text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang ekonomiya ng Mehiko ay matatag na nakaugnay sa mga bansang kabilang sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan sa Hilagang Amerika ( North American Free Trade Agreement o NAFTA ) , partikular na ang Estados Unidos.
|
Nakatala ang Mehiko bilang ikaanim sa mundo at una sa buong Amerika pagdating sa bilang ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO ( UNESCO World Heritage Site ) na 32 , at noong 2010 ay ang ikasampung pinakabinibisitang bansa sa daigdig na may 22.5 milyong turista bawat taon.
|
Ayon sa Goldman Sachs , sa taong 2050 inaasahang ang Mehiko ay magiging ikalimang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.
|
Tinaya naman noong Enero 2013 ng PricewaterhouseCoopers ( PwC ) na pagdating ng 2050 , maaaring maging ikapitong may pinakamalaking ekonomiya ang bansa.
|
Kasapi ang Mehiko sa mga kilalang institusyon gaya ng UN , WTO , G20 at Uniting for Consensus.
|
Pagkatapos matamo ng Bagong Espanya ang kalayaan mula sa Espanya , napagpasyahan na ang bagong bansa ay pangalanan ayon sa kabiserang lungsod nito , ang Lungsod ng Mehiko , na naitatag noong 1524 sa taas ng sinaunang kabiserang Aztec ng Mexico - Tenochtitlan.
|
Ang pangalan ay mula sa Wikang Nahuatl , subalit ang kahulugan nito ay hindi batid.
|
Iminumungkahi na ang pangalan ay hango sa Mextli or Mexihtli , isang lihim na pangalan para sa diyos ng digmaan at tagapagtaguyod ng mga Aztec , na si Huitzilopochtli , na kung saan ang Mexihco ay nangangahulugang " pook na kung saan si Mexihtli ay nakatira ".
|
Isa pang teorya ang nagpapahiwatig na ang salitang Mexihco na nakuha mula sa metztli ( " buwan " ) , xictli ( " pusod " , " sentro " o " anak " ) , at ang mga panlapi - co ( lugar ) , kung saan ang ito ay nangangahulugan na " pook sa gitna ng ang buwan " o " pook sa gitna ng Lawa ng Buwan " , sa pagsangguni sa Lawa ng Texcoco.
|
Ang sistema ng magkakadugtong na mga lawa , kung saan ang Texcoco ay nasa gitna , ay may hugis ng isang kuneho , ang parehong imahen na nakita ng mga Aztecs sa buwan.
|
Ang Tenochtitlan ay matatagpuan sa gitna ( o pusod ) ng lawa ( o kuneho / buwan ).
|
Subalit isa paring teorya ang nagpapahiwatig na ito ay nagmula sa Mectli , ang diyosa ng maguey.
|
Ang pangalan ng lungsod ay naisalin as Kastila bilang Mexico na may ponetikong x sa medyebal na Espanyol , na kinakatawan ng walang tinig na postalveolar fricative / S /.
|
Ang tunog na ito , pati na rin tininigan postalveolar fricative / Z / , na kinakatawan ng j , ay nagbago bilang walang tinig na belar fricative na / x / noong ika - labing anim na dantaon.
|
Ito ang naging dahilan ng paggamit ng iba sa Mejico sa maraming pahayagan sa Espanyol , lalo na sa Espanya , subalit sa Mehiko at sa ibang mga bansang nagsasalit ng Espanyol , Mexico ang kadalasang ginagamit.
|
Sa mga kamakailang mga taon , ang Real Academia Espanola , na namamahala sa Wikang Espanyol , ay nagsabi na ang dalawang salita ay katanggap tanggap sa wikang Espanyol , ngunit ang normatibo iminumunghkahi pagbaybay ay ang Mexico.
|
Ang karamihan sa mga palimbagan sa lahat ng bansang nagsasalita ng Espanyol ay sumusunod na sa bagong pagbabaybay na ito , subalit ang alternatibong pagbabaybay ay paminsan minsan ding ginagamit.
