text
stringlengths
0
7.5k
Ang mga namamahala sa kanila ay tinatawag na tagagawa ng mabuti.
Ngunit hindi gayon sa inyo.
Ang pinakadakila sa inyo ay matulad sa pinakabata.
Siya na tagapanguna ay matulad sa tagapaglingkod.
Ito ay sapagkat sino nga ba ang higit na dakila , ang nakadulog ba o ang naglilingkod ? Hindi ba ang higit na dakila ay ang nakadulog ? Ngunit ako na nasa kalagitnaan ninyo ay tulad sa naglilingkod.
Kayo iyong mga kasama kong nagpatuloy sa aking mga pagsubok.
Ang aking Ama ay naglaan para sa akin ng isang paghahari.
Ganito rin ang paglaan ko ng isang paghahari para sa inyo.
Inilaan ko ito upang kayo ay makakain at makainom sa aking dulang sa aking paghahari.
Inilaan ko ito upang kayo ay makaupo sa mga trono na hinahatulan ang labindalawang lipi ni Israel ".
Ayon sa Mateo 23 : 8 - 11 , " Huwag kayong patawag sa mga tao na guro sapagkat iisa ang inyong pinuno , si Cristo , at kayong lahat ay magkakapatid.
Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit.
Huwag kayong patawag na mga pinuno sapagkat iisa ang inyong pinuno , si Cristo.
Ngunit ang higit na dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo.
Ang sinumang magtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at ang sinumang magpapakumbaba sa kaniyang sarili ay itataas ".
Ayon sa Juan 20 : 19 - 23 , ang pagpapatawad ng mga kasalanan ay ipinagkaloob sa 11 mga apostol.
Inaangkin ng mga hindi - Romano Katoliko na ang mga susi sa kalangitan na pagkakaloob ng pagtatali at pagkakalag sa lupa sa Mateo 16 : 19 ay hindi lamang ibinigay kay Pedro kundi sa lahat ng mga apostol na kanilang sinusuportahan ng talatang Mateo 18 : 18 - 20.
Ang interpretasyong ito ang pananaw ng maraming mga ama ng simbahan gaya nina Tertulliano , Hilary ng Poitiers , Juan Crisostomo , Augustine.
Ayon sa mga Katoliko , ang ginamit na Griyeong soi ( iyo ) ay singular na tumutukoy lamang kay Pedro.
Ang Mateo 16 : 18 ay gumagamit ng nagdudugtong na Griyegong pariralang kai epi tautee na isinaling " at sa batong ito " na ayon sa mga teologong Romano Katoliko ay nakabatay sa nakaraang sugnay na nagsisilbing magtumbas ng ikalawang batong petra sa unang batong petros.
Gayunpaman , ikinatwiran ng mga Protestante na ang patakarang grammar ng mga pang - uri ay dapat umayon sa kaso , kasarian at bilang sa mga pangngalang binabago nito.
Kanilang ikinatwiran na ang pagkakaiba sa kasarian ng mga salitang petra ( babae ) at petros ( lalake ) ay nagpapatunay na hindi si Pedro ang batong petra.
Ikinatwiran ng mga Katoliko na ang patakarang ito ay hindi lumalapat sa mga salitang ito dahil ang parehong mga salita ay mga pangngalan at hindi pang - uri.
Tungkol sa interpretasyon ng Mateo 16 : 18 - 19 , isinulat ni Jaroslav Pelikan na " Gaya ng pag - amin ngayon ng mga skolar na Romano Katoliko , ginamit ito ng sinaunang amang Kristiyano na si Cipriano upang patunayan ang autoridad ng obispo hindi lamang ng obispo ng Roma ngunit ng bawat obispo " na tumutukoy sa gawa ni Maurice Bevenot tungkol kay Cipriano.
Bagaman sa 12 alagad , si Pedro ang nananaig sa mga unang kabanata ng Mga Gawa ng mga Apostol , si Santiago na kapatid ng Panginoon ay ipinakitang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa mga kalaunang kabanata ng Mga Gawa.
Ang ilan ay nag - aangkin na mas nanaig sa ranggo si Santiago kesa kay Pedro dahil si Santiago ang huling nagsalita sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15 : 13 - 21 na nagmumungkahing ito ang huling pagpapasya na pinagkasunduan ng lahat.
