text
stringlengths
0
7.5k
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Kyohei Maeyama
Si Kyohei Maeyama ( ipinaganak Disyembre 10 , 1987 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Papa ng Simbahang Katoliko Romano
Ang Papa o Pontipise ay ang Obispong Katoliko at patriyarka ( lalaking pinuno ) ng Roma , at ang namamahala ng Simbahang Katoliko Romano at ng Silangang Simbahang Katoliko.
Isang titulo ng pinunong relihiyoso ang Pontipise o Pontipikado ( Ingles : Pontiff , Pontificate ) , partikular na para sa Santo Papa.
Ang papa ay hinango mula sa Griyegong pappas na nangangahulugang " ama ".
Sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo , ang pamagat na ito ay inilapat lalo na sa Silangang Kristiyanismo sa lahat ng mga obispo at iba pang mga nakatatandang klero.
Ito ay kalaunang nireserba sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang reserbasyong ginawa lamang opisyal noong ika - 11 siglo CE.
Ang pinakamaagang tala ng paggamit ng pamagat na " Papa " sa kasaysayan ng Kristiyanismo ay sa namatay na Patriarka ng Alexandria na si Papa Heraclas ng Alexandria ( 232 - 248 ).
Si Papa Marcelino ( namatay noong 304 ) ang unang Obispo ng Roma na ipinakita sa mga sanggunian na may pamagat na " Papa " na ginamit sa kanya.
Sa Kanlurang Kristiyanismo , si Papa Siricio na nagsilibing papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 384 CE - 398 CE ang pinaniniwalaang ang unang papang Katoliko Romano na gumamit ng pamagat na " papa " sa modernong kahulugan sa Simbahang Katoliko Romano.
Bago nito , ang kanyang pamagat ay simpleng Obispo ng Roma.
Pinaniniwalaan rin ng ilan na si Papa Siricio ang unang gumamit ng pamagat na Pontifex Maximus.
Gayunpaman , ayon sa ibang mga eksperto , ang pamagat na " Papa " ay mula sa simulang ika - 3 siglo CE ay isang honoripikong designasyon na ginagamit para sa anumang obispo ng Kanlurang Kristiyanismo.
Sa Silangang Kristiyanismo , ang pamagat na " Papa " ay ginamit lamang para sa Obispo ng Alexandria.
Mula sa ika - 6 siglo CE , ang kanseriyang imperyal ng Constantinople ay nagreserba ng designasyong ito para sa Obispo ng Roma.
Mula sa simulang ika - 6 siglo , ito ay nagsimulang ilimita sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang kasanayan na matatag na inilagay sa ika - 11 siglo nang ideklara ni Papa Gregorio VII ang pamagat na ito para sa Obispo ng Roma.
Kinikilala ng mga Romano Katoliko ang Papa ng Simbahang Katolika Romana bilang kahalili ni San Pedro na ayon sa interpretasyong Romano Katoliko ng bibliya ay pinangalanan ni Hesus si Pedro na " pastol " at " bato " ayon sa Mateo 16 : 18 - 19 at Juan 21 : 17.
Bagaman si Pedro ay hindi nagkaroon ng pamagat na " Papa " na kalaunan lamang ginamit sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko Romano , siya ay kinikilala ng mga Romano Katoliko na " unang papa ".
Ayon sa mga opisyal na deklarasyon ng Simbahang Katoliko Romano , ang mga papa ay humahawak ng isang posisyon sa loob ng kolehiyo ng mga obispo na katulad ng hinawakan ni Pedro sa loob ng kolehiyo ng mga apostol bilang prinsipe ng mga apostol na hinalinhan ng kolehiyo ng mga obispo bilang isang natatanging entidad.
Bagaman inaangkin ng tradisyong Romano Katoliko na si Pedro ang unang " obispo " ng Simbahan ng Roma at kaya ay ang unang " papa " , walang ebidensiya na si Pedro ay sangkot sa simulang pagtatag ng pamayanang Kristiyano sa Roma o nagsilbi sa Roma bilang " unang obispo ".
Ang pamumuno ng " isang obispo " sa simbahan ng Roma ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE.
