text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Iniisip ng mga tao na umaabot sa 25 - 30 taong gulang sa kalikasan ang mga osong polar , subalit umaabot ng 45 mga taon ang buhay kung nasa mga soo o katulad na pook.
|
Nagtatalk ang mga lalaki at babaeng osong polo tuwing Abril o Mayo.
|
Isinisilang ang osong tuta o sanggol na osong polo tuwing Disyembre kung kailan nasa proseso ng hibernasyon o namamahingang natutulog sa loob ng saglit napanahon ang ina nito.
|
Nananatili sa lungga ang tuta na kapiling ang ina , at lumalabas na sila pagkaraan.
|
Kailangan nilang kumain kaagad pagkatapos ng hibernasyon.
|
Kung minsan , dahil sa pag - init ng globo , hindi ito maaari at namamatay ang mga tutang oso bago sila magkaroon ng pagkakataong mamuhay.
|
Nililisan ng ina ang tuta pagsapit ng 2 - 3 mga taon.
|
Sakit sa puso
|
Ang sakit sa puso ( Ingles : heart disease , cardiovascular disease ; katawagang medikal : cardiopathy ) ay isang pangkat ng katawagan para sa iba 't ibang sakit na dumadapo sa puso.
|
Noong 2007 , ito ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Estados Unidos , Inglatera , Canada at Wales , na pinapatay ang isang tao sa bawat 34 segundo sa Estados Unidos pa lamang.
|
Bilang dagdag , ang pariralang " sakit sa puso " ay isang pangkalahatang katawagan sa anumang karamdamang may pangunahing kaugnayan sa puso , na may pananagutan sa pagdaloy ng dugo na may dalang nutrisyon papunta sa mga bahagi ng katawan.
|
Ang mga karamdamang ito ng puso ay maaaring magkakapatung - patong na mga kalagayan.
|
Mayroong mga sakit sa puso na maaaring masupil o hindi lumala kung maaagapan ng tamang paglunas , siruhiya o pag - iwas.
|
Maaaring ikategorya ang mga sakit sa puso ayon sa mga sumusunod :.
|
Lalaugan
|
Ang lalaugan ( Latin : pharynx kung isahan , na nagiging pharinges kapag maramihan ) ay ang bahagi ng lalamunan na kaagad na nakalagay sa ibaba o ilalim ng bibig at lukab ng ilong , at nasa itaas o ibabaw ng lalanga ( esopago ) at bagtingan.
|
Ang lalaugang pantao ay pangkaraniwang hinahati sa tatlong mga bahagi : ang nasoparinks ( epiparinks ) , ang oroparinks ( mesoparinks ) , at ang haypoparinks ( laringgoparinks ).
|
Ang lalaugan ay bahagi ng sistemang dihestibo at gayon din ng sistemang respiratoryo ; mahalaga rin ito sa paggawa ng tunog ( bokalisasyon ).
|
Ekwador
|
Ang ekwador ( Ingles : equator , bigkas : / ek - wey - tor / ) ay isang kathang - isip na bilog na ginuguhit sa palibot ng isang planeta ( o ibang astronomikal na bagay ) sa layong kalahati sa pagitan ng mga dulo ng mundo ( pole sa Ingles ).
|
Hinahati ng ekwador ang planeta sa Hilagang Hemispero at Katimugang Hemispero.
|
Ang latitud ng ekwador ay , sa kahulugan , 0 deg.
|
Nasa 40,075 km , o 24,901 milya ang haba ng ekwador ng daigdig.
|
Mapa ng lahat ng mga koordinato mula sa Bing.
|
Ang Ekwador ay sumasaklaw sa lupain ng 11 bansa.
|
Simula sa Punong _ meridyano n at papuntang silangan , ang Equator ay dumadaan sa :.
|
Gato
|
Ang isang gato ( Ingles : vise o vice ) ay isang aparatong mekanikal na ginagamit na panghawak o pang - ipit ( pangklampa ) ng isang ginagawang piraso upang mapahintulutang maisakatuparan ang isang gawain sa bagay na iyon habang ginagamitan ng mga lagari , katam , panggiling , pang - isis o papel de liha , distilyador , at iba pa.
