text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
Ca phe sua da
|
Ang ca phe sua da ( Biyetnames para sa " kape , gatas , yelo " ) ay isang Biyetnames na inuming gawa sa kape at kondensada.
|
Kapag mainit at walang yelo , tinatawag itong ca phe sua nong ( lit.
|
" mainit na kape gatas " ).
|
Unibersidad ng Indiana , Bloomington
|
Ang Unibersidad ng Indiana , Bloomington ( Ingles : Indiana University Bloomington ) ( dinaglat na " IU Bloomington " at kolokyal na tinatawag bilang " IU " o simpleng " Indiana " ) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Bloomington , estado ng Indiana , Estados Unidos.
|
Merong 40,000 mga mag - aaral , IU Bloomington ang pangunahing institusyon sa loob ng Unibersidad ng Indiana Sistema at ang pinakamalaking unibersidad nito.
|
Ito ay miyembro ng Association of American Universities at may maraming mga paaralan at mga programang bumubuo , kabilang ang Paaralan ng Musika ng Jacobs , ang Paaralan ng Impormatika at Pagtutuos , ang Paaralan ng Negosyo ng Kelley , ang Paaralan ng Kalusugang Pampubliko , ang Paaralan ng Pagnanars , ang Paaralan ng Optometriya , ang Paaralan ng Kapakanang Pampubliko at Pangkalikasa , ang Paaralan ng Batas ng Maurer , ang Paaralan ng Edukasyon , Paaralan ng Midya , at ang Paaralan ng Global at Internasyonal na Pag - Aaral.
|
Sweet Bear
|
Ang Sweet Bear ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.
|
Hugis
|
Ang hugis ay ang mga nakikita at napipisil na mga anyo , korte , porma , pigura , o tabas ng anumang mga bagay.
|
Gawaing pangsanay ng katawan
|
Ang gawaing pangsanay ng katawan o gawaing pampagsasanay na pangkatawan ( Ingles : workout ) ay ang tawag para sa pagsasanay o pagpapraktis ng tao sa pamamagitan ng mga nakakapagod na mga sesyon ng pagsasanay , sesyong pang - ehersisyo , sesyon ng pag - eehersisyo , o nakalaang oras para sa pag - eehersisyo ng katawan.
|
Isa itong paglalaan ng panahon upang magsagawa ng mga kakayanang pangkatawan o pisikal bilang paraan ng pagpapanatili ng kaangkupan at kalusugan ng katawan.
|
Maaari rin itong isang pagsasanay , bilang trabaho ng mga atleta o mga manlalaro ng isports , para o bago sumapit ang isang laro o palaro at mga paligsahang atletiko.
|
Sa madaling sabi , isa rin itong mahirap gawing praktikal na pagsusulit ng kakayahan at pagganap ng isang tao , maaari rin ng isang hayop at aparatong sinusubok.
|
Mayroong bilang ng araw na inilalaan ang isang taong nag - eehersisyo para sa mga gawaing pangsanay ng katawan.
|
Iminumungkahi ng Bodybuilding.com na kapag nais ng isang indibidwal na magsanay ng tatlong araw , dapat na tatlong araw itong isinasagawa.
|
Kung mahigit sa limang araw ang nais , dapat itong isagawa ng 5 o mas mababa lamang.
|
Mayroon ring mga nakaprogramang pagsasanay na naaayon sa kaunting oras lamang sa bawat araw , na nagbibigay ng angkop na hirap sa mga nagsasanay kahit sa mas maiksing panahon.
|
May iba 't ibang layuning natatamo kapag nagsasagawa ng iba 't ibang uri ng mga gawaing pangsanay ng katawan.
|
Halimbawa nito ang pagsasanay na nakabubuo ng mga masel , isang gawain ng pagsasanay na nakakatulong sa paglulunsad ng lakas.
|
May dalawang uri ng rutina ng gawaing pangsanay ng katawan : ang rutinaryong hinati - hati para sa partikular na bahagi ng katawan ( kilala sa Ingles bilang split bodypart routine ) , at ang rutinaryo para sa buong katawan ( kilala bilang full body routine sa Ingles ).
