text
stringlengths
0
7.5k
Nagmula sa Sinaunang Gresya ang pinakaunang mga dokumentong kanluranin ( sa mga uri ng panitikan , larawan , at bagay mitolohiya ) na may kinalaman sa mga ugnayan ng magkatulad na kasarian sa Europa.
Patungkol sa homoseksuwalidad ng mga lalaki , ang mga dokumentong ito ay naglalarawan ng isang daigdig kung saan ang pakikipag - ugnayan sa isang babae at sa mga kabataan ay isang mahalagang pundasyon ng normal buhay pag - ibig ng isang lalaki.
Ang ugnayan ng magkatulad na kasarian ay isang panlipunang institusyon na paiba - ibang nabago sa pag - inog ng panahon at mula sa isang lungsod patungo sa ibang lungsod.
Kakaunti ang nalalaman sa homoseksuwalidad ng mga babae noong unang panahon.
Si Sappho , ipinanganak sa pulo ng Lesbos , ay isinama ng mga Griyego sa talaang kanonikal ng siyam na makatang liriko.
Ang mga pang - uring hinango sa kanyang pangalan at pook ng kapanganakan ay ginamit para sa homoseksuwalidad ng mga babae simula noong ika - 19 dantaon.
Ang mga tula ni Sappho ay tumutuon sa pagkahumaling at pag - ibig sa iba 't ibang katauhan at sa parehong kasarian.
Ang nagsasaysay ng karamihan nang kanyang mga tula ay nagsasabi ng pagkahibang at pag - ibig para sa iba 't ibang babae , subalit ang mga paglalarawan ng mga kilos sa pagitan ng mga babae ay kakaunti at nagdudulot ng maraming mga pagdedebate.
Ang Love Letters Between a Certain Late Nobleman and the Famous Mr. Wilson na nilathala noong 1723 sa Ingglatera ay itinuturing ng ilang makabagong dalubhasa na isang nobela.
Ang edisyon noog 1749 ng popular na nobelang Fanny Hill ni John Cleland ay kinapalolooban ng mga eksenang homoseksuwal , subalit inalis noong edisyon nito noong 1750.
Pati rin noong 1749 , ang pinakalumang mahaba at seryosong pagtatanggol sa homoseksuwalidad sa Ingles , ang Ancient and Modern Pederasty Investigated and Exemplified , na isinulat ni Thomas Cannon , ay inilathala , subalit kaagad na pinigil.
Nakasipi dito ang , " Unnatural Desire is a Contradiction in Terms ; downright Nonsense.
Desire is an amatory Impulse of the inmost human Parts.
".
Sa sinaunang lipunang Asiria , ang homoseksuwalidad ay pangkaraniwan ; at hindi rin ipinagbabawal.
Sa halip , ang ilang mga sinaunang mga tekstong Asiriano ay naglalaman ng mga dasal para sa banal na biyaya para sa mga ugnayang homoseksuwal.
Ang mga paring Asiriano ay kadalasang nakabihis bilang isang homoseksuwal na lalaki.
Sinasabing Israel ang pinakabukas na bansa sa Gitnang Silangan at Asya para sa mga homoseksuwal , samantalang ang lungsod nitong Tel Aviv ay binansagang " kabiserang pambakla ng Gitnang Silangan ( " the gay capital of the Middle East " ) , " at sinasabing pinakabukas o pinakamalayang lungsod para sa mga bakla sa buong daigdig.
Ang taunang Pride Parade bilang pagsuporta sa homoseksuwalidad ay ginaganap sa Tel Aviv.
Nagtatalo - talo ang ilang dalubhasa na mayroong ilang mga halimbawa ng pag - ibig homoseksuwal sa mga sinaunang panitikan , gaya ng sa Epiko ni Gilgamesh ng Mesopotamia pati na rin sa kuwentong Bibliya na David at Jonathan.
Sa Epiko ng Gilgamesh , ang kaugnayan sa pagitan ng dalawang bida na si Gilgamesh at ang karakter na si Enkidu ay kinakakitaan ng ilan ng kahomoseksuwalan.
Katulad din ng pag - ibig ni David kay Jonathan na " mas higit pa sa pag - ibig ng isang babae.
".
Tanggap sa Persia ang homoseksuwalidad at mga pagpapahiwatig homoerotiko sa mga pampublikong lugar , mula sa mga monasteryo at seminaryo , tindahan ng alak , mga kampo ng kawal , pampublikong paliguan , at mga kapihan.