|
Karaniwang mayroong mga nakapirming mga " panga " ang mga gato , at isang pang kahanay na pangang gumagalaw patungo o palayo sa nakapirming panga sa pamamagitan ng isang turnilyo.
|
Amerikanong Indiyano
|
Ang mga Amerikanong Indiyano o Amerindiyo ( Ingles : American Indian o Amerindian o Native Indian o First Nations ) ay ang unang mga katutubong tao na nanirahan sa Kaamerikahan.
|
Harley - Davidson
|
Ang Harley - Davidson , Inc.
|
( H - D ) , o Harley , ay isang Amerikanong kumpanyang nakilala sa paggawa ng motorsiklo , na itinatag sa Milwaukee , Wisconsin noong 1903 nila William S. Harley , Arthur Davidson , Walter Davidson at William A. Davidson.
|
Jan Evangelista Purkyne
|
Si Johannes Evangelista Purkinje o Jan Evangelista Purkyne ( IPA : ) ( isinusulat ding Johannes Evangelists Purkinje , pakinggan ( tulong * impormasyon ) ) ( 17 Disyembre , 1787 - 28 Hulyo , 1869 ) ay isang anatomista , makabayan , at pisyolohistang mula sa Republikang Tseko.
|
Gitnang Bicutan , Taguig
|
Ang Barangay Central Bicutan ( PSGC : 137607019 ) ay isa sa dalawampu 't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
|
Ang Barangay na ito ay dating bahagi ng Barangay Upper Bicutan.
|
Ganap itong nahiwalay bilang isang barangay noong ika - 28 ng Disyembre taong 2008.
|
Nangyari ito nang magtagumpay ang plebisito sa bisa ng mga Ordinansa ng Lungsod bilang 24 - 27 , 57 - 61 , 67 - 69 , at 78 serye ng 2008.
|
Youth Organization CBOL ( Central Bicutan Outstanding Leaders ).
|
Pormula
|
Sa agham , ang pormula ay isang maiksi ngunit epektibong paraan ng pagpapahayag ng impormasyon sa pamamagitan ng mga simbolo tulad ng matematikal o kimikal na pormula.
|
Ang impormal na gamit ng terminong pormula sa agham ay tumutukoy sa pangkalahatang yari sa relasyon sa pagitan ng mga ibinigay na bilang.
|
Sa matematika , ang pormula ay isang bagay na binubuo ng mga simbolo at patakaran sa pagbuo ng isang binigay na lohikal na wika.
|
Halimbawa , ang pag - alam ng kabuuan ng isang globo ay nangangailangan ng makabuluhang dami ng integral na kalkulo o analogong heometrikal , ang paraan ng pagkaubos ; ngunit , sa paggawa nang isang beses sa tuntunin ng kung anong parametro ( halimbawa ang radius ) , may naggawang pormula ang mga matematiko upang mailarawan ang kabuuang sakop na ito : Ang partikular na pormula na ito ay :.
|
Sa pagkamit ng resultang ito , at pag - alam ng radius ng kahit anong globo , mabilis at madali nating malalaman ang kabuuang sakop nito.
|
Bigyang pansin na ang kabuuang sakop V at ang radius r ay ipinapahayag bilang isang titik sa halip na mga salita o parirala.
|
Ang kumbensyon ito , kahit na mas kaunti ang kabuluhan sa mga di gaanong payak na pormula , ay nangangahulugang mas mabilis na mamamanipula ng mga matematiko ang mga mas malaki at mas komplikadong pormula.
|
Ang mga matematikal na pormula ay kadalasang naka - alhebra , pormang nakasara , at / o kaya ay naka - analitiko.
|
Nila
|
Ang Nila ( Scyphiphora hydrophyllacea , chengam sa Singapore ) ay isang palumpong umaabot sa 3 m ( 10 ft ) sa taas.
|
Makikita ito sa mga kagubatan ng mga bakawan o sa mga mabuhanging dalampasigan.
|
Ang mga dahon nito ay nakahanay na magkatapat.