Sa pagkapapa lamang ni Papa Pio I sa gitna ng ikalawang siglo CE nang ang simbahan sa Roma ay nagkaroon ng istrukturang pangangasiwang isang episkopa na " isang obispo " bilang pinunong pastor ng diocese.
Ang itinatala ng tradisyong Katoliko na mga agarang kahalili ni Pedro gaya nina Papa Linus , Papa Anacleto at iba pa ay hindi gumampan bilang " isang obispo " ng Roma.
Sa simulang mga siglo , ang mga obispo ng Roma ay hindi nagtamasa ng kapangyarihang temporal hanggang sa panahon ng Emperador Romanong si Dakilang Constantino.
Pagkatapos ng pagbagsak ng Roma , ang kapapahan ng Simbahang Katoliko Romano ay naimpluwensiyahan ng mga pinunong temporal ng at nakapaligid sa Peninsulang Italyano.
Sa paglipas ng panahon , pinag - isa ng kapapahan ang mga pag - aangking pang - teritoryo nito sa isang bahagi ng peninsulang tinatawag na Mga estado na Pang - Papa.
Pagkatapos nito , ang papel ng mga kapitbahay na soberanya ay pinalitan ng mas makapangyarihang mga pamilyang Romano noong saeculum obscurum , panahong Crescentii at kapapahang Tusculan.
Mula 1048 hanggang 1257 , ang kapapahan ay dumanas ng papalaking pakikipag - alitan sa mga pinuno ng Banal na Imperyo Romano at Imperyong Bizantino.
Ang huli ay humatong sa Sismang Silangan - Kanluran na naghati sa Simbahang Katoliko Romano at Silangang Ortodokso.
Mula 1257 hanggang 1377 , ang papa na obispo ng Roma ay tumira sa Viterbo , Orvieto , at Perugia , at pagkatapos ay sa Avignon , Pransiya.
Sa panahon ng kapapahang Avignon , ang pitong mga papa na lahat ay Pranses ay tumira sa Avignon , Pransiya mula 130 : Papa Clemente V ( 1305 - 14 ) , Papa Juan XXII ( 1316 - 34 ) , Papa Benedicto XII ( 1334 - 42 ) , Papa Clemente VI ( 1342 - 52 ) , Papa Inocencio VI ( 1352 - 62 ) , Papa Urbano V ( 1362 - 70 ) at Papa Gregorio XI ( 1370 - 78 ).
Noong 1378 , inilipat ni Gregorio XI ang tirahan ng papa pabalik sa Roma at namatay roon.
Ang pagbalik ng mga papa sa Roma pagkatapos ng kapapahang Avignon ay sinundan ng Sismang Kanluraning na pagkakabahagi ng kanlurang simbahan sa dalawa at sa isang panahon ay tatlong magkakatunggaling nag - aangkin na papa.
Mula sa pagkakahalal kay Papa Martin V ng Konseho ng Constance noong 1417 hanggang sa Protestanteng Repormasyon , ang Kanlurang Kristiyanismo ay malaking malaya mula sa pagkakabahagi gayudin sa mga tumututol na nag - aangking papa.
Ibinalik ni Martin V ang kapapahan sa Roma noong 1420.
Hindi tulad ng kanilang mga katumbas na Europeo , ang mga papang Romano Katoliko ay hindi mga nagmamanang monarko kaya kanilang tanging maitataas ang mga interes ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng nepotismo.
Ang salitang nepotism ay orihinal na spesipikong tumutukoy sa kasanayan ng paglikha ng mga pamangkin - kardinal nang ito ay lumitaw sa wikang Ingles noong 1669.
Ayon kay Duffy , " ang hindi maiiwasang kalalabasan ng lahat ng ito ay ang paglikha ng isang makapangyarihang klaseng kardinalasyal na may malakas na mga koneksiyong pang - dinastiya.
" Ang Kolehiyo ng mga Kardinal ay pinanaigan ng mga pamangkin - kardinal na mga kamag - anak ng mga papa na nagtaas sa kanila sa posisyon , mga korona - kardinal na mga kinatawan ng mga monarkiyang Katoliko sa Europa at mga kasapi ng makapangyarihang mga pamilyang Italyano.
Ang Mga Estado ng Papa ay nagsimulang magmukhang isang modernong estado - bansa sa panahong ito at ang kapapahan ay kumuha ng papalaking aktibong papel sa mga digmaang Europeo at diplomasiya.
