text
stringlengths
0
7.5k
Natatangi ang paaralang Rinzai sa paggamit ng mga koan , mga bugtong na dinisenyo para puwersahin ang estudyante na iwanan ang walang saysay o walang pagtatagumpay na pagsubok sa pag - unawa sa kalikasan ng sanlibutan sa pamamagitan ng lohika.
Kabilang sa Pundasyon ng Sikhismo ang Simran at Sewa.
Tungkulin ng bawat Sikh ang isagawa ang Naam Simran ( isang meditasyon sa pangalan ng Panginoon ) araw - araw at makilahok sa Sewa ( paglilingkod na hindi pansarili ) kung kailan maaaring gawin , kung saan magagawa ito , at hangga 't maaaring gawin : sa Gurdwara ( pook sambahan ng mga Sikh ) ; sa isang sentrong pamapamayanan , sa mga tahanan ng mga matatanda , sa mga pook pangangalaga o pagamutan , sa mga pook na nagkaroon ng malaking mga pagkasalanta o disatre , at iba pa.
Mayroong Tatlong Haligi ang Sikhismo , na naging pormal dahil kay Guru Nanak.
Ito ang tatlong mahahalagang haligi ng Sikhismo :.
Kabilang pa rin sa mga paniniwala pangsikhismo ang pagkitil o Pagpatay sa Limang Magnanakaw , kung saan sinasabi ng mga Gurung Sikh na palaging inaatake at tinutugis ang isipan at espiritu ng Limang mga Kasamaan : ang Kam o kahalayan , ang Krodh o kapusukan o matinding galit , ang Lobh ( pagkagahaman ) , Moh ( pagkakalakip ) , at Ahankar ( ego o pagkamakasarili ).
Kailangang kalabanin at atakihin din na may pagtatagumpay ng isang Sikh ang limang mga bisyong ito , na laging handa at nakabantay sa pakikipaglaban sa " limang mga magnanakaw " na ito sa anumang oras.
Kasama rin sa Sikhismo ang pagkakaroon ng mga Positibong Katangiang Pantao : Tinuturuan ng mga gurong Sikh ang mga Sikh na paunlarin at painamain ang mga positibo o tamang mga katangiang pantaong makasasanhi ng pagkakalapit ng kaluluwa sa Diyos at palayo sa kasamaan.
Kabilang sa mga katangiang ito ang : Sat ( katotohanan ) ; Daya ( pagkaawa ) ; Santokh ( pagkakontento ) ; Nimrata ( kababaan ng loob ) ; at Pyare ( pagmamahal o pag - ibig ).
Ang Hainismo ay muling binuhay at ginawan ng mga pagbabago ni Mahavira , ang ika - 24 na Haing ( Hain , Jain ) Tirthankara , isang guro at pinunong pampananampalataya na namuhay kasabayan ng kapanahunan ng Buddha.
Nanggaling ang salitang Jaina ( Haina ) sa pamagat na Jina ( Hina ) , o ang isang matagumpay , na tumutukoy sa mga nagkamit ng pagtatagumpay sa ibabaw ng kanilang mga matitinding mga damdaman.
Itinuturo ng Hainismo ang asetisismo - mga gawain ng disiplina sa sarili , pagbabawal sa sarili , at pagtatangging pansarili - bilang daan patungo sa pagkakamit ng kaliwanagan.
Kabilang sa mga unang mga monghe ng mundo ang mga orihinal na mga Hain , na umuurong o umaalis sa ordinaryong pamumuhay upang magtuon ng pansin sa pag - aayuno at pagmumunimuni ( meditasyon ).
Nakararami ang bilang ng populasyon ng mga Hain sa Indiya at lumagpas sa bilang na 10 milyon.
Isa mga pinakamasaganang pamayanang pangnegosyo sa Indiya ang mga Hain.
Ang Sarbaka o Carvaka , na karaniwang ding may transliterasyong ( binabaybay na ) Charvaka o Carvaka , at kilala rin bilang Lokayata o Lokyata , ay isang materyalista at ateistang paaralan ng kaisipang may pinag - ugatang sinauna mula sa Indiya.
Pinanukala o iminungkahi nito ang isang sistema ng etikang nakabatay sa pag - iisip na rasyonal.
