text
stringlengths
0
7.5k
Ang mga Rowan o Pambundok na mga Punong Abo ( Mountain Ash sa Ingles ) ay walang kaugnayan sa totoong mga punong abo at kabilang sa saring Sorbus bagaman ang mga dahon at ang mga buko ( sibol o usbong ) ay panlabas o pang - ibaba na kahalintulad.
Musikang klasiko
Ang tugtuging klasiko ay isang napaka pangkalahatang kataga na pantukoy sa pamantayang tugtugin ng mga bansa sa Kanluraning mundo.
Isa itong musikang nilikha o kinumposisyon ng mga musikero na sinanay sa sining ng pagsusulat ng musika ( kumposisyon ) at isinulat sa notasyong pangtugtugin upang matugtog ng iba pang mga manunugtog.
Maaari ring ilarawan ang musikang klasiko bilang isang musika ng sining o tugtugin ng sining dahil ang dakilang sining ( kasanayan ) ay talagang kailangan upang malikha ito at matugtog ito ng mabuti.
Kaiba ang klasikong musika mula sa musikang popular dahil hindi lang ito basta ginawa upang maging tanyag sa loob ng maikling panahon o maging isang tagumpay na pangkomersiyo.
Naiiba ito mula sa tugtuging bayan ( folk music sa Ingles ) na pangkalahatang ginagawa ng pangkaraniwang mga kasapi ng lipunan at natutunan ng panghinaharap na mga salinlahi sa pamamagitan ng pakikinig at paggaya.
Ang musikang klasiko ay isang musikang pangsining na ginawa sa loob , o naka - ugat sa loob , ng mga tradisyon o kaugalian ng Kanluraning musikang liturhikal at sekular ( pampananampalataya ) , na sumasaklaw sa malawak na panahon magmula tinatayang ika - 9 daang taon magpahanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang panggitnang mga gawi ng tradisyong ito ay naging panuntunan sa pagitan ng 1550 at 1900 , na kilala bilang " panahon ng pangkaraniwang pagsasagawa ".
Malaki ang pagkakaiba ng musikang Europeo mula sa marami pang ibang hindi Europeo at mga anyo ng musikang tanyag dahil sa sistema nito ng notasyong pangmusika o tagdan ng notasyon ( staff notation sa Ingles ) , na ginagamit na magmula bandang ika - 16 daang taon.
Ginamit ng mga kompositor ang Kanluraning tagdang pangnotasyon upang maitakda sa tagapagtanghal ang lakas , bilis , metro , mga ritmo , at tumpak na pagsasagawa ng isang piyesa ng tugtugin.
Nakapag - iiwan ito ng kaunting puwang para sa mga gawain ng pagtugtog na may walang paghahanda at pagtugtog ng kahit na papaano ayon sa kagustuhan ( ad libitum , " pag - aadlib " ) , na kadalasang naririnig sa hindi Europeong musikang pangsining ( paghambingin ang klasikong tugtugin ng Indiya at tradisyunal na musika ng Hapon ) at musikang popular.
Ang katagang " musikang klasikal " ay hindi lumitaw hanggang sa pagsapit ng kaagahan ng ika - 19 daang taon , bilang pagsubok na maging pamantayan o maging " panuntunan " ang panahon mula kay Johann Sebastian Bach hanggang kay Ludwig van Beethoven bilang ginintuang panahon.
Ang pinakamaagang pagtukoy sa " musikang klasiko " ay naitala ng Oxford English Dictionary mula bandang 1836.
Diperensiya ng alanganing pagkatao
Ang Diperensiya ng alanganing pagkatao o Dipersensiya ng nasa bingit ng hangganan na pagkatao ( Borderline personality disorder sa Ingles ) ay isang saykayatrikong diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay kinakikitaan ng pagkagulo ng personalidad na paiba iba ng emosyon , itim at puting pag - iisip ( ang pag - iisip ng dalawang sukdulang katangian lamang sa mundo , halimbawa kung ang isang tao ay hindi mabuti siya ay isang masamang tao at bise bersa ).
Ang personalidad na ito ay nagiging sanhi ng magulo at hindi matatag na relasyong interpersonal sa ibang tao at kawalang kamalayan ng indibidwal sa kanyang sarili.