|
Ang opisyal na pangalan ng bansa ay nabago kasabay ng pagbabago ng uri ng pamahalaan nito. sa dalawang okasyon ( 1821 - 1823 at 1863 - 1867 ) , ang bansa ay kilala bilang Imperio Mexicano.
|
Ang lahat ng tatlong saligang batas na pederal ( 1824 , 1857 at 1917 , ang kasalukuyang saligang batas ) ay ginagamit ang pangalang Estados Unidos Mexicanos o ang isa pa nitong pangalan Estados Unidos mexicanos at Estados - Unidos Mexicanos , kung saan lahat ito ay may salin na " Nagkakaisang Estado ng Mehiko ".
|
Ang salitang Republica Mexicana , ay ginamit sa Saligang Batas ng 1836.
|
Bago pa dumating ang mga Europeo , marami nang Katutubong Amerikano ang nakabuo ng kanilang sariling kultura.
|
Ang pinakauna sa lahat ay ang Kultura ng mga Olmeka.
|
Sa tangway ng Yucatan , nanirahan naman ang mga Maya.
|
Ang mga Mayan ay nakatira sa mga lungsod na pinamumunuan ng hari.
|
Ang mga Mayan ay makapangyarihan sa pagitan ng 200 hanggang 900.
|
Isa pang makapangyarihan ay ang mga Teotihuacan.
|
Ang Teotihuacan ay naging pinakamalaking lungsod noong panahon nila.
|
Pagkatapos ng mga Teotihuacan ang mga Tolteka ang naging makapangyarihan.
|
Isang pamosong pinuno ng Toltec at si Quetzalcoatl.
|
Ang kultura ng mga Toltec ay unti - unti rin nawala at napalitan ito ng mga Asteka.
|
Pinangalanan ng mga Aztec ang kanilang Imperyo bilang Mehiko.
|
Isang bantog na pinuno ng Aztec ay si Moctezuma II.
|
Ang Mga Nagkakaisang Estado ng Mehiko ay isang kalipunan ng 31 malalaya at mga estadong soberanya , na bumubuo ng isang unyon na nagbibigay - kapangyarihan sa Distritong Pederal , at sa mga teritoryo nito.
|
Ang bawat estado ay may sariling saligang batas at kapulungan ng mga kinatawan , pati sariling hudikatura , at ang mga mamamayan nito ang direktang naghahalal ng kanilang sariling gobernador na maglilingkod ng anim na taon , at mga kinatawan ng bawat bayan na maglilingkod naman ng tatlong taon.
|
Ang Distrito Pederal ( Distrito Federal o D.F. sa wikang Kastila ) ay isang natatanging dibisyong pulitikal na kabilang sa pederasyon sa kabuuan at hindi sa isang partikular na estado , at dahil dito 'y may mas maraming limitadong lokal na batas kaysa sa mga estado ng bansa.
|
Ang mga estado ay nahahati din sa mga bayan , ang pinakamaliit na sangay ng pamahalaan sa bansa , na pinamumunuan ng isang alkalde o Presidente municipal , na hinahalal ng mayorya ng kanyang nasasakupan.
|
Ang lathalaing ito ay bahagi ng mga serye : Politika at pamahalaan ngMexico.
|
Ang Nagkakaisang Estado ng Mehiko ay isang pederasyon na ang pamahalaan ay kinakatawan , demokratiko at republikano batay sa sistemang pampanguluhan ( presidential ) ayon sa konstitusyon ng 1917.
|
Ang konstitusyon ay nagtatatag ng tatlong antas ng pamahalaan : ang unyong pederal , ang mga pamahalaan ng estado , at ang mga pamahalaan ng mga bayan.
|
Ang lahat ng opisyal nang tatlong antas ay inihahalan ng mga botante sa pamamagitan ng paramihan ng boto , representasyong proporsyunal o ang pagtatatalaga ng sa iba ng mga hala na opisyal.
|
Ang pamahalaang pederal ay hinirang ng Kapangyarihan ng Unyon ; ang tatlong magkakahiwalay na sangay ng pamahalaan ay ang mga sumusunod :.