|
Ang rutinaryong pinaghati - hati o pinaghiwa - hiwalay para sa partikular na bahagi ng katawan ang pinakapangkaraniwang uri ng programa ng pagsasanay ng katawan , kung kailan sinasanay ang iba 't ibang mga bahagi ng katawan sa loob ng magkakahiwalay at magkakaibang mga araw.
|
Para naman sa rutinaryong pambuong katawan , isinasanay ang kabuuan ng katawan sa bawat araw ng pagsasanay.
|
Wikang Istrian
|
Ang Istrian ay isang wikang sinasalita sa Italya.
|
Epidemiyolohiya
|
Ang epidemiyolohiya ay ang pag - aaral na may kinalaman sa epidemya o mabilis na pagkalat ng mga nakakahawang sakit.
|
Tinatawag na epidemiyolohista o epidemiyologo ang mga dalubhasa sa larangang ito.
|
Ito ang pag - aaral hinggil sa mga bagay - bagay na nakakaapekto sa kalusugan at karamdaman ng populasyon , at nagsisilbing pundasyon at lohika ng mga interbensiyong isinasagawa para sa kapakanan ng kalusugang pampubliko at medisinang prebentibo.
|
Itinuturing ito bilang isa sa mga pinagsimulang metodolohiya ng pananaliksik na nauukol sa kalusugan ng publiko , at may - kataasang itinuturing sa panggagamot na batay sa mga ebidensiya para sa pagkilala ng mga bagay na nakapagbibigay ng panganib na pangkaramdaman at sa pagsusuri at pagkilala ng mga higit na mainam na mga gawi sa pagbibigay ng lunas sa mga gawaing klinikal.
|
Sa mga gawaing may kaugnayan sa mga nakakahawa at hindi - nakakahawang mga sakit , nasasaklawan ng mga gawain ng mga epidemiyolohista ang panahon ng pagsisimula ng mga karamdaman magpahanggang sa disensyo , pagtitipon ng mga datos , at pagsusuri kabilang ang pagunlad ng mga modelong estadistiko upang masubukan ang hipotesis , at ang dokumentasyon o pagtatala ng mga resulta para sa pagpapasa at dagdag na mga pagsusuri ng iba pang mga kasamahan sa larangan.
|
Maaaring humango ng mga kaalaman ang mga epidemiyologo mula sa isang bilang ng iba pang mga disiplinang pang - agham katulad ng biyolohiya para sa pag - unawa ng mga proseso ng mga karamdaman , at maging mula sa mga agham na panlipunang katulad ng sosyolohiya at pilosopiya upang higit na maintindihan ang mga kalapit at hindi - kaugnay na mga bagay.
|
| width " 50 % " align " left " valign " top " |.
|
Specialty journals :.
|
| }.
|
Silanganing pilosopiya
|
Ang silanganing pilosopiya ay isang katawagang tumutukoy sa napakalawak na sari - saring mga pilosopiya ng Asya , kabilang ang pilosopiyang Indiyano , pilosopiyang Tsino , pilosopiyang Iranyano ( o pilosopiyang Persa ( Persian ) ) , pilosopiyang Hapones , at pilosopiyang Koreano.
|
Kung minsan , maaari ring ibilang sa katawagan ang pilosopiyang Babilonyano at pilosopiyang Islamiko ( o pilosopiyang Arabo ) , bagaman maituturing din ang dalawang huli bilang mga Kanluraning pilosopiya.
|
Kabilang sa pilosopiya ng silangan ang tinatawag na silanganing pananampalataya , isang pangkat ng mga relihiyong nagbuhat sa Indiya , Tsina , Hapon at Timog - silangang Asya.
|
Binubuo ito ng mga makapananampalatayang tradisyon sa Silangang Asya , Indiya , at maging ang mga katutubong pananampalatayang animistiko.
|
Bagaman maraming mga Kanluraning tagapagmasid ang sumubok na paghiwalayin ang mga pananampalataya at mga pilosopiya , isa itong pagkakaibang wala sa ilang mga kaugaliang Silanganin.
|
Isa sa mga pangunahing katangiang nakakahikayat ng silanganing pilosopiya , partikular na ang pilosopiyang Indiyano at pilosopiyang pangkaluluwa ( espirituwalistiko ) , ang pagiging higit na pagkakaroon nila ng mistiko , esoteriko , at monistikong pagkakaunawa sa realidad.
