text
stringlengths
0
7.5k
Ang Ilog Bicol ay ang ika - walong pinakamalaking ilog sa Pilipinas na may sukat na 3,770 km2.
Nagmumula ang ilog sa Lawa ng Bato , , at dumadaloy 94 kilometro pababa patungo sa bunganga nito sa Look ng San Miguel.
Dumadaloy ito sa kapatagan ng Lambak ng Bikol.
Santa Croce del Sannio
Ang Santa Croce del Sannio ay isang comune sa lalawigan ng Benevento sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Papa Tawadros II ng Alehandriya
Si Papa Tawadros II ( Coptic : o Arabe : lbb twDrws lthny ika - 118 na Papa ng Alexandria at Patriarka ng Lahat ng Aprika sa Banal na Apostolikong Sede ni San Marcos na Ebanghelista ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria simula nang makuha ang opisina noong Nobyembre 18,2012 na dalawang linggo matapos mapiling Papa.
Pinoy Adventures
Ang Pinoy Adventures ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network.
Wikang Daba
Ang Daba ay isang wikang sinasalita sa Cameroon.
Konduktor
Ang konduktor ay maaaring tumukoy sa :.
Kalookan
Ang Kalookan ( Ingles : Caloocan ) ( pagbigkas : ka * lo * o * kan ) , o ang Makasaysayang Lungsod ng Caloocan , ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Kanugnog ito ng Maynila sa hilaga.
Ito ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa bansa na may populasyong umaabot sa 1,489,040 , ayon sa senso ng 2010.
Nahahati sa dalawang bahagi ang Caloocan mula nang ilipat mga barrio nito sa noo 'y itinatatag na Lungsod Quezon.
Matatagpuan ang Katimogang Caloocan sa hilaga ng Maynila at napapaligiran ng Lungsod ng Malabon at Lungsod ng Valenzuela sa hilaga , Navotas sa kanluran , at Lungsod Quezon sa silangan.
Pinakahilagang teritoryo ng Kalakhang Maynila ang Hilagang Kalookan na nasa silangan ng Valenzuela , hilaga ng Lungsod Quezon , at timog ng Lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.
Ang Caloocan ay nahahati sa 188 mga barangay :.
Bantayog ni Bonifacio.
Templo ng Taoismo malapit sa Estasyong 5th Avenue ng LRT.
Katedral ni San Roque , Diyosesis ng Kalookan.
Nei Mongol
Ang Nei Mongol ( Monggolyang Interyor ) ay isang nasasariling rehiyon ( autonomous region ) sa bansang Tsina.
Wikang Mirandes
Ang wikang Mirandes ( autonymo : mirandes o lhengua mirandesa ; Portuges : mirandes o lingua mirandesa ) ay isang wikang Astur - Leones na madalang na sinasalita sa isang maliit na lugar ng hilagang - silangang Portugal sa mga munisipalidad ng Miranda do Douro , Mogadouro at Vimioso.
Ipinagkalooban ng Kapulungan ng Republika ang opisyal na pagkilala nito sa tabi ng Portuges para sa mga lokal na usapin noong Setyembre 17 , 1998 sa batas 7 / 99 ng 29 Enero 1999.
Ang Mirandes ay may natatanging ponolohiya , morpolohiya at palaugnayan.
May mga ugat ito sa lokal na Bulgar na Latin na sinasalita sa hilagaing Tangway ng Iberia.
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
Ang Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ( Ingles : Human Development Index , daglat : HDI ) sa Ingles ay isang talatuntunan o indeks na ginagamit upang sukatin o iranggo ang mga bansa ayon sa antas ng kaunlarang panlipunan at ekonomiya ng isang bansa at karaniwang nagpapahiwatig kung ang isang bansa ay maunlad , umuunlad , o kulang sa pag - unlad.
Upang mabago ang hilaw na Bariabelo sabihing ang x { \ displaystyle x } sa isang unit - free index sa pagitan ng 0 at 1 ( na pinapayagan ang magkaibang indices na dapat pagsamahin ang dalawa ) , ang sumusunod na formula ang ginamit :.
kung saan min ( x ) { \ displaystyle \ min \ left ( x \ right ) } at max ( x ) { \ displaystyle \ max \ left ( x \ right ) } ang mga pinakamababa at pinakamataas na balyu , ang bariabelo x { \ displaystyle x } ang maaaring mag - attain.
Ang HDI ay binubuo ng :.
Ang 2011 ng HDI ay nagsasama ng tatlong mga dimensiyon :.
Sa 2010 Human Development Report , ang UNDP ay nagsimulang gumamit ng bagong paraan sa pagkakalkula ng HDI at binubuo ng tatlong mga indeks : 1.
Indeks ng inaasahang panahon ng buhay ( LEI ) LE - 20 82.3 - 20 { \ displaystyle { \ frac { { \ textrm { LE } } - 20 } { 82.3 - 20 } } }.