Subalit , matagal nang namatay ang paaralang ito ng higit sa libong mga taon.
Umunlad ang Konpusyanismo o Kompusyanismo ( Confucianism , Ru Xue ) sa paligid ng mga pagtuturo ni Confucius ( Kong Zi ) at nakabatay sa isang set o nakahandang mga klasikong tekstong Intsik.
Ito ang pangunahing ideolohiya sa Tsina at sa Sinospero mula pa noong kapanahunan ng Dinastiyang Han at maaari pa ring ituring na isang nakapailalim na elemento o sangkap ng kalinangan sa Timog - Silangan.
Maaari itong unawain bilang isang etikang panlipunan at humanista o makataong pamamaraang nakatuon sa mga nilalang na tao at sa kanilang mga pag - uugnayan.
Binibigyang diin sa Konpusyanismo ang mga pormal na ritwal sa bawat aspeto ng buhay , mula sa mga seremonyang makapampananampalataya hanggang sa kagandahang - loob at paggalang sa mga nakatatanda , partikular na sa mga magulang at sa estadong kinakatawan ng Emperador.
Kabilang sa mga pilosopiya ayon sa rehiyon ang pilosopiyang Babilonyano , Asiro - Babilonyanong pananampalataya , pilosopiyang Indiyano , pilosopiyang Intsik , pilosopiyang Iranyano , pilosopiyang Islamiko ( Sinaunang pilosopiyang Islamiko at Makabagong pilosopiyang Islamiko ) , pilosopiyang Hapones , at pilosopiyang Koreano.
Solanin
Ang Solanin ( soranin , Soranin ) ay isang seryeng manga na ginawa ni Inio Asano.
Vocabulario de la Lengua Bicol
Ang Vocabulario de la Lengua Bicol ( Tagalog : Talasalitaang Wikang Bikol ) ay talasalitaan ng mga salitang Bikol.
Tinipon ang mga ito ni Marcos de Lisboa nang siya ay nakatalaga sa Bikol.
Si Lisboa ay nanatili sa Bikol mula 1602 hanggang 1616 sa Oas , Polangui at sa Nueva Caceres.
Sa 14 na taon ng pananatili niya sa rehiyon , nakatalaga siya sa Naga sa siyam na taon.
Ang dalawang taon sa panahon niya ay naupo siya bilang isang komo vicario provincial sa Apostolica Provincia de San Gregorio.
Kilala ang ilan sa mga salitang Bikol sa kanilang pagiging tiyak.
Ilan pa sa mga natatanging salita ay nakatala patungkol sa ginto.
Pagkakalbo
Ang pagkakalbo o pagkapanot ay ang paglulugas ng buhok.
Sa medisina , tinatawag ang ganitong kalagayan bilang alopesya , mula sa Ingles na alopecia.
Astrosikolohiya
Ang astrosikolohiya , sikolohikal na astrolohiya , sikolohikong astrolohiya , sikolohikang astrolohiya , astrolohiyang sikolohikal , astrolohiyang sikolohiko , o astrolohiyang sikolohika ay isang kamakailan lamang na produkto ng pagsasama - sama at pagsasanib - sanib ng mga larangan ng astrolohiya na may sikolohiya ng lalim , sikolohiyang humanistiko , at sikolohiyang transpersonal.
Gumagamit ito ng horoskopyo at ng mga arketipo ng astrolohiya upang makapagbigay ng kabatiran hinggil sa sikolohikal na pag - unawa ng isipan o psyche ng isang tao.
Kabilang sa mahahalagang mga tagapanimula ng astrosikolohiya ay sina Liz Greene at Howard Sasportas na nagtatag ng Sentro para sa Sikolohikal na Astrolohiya noong 1983 ; sina Bruno Huber at Louise Huber na nakapagpaunlad ng sarili nilang metodo ng astrosikolohiyang tinatawag na Metodong Huber , na may kaugnayan sa gawain ni Roberto Assagioli hinggil sa sikosintesis.
Kabundukang Carpatos
Ang Kabundukang Carpatos o mga Carpatos ( Ingles : Carpathian Mountains o The Carpathians ) ay kabundukan na bumubuo ng isang hugis - arkong kulang - kulang na 1,500 km kahaba sa dako ng Gitna at Silangang Europa , at dahil dito ay siyang ikalawang pinakamahabang kabundukan sa Europa ( sumunod sa Kabundukang Escandinavo ).
