text
stringlengths
0
7.5k
Miss Earth 2013Alyz Henrich , Venezuela.
Miss Earth 2012Tereza Fajksova , Czech Republic.
Miss Earth 2011Olga Alava , Ecuador.
Miss Earth 2010Nicole Faria , India.
Miss Earth 2009Larissa Ramos , Brazil.
Miss Earth 2008Karla Henry , Philippines.
Miss Earth 2007Jessica Trisko , Canada.
Miss Earth 2006Hil Hernandez , Chile.
Miss Earth 2005Alexandra Braun , Venezuela.
Miss Earth 2004Priscilla Meirelles , Brazil.
Miss Earth 2003 Dania Prince , Honduras.
Miss Earth 2002 Winfred Omwakwe , Kenya.
Miss Earth 2001Catharina Svensson , Denmark.
Ratiles ni Logan
Ang loganberi o ratiles ni Logan ( Ingles : loganberry ; Rubus x loganobaccus ) ay isang haybrid na nalikha mula sa pagsasanib ng lumboy ( blackberry ) at ng raspberi / sapinit ( raspberry ) o dewberry ( Rubus sect.
Eubatus ).
Malalaki ang mga may asim o maasidong mga ratiles na ito na may kulay na mamula - mulang purpura.
Kauri ito ng titaw , banut , atibulnak , datung , palanaw , bunot , pilay , at duhat.
Hinango ang Ingles na pangalang loganberry mula kay James Harvey Logan ( 1841 - 1928 , kilala rin bilang J. H. Logan ) , isang Amerikanong manananggol at hortikulturista.
Hindi sinasadyang nalikha niya ito noong 1880 o 1881 sa Santa Cruz , California.
Inaalagaan at pinararami ang mga loganberi sa Kanlurang Dalampasigan ng Estados Unidos.
Sikolohiyang pang - ugali
Ang sikolohiyang pang - ugali ( Ingles : behaviorism , behaviourism , learning perspective ) , kilala rin bilang perspektibo sa pagkatuto o pananaw sa pagkatuto , kung saan ang anumang kilos o galaw ay isang ugali , ay isang pilosopiya ng sikolohiya na nakabatay sa panukala na ang lahat ng mga bagay - bagay na ginagawa ng mga organismo - kasama na ang pag - arte , pag - iisip , at pagdama - ay maaaring ituring at dapat na ituring bilang mga pag - uugali.
Ayon sa sikolohiyang pang - ugali , ang ugali ay maaaring pag - aralan nang makaagham , na hindi kailangang malaman ang pisyolohiya ng kaganapan , at nang hindi gumagamit ng mga teoriyang katulad ng sa isipan.
Ayon sa sikolohiyang pang - ugali , mapagmamasdan at mamamatyagan ang lahat ng mga pag - uugali.
Kasama sa mga taong higit na nakaimpluwensiya sa sikolohiyang pang - ugali ay sina Ivan Pavlov , Edward Lee Thorndike , John B. Watson at B. F. Skinner.
Inimbistigahan ni Pavlov ang pagkukundisyong klasikal , subalit hindi sumang - ayon sa sikolohiyang pang - ugali at mga sikologong makapang - ugali.
Tinanggihan nina Thorndike at Watson ang mga paraang introspektibo at nagnasi na ihangga ang sikolohiya sa mga paraang eksperimental o sumusubok.
Nakatuon ang pananaliksik ni Skinner sa pagkukundisyong operante o pagkukundisyong nagdurulot ng paggalaw.
Sa kasalukuyan , ang mga ideya mula sa sikolohiya ng pag - uugali o sikolohiya ng ugali ay ginagamit sa mga terapiyang katulad ng terapiyang kognitibo at pang - ugali.
Nakakatulong ang terapiyang kognitibo at pang - ugali sa mga tao upang makaraos o makaraan sa mga pagkabahala at mga pobya , pati na sa mga partikular na mga uri ng adiksiyon.
Baloi , Lanao del Norte
Ang Bayan ng Baloi ( maaaring baybaying Baley base sa Ortograpiyang Filipino 2014 ) isang ika - 4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Lanao del Norte , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 38,534 katao sa may 6,804 na kabahayan.
Ang bayan ng Baloi ay nahahati sa 21 na mga barangay.
Urrao
Ang Urrao ay isang bayan sa Kolombiya.
