text
stringlengths
0
7.5k
Sa Kristiyanismo at Hudaismo , ang sakripisyo ni Hesus ang naging daan sa pagiging malinis ng espiritu ng mga tagasunod ni Hesus sapagkat hindi na nila sinusunod o kailangan sundin ang mga batas na nakasaad sa Lumang Tipan na nauukol sa pagkakaroon ng mga katayuan ng pagiging marumi.
Mga comune ng Lalawigan ng Chieti
Ang sumusunod ay talaan ng 104 comune ( bayan ) ng Lalawigan ng Chieti , Abruzzo , sa Italya.
Tony Velasquez
Si Tony S. Velasquez ( namatay : 1997 ) ay isang artistang tagaguhit ng komiks sa Pilipinas.
Siya ang itinuturing na " Ama ng Pilipinong Komiks " o " Ama ng Komiks sa Pilipinas , " sapagkat siya ang nagpanimula at nagpaunlad ng sining ng mga serye ng mga larawang - guhit sa bansa.
Ipinanganak si Tony Velasquez sa Paco , Maynila.
Sumakabilang - buhay siya noong taong 1997.
Nilikha ni Velasquez ang unang magkakasunod na mga guhit pang - komiks , ang Mga Kabalbalan ni Kenkoy sa magasing Liwayway noong 1928 , na naging isang maimpluhong akda.
Noong 1947 , inilunsad niya ang Pilipino Komiks , ang aklat na may kuwento at mga larawang nagpanimula sa industriya ng komiks sa Pilipinas.
Sa ilalim ng pamamahala ng Ace Publications , inilunsad rin niya ang mga komiks na Tagalog Klasiks , Hiwaga Komiks , at Espesyal Komiks.
Noong 1962 , itinatag naman niya ang Graphic Arts Service , Inc.
( GASI ) na naglathala ng Pinoy Komiks , Pinoy Klasiks , Aliwan Komiks , Holiday Komiks , Teens Weekly Komiks , at Pioneer Komiks.
Kabilang sa mga inakdaan niyang mga guhit - larawan , na umaabot sa may 300 bilang , ang Kenkoy , Tsikiting Gubat , Talakitok , Talimusak , at Ponyang Halobaybay.
Ilang sa kaniyang mga akdang - guhit ang mga sumusunod :.
Makinang Smith
Ang Smith machine ay isang katawagan sa Ingles , na maisasalin bilang makinang Smith o aparatong Smith , sa isang kasangkapang pang - ehersisyo na ginagamit para sa pagsasanay na pagbubuhat ng mga pabigat.
Binubuo ito ng barbel na nakapirmi sa loob ng mga riles na aserong bakal , na nagpapahintulot lamang ng patindig ( pataas at paibaba ) na galaw.
May ilang mga bagong labas na makinang Smith na nagpapahintulot ng maliit na kakayahang makagawa ng pasulong at paatras na galaw.
Kalimitang kasama sa isang makinang Smith ang isang salansanan ng mga pabigat na nasa paanan upang makatulong sa pagpapatatag nito.
Ilan sa mga makinang Smith ang may panimbang ( kontrabalanse ) ng barbel.
Ang makina ay maaaring gamitin para sa malawak na uri ng mga ehersisyo , katulad ng pagtalungko ( kilala sa Ingles bilang squat ) na katulad ng ipinapakita sa imaheng nasa kanan.
Ang makinang Smith ay naimbento ng Amerikanong si Jack LaLanne , na nagkabit ng isang aparatong dumudulas sa kanyang himnasyo noong dekada 1950.
Napansin ang makina ni Rudy Smith , isang tagapamahala ng isang klab na pangkalusugan , na nagtalaga kay Paul Martin upang painamin pa ito.
Pagkaraan ay itinalaga ni Smith ang napainam na modelo ng makina sa isang himnasyo na kanyang pinamamahalaan noong panahong iyon , ang himnasyo ni Vic Tanny sa Los Angeles , California.