Ito ay malinaw na ang higit pa pananaliksik ay kinakailangan kung kami ay upang makakuha ng higit pang - unawa at pamahalaan samakatuwid clinical kondisyon na ito mahusay at epektibong.
Sa kasalukuyan , ang mga diskarte upang labanan ito disorder kabilang ang paglalagay ng diin sa neurobiological underpinnings ng disorder pati na rin ang pag - unlad at sa pagsulong ng mga mas mahusay at mas sulit clinicians.
Binyon
Ang binyon ( Ingles : vinyon , polyvinyl chloride fiber ) ay isang uri ng pibrang sintetiko o hiblang gawa ng tao na kabilang o mula sa kloridong binilo.
Ikinakalakal ito sa ilalim ng pangalang Vinyon HH.
Pangunahing ginagamit ang binyon para sa paggawa ng mga karpet na may umbok o pinaumbok at mga diniinang piyeltro.
Naimbento ito noong 1939.
Omegna
Ang Omegna ay isang comune sa lalawigan ng Verbano - Cusio - Ossola sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Machete
Ang Machete ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network.
Nazareo
Ang pagiging Nazareo ay isang katayuan o kalagayang pang - Hudyo na nagbubunga dahil sa isang panata ng isang taong " mahihiwalay " o " iaalay " sa Diyos sa pamamagitan ng isang natatanging kaparaanan.
Hindi mga pari ang mga taong Nazareo , ngunit naglingkod sila para sa Diyos at ginamit sila ng Diyos bilang mga halimbawa ng kabanalan sa harap ng mga madla.
Kabilang sa mga Nazareong tinutukoy sa Bibliya sina Samson at Samuel ng Lumang Tipan , at maging si San Juan Bautista sa Bagong Tipan.
Lahat sila ay mga taong asetiko o nagwaksi at nagkait ng luho sa buhay at katawan bilang kapalit ng panata ng disiplina at pagtitipid.
Kabilang sa mga panatang ito ang hindi pag - inom ng mga inuming alak at hindi pagpuputol ng buhok na nagiging mahaba , katulad ng kay Samson.
Ximena Navarrete
Si Ximena Navarrete Rosete ( ipinanganak noong Pebrero 22 , 1988 ) ay isang Mehikanang modelo at aktres.
Araw ng Pasasalamat
Ang Araw ng Pasasalamat , Araw ng Pagpapasalamat , o Araw ng Pagpasasalamat ( Ingles : Thanksgiving Day ) ay isang pesteho ng pag - aani.
Sa pangkalahatan , tradisyunal itong isang panahon ng pagbibigay ng pasasalamat para sa mga ani at magpadama ng utang na loob.
Isa itong araw ng pagdiriwang na pangunahing isinasagawa sa Canada at sa Estados Unidos.
Bagaman tila pangpananampalataya ang simulain , pangkasalukuyang pangunahing itinuturing ang Pagpapasalamat na ito bilang isang kapistahang sekular.
Isang paksang may pagpapakumbabang pangangatwiran ang petsa at lokasyon ng unang selebrasyon ng Pagpapasalamat.
Isang pagdiriwang na naganap sa pook ng Taniman ng Plymouth sa Kolonya ng Plymouth ang nakaugaliang " unang Pagpapasalamat " noong 1621.
Maagang nangyari ang selebrasyong Plymouth sa kasaysayan ng magiging isa sa labintatlong mga kolonya na naging ang Estados Unidos.
Pagsapit ng dekada ng 1800 , naging isang mahalagang bahagi ng mitong Amerikano ang kapistahang ito.
Ang Pagpapasalamat na ito , na hinango mula sa mga pagpipistang pangkaraniwan sa Europa ng makabagong panahon , ay pangkalahatang itinuturing bilang pinakauna sa Amerika.
Pinangangatwiranan ni Robyn Gioia , isang guro sa mababang paaralan , na ang pinakamaagang pagsasagawa ng " pagpapasalamat " sa pook na kilala ngayon bilang Estados Unidos ay ipinagdiwang ng mga Kastila noong Setyembre 8 , 1565 sa lugar na nakikilala sa kasalukuyan bilang San Agustin , Plorida.
Sa ngayon , ipinagdiriwang ang Pagpapasalamat tuwing ikalawang Lunes ng Oktubre sa Canada at tuwing ikaapat na Huwebes ng Nobyembre sa Estados Unidos.