|
Tumutukoy ang monistikong pananaw o monismo ( mula sa Griyegong monas o " isa " ) , ayon sa makabagong pilosopiya , sa anumang teoriyang metapisikong nagsasabing " mayroon lamang isang realidad na pinagmumulan ng lahat ng bagay.
|
" Nilarawan ito ng Darwinistang pilosopong si Ernst Haeckel bilang " mayroon lamang isang sustansiya sa sanlibutan " at iyon ang " Diyos at Kalikasan " o " katawan at kaluluwa ( espiritu ) " , na kilala ngayong bilang holismo.
|
Maaari ring tumukoy ang monismo sa diwang " mayroon lamang isang realidad : ang pisikal na materya at enerhiya , " o kaya sa konseptong " mayroon lamang isang espirituwal o banal na katotohanan , at hindi nahihiwalay ang katotohanang makakatawan at sikiko o saykik ( makakaluluwa ) mula rito.
|
" Tinatawag ang huli bilang monismong espirtuwal upang makilala mula sa monismong neyutral ( monismong walang pinapanigan ) at monismong materyalistiko.
|
Tinatanaw sa espirituwal na monismo na isang lubos na realidad na mapangyakap ng lahat ( impersonal at transpersonal ) ang tinatawag na Banal o Kabanalan ( ang Sarili o " ang Diyos sa kalooban " ) , kaya 't walang pagkakahiwalay ang Diyos at ang Kaluluwa , maging ang Diyos at ang mundo.
|
Isang malawakang pagtanaw ng mga kaugaliang pilosopiko sa Silangan ang mga sumusunod.
|
Mayroon kaugnay na mga lathalain ang bawat tradisyon.
|
Isang pagpapalit - palitan ng mga paniniwala ang mga naunang pananampalataya sa sinaunang Ehipto , na kinakatawan ng mitolohiyang Ehipsiyo.
|
Pinanghawakan ang mga ito ng mga mamamayan ng Ehipto mula pa noong mga panahong predinastiko ( bago sumapit ang mga dinastiya ) magpahanggang sa pagsapit ng Kristiyanismo at Islam sa mga kapanahunang Greko - Romano at Arabo , mahigit sa mga 3,000 taon.
|
Isinasagawa ang mga ito ng mga paring Ehipsiyo o mga salamangkero.
|
Katutubo sa Aprika ang lahat ng mga hayop na nilalarawan at sinasamba sa sinaunang Ehipsiyong sining , mga panulat at relihiyon.
|
Unang lumitaw ang dromedaryong kamelyo sa Ehipto ( at Hilagang Aprika ) - kasunod ng pagiging domestikado o inalagaan sa tahanan sa Arabya - simula noong mga ikalawang milenyong BK.
|
Isang banal na pook ang templo kung saan mga lalaki at babaeng pari lamang ang pinapahintulutan.
|
Sa piling mga natatanging mga okasyon , pinapayagan ang mga mamamayan sa bakuran ng templo.
|
Matutunton ang mga simulain ng pilosopiyang Babilonyano mula sa karunungan ng maagang Mesopotamya , na kumakatawan sa piling mga pilosopiya ng buhay , partikular na ang etika , sa hugis ng mga diyalektiko , diyalogo , tulang epiko , kuwentong - bayan , himno , liriko , prosa , at sawikain.
|
Umunlad ang mga pagdadahilan at rasyonalidad ng mga Babilonyano na higit pa sa pagmamasid na empirikal.
|
Posibleng nagkaroon ng impluwensiya ang pilosopiyang Babilonyano sa pilosopiyang Griyego , at sa kalaunan maging sa pilosopiyang Helenistiko.
|
Naglalaman ang Babilonyanong tekstong Dialog of Pessimism o Diyalogo ng Pesimismo ( Diyalogo ng Kawalan ng Loob o Mapagpatalo ) ng mga kahawig na mga agonistikong kaisipan mula sa mga Sopista ( Sopismo ) , doktrina ng mga pagkakaiba ni Heraklitus , at mga diyalogo ni Plato , maging sa isinauna o pinagmulang Mieutikong metodong Sokratiko ni Sokrates at Plato.
|
Nalalaman din na nag - aral ng pilosopiya sa Mesopotamya ang Milesianong pilosopong si Thales.