|
Malapad ang mga dahon at kahugis ng patak ng tubig.
|
Ang mga sibol nito at mga batang dahon ay nababalutan ng isang bagay na katulad ng barnis.
|
Ang mga bulaklak nito ay mapuputi at may kaunting mala - rosas na kulay.
|
Ang mga ito ay makikita sa mga nakasiksik na kumpol.
|
Ang mga prutas nito ay parabilog at nagiging kayumanggi at lumulutang sa tubig kapag hinog na.
|
Ang madilim na kayumangging kahoy nito ay ginagamit sa paglililok.
|
Ang katas nito ay ginagamit sa sakit ng tiyan.
|
Ang mga bulaklak naman ay ginagamit sa paglinis at pagkukula ng damit.
|
Ang Maynila , ang pangunahing lungsod ng Pilipinas , ay pinagalan sa palumpong na ito dahil sa dami ng mga nilad sa mga dalampasigan nito.
|
Ang ibig sabihin ng " Maynila " ay " may nila ".
|
Nagmula ang pangalan ng puno mula sa salitang Sanskrit na " nila " ( niil ) na ang ibig sabihin ay " punong indigo.
|
".
|
Edmund Kemper
|
Si Edmund Emil Kemper III ( ipinanganak Disyembre 18 , 1948 ) ay isang Amerikanong mamatay - tao at nekropilya na pumapatay umano ng sampung tao , kabilang na ang kanyang mga lolo 't lola ng kanyang ama at ina.
|
Siya ay kilala para sa kanyang malaking sukat , sa 6 feet 9 inches ( 2.06 m ) , at para sa kanyang mataas na IQ , sa 145.
|
Ang Kemper ay na - nicknamed ang " Co - ed Killer " dahil ang karamihan sa kanyang mga biktima ay mga mag - aaral sa co - pang - edukasyong institusyon.
|
Ipinanganak sa California , nagkaroon ng pagkabalisa ang Kemper.
|
Lumipat siya sa Montana kasama ang kanyang mapang - abusong ina noong bata pa bago bumalik sa California , kung saan pinatay niya ang kanyang mga lolo 't lola sa ama nang siya ay 15 taong gulang.
|
Nasuri siya bilang isang paranoid schizophrenic ng mga psychiatrist ng hukuman at sinentensiyahan sa Atascadero State Ospital bilang isang batang kriminal na baliw.
|
Inilabas sa edad na 21 pagkatapos makumbinsi ang mga psychiatrist na siya ay na - rehabilitated , ang Kemper ay itinuturing na hindi nagbabanta sa pamamagitan ng kanyang mga biktima.
|
Pinuntirya niya ang batang babaeng hitchhikers sa panahon ng kanyang pagpatay , pagsasaya sa mga ito sa kanyang sasakyan at pagmamaneho sa mga ito sa mga liblib na lugar kung saan siya ay papatayin sila bago dalhin ang kanilang mga bangkay pabalik sa kanyang tahanan upang maging decapitated , dismembered at lumabag.
|
Pinatay ni Kemper ang kanyang ina at isa sa kanyang mga kaibigan bago itinigil ang kanyang sarili sa mga awtoridad.
|
Natagpuang malusog at nagkasala sa kanyang pagsubok noong 1973 , hiniling niya ang parusang kamatayan para sa kanyang mga krimen.
|
Gayunpaman , ang ang parusang kamatayan ay nasuspinde sa California noong panahong iyon , at sa halip ay tumanggap siya ng walong sentensiya sa buhay.
|
Mula noon , ang Kemper ay nabilanggo sa California Medical Facility.
|
Binawi niya ang kanyang karapatan sa isang pagdinig ng isang parol at sinabi na siya ay " masaya " sa bilangguan.
|
Si Edmund Emil Kemper III ay ipinanganak sa Burbank , California , noong Disyembre 18 , 1948.
|
Siya ang gitnang anak at anak na lalaki lamang na ipinanganak kay Clarnell Elizabeth Kemper ( nee Stage , 1921 - 1973 ) at Edmund Emil Kemper II ( 1919 - 1985 ).