Ang katusuan rin ni Santiago ay sinunod sa lahat ng mga Kristiyano sa Antioch na nagpapahiwatig na ang autoridad ni Santiago ay lagpas sa Herusalem.
Gayundin , binanggit ni Apostol Pablo si Santiago bago kay Pedro at Juan nang tawagin ni Pablo ang mga ito na " mga haligi ng simbahan " sa Galacia 2 : 9.
Ayon sa Galacia 2 : 11 - 13 , sinunod ni Pedro ang kautusan ni Santiago na lumayo sa mga hentil at hindi lamang si Pedro kundi pati ang kasamang misyonaryo ni Pablong si Barnabas gayundin ang lahat ng mga Hudyo.
Gayunpaman , ayon sa mga teologong Romano Katoliko , ang mga talatang Mga Gawa 12 : 12 - 17 at Galacia 1 : 18 - 19 ay nagpapahiwatig na si Pedro ang pinuno ng simbahang Kristiyano at si Pedro ang humirang kay Santiago na pinuno nang siya ay lumisan sa Herusalem.
Gayunpaman , ayon sa mga hindi naniniwala sa interpretasyong ito ng Romano Katoliko , kung ang pagkakahirang kay Santiago ay kinailangan sa paglisan ni Pedro sa Herusalem , bakit hindi kinilala si Pedro na pinuno sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15.
Si Santiago ay nanatiling nasa papel ng pinuno kahit sa presensiya ni Pedro sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15.
Ayon sa propesor na si John Painter , mas malamang na ang talata ay nagsasaad na si Pedro ay nag - uulat lamang ng kanyang mga gawain sa kanyang pinunong si Santiago.
Ang Galacia 1 : 18 - 19 ay hindi malinaw at maaaring pakahulugan upang suportahan ang parehong pananaw na si Santiago o Pedro ang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem.
Gayunpaman , ang katotohanang si Santiago ay binanggit maliban sa iba pang mga apostol ay nagpapakitang si Santiago ay napakahalaga para kay Pablo.
Ayon kay Eusebio ng Caesarea , si Santiago ang unang obispo o patriarka ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem.
Ikinatwiran rin na ang mga konseho ng simbahan ay hindi tumuring sa mga desisyon ng papa na nagtatali.
Ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal ay ipinatawag bagaman kinondena ng romanong papa na si Papa Celestino I si Nestoryo bilang heretiko na ikinatwiran ni Whelton na nagpapakitang hindi itinuring ng konseho ang kondemnasyon ng papang Romano bilang depinitibo.
. Ayon sa mga sumasalungat sa doktrinang ito , walang isang konsehong ekumenikal ang ipinatawag ng papa ng Roma.
Ang lahat ng mga konsehong ekumenikal ay ipinatawag ng mga Emperador na Bizantino.
Kung ang katuruan ng primasiya ng papang Romano ang bumuo ng bahagi ng Tradisyong Banal , ang gayong kapangyarihan ng papang Romano ay sasanayin upang lutasin ang mga alitan sa sinaunang kasaysayan ng Simbahang Kristiyano.
Ang pangkalahatang konseho ay maaari ring manaig sa desisyon ng mga papang Romano.
Ang pagsalungat sa mga kautusan ng papang Romano ay hindi rin limitado sa mga nakaraang siglo.
Ang isang mahusay na kilalang halimbawa ang Society of St. Pius X na kumikilala ng primasiya ng papang Romano ngunit tumangging tumanggap sa mga kautusan ng papa tungkol sa liturhiya.
Noong 2005 , ang Romano Katolikong propesor na Hesuitang si John J. Paris ay nagbalewala sa kautusan ng papa bilang nagkukulang sa autoridad.
Noong 2012 , sa okasyon ng ika - 50 anibersaryo ng pagbubukas ng Ikalawang Konsehong Vatikano , ang 60 prominenteng mga teologong Romano Katoliko ay naglimbag ng isang opisyal na deklarasyon na nagsasaad na ang kapapahan sa kasalukuyan ay lumalagpas sa autoridad nito.
Nangangahulugan ang pariralang Italyanong Viva il Papa ! ng " Mabuhay ang Papa ! " Ito ay ang karaniwang sigaw ng mga debotong Katoliko matapos na makalabas ang papa sa ospital o kapag nagpapakita ito sa madla.