|
Kaugnay ng pananampalataya ang mga sinaunang mga panitikan sa Indiya.
|
Binubuo ito ng mga himno , dasal , at mga patakaran sa pagsasagawa ng mga gawain panrelihiyon.
|
Matatagpuan ito sa Rig Veda ( mula pa noong 1300 BK ngunit naisatitik lamang noong mga 600 BK ) , ang pinakamaagang serye ng apat na mga tekstong makarelihiyon ng Hinduismo na may malalim na damdamin para sa mga kapangyarihan ng kalikasan.
|
Kabilang din rito ang Mahabharata ( Ang Dakilang Salaysayin ng mga Bharata ) , ang Ramayana ( Tungkol kay Rama ) , ang Bhagavad Gita ( Ang Awit ng Isang Banal ) , ang mga Upanishad ( 700 - 300 BK ) , Buddhacarita ( mahabang tula tungkol kay Buddha ) , at Gita Govinda ( Awit ng mga Kawang Baka ).
|
Mahilig sa mga ideya ang mga Indiyano , kung kaya 't ipinahahayag nila ang doktrina ng Atman ( o Brahman ).
|
Nagsulat ng patula ang mga dakilang pilosopo ng Indiya.
|
Kabilang dito sina Nagarjuna ( ika - 1 o ika - 2 daantaong AD ) , Shankara ( mga 788 - 820 ) , Ramanuja ( mga 1017 - 1137 ) , Kalidasa , Jayadeva , Vidyapati ( ika - 15 daantaon ) , Chandidas ( ika - 15 daantaon ) , Chaitanya ( 1486 - 1534 ) , at Rabindranath Tagore ( 1861 - 1941 ).
|
Sa pangkalahatan , itinuturing ang Hinduismo ( snaatn dhr m ; Sanatana Dharma , humigit - kumulang na may diwang Paniniwalang Panghabangpanahon ) bilang pinakamatandang pangunahing pananampalataya sa mundo at una sa mga pananampalatayang Dharma.
|
Isang katangian ng Hinduismo ang pagkakaroon ng sari - saring patong ng mga pamamaraan ng paniniwala , gawain , at eskritura o sulatin.
|
Nagmula ito sa sinaunang kabihasnan at kalaningang Bediko ( Vedic ) mula pa noong mga 3,000 BK.
|
Ito ang pangatlong pinakamalaking relihiyon sa mundo na may tinatayang mga 1.05 bilyong tagasunod , 96 % ng mga ito ang namumuhay sa subkontinenteng Indiyano.
|
Nakasalalay ang Hinduismo sa mga Veda ( o Dharma ) at ang kanilang mistikong katumbas na Upanishad , maging sa mga pagtuturo ng maraming dakilang mga guru o gurong Hindu sa loob ng mahabang panahon.
|
Maraming mga agusan ng kaisipan ang dumaloy mula sa anim na mga Bediko o Hindung paaralan , mga sektang Bhakti , at mga paaralang Agamikong Tantra patungo sa isang " karagatan " ng Hinduismo , ang pinakauna sa mga relihiyong Dharma.
|
Gayon din , isa sa mga pinakahinahangaang teksto ng mga Hindu ang sagradong aklat na Bhagavad Gita.
|
Pangkaraniwan sa lahat ng mga Hindu ang paniniwala sa Dharma , reinkarnasyon , karma , at moksha ( paglaya o liberasyon ) ng bawat kaluluwa sa pamamagitan ng iba 't ibang yogang moral , batay sa gawa , at meditatibo o mapagmuni - muni.
|
Kabilang pa rin sa mga mas pundamental na prinsipyo ang ahimsa ( kawalan ng kaguluhan ) , ang pagiging pangunahin ng Guru , ang Banal na Salita ni Aum , ang kapangyarihan ng mga mantra , pag - ibig sa Katotohanan sa maraming manipestasyon o pagsasakatauhan ng mga diyos at diyosa , at ang pag - unawa sa esensiyal na pagsiklab ng Dibino o Banal ( Atman o Brahman ) , na ang huli ay nasa loob ng bawat tao at bawat nabubuhay na nilalang , kaya 't kung gayon napapahintulutan ang maraming mga daang pangkaluluwa o espirituwal na maghahantong sa Isang Katotohanang Nagkakaisa.