Kumukupkop ito sa pinakaraming bilang sa Europa ng mga oso , lobo , usa at pusa , na kung saan sa Rumanya pinakalaganap.
Ang mga Carpatos din ay nagtataglay ng mararaming mga pansol , sa kung saan ang Rumanya ay umaangkin sa 33 % ng pangkalahatang bilang sa buong Europa.
Nababahagian ang mga Carpatos ng Republika Tseka , Eslobakya , Polonya , Unggriya , Ukranya , Rumanya ( 53 % ) sa silangan at patungo sa Iron Gates ng Ilog Danubio sa pagitan ng Rumanya at Serbya.
Carter G. Woodson
Si Carter Godwin Woodson ( Disyembre 19 , 1875 - Abril 3 , 1950 ) ay isang Aprikano Amerikanong manunulat ng kasaysayan , may - akda , tagapamahayag , at tagapagtatag ng Linggo ng Kasaysayan ng mga Itim , na naging Buwan ng Kasaysayan ng mga Itim.
Itinuturing siya bilang unang nagsagawa ng makadalubhasang gawain upang mapatanyag ang halaga ng Kasaysayan ng mga Itim.
Kinilala niya at nagsagawa ng mga gawain na nagpahalaga sa isang uri ng mga mamamayan na may pagpansin at kaalaman sa kanilang mga ambag sa sangkatauhan at nag - iwan siya ng isang kahangahangang pamana.
Isa si Woodson sa mga nagtatag ng Samahan para sa Pag - aaral ng Buhay at Kasaysayan ng Aprikano Amerikano ( Association for the Study of African American Life and History ) at ng Dyaryo ng Kasaysayan ng mga Itim ( The Journal of Negro History ).
Dati siyang kasapi ng unang kapatiran ng mga itim na Sigma Pi Phi at dati ring miyembro ng Omega Psi Phi .. Kilala rin si Dr. Woodson bilang Ama ng Kasaysayan ng mga Itim.
Hello ! Balbari
Ang Hello ! Balbari ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.
Lipisano
Ang Lipisano o Lipisana ( Ingles : Lippizaner , Lippizan , Kastila : Lipizzano , caballo de raza lipizzana o " kabayong liping lipisano " ) ay isang natatanging lahi ng mga kabayong sinasanay para sa dresahe.
Ginagamit ito sa Kastilang Paaralan ng Pagsakay ( sa Kabayo ) sa Vienna , Austriya.
Pinangalanan ito mula sa dating Italyanong bayan ng Lippiza ( kasalukuyang Lipisa o Lipica na bahagi na ngayon ng makabagong Islobenya ) , ang lugar kung saan unang napaunlad ang uri , mahigit 400 mga taon na ang nakalilipas.
Ipinapanganak itong may itim na kulay , na nagiging abo kapag nasa hustong gulang na , at nagiging puti sa pagtanda.
Nagagamit din ang kabayong Lipisano bilang isang pangseremonyang tagahila ng karuwahe.
Iniluwas na rin ang ganitong mga kabayo sa Estados Unidos.
Sho Ito
Si Sho Ito ( ipinaganak Hulyo 24 , 1988 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Hipokratikong mukha
Ang Hipokratikong mukha ( Ingles : Hippocratic face o Hippocratic facies ; Latin : facies Hippocratica ) ay ang pagbabagong nagaganap sa mukha dahil sa naghihintay na kamatayan ng isang tao o nilalang , o matagalang pagkakasakit , labis na pagdumi , lubhang kagutuman , at mga katulad.
Mapapansin sa mukha ng pasyente ang pagtulis o pagtalim ng pinisil na ilong , nakalubog na mga mata , humpak na mga pilipisan ( binabaybay ding palipisan ) o sintido , madarama rin ang panlalamig at pag - urong o pag - atras ng mga tainga , banat at tuyong balat sa noo , namumutla o kayumangging kutis , nakalaylay , mahina o nangangalay at malalamig na mga labi.
Tinatawag itong Hipokratikong mukha dahil una itong nilarawan ni Hippocrates.