Maurice Mo ' tamed
Si Maurice Mo tamed ( Persa ( Persian ) : mwrys m`tmd ) ay isang dating kinatawan sa Asambleang Konsultibong Islamiko ng Iran.
Dalawang pagkakataon siyang nahalal sa pagkakinatawan , noong 2000 at 2004.
Sinundan siya sa pagkakinatawan ni Siyamak Mosaddegh.
Si Mo ' tamed ay isang masugid na tagasuporta ng pamahalaan ng Iran sa mga bagay - bagay pandaigdig.
Isa rin siyang kasapi ng lupon o komiteng pang - enerhiya ng Parlamento at sinusuporta ang programang nuklear ng Iran.
Si Mo ' tamed ay isang aktibong tagapagtanggol ng mga Hudyo , Soroastrista , at mga Kristiyano mula sa diskriminasyon.
Isa siyang kritiko ng mga gawain ni Pangulong Mahmoud Ahmadinejad.
Hinggil sa mga puna ng pangulong itinatangging naganap ang Olokawsto , wika ni Mo ' tamed :.
Denial of such a great historical tragedy that is connected to the Jewish community can only be considered an insult to all the world 's Jewish communities.
Kinondena niya rin ang telebisyong Irani sa pagpapalabas ng mga programang antisemita.
Dinagdag niya rin :.
Matagal nang naninirahan ang mga Hudyo sa bansang ito , mga 2,700 nang taon.
Sa mga 2,700 taon na ito , lagi silang nagkakaunawa ng buo sa lipunan , nanirahan sila sa pagkakaibigan at kapatiran , kaya hindi ako naniniwalang makakasira ang ... mga isyung ito sa pamayanang Hudyo sa Iran.
Mga comune ng Ain
Narito ang isang talaan ng mga 419 comune ng Ain , France.
Mga Melanesyo
Ang katauhan sa Melanesya ay ang mga Melanesyo , grupong Australoid.
Palaupong pamumuhay
Ang palaupong pamumuhay o sedentaryong gawi sa pamumuhay ( Ingles : sedentary lifestyle ) ay isang salitang pangmedisinang ginagamit upang tukuyin ang uri ng pamumuhay o estilo sa pamumuhay na wala o iregular na gawaing pangkatawan.
Pangkaraniwan itong natatagpuan kapwa sa maunlad at umuunlad na mga bansa at kinatatangian ng pag - upo , pagbabasa , panonood na telebisyon , at paggamit ng kompyuter sa karamihang bahagi ng isang araw na may kaunti o walang masiglang ehersisyong pangkatawan.
Nalalamang nakakapag - ambag ito sa pagiging masyadong mataba at karamdamang kardyobaskular.
Natuklasang nakapagpapataas ang palaupong pamumuhay sa dami ng bilang ng mga namamatay na matatandang mga lalaki at nakakapagdoble ng panganib sa matatandang mga babae.
Bukod sa kahulugang " palaupo " , ang salitang sedentaryo ay may ibig sabihin ding " hindi paladayo " , " nanatili sa isang lugar " , at " hindi pagalagala ".
Daang Radyal Blg . 9
Ang Daang Radyal Blg.
9 ( Ingles : Radial Road 9 ) , na mas - kilala bilang R - 9 , ay isang pinag - ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa ika - siyam na daang radyal ng Maynila , Pilipinas.
Ang daang radyal ay naguugnay ng Maynila sa mga lungsod ng Caloocan , Malabon , at Valenzuela sa hilaga , at patungo ng mga lalawigan ng of Bulacan , Pampanga , Tarlac , Pangasinan , at La Union paglampas ng Kalakhang Maynila.
Binubuo ng mga sumusunod na bahagi ang Daang Radyal Blg.
9 :.
Mula sa harap ng Ilog Pasig sa Santa Cruz hanggang sa Monumento Roundabout sa sangandaan nito sa Abenida Epifanio de los Santos ( EDSA ) sa Caloocan , kilala ang R - 9 bilang Abenida Rizal.
Dumadaan ito sa ilalim ng Unang Linya ng LRT at naguugnay ng Santa Cruz sa distrito ng Grace Park ( Caloocan ).
Ito ang kinaroroonan ng tatlo sa mga pinakamalaking sementeryo ng Kalakhang Maynila - - Manila North Cemetery , La Loma Cemetery , at Manila Chinese Cemetery.
Magiging Lansangang MacArthur ang R - 9 pagdaan ng Monumento Roundabout ( ang sangandaan ng EDSA , Abenida Rizal , at Daang Samson ).