2.
Indeks ng edukasyon ( EI ) MYSI [?] EYSI 0.951 { \ displaystyle { \ frac { \ sqrt { { \ textrm { MYSI } } \ cdot { \ textrm { EYSI } } } } { 0.951 } } }.
3.
Indeks ng sahod ( II ) ln [?] ( GNIpc ) - ln [?] ( 100 ) ln [?] ( 107 , 721 ) - ln [?] ( 100 ) { \ displaystyle { \ frac { \ ln ( { \ textrm { GNIpc } } ) - \ ln ( 100 ) } { \ ln ( 107,721 ) - \ ln ( 100 ) } } }.
Ang HDI ang mean na heometriko ng nakaraang mga tatlong normalisadong indeks : HDI LEI [?] EI [?] II 3.
{ \ displaystyle { \ textrm { HDI } } { \ sqrt { { \ textrm { LEI } } \ cdot { \ textrm { EI } } \ cdot { \ textrm { II } } } }.
}.
LE : Inaasahang panahon ng buhay sa kapanganakan MYS : Mean na mga taon ng pag - eeskwela ( Mga taon na ang isang 25 taong gulang na tao o mas matanda ay gumugol sa eskwela ) EYS : Inaasahang mga taon ng pag - eeskwela ( Mga taon na ang isang 5 taong gulang na bata ay gugugol ng kanyang edukasyon sa kanyang buong buhay ) GNIpc : Gross na pambansang sahod sa paridad na kapangyarihang bumili kada capita | }.
Ang mga bansa na may pinakamataas na pag - unlad na pantao : Note : Ang mga beredeng palaso ( ) , mga pulang palaso ( ) at mga dash na asul ( ) ay kumakatawan sa mga pagbabago sa ranggo kapag inihambing sa bagong data na 2011 ng HDI para sa 2010.
Ang mga sumusunod na bansa ang nakasama sa Top 38.
Ang mga bansang hindi nakasali sa Talaan ng 2009 sa kadahilanan ng kakulangan sa istatistika , kawalan ng kaayusan at hindi miyembro ng UN.
Africa.
Asia.
Europe.
Oceania.
Paglalata
Ang Paglalata o pagdedelata ( Ingles : Canning ; ang salitang " delata " ay mula sa pariralang Kastila na de lata na may pakahulugang " ng lata " na may pahiwatig na " nakalata " o " nasa loob ng lata " ) ay isang paraan ng pagpepreserba ng pagkain kung saan ang nilalamang pagkain ay pinupruseso , ipinapaloob , at tinatakpan sa loob ng lalagyang lata na hindi pinapasukan ng hangin.
Ang pagdedelata ay nagbibigay ng isang pangkaraniwang tagal ng pagpapanatili ( " tagal ng buhay " ) na sumasakop mula isa hanggang limang mga taon , bagaman sa ilang tiyak na mga kalagayan ang isang produktong idinelata na pinatuyo at pinatigas sa pamamagitan ng lamig , katulad ng dinelatang pinatuyo at pinatigas na mga lentil , ay maaaring magtagal na umaabot sa 30 mga taon na nasa kalagayang makakain.
Ang proseso ay unang nilikha at pinaunlad ni Nicolas Appert bilang isang tuklas ng militar ng Pransiya noong 1810.
Ang balutan o pambalot na lata ay nakapipigil sa mga mikroogranismong makapasok at mabilisang dumami sa loob.
Upang maiwasang mapanis o masira ang pagkain bago at habang ipinapasok ang pagkain , ilang mga metodo ang ginagamit.
Kabilang dito ang pasteurisasyon , pagpapakulo ( at iba pang mga paglalapat ng matataas na mga temperatura sa loob ng isang panahon ) , repriherasyon , pag - iilado ( pagpapatigas sa pamamagitan ng lamig ) , pagpapatuyo , paghuhungkag o pagtatanggal ng lamang hangin , mga ahenteng antimikrobyal na likas sa resipi ng mga pagkaing pinipriserba o tinitinggal , isang sapat na antas o dosahe ng nakakaionisang radyasyon , pagbababad o submersyon sa isang malakas na solusyong salina ( maasing solusyon ) , asido , alkalina , at iba pang mga kapaligirang sukdulan ang osmosis ( osmotikal , halimbawa na ang pagiging napakatamis ) o kapaligirang humahamon sa kakayanan ng mga mikrobyo.
Lee Jung - gil
Si Lee Jung - gil ( i jeong gil , Li Zheng Ji ipinanganak Oktubre 1 , 1944 ) ay isang artista sa Timog Korea.
Pagkatapos unang lumabas noong 1967 sa isang palabas sa teatro na Sakhalinsk 's The Sky and the Earth , nagkaroon si Lee ng isang mabunang karera sa telebisyon at pelikula.