|
Lehislatura : ang batasan ng Mehiko ay nahahati sa dalawang kapulungan , binubuo ito ng Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan , na gumagawa ng mga batas pederal , nagdedeklara ng digmaan , nagpapataw ng buwis , nagpapasa ng pambansang badget at mga kasunduang panlabas , at nagpapatibay ng mga diplomatikong tipanan.
|
Tagapagpaganap : ang Pangulo ng Nagkakaisang Estado ng Mehiko , ay ang pinuno ng estado at pamahalaan , at pati ang commander - in - chief ng sandatahang lakas ng Mehiko.
|
Nagtatalaga din ang Pangulo ng Mehiko ng mga Gabinete at iba pang mga opisyal.
|
Ang pangulo ay responsable sa pagpapairal at pagpapatupad ng mga batas , at may kapangyarihang mag - veto ng mga panukalang batas.
|
Panghukuman : Ang Kataastaasang Hukuman ng Katarungan , na binubuo ng labing isang hukom na itinalaga ng Pangulo na pinagtibay ng Senado , ay ang nagpapaliwanag ng mga batas at naghahatol sa mga kasong pampederal.
|
Ang iba pang institusyon ng hudikatura ay ang hukumang elektoral , hukumang pang - unibersidad , unitaryo at mga hukumang pandistrito , at ang Lupon ng mga Hukumang Pederal.
|
Pangkaraniwan na ang Mehiko ay isa sa mga pinakamalimit bisitahing bansa sa buong mundo , ayon sa Organisasyon ng Pandaigdigang Turismo , at isa sa mga pinakamadalas dalawing bansa sa Amerika , sunod lamang sa Estados Unidos.
|
Ang kapansin - pansing mga atraksiyon dito ay ang mga labi ng mga Meso - Amerikano , ang mga kultural na pagdiriwang , mga lungsod - kolonyal , mga likha ng kalikasan at mga dalampasigan.
|
Ang katamtamang klima ng bansa at ang kakaibang kultura nito - isang pagsasanib ng kulturang Europeo at Meso - Amerikano - ang sanhi upang maging kaakit - akit na destinasyon ang Mehiko.
|
Ang panahon kung saan may pinakamataas silang bilang ng mga turista ay tuwing Disyembre at kalagitnaan ng tag - init , at manaka - naka rin tuwing linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay at Bakasyon sa Tagsibol ( Spring Break ) , kung saan ang mga dalampasigang bakasyunan ( beach resort ) ay nagiging popular na puntahan ng mga mag - aaral sa kolehiyo mula sa Estados Unidos.
|
Taglay ng Mehiko ang ika - 23 pinakamataas na kita mula sa turismo sa buong mundo , at pinakamataas sa buong Latin Amerika.
|
Ang malaking bahagi ng mga turista ay mula sa Estados Unidos at Canada , na sinundan ng mga taga - Europa at Asya.
|
May maliit na bilang ding mula sa iba pang mga bansa sa Latin Amerika.
|
Sa ulat noong 2011 sa Travel and Tourism Competitiveness Index , nakaluklok ang Mehiko bilang ika - 43 sa buong mundo , na ikaapat naman sa buong Amerika.
|
Ang baybayin ng Mehiko ay tahanan ng napakahahabang mga dalampasigan , na madalas bisitahin ng mga mahilig magbilad sa araw at iba pang mga bisita.
|
Sa tangway ng Yucatan , isa sa mga pinakasikat na puntahang dalampasigan ay ang bakasyunang - bayan ng Cancun , lalo na sa mga mag - aaral ng pamantasan tuwing bakasyon ng tagsibol.
|
Sa di - kalayuang pampang nito ay ang dalampasigang isla ng Isla Mujeres , at sa silangan nito ay ang Isla Holbox.
|
Sa timog ng Cancun ay ang pirasong baybayin ( coastal strip ) nitong tinatawag na Riviera Maya , na kinabibilangan ng dalampasigang bayan ng Playa del Carmen at ang mga parkeng makakalikasan ( ecological park ) tulad ng Xcaret at Xel - Ha.