Ginaganap ang Hapunan ng Pasasalamat sa araw na ito , karaniwang bilang isang pagsasalu - salo at pagtitipun - tipon ng mga kasapi ng mag - anak at mga kaibigan.
Noong 1863 , itinalaga ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Abraham Lincoln ang huling Huwebes ng Nobyembre bilang pambansang Araw ng Pasasalamat.
Noong 1941 , permanenteng inilunsad ng Kongreso ng Estados Unidos ang ikaapat na Huwebes ng bawat Nobyembre bilang isang pambansang piyesta opisyal.
Simula noong Abril 5 , 1872 , dinala ng mga imigranteng Amerikano sa Canada ang kanilang mga kaugalian at nakagawiang gawain tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng Pasasalamat sa Estados Unidos.
Noong 1957 , itinalaga ng Parlamento ng Canada ang pangalawang Lunes ng bawat Oktubre bilang pambansang piyesta opisyal ang kanilang Araw ng Pasasalamat.
Sa Grenada , mayroong isang pambansang piyesta opisyal na tinatawag ding Araw ng Pasasalamat na ginagawad tuwing Oktubre 25.
Wala itong kaugnayan sa mga kapistahang isinasagawa ng Canada at sa Estados Unidos bagaman katulad ng mga ito ang pangalan ng sa Grenada at nagaganap sa bandang katulad na panahon.
Isa itong palatandaan ng anibersaryo o kaarawan ng Paglusob sa Grenada na pinangunahan ng Estados Unidos noong 1983 bilang tugon sa deposisyon at pagkitil sa buhay ng Punong Ministro ng Grenadang si Maurice Bishop.
Isang seremonya ng isang Araw ng Pasasalamat ang ginagawa sa Hooglandse Kerk upang alalahanin ang magiliw at magandang pagtanggap na natanggap ng mga Peregrino o Pilgrimo habang papunta sila sa Bagong Mundo.
Dumating sa Leiden ang mga Pilgrimo noong 1609 , pagkaraan lumikas mula sa pag - uusig na pangpananampalataya sa Inglatera.
Tinanggap sila ng Leiden dahil nangangailangan ito ng mga imigrante upang makatulong sa muling pagtatayo ng industriya ng tela nito , na nasalanta ng isang matagal na panahong paghihimagsik laban sa Espanya.
Dito , pinahintulutan ang mga Pilgrimong sumamba ayon sa kanilang kanaisan , at naglathala rin sila ng kanilang mga argumento tumatawag sa paghihiwalay ng simbahan at ng estado.
Pinangangasiwaan ni Jeremy Bangs ang Museo ng Amerikanong Pilgrimo ng Leiden.
Sinabi niyang mabilisang inako ng mga Pilgrimo ang ilang mga kaugaliang Olandes , katulad ng kasal na sibil at Pasasalamat.
Bilang isang pagdiriwang na tumatagal ng may apat na araw na umaabot hanggang Sabado at Linggo.
Karaniwang kumakain ang mga mag - anak at mga kaibigan ng pamilya ng isang natatanging pangkat ng mga pagkain , kalimitang ang pabo ang pangunahing putahe , at inaalala nila ang grupo ng mga Pilgrimo na unang nanirahan sa Hilagang Amerika na nagbuhat sa Inglatera noong 1620 upang magkaroon ng bagong buhay.
Kaiba ang mga pagkaing kinakain sa ngayon kung ihahambing sa mga pagkaing kinain dati noong unang Araw ng Pasasalamat ng 1621.
Ardatov , Republic of Mordovia
Ang Ardatov , Republic of Mordovia ay isang lungsod sa bansang Rusya.
Unibersidad ng Twente
Ang Unibersidad ng Twente ( Dutch : Universiteit Twente ; Ingles : University of Twente , abbr.
UT ) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Enschede , Netherlands.
Nag - aalok ito ng mga digri sa larangan ng mga agham panlipunan , eksaktong agham , lubos na kilala sa inhenyeriya.
Ang diwang entreprenyuriyal ay isa ng ang mga pangunahing pagpapahalaga ng institusyon at ang unibersidad ay nakatuon sa pag - ambag sa ekonomiko at panlipunang kaunlaran sa Netherlands , lalo na ang mga rehiyon ng Enschede , ang dating sentro ng industriya ng paghahabi sa Netherlands.