Sa pagsapit ng kahulihan ng dekada 1950 , si Rudy Smith ay isa nang tagapagpaganap o ehekutibo sa tanikala ng mga himnasyo ni Tanny , at dahil dito naging mas malawak ang paggawa at pagbebenta ng makinang Smith.
Namatay si Rudy Smith noong Hulyo 6 , 2010.
Sa panahon ng kanyang kamatayan , si Smith ay isa nang tagapamahala ng lupon ( chairman of the board ) ng Mga Klab Pang - atletika ng Las Vegas ( Las Vegas Athletic Clubs ).
Sa likod ng bawat isang posteng ( pampatakbo o pampagulong ) patayo ay isang serye ng mga puwang o pasukan kung saan maisasabit o maisusukbit ang mga kawit ng barbel.
Ibig sabihin nito , hindi katulad ng pangkaraniwang barbel , ang makinang Smith ay hindi kinakailangang muling ibalik sa salansanan pagkaraan ng isang pangkat ng mga pag - uulit o repetisyon ng pagbubuhat ng pabigat na barbel : maaari itong ligtas na mailalagay o maikakabit na walang panganib na babagsak sa tagabuhat.
Dahil dito , mas ligtas ang makina para sa mga mambubuhat na walang spotter o tagapagtugaygay o tagatulong ng mambubuhat ( lalo na kung pagod na ang nagbubuhat ng pabigat pagkaraan ng ilang pag - uulit ) , dahil sa ang mambubuhat ay kinakailangan lang na pihitin ang kanyang galang - galangan upang maikandado o maipirmi ang barbel sa lugar nito , sa pagkakataong ang bigat ng barbel ay naging napakabigat na.
Karamihan sa mga modelo ng makinang Smith ay nagsasama ng mga bloke , mga pampasak , o ibang mga kasangkapan na maaaring baguhin o galawin upang kusang huminto ang barbel sa loob ng isang itinakdang pinakamababang taas.
Pinatataas ng mga karagdagang mga kagamitang ito ang pagiging hindi mapanganib ng makinang Smith.
Dahil sa hindi ito babagsak paharap , patalikod , at patagilid , ang makinang Smith ay itinuturing na mas ligtas na gamitin kaysa isang ordinaryong barbel.
Dahil sa ang pabigat ay hindi kailangang patatagin , nakapagpapahintulot ang makinang ito na makapagbuhat ang hindi matatatag na mga mabubuhat na makapagbuhat na mas mabigat na pabigat.
Ngunit mayroong isang panganib na pagkawala ng lakas ng tagapagbuhat kung hindi tama ang paggamit ng makinang Smith.
Isa sa pangunahing mga balitaktakan ng mga tagapagtangkilik at hindi tagapagtaguyod ng makinang Smith ay ang kung nakalalamang o nakahihigit ba ang makinang ito kung ihahambing sa isang barbel na malaya ang kabigatan ( walang dinidikitang riles ).
Bagaman tila may mga benepisyo ang malalayang mga pabigat kaysa mga makinang Smith , maaaring labis ang ganitong pagpapahayag.
May mga mananaliksik sa Unibersidad ng Drake sa Iowa ng Estados Unidos na sinubok ang pahayag na ito at natuklasang ang mga tagapagbuhat ay nakapagbuhat ng mas maraming malalayang mga pabigat kaysa sa noong gumagamit sila ng makinang Smith.
Batay sa ulat ng Journal of Strength and Conditioning Research , ang puwersa pagdiin sa bangko ay nasa 16 % ang kalamangan para sa mga pagdiin sa bangko na may malayang pabigat kung ihahambing sa pagdiin sa bangko na ginagamitan ng makinang Smith.
Subalit ang puwersa sa pagtalungko ( squat ) na may makinang Smith ay nasa 4 % ang kahigitan kapag inihambing sa pagtalungkong may malayang pabigat.