Sa unang bahagi ng Panahong Safavid ( 1501 - 1723 ) , ang mga bahay prostitusyon panlalaki ( amrad khane ) ay kinikilalang legal at nagbabayad ng buwis.
Sa ngayon , ipinagsasawalang bahala , itinatanggi ang pagkakaroon , o kaya ay pinaparusahan ng mga pamahalaan sa Gitnang Silangan ang mga homoseksuwal.
Ilegal halos sa lahat ng mga bansang Muslim ang homoseksuwalidad.
Sa talumpati ni Pangulong Mahmoud Ahmadinejad ng Iran sa Pamantasan ng Columbia noong 2007 , ay nagsasabing walang homoseksuwal sa Iran.
Subalit , ang maaaring dahilan nito ay tinatago ng mga homoseksuwal ang kanilang seksuwalidad sa takot na sila ay parusahan ng pamahalaan at itakwil ng kanilang mga pamilya.
Tukoy na ang pag - ibig sa katulad na kasarian sa Silangang Asya simula pa noong pinakaunang naitalang kasaysayan.
Ang homoseksuwalidad sa Tsina ay naitala na simula pa noong tinatayang 600 BCE.
Nababanggit ang homoseksuwalidad sa maraming tanyag na gawang pampanitikang Tsino.
Ang pagkakaroon ng damdamin at seksuwal na gawain sa katulad na kasarian na inilarawan sa klasikong nobelang Panaginip ng Pulang Kapulungan ay tinitignan ng mga kasalukuyang tagapagmatyag bilang katulad ng mga kuwentong pag - ibig sa pagitan ng mga taong heteroseksuwal noong panahong iyon.
Ang Konpusyanismo , na pangunahing naniniwala sa panlipunan at pampolitika na pilosopiya , ay maliit ang pagtuon sa seksuwalidad , kahit na homoseksuwal o heteroseksuwal ang isang indibidbwal.
Ang panitikan noong Dinastiyang Ming , gaya nang , Bian Er Chai ( Bian Er Chai / Bian Er Chai ) , ay naglalarawan ng ugnayang homoseksuwal sa pagitan ng dalawang lalaki na higit na masaya at higit na bagay kaysa sa ugnayang heteroseksuwal.
Ang mga kasulatan mula sa Dinastiyang Liu Song ni Wang Shunu ay nag - aangkin na ang homoseksuwalidad ay karaniwan gaya ng heteroseksuwalidad noong huling bahagi ng ika - 3 dantaon.
Ang pagtutol sa homoseksuwalidad sa Tsina ay nagsimula noong kalagitnaan ng Dinastiyang Tang ( 618 - 907 ) , na dulot nang pagtaas ng impluwensiya ng Kristiyanismo at Islam , subalit hindi naging ganap hanggang sa itaguyod ng Dinastiyang Qing ang mga ugaling pang - kanluranin at pagbuo ng Republika ng Tsina.
Ang Homoseksuwalidad sa Hapon , na kilala sa mga tawag na shudo o nanshoku ay naisulat na mula noong isang libong taon na ang lumipas at mahalagang bahagi ng Budhistang pamumuhay at sa mga tradisyon ng mga samurai.
Ang kultura ng pag - iibigan sa magkatulad na kasarian ang nagbigay sa malakas na kaugalian sa mga pinta at mga panitikan na nagtatala at nagdiriwang sa mga ganitong uri ng kaugnayan.
Katulad sa Thailand , ang mga Kathoey , ay bahagi ng pamayanang Thai sa mga nagdaan na mga dantaon , at ang mga Haring Thai ay mayroong mga lalaki at babaing mangingibig.
Habang ang Kathoey ay karaniwang mga binabae or nakabihis na pambabae , karaniwan silang tinuturing sa kulturang Thai bilang ikatlong kasarian.
Kadalasang tanggap sila ng lipunan , at walang mga batas sa Thailand na nagbabawal laban sa mga homoseksuwal at sa mga gawaing homoseksuwal.
Nabanggit sa mga batas ng Manu , ang pinagmulan ng mga batas Hindu , ang mga " ikatlong kasarian " , ay ang mga kasapi ng lipunan na maaaring magsagawa ng mga hindi nakasanayang mga pagpapahayag ukol sa kasarian at sa homoseksuwalidad.