Ang ibang mga tradisyonal na simbahang Kristiyano ( Asiryong Simbahan ng Silangan , Silangang Ortodokso , Simbahang Lumang Katoliko , Komunyong Anglikano , at iba pa ) ay tumatanggap sa doktrina ng paghaliling apostoliko at ibat ibang mga saklaw ang mga pag - aankin ng papa sa primasiya ng karangalan samantalang pangkalahatang tumatakwil na ang papang Romano Katoliko ang kahalili ni Pedro sa anumang walang katulad na kahulugan na hindi totoo para sa anumang ibang mga obispo ng Kristiyanismo.
Hindi nakikita ng mga simbahang ito ang saligan sa mga pag - aangkin ng Romano Katliko ng pangkalahatan o unibersal na agarang huridiksiyon o sa mga pag - aangkin ng inpalibilidad ng papa.
Ang ilan sa mga simbahang ay tumatawag sa gayong mga pag - aangkin bilang ultramontanismo.
Ang iba pang iba ibang mga pangkat na Kristiyano ay may iba ibang mga pagtutuol sa kapapahan ng Romano Katoliko mula sa simpleng hindi pagtanggap sa pag - aangkin ng autoridad ng papa bilang lehitimo at balido hanggang sa paniniwala sa interpretasyong ang papa ng Simbahang Katoliko Romano ang antikristo , tao ng kasalanan ( 2 Tesalonica 2 : 3 - 4 ) at Halimaw ng Aklat ng Pahayag gaya nina Martin Luther , John Calvin , Thomas Cranmer , John Thomas , John Knox , Cotton Mather , mga adbentista at iba pa.
Kanilang inaangkin na ang Vicarius Filii Dei na kanilang inaangkin nasa tiara ng papa at isang pamagat ng papa ay may kabuuang 666.
Aparri
Ang Bayan ng Aparri ay isang unang klasebayan sa lalawigan ng Cagayan , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 59,046 katao sa 11,019 na kabahayan.
Ang bayan ng Aparri ay nahahati sa 42 mga barangay.
Glendale , Arizona
Ang Glendale ay isang lungsod sa Arizona , Estados Unidos.
Kohei Uchida ( 1980 )
Si Kohei Uchida ( ipinaganak Abril 5 , 1980 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Les Miserables
Ang Les Miserables ( 1862 ) ( bigkas : o ley mi - ze - RAB ) , isinasalin mula sa hjklhjklses bilang " Ang mga Kahabaghabag " ay isang kathambuhay ng Pranses na manunulat na si Victor Hugo at malawakang itinuturing na isa sa pinakadakilang mga nobela ng ika - 19 daang taon.
Sinusundan nito ang mga buhay at mga pakikisalamuha ng ilang mga tauhan Pranses sa loob ng panahon ng dalawampung mga taon noong ika - 19 daang taon , magmula 1815 , ang taon ng huling pagkagapi ni Napoleon sa Waterloo.
Nakatuon ang nobela sa mga pakikibaka ng dating bilanggong si Jean Valjean at ng kanyang karanasan ng katubusan.
Sinusuri nito ang kalikasan ng batas at ng awa , at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng Pransiya , arkitektura ng Paris , politika , pilosopiyang moral , antimonarkismo , katarungan , relihiyon , at mga uri at kalikasan ng pag - ibig na romantiko at pangmag - anak.
Isang kathang - isip na pangkasaysayan ang kuwento sapagkat naglalaman ito ng totoo at makasaysayang mga kaganapan , kabilang ang Pag - aalsa sa Paris noong 1832 ( na karaniwang ipinagkakamali sa mas maagang Rebolusyong Pranses ).
Nakikilala ng marami ang Les Miserables sa pamamagitan ng marami nitong anyo ng pagtatanghal sa mga teatro at mga pelikula , katulad ng pagtatanghal na may tugtugin na may kaparehong pamagat , na paminsan - pinsang dinadaglat bilang " Les Mis " ( bigkas : / ley / - / miz / ).
Mustela nivalis
Ang Mustela nivalis ( Ingles : Least Weasel ) ay ang pinakamaliit sa lahat ng mga mamalya sa ordeng Carnivora.