|
Ang isang araw lang na biyahe patungong timog ay ang makasaysayang pantalan ng Tulum.
|
Dagdag sa mga dalampasigan nito , ang bayan ng Tulum ay bantog sa matarik na dalisdis ng mga labing Maya.
|
Sa baybaying Pasipiko naman ay ang tanyag ng puntahan ng mga turista na Acapulco.
|
Minsang naging puntahan ng mga mayayaman at kilala , ang mga dalampasigan nito ngayo 'y napupuno na ng mga tao at ang mga baybayin nito 'y tahanan na ng maraming nagtatayugang hotel at mga manininda.
|
Ang Acapulco ay tahanan din ng mga kilalang tumatalon sa talampas : mga sinanay na tumatalon mula sa gilid ng isang mataas na talampas paibaba.
|
Sa dulong katimugan ng talampas ng Baja California ay ang bakasyunang - bayan ng Cabo San Lucas , isang bayang kilala sa mga dalampasigan at pangingisda ng mga marlin.
|
Sa hilagang bahagi sa may Dagat ng Cortes ay ang Bahia de La Concepcion , isa pang bayang dalampasigang kilala sa palakasan sa pangingisda ( sports fishing ).
|
Malapit naman sa hangganan ng Estados Unidos ay ang weekend draw ng San Felipe , Baja California.
|
Ayon sa pinakabagong opisyal na tantiya , nai - ulat na ang populasyon ay nasa 111 milyon , at ang Mehiko ang naging pinakamataong bansa na nagsasalita ng Espanyol sa buong mundo.
|
Malaki ang ibinaba ng taunang pagdami ng populasyon ng Mehiko , mula sa pinakamataas nitong 3.5 % noong 1965 hanggang 0.99 % noong 2005.
|
Ang antas ng pagkamatay noong 1970 ay nasa 9.70 bawat isang libo katao , ang antas na ito ay bumaba sa 4.9 sa bawat 1000 lalaki at 3.8 sa bawat 1000 babae.
|
Ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkamatay noong 2001 ay mga problema o sakit sa puso ( 14.6 % sa lalaki 17.6 % sa babae ) at kanser ( 11 % sa lalaki at 15.8 % sa babae ).
|
Ang populasyon ng Mehiko ay papataas na urban , na malapit sa 75 % ay naninirahan sa mga kalungsuran.
|
Ang limang pinakamalaking lungsod sa Mehiko ay ang ( Greater Mexico City , Greater Guadalajara , Greater Monterrey , Greater Puebla at Greater Toluca ) , kung saan 30 % ng populasyon ng bansa ay nakatira dito.
|
Ang bansa ang may pinakamalaking populasyon na nagsasalita ng wikang Kastila sa buong mundo , na kumakatawan sa isang - katlo ng lahat ng taal na mananalita ng nasabing wika.
|
Ang Mehiko rin ay tahanan ng maraming katutubong mga wika , na sinasalita ng mga 5.4 % ng populasyon - 1.2 % ng populasyon ay iisang wika lamang mula sa mga ito ang sinasalita.
|
Ang mga katutubong wikang may pinakamaraming mananalita ay ang Nahuatl , na sinasalita ng tinatayang 1.45 milyong katao , ang Yukatek Maya na sinasalita ng mahigit 750,000 katao , at mga wikang Mixtec at Zapotec , na sinasalita ng mahigit 400,000 katao.
|
Kinikilala ng Pambansang Surian ng mga Katutubong Wika ( INALI sa daglat - Kastila ) ang 68 pangkat - lingguwistiko at mga 364 iba 't ibang tanging diyalekto ng mga katutubong wika.
|
Mula noong ipatupad ang Batas sa Karapatang Pangwika ng mga Katutubo noong 2003 , nagkaroon ng pagtingin sa mga wikang ito bilang mga pambansang wika , na may pantay na pagkilala tulad ng wikang Kastila sa lahat ng lugar at konteksto kung saan ito sinasalita.