Si Papa Julio II ay nakilala bilang " Mandirigmang Papa " dahil sa kanyang paggamit ng pagdanak ng dugo upang palakihin ang kanyang teritoryo at pag - aari ng kapapahan.
Ang mga papa sa panahong ito ay gumamit ng hukbo ng pang - papa hindi lamang upang pagyamanin ang kanilang mga sarili at pamilya kundi pati ipatupad at palawigin ang matagal na mga pag - aangking pang - teritoryo at pag - aari ng kapapahan bilang isang institusyon.
Bagaman bago ang Kanlurang Sisma , ang kapapahan ay humahango ng karamihan ng kita nito mula sa masiglang pagsasanay ng opisinang espiritwal nito , sa panahong ito , ang mga papa ay nakasalalay sa pananalapi sa mga kita ng mismong mga Estado na Pang - Papa.
Dahil sa maambisyosong mga paggasta sa digmaan at mga proyekto ng pagtatayo ng mga gusali , ang mga papa ay lumipat sa mga bagong mapagkakakitaan mula sa pagbebenta ng mga indulhensiya at mga opisinang burokratiko at eklesiastikal.
Ang mga pangangampanyang diplomatiko at pang - militar ni Papa Clemente VII ay humantong sa pagsalakay at pagnanakaw sa Roma noong 1527.
Ang primasiya o pangunguna ng Obispo ng Roma ang doktrinang Romano Katoliko na nauukol sa paggalang at autoridad na nararapat sa Obispo ng Roma mula sa ibang mga obispo at kanilang mga sede.
Kasama ng kontrobersiyang Filioque , ang pagkakaiba sa interpretasyon ng doktrinang ito ang naging sanhi at ang nanatiling pangunahing mga sanhi ng sismang Kanluran - Silangan sa Kristiyanismo.
Para sa Simbahang Silangang Ortodokso , ang pangunguna ng obispo ng Roma ay nauunawan na isang lamang na dakilang karangalan at itinuturi lamang siyang " primus inter pares " ( " una sa mga magkakatumbas " ) nang walang tunay na kapangyarihan sa ibang mga simbahang Kristiyano.
Sa karagdagan , ayon sa pananaw ng Simbahang Silangang Ortodokso , ang mga pribilehiyao sa Roma ay hindi ganap na kapangyarihan.
Sa Silangang Kristiyanismo , marami ang mga itinuturing na " apostolikong sede " tulad ng Simbahan ng Herusalem ang itinuturing na " ina ng lahat ng mga simbahan ".
Ang obispo ng Antioch ay maari ring mag - angkin ng pamagat na kahalili ni Pedro dahil si Pedro ang pinuno ng Simbahan sa Antioch.
Ayon sa Simbahang Katoliko Romano , ang primasiya ng Obispo ng Roma ay " buo , suprema at unibersal na kapangyarihan sa buong Simbahan na isang kapangyariahn na palagi niyang sinasanay nang hindi nahaharangan " na isang kapangyarihang itinuturo rin ng Katoliko Romano sa buong katawan ng mga obispo na nagkakaisa sa Papa ng Romano Katoliko.
Ang kapangyarihang itinuturo nito sa autoridad na primasiya ng papa ay may mga limitasyon na opisyal , legal , dogmatiko , praktikal , at " isang kamalian na isiping ang bawat salitang binibigkas ng Papa ay inpalible o walang kakayahang magkamali.
".
Ang ebolusyon ng mas naunang tradisyon ay naglalagay sa parehong sina Apostol Pedro at Apostol Pablo na mga mga ninuno ng mga obispo ng Roma na pinagtanggap ng mga ito ng posisyon bilang pangunahing pastol ( Pedro ) at supremang autoridad sa doktrina ( Pablo ).
Upang itatag ang primasiya o pagiging una ng Obispo ng Roma , ang mga obispo ng Roma ay umaasa sa isang liham na isinulat noong 416 CE ni Papa Inocencio I sa Obispo ng Gubbio upang ipakita kung paanong ang pagpapailalim sa Roma ay naitatag.