Inuugnay nito ang Caloocan sa Malabon at Valenzuela , at kalinya nito ang North Luzon Expressway ( ng R - 8 ) sa silangan.
Dadaan ang lansangan sa mga lalawigan ng Bulacan , Pampanga , at Tarlac sa Gitnang Luzon , at Pangasinan , La Union , Ilocos Sur , at Ilocos Norte sa Ilocos.
Bagaman nagtatapos ang lansangan sa Laoag , liliko ang R - 9 patungong Daang Pugo - Rosario sa Rosario.
Sa pagitan ng Lansangang Aspiras - Palispis at Lansangang MacArthur sa timog - silangang La Union , kilala ang R - 9 bilang Daang Pugo - Rosario.
Dumadaan ito sa mga bayan ng Pugo at Rosario sa lalawigan ng La Union.
Don Stark
Si Donald " Don " Stark ay isang kilalang artista sa sining ng Pelikula at Telebisyon.
Teruo Nimura
Si Teruo Nimura ( ipinaganak Mayo 2 , 1943 ) ay isang Hapones na manlalaro na futbol na naglalaro para sa Pambansang koponan ng futbol ng Hapon.
Remus Choy
Si Calvin Choy Yat - git ( Tsino : Cai Yi Jie ; ipinanganak noon Pebrero 6 , 1967 sa Hongkong ) ay isang mang - aawit sa Hongkong.
Edward Cave
Si Edward Cave , ( Pebrero 27 , 1691 - Enero 10 , 1754 ) , ay isang Ingles na tagalimbag o taga - imprenta , patnugot , tagapaglathala.
Sa The Gentleman 's Magazine ( o " Ang Magasin ng Ginoo " ) , nilikha niya ang unang " magasin " na , ayon sa makabagong diwa , maiibigan ng lahat ng mga babasa.
Anak na lalaki ng isang sapatero , ipinanganak si Cave sa Newton na malapit sa Rugby , Warwickshire at nag - aral sa isang paaralan ng balarila doon , subalit napatalsik makaraang mapagbintangang nagnakaw mula sa ulong - maestro.
Nagtrabaho siya para sa sari - saring mga hanapbuhay , kabilang na ang mangangalakal ng kahoy , tagapag - ulat , at taong tagalimbag.
Siya ang nakaisip ng ideya ng isang peryodiko na sasaklaw sa bawat paksa na magugustuhan ng edukadong madal , mula sa komersyo hanggang sa panulaan , at sinubok niyang kumbinsihin ang mga manlilimbag at mga nagbebenta ng aklat sa London na gamitin ang ideya.
Nang walang naging interesado , si Cave na mismo ang nagsagawa nito.
Inilunsad ang The Gentleman 's Magazine noong 1731 at kaagad na naging painakamaimpluho at pinakaginagayang peryodiko sa sarili nitong panahon.
Naging dahilan dito ito ng pagyaman ni Cave.
Isang mapagpursigeng negosyante si Cave.
Inilaan niya ang lahat ng kanyang lakas para sa magasin , at madalang na lumilisan mula sa mga tanggapan nitong nasa St John 's Gate , Clerkenwell.
Gumamit siya ng isang malaking bilang ng mga tagapag - ambag ng lathalain , na ang pinakasikat ay si Samuel Johnson , na palagiang tumatanaw ng utang na loob kay Cave dahil sa pagbibigay sa kanya ng pangunahing napagkukunan ng pagkakakitaan sa loob ng maraming mga taon.
Malimit na nagsusulat din mismo si Cave ng mga lathalain para sa magasin sa ilalim ng pangalang pampanitikang Sylvanus Urban.
Tumanggap din siya ng lisensiya mula kay Lewis Paul para sa 250 mga kidkiran ( spindle sa Ingles ) para sa kanyang patente ng makinang gumugulong at nagiikid ng hibla ( ang roller - spinning machine ) , ang ninuno ng kayariang pantubig ( o water frame ).
Noong 1742 , binili niya ang Marvels Mill sa Northampton at ginawa itong isang pagawaan o pabrika ng bulak , na marahil ang una sa daigdig na pinapatakbo ng lakas o enerhiya mula sa tubig.
Napagkakitaan niya ito ng salapi , ngunit banayad lamang.
Nagsara ito noong mga 1761 , o agad na pagkaraan ng taong ito.
Dumanas siya ng sakit na piyo o gawt.