Sa maraming lipunan ng Melanesia , lalo na sa Papua New Guinea , ang mga kaugnayan ng magkatulad na kasarian ay mahalagang bahagi ng kultura hanggan sa kalagitnaan ng huling dantaon.
Ang mga Etoro at Marind - anim bilang halimbawa , ay naniniwala na ang heteroseksuwalidad ay makasalanan at mas kinikilala ang homoseksuwalidad.
Sa maraming tradisyunal na kulturang Melanesyano , ang isang nagbibinatang bata ay ipapares sa isang higit nakakatandang binata na magiging gabay niya at makakatalik sa loob ng ilang taon upang ang nagbibinatang bata ay maabot ang pagiging ganap na binata.
Gayunman , maraming lipunan Melanesyano , ang nag - iba ang tingin sa ugnayang magkatulad na kasarian nang ipakilala sa kanila ang Kristiyanismo ng mga misyunerong Europeo.
Karamihan sa mga bansa ay hindi ipinagbabawal ang pakikipagtalik ng may pahintulot sa pagitan ng dalawang tao kung nasa wastong gulang na.
Ang ibang mga hurisdiksiyon ay kinikilala pa ang karapatan , pangangalaga at mga pribilehiyo para sa mga pamilya na binubuo ng magkarelasyong magkatulad na kasarian , kasama na ang kasal ng magkatulad na kasarian.
Ang ilang bansa naman ay mahigpit na ipinagbabawal ito at tanging mga heteroseksuwal na kaugnayan lamang ang kinikilala ; at sa ilang hurisdiksiyon ang mga kilos at gawang homoseksuwal ay ilegal.
Maaaring maharap ang mga nagkasala sa parusang kamatayan sa mga lugar gaya ng ilang lugar ng pundamentalistang Muslim tulad ng Iran at ilang bahagi ng Nigeria.
Mayroon din , gayunman , kadalasang pagkakaiba sa mga opisyal na batas ng isang bansa at kung paano ito ipinatutupad sa katotohanan.
Bagaman inalis na bilang isang pagkakasala ang mga kilos homoseksuwal sa mundong kanluranin , gaya ng sa Poland noong 1932 , sa Dinamarka noong 1933 , Sweden noong 1944 , at sa Nagkakaisang Kaharian ( Gran Britanya ) noong 1967 , noong lamang kalagitnaan ng dekada ' 70 natamasa ang limitadong karapatang sibil ng komunidad ng mga bakla sa ilang mga bansang maunlad.
Noong 2 Hulyo 2009 , inalis bilang isang krimen ang homoseksuwalidad sa Indiya ng isang Mataas na Hukuman.
Isang mahalagang pagbabago ang naganap noong 1973 nang alisin ng Kapisanan ng mga Saykayatristang Amerikano ( American Pyschiatric Association ) ang homoseksuwalidad sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders , na dating nagsasabi na ang homoseksuwalidad ay isang karamdaman sa pag - iisip.
Noong 1977 , naging kauna - unahang hurisdiksiyong lebel pang - estado sa buong mundo ang Quebec , sa pagbabawal ng diskriminasyon laban sa oryentasyong seksuwal.
Noong dekada ' 80 at ' 90 , nagpatupad ng mga batas ang mga bansang maunlad na nag - aalis bilang isang krimen ang mga kilos homoseksuwal at ang pagbabawal sa diskriminasyon laban sa mga lesbyana , bakla sa paghahanap - buhay , pabahay at mga pangunahing serbisyo.
Sa kabilang banda , maraming bansa ngayon sa Gitnang Silangan at Aprika , gaya na rin ng ibang bansa sa Asya , Karibe at Timog Pasipiko , ang patuloy pa rin sa pagbabawal ng homoseksuwalidad.
Anim na bansa ang nagpapatupad ng habang buhay na pagkakakulong ; at sampu naman ang nagpaparusa ng kamatayan.
Sa Unyong Europeo , ang diskriminasyon ng kahit anong uri na nakabatay sa oryentasyong seksuwal o kasariang pagkakakilanlan ay ilegal sa ilalim ng Charter of Fundamental Rights of the European Union.
Simula pa noong dekada 60 , maraming kasapi ng LGBT sa kanluran , lalo na ang karamihan sa pangunahing pook na metropolitan , ay nakabuo ng tinatawag na gay culture o kulturang gay.