|
Ang Budhismo ay isang sistema ng mga paniniwalang nakabatay sa mga pagtuturo ni Siddhartha Gautama , isang prinsipeng Nepali ( Nepales ) na nakilala bilang Buddha sa lumaon , o ang isang Gising - hango mula sa Sanskrit na bud o " gumising ".
|
Isang hindi teyistikong relihiyon ( teyistiko : ang pagkakaroon ng isang diyos o mga diyos ) ang budhismo , at may katangiang hindi tumutuon ng pansin sa pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng Diyos o mga diyos.
|
Mismong tumanggi rin ang Buddha ang pagkakaroon niya ng katayuang banal o inspirasyon , at nagsabing sinuman , saanman ay maaaring makatanggap ng lahat ng mga pananaw na angkin niya.
|
Malawak na walang kahalagahan sa Budismo ang katanungan hinggil sa Diyos , bagaman may ilang mga sektang pinapupurihan at pinararangalan ang ilang bilang ng mga diyos na nagmula sa mga katutubong pamamaraan ng mga paniniwala , partikular na ang Budhismong Tibetano.
|
Makikita ang soteriolohiyang Budista ( o doktrinang pampananampalataya hinggil sa kaligtasan ng kaluluwa ) sa Apat na Marangal na Katotohan marangal malinsad kasiyasiya.
|
Subalit , naitatag ang ganitong pilosopiyang Budista mula sa mga doktrinang :.
|
Karamihan sa mga sektang Budista ang naniniwala sa karma , isang pag - uugnayang may sanhi at kinahihinatnan sa pagitan ng lahat ng mga nagawa at sa lahat ng mga gagawin pa.
|
Pinanghahawakan na tuwirang resulta ng mga nakaraang kaganapan ang lahat ng mga nangyayari.
|
Isang epekto ng karma ang muling pagsilang.
|
Sa kamatayan , ang karma mula sa isang ibinigay na buhay ang kumikilatis kung ano ang magaganap o magkakaroon sa susunod na magiging buhay ng isang nilalang.
|
Isa sa mga pangunahing at sukdulang layunin ng isang naniniwala sa Budismo ang alisin ang lahat ng karma ( kapwa mabuti at hindi ) , tapusin ang pag - ikot ng muling pagsilang at pagdurusa , at tumanggap o maabot ang Nirvana , na karaniwang isinasalinwika bilang paggising , pagkamulat , o pagkakaroon ng kaliwanagan.
|
Ang Tsan ( o Chan sa Intsik ) o Sen ( Zen sa Hapones ) ay isang pagsasanib ng paaralang Dhyana ng Budismong Mahayana at prinsipyong Taoista.
|
Isang semi - lehendaryo o tila - maalamat na mongheng Indiyano si Bodhidharma na naglakbay sa Tsina noong ika - 5 daantaon.
|
Doon , sa Templong Shaolin , sinimlan niya ang paaralang Ch 'an o Ts 'an ng Budismo , kilala sa Hapon at sa Kanluran bilang Budhismong Sen ( Zen Buddhism ).
|
Binibigyang diin sa pilosopiyang Sen ang pamumuhay sa momento , sa ngayon , at ngayon na.
|
Itinuturo ng Sen na isang manipestasyon ang buong sanlibutan ng isip , at hinihikayat ang isang naniniwalang patunayan ito para sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng tuwirang panloob na pag - iisip o pagmumunimuni ( ang satori ).
|
Sa kasaysayan ng Sen , nahahati ang mga paaralan nito sa pagitan ng mga nanghihikayat sa pagpupunyagi ng pagkakatanggap ng kalinawan o kaliwanagan bilang isang biglaang kaganapan ( Rinzai o Rinsai ) , o isang bunga ng gradwal o unti - unting pag - usad at pangangalaga ( ang Soto ).
|
Nakikilahok sa meditasyon o pagmumuni - muning sasen ( zazen ) ( " pag - upo " ) ang mga naniniwala sa Sen , katulad ng ibang mga paaralan , ngunit natatangi ang Sen sa kaniyang shikantaza o syinkantasa ( nauupo lamang ) bilang katiwalasan sa pagsunod sa paghinga o paggamit ng mantra.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.