Iniulat ng Men 's Health na ang patuwid na galaw sa makinang Smith ay isang hindi likas na kilos na nakatitigatig sa mga tuhod at sa pang - ibabang likod , at ang nakaugaliang mga pagtalungko ay nakalilikha ng 50 % mas maraming galaw ng masel sa mga kalamnan sa hita , na nakikilala bilang mga quadricep sa Ingles , kapag ginagawa ang pagtalungko na may tulong ng makinang Smith.
Dalubhasaang Saint Michael 's
Ang Saint Michael 's College ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Binan , Laguna , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1975 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Lourdes Almeda - Sese.
Poltri
Ang poltri ( Ingles : poultry ) ay tumuturing sa mga ibong inaalagaan sa bukirin , na karaniwang pinalalaki para ibenta , lutuin at kainin ang kanilang karne at itlog ng tao.
Kabilang sa mga poltri ang manok , pabo , gansa , bibe , pato at kalapati.
Kung minsan , ginagamit din ang salitang poltri bilang kasingkahulugan ng manukan.
Albert Sabin
Si Albert Bruce Sabin ( 26 Agosto 1906 - 3 Marso 1993 ) ay isang Amerikanong mananaliksik na pangmedisina na higit na nakikilala dahil sa paglikha at pagkakaapaunlad ng pambibig na bakuna sa polio.
Ipinanganak si Sabin sa Bialystok , Imperyong Ruso ( na ngayon ay Polonya ) mula sa mga magulang na mga Hudyong sina Jacob at Tillie Saperstein.
Noong 1922 , lumipat siya at kaniyang mag - anak sa Amerika.
Noong 1930 , siya ay naging isang mamamayang naturalisado ng Estados Unidos at binago niya ang kaniyang apelyido upang maging Sabin.
Shigeshoshi
Ang Shigeshoshi ay isang palabas sa telebisyon sa bansang Hapon.
Almir de Souza Fraga
Si Almir de Souza Fraga ( ipinaganak Marso 26 , 1969 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
Kagandahan
Ang ganda o kagandahan ( Ingles : beauty , charm ) ay isang katangian ng isang tao , hayop , lokasyon o pook , bagay , o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng kaligayahan , kahulugan , o pagkapuno ( satispaksiyon ).
Pinag - aaralan ang kagandahan bilang bahagi ng estetika , sosyolohiya , sikolohiyang panlipunan , at kalinangan.
Bilang isang nilikhang pangkultura , labis na naging komersyalisado ang kagandahan.
Isang katauhan o katawan ang " huwarang kagandahan " o " kagandahang ideyal " na hinahangaan , o nag - aangkin ng mga katangiang malawakan ibinubunton sa diwa ng kagandahan sa isang partikular na kultura , para sa perpeksiyon.
Kalimitang kinasasangkutan ang pagkaranas ng " kagandahan " ng pagkakaunawa ng ilang mga entidad bilang nasa loob ng balanse at harmoniya ng kalikasan , na maaaring humantong sa mga damdamin ng pagkaakit at mabuting kapakanang pangdamdamin.
Dahil sa isa itong karanasang nasa isip , personal , o pangsarili , malimit na sinsabing " ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin.
" Sa diwa nitong pinakamarubdob , maaaring magbunga ang kagandahan ng isang kapuna - punang karanasan ng positibong maingat na paglilimi hinggil sa kahulugan ng pansariling pag - iral.
Ang paksa ng kagandahan ay anumang bagay na nag - aalingawngaw ng kahulugang pansarili.
Kasingkahulugan ang salitang kagandahan ng maganda , kariktan , dilag , karilagan , bighani , alindog ; maaari ring katumbas ng inam , igi , kaigihan , bentahe , kalamangan , at aya.
Partikular na nangangahulugan ang alindog ng matinding kagandahan o napakaganda , na katumbas din ng mga salitang dikit at dingal.
Katumbas ng maalindog ang pagiging kaakit - akit.
Bukod sa kagandahan , maaari ring tumukoy ang alindog sa karinyo , lambing , kalinga , bait , o kaya sa papuring paimbabaw o tuya.
Galyo ( elemento )
Ang Galyo ay isang kemikal na elemento na may sagisag na Ga at atomic number 31.