Kaugnay ito ng cachexia.
Tagagawa ng kopya
Ang tagagawa ng kopya ay maaaring tumukoy sa :.
Bagito ( seryeng pantelebisyon )
Ang Bagito ay isang palabas sa telebisyon ng ABS - CBN na pinalabas noong Nobyembre 17 , 2014 hanggang Marso 17 , 2015.
Unibersidad ng Algiers
Ang Unibersidad ng Algiers Benyoucef Benkhedda ( Arabe : jm` ljzy'r - bn ywsf bn khd ; Ingles : University of Algiers ) ay sa isang university na matatagpuan sa Arhel ( Algiers ) , Algeria.
Ito ay itinatag noong 1909 at ay organisado sa mga pitong fakultad.
Ang Unibersidad ng Arhel ay umusbong mula sa iba ' t - ibang mga institusyon para sa mas mataas na edukasyon na nilikha noong ika - 19 na siglo sa ilalim ng kolanyal na pamahalaang Pranses.
Ang aklatan ay may hawak ng 800,000 mga volyum.
Ang unibersidad ay may tatlong mga fakultad :.
Z
Ang Z ( z ) , ay isang titik ng alpabetong Latin , ito ay ginagamit sa mga wikang Emilyano - Romanyol , Kashubian , at Maltes.
Harun al - Rashid
Si Harun al - Rashid , na may kahulugang si Aaron ang Matuwid , Aaron ang Makatarungan , at Aaron na Ginagabayan nang Wasto ( Arabe : hrwn lrshyd ) ; Harun ar - Rashid ; Ingles : Aaron the Upright , Aaron the Just , o Aaron the Rightly Guided ( 17 Marso 763 o Pebrero 766 - 24 Marso 809 ) ay ang ika - 5 Arabong Kalipa ng Abbasid.
Sumaklaw ang kaniyang pamumuno sa modernong Irak.
Pinagtatalunan ang talagang petsa ng kaniyang kaarawan , at ang sari - saring mga napagkukunan ay nagbibigay ng mga petsang mula 763 hanggang 766.
Namuno siya magmula 786 hanggang 809 , at ang kaniyang kapanahunan ay namarkahan ng kasaganaang pang - agham , pangkalinangan at panrelihiyon.
Makabuluhan din ang pagyabong ng sining at ng musika noong panahon ng kaniyang pamumuno.
Siya ang naglunsad ng maalamat na Bayt al - Hikma ( " Bahay ng Karunungan " ).
Dahil sa si Harun ay mapamaraan sa katalinuhan , politika , at militar , ang kaniyang buhay at korteng pinangangasiwaan ay naging paksa ng maraming mga kuwento ; ang ilan ay inaangkin bilang makatotohanan subalit ang karamihan ay pinaniniwalaang likhang - isip.
Isang halimbawa ay ang inaangkin bilang tunay , subalit hindi , ay ang kuwento hinggil sa orasan na nasa piling sari - saring mga handog na ipinadala ni Harun kay Carlomagno.
Ang mga handog ay dala ng nagbabalik - bayang misyong Prankiso na dumating upang alukin si Harun ng pakikipagkaibigan noong 799.
Pinaniwalaan ni Carlomagno at ng kaniyang mga abay ( mga alagad ) bilang isang salamangka dahil sa mga tunog na ginagawa nito at sa mga kataka - taka gawa na ipinapakita nito sa tuwing tumutunog ang isang horas.
Ang kabilang sa nalalaman bilang mga likhang - isip ay ang Ang Aklat ng Isang Libo 't Isang mga Gabi , na naglalaman ng maraming mga kuwento na pinantasya ng korteng magnipiko ni Harun at pati mismo ng sarili ni Harun al - Rashid.
Ang mag - anak ng mga Barmakid na nagkaroon ng isang gampaning mahalaga sa paglulunsad ng Kalipadong Abbasid ay unti - unting kumaunti noong panahon ng pamumuno ni al - Rashid.
Robert de Pinho de Souza
Si Robert de Pinho de Souza ( ipinaganak Pebrero 7 , 1981 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
April Magalona
Si April Magalona ay isang artista sa Pilipinas.
Oldenico
Ang Oldenico ay isang comune sa lalawigan ng Vercelli sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.