|
Karagdagan sa mga katutubong wika , may mga minoryang wikang sinasalita ng populasyong migrante , gaya ng 80,000 Menonita sa Mehiko na mananalita ng wikang Aleman , at ang 5,000 mananalita ng diyalektong Chipilo ng wikang Beneto ( Venetian ) na sinasalita sa Chipilo , Puebla.
|
Walang opisyal na relihiyon ang Mehiko , ang konstitusyon ng 1917 at ang mga batas laban sa klerigo ay nagpapataw ng mga limitasyon sa simbahan.
|
Ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng tulong pananalapi sa simbahan , at hindi rin sumasali ang simbahan sa pampublikong edukasyon.
|
Ayon sa ulat ng huling senso , ayon sa sariling pagpapalagay , na ang 95 % ng populasyon ay mga Kristiyano.
|
89 % ng kabuuang populasyon ay Katoliko Romano , 47 % dito ay lingguhan na nagsisimba.
|
Sa kabuuan , ang Mehiko ay ang ikalawang bansang pinakamaraming Katoliko sa buong mundo pagkatapos ng Brazil.
|
Nasa 6 % ng populasyon ( mahigit sa 4.4 milyon katao ) ay mga Protestante , at ang mga Pentecostal at Karismatiko ( tinatawag na Neo - Pentecostals sa senso ) ang pinakamalaking pangkat ( 1.37 milyon katao ).
|
May mangilan - ngilan ding bilang ng Adbentista ng Ika - pitong Araw ( 0.6 milyon katao ).
|
Ang pambansang senso noong 2000 ay nabilang ang mahigit sa isang milyong mga Saksi ni Jehovah.
|
Ang Simbahan ng mga Mormon ay inihayag na mayroong higit sa isang milyong rehistradong kasapi noong 2009.
|
Nasa 25 % ng rehistradong mga kasapi ay nadalo ng lingguhang paglilingkod sa sakramento subalit ito ay maaaring tumaas at bumaba.
|
Noong 1992 , inalis ng Mehiko ang lahat ng restriksiyon sa Simbahang Katoliko at sa ibang relihiyon , kasama na ang pagbibigay sa lahat ng relihiyon ng estadong legal , pagpapayag na sila ay magkaroon ng limitadong karapatang mag - ari , at ang pag - alis sa restriksiyon sa dami ng pari sa bansa.
|
Hanggang kamakailan lang , ang mga pari ay walang karapatang humalal , at hanggang ngayon ay hindi sila maaaring tumakbo sa pamahalaan.
|
Pagbomba sa Cagayan de Oro ng 2013
|
Ang Pagbomba sa Cagayan de Oro ng 2013 o 2013 Cagayan de Oro bombings ay naganap noong ika Hulyo 26 , 2013 ( oras : 10 : 59 AM ) ay sumabog na bomba sa isang restawran na nakaimpake sa mga doktor at pharmaceutical salesmen sa Rosario Arcade , Limketkai Mall , na nagpatay nang hindi bababa sa 6 na tao at 45 katao ang nasugatan.
|
Isang terorista na kilala rin bilang Khilafah Islamiyah ; gayunpaman , ang mga pag - atake sa pambobomba na mga reaksyon din sa 2005 bombing noong Araw ng mga Puso taong 2005 , na nagpapatay nang hindi bababa sa 4 na tao kabilang ang isang 12 - taong - gulang na batang lalaki na namatay mula sa sugat na shrapnel matapos ang bomba na iniwan pa malapit sa labas nang terminal nang bus sa Davao City , Pilipinas , at 40 katao ang nasugatan sa lugar nang pagbagsak na nasa likod nang mga pag - atake nang pambobomba.
|
Sa pananagutan para sa pag - atake na ito pagkatapos nang isa pa para sa Oktubre 2012 laban sa pag - atake nang bomba ng Maxandrea Hotel , ang pagkamatay ng 2 tao at 2 katao ay malubhang napinsala sa lugar ng pagsabog.
|
Ello
|
Ang Ello ay isang comune sa lalawigan ng Lecco sa bansang Italya.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.