Ito ay nandoon sa group 13 ng talaang peryoiko , at may halintulad ng mga ibang metal sa pangkat na ito : aluminium , indium , and thallium.
Diyos ng digmaan
Ang diyos ng digmaan ay maaaring tumukoy sa :.
Cherukupalle mandal
Ang Cherukupalli mandal ay isang village sa Guntur district ng estado ng Andhra Pradesh.
Partikula
Sa pisika , ang partikulo ( sa Ingles : particle ) ay isang maliit na bagay na matatagpuan sa isang lokal na lugar at maaaring ilarawan ng ilang mga katangiang pisikal gaya ng masa o bolyum.
Prepusyo ng tinggil
Sa anatomiya ng babaeng tao , ang prepusyo ng ulo ng tinggil , prepusyo ng tinggil , o suklob ng kuntil ( Ingles : clitoral hood ) ay ang tiklop ng balat na nakapalibot at pumuprutekta sa tinggil.
Tinatawag pa rin itong pandong ng tinggil o kaputsa ng tungkil , o kaya pindong ng tinggil.
Nabubuo ito bilang bahagi ng maliit na mga labi ng puke at katumbas ng prepusyo ng titi ng mga lalaking tao.
Nagiging lubos na pangkaraniwan ang paglalagay ng butas sa prepusyo ng tinggil para kabitan ng hikaw , katulad ng paglalagay ng butas ng tainga.
Bagaman hindi masyadong pangkaraniwan , pinipili ng ibang mga babae ang pagbabawas o pagaalis ng prepusyo ng tinggil upang palagiang nakabuyangyang ang bahagi o lahat ng ulo ng tinggil.
Halos katumbas ng pagtutuli sa mga kalalakihan ang paraang ito subalit hindi dapat maging sanhi ng kalituhan kung ihahambing sa ibang mga mas mabalasik na mga pamamaraan.
Maaaring magsalsal ang mga babaeng may mas malalaking prepusyo sa pamamagitan ng paghimas sa ulo ng tinggil ( Ingles : clitoris ).
Hinahaplos naman ng mga babaeng may mas lipos na istruktura bilang iisang kasangkapan ang ulo ng tinggil at ang prepusyo ng ulo ng tinggil.
Masyadong maramdamin o sensitibo ang ulo ng tinggil kung aangating binabatak paggawing likod ang prepusyo ng tinggil.
Wikang Gitnang Bikol
Ang Gitnang Bikol ay ang pinakasinasalitang wika sa Rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon.
Ginagamit ito sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur , sa ikalawang distrito pangkinatawan ng Camarines Norte , silangang bahagi ng Albay , hilagang - silangang bahagi ng Sorsogon , sa bayan ng San Pascual sa Masbate , at timog - kanlurang bahagi ng Catanduanes.
Nakabatay ang pamantayan nito sa diyalektong sinasalita sa bayan ng Canaman.
Ang Bikol - Naga , isang diyalekto sa Coastal Bikol na nakabatay sa Canaman , Camarines Sur at ang pundasyon ng Pamantayang Bikol , kasama ng Bikol - Legazpi , na nakabatay sa Lungsod ng Legazpi , ay nauunawaan ng halos lahat ng mananalita ng Bikolano.
Sinasalita ito sa una at ikalawang distrito ng Camarines Sur ( maliban sa bayan ng Del Gallego , kung saan ang mga naninirahan dito ay mananalita ng wikang Tagalog ) at sa bayan ng San Pascual sa lalawigan ng Masbate.
Ang Bikol - Legazpi ay sinasalita sa silangang bahagi ng Albay at sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Sorsogon.
Ang iba pang mga diyalekto ay kinabibilangan ng Bikol - Daet , na sinasalita sa Daet at sa mga kalapit na bayan sa Camarines Norte , at ang Bikol - Partido , na sinasalita sa ika - apat na distrito ng Camarines Sur at sa Virac , San Andres at sa katimugang bahagi ng Caramoran sa Catanduanes.
Briar Flower
Ang Briar Flower ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.