Nang lumaganap ang AIDS noong unang bahagi ng dekada 80 , maraming pangkat ng LGBT at ilang mga indibidwal ang nagpasimula ng mga kampanya upang ipalaganap ang edukasyon , pagpigil , pagsasaliksik , at pagtulong sa mga taong may AIDS , pati na rin ang paghingi ng tulong mula sa mga pamahalaan para sa mga programang ito.
Ang mataas na bilang ng pagpanaw na dulot ng epidemyang AIDS ay nagpabagal sa pagsulong ng kilusan sa karapatan ng mga bakla noong umpisa , subalit lumaon ay naisulong din ng ilang kasapi ng payamayang LGBT sa pamamagitan ng mga paglilingkod sa komunidad at mga kilos pampolitika , at sa paghamon sa mga heteroseksuwal na tumulong sa pagtugon sa suliranin.
Hinahadlangan ng ilang mga indibidwal at mga samahan ang kilusang LGBT.
Naniniwala ang ilang mga pamayanang konserbatibo na ang lahat ng ugnayang seksuwal maliban sa hindi katulad na kasarian ay nagpapahina sa pamilyang tradisyunal at ang mga bata ay dapat ginagabayan sa tahanan ng isang ama at isang ina.
Ang pagtanggap ng lipunan sa hindi heteroseksuwal na kamalayan gaya ng homoseksuwalidad ay mababa sa mga bansa sa Asya at Aprika , at mataas sa mga bansa sa Europa , Australia , at sa mga Amerika.
Tumataas ang pagtanggap sa homoseksuwalidad sa mga lipunan sa kanluran simula pa noong ilang mga dekada.
Bagaman ang ugnayan sa pagitan ng homoseksuwalidad at relihiyon ay nag - iiba iba ayon sa panahon at lugar , sa loob at sa pagitan ng iba 't ibang mga relihiyon at sekta , at sa pagkakaiba ng uri ng homoseksuwalidad at biseksuwalidad , ang mga kasalukuyang namumuno at mga kasulatan ng pinakamalalaking relihiyon sa daigdig ay pangkahalatang tinitignan ang homoseksuwalidad na salungat sa kanila.
Ito ay maaaring sumasaklaw sa pagpigil sa mga kilos homoseksuwal , hanggang sa pagbabawal ng mga seksuwal na gawain ng magkatulad na kasarian at ang tahasang pagtuligsa sa pagtanggap ng lipunan sa homoseksuwalidad.
Ang ilan ay nagpapalaganap ng pangaral na ang kamalayang homoseksuwal ay makasalanan , ang iba naman ay nagpapahayag na ang mga gawaing homoseksuwal lamang ang makasalanan , ang iba naman ay tanggap ang mga bakla at mga lesbiyan , samantalang ang iba ay hinihikayat pa ang homoseksuwalidad.
Inaangkin ng iba na ang homoseksuwalidad ay maaaring malabanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sa kabilang banda , may iilan sa mga relihiyong ito ang na nakikita ang homoseksuwalidad bilang katanggap - tanggap , at ang mga liberal na denominasyon ay nagsasagawa ng kasal ng magkatulad ng kasarian.
Naniniwala ang ilan na ang pag - ibig at seksuwalidad ng magkatulad na kasarian ay banal , at maaaring makakita ng mga mitong patungkol sa pag - iibigan ng magkatulad na kasarian sa daigdig.
Ganunpaman , kahit ano ang kanilang paningin sa homoseksuwalidad , marami sa kanila ang sumasangguni sa mga banal na kasulatan at mga nakasanayang o tradisyon upang maging gabay sa isyu.
Ang Iskalang Kinsey , na tinatawag ding Iskalang Panukat Heteroseksuwal - Homoseksuwal ( Heterosexual - Homosexual Rating Scale ) , ay nagsusubok na tukuyin ang kasaysayang pang - seksuwal ng isang tao o ang gawaing seksuwal niya sa isang tiyak na panahon.
Gumagamit ito ng iskala mula sa 0 , na nangangahulugang ekslusibong heteroseksuwal , hanggang 6 , na nangangahulugang homoseksuwal.
Kasama rin dito ang isa pang baitang , na nakatala bilang " X " , na ginagamit para matukoy ang aseksuwalidad.
Ayon sa Amerikanong Asosasyong Pangsikolohiya , tumutukoy din ang oryentasyong seksuwal sa pandama ng " pagkakalinlanlang personal at panlipunan " ng isang tao " batay sa mga pagkaakit na iyon , mga kaasalan ng pagpapadama ng mga iyon , at kasapian sa isang pamayanan na nakikisalo sa mga ito.