Yadamari
Ang Yadamari ay isang bayan sa Chittoor district ng estado ng Andhra Pradesh.
Palarong Olimpiko
Ang mga Palarong Olimpiko ( Kastila : Juegos Olimpicos ; Pranses : Jeux Olympiques , JO ; Ingles : Olympic Games ) ay isang mahalagang pandaigdigang kaganapan na nagtatampok ng mga tag - init at tag - lamig na isport , kung saan mga libong atleta ay sumasali sa maraming uri ng palaro.
Naitala ang orihinal na mga Palarong Olimpiko ( Griyego : Olumpiakoi Agones ; ( tulong * kabatiran ) ) noong 776 BC sa Olympia , Gresya , at ipinagdiriwang hanggang AD 393.
Ang sunod na Palaro ng Tag - Init ay gaganapin sa siyudad ng Tokyo sa bansang Hapon sa taong 2020.
Ang Sinaunang Palarong Olimpiko ay mga serye ng paligsahan na ginaganap sa pagitan ng mga kinatawan ng iba 't - ibang mga lungsod - bansa at mga kaharian ng Sinaunang Gresya.
Itong mga palaro ay pangunahing itinatampok ang atletang palaro kundi pati rin ang mga labanan at pabilisan ng kalesa.
Habang ang mga palaro , lahat ng mga paglalaban na ginaganap sa pagitan ng mga lungsod - bansa ay ihihinto hanggang ang mga palaro ay matapos.
Unang ipinadama ang muling pagbuhay sa mga Palarong Olimpiko ng makatang Griyego at patnugot ng pahayagang si Alexandros Soutsos ( kilala rin bilang Panagiotis Soutsos ) sa kaniyang tulang " Diyalogo ng Patay " ( Dialogue of the Dead ) noong 1833.
Tinangkilik ni Evangelos Zappas ang unang pangkamakabagong panahong pandaigdigang Palarong Olimpiko noong 1859.
Ginugulan niya ng salapi ang pagpapagawa at pagkukumpuni ng Estadyong Panateniko ( Panathenian Stadium ) para sa Palarong Olimpikong ginanap doon noong 1870 at 1875.
Itinala at inihayag ito sa mga pahayagan at mga lathalain sa buong mundo kabilang na ang London Review , nagsabing " ang Palarong Olimpiko , na natigil ng ilang mga daantaon , ay muling binuhay kamakailan lamang ! Talagang narito ang isang pambihirang balita ... muling binuhay ang mga klasikong palaro ng sinaunang panahon malapit sa Athens.
Pilipinas Got Talent ( season 5 )
Ang Pilipinas Got Talent ( season 5 ) ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng ABS - CBN.
Ang nagwagi sa patimpalak na ito ay ang grupong Power Duo.
Brunei sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007
Ang Brunei Darussalam ay lumahok sa Palaro ng Timog Silangang Asya taong 2007 na ginanap sa lungsod ng Nakhon Ratchasima sa Thailand mula Disyembre 6 , 2007 hanggang Disyembre 16 , 2007.
Nasa wikang Thai :.
Nasa wikang Ingles :.
Alpabetong Birmano
Ang panitikang Birmano ( Burmes : m[?]n [?] maaak khraa ; binibigkas na ) ay isang abugida na ginagamit sa wikang Birmano.
Fraxinus
silipin ang teksto.
Ang Fraxinus ( bigkas : / frak - si - nus / ) ay isang sari ng halamang namumulaklak na nasa pamilyang Oleaceae , na kasama ng mga oliba at ng mga lilak.
Binubuo ito ng 45 hanggang 65 na mga espesye ng hindi kalakihan at malalaking mga puno na karamihang naglalagas ng mga dahon bagaman may mangilan - ngilang mga espesyeng subtropikal na palagiang lunti ang mga dahon.
Tinatawag din itong punong abo , na nagmula sa karaniwang pangalan nito sa Ingles na ash tree o ash lamang.
Ang katawagang ito sa Ingles ay nagbuhat pa sa Matandang Ingles na aesc , samantalang ang pangalang heneriko ay nagmula sa Latin.
Ang mga salitang ito ay kapwa may kahulugang " sibat " sa kani - kanilang mga wika , kaya 't mas angkop na matatawag bilang punong sibat o puno ng sibat.
Ang mga dahon ay baligtaran ang kaayusan ( bihira ang pagbilot na tatluhan ) , at karamihan ay masalimuot na pinado , na mailalarawan din bilang parang suklay ang pagkakaayos ( pektinado ) , na maaaring payak sa ibang mga espesye.
Ang mga buto , na tinatawag na mga " susi " o mga " susing helikopter " , ay isang uri ng bunga na nakikilala bilang samara.