Dahil si Pedro ang pinaniniwalaang ang tanging apostol ( hindi binanggit si Pablo ) na nagtrabaho sa Kanluran ay kaya pinaniniwalaang ang mga tanging persona na nagtatag ng mga simbahan sa Italya , Espanya , Gaul , Sicicly , Aprika at mga kanluraning isla ay mga obispong hinirang ni Pedro o mga kahalili nito.
Ang pag - aangkin ng primasiya ng papa ng Roma ay maaaring tinanggap sa Italya ngunit hindi handang tinanggap sa iba pang mga lugar sa Kanluran.
Ang presensiya ni Pedro sa Roma ay pinagtibay nina Clemente ng Roma , Ignatius ng Antioch , Irenaeus ng Lyon at iba pang mga sinaunang manunulat na Kristiyano.
Ang parehong mga manunulat ay nagpahiwatig rin na si Pedro ang tagapagtatag ng Simbahan sa Roma bagaman hindi sa kahulugan ng pagsisimula ng pamayanang Kristiyano doon.
Ikinatwiran rin ng mga Romano Katoliko na ang 1 Pedro 5 : 13 ay nagpapatunay na si Pedro ay tumungo sa Roma dahil ang Babilonia ay kanilang inaangking isang kriptikong pangalan para sa Roma gaya ng paggamit sa Aklat ng Pahayag.
Gayunpaman , ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng maraming mga skolar at komentador ng bibliya dahil walang ebidensiya na ang Roma ay kailanman tinawag na Babilonia pagkatapos ng Aklat ng Pahayag.
Ang 1 Pedro ay hindi rin apokaliptiko at ang Babilonia ay hindi mas kriptiko kesa sa Pontus , Asya at iba pang mga lugar na binanggit sa 1 Pedro.
Kanila ring inangkin na ang Babilonia ay tinitirhan pa rin ng maliit na bilang ng mga tao sa mga panahong ito.
Dahil sa pagbanggit ng " Binabati rin kayo ni Marcos na aking anak " sa 1 Pedro 5 : 13 at dahil si Marcos ang Ebanghelista ay itinturing na tagapagtatag ng Simbahan ng Alehandriya kaya ang ilang mga skolar ay naniniwalang ang 1 Pedro ay isinulat sa Ehipto.
Ayon kay Irenaeus ( 130 - 202 CE ) , sina Pedro at Pablo ang mga tagapagtatag ng Simbahan ng Roma at kanilang hinirang si Papa Linus sa opisina ng episkopata na pagsisimula ng apostolikong paghalili ng sedeng Romano.
Ayon kay Tertulliano ( 160 - c.
225 CE ) , si Clemente ang kahalili ni Pedro.
Ayon kay Jeronimo ( 347 - 420 ) , si Clemente ang ikaapat na obispo ng Roma pagkatapos ni Pedro bagaman kanyang idinagdag na " ang karamihan ng mga Latin ay naniniwalang si Clemente ang ikalawa pagkatapos ng apostol ".
Ang Mga Konstitusyong Apostoliko ( 375CE - 380CE ) ay nagsaad na si Linus ang unang obispo ng Roma na inordina ni Apostol Pablo.
Ang isang Linus ay binanggit sa 1 Timoteo 4 : 19 - 22 na inaangkin ng ilang mga Romano Katoliko na si Papa Linus.
Gayunpaman , ang iba ay itinalang bago ni Linus at ang kawalan ng pagbibigay diin o preeminensiya kay Linus ay nagmumungkahing si Linus ay hindi isang pinuno o obispo at kahalili ni Pedro.
Sa karagdagan ay pinaniniwalaan ng mga skolar na ang 2 Timoteo ay isinulat sa ikalawang siglo at isang pekeng liham na hindi isinulat ni Pablo.
Ang karamihan ng mga skolar sa kasalukuyan ay tumatanggap rin na ang mga sinaunang Kristiyano sa Roma ay hindi umasal bilang isang nagkakaisang pamayanan sa ilalim ng isang pinuno o isang obispo noong unang siglo CE.
Ang pagkakaroon ng isang obispo ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE.
Gayunpaman , ang mga talatang Galacia 2 : 7 - 9 at Roma 15 : 16 - 20 ay ikinatwiran ng mga Protestante na nagpapatunay na si Pedro ay hindi nangaral sa mga hentil dahil siya ay itinakdang mangaral sa mga Hudyo.