Ang UT ay nakikipagkolaboreyt sa Delft University of Technology , Eindhoven University of Technology , at Unibersidad ng Wageningen , at isa ring partner sa European Consortium of Innovative Universities ( ECIU ).
Ang UT ay niraranggo na ika - 65 sa Reuters 's 2017 2017 European Most Innovative Universities , at ika - 153 sa buong mundo sa 2018 Times Higher Education Rankings.
Tiyaga
Ang tiyaga , pasensiya , pasyensiya , taman , at siyasip ( Ingles : patience ) ay ang katayuan ng pagkakaroon ng katatagan o tibay at kakayahang tumagal ng isang tao habang nasa ilalim ng mahirap na mga kalagayan o pangyayari , na nangangahulugan ng pagsusumigasig , pagpupunyagi , at pagsusumikap habang nasa harap ng pagkaantala , paghamon , o pagkaantig na hindi naiinis o naaburido ; o nagpapakita ng pagbabata at pang - unawa sa harap ng pang - uudyok habang pinangingibabawan ng kahirapan o pamimilit , natatangi na ang kapag humaharap sa pangmatagalang mga kabigatan o paghihirap.
Sa payak na kahulugan , ito ang mahinahon o matatag na hindi pagmamaliw o pag - ayaw sa kabila ng nadaramang hapdi o pasakit , pagkayamot , at iba pang katulad na mga damdamin , at mayroong kasamang pagtaban o pagpipigil ng sarili.
Ginagamit din ito upang tukuyin ang katangiang asal ng pagiging matiisin at mapagbata.
Kabaligtaran ito ng pagiging padaskul - daskol o nagmamadali at pagiging mapusok o sige - sige.
Kanibalismo
Ang kanibalismo ( mula sa Canibales na pangalang Kastila para sa mga taong Carib na isang tribo ng Kanlurang Kaindiyahan ( West Indies ) na dating kilala sa pagsasanay ng kanibalismo ) ang akto o kasanayan ng pagkain ng mga tao ng laman o lamang loob ng ibang mga tao.
Ito ay tinatawag na antropopagiya ( anthropophagy ).
Ang isang taong nagsasanay ng kanibalismo ay tinatawag na isang kanibal.
Ang ekspresyong " kanibalismo " ay pinalawig sa soolohiya upang pakahulugang isang indibidwal ng isang espesye na pagkain ng lahat o bahagi ng isa pang indibidwal ng parehong espesye bilang pagkain kabilang ang seksuwal na kanibalismo.
Ang kanibalismo ay malawak na isinagawa ng mga tao sa nakaraang panahon sa maraming mga bahagi ng mundo.
Ito ay nagpatuloy hanggang sa ika - 19 na siglo sa ilang mga hiwalay na kulturang Timog Pasipiko at sa kasalukuyang panahon sa mga bahagi ng tropikal na Aprika.
Sa ilang mga kaso sa insular na Melanesia , ang katutubong mga pamilihan ng laman ng tao ay umiiral.
Ang Fiji ay minsang nakilala bilang ' Cannibal Isles '.
Ang kanibalismo ay mahusay na nadokumento sa buong mundo mula sa Fiji hanggang sa Lunas ng Amason at mula sa Congo hanggang sa New Zealand na Maori.
Ang mga Neanderthal ay pinaniniwalaan na nagsanay ng kanibalismo at ang mga Neanderthal ay maaring kinain ng mga anatomikal na modernong tao.
Sa ilang mga lipunan lalo na sa mga lipunang pangtribo , ang kanibalismo ay isang norm na kultural o pamantayang pangkultura.
Ang pagkain ng isang tao sa loob ng isang parehong pamayanan ay tinatawag na endokanibalismo.
Ang isang ritwal na kanibalismo ng kamakailang namatay na tao ay maaaring bahagi ng proseso ng pamimighati o isang paraan ng paggabay ng mga kaluluwa ng namatay tungo sa mga katawan ng nabubuhay nitong mga inapo.
Ang eksokanibalismo ang pagkain ng isang tao mula sa labas ng kanyang pamayanan na karaniwan ay bilang pagdiriwang ng pagwawagi laban sa katunggaling tribo.
Ang parehong mga uri ng kanibalismong ito ay maaring matulak ng paniniwalang ang pagkain ng laman o lamang loob ng isang tao ay magkakaloob sa kanibal ng ilang mga katangian ng namatay.