambahay o pangpabrika na ginagamit sa pagtahi ng mga damit , sapatos , o ibang pinaggagamitan ng tela at sinulid katulad ng punda ng unan at kobrekama.
Ayon sa International Sewing Machine Collector ' s Society , ang ideya ng makinang pantahi ay nanggaling sa Aleman na si Charles Weisenthal ngunit ang Briton na si Thomas Saint ang nakapag - patent ng disenyo ng aparatong pantahi noong 1791.
Ngunit nagawa lamang ang pinaka - unang makina noong 1814 ng Australian na si Josef Madersperger.
May dalawang klase ng mga makinang panahi , and pang - industriyang makinang pantahi at pangbahay na makinang pantahi.
Ceratosauria
Ang Ceratosauria ang klado na naglalaman ng lahat ng mga theropodang dinosauro na mas malapit na nauugnay sa mga ibon kesa sa mga Carnosauria.
Ang karamihan ng mga may balahibong dinosauro sa kasalukuyan ay kabilang sa mga ceratosauro.
Tustahan ng tinapay
Ang kasangkapang pangtusta ng tinapay ( Ingles : toaster , Kastila : tostadora ) ay isang makinang nagtutusta ng tinapay.
Karaniwang itong isang maliit na aparato o kasangkapang pangkusina na dinisenyo upang tustahin ang maraming mga uri ng tinapay.
Isang pangkaraniwang makabagong tustador o tustadora na pangdalawang hiwa o piraso ng tinapay ay gumagamit ng 600 hanggang 1200 mga watt , at nakakapagluto ng tustadong tinapay sa loob ng 1 hanggang 3 mga minuto.
Mayroon ding mga hindi de - kuryenteng mga tustahan ng tinapay na ginagamit upang ipangtusta ng tinapay na may buhay na lagablab ng apoy.
Sa pagtutusta ng tinapay , ang tinapay ay inilalagay sa loob ng tustahan , at pagkalipas ng ilang mga sandali ay umiigkas ang bahagi ng aparato kung kailan tustado na ang tinapay.
Ang pangtustang umiigkas ay naimbento ni Charles Strite noong 1919.
Pagsasakdal
Ang pagsasakdal ( Ingles : impeachment / im * pits * ment / ) ay ang proseso kung saan ang isang opisyal ay inaakusahan ng katiwalian o paglabag sa alituntunin na ang maaaring kahinatnan ay pagkatanggal sa puwesto ng naakusahan at iba pang kaakibat na kaparusahan.
Isa itong paraan ng pagtatanggal ng mga opisyal , karaniwan sa pamahalaan mula sa kanilang tungkulin.
Nangyayari ito kapag ang isang opisyal ay ayaw bumaba ang kanyang trabaho o gampanin.
Katulad ito ng isang indictment , na isang pang uri ng paghahabla at isang bagay na dapat munang makuha ng tagausig bago maganap ang paglilitis.
Pagkaraang maisakdal o maparatangan ang isang tao , bumoboto ang lehislatura kung hahatulan o sesentensiyahan ba o hindi , o kaya tuklasin kung nagkasala nga ba o hindi ang akusado.