".
Tumutukoy ang " paglaladlad " sa pagpapahayag ng isang indibidwal sa kanyang oryentasyong seksuwal o kasariang pagkakakilanlan , at may iba 't ibang pagsasalarawan at karanasan bilang isang prosesong pangsikolohikal o pinagdadaanan.
Kadalasan , inilalarawan ang paglaladlad sa tatlong yugto.
Ang yugto ay ang yugto ng " pag - alam sa sarili " , at ang pagdating ng pagtanto na ang sarili ay bukas sa isang ugnayan ng magkatulad na kasarian.
Karaniwan itong nilalarawan bilang paglaladlad sa sarili.
Ang ikalawang yugto ay ang pagpasya na magladlad sa iba , halimbawa , sa pamilya , mga kaibigan , o mga kasama sa hanap - buhay.
Ang ikatlong yugto ay kadalasang nailalarawan sa pamumuhay ng bukas bilang isang taong LGBT sa lipunan.
Ayon kanila Rosario , Schrimshaw , Hunter , Braun ( 2006 ) , " ang pagkabuo ng pagkakakilanlan seksuwal ng mga lesbiyan , bakla o biseksuwal ay magulo at kadalasang mahirap na proseso.
Hindi gaya ng ibang kasapi ng ibang maliliit na pangkat ( hal. mga pangkat etniko at mga lahing minorya ) , karamihan sa mga indibidwal na LGB ay hindi lumaki sa isang pamayanan na mayroon katulad na huwaran na maaaring matutunan nila ang kanilang pagkakakilanlan na nagpapalakas at tumutulong sa ganoong pagkakakilanlan.
Subalit , ang mga indibidwal na LGB ay kadalasang lumalaki sa mga pamayanang ignorate o laban sa homoseksuwalidad.
".
Ang homosekwalidad ay makikita rin sa iba 't ibang hayop gaya ng tupa , ibon , dolphin , bison , bonobo , daga , langaw at iba pa.
Sa isang pagsasaliksik ng mga siyentipiko noong Oktubre 2003 sa pangunguna ni Charles E. Roselli et al. ng Oregon State University , ang homosekswalidad ng mga lalaking tupa ay nauugnay sa isang rehiyon sa utak ng mga tupang ito na tinatawag na " ovine Sexually Dimorphic Nucleus " ( oSDN ) kung saan ang sukat nito ay kalahati lamang sa sukat ng utak ng mga tupang lalaking heterosekswal.
Bukod dito , ang mga tupang homoseksuwal ay may mas mataas na antas ng aromatase , isang enzyme na responsable sa pagbabago ng testosterone ( hormone ng mga lalake ) sa estradiol ( hormone ng mga babae ).
".
Natagpuan ng mga siyentipiko noong Hulyo 2010 , na ang pagtanggal ng gene na " fucose mutarotase " na nakakaimpluwensiya sa antas ng hormone na estrogen sa babaeng daga , ang mga babaeng ito ay nagkaroon ng atraksiyon sa kapwa nila babae.
Natagpuan din ng mga siyentipiko noong 2011 na ang neurotransmitter na serotonin ay sangkot sa mekanismo ng atraksiyong sekswal sa mga daga.
Ayon sa mga organisasyong siyentipiko gaya ng " American Psychological Association " , American Psychiatric Association , American Psychological Association , American Counseling Association , the National Association of Social Workers , American Academy of Pediatrics , American Association of School Administrators , American Federation of Teachers , National Association of School Psychologists , American Academy of Physician Assistants , at National Education Association.
, ang homosekwal na orientasyon ng isang tao ay isang normal na orientasyon at ito ay isang katangian na hindi na mababago.
Sa isang pagsasaliksik ng mga siyentipiko , ang sukat ng utak ng mga lalaking homosekswal ay natagpuan na katulad ng sukat ng utak ng mga babaeng heterosekswal.
Ang isa pang pagkakapareho ang bilang ng mga nerves ( ugat ) na nagdudugtong sa dalawang hemisphere ng utak ng tao ay pareho sa bilang ng mga lalaking homosekswal at babaeng heterosekswal.
Ang utak naman ng babaeng homosekswal ( lesbiyana ) ay katulad ng utak ng mga lalaking heterosekswal kung saan ang kanang hemisphere ng utak ay higit na malaki kaysa sa kaliwa.