|
Si Edmund II ay isang beterano ng World War II na , pagkatapos ng digmaan , sinubukan ang mga nuclear weapons sa Pacific Proving Grounds bago bumalik sa California , kung saan siya ay nagtrabaho bilang elektrisyano.
|
Si Clarnell ay kadalasang nagreklamo tungkol sa " menial " na elektrikal na trabaho ni Edmund II , at pagkatapos ay sinabi niya " ang mga misyon ng pagpapakamatay sa panahon ng digmaan at ang mga pagsubok sa atomic bomba ay hindi kumpara sa pamumuhay sa kanya " at naapektuhan siya ni Clarnell " higit sa tatlong daan at siyamnapung - anim na araw at gabi ng pakikipaglaban sa harap.
|
".
|
Mehiko
|
Ang Mehiko , opisyal na Mehikanong Estados Unidos ( Kastila : Estados Unidos Mexicanos ? * i Estados Unidos Mexicanos ; Nahuatl : Mexihco Tlacetililli Tlahtohcayotl ) o higit na kilala bilang Mehiko , ay isang bansa sa Hilagang Amerika na hinahanggan sa hilaga ng Estados Unidos at sa timog - silangan ng Guwatemala , Belize at Dagat ng Karibe ; at sa silangan ng Look ng Mehiko.
|
Sumasakop ang Mehiko ng mahigit sa 2 milyon kilometro parisukat ( mahigit 760,000 sq mi ) , kaya ito ang naging ikalimang pinakamalaking bansa sa Amerika ayon sa kabuuang sukat nito , at ika - 14 sa buong mundo.
|
May tinatayang 111 milyon ang populasyon nito , , kaya ito ang ika - 11 pinakamataong bansang sa buong mundo , at pinakamalaking bansa na nagsasalita ng wikang Kastila o Espanyol.
|
Ang Mehiko ay isang bansang pederal na binubuo ng tatlumpu 't isang estado at isang Distritong Pederal , ang Lungsod ng Mehiko , na nagsisilbi rin bilang kabiserang - lungsod.
|
Nagsimula ang pagdating ng mga unang tao sa Mehiko mahigit 30,000 taon na ang nakararaan.
|
Makalipas ang ilang libong taon ng pag - unlad ng mga kalinangan , umusbong sa mga lupain ng bansa ang mga kulturang Mesoamerikano , Aridoamerikano at Oasisamerikano.
|
Matapos ang halos 300 taon ng pananaig ng mga Kastila , sinimulan ng mga Mehikano ang maghimagsik upang makamit ang kasarinlang pampulitika noong 1810.
|
Makalipas naman ng halos isang dantaon , naharap ang bansa sa serye ng mga digmaang panloob at pagsalakay ng mga banyaga na kumitil sa buhay ng mga Mehikano.
|
Noong ika - 20 dantaon naman ( partikular noong unang gitnang bahagi ) , nagsimulang maranasan ng bansa ang pag - unlad pang - ekonomiya sa pagkakaroon ng pulitikang pinananaigan ng nag - iisang partidong pulitikal.
|
Ang Mehiko ang isa sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo : ito ay ika - 10 pinakamalaking tagalikha ng langis sa buong mundo , ang pinakamalaking tagamina ng pilak sa buong mundo , at itinuturing na makapangyarihan sa rehiyon at isa sa mga nakaaangat na bansa.
|
Dagdag dito , ang Mehiko ang unang kasapi mula sa Latin Amerika ng Organisasyon para sa Pagtutulungang Pang - ekonomiya at Pag - unlad ( Organisation for Economic Co - operation and Development o OECD ) mula pa noong 1994 , at itinuturing na bansang kumikita ng higit sa katamtaman ayon sa Bangkong Pandaigdigan ( World Bank ).
|
Itinuturing din ang Mehiko bilang isang bagong industriyalisadong bansa ( newly industrialized country ) at isang umaangat na lakas ( emerging power ).
|
Taglay nito ang ika - labinlimang pinakamalaking nominal na GDP at ikasampung pinakamalaking GDP batay sa kapantayan ng lakas ng pagbili ( purchasing power parity ).
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.