Si Apostol Pablo ay naglayag sa Roma ( Mga Gawa 28 : 16,30 - 31 ) ngunit hindi binanggit ang presensiya ni Pedro sa kanyang mga inaangking sulat mula sa Roma at para sa Roma ( Roma 16.
Noong 2009 , isinaad ni Otto Zwierlein na " walang isang piraso ng maasahang ebidensiyang pampanitikan at wala ring ebidensiyang arkeolohikal na si Pedro ay kailanman nasa Roma ".
Ang isang pangunahing debate sa pagitan ng mga Romano Katoliko at Protestante sa primasiya ng papang Romano ay nakasentro sa Mateo 16 : 18 kung saan sinabi ni Hesus kay Pedro na : " At sinasabi ko rin sa iyo : Ikaw ay Pedro.
Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya.
Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades.
" Ang talatang ito ay pinapakahulugan ng mga Romano Katoliko na sinasabi ni Hesus na itatag ang kanyang simbahan kay Pedro.
Dahil dito , kanilang inaangkin na si Pedro ang unang papa ng Simbahang Katoliko Romano.
Gayunpaman , ang unang indibidwal na ginamitan ng pamagat na " Papa " sa Simbahang Katoliko Romano ay si Papa Marcelino ( namatay noong 304 ) at ang unang obispo ng Roma na pinaniniwalaan ng ilan na kumuha ng pamagat na " Papa " ay si Papa Siricio ( 384 - 399 CE ).
Inaangkin na rin ng mga teologong Romano Katoliko na si Pedro ang ginawang pastol ng apostolikong kawan sa Juan 21 : 15 - 19 at nagpapalakas ng mga kapatid ( Lucas 22 : 31 - 32 ).
Sa Griyego ng Mateo 16 : 18 na pinaniniwalaang orihinal na wika ng Bagong Tipan , ang pangalang ibinigay ni Hesus kay Simon ay petros ngunit kanyang tinukoy ang " bato ( rock ) " bilang petra.
Ayon sa ilang skolar , may pagtatangi sa pagitan ng dalawang mga salitang petra at petros na ang petra ay " bato ( rock ) " samantalang ang petros ay maliit na bato ( pebble ).
Pinapakahulugan ng mga Protestante na ang " batong ito " ay hindi si Pedro kundi sa konpesyon ng pananampalataya ni Pedro sa mga nakaraang talata at kaya ay hindi naghahayag ng primasiya ni Pedro kundi ay naghahayag na itatayo ni Hesus ang kanyang simbahan sa pundasyon ng pahayag at konpesyon ng pananamapalataya ni Pedro na si Hesus ang Kristo.
Ang pananaw na ito ang pananaw ng ilang mga ama ng simbahan gaya ni Juan Crisostomo.
Gayunpaman , ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng ilang mga skolar na Protestante gaya nina Blomberg at Carson na naniniwalang ang bato ay si Pedro.
Ang ilang mga Protestante ay naniniwalang ang " batong ito " ay tumutukoy kay Hesus bilang reperensiya sa Aklat ng Deuteronomio 32 : 3 - 4 , " Ang diyos ... ang bato ( rock ) , ang kanyang gawa ay sakdal " na kanila ring sinusuportahan ng mga talatang 1 Corinto 3 : 11,10 : 4 , Efeso 2 : 20 , at 1 Pedro 2 : 4 - 8.
Ang Efeso 2 : 20 ay nagsasaad na ang mga apostol ang saligan at hindi lamang ang isang apostol.
Ayon sa Galacia 2 : 7 , ang pagkakatiwala ng pangangaral ni Pablo ng ebanghelyo sa mga hentil ay gaya ng kay Pedro sa mga Hudyo na nagpapahiwatig si Pedro ay hindi higit kay Pablo.
Ayon sa Mateo 19 : 28 at Pahayag 21 : 14 , ang 12 apostol ay uupo sa 12 trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel.
Ayon sa Lucas 22 : 24 - 29 , " Nagkaroon ng pagtatalo sa kanila kung sino sa kanila ang ituturing na pinakadakila.
Sinabi ni Hesus sa kanila : Ang mga hari ng mga hentil ay naghahari sa kanila.