Matatagpuan ang M. nivalis sa buong mundo , kabilang ang Paleartikong rehiyon ( hindi kasama ang Irlandes , Peninsulang Arabe , at ang mga Maliliit na mga Pulo ng Artiko ) , sa Hapon , at sa Hilagang Amerika ( sa kabuoan ng Alaska , Canada , at Hilagang Estados Unidos ).
Karaniwang matatagpuan ang M. nivalis sa mga damuhan , mga latian , mga lupang sakahan , mga parang , mga bahagyang ilang , at madadamong mga linangan , ngunit umiiwas sa mga lupang mapuno , mabuhanging mga disyerto , at bukas na mga lugar.
Malimit itong nananatiling hindi napapansin , bagaman maaaring marami ang populasyon nito.
San Andres de Sotavento
Ang San Andres de Sotavento ay isang munisipalidad sa Departamento ng Cordoba , Kolombiya.
Castel del Piano
Ang Castel del Piano ay isang commune sa lalawigan ng Grosseto sa rehiyong Toscana sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Jordan ( paglilinaw )
Maaaring tumukoy ang Jordan :.
Raudnei Aniversa Freire
Si Raudnei Aniversa Freire ( ipinaganak Hulyo 18 , 1965 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
Sistemang pampag - anak ng babaeng tao
Ang sistemang pampag - anak ng babaeng tao ( o sistemang panghenitalya ng babaeng tao ) ay binubuo ng dalawang pangunahing mga bahagi : ang bahay - bata , na nagsisilbing lalagyan o silid ng namumuong sanggol , na lumilikha ng mga sekresyong pampuki at pambahay - bata , at nagpapasa ng esperma ( tamud ) ng lalaking tao palagos na papunta sa mga tubong palopyano ; at ang mga obaryo , na lumilikha ng pang - anatomiyang mga selulang itlog ng babaeng tao.
Ang mga bahaging ito ay panloob : nakakatagpo ng puki ang panlabas na mga organo doon sa bulba , na kinabibilangan ng labia , tinggil , at uretra.
Ang puki ay nakakabit sa bahay - bata ( utero ) sa pamamagitan ng serbiks , habang ang bahay - bata naman ay nakakabit sa mga obaryo sa pamamagitan ng mga tubong palopyano.
Sa ilang partikular na mga agwat ( interbal ) , ang mga obaryo ay nagpapakawala ng isang itlog ng babae o obum , na dumaraan sa loob ng tubong palopyano papasok sa bahay - bata.
Kung , sa paglalakbay na ito , nakatagpo ang itlog ng babae ng esperma , ang esperma ay sumusuot at tumatagos ( penetrasyon ) at sumasanib sa itlog ng babae , upang magsagawa ng pertilisasyon.
Ang pagpapabubunga o pagpepertilisang ito ay karaniwang nagaganap sa loob ng mga obidukto , ngunit maaaring ring mangyari sa loob mismo ng bahay - bata.
Matapos ang pertilisasyon , tinatawag na ang nagsanib na itlog ng babae at esperma bilang sigota.
Pagkaraan , ang sigota ay itatanim ang sarili nito sa dingding ng bahay - bata , kung saan ito magsisimula ng proseso ng embriyohenesis at ng morpohenesis.
Kapag sapat na ang kaunlaran nito upang makakaligtas sa labas ng sinapupunan , lumuluwang ( dilasyon ) ang serbiks at ang mga kontraksiyon ( pag - iksi at pag - urong ) ng bahay - bata ay nagtutulak sa namumuong sanggol o fetus papunta sa kanal ng pagluluwal ( luwalan ) o ang tinatawag na puki.
Ang itlog ng babae ay mas malaki kaysa sa esperma at nabuo na kapag sumapit na ang panahon ng pagluluwal o pagsilang ng isang babaeng tao.
Tinataya na bawat buwan ay nagpapahinog , sa pamamagitan ng proseso ng oohenesis , ng isang itlog ng babae ( obum ) na ipadadala pababa sa tubong palopyano na nakadikit sa obaryo nito , bilang pag - aasam sa pertilisasyon o pagpapabunga.
Kapag hindi napertilisahan , ang itlog ng babae ay pabugsong inilalabas mula sa sistema sa pamamagitan ng pagreregla.
Setyembre
Ang Setyembre o Septyembre ang ika - 9 na buwan sa Talaaraw na Gregorian.